





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Tunay na sa pagitan ng tao at ng shirk at kawalang-pananampalataya ay ang pag-iwan sa ṣalāh."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pag-iwan sa ṣalāh na isinatungkulin. Nagpabatid siya na sa pagitan ng tao at ng pagkasadlak sa shirk at kawalang-pananampalataya ay ang pag-iwan sa ṣalāh. Ang ṣalāh ay ang ikalawang haligi mula sa mga haligi ng Islām at ang pumapatungkol dito ay dakila sa Islām. Kaya ang sinumang nag-iwan nito habang nagkakaila sa pagkakinakailangan nito ay tumangging sumampalataya ayon sa pagkakaisa ng hatol ng mga Muslim. Kung nag-iwan siya nito nang lubusan dala ng pagwawalang-bahala at katamaran, siya ay tagatangging sumampalataya. Naipaabot ang pagkakaisa ng hatol ng mga Kasamahan doon. Kung siya naman ay nag-iiwan nito paminsan-minsan at nagdarasal paminsan-minsan, siya ay malalantad sa matinding bantang ito.
Ayon kay Buraydah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang kasunduan na nasa pagitan natin at nila ay ang ṣalāh. Kaya ang sinumang umiwan nito ay tumanggi ngang sumampalataya."}
Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, Imām Ibnu Ma`jah, at Imām AḥmadNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang kasunduan at ang tipan sa pagitan ng mga Muslim at ng nga iba sa kanila kabilang sa mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw ay ang ṣalāh. Kaya naman ang sinumang nag-iwan nito ay tumanggi ngang sumampalataya.
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay sumasaway sa inyo na manumpa kayo sa mga magulang ninyo." Nagsabi si `Umar (malugod si Allāh sa kanya): "Kaya sumpa man kay Allāh, hindi ako sumumpa sa mga ito, magmula ng narinig ko ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sumaway laban sa mga ito, habang bumabanggit ni habang nag-uulat."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakataas Siya) ay sumasaway laban sa panunumpa sa mga magulang. Kaya ang sinumang ninais ang manumpa, huwag siyang manumpa kundi kay Allāh at huwag siyang manumpa sa iba pa sa Kanya. Pagkatapos binanggit ni `Umar bin `Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na siya ay hindi nanumpa sa mga ito, magmula ng narinig niya ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sumasaway laban doon: hindi habang nananadya ni habang nagpapaabot buhat sa iba pa sa kanya ng panunumpa nito sa iba pa kay Allāh.
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)': "Ang una sa huhusgahan sa mga tao sa Araw ng Pagbangon ay kaugnay sa [pagpapadanak ng] mga dugo."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoBinanggit ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang una sa hahatulan sa mga tao kaugnay sa kawalang-katarungan ng iba sa kanila sa iba pa sa Araw ng Pagbangon ay kaugnay sa mga dugo gaya ng pagpatay at pagsugat.
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Naparaan ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa dalawang libingan saka nagsabi siya: "Tunay na silang dalawa ay talagang pinagdurusa. Hindi silang dalawa pinagdurusa kaugnay sa isang malaking kasalanan. Hinggil sa isa sa kanilang dalawa, siya noon ay hindi nagtatakip sa pag-ihi. Hinggil naman sa isa pa, siya noon ay naglalako ng paninirang-puri." Pagkatapos kumuha siya ng isang sariwang palapa saka naghati siya nito sa dalawang hati saka nagtusok sa bawat libingan ng isa. Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, bakit mo ginawa iyan?" Nagsabi siya: "Harinawang iyan ay magpapagaan para sa kanilang dalawa hanggat hindi natuyo."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaparaan ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa dalawang libingan saka nagsabi siya: Tunay na ang dalawang nakalibing sa dalawang libingang ito ay talagang pinagdurusa. Hindi silang dalawa pinagdurusa kaugnay sa isang malaking bagay sa paningin ninyo, kahit pa ito ay malaki sa ganang kay Allāh. Hinggil sa isa sa kanilang dalawa, siya noon ay hindi nagpapahalaga sa pag-iingat sa katawan niya at mga kasuutan niya sa talsik ng ihi kapag tumutugon siya sa tawag ng kalikasan niya. Ang isa naman ay naglalako noon ng paninirang-puri sa mga tao sapagkat nagpapaabot siya ng pananalita ng ibang tao nang may pakay na makapinsala at makapagsadlak ng alitan at panlilibak sa pagitan ng mga tao.
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya): {May isang lalaking nagtanong sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa Huling Sandali sapagkat nagsabi ito: "Kailan po ang Huling Sandali?" Nagsabi siya: "At ano ang inihanda mo para rito?" Nagsabi ito: "Walang anuman maliban na ako ay umiibig kay Allāh at sa Sugo Niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)." Nagsabi naman siya: "Ikaw ay kasama ng sinumang inibig mo."} Nagsabi si Anas: {Kaya hindi kami natuwa sa anuman gaya ng pagkatuwa namin sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ikaw ay kasama ng sinumang inibig mo."} Nagsabi si Anas: {Ako ay umiibig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at kina Abū Bakr at `Umar at umaasa ako na ako ay maging kasama sa kanila dahil sa pag-ibig ko sa kanila, kahit hindi ako nakagawa ng tulad sa mga gawa nila.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoMay nagtanong sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na isang lalaking Arabeng disyerto, na kabilang sa mga naninirahan sa disyerto, tungkol sa oras ng Huling Sandali. Nagsabi naman dito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "At ano ang inihanda mo para rito na maayos na gawa?" Nagsabi ang tagapagtanong: "Hindi ako naghanda para rito ng isang malaking gawa maliban na ako ay umiibig kay Allāh at sa Sugo Niya." Hindi siya bumanggit ng iba pa rito na mga pagsambang pampuso, pangkatawan, at pampananalapi dahil ang mga ito sa kabuuan ng mga ito ay mga sangay ng pag-ibig, na inireresulta sa mga ito, at dahil ang pag-ibig na tapat ay tagapag-udyok sa pagsusumikap sa gawang maayos. Kaya nagsabi sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ikaw ay kasama ng iniibig mo sa Paraiso." Kaya natuwa ang mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa nakagagalak na balitang ito nang matinding pagkatuwa. Pagkatapos nagpabatid si Anas (malugod si Allāh sa kanya) na siya ay umiibig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at kina Abū Bakr at `Umar at umaasa na siya ay maging kasama sa kanila, kahit pa ang gawa niya ay hindi tulad ng gawa nila.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ba ako magsasanaysay sa inyo ng isang sanaysay tungkol sa Bulaang Kristo (Masīḥ Dajjāl), na walang nagsanaysay hinggil sa kanya na isang propeta sa mga tao nito? Tunay na siya ay kirat. Tunay na siya ay maghahatid kasama niya ng tulad ng Paraiso at Impiyerno, ngunit ang sinasabi niya na ito ay ang Paraiso ay ang Impiyerno. Tunay na ako ay nagbababala sa inyo kung paanong nagbabala hinggil sa kanya si Noe sa mga tao nito."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya tungkol sa Bulaang Kristo, mga katangian nito, at mga tanda nito ng hindi nagsanaysay hinggil dito ang isang propeta bago niya. Kabilang doon: Tunay na siya ay kirat ang mata. Tuna na si Allāh ay naglagay kasama sa kanya ng tulad ng Paraiso at Impiyerno alinsunod sa pagkakita ng mata. Subalit ang paraiso niya ay impiyerno at ang impiyerno niya ay paraiso. Ang sinumang tumalima sa kanya ay papapasukin niya sa paraisong ito ayon sa makikita ng mga tao subalit ito pala ay impiyernong tagasunog. Ang sinumang sumuway sa kanya ay papasukin niya sa impiyerno ayon sa makikita ng mga tao subalit ito pala ay paraisong kaaya-aya. Pagkatapos nagbigay-babala sa atin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa tukso niya kung paanong nagbigay-babala si Noe sa mga tao nito.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang tao ay natatangay ng relihiyon ng matalik na kaibigan niya kaya tumingin ang isa sa inyo sa kung kanino siya matalik na nakikipagkaibigan."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām AḥmadNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang tao ay nakikiwangis sa kaibigan niya at kasamahan niyang dalisay sa pamumuhay nito at gawi nito. Nakaaapekto ang pagkakaibigan sa mga kaasalan, pag-uugali, at mga pag-asta. Dahil dito, gumabay siya tungo sa pagpili ng kaibigan dahil ang tao ay naggagabay sa kaibigan nito sa pananampalataya, patnubay, at kabutihan at ito ay nagiging isang tulong sa kaibigan nito.
Ayon kay Abu Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Magdali-dali kayo sa mga [maayos na] gawain [bago ng pagdapo ng] mga ligalig gaya ng mga piraso ng gabing nagpapadilim, na uumagahin ang lalaki bilang isang mananampalataya at gagabihin siya bilang isang tagatangging sumampalataya o gagabihin siya bilang isang mananampalataya at uumagahin siya bilang isang tagatangging sumampalataya, na nagbebenta ng Relihiyon niya kapalit ng isang paninda mula sa kamunduhan."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimHumihimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mananampalataya sa pakikipagmabilisan at pagpaparami ng mga maayos na gawain bago ng pagsasaimposible ng mga ito at pagkaabala palayo sa mga ito dahil sa pagdating ng mga sigalot at mga mapaghihinalaan na pipigil sa mga ito at babalakid sa mga ito. Ito ay dilim na gaya ng mga piraso ng gabi, na magkakahalu-halo sa mga ito ang katotohanan at ang kabulaanan, kaya hihirap sa mga tao ang pag-alam sa kaibahan sa pagitan ng dalawang ito. Dahil sa katindihan ng mga ito, matutuliro ang tao hanggang sa tunay na siya ay uumagahin bilang isang mananampalataya at gagabihin bilang isang tagatangging sumampalataya o gagabihin bilang isang mananampalataya at uumagahin bilang isang tagatangging sumampalataya, na mag-iiwan ng Relihiyon niya kapalit ng naglalahong natatamasa mula sa kamunduhan.