





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay `Abdurrahman bin Yazid Annakha`iy:(( Tunay na siya ay nagsagawa ng Hajj kasama si Mas`ud,nakita niya ito na bumabato sa Jamrat Al-Kubra ng maliliit na bato:Tumayo siya na ang Ka`bah ay nasa bandang kaliwa niya at ang Mina ay nasa bandang kanan niya;Pagkatapos ay sinabi niyang:Ito ang lugar kung saan ay ipinahayag sa kanya ang Surah Al-Baqarah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan))
Napagkaisahan ang katumpakan.Ang pagbabato ng maliliit na bato sa Araw ng Pag-alay at Ayyamu Tashriq ay isang banal na pagsamba;ito ay nagpapahiwatig sa kahulugan ng pagpapakumbaba kay Allah-pagkataas-taas Niya,at pagsasakatuparan sa Kanyang mga kautusan at pagsunod kay Propeta-Ibrahim na Kaibigan [ng Allah]-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga;At ang unang-unang gawain na sisimulan ng taong nagsasagawa ng Hajj sa Araw ng Pag-alay ay ang pagbato sa Jamrat Al-Kubra,upang maging pambungad sa mga gawain sa banal na araw na ito,Tatayo siya mula sa kinatatayuan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kung saan ang Maluwalhating Ka`bah ay nasa bandang kaliwa niya at ang Mina ay nasa bandang kanan niya,hinarap niya ito at ibinato ang pitong piraso ng maliliit na bato,at sinasabi ang Allahu Akbar sa bawat bato;tulad ng pagtayo ni Ibn Mas`ud-malugod si Allah sa kanya,at nanumpa siya na ito ang lugar kung saan ay ipinahayag sa kanya ang Surat Al-Baqarah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya.((Tunay na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagpadala ng isang lalaki sa hukbo [ng mga kawal],at siya ay nagbabasa sa mga kasamahan niya sa pagdarasal nila,at tinatapos niya sa "Ipagbadya (O Muhammad) siya si Allah ang Nag-iisa" At nang umuwi sila binanggit nila ito sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya: Tanungin ninyo siya kung bakit niya iyon ginawa? Nagtanong sila sa kanya,Nagsabi siya: Dahil ito ay Katangian ni Allah {Ang Mahabagin}-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan-kaya inibig ko na basahin ito,Ang sabi ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ipaalam ninyo sa kanya : Tunay na si Allah ay iniibig siya))
Napagkaisahan ang katumpakan.Inutusan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang mga ilang kasamahan niya sa mga hukbo upang mamahala sa kanila at maghatol sa pagitan nila,at nang sa gayun ay hindi maging magulo ang kalagayan nila,at mamimili siya sa [sinong may] pinakamalakas sa kanila sa Relihiyon at kaalaman at pamamahala,kung-kaya`t ang mga Pinuno ay sila rin ang Imam sa pagdadasal,at nagbibigay ng mga Hatol dahil sa kainaman ng kaalaman nila at relihiyon [pananampalataya] nila,At siya ay nagbabasa ng "Ipagbadya (O Muhammad) siya si Allah ang Nag-iisa" sa ikalawang tindig mula sa bawat dasal,Dahil sa pagmamahal niya sa Allah at sa mga Pangalan Niya at sa mga Katangian Niya.At sinuman ang mag-ibig sa isang bagay,pararamihin niya ang pagbabanggit rito.At nang sila ay bumalik sa kanilang pandarambong sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,binanggit nila ito,Nagsabi siya:Tanungin ninyo siya,kung bakit niya ito ginagawa?Ito ba ay tunay na nagkataon [lamang] o mga bagay na panggamot?Nagsabi ang pinuno:Ginawa ito dahil sa napapaloob nitong mga katangian ni Allah [Ang mahabagin]-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan,kaya inibig kong ulit-ulitin ito doon,Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:Sabihin ninyo sa kanya,na tulad ng pag-uulit niya sa kabanatang ito dahil sa pag-ibig niya rito;at ito ay dahil sa napapaloob niyang mula sa mga katangian ni Allah-Ang Dakila,na nagpapahiwatig rito sa mga Pangalan Niyang nabanggit-Na tunay na si Allah ay iniibig siya,At ano paba ang hihigit rito mula sa mga kainaman
Ayon kay Al-Bara` bin Azib-malugod si Allah sa kanilang dalawa-siya ay nagsabi:((Mayroong isang lalaki na nagbabasa ng Kabanata ng Kahf,at mayroon siyang kabayo na nakatali sa dalawang lubid,at natakpan ito ng ulap,at itoy lumalapit,at tumakbo ang kabayo,papalayo rito,At nang kina-umagahan,dumating ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,at binanggit niya ito sa kanya,Nagsabi siya:(( Ang yaong katahimikan,ay bumaba dahil sa Qur-an))
Napagkaisahan ang katumpakan.Nabanggit ni Barra` bin A`zib-malugod si Allah sa kanya-isang kwentong nakakamangha na nangyari sa panahon ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na kung saan ,mayroong isang lalaki na nagbabasa ng Surat Al-Kahf, at sa tabi nito ay kabayo na nakatali sa lubid,at natakpan ito ng bagay na tulad ng lilim,at ginawa nitong lumapit ng lumapit,At natakot ang kabayo sa nakita niya at tumakbo,At nang kina-umagahan ang lalaki,Dumating ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at binanggit niya ito,Ipinahayag sa kanya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na ang yaong katahimikan ay bumaba ng basahin ang Qur-an,bilang kabutihang-loob sa isang kasamahan ng Propeta,na nagbabasa(Qur-an) at pagsasaksi mula kay Allah-Pagkataas-taas Niya,na ang salita Niya ay totoo,at ang lalaki ay si Usayd bin Hudhayr-malugod si Allah sa kanya.
Ayon kay Abu Musa Al-Ash-Arie-malugod si Allah sa kanya-Na ang Sugo ni Allah -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay nagsabi sa kanya:(( Tunay na pinag-kalooban ka ng magandang tinig (boses) mula sa mga magagandang tinig(boses) ni Propeta Dawud)), At sa salaysay ni Imam Muslim:Na ang Sugo ni Allah -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi sa kanya:(( Kung nakita molang ako habang ako ay nakikinig sa pagbabasa mo kagabi))
Napagkaisahan ang katumpakan.Ayon kay Abu Musa Al-Ash-Arie-malugod si Allah sa kanya-Na ang Sugo ni Allah -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sinabi niya sa kanya nang marinig niya ang pagbabasa nitong napaganda na (Malumanay at Dahan-dahan na)pagbabasa:(( Tunay na pinag-kalooban ka ng magandang tinig (boses) mula sa mga magagandang tinig(boses) ni Propeta Dawud)),At ang sinabi nito na:"Tunay na pinag-kalooban ka";Ay;Nabigyan ka;"ng magandang tinig(boses) mula sa mga magagandang tinig( boses) ni Propeta Dawud" Ay;Si Propeta Dawud sa sarili nito,At si Propeta Dawud ay nagtataglay ng mabuti ,maganda, malakas (at manipis na tinig).Hanggang sa Sinabi ni Allah-Pagkataas-taas Niya:" O kayong mga Kabundukan! Luwalhatiin ninyo(Si Allah) na kasama siya!Gayundin kayong mga Ibon!At Ginawa Namin ang Bakal na malambot sa kanya," Saba`;10;At ang letrang AL.si pulano na minsan ay tinutukoy ang sariling pagkatao nito,Sapagkat kahit isa sa kanila ay hindi nabiyayaan ng magandang boses tulad ng pagbiyaya kay Propeta Dawud.
Ayon kay An-Nawās bin Sam`ān, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Narinig ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagsasabi: "Dadalhin sa Araw ng Pagkabuhay ang Qur'ān at ang mga alagod nitong nagsasagawa nito noon sa Mundo, na pinangungunahan ng Sūrah Al-Baqarah at Sūrah Āl `Imrān na nagtatalo hinggil sa tagapagpatupad nilang dalawa."
Nagsalaysay nito si Imām Muslim.Ayon kay An-Nawās bin Sam`ān, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Narinig ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagsasabi: "Dadalhin sa Araw ng Pagkabuhay ang Qur'ān at ang mga alagod nitong nagsasagawa nito noon sa Mundo, na pinangungunahan ng Sūrah Al-Baqarah at Sūrah Āl `Imrān na nagtatalo hinggil sa tagapagpatupad nilang dalawa."
Ayon kay 'Abdullāh bin Abē Bakar bin Hazm; Tunay na napapaloob sa aklat na isinulat ng Sugo ni Allāh pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-kay 'Amr bin Hazm:((Ang hindi hawakan ang Qur-ān maliban sa taong dalisay))
Isinaysay ito ni Imām Mālik.Ang kahulugan ng Hadith:" Napapaloob sa aklat na isinulat ng Sugo ni Allāh pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-kay 'Amr bin Hazm" Ibig sabihin ang Propeta pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-ay sumulat ng isang sulat kay 'Amr bin Hazm nang siya ay [nakatalagang] Tagahatol sa Najrān,sumulat siya sa kanya ng mahabang sulat at naglalaman ito ng napakaraming panuntunan sa Batas ng Islam,tulad ng Farāid [Pagbabahagi sa mana ng patay], Mga Kawanggawa at Diyāt [ Kabayaran sa nagawang krimen].at ito ay kilalang aklat na tinanggap ng Ummah."Ang hindi hawakan ang Qur-ān maliban sa [taong] dalisay" At ipinapahiwatig sa paghawak rito ay ang hawakan niya ito sa kamay na walang nakakahadlang, At dahil dito: Ang paghawak nito sa likod ng [anumang bagay na] nakakahaadlang ay nahihiwalay rito, Tulad halimbawa ng; kapag siya ay nagdala nito sa loob ng sopot o bag o binaliktad ang mga pahina nito gamit ang patpat o mga tulad pa nito, ito ay hindi kasali sa ipinagbabawal, dahil hindi nangyari ang paghawak.At ang ipinapahiwatig sa Qur-ān rito ay ang anumang bagay na nakasulat rito ang Qur-ān, tulad ng mga tablets, papel,at mga balat, at iba pa.At hindi ang nais ipahiwatig rito ay salita, Dahil ang salita ay hindi nahahawakan, kundi naririnig." Maliban sa [taong] dalisay" at ang salitang ito ay may kasamang apat na bagay: Una; Ang ipinapahiwatig sa dalisay ay ang Muslim; Tulad ng sinabi ni Allāh-Pagkataas-taas Niya:{ Katotohanang ang mga nagtatambal [sa pagsamba sa Allāh] ay marurumi} Ang pangalawa:Ang ipinapahiwatig rito ay ang [taong] dalisay mula sa karumihan; Tulad ng sinabi niya-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-tungkol sa pusa:" Tunay na ito ay marumi" Ang pangatlo:Ang ipinapahiwatig rito ay ang [taong] dalisay mula sa pagiging Junub [ pakikipagtalik], Ang pang -apat: Ang ipinapahiwatig sa [taong] dalisay ; ay ang nakapagsagawa ng wudhu.Ang lahat ng kahulugang ito para sa kadalisayan sa Islam ay maaaring mangyari sa ipinapahiwatig ng Hadith na ito, at wala kaming linalamangan na isang kahulugan sa iba nito,kayat ang nangunguna ay ang pagbibigay kahulugan sa pinakamababa na pagpapahulugan rito;at ito ay ang taong nakagawa ng maliit na Hadath;sapagkat ito ang katiyakan,at ito ang sumasang-ayon sa napagkaisahan ng Jumhur,at kabilang sa kanila ay ang apat na Imam at ang mga sumunod sa kanila;at ito ang napili at angpinaka-una
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allah sa kanya, ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Tunay na si Allah ay nag-aangat ng mga tao sa pamamagitan ng Aklat na ito at nagbababa ng mga iba sa pamamagitan nito."
Nagsalaysay nito si Imām Muslim.Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allah sa kanya, ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Tunay na si Allah ay nag-aangat ng mga tao sa pamamagitan ng Aklat na ito at nagbababa ng mga iba sa pamamagitan nito." Nangangahulugan ito na ang Qur'an na ito ay tinatangkilik ng mga taong bumibigkas nito at bumabasa nito. Mayroon sa kanilang inaangat ni Allah sa pamamagitan nito sa Mundo at Kabilang-buhay. Mayroon sa kanilang ibinababa ni Allah sa pamamagitan nito sa Mundo at Kabilang-buhay. Ang sinumang gumawa ayon sa Qur'an na ito bilang pagpapatotoo sa mga nilalaman nito, bilang pagpapatupad sa mga kautusan nito, bilang pag-iwas sa mga sinasaway nito, bilang gabay na gumagabay sa kanya, at bilang pagsasaasal sa ihinatid nito na mga kaasalan na pawang mga kaasalang mabuti, tunay na si Allah, pagkataas-taas NIya, ay mag-aangat sa kanya sa pamamagitan nito sa Mundo at Kabilang-buhay. Iyon ay dahil sa ang Qur'an na ito ay ang ugat ng kaalaman at ang bukal ng kaalaman at lahat ng kaalaman. Nagsabi nga si Allah, pagkataas-taas Niya: "iaangat ni Allah sa mga antas ang mga sumampalataya na kabilang sa inyo at ang mga binigyan ng kaalaman." (Qur'an 58:11) Sa Kabilang-buhay naman, mag-aangat si Allah sa pamamagitan nito ng mga tao sa mga Paraiso ng Lugod. Ang mga ibababa naman ni Allah ay mga taong nagbabasa ng Qur'an at hinuhasayan ang pagbabasa nito ngunit sila ay nagmamalaki rito - magpakupkop kay Allah - hindi naniniwala sa mga nilalaman nito at hindi isinasagawa ang mga patakaran nito. Nagmamalaki sila rito sa gawa at ikinakaila nila ito sa nilalaman nito. Kapag dinatnan sila ng anuman mula sa Qur'an gaya ng mga kasaysayan ng mga naunang propet o iba pa sa kanila o tungkol sa Kabilang-buhay o anumang nakawangis niyon, sila - magpakupkop kay Allah - ay nagdududa roon at hindi sumasampalataya. Marahil ihahatid pa sila ng kalagayan sa pagkakaila gayong sila ay nagbabasa ng Qur'an. Sa mga patakaran ng Qur'an ay nagmamalaki sila at hindi sumusunod sa ipinag-uutos nito at hindi tumitigil sa sinasaway nito. Ang mga ito ay ibababa ni Allah sa Mundo at Kabilang-buhay - magpakupkop kay Allah. Tingnan: Sharḥ Riyāḍ Aṣ-Ṣāliḥīn: 645-647-4.
Ayon kay Abē Hurayrah malugod si Allah sa kanya Nagsabi siya:Nagsabi ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: Kapag binasa ninyo ang: Ang lahat ng Papuri ay sa Allah, ay basahin ninyo ang: Sa ngalan ng Allah Ang Mahabagin Ang Maawain}. Ito ang Ina ng Qur-an at Ina ng Aklat at Ang Pitong Papuri,At {Sa Ngalan ng Allah Ang Mahabagin Ang Maawain} at isa rito.
Isinaysay ito ni Imam Al-BayhaqieIpinapahayag sa Marangal na Hadith ang pagpapahintulot sa pagbabasa ng Sa Ngalan ng Allah bago ang Al-Fātihah,sa pagdadasal ;at ipinaliwanag doon na ito ay bahagi ng Kabanata ng Al-Fātihah,at ang nais ipahiwatig sa pagbabasa nito ay sekreto at Hindi hayag, at tunay na naisalaysay ang Hindi paghahayag sa mga Hadith na mas marami at mas tumpak,At Nagsabi si Attahāwīy: Katotohanan na ang pag-iwan ng Sa ngalan ng Allah, sa pagdadasal ay Naisalin [ng mga lipon ng tao] buhat sa Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan at sa mga Khalīfah niya [Pinuno ng mga Muslim pagkaraan ng pagkamatay niya].
Ayon kay `Abdullāh ibnu `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: Si `Umar, malugod si Allāh sa kanya, ay nagpapalahok sa akin kasama ng mga nakatatanda ng Badr kaya para bang ang ilan sa kanila ay nakatagpo sa sarili niya [ng pagkainis] at nagsabi: "Bakit siya nagpapalahok nito kasama natin samantalang tayo ay may mga anak na tulad niya?" Nagsabi si `Umar: "Tunay na siya ay alinsunod sa nalaman ninyo." Tinawag niya ako isang araw at pinalahok niya ako kasama nila at hindi ko itinuturing na siya ay tumawag sa akin sa araw na iyon malibang upang ipakita niya sa kanila. Nagsabi siya: "Ano ang masasabi ninyo sa sabi ni Allah (Qur'ān 110:1): Kapag dumating ang pagpapawagi ni Allah at ang pagsakop..." Nagsabi ang ilan sa kanila: "Inutusan tayo na magpuri kay Allah at humingi ng tawad sa Kanya kapag nagwagi tayo at pinasakop sa atin." Nanahimik ang ilan sa kanila at hindi nagsabi ng anuman. Nagsabi siya sa akin: "Gayon ba ang sasabihin mo Ibnu `Abbās?" Nagsabi ako: "Hindi po." Nagsabi siya: "Kaya ano ang sasabihin mo?" Nagsabi ako: "Ito ay taning ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan; ipinaalam iyon sa kanya." Nagsabi si [Allah]: "Kapag dumating ang pagpapawagi ni Allah at ang pagsakop" - iyan ay tanda ng taning mo - "magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Panginoon mo at humingi ka ng tawad sa Kanya. Tunay na Siya ay laging Mapagpatawad." Kaya nagsabi si `Umar, malugod si Allāh sa kanya: "Wala akong nalalaman mula roon maliban sa sinasabi mo."
Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy.Kabilang noon sa patnubay ni `Umar, malugod si Allāh sa kanya, na ito ay sumasangguni sa mga tao, sa mga may matalinong pananaw, kaugnay sa anumang nagdudulot ng suliranin sa kanya. Inilalahok niya noon kasama ng mga nakatatanda ng Badr, na mga pangunahing Kasamahan, si `Abdullāh ibnu `Abbās. Siya noon ay bata ang edad kung ihahambing sa mga ito kaya nagalit ang mga ito doon. Papaanong inilalahok si Ibnu `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, at hindi inilalahok ang mga anak nila kaya ninais ni `Umar na ipakita sa kanila ang kalagayan ni `Abdullāh ibnu `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa, sa kaalaman, katalinuhan, at kahusayan kaya tinipon nito sila at tinawag siya. Inilahad nito sa kanila ang Kabanata 110 ng Qur'ān: "Kapag dumating ang pagpapawagi ni Allah at ang pagsakop, at nakita mo ang mga tao na pumapasok sa Relihiyon mula kay Allah na mga pulu-pulutong, ay magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Panginoon mo at humingi ka ng tawad sa Kanya. Tunay na Siya ay laging Mapagpatawad." Nahati sila sa dalawang bahagi noong tinanong nito sila tungkol doon kung ano ang masasabi nila kaugnay roon? May isang bahaging nanahimik at may isang bahaging nagsabi: "Tunay na si Allah ay nag-utos sa atin, kapag dumating ang pagwawagi at ang pagsakop, na humingi tayo ng tawad sa mga pagkakasala natin, magpuri tayo sa Kanya, at magluwalhati sa Kanya kalakip ng papuri sa Kanya." Subalit si `Umar, malugod si Allāh sa kanya, ay nagnais na malaman kung ano ang pinatutungkulan ng kabanatang ito at hindi niya ninais na malaman ang kahulugan nito alinsunod sa mga pananalita at mga salita. Tinanong nito si Ibnu `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Ano ang masasabi mo sa kabanatang ito?" Nagsabi siya: "Ito ay taning ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: ang tanda ng paglapit ng taning niya, na ibinigay ni Allah sa kanya bilang talata [ng Qur'ān]: 'Kapag dumating ang pagpapawagi ni Allah at ang pagsakop...' Tinutukoy nito ang pagsakop sa Makkah sapagkat tunay na iyon ay tanda ng taning mo: 'magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Panginoon mo at humingi ka ng tawad sa Kanya. Tunay na Siya ay laging Mapagpatawad.'" Kaya nagsabi ito: "Wala akong nalalaman kaugnay rito maliban sa nalaman mo." Lumitaw sa pamamagitan niyon ang kalamangan ni Allah, malugod si Allah sa kanilang dalawa.