





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya: "Tunay na si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ay nagpasunud-sunod ng pagsisiwalat sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, bago ang pagpanaw nito hanggang sa pumanaw ito sa pinakamadalas nangyayari ang pagsisiwalat."
Napagkaisahan ang katumpakanNagpadalas si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ng pagpapababa ng pagsisiwalat sa Sugo Niya, pagpalain Niya ito at pangalagaan, bago ang pagpanaw nito upang mabuo ang Batas ng Islām. Ito ay hanggang sa pumanaw ang Sugo, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa panahon ng kadalasan ng pagbaba ng pagsisiwalat.
Ayon kay Abū Umāmah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Narinig ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsasabi: Bigkasin ninyo ang Qur'an sapagkat tunay na ito ay darating sa Araw ng Pagkabuhay bilang tagapamagitan sa mga tagatangkilik nito."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimHinimok ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang kalipunan niya na bigkasin ang Qur'an sapagkat kapag sumapit na ang Araw ng Pagkabuhay, gagawin ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ang gantimpala sa pagbigkas ng Qur'an na ito na isang bagay na umiiral, na darating sa Araw ng Pagkabuhay na namamagitan sa mga bumigkas dito, mga nagpapakaabala rito, at mga kumakapit sa mga utos nito at mga pagbabawal nito.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Huwag kayong gumawa sa mga bahay ninyo bilang mga libingan; tunay na ang demonyo ay lumalayo sa bahay na binibigkas doon ang Kabanatang Al-Baqarah."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimSumasaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pag-aalis ng ṣalāh sa mga bahay kaya ang mga ito ay nagiging gaya ng mga sementeryo na hindi pinagsasagawaan ng ṣalāh. Pagkatapos nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang demonyo ay lumalayo sa bahay na binibigkas doon ang Kabanatang Al-Baqarah.
Ayon kay Abū Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang bumigkas sa dalawang talata mula sa hulihan ng Kabanatang Al-Baqarah sa isang gabi ay makakasapat ang dalawang ito sa kanya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang bumigkas ng dalawang huling talata ng Kabanatang Al-Baqarah sa gabi, tunay na si Allāh ay magbibigay-kasapatan sa kanya laban sa kasamaan at kinasusuklaman. Sinabing magbibigay-kasapatan ito sa kanya katumbas ng pagdarasal sa gabi. Sinasabi ring magbibigay-kasapatan ito sa kanya katumbas ng nalalabi sa mga dhikr. Sinabi ring ang dalawang talatang ito ay ang pinakakaunti na sasapat sa pagbigkas ng Qur'ān sa pagdarasal sa gabi. Sinabi rin ang iba pa roon. Marahil ang lahat ng binanggit ay tumpak na sumasaklaw rito ang pananalita.
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)': "Ang sinumang bumigkas ng isang titik mula sa Aklat ni Allāh ay magkakaroon siya dahil dito ng isang gawang maganda. Ang gawang maganda ay [may gantimpalang] katumbas sa sampung tulad nito. Hindi ko sinasabing ang alif lām mīm ay isang titik, bagkus ang alif ay isang titik, ang lām ay isang titik at ang mīm ay isang titik."}
Nagsalaysay nito si Imām At-TirmidhīyNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang bawat Muslim na bumibigkas ng isang titik mula sa Aklat ni Allāh ay magkakaroon dahil dito ng isang gawang maganda. Pag-iibayuhin para sa kanya ang pabuya hanggang sa sampung tulad nito. Pagkatapos nilinaw niya iyon sa sabi niya: "Hindi ko sinasabing ang alif lām mīm ay isang titik, bagkus ang alif ay isang titik, ang lām ay isang titik at ang mīm ay isang titik." Kaya ang mga ito ay tatlong titik, na sa mga ito ay may tatlumpung gawang maganda.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: {Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): "Hinati Ko ang ṣalāh sa pagitan Ko at ng lingkod Ko sa dalawang kalahati at ukol sa lingkod Ko ang hiniling nito." Kaya kapag nagsabi ang lingkod: {2. Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang,}, magsasabi si Allāh (napakataas Siya): "Nagpuri sa Akin ang lingkod Ko." Kapag nagsabi ito: {3. ang Napakamaawain, ang Maawain,}, magsasabi si Allāh (napakataas Siya): "Nagbunyi sa Akin ang lingkod Ko." Kapag nagsabi ito: {4. ang Tagapagmay-ari ng Araw ng Pagtutumbas.}, magsasabi Siya: "Nagparingal sa Akin ang lingkod Ko." Nagsabi pa Siya minsan: "Nagpaubaya sa Akin ang lingkod Ko." Kapag naman nagsabi ito: {5. Sa Iyo [lamang] kami sumasamba at sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong.}, magsasabi Siya: "Ito ay sa pagitan Ko at ng lingkod Ko at ukol sa lingkod Ko ang hiniling niya." Kapag naman nagsabi ito: {6. Magpatnubay Ka sa amin sa landasing tuwid: 7. ang landasin ng mga biniyayaan Mo, hindi ng mga kinagalitan, at hindi ng mga naliligaw.}, magsasabi Siya: "Ito ay ukol sa lingkod Ko at ukol sa lingkod Ko ang hiniling niya."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakataas Siya) ay nagsabi sa banal na ḥadīth: "Hinati Ko ang Sūrah Al-Fātiḥah sa ṣalāh sa pagitan Ko at ng lingkod Ko sa dalawang kalahati: sa Akin ang unang kalahati nito at sa kanya ang ikalawang kalahati nito." Ang unang kalahati nito ay pagpupuri, pagbubunyi, at pagpaparingal para sa Akin, na gaganti Ako sa kanya dahil dito ng pinakamabuting ganti. Ang ikalawang kalahati nito ay pagsusumamo at panalangin, na tutugon Ako sa kanya at magbibigay Ako sa kanya ng hiningi niya. Kaya kapag nagsabi ang tagapagdasal: {Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang,}, magsasabi si Allāh: "Nagpuri sa Akin ang lingkod Ko." Kapag nagsabi ito: {ang Napakamaawain, ang Maawain,}, magsasabi si Allāh: "Nagbunyi sa Akin ang lingkod Ko sapagkat nagbunyi siya sa Akin at kumilala siya sa Akin ng pagkapanlahat ng pagbibiyaya Ko sa nilikha Ko." Kapag nagsabi ito: {ang Tagapagmay-ari ng Araw ng Pagtutumbas.}, magsasabi si Allāh: "Nagparingal sa Akin ang lingkod Ko." Ito ay ang malawak na karangalan. Kapag naman nagsabi ito: {Sa Iyo [lamang] kami sumasamba at sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong.}, magsasabi si Allāh: "Ito ay sa pagitan Ko at ng lingkod Ko." Ang unang kalahati mula sa talatang ito ay ukol kay Allāh: {Sa Iyo [lamang] kami sumasamba}. Ito ay isang pagkilala ng pagkadiyos kay Allāh at pagtugon sa pamamagitan ng pagsamba. Dito nagwawakas ang kalahati na ukol kay Allāh. Ang ikalawang kalahati mula sa talata, na ukol sa lingkod: {sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong}, ay ang paghiling ng tulong mula kay Allāh at ang pangako Niya ng pagtulong. Kapag naman nagsabi ito: {Magpatnubay Ka sa amin sa landasing tuwid: ang landasin ng mga biniyayaan Mo, hindi ng mga kinagalitan, at hindi ng mga naliligaw.}, magsasabi si Allāh: "Ito ay isang pagsusumamo at isang panalangin mula sa lingkod Ko at ukol sa lingkod Ko ang hiniling niya at sumagot nga Ako."
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang paghahalintulad sa mananampalataya na bumibigkas ng Qur'ān ay katulad ng sitron: ang amoy nito ay kaaya-aya at ang lasa nito ay kaaya-aya. Ang paghahalintulad sa mananampalataya na hindi bumibigkas ng Qur'ān ay katulad ng datiles: walang amoy rito at ang lasa nito ay matamis. Ang paghahalintulad sa mapagpaimbabaw na bumibigkas ng Qur'ān ay tulad ng balanoy: ang amoy nito ay kaaya-aya at ang lasa nito ay mapait. Ang paghahalintulad sa mapagpaimbabaw na hindi bumibigkas ng Qur'ān ay katulad ng ligaw na pakwan: wala itong amoy at ang lasa nito ay mapait."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga uri ng mga tao kaugnay sa pagbigkas ng Qur'ān at pakikinabang dito: Ang Unang Uri: Ang mananampalataya na bumibigkas ng Qur'ān at nakikinabang dito kaya siya ay gaya ng bunga ng sitron: kaaya-aya ang lasa at ang amoy at maganda ang kulay. Ang mga kapakinabangan niya ay marami sapagkat siya ay gumagawa ayon sa binibigkas niya at nagpapakinabang sa mga lingkod ni Allāh Ang Ikalawa: Ang mananampalataya na hindi bumibigkas ng Qur'ān kaya siya ay gaya ng datiles: ang lasa nito ay matamis at walang amoy rito. Ang puso niya ay naglalaman ng pananampalataya gaya ng paglalaman ng datiles ng tamis sa lasa nito at panloob nito. Ang kawalan ng paglitaw ng amoy nito na maaamoy ng mga tao ay dahil sa hindi pagkalitaw ng isang pagbigkas mula sa kanya, na nagiginhawahan ang mga tao sa pagdinig dito. Ang Ikatlo: Ang mapagpaimbabaw na bumibigkas ng Qur'ān kaya siya ay gaya ng balanoy: mayroon itong kaaya-ayang amoy at ang lasa nito ay mapait, yayamang hindi naangkop ang puso niya sa pananampalataya, hindi siya nagsasagawa ayon sa Qur'ān, at lumilitaw siya sa mga tao na siya raw ay isang mananampalataya. Ang amoy nitong kaaya-aya ay nakawawangis ng pagbigkas niya at ang lasa nitong mapait ay nakawawangis ng kawalang-pananampalataya niya. Ang Ikaapat: Ang mapagpaimbabaw na hindi bumibigkas ng Qur'ān kaya siya ay gaya ng ligaw na pakwan yayamang tunay na ito ay walang amoy at mapait ang malalasahan dito kaya naman ang kawalan ng amoy nito ay nakawangis ng pagkakawala ng amoy niya dahil sa pagkakawala ng pagbigkas niya at ang kapaitan ng lasa nito ay kawangis ng kapaitan ng kawalang-pananampalataya niya sapagkat ang panloob niya ay hungkag sa pananampalataya at ang panlabas niya ay walang pakinabang doon, bagkus iyon ay nakapipinsala.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hindi sasapit ang Huling Sandali hanggang sa sumikat ang araw mula sa kanluran nito. Kaya kapag sumikat ito saka nakakita nito ang mga tao, sasampalataya silang lahat ngunit iyon ay kapag: {hindi magpapakinabang sa isang kaluluwa ang pananampalataya nito [kung] hindi ito dating sumampalataya bago pa niyan o nagkamit ito sa pananampalataya nito ng isang kabutihan.} (Qur'ān 6:158) Talagang sasapit nga ang Huling Sandali habang nakapaglatag na ang dalawang lalaki ng kasuutan nila sa pagitan nilang dalawa ngunit hindi sila makapagbibilihan nito at hindi sila makapagtutupi nito. Talagang sasapit nga ang Huling Sandali habang nakalisan na ang lalaki nang may gatas ng kamelyo niya ngunit hindi siya makatitikim nito. Talagang sasapit nga ang Huling Sandali habang siya ay nagkukumpuni ng tubigan niya ngunit hindi siya makapagpapainom dito. Talagang sasapit nga ang Huling Sandali habang nag-angat na ang isa sa inyo ng pagkain niya tungo sa bibig niya ngunit hindi siya makatitikim nito."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kabilang sa mga palatandaan ng Malaking Huling Sandali na sumikat ang araw sa kanluran sa halip na sa silangan. Kapag nakikita na iyon ng mga tao, sasampalataya silang lahat. Sa sandaling iyon, hindi magpapakinabang sa tagatangging sumampalataya ang pagsampalataya niya at hindi magpapakinabang ang maayos na gawa ni ang pagbabalik-loob. Pagkatapos nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Huling Sandali ay darating nang biglaan, hanggang sa tunay na ito ay sasapit habang ang mga tao ay nasa mga kalagayan nila at mga pumapatungkol sa buhay nila. Sasapit ang Huling Sandali habang ang tagapagbenta at ang mamimili ay nakapaglatag na ng kasuutan nilang dalawa sa pagitan nilang dalawa ngunit hindi sila makapagbibilihan nito at hindi sila makapagtutupi nito. Sasapit ang Huling Sandali habang ang lalaki ay nakakuha na ng gatas ng gatasang inahing kamelyo niya ngunit hindi siya makaiinom nito. Sasapit ang Huling Sandali habang ang lalaki ay nagkukumpuni ng tubigan niya at nagtatapal dito ngunit hindi siya makapagpapainom dito. Sasapit nga ang Huling Sandali habang ang lalaki ay nag-angat na ng subo niya sa bibig niya ngunit hindi siya makakakain nito.
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {May magdadala sa kamatayan gaya sa anyo ng isang puti't itim na lalaking tupa saka may mananawagang isang tagapanawagan: "O mga maninirahan sa Paraiso," kaya dudunghal sila at titingin sila saka magsasabi naman ito: "Nakakikilala kaya kayo rito?" Kaya magsasabi sila: "Oo; iyan ay ang Kamatayan." Ang kabuuan sa kanila ay makakikita nga niyon. Pagkatapos mananawagan ito: "O mga maninirahan sa Impiyerno," kaya dudunghal sila at titingin sila saka magsasabi naman ito: "Nakakikilala kaya kayo rito?" Kaya magsasabi sila: "Oo; iyan ay ang Kamatayan." Ang kabuuan sa kanila ay makakikita nga niyon. Saka kakatayin iyon, pagkatapos magsasabi ito: "O mga maninirahan sa Paraiso, pananatili [sa Paraiso] sapagkat wala nang kamatayan. O mga maninirahan sa Impiyerno, pananatili [sa Impiyerno] sapagkat wala nang kamatayan." Pagkatapos bumigkas siya: "Magbabala ka sa kanila ng Araw ng Panghihinayang kapag napagpasyahan ang usapin habang sila ay nasa isang pagkalingat, ..." (Qur'ān 19:39) Ang mga ito, habang nasa isang pagkalingat, ay ang mga naninirahan sa Mundo: "sila ay hindi sumasampalataya." (Qur'ān 19:39)}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang kamatayan ay dadalhin sa Araw ng Pagbangon gaya sa anyo ng lalaking tupa na may kaputian at kaitiman. Saka may mananawagan: "O mga maninirahan sa Paraiso!" Kaya magbabanat sila ng mga leeg nila at mga batok nila, mag-aangat sila ng mga ulo nila, at titingin sila. Saka magsasabi ito sa kanila: "Nakakikilala kaya kayo nito?" Kaya magsasabi sila: "Oo; iyan ay ang Kamatayan." Ang kabuuan sa kanila ay makakikita nga niyon at makakikilala niyon. Pagkatapos mananawagan ang tagapanawagan: "O mga maninirahan sa Impiyerno!" Kaya magbabanat sila ng mga leeg nila at mga batok nila, mag-aangat sila ng mga ulo nila, at titingin sila. Saka magsasabi ito: "Nakakikilala kaya kayo nito?" Kaya magsasabi sila: "Oo; iyan ay ang Kamatayan." Ang kabuuan sa kanila ay makakikita nga niyon. Saka kakatayin iyon, pagkatapos magsasabi ang tagapanawagan: "O mga maninirahan sa Paraiso, pananatili sa [Paraiso] magpakailanman sa mga mamamalagi sapagkat wala nang kamatayan. O mga maninirahan sa Impiyerno, pananatili [sa Impiyerno] magpakailanman sa mga mamamalagi sapagkat wala nang kamatayan." Iyon ay upang maging karagdagan sa kaginhawahan ng mga mananampalataya at pasakit sa pagdurusa ng mga tagatangging sumampalataya. Pagkatapos bumigkas ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Magbabala ka sa kanila ng Araw ng Panghihinayang kapag napagpasyahan ang usapin habang sila ay nasa isang pagkalingat, habang sila ay hindi sumasampalataya.} (Qur'ān 19:39) Kaya sa Araw ang Pagbangon, magpapahiwalay sa pagitan ng mga maninirahan sa Paraiso at Impiyerno. Papasok ang bawat isa sa hinantungan niya bilang pamamalagiin doon. Kaya manghihinayang ang tagagawa ng masagwa at magsisisi siya yayamang hindi siya gumawa ng maganda at ang nagkukulang yayamang hindi siya nagdagdag ng kabutihan.