





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang mga may kasulatan noon ay nagbabasa ng Torah sa Hebreo at nagpapakahulugan nito sa Arabe para sa mga alagad ng Islām, kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong magpatotoo sa mga may kasulatan at huwag kayong magpasinungaling sa kanila. Magsabi kayo (Qur'ān 2:136): Sumampalataya kami kay Allāh, at sa pinababa sa amin,"}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyNagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunan niya laban sa pagkalinlang sa isinasalaysay ng mga may kasulatan mula sa mga kasulatan nila, yayamang ang mga Hudyo sa panahon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagbabasa ng Torah sa wikang Hebreo, ang wika ng mga Hudyo, at nagpapakahulugan nito sa Arabe. Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong magpatotoo sa mga may kasulatan at huwag kayong magpasinungaling sa kanila." Ito ay kaugnay sa hindi nalalaman ang pagkatotoo niyon at pagkasinungaling niyon. Iyon ay dahil si Allāh ay nag-utos sa atin na sumampalataya tayo sa pinababa Niya sa atin na Qur'ān at pinababa Niya sa kanila na kasulatan. Gayon pa man, walang paraan para sa atin para malaman natin ang tumpak sa ikinukuwento nila buhat sa mga kasulatang iyon mula sa mali rito yayamang hindi nasaad sa Batas natin ang magpapaliwanag sa pagkatotoo nito mula sa pagkasinungaling nito. Kaya hihinto tayo saka hindi tayo magpapatotoo sa kanila upang tayo ay hindi maging mga katambal sa kanila kaugnay sa pinilipit nila mula roon at hindi tayo magpapasinungaling sa kanila sapagkat baka ito ay maging tumpak kaya tayo ay magiging mga tagapagkaila ng ipinag-utos sa atin na sampalatayanan natin. Nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na magsabi tayo: {Sabihin ninyo: "Sumampalataya kami kay Allāh, sa pinababa sa amin, at sa pinababa kina Abraham, Ismael, Isaac, Jacob at sa [mga propeta ng] mga lipi [ng Israel], sa ibinigay kay Moises at kay Jesus, at sa ibinigay sa mga propeta mula sa Panginoon nila. Hindi kami nagtatangi-tangi sa isa kabilang sa kanila. Kami sa Kanya ay mga tagapagpasakop."} (Qur'ān 2:136)
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Dati, ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nakaaalam sa paghihiwalay ng kabanata [ng Qur'ān] hanggang sa bumaba sa kanya ang Bismi –llāhi –rraḥmāni –rraḥīm (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain).}
Nagsalaysay nito si Imām Abū DāwudNaglilinaw ang Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na ang mga kabanata ng Marangal na Qur'ān ay bumababa noon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at hindi siya nakaaalam ng pagkahiwalay ng mga ito at pagkawakas ng mga ito hanggang sa bumaba sa kanya ang Bismi –llāhi –rraḥmāni –rraḥīm (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain) para malaman niya na ang naunang kabanata ay nagwakas na at na ito ay simula ng isang bagong kabanata.
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Sasabihin sa tagatangkilik ng Qur'ān: "Bumasa ka, umakyat ka, at bumigkas ka kung paanong ikaw noon ay bumibigkas sa Mundo sapagkat tunay na ang antas mo ay nasa kahuli-hulihang talata na babasahin mo."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā’īy sa Al-Kubrā, at Imām AḥmadNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sasabihin sa tagabasa ng Qur'ān, na tagagawa ng nasaad dito, na tagapanatili rito sa pagbigkas at sa pagsasaulo, kapag pumasok siya sa Paraiso: "Bumasa ka ng Qur'ān, umakyat ka sa pamamagitan niyon sa mga antas ng Paraiso, at bumigkas ka gaya ng ikaw noon ay bumibigkas sa Mundo sa pamamagitan ng pagbasa rito nang may paghihinay-hinay at kapanatagan sapagkat tunay na ang katayuan mo ay nasa kahuli-hulihang talata na babasahin mo."
Ayon kay Abū `Abdurraḥmān As-Sulamīy (kaawaan siya ni Allāh) na nagsabi: "Nagsanaysay sa amin ang nagpapabigkas sa amin [ng Qur'ān] kabilang sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sila noon ay bumibigkas mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng sampung talata saka hindi sila kumukuha sa sampung [talatang] iba pa hanggang sa makaalam sila ng nasa mga ito na kaalaman at gawain. Nagsabi sila: Kaya nakaalam kami ng kaalaman at gawain."
Nagsalaysay nito si Imām AḥmadAng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) ay tumatanggap noon mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng sampung āyah mula sa Qur'ān at hindi sila lumilipat sa iba pa sa mga ito hanggang sa matutunan nila ang nasa sampung āyah na ito na kaalaman at nagsasagawa sila ayon sa mga ito. Kaya naman nakaalam sila ng kaalaman at gawain nang sabayan.
Ayon kay Ubayy bin Ka`b (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Ama ni Al-Mundhir, nakaaalam ka ba kung aling talata mula sa Aklat ni Allāh na nasa iyo ang higit na dakila?" Nagsabi ito: "Nagsabi ako: Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maalam." Nagsabi siya: "O Ama ni Al-Mundhir, nakaaalam ka ba kung aling talata mula sa Aklat ni Allāh na nasa iyo ang higit na dakila?" Nagsabi ito: "Nagsabi ako: {Si Allāh, walang Diyos kundi Siya, ang Buháy, ang Mapagpanatili...} (Qur'ān 2:255) Kaya tumapik siya sa dibdib ko at nagsabi: "Sumpa man kay Allāh, talagang magpapaigaya sa iyo ang kaalaman, O Ama ni Al-Mundhir."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagtanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Ubayy bin Ka`b tungkol sa pinakadakilang talata sa Aklat ni Allāh kaya nag-atubili ito sa pagsagot. Pagkatapos nagsabi ito: "Ito ay ang Ayatulkursīy: {Si Allāh, walang Diyos kundi Siya, ang Buháy, ang Mapagpanatili. ...}," saka umayuda naman dito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Tumapik ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa dibdib nito bilang pagpapahiwatig ng pagkapuno nito ng kaalaman at karunungan at dumalangin siya para rito na lumigaya ito dahil sa kaalamang iyon at magpagaan iyon para rito.
Ayon kay `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag pumunta siya sa higaan niya bawat gabi, ay nagbubuklod ng mga kamay niya. Pagkatapos bumubuga siya sa mga ito saka bumibigkas sa mga ito ng ika-112 kabanata, ika-113 kabanata, at ika-114 kabanata [ng Qur'ān]. Pagkatapos nagpapahid siya ng mga ito sa nakakaya niya mula sa katawan niya. Nagsisimula siya sa pamamagitan ng mga ito sa ulo niya, mukha niya, at nakaharap mula sa katawan niya. Ginagawa niya iyon nang tatlong ulit.}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyBahagi ng patnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag pumunta siya sa higaan niya upang matulog, ang pagbuklod niya ng mga palad niya, ang pag-aangat ng mga ito gaya ng ginagawa ng tagapanalangin, at ang pagbuga sa mga ito mula sa bibig niya sa isang malumanay na pagbuga kasama ng kakaunting laway. Binibigkas niya ang tatlong kabanata ng Qur'ān: ang ika-112 kabanata, ang ika-113 kabanata, at ang ika-114 kabanata. Pagkatapos nagpapahid siya ng mga palad niya sa nakakaya niya mula sa katawan niya, na nagsisimula sa ulo niya, mukha niya, at bahaging nakaharap mula sa katawan niya. Nag-uulit-ulit siya ng gawaing ito nang tatlong ulit.
Ayon kay `Adīy bin Ḥātim: {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang mga Hudyo ay mga kinagalitan at ang mga Kristiyano ay mga naliligaw."}
Nagsalaysay nito si Imām At-TirmidhīyNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga Hudyo ay mga taong kinagalitan ni Allāh dahil sila ay nakaalam sa katotohanan ngunit hindi gumawa ayon dito. Ang mga Kristiyano ay mga taong naliligaw dahil sila ay gumagawa nang walang kaalaman.
Ayon kay `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Binigkas ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang talatang ito (Qur'ān 3:7): {Siya ay ang nagpababa sa iyo ng Aklat; mula rito ay may mga talatang isinatahasan; na ang mga ito ay ang saligan ng Aklat, at may mga ibang pinatalinghaga. Hinggil sa mga nasa mga puso nila ay may pagliko, sumusunod sila sa anumang tumalinghaga mula rito dala ng paghahangad ng ligalig at dala ng paghahangad ng pagbibigay-pakahulugan dito samantalang walang nakaaalam sa pagbibigay-pakahulugan dito kundi si Allāh. Ang mga nagpakalalim sa kaalaman ay nagsasabi: "Sumampalataya kami rito; lahat ay mula sa ganang Panginoon namin." Walang nagsasaalaala kundi ang mga may isip.}" Nagsabi siya: Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kaya kapag nakita mo ang mga sumusunod sa anumang tumalinghaga mula rito, ang mga iyon ay ang mga tinukoy ni Allāh kaya mag-ingat kayo sa kanila."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoBinigkas ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang talatang ito (Qur'ān 3:7): {Siya ay ang nagpababa sa iyo ng Aklat; mula rito ay may mga talatang isinatahasan; na ang mga ito ay ang saligan ng Aklat, at may mga ibang pinatalinghaga. Hinggil sa mga nasa mga puso nila ay may pagliko, sumusunod sila sa anumang tumalinghaga mula rito dala ng paghahangad ng ligalig at dala ng paghahangad ng pagbibigay-pakahulugan dito samantalang walang nakaaalam sa pagbibigay-pakahulugan dito kundi si Allāh. Ang mga nagpakalalim sa kaalaman ay nagsasabi: "Sumampalataya kami rito; lahat ay mula sa ganang Panginoon namin." Walang nagsasaalaala kundi ang mga may isip.}" Dito ay nagpabatid si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) na Siya ay ang nagpababa sa Propeta Niya ng Qur'ān, na mula rito ang mga talatang maliwanag ang pakahulugan, na nalalaman ang mga patakaran: walang pagkalito sa mga ito. Ang mga ito ay saligan ng Aklat at sanggunian nito. Ang mga ito ay ang sanggunian sa sandali ng pagkakaiba-iba. Mayroon dito na mga ibang talatang nagsasaposibilidad ng higit sa isang kahulugan, na nakalilito ang kahulugan ng mga ito sa ilan sa mga tao, o ipinagpapalagay na sa pagitan ng mga ito at ng mga ibang talata ay may salungatan. Pagkatapos nilinaw ni Allāh ang pakikitungo ng mga tao sa mga talatang ito. Ang mga taong sa mga puso nila ay may pagkiling palayo sa totoo ay nagwawaksi ng isinatahasan at sumasalig sa pinatalinghagang naisasaposibilidad. Naghahangad sila sa pamamagitan niyon ng pagpukaw sa maling akala at pagpapaligaw sa mga tao. Naghahangad sila sa pamamagitan niyon ng pagbibigay-pakahulugan sa mga ito ayon sa sumasang-ayon sa mga pithaya nila. Hinggil naman sa mga matatag sa kaalaman, tunay na sila ay nakaaalam sa pinatalinghagang ito, nagsasangguni nito sa isinatahasan, at sumasampalataya rito at sa pagiging ito ay mula sa ganang kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) at hindi maaari na makalito o magsalungatan. Subalit walang nagsasaalaala niyon at napangangaralan kundi ang mga may mga isip na matino. Pagkatapos nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa ina ng mga mananampalataya na si `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya) na kapag nakakita siya sa mga naghahangad ng pinatalinghaga, tunay na sila ay ang mga tinukoy ni Allāh sa sabi Niya: {Hinggil sa mga nasa mga puso nila ay may pagliko}. Kaya mag-ingat kayo sa kanila at huwag kayong makinig sa kanila.
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {May mga taong kabilang sa mga kampon ng Shirk, na sila noon nga ay pumatay at nagparami [ng pagpatay] at nangalunya at nagparami [ng pangangalunya] saka pumunta kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi: "Tunay na ang sinasabi mo at inaanyaya mo ay talagang maganda. Kung sakaling magpapabatid ka sana sa amin na sa ginawa namin ay may panakip-sala." Kaya bumaba [ang talatang]: {[Sila] ang mga hindi nananalangin kasama kay Allāh sa isang diyos na iba pa, hindi pumapatay ng taong ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa karapatan, at hindi nangangalunya.} (Qur'ān 25:68) at bumaba [ang talatang]: {Sabihin mo [na sinabi Ko]: "O mga lingkod Ko na nagpakalabis laban sa mga sarili nila, huwag kayong masiraan ng loob sa awa ni Allāh;} (Qur'ān 39: 53).}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoMay mga lalaking kabilang sa mga tagapagtambal na dumating sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Sila noon nga ay nagparami ng pagpatay at pangangalunya, saka nagsabi sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang ipinaanyaya mo na Islām at mga katuruan nito ay isang bagay na maganda, subalit ang kalagayan namin at ang kinasadlakan namin dito na shirk at malalaking kaṣalanan, para rito ba ay may panakip-sala?" Kaya bumaba ang dalawang āyah kung saan tumanggap si Allāh mula sa mga tao ng pagbabalik-loob sa kabila ng dami ng mga pagkakasala nila at bigat ng mga ito. Kung sakaling hindi dahil doon, talaga sanang nagpatuloy sila sa kawalang-pananampalataya nila at pagmamalabis nila at talaga sanang hindi sila pumasok sa Relihiyong ito.