Hedayat “A fruitful harvest”
from the gardens of “ Verses and Hadiths ”
Inspiring Dawah cards that highlight the profound meanings of Quranic verses and Prophetic Hadiths. Presented in an accessible and engaging style to help Muslims gain a deeper understanding of their faith with ease.
About Hedayat
Hedayat is a platform that combines simplicity of design and ease of use
displaying the benefits derived from Verses and Hadiths in
attractive cards with unique designs.
Unique Designs
Cards with unique and attractive designs that express the content of the text
Reliable Materials
Scientifically reliable benefits reviewed by a group of scholars
Easy Browsing
You can browse the cards easily and display them effortlessly
Different Languages
Cards are available in more than 40 languages for the benefit of all
Hadith Cards
Mula kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy -Malugod si Allah sa kanya- ay nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah (pagpalain siya ni Allah at pangalagaan): ((Walang Sadaqah ang mababa sa limang onsa (ng pilak), at wala ding Sadaqah kapag mababa sa limang kamelyo, at wala ding Sadaqah kapag mababa sa limang Awsuq)).
Napagkaisahan ang katumpakanAng Zakah (Sadaqah) ay isang aliw sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap, kaya tiyak na hindi kukunin mula sa taong kokonti lang ang kanyang kayamanan hindi maituring na mayaman siya sa kanya. Kaya ang batas ay pinaliwanag ang pinakamababang limit sa sinumang obligado mag Zakah, kaya't sinuman ang nagmamay-ari ng mababa sa pinakababang limit siya ay maituturing kapos at hindi pwede kukunan ng kung anu-ano. At ang may-ari ng pilak ay hindi obliga sa kanya ang Zakah maliban na lamang kung magkaroon siya ng limang onsa, at bawat isang onsa ay apatnaput dirham, sa makatuwid magiging dalawang-daan dirham ang kanyang Nisab (limit) na katumbas ng 590 gramo. At ang may-ari ng kamelyo hindi obliga sa kanya ang Zakah maliban na lamang kung magkaroon siya ng lima at pataas, at kung mababa doon ay wala ng Zakah. At ang may-ari ng pananim at bungang-kahoy hindi obliga sa kanya ang Zakah maliban na lamang kung magkaroon siya limang Awsuq (ang bawat isang wasq ay katumbas ng 60 Sa'), sa makatuwid ang limit niya ay 300 Sa' (ang Sa' ay isang sisidlan na naglalaman ng halos 3 kilo).
Ayon kay Abe Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na MArfu: ((Sinuman ang bumisita ng may sakit o bumisita sa kapatid niya [ sa pananampalataya] para sa kaluguran ni Allah,Mananawagan sa kanya ang Anghel nang:Naging dalisay ka,at naging dakila ang iyong gantimpala,at gumawa ka ng iyong tahanan sa Paraiso))
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām AḥmadSinuman ang umalis upang bumisita ng may sakit o bumusita sa kapatid niya para sa kaluguran ni Allah-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan,Tunay na ang isang Anghel ay mananawagan sa kanya-mula kay Allah-Pagkataas-taas Niya-Na naging dalisay ka sa iyong mga kasalanan,at naging maginhawa ka,dahil sa malaking gantimpala na mula pa kay Allah,at gumawa ka ng palasyong titirahan mo sa Paraiso
Ayon kay Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Tunay na ang mga mananampalataya sa Paraiso ay talagang may isang kubol na yari sa iisang perlas na ginuwang, na ang haba nito ay animnapung milya. Ang mga mananampalataya rito ay may mga asawa. Lilibot sa kanila ang mananampalataya ngunit hindi makakikita ang isa't isa sa kanila."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa ilan sa kaginhawahan sa Paraiso. Ang mananampalataya sa Paraiso ay may kubol na pagkalaki-laking malawak ang guwang, na yari sa iisang mutyang ginuwang. Ang lapad nito at ang haba nito sa langit ay animnapung milya. Sa bawat dako at panulukan mula sa apat na panulukan nito ay may mga maybahay, na hindi makakikita ang isa't isa sa kanila, na lilibot sa kanila ang mananampalataya.
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag pumupunta siya sa maysakit, ay dumadalangin para rito. Nagsasabi siya: "Adhhib -lba'sa, rabba -nnāsi, wa-shfi anta -shshāfī, lā shifā'a illā shifā'uka, shifā'an lā yughādiru saqamā. (Mag-alis Ka ng dinaramdam, Panginoon ng mga tao, at magpagaling Ka: Ikaw ang Tagapagpagaling, na walang pagpapagaling kundi ang pagpapagaling Mo, sa isang pagpapagaling na hindi nag-iiwan ng isang karamdaman.)"}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoAng Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag dumalaw siya sa isang maysakit, ay dumadalangin para rito sapagkat nagsasabi siya: O Allāh, "[M]ag-alis Ka" at magpawi Ka "ng dinaramdam" at katindihan ng sakit, "Panginoon ng mga tao," Tagalikha nila, at Tagapag-alaga nila, "at magpagaling Ka" ng sakit na ito: "Ikaw," kaluwalhatian sa Iyo, "ang Tagapagpagaling," at nagsusumamo ako sa Iyo sa pangalan Mo, ang Tagapagpagaling, "na walang pagpapagaling" na mangyayari sa maysakit "kundi ang pagpapagaling Mo" at ang pagpapabuti Mo "sa isang pagpapagaling," na walang-takda, "na hindi nag-iiwan," hindi nagtitira, at hindi naglalagak ng isang karamdaman at sakit na iba pa.
Ayon kay `Ā’ishah -kalugdan nawa siya ng Allah- ay nagsabi: Nakita ko ang Sugo ng Allah -pagpalain siya ng Allah at panglagaan- ay nagdadasal ng naka-parisukat.
Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īyAng Attarabbu' (pagkahugis-parisukat): ay ilalagay niya ang ilalim ng kanang paa niya sa ibaba ng kaliwang hita, at ang ilalim ng kaliwang paa niya sa ibaba ng kanang hita, at umupo siya sa kanyang inuupuan, at nagawa ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ito noong nahulog siya mula sa kanyang kabayo, at nalasog ang kanyang paa. Kaya kapag nahirapan ang magsasalah sa obligadong dasal (salah) mula sa pagtayo ay magsalah siya ng nakaupo nasa anyong parisukat at siya ay kanais-nais, at ito ay sa kalagayan ng kanyang pag-upo na katumbas ng pagtayo, subalit sa kalagayan ng kanyang pag-upo sa pagitan ng dalawang pag-upo at kanyang pag-upo sa dalawang Tashahhud, ay kanais-nais sa kanya na umupo siya na naka Iftirash (nakalatag sa lupa o sahig) sa unang Tashahhud, at naka Tawarruk (nakatukod ang kanang paa, nakalagay ang kaliwang paa sa ilalim ng kanang paa sa ilalim ng kanang binti, at nakadiit sa lapag ang kanang pigi) sa pangalawang Tashahhud. At lahat ng mga katangiang ito ay napapabilang sa Istihbab (kanais-nais) at Afdaliyah (kainaman), kaya kapag nalabag niya o nakaupo siya na hindi ayon sa mga katangiang naunang nabanggit ay mabibilang pa rin sa kanya; sa pagkat ang kailangan ay: ang pag-upo sa Tashahhud at ang mga katangiang ito ay bilang karagdagan lamang sa mga Wajib (obligadong gawain sa salah).
Ayon kay Ḥudhayfah bin Al-Yamān (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagnais siya na matulog, ay naglalagay ng kamay niya sa ilalim ng ulo niya pagkatapos nagsasabi: "Allāhumma qinī `adhābaka yawma tajma`u aw tab`athu `ibādak. (O Allāh, magsanggalang Ka sa akin laban sa pagdurusang dulot Mo sa araw na magtitipon Ka o magbubuhay Ka ng mga lingkod Mo.)"}
Nagsalaysay nito si Imām At-TirmidhīyAng Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag humiga siya sa higaan niya upang matulog, ay nag-uunan ng kanang kamay niya at naglalagay ng kanang pisngi niya sa ibabaw nito at nagsasabi: "O Allāh," Panginoon ko, "magsanggalang Ka sa akin" at mangalaga ka sa akin "laban sa pagdurusang dulot Mo" at parusa Mo "sa araw na magtitipon Ka o magbubuhay Ka ng mga lingkod Mo" para sa Araw ng Pagtutuos sa Araw ng Pagbangon.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya.-siya ay nagsabi: Nang tumindi ang sakit ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-bumalot sa kanya ang paghihinagpis,nagsabi si Fatimah-malugod si Allah sa kanya:Naghihinagpis ka o Mahal kong Ama,Nagsabi siya: (( Wala ng paghihinagpis sa iyong Ama mula sa araw na ito)) At nang siya ay pumanaw,Sinabi niyang: O mahal kong Ama,Tinanggap ng Panginoon ang panalangin niya!,O mahal kong Ama,Ang Paraiso ng Al-Firdaws ang titirahan niya! O mahal kong Ama, at kay Anghel Jibrel namin ipapaalam ang pagpanaw niya! At nang siya ay mailibing,nagsabi si Fatimah-malugod si Allah sa kanya-Naging panatag ba ang inyong kalooban na nailibing ninyo [sa mga kamay ninyo] ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa lupa?!
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyInilalarawan sa Hadith na ito ang pagtitimpi ng Propeta natin-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa kanyang paghihingalo,At nang tumindi ang sakit niya, na siyang naging dahilan ng ikinamatay niya,bumalot sa kanya ang paghihinagpis dahil sa tindi ng dumarating sa kanya,Dahil tumitindi sa kanya ang hapdi at sakit,at ito ay dahil sa ganap na layuning;Upang makamit niya mula sa Allah ang pinakamataas na antas o bahagdan,bilang gantimpala sa pagtitiis niya.At kapag bumabalot sa kanya ang paghihinagpis,Sinasabi ni Fatimah-malugod si Allah sa kanya-"Naghihinagpis ka o Mahal kong Ama"Nasasaktan siya para sa kanya dahil paghihinagpis niya dahil siya ay babae,at ang babae ay hindi nakakatiis.Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-" Wala ng paghihinagpis sa iyong ama mula sa araw na ito" Sapagkat ng siya ay lumipat mula sa mundo,lumipat siya sa pinakamataas na bahagdan ng Paraiso-pagpalain siya ni Alah at pangalagaan-.Tulad ng sinasabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-habang bumbalot sa kanya ang kamatayan-"O Allah! Sa pinakamataas na bahagdan ng Paraiso,O Allah! Sa pinakamataas na bahagdan ng Paraiso,At tumitingala siya sa bubong ng bahay-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-" Pumanaw ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-gumawa siya-malugod si Allah sa kanya ng paggalos,subalit ito ay maliit lamang.Hindi bilang pagpapatunay ng pagkapoot sa itinadhana ni Allah at itinakda Niya. At sa pagsabi niyang: "Tinanggap ng Panginoon ang panalangin niya!"Sapagkat ang Allah-Pagkataas-taas Niya-ay nasa Kamay Niya ang paghahari sa lahat ng bagay,gayundin ang kamatayan ng mga nilikha ay nasa Kamay Niya,Tinugon ang panalangin niya sa Allah-na kapag siya ay pumanaw-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay magiging katulad siya ng ibang mananampalataya,tataas ang kaluluwa niya hanggang sa hihinto ito sa harapan ni Allah-Napakamaluwalhati Niya-sa taas ng ikapitong kalangitan.At ang pagsabi niya ng: "O mahal kong Ama,Ang Paraiso ng Al-Firdaws ang titirahan niya! " pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Sapagkat siya ang magkakamit ng pinakamataas na bahagdan o antas ,mula sa mga likha,sa Paraiso,Tulad ng sinabi ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-" Hilingin ninyo sa Allah para sa akin na maging tagapamagitan;Sapagkat ito ay isang [mataas] na bahagdan sa Paraiso,hindi karapat-dapat maliban sa isang alipin mula sa mga alipin ni Allah,At hinihiling ko na ito ay maging ako" At walang pag-aalinlangan na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang kanyang titirahan ang Jannah Al-Firdaws [pinakamataas ng bahagdan ng Praiso],at ang Jannah Al-Firdaws [pinakamataas ng bahagdan ng Praiso] ay ang pikamataas na bahagdan ng Paraiso,at ang bubong niya na nasa itaas niya ay ang `Arsh o Trono ng Panginoon-kapita-pitagan ang pagpipitagan sa Kanya-At ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nasa pinakamataas na bahagdan nito,At angpagsabi niyang: "at kay Anghel Jibrel namin ipapaalam ang pagpanaw niya" At sinabi niya: Tunay na ipapaalam namin ang pagpanaw niya kay Jibrel,sapakat si Jibrel ang siyang dumarating sa kanya,at nagtuturo sa kanya sa Wahiy [kapahayagan],sa panaho na siya ay buhay pa.At ang Wahiy [kapahayagan] ay naka-ugnay sa buhay ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-.Pagkatapos nito,at nang siya ay buhatin at ilibing,Nagsabi siya-malugod si Allah sa kanya-"Naging panatag ba ang inyong kalooban na nailibing ninyo [sa mga kamay ninyo] ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa lupa?!" Ibig sabihin:Dahil sa tindi ng pagkalungkot niya sa kanya,at dahil sa lungkot at pighati [na nararamdaman niya] sa paghiwalay niya sa ama niya,at sa kaalaman niya na ang mga kasamahan ng Propeta-maugod si Allah sa kanila-at pinuno ni Allah ang kanilang mga puso sa pagmamahal sa Sugo ni Allah-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-kaya itinanong niya sa kanila ang tanong na ito, Subalit si Allah-Napakamaluwalhati Niya-Tanging sa Kanya lamng ang paghahatol,at sa Kanya ang pagbabalik,Tulad ng Sinabi ni Allah sa Kanyang Aklat: ((Katotohanang ikaw [O Muhammad] ay mamatay at katotohanang sila ay mamamatay))
Ayon kay Ṣuhayb (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: Kapag nakapasok sa Paraiso ang maninirahan sa Paraiso, magsasabi si Allah (napakamapagpala Siya at napakataas): "Nagnanais ba kayo ng isang bagay na idadagdag Ko sa inyo?" Kaya magsasabi sila: "Hindi ba nagpaputi Ka sa mga mukha namin? Hindi ba nagpapasok Ka sa amin sa Paraiso at nagligtas Ka sa amin mula sa Impiyerno?" Kaya maghahawi Siya ng tabing. Hindi sila nabigyan ng anumang higit na kaibig-ibig sa kanila kaysa pagtingin sa Panginoon nila (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpapabatid ang Propeta (s) na kapag nakapasok sa Paraiso ang mga maninirahan sa Paraiso, magsasabi si Allah (napakamapagpala Siya at napakataas) sa kanila: "Nagnanais kaya kayo ng isang bagay na idadagdag Ko sa inyo?" Kaya magsasabi ang mga maninirahan sa Paraiso sa kabuuan nila: "Hindi ba nagpaputi Ka sa mga mukha namin? Hindi ba nagpapasok Ka sa amin sa Paraiso at nagligtas Ka sa amin mula sa Impiyerno?" Kaya mag-aalis si Allah ng tabing at mag-aangat Siya nito. Ang tabing Niya ay ang liwanag. Hindi sila nabigyan ng anumang higit na kaibig-ibig sa kanila kaysa pagtingin sa Panginoon nila (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).
Ayon kay Saed bin Al-Harith.Nagsabi siya:Tinanong namin si Jaber bin Abdullah mula sa pagdarsal ng isang damit? Lumabas ako kasama ang propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,sa ilang lakad nito,dumating ako isang gabi dahil sa ilang gawain ko,nadatnan ko siya nagdarasal,at ako ay may isang damit lang,pinagkasya ko ito at nagdasal ako sa tabi niya,,At nang matapos nagsabi siya:Anu ang sadya mo O Jaber? ipinaalam ko sa kanya ang kailangan ko,at ng matapos ako ay nagsabi siya:Anu ba ang pinagkakasya mo na nakita ko?-ito ay damit-ibig sabihin ay mahigpit-Nagsabi siya:(kung ito ay maluwag isuot ito sa buong katawan,at kung ito ay mahigpit,gawin itong sarong). At sa kay Muslim:Kung ito ay maluwag sa salungatin ang pagitan ng dulo,at kapag ito ay mahigpit,ay higpitan ito sa baywang mo.
Napagkaisahan ang katumpakanLumabas si Jaber malugod si Allah sa kanya kasama ang propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,sa mga ilang lakad nito,at nagkaoon siya ng pangangailangan kay propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa isang gabi,dumating siya upang ipaalam ito sa kanya,nadatnan niya ito na nagdarasal,at siya malugod si Allah sa kanya ay may suot ng isang damit lamang,pinagkasya niya ito,at inilagay ang dulo nito sa balikat at nagdasal siya sa tabi ng propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,at ng matapos ito sa pagdarasal ay tinanong siya ng propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa dahilan ng pagdating niya sa ganitong huling-oras na,ng gabi,ipinaalam niya ang kailangan niya na siyang dahilan ng pagdating niya, at nang matapos niyang sabihin ang kailangan nito,ipinag-bawal sa kanya ng propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang pagpapakasya nito sa damit,dahil ito ay mahigpit,at iniutos nito na kung ang damit ay maluwag, ay maaari itong pagkasiyahin sa buo nitong katawan,sa itaas at sa ibaba,at ilagay niya ito sa balikat niya,at pag-tugunin ang dulo ng kaliwa sa balikat na kanan at pag-tugunin ang dulo ng kanan sa balikat na kaliwa,upang maging sarong at damit.matatakpan nito ang buong katawan niya,at ito ang mas-mainam sa pagtakip ng pribadong-bahagi ng katawan,at mas-maganda kung ito ay tingnan,at kung ang damit ay mahigpit at hindi ito maaaring gawing sarong at damit,gawin niya itong sarong at ito ay sa paghihihigpit sa baywang nito at takpan niya ang ibaba ng katawan niya.
Ayon kay Jundub bin Abdillāh, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "May nagsabing lalaki: Sumpa man kay Allāh, hindi magpapatawad si Allāh kay Polano. Kaya nagsabi si Allāh: Sino itong nanunumpa sa Akin na hindi Ako magpapatawad kay Polano? Tunay na Ako ay nagpatawad na sa kanya at nagpabagsak sa gawa mo." Sa isang ḥadīth ayon kay Abū Hurayrah: Ang nagsasabi ay isang lalaking mananamba. Nagsabi si Abū Hurayrah: "Nagsalita siya ng isang pangungusap na nagpahamak sa Mundo niya at Kabilang-buhay niya."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIpinababatid sa atin ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa anyo ng pagbibigay-babala laban sa panganib ng dila, na may isang lalaking sumumpa na si Allāh ay hindi magpapatawad sa isa pang lalaking nagkasala. Para bang ito ay humatol kay Allāh at nagmarunong sa Kanya dahil sa hindi ito naniwala sa sarili nito sa taglay ni Allāh na katangiang mapagbigay, mapagkaloob, at mataas na kalagayan, at dahil sa pag-ukol sa nagkasala ng panghahamak. Ito ay isang pagyayabang kay Allāh at isang kasamaang asal sa Kanya. Ipinataw Niya sa lalaking iyon ang kasawian at kalugihan sa Mundo at Kabilang-buhay.