





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Magpanatili kayo ng pagbabasa ng Qur'ān na ito sapagkat sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Muḥammad ay nasa kamay Niya, talagang ito ay higit na matindi sa pagkawala kaysa sa mga kamelyo mula sa mga gapos ng mga ito."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagpapanatili ng pagbabasa ng Qur'ān at pamamalagi sa pagbigkas nito upang hindi ito malimutan matapos na naging tagapag-ingat nito sa dibdib. Nagbigay-diin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) niyon sa pamamagitan ng panunumpa niya na ang Qur'ān ay higit na matindi sa pagkawaksi at pagkaalis mula sa mga dibdib kaysa sa mga kamelyong nakagapos: tinalian ng lubid sa gitna ng braso. Kung nagpanatili sa pagbasa nito ang tao, mapanghahawakan niya ito. Kung nagpakawala siya nito, aalis ito at mawawala ito.
Ayon kay `Uthmān (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang pinakamabuti sa inyo ay ang sinumang nagpakatuto ng Qur'ān at nagturo nito."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakamainam sa mga Muslim at ang pinakamataas sa kanila sa ganang kay Allāh sa antas ay ang sinumang nagpakatuto ng Qur'ān sa pagbigkas, sa pagsasaulo, sa pagtutumpak ng pagbigkas, sa pag-unawa, at pagpapakahulugan; at nagturo sa iba ng taglay niya mula sa mga kaalaman sa Qur'ān kasama ng paggawa niya ayon dito.
Ayon kay `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay umaalaala kay Allāh sa lahat ng mga sandali niya.}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpapabatid si `Ā’ishah na Ina ng mga Mananampalataya (malugod si Allāh dito) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay matindi ang sigasig sa pag-alaala kay Allāh (napakataas Siya) at na siya ay umaalaala noon kay Allāh (napakataas Siya) sa bawat panahon, lugar, at kalagayan.
Ayon kay Sa`īd bin Al-Musayyab, ayon sa ama niya na nagsabi: {Noong dumating kay Abū Ṭālib ang pagpanaw, pumunta sa kanya ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka natagpuan niya sa piling nito sina Abū Jahl at `Abdullāh bin Abī Umayyah bin Al-Mughīrah saka nagsabi siya: "O tiyuhin ko, magsabi ka na walang Diyos kundi si Allāh, isang pangungusap na makikipagkatwiran ako para sa iyo sa pamamagitan nito sa harap ni Allāh." Kaya nagsabi si Abū Jahl at `Abdullāh bin Abī Umayyah: "Umaayaw ka ba sa kapaniwalaan ni `Abdulmuṭṭalib?" Kaya hindi natigil ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nag-aalok nito roon at umuulit naman doon ang dalawa ng nasabi hanggang sa nagsabi si Abū Ṭālib ng kahuli-hulihan sa sinalita niya sa kanila: "Nasa kapaniwalaan ni `Abdulmuṭṭalib ako." Tumanggi iyon na magsabi na walang Diyos kundi si Allāh. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sumpa man kay Allāh, talagang hihingi nga ako ng tawad para sa iyo hanggang hindi ako sinasaway laban sa iyo." Kaya nagpababa si Allāh: {Hindi naging ukol sa Propeta at sa mga sumampalataya na humingi sila ng tawad para sa mga tagapagtambal,} (Qur'ān 9:113) Nagpababa naman si Allāh kaugnay kay Abū Ṭālib sapagkat sinabi sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Tunay na ikaw ay hindi pumapatnubay sa sinumang inibig mo, subalit si Allāh ay pumapatnubay sa sinumang niloloob Niya.} (Qur'ān 28:56)}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoPumasok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kinaroroonan ng tiyuhin niyang si Abū Ṭālib, habang ito ay naghihingalo, saka nagsabi siya rito: "O tiyuhin, magsabi ka na walang Diyos kundi si Allāh, isang pangungusap na sasaksi ako para sa iyo sa pamamagitan nito sa kay Allāh." Kaya nagsabi sina Abū Jahl at `Abdullāh bin Abī Umayyah: "O Abū Ṭālib, iiwanan mo ba ang kapaniwalaan ng ama mong si `Abdulmuṭṭalib?" Ito ay ang pagsamba sa mga anito. Hindi pa sila natigil na nagsasalita sa kanya hanggang sa nagsabi siya ng kahuli-hulihang bagay na isinalita niya sa kanila: na nasa kapaniwalaan ni `Abdulmuṭṭalib siya, ang kapaniwalaan ng Shirk at ang pagsamba sa mga anito. Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Mananalangin ako para sa iyo ng kapatawaran hanggat hindi sumasaway sa akin ang Panginoon ko laban doon." Kaya bumaba ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Hindi naging ukol sa Propeta at sa mga sumampalataya na humingi sila ng tawad para sa mga tagapagtambal, kahit na sila'y mga kamag-anak, pagkatapos na naging malinaw na sila'y mga mananahan sa Apoy.} (Qur'ān 9:113) Nagpababa naman si Allāh kaugnay kay Abū Ṭālib ng sabi Niya: {Tunay na ikaw ay hindi pumapatnubay sa sinumang inibig mo, subalit si Allāh ay pumapatnubay sa sinumang niloloob Niya.} (Qur'ān 28:56) Sapagkat ikaw ay hindi pumapatnubay sa sinumang inibig mo ang kapatnubayan sa kanya; tanging kailangan sa iyo ang pagpapaabot. Si Allāh ay nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya.
Ayon kay Abū Sa`īd Rāfi` bin Al-Mu`allā, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi sa akin ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: 'Hindi ko ba ituturo sa iyo ang pinakadakilang kabanata sa Qur'ān bago ka lumabas ng masjid?' Kinuha niya ang kamay ko at noong ninais naming lumabas, nagsabi ako: 'O Sugo ni Allah, tunay na ikaw ay nagsabi: Talagang magtuturo nga ako sa iyo ng pinadkakilang kabanata sa Qur'ān.' Nagsabi siya: 'Ang Al-ḥamdu lillāhi rabbi -l`ālamīn (Ang papuri ay ukol kay Allah). ito ay ang pitong inuulit-ulit at ang Dakilang Qur'ān na ibinigay sa akin.'"
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyAyon kay Abū Sa`īd Rāfi` bin Al-Mu`allā, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Nagsabi sa akin ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Hindi ko ba" Binanggit ito upang tawagan ng pansin ang kinakausap sa sasabihin sa kanya. Ang "ituturo sa iyo ang pinakadakilang kabanata sa Qur'ān bago ka lumabas ng masjid?" Sinabi niya lamang dito iyon at hindi itinuro iyon dito sa simula upang maging higit na kaaya-aya sa pagbukas sa isip nito upang tanggapin nito iyon at pagtuunan nito iyon sa kabuuan. Ang sabi niyang "Kinuha niya ang kamay ko" ay nangangahulugang matapos na sabihin niya iyon at naglakad sila. Ang sabi niyang "at noong ninais naming lumabas, nagsabi ako: 'O Sugo ni Allah, tunay na ikaw ay nagsabi: Talagang magtuturo nga ako sa iyo ng pinakadakilang kabanata sa Qur'ān.'" at ang sabi nyang "Nagsabi siya: 'Ang Al-ḥamdu lillāhi rabbi -l`ālamīn (Ang papuri ay ukol kay Allah)." ay tumutukoy sa Sūrah Al-Fātiḥah. Ito ay naging pinakadakilang kabanata lamang dahil ito ay nagsama-sama sa lahat ng mga layon ng Qur'an. Dahil dito, tinawag ito na Ina ng Qur'an. Pagkatapos ay ipinahiwatig niya ang mga ikinatangi ng Al-Fātiḥah sa iba pang mga kabanata ng Qur'an hanggang sa ito ay maging pinakadakila kaysa sa mga iyon ayon sa sabi niya: "ito ay ang pitong inuulit-ulit." Iyon ay dahil sa inuulit ito sa dasal sa bawat rak`ah, o dahil ito ay inuulit kasama ng ibang kabanata ng Qur'an. O tinawag itong ganoon dahil sa pagkakasaklaw nito sa dalawang bahagi: papuri at panalangin, o dahil natipon dito ang katatasan ng mga kayarian ng mga salita at ang retorika ng mga kahulugan ng mga salita, o dahil ito ay inuulit sa paglipas ng panahon at sinasambit-sambit kaya naman hindi nahihinto at pinag-aaralan kaya naman hindi naglalaho, o dahil sa ang mga pakinabang nito ay nagbabago-bago mula sa isang kalagayan patungo sa isang kalagayan yayamang walang wakas ito. Maaari ring ang inuulit-ulit dito ay tumutukoy sa papuri dahil sa pagkakasaklaw nito sa papuri kay Allah, pagkataas-taas Niya. Para bang ito ay nagpupuri kay Allah sa pamamagitan ng mga napakagandang pangalan Niya at mga katangian Niya. Ang sabi Niyang "ang Dakilang Qur'ān" ay ang ipinangalan din sa Al-Fātiḥah. Ang sabi Niyang "na ibinigay sa akin." ay nangangahulugang ipinagkaloob sa kanya. Ang pagtawag sa Al-Fātiḥah na Dakilang Qur'an ay dahil sa pagkakatipon nito sa lahat ng nauugnay sa mga umiiral sa Mundo at Kabilang-buhay at sa mga panuntunan at mga kapaniwalaan. Tingnan: Dalīl Al-Fāliḥīn 178-180/6.
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Ang mahusay sa Qur'ān ay kasama ng mga tagapagtalang mararangal na mabubuting-loob. Ang nagbabasa ng Qur'ān at nauutal-utal dito habang siya rito ay nahihirapan ay magkakamit ng dalawang pabuya.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta na ang nagbabasa ng Qur'ān habang siya ay magaling sa pagkakasaulo, nagpakadalubhasa rito, mahusay, at sanay sa pagbasa nito, ukol sa kanya mula sa gantimpala sa Kabilang-buhay, na ang katayuan niya ay maging kasama ng mga anghel na tagapagtalang mararangal na mabubuting-loob. Ang nagbabasa ng Qur'ān, nauutal-utal dito, at nag-aatubili sa pagbigkas niya dahil sa kahinaan ng pagkakasaulo niya – habang siya sa kabila niyon ay nagmamalasakit dito samantalang ito sa kanya ay matindi at mahirap – ukol sa kanya ay dalawang pabuya: isang pabuya dahil sa pagbigkas at isang pabuya para sa hirap at pag-aatubili niya sa pagbigkas niya.
Ayon kay `Uqbah bin `Āmir, malugod si Allah sa kanya: Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsabi: "Hindi mo ba napag-alaman ang mga talata [ng Qur'an] na ibinaba kagabi na hindi napag-alaman ang tulad ng mga ito kailanman? Ang Qul a`ūdhu birabbi -lfalaq at ang Qul a`ūdhu birabbi -nnās."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAyon kay `Uqbah bin `Āmir, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Hindi mo ba napag-alaman". Nangangahulugan ito: Hindi mo ba nalaman. Ito ay pakikipag-usap na laan sa mananaysay ngunit ang pinatutungkulan ay sumasaklaw sa lahat. Ito ay pangungusap ng pagkagulat. Tinukoy nito ang dahilan ng pagkagulat sa sabi niya: "hindi napag-alaman ang tulad ng mga ito". Nangangahulugan ito: Sa uri nito, ang pagpapakupkop. Ang sabi niya: "kailanman" ay para sa pagtitiyak sa pagkakaila. Ang sabi niya: "Ang Qul a`ūdhu birabbi -lfalaq at ang Qul a`ūdhu birabbi -nnās" ay nangangahulugang walang matatagpuang mga talata ng mga kabanata ng Qur'an, na pawang panalangin ng pagpapakupkop para sa nagbabasa laban sa pinakamasama sa mga masama, na tulad ng dalawang kabanatang ito. Kapag ipinanalangin ang dalawang ito ng isang nananalangin ng pagpapakupkop kay Allah dahil sa pananampalataya at katapatan, kukupkupin siya ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan. Kaya ang buod ay na ang tao ay nararapat na dumalangin ng pagpapakupkop gamit ang dalawang kabanatang ito ng Qur'an. Tingnan: Mirqāh Al-Mafātīḥ 4/639, at Sharḥ Riyāḍ Aṣ-Ṣāliḥīn 4/678.
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi sa akin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Bumigkas ka sa akin [ng Qur'ān" Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, bibigkas po ba ako sa iyo samantalang sa iyo ibinaba ito?" Nagsabi siya: "Oo." Kaya binigkas ko ang Kabanatang An-Nisā' hanggang sa dumating ako sa talatang ito (Qur'ān 4:41): {Kaya papaano kapag naghatid Kami mula sa bawat kalipunan ng isang saksi at naghatid Kami sa iyo sa mga ito bilang saksi?} Nagsabi siya: "Sapat na ngayon." Kaya lumingon ako sa kanya saka ang mga mata niya pala ay lumuluha."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoHumiling ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh dito) na bumigkas ito sa kanya mula sa Qur'ān. Kaya nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, papaano po akong bibigkas nito sa iyo samantalang sa iyo ibinaba ito?" Nagsabi naman siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ako ay nakaiibig na makarinig nito mula sa iba pa sa akin." Kaya bumigkas ito sa kanya mula sa Kabanata An-Nisā' saka umabot ito sa sabi ni Allāh (Qur'ān 4:41): {Kaya papaano kapag naghatid Kami mula sa bawat kalipunan ng isang saksi at naghatid Kami sa iyo sa mga ito bilang saksi?} Ibig sabihin: Magiging ano ang kalagayan mo at ang kalagayan ng Kalipunan mo kapag naghatid Kami sa iyo bilang saksi sa Kalipunan mo na ikaw ay nagpaabot sa kanila ng mensahe ng Panginoon mo? Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tumigil ka na sa pagbigkas." Nagsabi naman si Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh dito): "Kaya lumingon ako sa kanya saka ang mga mata niya pala ay dinadaluyan ng mga luha dala ng pagkasindak sa matutunghayan at dala ng pagkaawa sa Kalipunan niya."
Ayon kay Ibnu Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya-Hadith na marfu: ((Walang nararapat na kaiinggitan maliban sa dalawang bagay: Isang lalaki na pinagkalooban ni Allah ng kayamanan,pinahintulutan Niya ito na gugulin sa karapat-dapat,At isang lalaking pinagkalooban ni Allah ng karunungan,Siya ay humahatol rito at nangangaral.)) At ayon kay Ibn `Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa;Buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Siya ay nagsabi :((Walang nararapat na kaiinggitan maliban sa dalawang bagay: Isang lalaki na pinagkalooban ni Allah ng Qur-an,siya ay gumaganap rito sa tuwing gabi at araw,at isang lalaki na pinagkalooban ni Allah ng kayamanan,Siya ay gumugugol rito sa tuwing gabi at araw))
napagkaisahan ang katumpakan sa dalawang salaysay niyaIpinapaliwanag ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-rito na ang pagka-inggit ay may magkakaibang uri,Kabilang rito ang masamang pagka-inggit at ito ay ipinagbabawal sa Batas ng Islam,ito ay ang pangangarap ng isang tao na maglaho ang biyaya sa kanyang kapatid.At ang ipinapahintulot na pagkainggit; Ito ay kapag nakakita siya ng makamundong biyaya sa iba,at papangarapin niya sa sarili niya na magkaroon siya tulad nito,At ang mabuting pagkainggit,at kainam-inam sa Batas ng Islam,ito ay kapag nakakita siya ng makamundong biyaya sa iba,at papangarapin niya na magkaroon siya nito sa sarili niya,at ito ang sinadyang [banggitin] ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa sinabi niyang: "Walang nararapat na kaiinggitan maliban sa dalawang bagay" Ibig sabihin ang pagkainggit ay may magkakaibang uri at panuntunan,batay sa pagkakaibang uri nito,at hindi ito magiging kainam-inam sa Batas ng Islam,maliban sa dalawang bagay:Ang una:Kapag mayroon isang lalaking mayaman at may takot sa Allah,Pinagkalooban siya ni Allah ng mabuting kayamanan,ginugugol niya ito sa landas ni Allah-pagkataas-taas Niya,at papangarapin nito na siya ay maging katulad niya,at kina-iinggitan niya ang biyayang ito.Ang pangalawa:Kapag mayroon isang lalaking may kaalaman,pinagkalooban siya ni Allah ng kaalaman na kapaki-pakinabang at isinasagawa niya ito,at itinuturo niya ito sa iba,at humahatol siya rito sa pagitan ng mga tao,pinapangarap niya na siya ay maging katulad niya