





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Mūsā, malugod si Allāh sa kanya: "Lumabas kami kasama ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa isang pagsalakay. Kami ay anim katao. Mayroon kaming isang kamelyong nagsasalitan kami [sa pagsakay]. Nabutas ang mga paa namin. Nabutas ang paa ko at nalaglag ang mga kuko ko. Lahat kami ay nagbabalot sa mga paa namin ng basahan kaya tinawag ang pagsalakay na 'May mga Tagpi' dahil sa kami ay nagbebenda sa mga paa namin ng basahan." Nagsabi si Abū Burdah: "Nagsanaysay si Abū Mūsā ng ḥadīth na ito. Pagkatapos ay kinainisan niyang [ulitin] iyon. Sinabi niya: Ako ay hindi nagnanais na banggitin ito! Sinabi niya: "Para bang siya ay nainis na may anuman sa gawa niya na lumaganap."
Napagkaisahan ang katumpakanAng kahulugan ng ḥadīth: Na si Abū Mūsā, malugod si Allāh sa kanya, ay lumabas kasama ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa isang pagsalakay at kasama niya ang ilan sa mga Kasamahan niya. Ang bilang nila ay anim katao. May kasama silang isang kamelyo na pinagsasalitan nila ito ng sakay. Sinasakyan ito ng isa sa kanila sa loob ng isang distansiya. Pagkatapos kapag natapos ang toka niya, bumababa siya sa kamelyo at sumasakay ang iba. Ganyan sila nagtotokahan sa pagsakay hanggang sa dumating sila sa pakay nila. "Nabutas ang mga paa namin. Nabutas ang paa ko at nalaglag ang mga kuko ko." Ito ay dahil sa paglalakad sa lupang disyerto kalakip ng malayong distansiya. Wala silang anumang maipangsasapin sa mga paa nila laban sa pagkasugat ng mga ito sapagkat sila ay naglalakad nang nakayapak. Ibinunga niyon ang matinding pinsala ngunit sa kabila nito ay hindi sila tumitigil-tigil sa paglalakbay nila, bagkus ipinagpatuloy nila ang lakad nila para makaharap ang kaaway. "Lahat kami ay nagbabalot sa mga paa namin ng basahan..." Ito ay kabilang sa nagpapatunay na ang mga sapatos nila ay nagkapunit-punit na dahil sa haba ng distansiya at gaspang ng lupa at tigas nito. Sila ay nagbabalot sa mga paa nila ng basahan upang pangalagaan laban sa tigas ng lupa at init nito. "...kaya tinawag ang pagsalakay na 'May mga Tagpi' dahil sa kami ay nagbebenda sa mga paa namin ng basahan." Ibig sabihin: Ang pagsalakay na ito na isinagawa ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay tinawag matapos niyon na "Pagsalakay ng May mga Tagpi". Ito ay isa sa mga dahilan sa pagpapangalan nito. Sinabi ni Abū Burdah: "Nagsanaysay si Abū Mūsā ng ḥadīth na ito. Pagkatapos ay kinainisan niyang [ulitin] iyon. Sinabi niya: Ako ay hindi nagnanais na banggitin ito! Sinabi niya: Para bang siya ay nainis na may anuman sa gawa niya na lumaganap." Ang kahulugan: Na si Abū Mūsā, malugod si Allāh sa kanya, matapos na nagsanaysay siya ng ḥadīth na ito ay nagmithi na siya ay hindi na sana nagsanaysay nito dahil sa nilalaman nitong pag-aangat ng sarili niya at dahil sa ang paglilihim ng gawang matuwid ay higit na mainam kaysa sa paghahayag na ito maliban na lamang kung may matimbabang na kapakinabangan, gaya ng isang tutularan. Nasaad sa ibang ḥadīth: "Ikinubli nya ito nang sa gayon ay hindi malaman ng kaliwa niya ang ginugugol ng kanan niya." Napagkaisahan sa katumpakan.
Ayon kay Ibnu Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya: "Nagdasal ako kasama ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, isang gabi. Pinatagal niya ang pagtayo hanggang sa nakaisip ako ng isang bagay na masama! Sinabi: Ano ang naiisip mo? Nagsabi siya: Naisip ko na umupo at iwan siya."
Napagkaisahan ang katumpakanNagdasal si Ibnu Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya, kasama ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, isang gabi at tumayo ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, nang pagtayong matagal. ito ang nakasanayan niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at nahirapan ito, malugod si Allah sa kanya sa tagal ng pagtayo hanggang sa nakaisip ito ng isang bagay na hindi ikatutuwa ng tao na gawin iyon. Tinanong ito, malugod si Allah sa kanya: Ano ang naisip mo? Nagsabi ito: Naisip ko na umupo at iwan siya na nakatayo. Ito ay dahil sa inabot niyang hirap.
Ayon kay Jāber bin 'Abdillāh-malugod si Allāh sa kanya-Tunay na ang Sugo ni Allāh-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-ay pumasok sa isang lalaki mula sa mga Tribo ng mga Ansār,at kasama nito ang kasamahan niya,Nagsabi ang Sugo ni Allāh-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-:((Kung mayroon kang tubig na pinaglumaan sa gabing ito sa loob ng bote,at kung hindi magsisimsim tayo))
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyNagsabi si Jāber-malugod si Allāh sa kanya-Pumasok ang Sugo ni Allāh-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-sa isang lalaki mula sa Tribo ng Ansār,Sinasabing siya si Abū Al-Haytham bin Attayhān Al -Ansārīy-malugod si Allāh sa kanya-at kasama niya ang kasamahan niya-na si Abū Bakar-malugod si Allāh sa kanya-tinanong siya ng Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-kung mayroon ba siyang tubig na pinaglumaan sa loob ng bote,Dahil ang oras [ sa panahong yaon] ay tag-init,At layunin doon, ay dahil sa ang tubig na pinaglumaan ay malamig.At kung hindi ay iinumin natin ang tubigsa pamamagitan ng bunganga at hindi sa lalagyan nito o palad [ng kamay]
Ayon kay Abē Hurayrah-o Abē Saīd Al-Khudrī-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Nag-aalinlangan ang nagsalaysay-siya ay Nagsabi:(Sa panahon ng Pandarambong sa Tabūk-tinamaan ang mga tao ng matinding pagkagutom,Nagsabi sila: O Sugo ni Allah;Kung pahihintulutan mo kami,Kakatay kami sa mga kamelyo namin,kakain kami nito at magpapahid [ng mga taba nito],? Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Gawin ninyo)),Dumating si 'Umar-malugod si Allah sa kanya-At Nagsabi siya: O Sugo ni Allah, kapag ginawa mo ito mababawasan ang mga dala-dala natin,Subalit hingin mo sa kanila ang natitirang baon nila,pagkatapos ay ipanalangin mo ito sa kanila sa Allah nang pagpapala,Marahil si Allah ay maglalagay rito ng pagpapala,Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:(Oo), tumawag siya ng paglalagyan at inilatag niya ito,Pagkatapos ay itinawag niya [na dalhin sa kanya] ang natitira nilang baon,At dumating ang lalaki na may dalang isang palad ng mais,at dumating [ang iba] na may dalang isang palad ng dateles,At ang iba ay may dalang pira-piraso ng tinapay,hanggang sa naipon ang kaunting mga bagay na ito sa lalagyan,Nanalangin ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-rito ng Pagpapala,Pagkatapos ay Nagsabi siya:(Kumuha kayo ng mga lalagyan ninyo),Kumuha sila ng mga lalagyan nila , hanggang sa walang natirang lalagyan ng mga kawal maliban sa napuno nila ito,at kumain sila hanggang sa nabusog sila,at mayroon pang ibang nitira,Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ninAllah at pangalagaan-(( Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah, at ako ay Sugo Niya,Walang [sinuman ang] haharap sa Allah, sa mga salitang ito mula sa kanyang alipin, nang walang pag -aalinlangan,Ang mahahadlangan sa pagpasok sa Paraiso.))
Nagsalaysay nito si Imām MuslimSa panahon ng pakikipagdarambong sa Tabuk,dumating sa mga tao ang [matinding] pagkagutom,sinabi nila : O Sugo ni Allah;kung pahihintulutan mo kami,kakatayin namin ang mga kamelyo namin,kakainin namin ang mga karne nito at ipapahid namin ang mga taba nito.Pinayagan sila ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagsabi siyang: Gawin ninyo:Dumating si `Umar-malugod si Allah sa kanya-nagsabi siya: O Sugo ni Allah;kapag ginawa mo ito,mababawasan ang mga hayop na dinala natin,magiging maliit ang bilang nila,subalit gawin mong dalhin nila sa iyo ang natirang pagkain nila,pagkatapos ay ipanalangin mo sa Allah na ito ay ipagpala,at marahil ay ilagay rito ng Allah ang mga kabutihan at ipagpala [Niya] ang kaunti,Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Oo,humingi siya ng pambalot na yari sa balat at inilatag niya ito,Pagkatapos ay humingi siya ng mga natitirang pagkain nila,ang isang lalaki ay dumating na may dalang mais na isang palad [ng kamay],at ang iba ay dateles,at ang iba ay mga piraso ng tinapay,hanggang sa naipon sa kanya ang mga malilit na bagay na ito,At nanalangin ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ito ay ipagpala;Pagkatapos ay nagsabi siya: (Kumuha kayo ng mga lalagyan ninyo),Kumuha sila,hanggang sa walang natira sa mga lalagyan ng mga sundalo maliban sa ito ay napuno niya,Kumain sila hanggang sa nabusog sila,at may natira pa rito,Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah at ako ay Sugo ni Allah,Walang haharap kay Allah sa pamamagitan ng dalawang salitang ito,mula sa kanyang mga alipin pagkatapos ng pagkamatay niya,na walang pag-aalinlangan dito,Ang mahahadlangan sa pagpasok sa Paraiso,datapuwa`t ay mararapat sa kanya na makapasok dito,Siya man ay mapabilang sa mga nailigtas mula`t sa simula,o pagkatapos niyang mailabas mula sa Impiyerno.
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Narinig ko ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, habang siya ay nakasandal sa akin na nagsasabi: O Allah, patawarin Mo ako, kaawaan Mo ako, at isama Mo ako sa Kasamang Kataas-taasan."
Napagkaisahan ang katumpakanNoong nalapit na ang taning ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sumandal siya sa Ina ng mga Mananampalataya malugod si Allah sa kanya habang siya ay humihiling sa Panginoon niya na isama siya sa Kasamang Kataas-taasan at sila ay ang mga propeta, ang mga tapat, ang mga martir, at ang mga matuwid.
Ayon kay Jaber-malugod si Allah sa kanya-na siya ay nakipag-laban kasama ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa lugar na Najd.At nang bumalik ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-bumalik siya kasama nila,inabutan sila ng tanghali(oras ng pagtulog),sa isang lambak na may maraming kahoy na may tinik.Bumaba ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,at naghiwa-hiwalay ang mga tao na sumisilong sila sa mga puno.At.bumaba ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa silong ng puno at isinabit niya dito ang tabak niya,at nakatulog kami ng matagal.Kung kaya`t ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-tinatawag kami.at kung kaya`t dumating sa kanya ang isang lalaki(A`rabie) nagsabi siya:((Tunay na tinangka niya sa akin ang tabak ko,habang ako ay natutulog,nagising ako at itoy hawak na ng kamay niya,Nagsabi siya:(( Sino ang pumipigil sa iyo mula sa akin? Nagsabi ako:" Allah-tatlong beses-At hindi niya ito pinarusahan at umupo siya.Napagkaisahan sa katumpakan. At sa isang salaysay,Nagsabi si Jaber;kasama namin ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa isang pakikipag-laban na tinatawag na "May-ari ng Nagtatagpi",Kung kayat dumating kami sa isang puno na may silong na iniwanan namin ito para sa-Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kaya`t dumating ang isang lalaki mula sa mga hindi mananampalataya,at ang tabak ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nakasabit sa puno,pinagtangkaan niya ito at nagsabi siya:"Natatakot ka sa akin? At sinabi niya: Hindi,kaya`t nagsabi siya:"Sino ang pumipigil sa iyo mula sa akin?Sinabi niya:"ALLAH". At sa salaysay ni Abe Bakar Al-Esmailie sa "Tumpak nito" Nagsabi siya:"Sino ang pumipigil sa iyo mula sa akin?Sinabi niya: "ALLAH" Nagsabi siya:,kaya`t nahulog ang tabak sa kamay nito,at kinuha ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan -ang tabak;at sinabi niya: ((Sino ang pumipigil sa iyo,mula sa akin?))Nagsabi siya:Maging isa kang mabuting taga-kuha.Nagsabi siya:((Sumasaksi kaba walang ibang Diyos na dapat sambahin maliban kay Allah?)) sinabi niya: Hindi;ngunit ipinapangako ko sa iyo na hindi kita lalabanan,at hindi ako papanig sa mga taong nakikipag-laban sa iyo.Pinabayaan niya itong makalaya.Dumating ang mga kasamahan nito:Nagsabi siya:Dumating ako sa inyo mula sa may pinaka-magandang asal sa mga tao.
Napagkaisahan ang katumpakanSa Hadith na ito,Ipinapahayag ni Jaber bin Abdullah-malugod si Allah sa kanya-na siya ay nakipaglaban kasama ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,at ang pakikipaglaban na ito ay kilala para sa mga mananalaysay na pakikipag-labang"May-ari nang Nagtatagpi" at sa sandaling pagbalik nila mula sa pakikipag-laban,Bumaba ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa oras nang tanghali sa lugar na may maraming puno na may tinik,at naghiwa-hiwalay ang mga tao mula sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-naghahanap sila nang mga lugar na masisilongan nila dahil sa init ng araw.At bumaba siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa isang puno na may malaking silong na tinatawag na(Assamurah),at isinabit niya dito ang tabak niya,pagkatapos ay natulog siya at natulog ang mga tao,pagkatapos ay nagtago sa kanila ang isanh arabo na kabilang sa mga naka-away ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pakikipaglaban na ito,at hindi nila ito naramdaman,kinuha niya ang tabak ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na patago,nagising siya sumakanya ang pagpapala ata pangngalaga,pagkatapos ay nagsabi siya:((tunay na tinangka niya sa akin ang aking tabak habang ako ay natutulog,hanggang sa nagising ako,kayat kinuha ng arabo ang tabak at nagtangka ito sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at siya ay nagsasabi:"Sino ang pumipigil sa iyo , sa akin, kung ninais ko na patayin ka?Sinagot siya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-"Si Allah" at inulit niya ito ng tatlong beses,at ang ibig sabihin ay: Si Allah Pagkataas-taas Niya-ay aalagan Niya kami mula sa iyo,Sinabi niya ito-sumakanya ang pagpapala at kapayapaan-Na siya ay may pananalig kay Allah,at Nakatitiyak sa pangako niya,Hanggang sa nahulog ang tabak mula sa kamay ng hindi mananampalataya,Kinuha ito ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya sa kanya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:Sino ang pumipigil sa iyo,mula sa akin?na ibig sabihin:kapag ninais ko na patayin ka?Sumagot sa kanya ang hindi mananampalataya:(Maging isa kang taga-kuha)at ang ibig sabihin nito ay:Ang pagpapatawad at pagpapasensiya at ang kabayaran ng kasamaan ay kabutihan,Sinabi sa kanya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(Sumasaksi kaba na walang ibang Diyos na dapat sambahin malaban kay Allah?)Nagsabi siya: Hindi,Ngunit nangako siya sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na hindi na siya makkikipaglaban sa kanya,at hindi siya sasama sa mga taong makikipag-laban sa kanya,At pinabayaan niya siya,Sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-sa kanyang daan,at bumalik ang taong ito sa kanyang mga kasamahan at nagsabi siya:(Dumating ako sa inyo mula sa may pinaka-magandang kaasalan sa mga tao)at ang nangyari ay tulad nang sinabi ng Hindi mananampalataya,Sapagkat ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ang siyang pinaka-mainam sa mga tao sa kaugalian at sapat na dito ang rekomendasyon ni Allah sa kanya,sa Pagsabi Niya:[At katotohanan na ikaw (O Muhammad) ay nag-aangkin ng mataas na moral ng pag-uugali]
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allāh sa kanya: Nahati ang buwan sa panahon ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa dalawang biyak. Tumakip ang bundok sa isang biyak at ang isang biyak naman ay nasa ibabaw ng bundok. Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "O Allāh, sumaksi Ka."
Napagkaisahan ang katumpakanNahati ang buwan sa panahon ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa dalawang pirasong magkakahiwalay, na ang bawat piraso ay nasa isang lugar. Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "O Allāh, sumaksi Ka." Nangangahulugan ito: O Allāh, sumaksi Ka laban sa kanila na ipinakita Mo sa kanila ang patunay sa himala ko at pagkapropeta ko.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Dumating si Zayd bin Ḥārithah na dumaraing kaya nagsimula ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagsasabi: "Mangilag kang magkasala kay Allah at panatilihin mo sa iyo ang maybahay mo." Nagsabi si Anas: "Kung sakaling nangyaring ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagkukubli ng isang bagay, talagang ikinubli na sana niya ito." Nagsabi ito: "Si Zaynab noon ay nagmamalaki sa mga maybahay ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagsasabi: Ipinakasal kayo ng mga mag-anak ninyo samantalang ipinakasal ako ni Allah, pagkataas-taas Niya, mula sa ibabaw ng pitong langit." Ayon kay Thābit, [ang Qur'ān 33:37]: "...habang ikinukubli mo sa sarili mo ang si Allah ay maglalantad niyon. Kinatatakutan mo ang mga tao..." ay bumaba nang may kaugnayan kina Zaynab at Zayd bin Ḥārithah.
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyDumating si Zayd bin Ḥārithah, malugod si Allāh sa kanya, sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na idinaraing ang maybahay niyang si Zaynab bint Jaḥsh, malugod si Allāh sa kanya, at sumasangguni sa kanya kaugnay sa pagdidiborsiyo roon noong nagsiwalat na si Allah, pagkataas-taas Niya, sa Sugo Niya na ito ay magpapakasal kay Zaynab. Nagsiwalat si Allah ng gayon sa kanya bago diniborsiyo ni Zayd si Zaynab. Kaya noong dumating siya na idinaing iyon sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at sinasangguni ito kaugnay sa pagdidiborsiyo roon, nagsabi ito sa kanya: "Mangilag kang magkasala kay Allah at panatilihin mo sa iyo ang maybahay mo." Kaya pinagsabihan siya ni Allah, pagkataas-taas Niya, sa sabi Niya (Qur'ān 33:37): "[Banggitin] noong sinasabi mo sa biniyayaan ni Allah at biniyayaan mo: 'Panatilihin mo sa iyo ang maybahay mo at mangilag kang magkasala kay Allah' habang ikinukubli mo sa sarili mo ang si Allah ay maglalantad niyon. Kinatatakutan mo ang mga tao samantalang si Allah ay higit na karapat-dapat na katakutan mo. Kaya noong nakatapos na si Zayd mula sa kanya ng pangangailangan, ipinakasal ka Namin sa kanya..." Ang ikinukubli noon ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay ang pagkasuklam niya sa pagpapakasal kay Zaynab dahil sa pangamba sa salita ng mga tao na siya ay nagpakasal sa maybahay ng anak niya sa pag-ampon. Ang sabing: Nagsabi si Anas: "Kung sakaling nangyaring ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagkukubli ng isang bagay, talagang ikinubli na sana niya ito." Nangangahulugan ito: "Kung sakaling itinakda - bilang pagpapalagay na imposible sa Batas ng Islām - ang pagkukubli ng anuman sa isiniwalat [ni Allah], talagang ito sana ay nasa talatang ito; subalit ito ay hindi nangyari, bagkus imposible sa Batas ng Islām. Ang talatang ito ay kabilang sa pinakadakila sa mga patunay para sa sinumang nagmuni-muni rito sa katapatan ng Sugo, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Si Allah, pagkataas-taas Niya, ay nagpapabatid hinggil sa naganap sa sarili ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na pagkatakot sa mga tao. Ipinaabot iyon sa kanya gaya ng sinabi ni Allah, pagkataas-taas Niya, kalakip ng nilalaman niyon na paninisi sa kanya, na salungat sa kalagayan ng palasinungaling sapagkat ito ay umiiwas sa bawat maaaring mayroong kapintasan sa kanya. Tulad niyon ang sabi Niya, pagkataas-taas Niya (Qur'ān 80:1-2): "Sumimangot siya at tumalikod siya dahil pinuntahan siya ng isang bulag na sumasabad." May mga kawangis ito sa Qur'ān. Ang sabi nito: "Si Zaynab noon ay nagmamalaki sa mga maybahay ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan..." ay dahil si Zaynab ay nagtuturing na ang pagpapakasal niya sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay dahil sa pag-uutos ni Allah niyon sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na ito ay kabilang sa pinakadakila sa mga kalamangan niya, na walang nakapapantay sa kanya roon sa mga maybahay ng Propeta ni isa man. Siya noon ay nagsasabi: "Ipinakasal kayo ng mga mag-anak ninyo samantalang ipinakasal ako ni Allah, pagkataas-taas Niya, mula sa ibabaw ng pitong langit." Ang pagtatakdang ito mula sa ḥadīth ay naglalaman ng pagpapatibay sa kataasan ni Allah, pagkataas-taas Niya, at pinagtitibay Niya ito sa harap ng mga Mananampalataya. Ito ay isang usaping tinatanggap sa pangkalahatan ng mga Muslim bagkus sa pangkalahatan ng mga nilikha maliban sa sinumang binago ang kalikasan ng pagkalalang sa kanya. Ito ay kabilang sa mga katangiang nalalaman batay sa pagdinig, pag-iisip, at kalikasan ng pagkalalang sa ganang bawat sinumang hindi nalihis ang kalikasan ng pagkalalang sa kanya. Ang kahulugan ng sabi ni Zaynab: "ipinakasal ako ni Allah" ay inutusan ni Allah ang Sugo Niya na magpakasal kay Zaynab sa pamamagitan ng sabi Niya (Qur'ān 33:37): "Kaya noong nakatapos na si Zayd mula sa kanya ng pangangailangan, ipinakasal ka Namin sa kanya..." Isinagawa ni Allah ang pagpapakasal kay Zaynab sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan.
Ayon kay `Emran bin Husayn bin `Ubayd Al-Khuzaiy-malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya:Kami ay nasa paglalakbay kasama ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at kami ay ginabihan hanggang sa kami nasa huling gabi na,naktulog kami ng mahimbing na tulog,at wala ng pinakamasarap na tulog para sa manlalakbay mula rito,at hindi kami nagising maliban sa pag-init na ng [sikat ng] araw,at ang pinaka-unang nagising ay si pulano,pagkatapos ay si pulano,pagkatapos ay si pulano,pagkataapos ay si `Umar bin Al-Khattab,At ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,ay kapag nakatulog ay hindi ginigising,hanggat sa siya mismo ang magising,dahil hindi namin alam kung ano ang nangyayari sa kanya sa pagtulog niya,at nang magising si `Umar bin Al-Khattab,at nakita niya kung ano ang nangyari sa mga tao,at siya ay lalaking mahigpit,Nagdakila siya [sa Allah]at itinaas niya ang boses niya sa pagdadakila[sa Allah],at nanatili siya sa pagdadakila [sa Allah] at itinataas ang boses nito sa pagdadakila [sa Allah] hanggang sa nagising dahil sa boses niya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,At nang magising siya,nagreklamo siya sa kanya dahil sa nangyari sa kanila,Nagsabi siya:(( Hindi makakapinsala-o Hindi makakapinsala-humayo kayo)) at humayo sila,hanggang sa nakapaglakad sila ng hindi kalayuan.Pagkatapos ay bumaba siya at naki-usap na bigyan siya ng lalagyan na may tubig,At nagsagawa siya ng Wudhu.at itinawag ang pagdarasal,At Nagdasal siya mga tao,At nang siyay namaluktot sa pagdarasal niya,kung-kaya't [nakita niya] ang isang lalaki ay nag-iisa at hindi nagdasal sa karamihan ng mga tao,Nagsabi siya: Ano ang pumipigil sa iyo o pulano na magdasal kasama ang karamihan sa mga tao?))Nagsabi siya:(Dumating sa akin ang pagiging Junub [linabasan ng similya] at walang tubig,Nagsabi siya:(( Nararapat sa iyo [ang paggamit] ng buhangin, sapagkat itoy sapat na sa iyo))Pagkatapos ay naglakad na Ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaaan-at ang mga tao ay nagrereklamo sa kanya dahil sa pagaka-uhaw, Bumaba siya at tinawag niya si pulano, at tinawag din niya si 'Alī, Nagsabi siya:(( Humayo kayo, at maghanap kayo ng tubig)),Umalis silang dalawa at nasalubong nilang dalawa ang isang babae na nasa pagitan niya ang dalwang lalagyan ng tubig sa ibabaw ng kamelyo niya,Nagsabi silang dalawa sa kanya; Nasaan ang tubig?Naalala ko ang tubig na kahapon pa, tulad ng oras na ito, at ang mga tao namin ay nasa likod [lamang],Nagsabi silang dalawa sa kanya:Humayo ka kung gayun,Nagsabi siya: Saan?Nagsabi silang dalawa: Sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya: Siya ba ang tinatawag na Al-Sabian,?Siya na nga ang ibig mong sabihin,At humayo siya,At siya ay dinala nilang dalawa sa Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sinabi nilang dalawa ang [kanyang] sinabi,Nagsabi siya: Ibaba ninyo siya,sa kamelyo niya,At nagpakuha ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ng lalagyan ng tubig,At linagyan niya ito mula sa bunganga ng dalawang baunan-o dalawang lalagyan ng tubig-At pinisi niya ito sa dalawang bunganga nito at binuksan ang mga bunganga nito, At tinawag ang mga tao, Uminom kayo at magpa-inom kayo,at uminom ang sinumang nagnais [na uminom] , at nagpainom ang sinumang nagnais [na magpa-inom],at ang pinakahuli doon ay ibibigay sa taong naging junub [linabasan ng similya],ang lalagyan ng tubig,Nagsabi siya:((Pumunta ka at lalagyan ko ito para sa iyo)).Habang siya ay nakatindig at tinitingnan ang ginagawa niya sa tubig,at sumpa sa Allah,tunay na aalisin kona ito rito, at tunay na ipinakita niya sa amin na ito ay may mas matinding pagkapuno rito mula ng simulan niya ito,Nagsabi ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Ipunin ninyo ito para sa kanya)) at inipon nila para sa kanya mga dates at harina at mga trigo hanggang sa ginawan nila siya ng pagkain,Inilagay nila ito sa damit at ipinabuhat nila ito sa kamelyo niya,at inilagay nila ang damit sa harapan niya, Nagsabi siya sa kanya:(( Alam Moba, Hindi kami nabiyayaan mula sa tubig mo ng kahit na kaunti man lang,Ngunit katotohanang si Allah ang Siyang nagpa-inom sa amin)) dumating siya sa pamilya niya at tunay na ipinagdadamot niya ito,Nagsabi sila: Ano ang nakakapagparamot sa iyo o pulano? Nagsabi siya: Nakakamangha,sinalubong Ako ng dalawang lalaki, at dinala nila Ako sa tinatawag nilang Sabian,at ginawa niya ang ganito, at ganito,Sumpa sa Allah, siya na ang [pinakamagaling] na salamangkero sa mga tao sa pagitan ng langit at lupa,at Nagsabi siya sa pagitan ng dalawang daliri niyang hinlalato at hintuturo, itinuro niya ito sa kalangitan-ibig sabihin: Ang langit at lupa-o di kayay siya ay tunay na siya ay Sugo ni Allah,at ang mga Muslim pagkatapos doon ay umaataki sa sinumang nakapalibot sa kanya mula sa mga Nagtatambal sa Allah,at Hindi na sila nanirahan sa bahay na kung saan siya napaparoon.Nagsabi siya isang araw sa mga tao niya:Hindi ko nakikita na silang mga tao ay sasadyaing mag-anyaya sa inyo, Gusto niyo ba para sa inyo ang Islam? At naniwala sila sa kanya, at yumakap sila sa Islam.
Napagkaisahan ang katumpakanSa Marangal na Hadith na ito ay (matatagpuan) ang mga kabuuan ng mga panuntunan at mga Kababalaghan na ipinakita sa mga kasamahan ng Propeta-malugod si Allah sa kanila;ito ay sapagkat nang sila ay nasa paglalakbay at dinaig sila ng kanilang mga antok at nawala na ang dasal ng Fajr,Walang ibang ginawa ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan maliban sa ipahayag niya sa kanila kung ano ang nararapat nilang gawin sa tulad ng kalagayang ito at ito ay ang pagmamadali sa pagbayad ng pagdarasal,At ang iba pang bagay,Na ang sinuman sa mga kasamahan ng Propeta ang naging Junub at wala sa kanila ang tubig,Ipinag-utos sa kanya ng Propeta pagpalain siya ni Allaha at pangalagaan ang mag Tayammum( paggamit ng buhangin o bato kapalit ng tubig),Napatunayan na sa kalagayan nang kawalan ng tubig,ay ipinapahintulot ang Tayammum sa pagligo.At ang pangatlong bahay at ito ay isa sa mga Himala ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,Na kung saan ang mga tao ay nagreklamo sa kanya ng pagka-uhaw at kawalan ng tubig,Nagpadala siya ng sinumang maghahanap ng tubig ngunit wala silang natagpuan,at ang natagpuan nila ay isang babae na may dalang tubig sa dalawa niyang lalagyan,Dinala nila ito sa Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at kinuha sa mga lalagyan nito ang tubig at nanalangin siya sa Allah Pagkataas-taas Niya,hanggang sa lumabas ang mga tubig, at ang mga Kasamahan ng Propeta ay nagpainom at nagsi-inuman hanggang sa kahit ang sinumang naging Junub ay kumuha ng tubig na pampaligo niya,pagkatapos ay kinuha ng babae ang lalagyan niya at siya ay nagsasabi,Na para bagang mas napuno pa ito mula sa dati,at ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay mag-utos na mag-ipon ng pagkain para sa kanya bilang kabayaran sa kanya,Na kung saan ay naging dahilan pagkatapos nito sa pagyakap Nita sa Islām at pagyakap sa Islām ng mga tao niya