





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Walang isa mang bumati ng pangangalaga sa akin malibang nagbabalik si Allah sa akin ng kaluluwa ko hanggang sa magbalik ako sa kanya ng pagbati ng pangangalaga."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām AḥmadNagpapabatid ang Propeta (s) na ibinibalik ang kaluluwa niya upang magbalik siya ng pagbati ng pangangalaga sa bawat sinumang bumati sa kanya maging ito man ay malapit o malayo. Ang buhay sa Barzakh at mga libingan ay isang bagay na pangnakalingid, na walang nakaaalam sa reyalidad nito kundi si Allah at Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.
Ayon kay Al-Barā`(malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Hindi ako na nakakita ng isang may lampas-balikat na buhok na higit na makisig sa ternong pula kaysa sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), habang ang buhok niya ay nakalugay sa mga balikat niya, na malapad ang pagitan ng mga balikat niya, na hindi matangkad at hindi mababa.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid si Al-Barā` bin `Āzib (malugod si Allāh sa kanya) na siya ay hindi nakakita ng isang tao – na ang buhok ng ulo nito ay mahabang umabot na sa mga balikat nito at nagsusuot ng pang-ibabang kasuutan at pang-itaas na kasuutan at may mga linyang pula – na higit na makisig kaysa sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na kabilang sa mga katangian niyang pisikal ay na siya ay malapad ang pagitan ng mga balikat, matipuno ang dibdib, at katamtaman ang tikas sa pagitan ng matangkad at mababa.
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya.siya ay nagsabi: "Ang Kamay ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na kanan [ay ginagamit niya sa paglilinis niya at pagkain niya,At ang Kaliwa ay [ginagamit niya] sa palikuran niya at sa anumang mga bagay na nakakapinsala" Ayon kay Hafsah-malugod si Allah sa kanya- Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay ginagamit niya ang kanan niya sa pagkain niya at pag-inom niya at pagdamit niya,at ginagamit niya ang kaliwa niya,maliban pa sa mga ito"
Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadIpinapahayag ni `Aishah malugod si Allah sa kanya-Kung ano ang ginagamitan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa kanang [kamay],At kung ano ang ginagamitan niya sa kaliwa.Nabanggit niya na ang mga bagay na ginagamitan niya sa kaliwa ay yaong mga bagay na nakakapinsala, tulad ng paglilinis ng dumi gamit ang tubig at paaglilinis ng dumi gamit ang bato,Pagsinghot at Pagsinga,at ang mga tulad pa nito.Sa lahat ng bagay na may kaakibat na nakakapinsala,inuuna niya rito ang kaliwa,at sa mga bagay na maliban dito,inuuna niya ang kanang bilang pagpaparangal rito.Sapagkat ang kanan ay higit na mainam sa kaliwa.At ang Hadith na ito ay napapaloob sa mga kainaman ng Pag-una sa Kanan.At kabilang sa mga kapakanan nito ay pagpaparangal.At ang sinabi niya:malugod si Allah sa kanya:"Ang Kamay ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na kanan [ay gingamit niya sa paglilinis niya at pagkain niya,At ang Kaliwa ay [ginagamit niya] sa palikuran niya at sa anumang mga bagay na nakakapinsala" Sa pagkasabi niya na "Sa paglilinis niya" Ibig sabihin: Kapay siya ay naglilinis ,nagsisimula siya sa kanan.Nagsisimula siya sa paghuhugas ng kanang kamay niya bago ang kaliwa.At nagsisimula siya sa paghuhugas na kanang paa niya bago ang kaliwa.At ang dalawang tainga,ito ay isang bahagi lamang na kasama na sa ulo.Pupunasan niya ito lahat. maliban kung wala siyang kakayahang magpunas maliban sa isang kamay lamang,kung magkagayun ay magsimula siya sa may bandang kanan niyang tainga,dahil sa may mabigat na kadahilanan.Sa pagsabi niya: At sa pagkain niya" Ibig sabihin ay: Sa pagkain niya ng pagkain."At ang Kaliwang kamay niya ay [ginagamit niya] sa palikuran" Ibig sabihin ay:Para sa paglilinis niya ng dumi ,gamit ang tubig,at paggamit ng mga bato,at pagtanggal ng mga dumi." at sa anumang mga bagay na nakakapinsala"Tulad ng pag-alis niya sa mga dura at uhog at kabilang rin dito ang pag-alis sa mga kuto.At ang Hadith ni Hafsah ay nagpapatibay sa mga naunang Hadith ni `Aishah;Na siyang dumating bilang Pagpapahayag sa kainaman ng pagsisimula sa Kanan, sa pamamaraan niyang Pagpaparangal,at pag-uuna sa kaliwa ,sa pamamaraan niya sa [pagtanggal ng] nakakapinsa at mga dumi;tulad ng Paglilinis ng dumi gamit ang tubig at Paglilinis ng dumi gamit ang bato,at sa mga katulad pa nito.
Mula kay Thawban -Malugod si Allah sa kanya- katotohanan ang Sugo ni Allah -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay nagsabi: "Tiyak ang dakilang Allah itinipon sa akin ang lupa, dahil doon nakita ko ang silangan niya at ang kanluran niya, at tiyak ang aking ummah (nasyon) aabot ang kanyang kapangyarihan sa kung ano ang naitipon sa akin, at ako'y nabigyan ng dalawang kayaman ang pula (ginto) at ang puti (pilak). At katotohanan hiniling ko sa aking panginoon para sa aking ummah na hindi niya siyang wawasakin sa pamamagitan ng tagtuyot, at hindi sila pangingibawan ng mga kalaban maliban sa kanilang sarili at hindi kamkamin ang kanilang lugar kahit pa sila ay nagkaisa laban sa kanila mula sa iba't ibang lugar. Hangga't ang iba sa kanila papatayin ang kasama nila, at iba sa kanila ay lusubin ang kasama nila". At inulat ni Al-barqaniy sa kanyang aklat, at dinagdagan niya: "At katotohanan ang aking ikinatatakot sa aking tauhan ay mga A-immah (pinuno) mangliligaw ng landas, at kapag lumagpak sa kanila ang espada hindi na ito maiangat hanggang sa huling araw, at hindi tatayo ang oras hangga't sasama ang buhay mula sa aking mga tauhan sa mga mushrikeen (magtatambal), at hangga't sisimbahin mula sa aking tauhan ang mga idolo. At magkakaroon mula sa aking tauhan na tatlumpung sinunggaling; lahat sila'y umako na siya ay sugo, at ako ang huling sugo wala ng sugo pagkatapos ko. At manatili ang grupo mula sa aking mga tauhan na nasa katotohanan ay mananalo hindi sila maapektuhan ng sinuman ang magpabaya sa kanila hanggang sa dumating ang pasya ng Allah -mapagpala Siya at pagkataas-taas".
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām MuslimIto'y isang malaking hadith sakop niya ang mahalagang bagay at mga balitang totoo, sinabi siya ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- tiyak ang dakilang Allah tinipon sa kanya ang lupa hangga't sa nakita niya ang naangkin ng kanyang bayan mula sa pinakamataas na bahagi ng silangan at kanluran, at ito'y balita na natagpuan ang kanyang maysabi, katotohanan lumuag ang kapangyarihan ng kanyang bayan hanggang umabot mula sa pinakamataas na silangan patungong pinakamataas na kanluran, at sinabi niya nabigyan siya ng dalawang kayamanan at nangyari ito tulad ng kanyang sinabi, tiyak na nakuha ng kanyang tauhan ang dalawang kapangyarihan ng Kisra at Caesar kung saan nandyan sa kanila ang ginto, pilak, at kakanyahan. Sinabi niya na hiniling niya sa kanyang panginoon para sa kanyang bayan (ummah) na huwag silang pinsalain dulot ng tagtuyot at huwag sila pangibabawan ng mga kalaban mula sa kuffar umangkin sa kanilang mga lugar at puksain ang kanilang pagkakaisa, at ang dakilang Allah binigay sa kanya ang unang kahilingan, at binigay din sa kanya ang pangalawang kahilingan habang ang bayan ay ligtas sa sigalutan, pagkanya-kanya, at agawan sa pagitan nila, at kung mangyari sa kanila ang mga iyon pangibabawan sila ng mga kalaban mula sa mga kuffar, at ito'y nangyari nung nagkawatak-watak na ang ummah (bayan). At pinangambahan ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ang tauhan niya sa panganib ng mga pinuno at ligaw-mangliligaw na may-alam (ulama'); sa pagka't ang mga tao ay sumasama sa kanilang pangliligaw na landas, at sinabi niya na kapag mangyari ang fitnah at patayan sa ummah iyon ay tuluy-tuloy hanggang sa huling araw at nangyari na tulad ng kanyang sinabi, simula ng nangyari ang fitnah sa pagkamatay ni Uthman -Malugod si Allah sa kanya- siya tuluy-tuloy hanggang sa huling araw. At sinabi niya ang ibang tauhan niya susuno sa mga mushrikeen sa kanilang mga tirahan at relihiyon. At mga grupo mula sa Ummah ay lilipat patungong Shirk (pagtambal sa Allah) at nangyari na, isinamba ang mga puntod, kahoy, at mga bato. At sinabi niya na may lulutang na mga tao umaangkin ng pagkapropeta -at lahat ng umaako niyon ay sinunggaling- sa pagka't tapos na ang pagpadala sa pagkapropeta niya -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- at binalaan ang mga grupo mula sa tauhan niya na manatili sa Islam kahit gayun pa man ang mga sakuna at pananakit, tiyak ang mga grupong ito ganun pa man ang konti nila ay hindii masasaktan o maapektuhan mula sa pakana ng mga kalaban at pag-labag sa kanila.
Ayon kay Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tumingin ako sa mga paa ng mga tagapagtambal sa mga uluhan namin habang kami ay nasa yungib saka nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, kung sakaling ang isa sa kanila ay tumingin sa mga paa niya, nakakita sana siya sa atin sa ilalim ng mga paa niya." Kaya nagsabi siya: "O Abū Bakr, ano ang palagay mo sa dalawang si Allāh ay ang ikatlo nilang dalawa?"}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagsabi ang Pinuno ng mga Mananampalataya na si Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh sa kanya) sa panahon ng paglikas: Tumingin ako sa mga paa ng mga tagapagtambal, habang sila ay mga nakatayo sa mga uluhan namin sa ibabaw ng Yungib ng Thawr habang kami ay nasa loob nito, saka nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, kung sakaling ang isa sa kanila ay tumingin sa mga paa niya, nakakita sana siya sa atin sa ilalim ng mga paa niya." Kaya nagsabi siya: "O Abū Bakr, ano ang palagay mo sa dalawang si Allāh ay ang ikatlo nilang dalawa sa pag-aadya, pagtulong, pangangalaga, at pagtatama?"
Ayon kay Ḥudhayfah bin Al-Yamān, malugod si Allāh sa kanya: "Nagdasal ako kasama ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, isang gabi. Nagsimula siya sa Al-Baqarah at inakala ko na yuyukod siya sa ikaisandaang [talata]. Pagkatapos ay nagpatuloy siya at inakala ko na dadasalin niya [ang buong sūrah na] ito sa isang rak`ah ngunit nagpatuloy siya at inakala ko yuyukod siya pagkatapos nito. Pagkatapos ay nagsimula siya sa An-Nisā' at binigkas niya ito. Pagkatapos ay nagsimula siya sa Āl `Imrān at binigkas niya ito. Binibigkas niya ito nang marahan. Kapag napadaan siya sa isang talatang may pagluluwalhati [kay Alla], nagluluwalhati siya. Kapag napadaan siya sa [talatang] may paghiling, humihiling siya. Kapag napadaan siya sa [talatang] may pagpapakupkop [kay Allāh], nagpapakupkop siya. Pagkatapos ay yumuyukod siya at nagsimulang nagsasabi ng subḥāna rabbiya -l-`ađīm (Napakamaluwalhati ng Dakilang Panginoon ko). Ang pagyukod niya ay kasing haba ng pagtayo niya. Pagkatapos ay nagsasabi siya ng sami`a -llāhu liman ḥamidahu rabbanā wa laka -l-ḥamd (Dinidinig ni Allāh ang sinumang nagpupuri sa Kanya; Panginoon namin ukol sa Iyo ang papuri). Pagkatapos ay tatayo siya nang kasingtagal ng pagyukod niya at nagsasabi ng subḥāna rabbiya -l-a`lā (Napakamaluwalhati ng Kataas-taasang Panginoon ko). Kaya ang pagpapatirapa niya kasing haba ng pagtayo niya."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagdasal si Ḥudhayfah kasama ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng qiyāmullayl at humaba ang pagdarasal. Binigkas niya sa isang rak`ah ang Al-Baqarah. Pagkatapos ay ang An-Nisā'. Pagkatapos ay Āl `Imrān. Kapag napadaan siya sa isang talata ng paghiling ay humihiling siya. Kapag napadaan siya sa isang talata ng pagluluwalhati [kay Allāh] ay nagluluwalhati. Kapag napadaan siya sa isang talata ng pagpapakupkop [kay Allāh] ay nagpapakupkop siya. Ang mga ito ay sandali ng pagbigkas niya. Ang dasal niya ay magkakatugma sa haba. Ang pagyukod ay malapit ang haba sa pagtayo. Ang pagpapatirapa ay malapit ang haba sa pagyukod.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay dinalhan ng gatas na hinaluan na ng tubig, habang sa gawing kanan niya ay may isang Arabeng disyerto at sa gawing kaliwa niya ay si Abū Bakr, malugod si Allāh sa kanya, at uminom siya. Pagkatapos ay ibinigay niya sa Arabeng disyerto. Nagsabi siya: "Ang kanan, kasunod ang kanan."
Napagkaisahan ang katumpakanDinalhan ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng gatas na hinaluan na ng tubig, habang sa gawing kanan niya ay may isang lalaking kabilang sa mga Arabeng disyerto at sa gawing kaliwa niya ay si Abū Bakr, malugod si Allāh sa kanya. Uminom ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Pagkatapos ay ibinigay niya sa Arabeng disyerto at kinuha naman nito ang sisidlan at uminom, gayong si Abū Bakr ay higit na mainam kaysa sa Arabeng disyerto subalit itinangi ito ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, dahil ito ay nasa gawaing kanan niya. Nagsabi siya: "Ang kanan, kasunod ang kanan." Nangangahulugan ito: "Unahin ninyo at ibigay ninyo sa kanan, pagkatapos ay sa kanan."
Ayon kay Jābir bin`Abdillāh, malugod si Allāh sa kanya, ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay pumasok, nang araw ng pagsakop, sa Makkah habang nakasuot siya ng itim na turban. Ayon kay Abū Sa`īd `Amr bin Ḥurayth, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Para bang ako ay nakatingin sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, habang nakasuot siya ng itim na turban na inilugay nga niya ang mga dulo nito sa pagitan ng mga balikat niya." Sa isang sanaysay: "ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagtalumpati sa mga tao habang nakasuot siya ng itim na turban."
Isinaysay ito ni Imam Muslim sa dalawang salaysay niyaNasaad sa ḥadīth ayon kay Jābir bin`Abdillāh, malugod si Allāh sa kanya, na ang Propeta, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga, ay pumasok, nang taon ng pagsakop, sa Makkah habang nakasuot siya ng itim na turban. Kaya naman nagsasaad ito ng pagpapahintulot sa pagsusuot ng mga damit na itim. Sa ibang sanaysay: "nagtalumpati sa mga tao habang nakasuot siya ng itim na turban." Nagsasaad ito ng pagpapahintulot sa pagsusuot ng itim sa khuṭbah, kahit pa man ang kulay puti ay higit na mainam kaysa itim gaya ng napagtibay sa ḥadīth na tumpak: "Ang pinakamabuti sa mga damit ninyo ay ang puti." Ang pagsusuot naman ng damit na itim ng mga khaṭīb sa sandali ng khuṭbah ay ipinahihintulot, subalit ang pinakamainam ay ang puti. Isinuot niya lamang ang itim na turban sa ḥadīth na ito bilang isang paglilinaw sa pagpapahintulot. Ang sabi naman ni `Amr bin Ḥurayth sa iba pang ḥadīth: "Para bang ako ay nakatingin sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, habang nakasuot siya ng itim na turban na inilugay nga niya ang magkabilang dulot nito sa pagitan ng magkabilang balikat." ay kabilang sa nagpapatunay sa pagpapahintulot sa pagiging itim ng turban, na nakalugay sa pagitan ng mga balikat.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya: "Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay humihinga sa pag-inom nang makatatlo."
Napagkaisahan ang katumpakanAng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag uminom siya noon, ay humihinga sa pag-inom nang makatatlo. Umiinom siya. Pagkatapos ay inihihiwalay niya ang sisidlan sa bibig niya. Pagkatapos ay umiinom siya sa ikalawa. Pagkatapos ay inihihiwalay niya ang sisidlan sa bibig niya. Pagkatapos ay umiinom siya sa ikatlo. Hindi siya humihinga sa loob ng sisidlan.