





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Kung hindi dahil na makapagpahirap ako sa mga mananampalataya," – o: "sa Kalipunan ko," – "talaga sanang nag-utos ako sa kanila na gumamit ng siwāk sa sandali ng bawat pagdarasal."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya, kung hindi dahil sa pangamba sa hirap para sa mga mananampalataya kabilang sa Kalipunan niya, ay talaga sanang nag-obliga sa kanila ng paggamit ng siwāk bago ng bawat pagsasagawa ng ṣalāh.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa-Siya ay nagsabi:Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay bumibisita sa Quba na sumasakay at naglalakad,Nag-aalay siya rito ng dalawang Tindig na pagdarasal.At sa isang pananalita:Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay dumarating sa Masjid ng Quba sa bawat [Araw ng] Sabado na sumasakay,at naglalakad,at ginagawa ito ng anak ni Ibn `Umar.
napagkaisahan ang katumpakan sa dalawang salaysay niyaAng lugar ng Qubah kung saan ay itinayo ang unang Masjid sa Islam,Isang nayon na malapit sa Sentro ng Madinah mula sa,Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay bumibisita rito na sumasakay at naglalakad,At ang pagsabi niya:Sa [bawat araw ng] Sabado:Sapagkat siya ay nagtatalaga ng ilang araw para sa pagbibisita,At ang layunin sa pagdating niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Quba sa bawat araw ng Sabado sa bawat Linggo,ay walang iba kundi upang magkaroon ng ugnayan sa mga Ansar at upang mabisita ang mga kalagayan nila,at ang kalagayan ng sinumang nagiging huli sa kanila sa pagdalo sa Jum ah kasama niya,at ito ang sekreto sa pagtatalaga niya sa araw ng Sabado.
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Naliligo noon ako at ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa iisang lagayan ng tubig habang kapwa kami junub. Nag-uutos siya sa akin na magtapis ako saka kumakarinyo siya sa akin habang ako ay nagreregla. Naglalabas siya noon ng ulo niya patungo sa akin habang siya ay nagsasagawa ng i`tikāf saka naghuhugas naman ako nito samantalang ako ay nireregla.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid si `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) tungkol sa ilan sa mga natatanging kalagayan niya kasama ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Kabilang doon na siya ay naliligo noon dahil sa janābah kasama nito (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) mula sa iisang lagyan ng tubig saka kumukuha silang dalawa mula rito ng tubig nang magkasama. Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagnais na makipagniig sa kanya habang siya ay nagreregla, ay nag-uutos sa kanya na magtakip ng katawan niya mula sa pusod hanggang sa tuhod saka kumakarinyo ito sa kanya nang walang pagtatalik. Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasagawa noon ng i`tikāf sa masjid saka naglalabas ng ulo niya papunta kay `Ā'ishah saka naghuhugas nito habang siya ay nireregla sa bahay niya.
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya.-siya ay nagsabi: ((Pumasok si `Abdurrahman bin Abu Bakar Assiddiq-malugod si Allah sa kanya-sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-habang ako ang naging sandalan niya, sa aking dibdib.At si`Abdurrahman ay may dala-dalang Siwak na basa,ginagamit niya sa paglilinis ng kanyang ngipin,Tinitigan ito ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa mata niya, kinagat ko ito at nilinis ko,pagkatapos ay ibinigay ko sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ginamit niya ito sa paglilinis ng kanyang mga ngipin-At wala pa akong nakitang mas hihigit pa sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa husay ng paglilinis ng ngipin.At maliban dito,pagkatapos ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-itinaas niya ang mga kamay niya-o ang daliri niya-pagkatapos ay sinabi niyang: Sa mataas na antas ng kalangitan-tatlong beses-Pagkatapos ay pumanaw siya,At siya ay nagsasabing : Namatay siya sa pagitan ng tiyan ko at nang baba ko))
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyBinabanggit ni `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya.ang kuwento, na magpapahayag sa atin sa pagmaamahal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa Siwak at ang pagkagiliw niya rito,Ito ay habang si `Abdurrahman bin Abu Bakar-malugod si Allah sa kanya- kapatid ni `Aishah-ay pumasok sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan -sa oras ng kanyang pag-aagaw buhay,at may dala-dala siyang siwak na basa,ginagamit niya ito sa paglilinis ng kanyang mga ngipin.At nang makita ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan -ang dala-dala ni `Abdurrahman,hindi naging hadlang sa kanya ang kanyang sakit at pag-aagaw buhay,dahil sa pagmamahal niya rito [paggamit ng siwak],kaya tinitigan niya ito sa kanyang paningin na may [pagpapahiwatig] na gusto niya ito.Naunawaan ito ni `Aishah malugod si Allah sa kanya--kaya kinuha niya ang siwak mula sa kapatid niya-Pinutol niya ang dulo ng siwak,sa pamamagitan ng mga ngipin niya,nilinis niya ito at pinaganda-pagkatapos ay ibinigay niya to sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan -at ginamit niya ito sa paglilinis ng ngipin.At wala pang nakita si `Aishah na hihigit sa kanya sa husay ng paglilinis ng ngipin niya.At nang naging malinis siya at natapos siya sa paglilinis ng ngipin,itinaas niya ang knyang daliri-bilang pagsisimbolo sa kaisahan ni Allah-Pagkataas-taas Niya-at pinili niya rito ang paglipat kanyang Panginoon-Pagkataas-taas Niya-Pagkatapos ay pumanaw siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At si `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya.-ay nagagalak-at ito ay nararapat sa kanya-Na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pumanaw at ang ulo nito ay nasa dibdib niya.
Mula kay Jaabir Bin Abdillah at Abu Hurayrah -Malugod si Allah sa kanila- marfuw'an: ((Katulad ko at katulad niyo ay kasing tulad ng isang lalaki pinasiklab ang apoy at ginawa ng mga balang at paru-paro ay nagsihulugan sila dito, at sila ay matutupok sa kanya (apoy), at ako ay kinuha (iniligtas) ko kayo mula sa apoy, ngunit kayo ay lumayo mula sa aking kamay)).
Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakanIpinaliwanag ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- na ang kanyang kalagayan pati ang kanyang Ummah ay kasing kalagayan ng isang lalaki sa lupain (disyerto), pinasiklab ang apoy at ginawa ng mga balang at paru-paro nagsihulugan dito; sa pagkat ito ang kinasanayan ng paru-paro at balang at mga maliliit na insekto, kapag pinasiklab ng isang lalaki ang apoy sa lupa; tiyak na pupunta sila sa sinag (ilaw) na ito. At sabi Niya: Katotohanan pipigilan ko kayo para di kayo mahulog sa kanya, subalit kayo mismo ang umalis sa aking kamay, at iyon ay dahil sa pag-suway sa Sugo -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- at pag-talikod sa kanyang Sunnah (gawain)".
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya:((Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagbabasa sa dasal ng Fajr sa araw ng Jumuah ng:{Alif,Lam,Mim,Ang pagkapahayag ng Aklat (Qur-an) ay walang pag-aalinlangan na nagmula sa Panginoon ng lahat ng mga nilalang} at {Hindi baga dumatal sa ang isang panahon na siya ay hindi [man lamang] isang bagay na nababanggit?}
Napagkaisahan ang katumpakanKabilang sa nakaugalian ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay ang pagbabasa sa dasal ng Fajr sa araw ng Jumuah ng Kabanata ng As-Sajdah sa kabuuan nito at ito ay sa unang tindig pagkatapos ng Al-Fatihah,At binabasa niya sa ikalawang tindig pagkatapos ng Al-Fatihah,ay kabanata ng Al-Insan sa kabuuan nito,bilang pag-aalaala sa nasasakupan ng dalawang kabanata na ito mula sa Napakalaking Pangyayari na naganap at ito ay magaganap sa araw na ito,tulad ng paglikha kay Propeta Adam,At ang pag-aalaala sa pagbabalik [kay Allah] at Ang Pagtitipon ng mga alipin,at ang mga kalagayan sa Muling Pagkabuhay,at ang iba pa nito.
Ayon kay `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa-siya ay nagsabi: Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay natutulog sa mga gabing magkakasunod na hindi nakakakain,at ang asawa niya ay walang nakikitang hapunan,at ang pinakamaraming tinapay sa kanila ay tinapay na gawa sa sebada [Barley]
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām AḥmadAng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay natutulog sa mga gabing magkakasunod na hindi nakakakain,at gayundin ang kanyang asawa at pamilya,dahil wala silang makitang pagkain para sa hapunan,at ang pinakamaraming tinapay na mayroon sa kanila ay mula sa sebada,at ito ay higit na maliit ang halaga kaysa trigo at sa iba pa
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya:Pumasok ako sa Propeta-pagalain siya ni Allah at pangalagaan-habang siya ay nasasaktan,Hinawakan ko siya,at sinabi:Tunay na ikaw ay nakakaramdam ng matinding sakit,Nagsabi siya:((Tama,ako ay nasasaktan tulad ng [nararamdamang] sakit ng dalawang kalalakihan mula sa inyo))
Napagkaisahan ang katumpakanBinabanggit ni Ibn Mas`ud-malugod si Allah sa kanya-Na siya ay pumasok sa Propeta-pagalain siya ni Allah at pangalagaan-habang siya ay nasasaktan, dahil sa matinding pagkasakit,Iniunat niya ang kaniyang kamay at sinabi sa kanya:Tunay na nagiging matindi sa iyo ang [Nararamdaman mong] sakit O Sugo ni Allah,Sinabi niya sa kanya,na nagiging matindi sa kanya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ang [Nararamdaman niyang] sakit,tulad ng matinding [nararamdamang sakit] ng dalawang kalalakihan mula sa amin;at ito ay upang makamit ang pinakamataas na antas ng pagtitiis-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsabi: "Walang ipinadala si Allah na propeta malibang nagpastol ito ng tupa." Nagsabi ang mga kasamahan niya: "At ikaw po?" Nagsabi siya: "Oo; ako noon ay nagpapastol niyon kapalit ng mga salapi ng mga mamamayan ng Makkah."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyAng mga propeta noon ay nagpastol ng tupa noong nabubuhay sila. Ang lumilitaw sa ḥadīth ay na iyon ay bago ang pagkapropeta. Dahil doon nagsabi ang mga pantas: Ang kasanhian niyon ay nasasanay ang tao sa pangangalaga sa mga nilikha at pag-aakay sa kanila tungo sa mayroong kabutihan dahil ang pastol ng mga tupa ay minsan nag-aakay sa mga ito sa pastulan. minsan nagpapanatili sa mga ito na nakahimpil, at minsan naman nagtutulak sa mga ito patungo sa pahingahan. Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nangangasiwa sa kalipunang Islam at nag-aakay rito tungo sa mabuti batay sa kaalaman, patnubay, at pagkatalos gaya ng pastol na may kaalaman sa mga pastulang maganda at may katapatan at pag-aakay sa mga ito tungo sa mabuti para sa mga ito, at sa pagkukunan ng pagkain ng mga ito at inumin ng mga ito. Pinili ang tupa dahil ang pastol ng mga tupa ay nagtataglay ng katangian ng katiwasayan, kapanatagan, at kahinahunan, na taliwas sa mga kamelyo sapagkat tunay na ang mga pastol ng mga ito sa kadalasan ay may kabagsikan at kagaspangan dahil ang mga kamelyo ay gayon din, taglay ang kabagsikan at ang kagaspangan. Dahil dito, pinili ni Allah, napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas, para sa mga sugo Niya na magpastol sila ng mga tupa hanggang sa mahirati sila at masanay sa pangangasiwa sa mga nilikha.