





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: "Ang Sugo ni Allāh (basbasan Niya ito at pangalagaan) ay ang pinakamaganda sa mga tao sa kaasalan."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoAng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinakalubos sa mga tao sa kaasalan. Taglay niya ang pangunguna sa lahat ng mga kaasalan at mga kagandahan gaya ng kaayahan ng pananalita, pagkakaloob ng kabutihan, kaaliwalasan ng mukha, pagpipigil ng perhuwisyo, at pagbata nito mula sa mga ibang tao.
Nagsabi si Sa`d bin Hishām bin Āmir noong pumasok siya sa kinaroroonan ni `Ā'ishah (malugod si Allāh rito): {O Ina ng mga Mananampalataya, magbalita ka sa akin tungkol sa kaasalan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagsabi ito: "Hindi mo ba binibigkas ang Qur'ān?" Nagsabi ako: "Opo." Nagsabi ito: "Tunay na ang kaasalan ng Propeta ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang Qur'ān."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim sa isang pangungusap ng isang mahabang ḥadīthTinanong ang Ina ng mga Mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh rito) tungkol sa kaasalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya sumagot ito ng isang pangungusap na masaklaw. Ipinasangguni nito ang tagapagtanong sa Marangal na Qur'ān na tagatipon ng lahat ng mga katangian ng kalubusan. Nagsabi ito na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasakaasalan ng mga kaasalan ng Qur'ān. Ang anumang ipinag-utos ng Qur'ān ay isinasagawa niya at ang anumang sinaway ng Qur'ān at iniiwasan niya. Kaya ang kaasalan niya ay ang paggawa ayon sa Qur'ān, ang pagtigil sa mga hangganan nito, ang pagsasaetiketa ng mga etiketa nito, at ang pagsasaalang-alang sa mga halimbawa nito at mga kuwento nito.
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay napagagalak sa pagkakanan sa pagsasandalyas niya, pagsusuklay niya, at pagdadalisay niya, at sa pumapatungkol sa kanya sa kabuuan nito.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoAng Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakaiibig at nagmamagaling na magsimula siya sa kanan sa mga nauukol sa kanya na naaangkop sa pagpaparangal. Kabilang doon: Na magpasimula siya sa kanang paa sa pagsusuot ng sandalyas niya, magpasimula siya sa pagsusuklay ng buhok ng ulo niya at balbas niya, pagsasaayos ng mga ito, at paglalangis sa mga ito; at sa wuḍū' niya nag-uuna siya ng kanan sa kaliwa sa mga kamay at mga paa.
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) {Hindi ako nakakita sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kailanman nagpalabis-labis na tumatawa hanggang sa makakita ako mula sa kanya ng tilao niya. Siya noon ay ngumingiti lamang.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi noon nagpapasobra sa pagtawa hanggang sa makita ang tilao niya, ang munting laman na nakabitin sa pinakamataas na bahagi ng lalamunan. Siya noon ay ngumingiti lamang.
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay higit na matindi sa pagkamahiyain kaysa sa birheng nasa silid nito. Kapag nakakakita siya ng isang bagay na kinasusuklaman niya, nalalaman namin ito sa mukha niya.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid si Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay higit na matindi noon sa pagkamahiyain kaysa sa dalagang donselya na hindi nakapag-asawa at hindi nakihalubilo sa mga lalaki, na nakatabing sa bahay nito. Bahagi ng katindihan ng pagkamahiyain niya na kapag nasuklam siya sa isang bagay, nag-iiba ang mukha niya at hindi siya nagsasalita; bagkus naiintindihan ng mga Kasamahan niya ang pagkasuklam niya roon sa mukha niya.
Ayon kay Al-Barrā bin 'Āzib malugod si Allah sa kanilang dalawa-((Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay naglalakbay-Nagdasal siya ng `Eishah sa huling [oras nito],binasa niya sa unang dalawang tindig ang kabanata ng Atten at Azzaytun,Wala pa akong narinig sa sinuman na may mas magandang tinig o pagbasa sa kanya.))
Napagkaisahan ang katumpakanBinasa ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang dalawang Kabanata ng Atten at Azzaytun sa unang tindig ng dasal na `Eisha,Dahil siya ay nasa paglalakbay,At kapag sa paglalakbay-pinapangalagaan rito ang pagpapagaan at pagiging madali,dahil sa hirap at pagod nito.At dahil sa ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nasa paglalakbay.subalit hindi niya iniiwan ang mga bagay na nagdudulot sa pagkatakot kay Allah at nakakapag-palambot ng puso sa pakikinig ng Qur-an,Ito ay ang pagpapaganda ng boses sa pagbabasa ng Qur-an
Ayon kay `Abdullāh bin Mālik bin Buḥaynah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagdasal siya noon, ay nagbubuka sa pagitan ng mga bisig niya [sa sandali ng pagpapatirapa] hanggang sa lumitaw ang kaputian ng mga kilikili niya.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoAng Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagpatirapa siya, ay nagbubuka sa pagitan ng mga bisig niya sa sandali ng pagpapatirapa kaya nagpapahiwalay siya ng bawat bisig palayo sa tagiliran na katabi nito, tulad ng mga pakpak, hanggang sa lumitaw ang kulay ng balat ng mga kilikili niya. Ito ay bahagi ng pagpapalabis sa pagpapahiwalay ng mga bisig at pagpapalayo sa mga ito buhat sa mga tagiliran.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya.-siya ay nagsabi: Nang tumindi ang sakit ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-bumalot sa kanya ang paghihinagpis,nagsabi si Fatimah-malugod si Allah sa kanya:Naghihinagpis ka o Mahal kong Ama,Nagsabi siya: (( Wala ng paghihinagpis sa iyong Ama mula sa araw na ito)) At nang siya ay pumanaw,Sinabi niyang: O mahal kong Ama,Tinanggap ng Panginoon ang panalangin niya!,O mahal kong Ama,Ang Paraiso ng Al-Firdaws ang titirahan niya! O mahal kong Ama, at kay Anghel Jibrel namin ipapaalam ang pagpanaw niya! At nang siya ay mailibing,nagsabi si Fatimah-malugod si Allah sa kanya-Naging panatag ba ang inyong kalooban na nailibing ninyo [sa mga kamay ninyo] ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa lupa?!
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyInilalarawan sa Hadith na ito ang pagtitimpi ng Propeta natin-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa kanyang paghihingalo,At nang tumindi ang sakit niya, na siyang naging dahilan ng ikinamatay niya,bumalot sa kanya ang paghihinagpis dahil sa tindi ng dumarating sa kanya,Dahil tumitindi sa kanya ang hapdi at sakit,at ito ay dahil sa ganap na layuning;Upang makamit niya mula sa Allah ang pinakamataas na antas o bahagdan,bilang gantimpala sa pagtitiis niya.At kapag bumabalot sa kanya ang paghihinagpis,Sinasabi ni Fatimah-malugod si Allah sa kanya-"Naghihinagpis ka o Mahal kong Ama"Nasasaktan siya para sa kanya dahil paghihinagpis niya dahil siya ay babae,at ang babae ay hindi nakakatiis.Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-" Wala ng paghihinagpis sa iyong ama mula sa araw na ito" Sapagkat ng siya ay lumipat mula sa mundo,lumipat siya sa pinakamataas na bahagdan ng Paraiso-pagpalain siya ni Alah at pangalagaan-.Tulad ng sinasabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-habang bumbalot sa kanya ang kamatayan-"O Allah! Sa pinakamataas na bahagdan ng Paraiso,O Allah! Sa pinakamataas na bahagdan ng Paraiso,At tumitingala siya sa bubong ng bahay-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-" Pumanaw ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-gumawa siya-malugod si Allah sa kanya ng paggalos,subalit ito ay maliit lamang.Hindi bilang pagpapatunay ng pagkapoot sa itinadhana ni Allah at itinakda Niya. At sa pagsabi niyang: "Tinanggap ng Panginoon ang panalangin niya!"Sapagkat ang Allah-Pagkataas-taas Niya-ay nasa Kamay Niya ang paghahari sa lahat ng bagay,gayundin ang kamatayan ng mga nilikha ay nasa Kamay Niya,Tinugon ang panalangin niya sa Allah-na kapag siya ay pumanaw-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay magiging katulad siya ng ibang mananampalataya,tataas ang kaluluwa niya hanggang sa hihinto ito sa harapan ni Allah-Napakamaluwalhati Niya-sa taas ng ikapitong kalangitan.At ang pagsabi niya ng: "O mahal kong Ama,Ang Paraiso ng Al-Firdaws ang titirahan niya! " pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Sapagkat siya ang magkakamit ng pinakamataas na bahagdan o antas ,mula sa mga likha,sa Paraiso,Tulad ng sinabi ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-" Hilingin ninyo sa Allah para sa akin na maging tagapamagitan;Sapagkat ito ay isang [mataas] na bahagdan sa Paraiso,hindi karapat-dapat maliban sa isang alipin mula sa mga alipin ni Allah,At hinihiling ko na ito ay maging ako" At walang pag-aalinlangan na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang kanyang titirahan ang Jannah Al-Firdaws [pinakamataas ng bahagdan ng Praiso],at ang Jannah Al-Firdaws [pinakamataas ng bahagdan ng Praiso] ay ang pikamataas na bahagdan ng Paraiso,at ang bubong niya na nasa itaas niya ay ang `Arsh o Trono ng Panginoon-kapita-pitagan ang pagpipitagan sa Kanya-At ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nasa pinakamataas na bahagdan nito,At angpagsabi niyang: "at kay Anghel Jibrel namin ipapaalam ang pagpanaw niya" At sinabi niya: Tunay na ipapaalam namin ang pagpanaw niya kay Jibrel,sapakat si Jibrel ang siyang dumarating sa kanya,at nagtuturo sa kanya sa Wahiy [kapahayagan],sa panaho na siya ay buhay pa.At ang Wahiy [kapahayagan] ay naka-ugnay sa buhay ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-.Pagkatapos nito,at nang siya ay buhatin at ilibing,Nagsabi siya-malugod si Allah sa kanya-"Naging panatag ba ang inyong kalooban na nailibing ninyo [sa mga kamay ninyo] ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa lupa?!" Ibig sabihin:Dahil sa tindi ng pagkalungkot niya sa kanya,at dahil sa lungkot at pighati [na nararamdaman niya] sa paghiwalay niya sa ama niya,at sa kaalaman niya na ang mga kasamahan ng Propeta-maugod si Allah sa kanila-at pinuno ni Allah ang kanilang mga puso sa pagmamahal sa Sugo ni Allah-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-kaya itinanong niya sa kanila ang tanong na ito, Subalit si Allah-Napakamaluwalhati Niya-Tanging sa Kanya lamng ang paghahatol,at sa Kanya ang pagbabalik,Tulad ng Sinabi ni Allah sa Kanyang Aklat: ((Katotohanang ikaw [O Muhammad] ay mamatay at katotohanang sila ay mamamatay))
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi:Ang salita ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay salitang hiwa-hiwalay,naiintindihan ito ng bawat taong nakakarinig sa kanya.
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadSa Hadith ni `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya-sinabi niyang: Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang mga salita niya ay hiwa-hiwalay.Ibig sabihin,ang [salita niya] ay hiwa-hiwalay,hindi naghahalo ang mga titik sa bawat isa,at hindi rin ang mga salita sa bawat isa,ito ay malinaw at maliwanag sa bawat nakakarinig nito,walang halong kaguluhan at pagpapahaba,At kahit na ito ay ninais ng bumibilang na bilangin.tunay na mabibilang niya ito,dahil sa sobrang mahinaon niya sa pananalita-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At dahil sa ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pinagkalooban ng pangkalahatang pananalita,at pinagbuod sa kanya ang salita [ng tunay na] pagbubuod,at ang tinatawag na pangkalahatang pananalita ay ang pagbuo na maraming kahulugan sa kaunting salita lamang.At ito ang nararapat sa tao,ang hindi maghahalo ang kanyang mga salita,kung saan ay naitatago [ang nais nitong sabihin] sa nakakarinig,Sapagkat ang layunin sa pagsasalita ay ang pagpapa-intindi sa taong kinakausap,at sa bawat napakalapit nito sa pagpapaintindi,ay siyang higit na una at mainam,At gayundin,nararapat sa tao,na kapag gumamit ng pamamaraang ito,ibig sabihin;kapag ginawa niya ang salita niya na hiwa-hiwalay,hayag at malinaw,at inulit niya ito ng tatlong beses para sa taong hindi nakaka-intindi nito,dapat na isaalang-alang niya sa mga ito na siya ay sumusunod sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-upang makamit niya sa mga ito ang gantimpala at pagpapaintindi sa kapatid niyang Muslim,At ganito [ang nararapat gawin] sa lahat ng Sunnah,isipin mo na ikaw ay sumusunod rito sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-upang matupad sa iyo ang pagsunod at gantimpala nito.