





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Ipinagbawal ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na patayin nang nakakulong ang mga hayop."
Napagkaisahan ang katumpakanIpinababatid ni Anas, malugod si Allah sa kanya, na ipinagbawal ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na ikulong ang mga hayop habang ang mga ito ay buhay upang patayin sa pamamagitan ng pagpana o tulad nito hanggang sa mamatay. Ipinagbawal ito ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, dahil sa dulot nito na pagpapahirap sa mga hayop.
Ayon kay Humayd bin 'Abdirrahman: Tunay na narinig si Mu`āwiyah, malugod si Allah sa kanya- sa Taon ng Hajj- habang siya ay nasa Minbar[Tinatayuan ng Nagbibigay Sermon tuwing Jumu'ah],at kinuha niya ang isang sipit ng buhok na mula sa kamay ng isang Taga-bantay.;Nagsabi siya:O mga tao sa Madinah! Nasaan ang mga may kaalaman sa inyo?! Narinig ko ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagbabawal sa tulad nito,at Sinabi niya: (( Kaya Winasak [Ni Allah] ang mga Angkan ng Israil ay dahil sa paggamit nito ng mga kababaihan nila.))
Napagkaisahan ang katumpakanIpinapahayag ni Humayd bin 'Abdirrahman bin 'Awf-kaawaan siya ni Allah-Na narinig niya si Mu'āwiyyah-malugod si Allah sa kanya-Sa taon ng Hajj-habang siya ay nasa Minbar[Tinatayuan ng Nagbibigay Sermon tuwing Jumu'ah], at sa kamay niya ay sipit na buhok, at ito ay buhok na nakadikit sa bawat isa,ito ay mula sa kamay ng isa sa mga lingkod niya na nagbabantay para sa kanya,kinuha niya ito mula sa kanya, Nagsabi siya;O mga tao sa Madinah! Nasaan ang mga may kaalaman sa inyo?! Ito ay pagtatanggi sa pagpapabaya nila sa pagbabawal sa mga kasalanang ito, at pagwawalang-bahala nila sa pagsuway rito.Pagkatapos ay ipinahayag niya sa kanila-malugod si Allah sa kanya-Na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay ipinahayag niya sa kanya-Na si Allah-Pagkataas-taas Niya-Ay nagwasak sa Angkan ng Israel-nang gamitin ng mga kababaihan nila ang sipit na nakadugtong sa buhok,At Kaya silang lahat ay winasak ;Dahil sa pag-amin nila sa mga kasalanang,kung saan ay kinabibilangan nila, dahil sa pagkasangkot nila sa anumang kinasasangkutan nila mula sa mga ipinagbabawal. Sharh Muslim isinulat ni Imam An-Nawawi (14/108) Fathul Bariy (6/516)
Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga Mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya), na maybahay ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan): {Si Al-Ḥawlā' bint Tuwayt bin Ḥabīb bin Asad bin `Abdil`uzzā ay naparaan sa kanya samantalang nasa piling niya ang Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Kaya nagsabi ako: "Ito ay si Al-Ḥawlā' bint Tuwayt. Nag-akala sila na siya ay hindi natutulog sa gabi." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi siya natutulog sa gabi! Gumawa kayo mula sa gawain ng makakayanan ninyo; sapagkat sumpa man kay Allāh, hindi magsasawa si Allāh hanggang sa magsawa kayo."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoMinsang nasa piling ng Ina ng mga Mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) si Al-Ḥawlā' bint Tuwayt (malugod si Allāh dito) saka lumabas ito mula sa kanya kasabay ng pagpasok ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Kaya nagsabi si `Ā'ishah sa kanya: "Ang babaing ito ay hindi natutulog bagkus nagpupuyat siya sa pagdarasal." Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang nagmamasama sa pagpapahirap nito sa sarili nito: "Hindi siya natutulog sa gabi! Magpakaabala kayo ng maayos na gawain na makakaya ninyo ang pagpapamalagi roon; sapagkat sumpa man kay Allāh, hindi magsasawa si Allāh sa pagbibigay sa mga lingkod Niyang mga maayos, na mga tagatalima, ng gantimpala at ganti sa mga pagtalima nila, mga magandang gawa nila, at mga maayos na gawa nila hanggang sa magsawa sila at mag-iwan sila ng gawain."
Ayon kay Abū Bakrah (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Hindi magtatagumpay ang mga taong nagpangasiwa sila ng pamamahala sa kanila sa isang babae."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na hindi magtatamo ang mga tao ng hinahangad nila kapag nagpangasiwa sila at nagpamahala sila sa babae ng nauukol sa kanila na paghuhukom o pamumunong pangkalahatan o pagkaministro.
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Huwag ngang pipigil sa isang taong kabilang sa inyo ang pangangamba sa mga tao na magsalita siya hinggil sa totoo kapag nakita niya ito o nalaman niya ito."}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām AḥmadNagtalumpati ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya. Kabilang sa itinagubilin niya na hindi pumigil sa Muslim ang pangamba at ang panghihilakbot sa mga tao at kapangyarihan nila na magwaksi siya ng pagsasabi ng totoo o pag-uutos nito kapag nakita niya ito o nalaman niya ito.
Ayon kay `Abdullāh bin `Utbah bin Mas`ūd na nagsabi: Narinig ko si `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allāh sa kanya, na nagsasabi: "Tunay na may mga tao noon na nabubuko dahil sa pagsisiwalat [ni Allāh] sa panahon ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Tunay na ang pagsisiwalat [ni Allāh] ay naputol na. Ibinubuko lamang namin kayo sa ngayon dahil sa nalantad sa amin na mga gawain ninyo. Kaya ang sinumang naglantad sa amin ng kabutihan, patitiwasayin namin siya at ilalapit namin siya. Wala kaming pakialam sa kinikimkim niya. Si Allāh ay magtutuos sa kanya sa kinikimkim niya. Ang sinumang naglantad sa amin ng kasagwaan, hindi namin siya patitiwasayin at hindi namin siya paniniwalaan kahit pa nagsabi siyang tunay na ang kinikimkim niya ay maganda."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyNagsasalita si `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allāh sa kanya, tungkol sa sinumang naglihim ng isang masamang kinikimkim sa panahon ng pagsisiwalat [ni Allāh]. Hindi naitatago ang lihim niya sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, dahil sa ibinababang pagsisiwalat dahil may mga tao sa panahon ng Sugo, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na mga nagpapanggap na sumampalataya, na naglalantad ng kabutihan at naglilingid ng kasamaan subalit si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay nagbubunyag sa kanila sa pamamagitan ng ibinababang pagsisiwalat sa Sugo Niya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan; subalit noong naputol ang pagsisiwalat, ang mga tao ay naging hindi nakaaalam sa nagpapanggap na sumampalataya dahil ang pagpapanggap na sumampalataya ay nasa puso. Nagsasabi si `Umar, malugod si Allāh sa kanya: "Ibinubuko lamang namin kayo sa ngayon dahil sa nalantad sa amin. Kaya ang sinumang naglantad sa amin ng kabutihan, pakikitunguhan namin siya ayon sa kabutihan niyang ipinakita sa amin kahit pa man naglilihim siya ng isang masagwang kinikimkim; ang sinumang nagpakita ng isang kasamaan, pakikitunguhan namin siya ayon sa kasamaan niyang ipinakita niya sa amin. Wala kaming pananagutan sa layunin niya. Ang layunin ay ipinauubaya sa Panginoon ng mga nilalang, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, na nakaaalam sa isinusulsol ng kaluluwa ng tao."
Ayon Ibnu `Abbās, malugod si Allah sa kanya: "Ang pinakamainam sa mga Kasamahan ay apat, ang pinakamabuti sa mga batalyon ay apat na raan, ang pinakamainam na hukbo ay apat na libo, at hindi magagapi ang labindalawang libo dahil sa kakauntian [nila]."
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadAng kahulugan: Ang pinakamagandang nakasama [ng Propeta] ay apat. Ang pinakamainam na batalyon ay ang binubuo ng apat na raan. Ang pinakakapaki-pakinabang na hukbo ay ang umabot sa apat na libo. Ang hukbo, kapag umabot ang bilang nito sa labindalawang libong sundalo, pataas, ito ay hindi matatalo. Kapag naman natalo, ito ay hindi natalo dahil sa kakauntian ng bilang nito. Natalo lamang ito dahil sa ibang mga kadahilanan, gaya ng kakulangan sa pagrerelihiyon, o paghanga sa dami, o pagkasadlak sa mga pagsuway, o kawalan ng kawagasan kay Allah, pagkataas-taas Niya, at mga tulad niyon.
Ayon kay Ibnu `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: Nakakita ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng isang asnong tinatakan ang mukha. Minasama niya iyon at nagsabi: "Sumpa man kay Allāh, hindi ako magtatatak maliban sa pinakamalayong bahagi mula sa mukha." Nag-utos [si Ibnu `Abbās na tatakan] ang asno niya at hineruhan ito sa mga pigi nito. Siya ang una sa naghero sa mga pigi.
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng kahulugan ng ḥadīth: Nakakita ang Propeta, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga, ng isang asnong hineruhan sa mukha nito at minasama niya iyon. Nasaad sa iba pang ḥadīth ayon kay Ibnu `Abbās, malugod si Allāh sa kanya: "Isinumpa niya ang gumagawa niyon." Ang pagtatak ay katawagan sa pagheherong isinasagawa sa hayop upang maging isang tandang ginagawa ng mga may mga hayupan bilang isang palatandaan para sa kanila. Ang bawat lipi ay may takdang tatak na maaaring dalawang guhit o mga guhit na parisukat o bilog o gasuklay. Ang mahalaga ay na ang bawat lipi ay may takdang tatak. Ang tatak na ito ay nangangalaga sa hayupan. Kapag natagpuan itong nawawala, malalaman ng mga tao na ito ay pagmamay-ari ng isang lipi at babanggitin nila ito sa mga iyon. Nagsabi siya - tinutukoy si `Abbās bin `Abdulmuṭṭalib - malugod si Allāh sa kanya, gaya ng tahasang nabanggit sa sanaysay ayon kay Ibnu Ḥibbān sa Ṣaḥīḥ niya ayon kay Ibnu `Abbās, malugod si Allāh sa kanya, na siya ay nagtatak sa isang kamelyo o isang hayop sa mukha nito. Nakita iyon ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagalit. Nagsabi si `Abbās: "Hindi ako magtatatak dito malibang sa hulihan nito." Kaya tinatakan niya ito sa mga pigi nito. Matapos na marinig niya ang pagsaway, nanumpa siya na hindi siya magtatatak ng isang asno malibang sa pinakamalayong bahagi mula sa mukha nito. Nasaad sa naunang sanaysay ayon kay Ibnu Ḥibbān: "...hindi ako magtatatak dito maliban sa pinakamalayong bahagi mula sa mukha nito." Kaya tinatakan niya ito sa mga pigi nito. Pagkatapos ay nag-utos siya na tatakan ang asno niya kaya tinatakan ito sa mga pigi nito. Ito ang hulihan niyon kung saan ang pinagpapaluan ng hayop ng buntot nito sa hita nito. Nagsabi si An-Nawawīy, kaawaan siya ni Allāh: "Kapag tatatakan ito, itinuturing na kaibig-ibig na tatakan ang tupa sa mga tainga nito at ang mga kamelyo at ang mga baka sa mga ibabaw ng mga hita ng mga ito dahil iyon ay bahaging matigas at kakaunti ang pananakit doon, manipis ang balahibo, at lumilitaw ang tatak. Ang pakinabang ng tatak ay ang makilala ang hayop sa isa't isa." Si `Abbās, malugod si Allāh sa kanya, ay ang una sa naghero sa asno sa hulihan nito.
Ayon kay `Uthmān Ash-Shaḥḥām na nagsabi: "Lumisan ako kasama si Farqad As-Sabakhīy papunta kay Muslim bin Abī Bakrah habang siya ay nasa lupain niya. Pumasok kami sa kanya saka nagsabi kami: Nakarinig ka ba sa ama mo na nagsasanaysay ng isang ḥadīth kaugnay sa mga sigalot? Nagsabi siya: Oo; nakarinig ako kay Abū Bakrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsasanaysay, na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang mga iyon ay magiging mga sigalot. Pansinin, pagkatapos may mangyayaring isang sigalot, na ang nakaupo roon ay higit na mabuti kaysa sa naglalakad doon at ang naglalakad doon ay higit na mabuti kaysa sa tumatakbo papunta roon. Pansinin, kaya kapag bumaba iyon o naganap iyon, ang sinumang nagkaroon ng mga kamelyo ay mamalagi siya sa mga kamelyo niya, ang sinumang nagkaroon ng mga tupa ay mamalagi siya sa mga tupa niya, at ang sinumang nagkaroon ng lupain ay mamalagi siya sa lupain niya." Kaya may nagsabing isang lalaki: "O Sugo ni Allāh, nagsaalang-alang ka ba sa sinumang hindi nagkaroon ng mga kamelyo ni mga tupa ni lupain?" Nagsabi siya: "Tutungo siya sa tabak niya saka magpupukpok siya sa talim nito ng isang bato, pagkatapos tumakas siya kung nakaya niya ang pagtakas. O Allāh, nakapagpaabot ba ako? O Allāh, nakapagpaabot ba ako? O Allāh, nakapagpaabot ba ako?" Kaya may nagsabing isang lalaki: "O Sugo ni Allāh, nagsaalang-alang ka ba kung pinilit ako hanggang sa nakapagpalisan sa akin papunta sa isa sa dalawang hanay o isa sa dalawang sigalot saka may tumaga sa akin na isang lalaki ng tabak niya o may tumamang isang palaso saka papatay ito sa akin?" Nagsabi siya: "Magdadala siya ng kasalanan niya at kasalanan mo. Siya ay magiging kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagtanong sina `Uthmān Ash-Shaḥḥām at Farqad As-Sabakhīy kay Muslim na anak ng Kasamahang kapita-pitagang si Abū Bakrah (malugod si Allāh dito) kung nakarinig ba siya mula sa ama niya ng isang ḥadīth ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaugnay sa mga sigalot at pakikipaglaban na magaganap sa pagitan ng mga Muslim. Kaya nagsabi naman siya ng oo. Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga iyon ay magiging mga sigalot matapos ng pagkamatay niya. Ang sigalot na iyon, ang nakaupong nalilingat doon ay higit na mabuti kaysa sa naglalakad doon habang siya ay hindi tumatanaw niyon at naghahanap niyon; at ang naglalakad doon ay higit na mabuti kaysa sa nagmamabilis papunta roon habang naghahanap niyon at nakikilahok doon. Pagkatapos gumabay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang bababaan o gaganapan ng sigalot sa panahon nito at piling niya. Kung nakatagpo ito ng isang madudulugan, magpakanlong siya roon. Ang sinumang nagkaroon ng mga kamelyong nanginginain ay mamalagi siya sa mga kamelyo niya. Ang sinumang nagkaroon ng mga tupang nanginginain ay mamalagi siya sa mga tupa niya. Ang sinumang nagkaroon ng lupain at taniman ay mamalagi siya sa lupain niya. Kaya may nagsabing isang lalaki: "O Sugo ni Allāh, nagsaalang-alang ka ba sa sinumang hindi nagkaroon ng isang kanlungan na mga kamelyo ni mga tupa ni lupain?" Nagsabi siya: "Tutungo siya sa tabak niya saka magpupukpok at manira siya nito, pagkatapos pumuslit siya at magtakas siya ng sarili niya at anak niya kung nakaya niya ang pagtakas." Pagkatapos nagpasaksi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Allāh nang makatatlo sapagkat nagsabi siya: "O Allāh, nakapagpaabot ba ako? O Allāh, nakapagpaabot ba ako? O Allāh, nakapagpaabot ba ako?" Kaya may nagsabing isang lalaki: "O Sugo ni Allāh, nagsaalang-alang ka ba kung pinuwersa ako na makilahok ako sa isa sa dalawang hanay o isa sa dalawang sigalot saka may tumaga sa akin na isang lalaki ng tabak niya o may tumamang isang palaso saka papatay ito sa akin?" Nagsabi siya: "Magbabalik siya kalakip ng kasalanan ng sarili niya at kasalanan ng sinumang pinatay niya. Siya sa Araw ng Pagbangon ay magiging kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno."