





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay `Uqbah bin Al-Ḥārith, malugod si Allāh sa kanya.-sinabi niya: Nagdasal ako sa likod ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng Asar sa Madinah,Nagsagawa siya ng Taslim pagkatapos ay nagmadaling tumayo,pinutol niya ang [linya ng mga tao] sa kanyang pagdaan,sa pagpunta sa mga bahay ng mga asawa niya,Nangamba ang mga tao sa pagmamadali niya,lumabas siya sa kanila,at nakita niyang nagulat sila dahil sa pagamadali niya,Nagsabi siya: ((Naalala ko ang tipak ng ginto sa amin,kinamumuhian ko na maging abala ako [ sa pag-iisip nito],kaya ipinag-utos kong ipamahagi ito)) at sa isang pananalita: ((Naiwan ko sa bahay ang tipak ng ginto na pangkawang-gawa,kinamumuhian ko na manatili ito sa pagtulog ko))
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyAyon kay `Uqbah bin Al-Ḥārith, malugod si Allāh sa kanya.-Siya ay nagdasal kasama ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa isang araw ng Asar,Tumayo ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-pagkatapos niyang magdasal,ng mabilisan; pinutol niya ang [linya ng mga tao] sa kanyang pagdaan,sa pagpunta sa mga bahay ng mga asawa niya,Nangamba ang mga tao dahil dito,Pagkatapos ay lumabas siya at nakita niya ang mga tao na nagulat dahil dito,Ipinaliwanag ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa kanila ang dahilan nito.At sinabi sa kanila na naalala niya ang isang bagay na yari sa ginto ngunit hindi pa ito napalo,at nararapat itong hatiin.Kinamumuhian niyang maging hadlang ito sa kanya at maging abala ang pag-iisip niya rito,para sa pagharap at pagsusumamo sa Allah-Pagkataas-taas Niya.
Ayon kay Abe Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi:Pumasok ako sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ako at an dalawang lalaki mula sa angkan ng Tiyuhin ko,Nagsabi ang isa sa kanila:O Sugo ni Allah,Italaga mo kami bilang pinuno sa mga ilang [lugar] na pinapamunuan sa iyo ni Allah-Kamahal-mahalan iya at Kapita-pitagan,At nagsabi ang iba ng tulad nito,Nagsabi siya :((Sumpa sa Allah,Tunay na kami ay hindi nagtatalaga ng pinuno sa gawaing ito,Sa sinumang humiling nito o sinumang nagsumikap rito))
Napagkaisahan ang katumpakanAng Hadith ay [tungkol sa] pagbabawal sa pagtatalaga ng Pinuno sa sinumang humiling na maging pinuno o magsumikap rito,Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nang humiling sa kanya ang dalawang lalaki na maging pinuno sila sa ilang [lugar] na pinapamunuuan ni Allah sa kanya,Nagsabi siya :"Sumpa sa Allah,Tunay na kami ay hindi nagtatalaga ng pinuno sa gawaing ito,Sa sinumang humiling nito o sinumang nagsumikap rito" Ibig sabihin: Hindi namin [itinatalaga bilang] pinuno ang sinuman na humiling na maging Tagapamahala sa anumang bagay ay nagsumikap siya rito,Ito ay dahil sa ang humihiling nito o nagsusumikap rito,maaaring ang layunin niya rito ay ang ilagay sa kanyang sarili ang pamamahala,at hindi ang para sa ikabubuti ng nilikha.At nang mangyaring siya ay maaaring akusahan ng akusang ito;Pinagbawalan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- na maitalaga bilang pinuno ang sinumang humiling na maging Tagapamahala.At Nagsabi siya: " Sumpa sa Allah,Tunay na kami ay hindi nagtatalaga ng pinuno sa gawaing ito,Sa sinumang humiling nito o sinumang nagsumikap rito" At tunay nanapagtibay ang talakayan ng Hadith na ito,ng Hadith ni `Abdurrahman bin Samrah-malugod si Allah sa kanya-Katotohanan ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi:" Huwag mong hilingin ang maging Taga-pamahala,Sapagkat kapag ipinagkaloob mo ito sa hindi humihiling,natulungan mo siya rito,at kung ipinagkaloob mo ito sa humihiling,[nagkaloob ka] ng pagpapahintulot sa kanya" Kaya hindi nararapat sa isang namumuno,na kapag humiling sa kanya ang sinuman na maging tagapamahala sa isang lugar o sa kapiraso ng lupa na may disyerto o ang mga tulad pa nito,Kahit na ang humihiling nito ay karapat-dapat rito;At gayundin kung ang isa sa mga tao ay humiling tungkol sa paghuhukom;At sasabihin niya sa namumuno [tungkol] sa Paghuhukom tulad ng Ministro ng Katarungan halimbawa:Italaga mo sa akin ang Paghuhukom sa lugar ni Pulano,Tunay na sa kanya ay hindi magtatalaga,Ngunit ang sinumang humiling na mailipat mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar o ang mga tulad nito, Hindi ito kabilang sa tinutukoy ng Hadith,Sapagkat siya ay nauna ng naitalaga,datapuwat ay hiniling lamang niya na malipat sa ibang lugar,Maliban kung ang intensiyon niya o layunin niya ay ang maging Tagapamahala sa mga Tao sa lugar na ito,Sapagkat [sa ganitong bagay ay] pipigilan natin siya,Kaya`t ang Gawa ay batay sa kanyang Layunin.At kapag sinabi ng tagapagsalita na ,Papaano ninyo sasagutin ang sinabi ni Propeta Yusuf-Sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-Tagapamahala [ng Lupain]: "Italaga ako bilang Tgapamahala ng mga yaman ng lupain,Katotohanan ako ay may kaalaman bilang ingat-yaman [Bilang isang Ministro ng Panlalapi sa Ehipto]" [Yusof:55],Tunay na tayo ay sasagot sa isa ,mula sa dalawang sagot na ito: Ang una:Ay ang sabihing;Tunay na ang batas ng sinumang nauna sa atin kapag ito ay sumalungat sa batas natin,ang maisasakatuparang hatol ay ang Batas natin,Batay sa batayang napag-alaman ng mga Saligan " Ang batas ng sinumang nauna sa atin,ay batas din natin,kung walang nakasaad sa batas natin na sinasalungat nito." At tunay na may nakasaad sa batas natin na sinasalungat nito ito ay ang: Hindi tayo magtatalaga ng mamamahala sa kahit na sinumang hiniling niya ang pamamahala rito. Ang pangalawa: Ang sabihing: Tunay na si Yusuf-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-ay nakita niya na ang [magigig kahihitnan] ng mga yamang [lupain] ay mawawala lamang,at ito ay maabuso at mawawaldas lang,Kaya ninais niyang iligtas ang lugar mula sa pagwawaldas na ito,At sa mga katulad nito,ang magiging layunin nito ang pagtatanggal sa mga masamang pamamahala at masamang gawain,at ito ay ipinapahintulot; Halimbawa :kapag nakita natin ang isang Pinuno sa isang lugar,ngunit winasak niya ang pamamahala at sinira ang mga nilikha,Ang makakabuti sa Pinunong ito kapag wala ng ibang nakita na makakapalit sa kanya,ay ang hilingin sa Namamahala na italaga siya sa lugar na ito,: Sasabihin niya sa kanya:Italaga mo ako sa lugar na ito[bilang pinuno];upang matanggal ang mga kasamaan na napapaloob rito.Ito ay ipinapahintulot at sumasang-ayon sa pinagbabatayan.At ang Hadith ni `Uthman bin Abe Al-`As,Tunay na sinabi niya sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Gawin mo akong Imam [Namumuno sa pagdarasal] sa mga tao ko,Ibig sabihin ay sa Pagdarasal,Nagsabi siya: "Ikaw ang Imam nila"Ang sabi ng mga ilang may kaalaman: Ang Hadith ay tumutukoy sa pagpapahintulot ng paghiling sa Pamamahala para sa kabutihan.At nakasaad sa panalangin ni `Adurrahman,kung saan ang mga inilarawan ni Allah,na sila ay nagsasabi: {At kami ay gawin Ninyong mga pinuno para sa mga Muttaqun [Mga matimtiman at matutuwid na mananampalataya kay Allah]} [74:25],At hindi sa paghiling ng pampangulong kinasusuklaman,Sapagkat ang mga ito ay nagsasa-alang-alang sa pagiging pangulo sa Mundo,kung saan ay hindi makakatulong ang paghiling niya rito at hindi nararapat na ipagkaloob sa kanya.
Katotohanang si `A-iz bin `Amr-malugod si Allah sa kanya-ay pumasok kay `Ubaydallah bin Ziyad;Nagsabi siya: O Anak ko,Tunay na narinig ko ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagsasabi: ((Katotohanan ang pinakamasamang Pastol ay yaong marahas)) Kaya`t iwasan mong mapabilang ka sa kanila,Ang sabi niya sa kanya:Maupo ka,sapagkat tunay na ikaw ay kabilang lamang sa mga tira-tira mula sa kasamahan ni Muhammad-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya:At sa kanila ba ay mayroong tira-tira,Tunay na ang tira-tira ay sa mga sumunod sa kanila at iba sa kanila)
Nagsalaysay nito si Imām MuslimPumasok si `A-ez bin `Amr-malugod si Allah sa kanya-kay `Ubaudallah bin Ziyad,at siya ang namumuno sa mga Taga Iraq pagkatapos ng Ama niya,Nagsabi siya:" Katotohanan narinig ko sa Sugo ni Allah na nagsasabi:Katotohanan ang pinakamasamang pastol ay yaong Marahas", At ang Marahas: Siya ang mahigpit sa pag-aalaga ng mga tupa sa tindahan,At sa pagpapatipon at sa pagpapawala,at itinatapon ang bawat isa rito at inaabuso ito.Ihinalintulad halimbawa niya ito sa isang namumuno sa tindahan,At ng tinutukoy rito ay ang,Masakit na pananalita na hindi makatarungan sa kanila,at hindi pagiging mahabagin at maawain sa kanila.At ang pagsabi niya na:(Iwasan mo na mapabilang ka sa kanila) ay mula sa pananalita ni `A-ez bilang pagpapayo kay Ibn Ziyad.At walang ibang ginawa si Ziyad kundi sagutin siya: (Tunay na ikaw ay kabilang lamang sa mga tira-tira nila) ibig sabihin ay hindi ka kabilang sa mga Tanyag mula sa kanila,at sa may Kaalaman sa kanila,at sa mga Taong may kakayahan mula sa kanila,ngunit ikaw ay kabilang sa mga tira-tira lamang nila,At ang [salitang] Tira-tira rito ay hiram [na salita] mula sa pagsasala ng Harina at siya ay basura nito,At ang tira-tira,marumi,at hindi kailangan, ay iisa lang ang kahulugan.Ang pagkasabi niya na:Ibinalik ito ng marangal na kasamahan ng Propeta-malugod si Allah sa kanya:( At sa kanila ba ay mayroong tira-tira,Tunay na ang tira-tira ay sa mga sumunod sa kanila at iba sa kanila).At ito ay mula sa dalisay na pananalita,at sa napakalinaw niyang [pagpapahayag] at pagiging tapat niya na siyang magiging gabay ng bawat Muslim,Sapagkat ang mga kasamahan ng Propeta,malugod si Allah sa kanila-Silang lahat ay [tinaguriang] pinakapili [sa lahat ng mabuting tao] at Pinuno ng Ummah [Nasyon],at ang Pinakamainam sa mga taong sumunod sa kanila,At lahat sila ay Makatarungan,Tinutularan,at walang tira-tira sa kanila,Dumating lamang ang paghahalo,mula sa mga taong kasunod nila at sa mga taong sumunod pakatapos nila.
Ayon kay Ubayy bin Ka`b (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May isang lalaki noon na wala akong nalalamang isang lalaking higit na malayo sa masjid kaysa sa kanya. Siya noon ay hindi nakaliligta ng isang dasal. Sinabi: Kaya sinabi sa kanya o sinabi ko sa kanya: "Kung sakaling bumili ka ng isang asnong sasakyan mo iyon sa dilim [ng gabi] at sa init [ng maghapon]." Nagsabi siya: "Hindi nagpapagalak sa akin na ang tahanan ko ay nasa tabi ng masjid; tunay na ako ay nagnanais na itala para sa akin ang paglalakad ko papunta sa masjid at ang pagbabalik ko kapag bumalik ako sa mag-anak ko." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagtipon nga si Allāh para sa iyo niyon sa kabuuan niyon."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpabatid si Ubayy bin Ka`b (malugod si Allāh sa kanya) na may isang lalaking kabilang sa mga Tagaadya na kabilang sa pinakamalayo sa mga tao sa tahanan mula sa Masjid ng Propeta. Walang nakaaalpas sa kanya na isang ṣalāh; bagkus nakadadalo siya sa bawat ṣalāh kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya sinabi sa kanya: "Kung sakaling bumili ka ng isang asnong sasakyan mo iyon sa dilim ng gabi at sa kainitan ng lupa sa [maghapon]." Nagsabi siya: "Hindi nagpapagalak sa akin na ang tahanan ko ay nasa tabi ng masjid; tunay na ako ay nagnanais na magtala si Allāh para sa akin ng paglalakad ko papunta sa ṣalāh sa masjid at pagbabalik ko kapag bumalik ako sa mag-anak ko." Nakarating ang salita niya sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi ito: "Nagtipon nga si Allāh para sa iyo niyon sa kabuuan niyon."
Ayon kay Jābir bin Abdullāh, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Kapag ang isang Muslim ay nagtanim ng isang tanim, ang anumang kinain mula rito ay isang kawanggawa ukol sa kanya, ang anumang ninakaw mula rito ay isang kawanggawa ukol sa kanya, at walang magbabawas rito na isa man malibang magiging isang kawanggawa ukol sa kanya." Sa isang sanaysay: "Hindi nagtatanim ang isang Muslim ng isang pananim ni hindi nagsasaka ng isang sakahin at kumain mula rito ang isang tao o isang hayop o anuman malibang ito ay magiging isang kawanggawa ukol sa kanya." Isinaysay nilang dalawang ito nang magkasama mula sa sanaysay ni Anas, malugod si Allāh sa kanya.
Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakanAng kahulugan ng ḥadīth: Walang isa mang kabilang sa mga Muslim na nagtatanim ng isang pananim o nagsasaka ng isang sakahin at kumain mula rito ang isang buhay kabilang sa mga buhay sa mga nilikha malibang gagantimpalaan siya dahil doon kahit pa matapos ang kamatayan niya at magpapatuloy para sa kanya ang gawain niya hanggat nanatili ang sinaka niya at itinanim niya. Nasaad sa ḥadīth ng paksa ang paghimok sa pagsasaka at sa pagtatanim, at na ang pagtatanim ay may dulot na maraming kabutihan, may kapakanan sa relihiyon, at kapakanan sa makamundong buhay. Kapag may kumain mula rito, ito ay magiging isang kawanggawa sa nagtanim. Ang higit na kahanga-hanga roon: kung sakaling nagnakaw mula roon ang isang magnanakaw, gaya ng kung sakaling may pumuntang isang tao, halimbawa, sa puno at nagnakaw mula roon ng bunga, tunay na ang may-ari nito ay may gantimpala dahil doon gayong kung sakaling nalaman niya ang magnanakaw na ito ay talagang idedemanda niya ito sa hukuman. Sa kabila niyon, tunay na si Allah, pagkataas-taas Niya, ay magtatala para sa kanya dahil sa pagnanakaw na ito ng isang kawanggawa hanggang sa Araw ng Pagkabuhay! Gayon din kapag kumain mula sa tanim na ito ang mga hayop ng lupa at ang mga kulisap nito, ang may-ari nito ay magkakaroon ng kawanggawa. Itinangi ng ḥadīth ang Muslim dahil siya ang makikinabang sa gantimpala ng kawanggawa sa Mundo at Kabilang-buhay.
Ayon kay Abū Al-Khaṭṭāb Qatādah Abū Shurayḥ Khuwaylid bin `Amr Al-Khuzā`īy Al-`Adawīy, malugod si Allāh sa kanya: Siya ay nagsabi kay `Amr bin Sa`īd bin Al-`Āṣṣ nang ito ay nagpapadala ng mga hukbo patungong Makkah: Magpahintulot ka sa akin, o pinuno, na magsalaysay sa iyo ng pananalitang sinabi ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa kinabukasan ng araw ng pagsakop. Narinig siya ng mga tainga ko, natalos siya ng puso ko, at nakita siya ng mga mata ko nang nagsalita siya tungkol doon. Nagpuri siya kay Allāh at nagbunyi sa Kanya. Pagkatapos ay nagsabi siya: "Tunay na ang Makkah ay binanal ni Allāh, pagkataas-taas Niya, at hindi iyon binanal ng mga tao kaya hindi ipinahihintulot sa taong naniniwala kay Allāh at sa Huling Araw na magpadanak doon ng dugo ni pumutol doon ng punong-kahoy sapagkat tunay na kung may isang nagpaalam [para makipaglaban] dahil sa pakikipaglaban ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay magsabi kayo: 'Tunay na si Allāh ay nagpahintulot sa Sugo Niya at hindi nagpahintulot sa inyo.' Nagpahintulot Siya sa akin sa isang yugto sa maghapon lamang. Nanumbalik na ang kabanalan niyon sa araw na ito gaya ng kabanalan niyon kahapon kaya iparating ng nakasasaksi sa nakaliban."Kaya sinabi kay Abū Shurayḥ: "Ano ang sinabi nito sa iyo?" Nagsabi ito: "Ako ay higit na nakaaalam doon kaysa sa iyo, o Abū Shurayḥ; tunay na ang pook na binanal ay hindi nagkukupkop ng isang sumusuway, ni ng isang tumatakas dahil sa pagpaslang, ni tumatakas dahil sa pagnanakaw.
Napagkaisahan ang katumpakanNoong ninais ni `Amr bin Sa`īd bin Al-`Āṣṣ, kilala bilang Al-Ashdaq, na maghanda ng hukbo patungong Makkah, habang ito nang araw na iyon ay isang pinuno ni Yazīd bin Mu`āwiyah sa Madīnah Munawwarah, para makipaglaban kay `Abdullāh bin Az-Zubayr, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, pumunta sa kanya si Abū Shurayḥ Khuwaylid bin `Amr Al-Khuzā`īy Al-`Adawīy upang pagpayuhan siya hinggil doon. Dahil sa ang pinagpapayuhan ay malaking tao sa sarili nito, nagpakabanayad si Abū Shurayḥ rito sa pakikipag-usap dala ng katalinuhang taglay niya at katinuan ng isip upang maging higit na kaakit-akit sa pagtanggap ng payo at sa kaligtasan ng kahihinatnan. Nagpaalam siya rito upang magbigay rito ng payo hinggil sa usapin ng pagpapadala nito ng hukbo na pinagsusumikapan nito. Ipinabatid niya rito na siya ay nakatitiyak sa katumpakan ng ḥadīth na ibibigay niya rito at nagtitiwala sa pagkatotoo niyon yamang narinig iyon ng mga tainga niya, natalos ng puso niya, at nakita ng mga mata niya nang nagsasalita hinggil doon ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Pinahintulutan naman siya ni `Amr bin Sa`īd bin Al-`Āṣṣ sa pagsasalita. Nagsabi si Abū Shurayḥ: Tunay na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, noong umaga ng pagsakop sa Makkah ay nagpuri kay Allāh at nagbunyi sa Kanya. Pagkatapos ay nagsabi siya: "Tunay na ang Makkah ay binanal ni Allāh sa araw ng paglikha ng mga langit at lupa," kaya ito ay matanda sa pagdakila at pagbabanal, "hindi ito binanal ng mga tao gaya ng pagbabanal sa laang pastulang pansamantala, mga karaniwang pastulan, at mga tubigan. Si Allāh lamang ang nagsagawa ng pagbabanal nito upang maging higit na dakila at higit na taimtim. Kaya kapag ang pagbabanal doon ay matanda na at mula kay Allāh, hindi ipinahihintulot sa taong naniniwala kay Allāh at sa Huling Araw - kung ito ay nangangalaga sa pananampalataya nito - na magpadanak doon ng dugo ni pumutol ng punong-kahoy. Kung may isang nagpaalaman makipaglaban dahil sa pakikipaglaban ko sa araw ng pagsakop, sabihin ninyo: Tunay na ikaw ay hindi gaya ng kalagayan ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sapagkat nagpahintulot nga Siya sa kanya at hindi nagpahintulot sa iyo yamang Siya ay hindi nagpahintulot ng paglalaban doon palagi. Ito ay isang yugto sa maghapon lamang ayon sa pangangailangang iyon. Bumalik na ang kabanalan nito gaya ng dati kaya iparating na nakasasaksi sa lumiban." Dahil dito ipinarating ko sa iyo, o pinuno, dahil sa pagiging saksi ko sa pananalitang ito noong umaga ng pagsakop at ikaw ay hindi nakasaksi niyon. Nagsabi ang mga tao kay Abū Shurayḥ: "Ano ang isinagot sa iyo ni `Amr?" Nagsabi siya: Sinagot niya ako sa sabi niya: "Ako ay higit na nakaaalam niyon kaysa sa iyo, o Abū Shurayḥ; tunay na ang pook na binanal ay hindi nagkukupkop ng isang suwail ni ng isang tumatakas dahil sa pagnanakaw." Sinalungat nito ang ḥadīth ayon sa opinyon nito at hindi ito nagpigil sa pagpapadala ng mga hukbo upang kalabanin si Ibnu Az-Zubayr, bagkus ipinagpatuloy nito iyon. Taysīr Al-`Allām pahina 381, Tanbīh Al-Afhām tomo 3/509-510, at Ta’sīs Al-Aḥkām 3/346.
Ayon kay Abū Juḥayfah Wahb bin `Abdillāh, malugod si Allāh sa kanya: "Pinagkapatid ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sina Salmān at Abū Ad-Dardā'. Dinalaw ni Salman si Abū Ad-Dardā' at nakita niya si Umm Ad-Dardā' (ang maybahay ni Abū Ad-Dardā') na nanlilimahid kaya nagsabi ito: Ang nangyari sa iyo? Nagsabi iyon: Ang kapatid mong si Abū Ad-Dardā' ay walang pangangailangan sa mundo. Dumating si Abū Ad-Dardā' at ginawan si Salmān ng pagkain at sinabi rito: Kumain ka at ako ay nag-aayuno. Nagsabi si Salmān: Hindi ako kakain malibang kakain ka; kaya kumain ito. Nang lumalim ang gabi bumangon si Abū Ad-Dardā' upang magdasal [ng kusang-loob na dasal] kaya nagsabi rito si Salmān: Matulog ka; kaya natulog ito. Pagkatapos ay bumangon ito upang magdasal kaya nagsabi rito si Salmān: Matulog ka. Nang sumapit na ang huling bahagi ng gabi, nagsabi si Salmān: Bumangon ka na. Nagdasal silang dalawa nang magkasama at sinabi rito ni Salmān: Tunay na may karapatan sa iyo ang Panginoon mo, tunay na may karapatan sa iyo ang sarili mo, at tunay na may karapatan sa iyo ang mag-anak mo, kaya ibigay mo sa bawat may karapatan ang karapatan niya. Pinuntahan ni Salmān ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at binanggit iyon sa kanya kaya nagsabi ang Propeta,, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Nagsabi ng totoo si Salmān."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyNaglagay ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa pagitan nina Salmān at Abū Ad-Dardā' ng bigkis ng kapatiran kaya dinalaw ni Salmān si Abū Ad-Dardā' at natagpuan niya ang maybahay nito na hindi nakasuot ng mga kasuutan ng babaing may-asawa:mga kasuutang maganda. Tinanong niya ito tungkol doon at sumagot ito na ang kapatid niyang si Abū Ad-Dardā' ay tumalikod sa mundo, sa mag-anak, sa pagkain, at sa bawat bagay. Noong dumating si Abū Ad-Dardā', ginawan niya si Salmān ng pagkain at inihain ito kay Salmān. Si Abū Ad-Dardā' ay nag-aayuno. Ipinag-utos ni Salmān na ihinto niya ang pag-aayuno dahil alam niya na ito ay nag-aayuno lagi, kaya kumain si Abū Ad-Dardā'. Pagkatapos noong ninais ni Abū Ad-Dardā' na magsagawa ng kusalang-loob na pagdarasal sa gabi (qiyāmullayl), inutusan siya ni Salmān na matulog hanggang sa sumapit ang huling bahagi ng gabi at saka sila magkasamang nagdasal. Ninais ni Salmān na linawin kay Abū Ad-Dardā' na ang tao ay nararapat na hindi magpahirap sa sarili sa pag-aayuno at pagdarasal sa gabi at dapat lamang magdasal at mag-ayuno sa paraan magkakamit siya ng kabutihan at mapapawi ang pagod, hirap, at pagtitiis.
Ayon kay Sahl bin `Amr, malugod si Allah sa kanya: "Napadaan ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa isang kamelyong [halos] sumalubong na ang likod nito sa tiyan nito kaya nagsabi siya: Mangilag kayong magkasala kay Allah dahil sa mga piping hayop na ito, kaya sakyan ninyo ang mga ito habang naaangkop at kainin ang mga ito habang naaangkop." Binalitaan sila ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng ikinagagalak nila. Ipinabatid niya, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga, sa kanila na siya hindi nangangamba ng karalitaan para sa kanila dahil ang maralita sa kadalasan ay higit na malapit sa katotohanan kaysa sa mayaman, subalit siya ay natatakot na buksan sa kanila ang Mundo at masasadlak sila sa pagtutunggalian dahil dito. Hindi na sasapat sa tao sa sandaling iyon ang makakamit niya. Bagkus magnanais siya ng higit pa at higit pa sa anumang paraang ikapagtatamo niya ng salapi. Hindi siya papansin ng ḥalāl ni ḥarām. Walang duda na ito ay kabilang sa tagisang mapupulaang hahantong sa patuon sa kamunduhan at paglayo sa Kabilang-buhay. Mapapahamak sila gaya ng pagkapahamak ng nauna sa kanila.
Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadNakakita ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng isang kamelyo na [halos] dumikit na ang likod nito sa tiyan nito dahil sa tindi ng gutom kaya ipinag-utos niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang kabaitan sa mga hayop, at na isinasatungkulin sa tao na tratuhin ang mga ito nang magandang pagtrato kaya naman hindi aatangan ang mga ito ng hindi makakaya ng mga ito, hindi magkukulang sa karapatan ng mga ito sa pagkain at inumin. Kung sasakyan ang mga ito, dapat nababagay sakyan. Kung kakainin ito dapat nababagay kainin.
Ayon kay Sakhr bin Wada`ah Al-Gamidhiy-malugod si Allah sa kanya- Buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-siya ay nagsabi: ((O Allah,ipagpala Mo ang aking Ummah sa umaga nito)) at kapag siya ay nagpapadala ng pulutong o hukbong-sandatahan,ipinapadala niya sila sa unang araw,at si Sakhr ay isang mangangalakal,at ipinapadala niya ang kanyang kalakalan sa unang araw,at naging marangya ito,at dumami ang kanyang kayamanan
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-DārimīyIpinapanalangin ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang kanyang Ummah,na ipagpala sila ni Allah-pagkataas-taas Niya sa umaga nila at unang araw nila;Upang maging malawak ang oras na ito para sa mga gawain nila na ginagampanan rito,at nang maing ang trabaho nila mismo ay may pagunlad at karagdagan. Maging ito man ay sa paghahanap ng kabuhayan,o pagsasaliksik ng kaalaman,o paghiling ng tagumpay sa mga kalaban,o kahit anong uri ng gawain mula sa mga [mabubuting] gawain,Kung-kaya`t siya ay nagpapadala ng hukbong-sandatahan sa pakikipagsalakay sa uang araw,at katulad ng nangyari kay Sakhr bin Wada`ah-malugod si Allah sa kanya-na naging nagmamay-ari ng maraming kayamanan;dahil sa panalangin ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan