





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Ibnu `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nadaanan ng isang asno na tinatakan sa mukha nito kaya nagsabi siya: "Sumpain ni Allāh ang nagtatak diyan." Sa isang sanaysay ayon kay Imām Muslim din: "Ipinagbawal ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pagsapak sa mukha at ang pagtatak sa mukha."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNasaad sa ḥadīth na ito ang tiyak na pagbabawal at ang matinding banta sa sinumang nagtatak sa isang hayop sa mukha nito at gayon din ang pagsapak sa mukha. Itinuring nga ito ng mga maalam, kaawaan sila ni Allāh, na kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala. Nagbigay-dahilan ang mga maalam para sa pagbabawal dahil sa ang mukha ay maselan at nagtitipon sa mga kagandahan. Ang mga bahagi nito ay mamahalin, maselan, at pinakamadalas na matalos. Maaaring magpawalang-kabuluhan sa mga ito ang pagsapak sa mukha at maaaring makabawas sa mga ito. Maaaring makasira ito sa mukha. Ang pagsira sa anyo nito ay nakaririmarim dahil ito ay hayag na nakalitaw na hindi maaaring takpan. Kapag sinapak ito, hindi ito naliligtas sa pagkasira kadalasan.
Ayon kay `Alīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagpadala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang pulutong saka nagtalaga siya ng isang lalaking kabilang sa Ansar at nag-utos sa kanila na tumalima sila rito. Nagalit ito saka nagsabi: "Hindi ba nag-utos sa inyo ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sumunod kayo sa akin?" Nagsabi sila: "Oo." Nagsabi ito: "Kaya magtipon kayo para sa akin ng kahoy na panggatong." Kaya nagtipon sila nito saka nagsabi siya: "Magpaningas kayo ng apoy." Kaya nagpaningas naman sila nito saka nagsabi siya: "Pumasok kayo riyan." Kaya nagbalak sila at nagsimula naman ang ilan sa pagpigil sa iba. Nagsasabi sila: "Tumakas kami papunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa apoy." Hindi sila natigil sa gayon hanggang sa namatay ang apoy saka humupa ang galit nito. Umabot naman iyon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi siya: "Kung sakaling pumasok sila roon, hindi sana sila nakalabas mula roon hanggang sa Araw ng Pagbangon. Ang pagsunod ay sa nakabubuti."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpadala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang hukbo. Gumawa siya sa isang lalaking kabilang sa mga Tagaadya bilang pinuno sa kanila at nag-utos siya ng pagtalima rito. Ngunit nagalit ang pinuno at nagsabi sa kanila: "Hindi ba nag-utos sa inyo ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na tumalima kayo sa akin?" Nagsabi sila: "Oo." Nagsabi ito: "Kaya nag-utos nga ako sa inyo na magtipon kayo ng kahoy na panggatong at magpaningas kayo ng apoy pagkatapos pumasok kayo roon." Kaya tinipon nila ang panggatong at pinaningas nila ang apoy. Noong binalak nila ang pagpasok doon, nagsimulang tumingin ang isa't isa sa kanila. Nagsabi sila: "Tunay na kami ay hindi sumunod sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kundi bilang pagtakas mula sa apoy, kaya papasok kaya kami roon?" Habang sila ay gayon, naapula ang liyab ng apoy at naglaho sa pinuno ang galit nito. Ipinabatid naman iyon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi siya: "Kung sakaling tumalima kayo sa kanya at pumasok kayo sa apoy na pinaningas niya, talaga sanang pinagdusa kayo roon at hindi sana kayo nakalabas mula roon nang singtagal ng Mundo. Walang pagtalima sa isang nilikha kapalit ng pagsuway sa Tagalikha. Kinakailangan lamang ang pagtalima sa nakabubuti hindi sa pagsuway."
Ayon kay Ḥudhayfah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Tunay na magkakaroon ng mga pinuno na magsisinungaling at lalabag sa katarungan. Ang sinumang naniniwala sa kanila sa kasinungalingan nila at tumutulong sa kanila sa kawalang-katarungan nila, siya ay hindi bahagi ko at ako ay hindi bahagi niya, at hindi siya pupunta sa akin sa Lawa ko." Ang sinumang hindi naniniwala sa kasinungalingan nila at hindi tumutulong sa kanila sa kawalang-katarungan nila, siya ay bahagi ko at ako ay bahagi niya, at pupunta siya sa akin sa Lawa.}
Nagsalaysay nito si Imām AḥmadNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na may mangangasiwa sa mga tao matapos ng pagkamatay niya na mga pinuno na magsisinungaling sa pagsasalita sapagkat magsasabi sila ng hindi nila ginagawa at lalabag sa katarungan sa pamamahala. Ang sinumang pumasok sa kanila at naniniwala sa kanila sa kasinungalingan nila o tumutulong sa kanila sa paggawa ng kawalang-katarungan o pagsasabi nito gaya ng pagbibigay ng fatwā sa kanila bilang pagpapakalapit-loob sa kanila at bilang pag-asa ng taglay nila, siya ay walang-kaugnayan doon, iyon ay hindi bahagi niya, at siya ay hindi bahagi niyon. Hindi iyon pupunta sa kanya sa Lawa ng Kawthar sa Araw ng Pagbangon. Ang sinumang hindi pumasok sa kanila, hindi naniniwala sa kasinungalingan nila, at hindi tumutulong sa kanila sa kawalang-katarungan nila, iyon ay bahagi niya at siya ay bahagi niyon. Pupunta iyon sa kanya sa Lawa sa Araw ng Pagbangon.
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu- (Kapag inibig ni Allah sa isang pinuno ang Kabutihan,itatalaga niya sa kanya ang isang ministro na tapat,Kapag siya ay nakalimot,paalalahanan siya at kapag nakaalala siya ay tutulungan siya.At kapag inibig Niya ang bukod dito,itatalaga Niya sa kanya ang isang Ministro na masama,Kapag siya ay nakalimot,hindi siya paalalahanan,at kapag nakaalala siya,hindi niya ito tutulungan.))
Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudNagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:"Kapag inibig ni Allah sa isang pinuno ang Kabutihan",At patungkol sa sinabi niyang:" at kapag niloob sa kanya ang maliban doon" ibig sabihin ay bukod sa mabuti,na niloob Niya sa Kanya ang masama, at ipinahayag ito sa pamamagitan ng pagbanggit ng kilos sa pagdalisay sa pag-iwas ng masama; dahil kapag umiwas siya ay babanggitin ang pangalan nito-ang kasamaan-dahil sa katakot-takot at kilabot nito.kaya,ang pag-iwas sa pinapangalanan dito ay higit na nauuna, at ang paggamit ng panghalip na pamatlig na "doon" na ang tinatalakay ay para sa malayuan,napapaloob rito ang pagdadakila sa kabutihan,pagpapataas sa antas nito,at paghihimok sa kahilingan niya at pagpupunyagi sa pagkamit nito.Ang resulta nito ay: " Magtatalaga Siya sa kanya ng ministrong masama" at ang ipinapahiwatig sa ministrong masama ay sa pananalita, at gawa.kabaligtaran ng unang nabanggit laban sa kanya. " Kapag nakalimot siya" ibig sabihin ay: naiwanan ang anumang bagay na nararapat mula rito," hindi niya ito ipaaalala sa kanya" ang tungkol dito,Dahil wala sa kanya ang liwanag sa puso,na magdadala sa kanya doon." At kung ipaalala man niya ito,hindi rin niya tutulungan ito" bagkus ay magpupunyagi siya sa paglihis sa kanya;Dahil sa likas na kasagwaan nito at masamang gawain nito.
Ayon kay Abe Sa`īd Al-Khudrīy-malugod si Allah sa kanilang dalawa-sa Hadith na Marfu- "Hindi nagpadala si Allah ng Propeta at hindi nagtalaga ng Pinuno mula sa pinuno maliban na sa kanya ay may dalawang Tagapangasiwa,Tagapangasiwa na nag-uutos sa kanya ng kabutihan at naghihikayat dito,at Tagapangasiwa na nag-uutos sa kanya ng kasamaan at nag-hihikayat ito sa kanya,At ang pinapangalagaan, ay yaong pinapangalagaan ni Allah"
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyIpinapahayag ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ang Allah ay hindi nagpadala ng Propeta at hindi nagtalaga ng Pinuno mula sa pinuno maliban na sa kanya ay may dalawang Tagapangasiwa,Tagapangasiwa na Mabuti,nag-uutos sa kanya ng kabutihan at naghihikayat dito,at Tagapangasiwa na masama, nagpapatnubay sa kanya ng kasamaan at nag-uutos ito sa kanya,At ang pinapangalagaan mula sa gawain ng Masamang Tagapangasiwa,ay yaong pinapangalagaan ni Allah-Pagkataas-taas Niya
Si Ibnu Mas-ūd-malugod si Allah sa kanya - ay laging nagpapaalala sa amin sa bawat araw ng Huwebes,Nagsabi sa kanya ang isang lalaki:O Abu Abdurahman, Tunay na naiibigan ko na magpaalala ka sa amin araw-araw,Nagsabi siya: Katotohanan na ang pumipigil sa akin dito,ay kinamumunghian ko na maging mainipin kayo,Kung-kaya't ako ay nagtatakda sa inyo sa pagbibigay ng paalala,Tulad ng ginawa ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan -na nagtatakda sa amin ( ng pagpapaalala) bilang pag-iwas pagka-yamut namin.
Napagkaisahan ang katumpakanIpinapahayag ni Shaqēq bin Salamah kaawaan siya ni Allah,Na si Ibnu Mas-ūd-malugod,ay nagbibigay ng paalala sa kanila sa bawat araw ng Huwebes.ang sabi sa kanya ng isang lalaki, Tunay na niibig namin na magbigay ka ng paalala sa amin araw-araw. tunay na ang pumipigil sa akin dito ay pagkamunghi ko na darating sa inyo ang pagka-inip at pagka-yamot,At katotohanan ako sa inyo ay magtatakda ng pagbibigay paalala,at susuriin ko ang mga sitwasyon na kinakailangan ninyo rito tulad ng ginagawa ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan - sa amin,Bilang pag-iwas na dumating sa amin ang pag-kainip,sapagkat walang magiging epekto ang pagbibigay paalala sa oras ng pagka-inip.
Ayon kay Ṣuhayb (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: Noon ay may isang hari sa mga bago ninyo noon. Iyon noon ay may isang manggagaway. Noong tumanda ito, nagsabi ito sa hari: "Tunay na ako ay tumanda na. Kaya magpadala ka sa akin ng isang batang lalaking tuturuan ko ng panggagaway." Kaya nagpadala iyon dito ng isang batang lalaking tuturuan nito. Siya noon ay nasa daan niya nang may tumahak na isang monghe. Umupo siya paharap dito at nakinig siya sa pananalita nito saka nagpahanga ito sa kanya. Kaya kapag pumupunta ang bata sa manggagaway, dumadaan siya sa monghe at umuupo siya paharap dito. Nang minsang pumunta siya sa manggagaway, pinalo siya niyon. Idinaing niya iyon sa monghe saka nagsabi naman ito: "Kapag natakot ka sa manggagaway, magsabi ka: 'Pumigil sa akin ang mag-anak ko.' Kapag natakot ka sa mag-anak mo, magsabi ka: 'Pumigil sa akin ang manggagaway.'" Habang siya ay gayon, biglang may pumuntang isang dambuhalang hayop na pumigil nga sa mga tao kaya nagsabi siya: "Ngayong araw, malalaman ko kung ang manggagaway ba ay higit na mainam o ang monghe ay higit na mainam?" Kaya kumuha siya ng isang bato saka nagsabi: "O Allāh, kung ang nauukol sa monghe ay higit na kaibig-ibig sa Iyo kaysa sa nauukol sa manggagaway, patayin Mo ang hayop na ito nang sa gayon makadaan ang mga tao." Kaya pinukol niya iyon saka napatay niya iyon at nakadaan ang mga tao. Kaya pumunta siya sa monghe saka nagpabatid siya rito. Nagsabi naman sa kanya ang monghe: "O anak ko, Ikaw ngayong araw ay higit na mainam kaysa sa akin. Nakaabot nga mula sa nauukol sa iyo ang kinikinita ko. Tunay na ikaw ay susubukin. Kaya kung sinubok ka, huwag mo akong ituro." Nangyaring ang batang lalaki ay nagpapagaling ng bulag at ketongin at nanggagamot ng mga tao mula sa nalalabi sa mga sakit. May nakarinig na isang kaupuan ng hari, na nabulag na, kaya nagdala siya rito ng maraming regalo saka nagsabi: "Ang narito ay para sa iyo lahat kung ikaw ay maglulunas sa akin." Kaya nagsabi ito: "Tunay na ako ay hindi naglulunas ng isa man; naglulunas si Allāh lamang. Kaya kung ikaw ay sasampalataya kay Allāh, dadalangin ako kay Allāh saka magpapagaling Siya sa iyo." Kaya sumampalataya naman siya kay Allāh saka nagpagaling sa kanya si Allāh. Pumunta siya sa hari saka naupo paharap doon kung paanong siya dati ay umuupo. Nagsabi sa kanya ang hari: "Sino ang nagsauli sa iyo ng paningin mo." Nagsabi siya: "Ang Panginoon ko." Nagsabi iyon: "At mayroon kang panginoong iba pa sa akin?" Nagsabi siya: "Ang Panginoon ko at ang Panginoon mo ay si Allāh." Kaya sumunggab iyon sa kanya saka hindi iyon tumigil na nagdudulot ng pagdurusa sa kanya hanggang sa itinuro niya ang batang lalaki. Inihatid naman ang batang lalaki saka nagsabi sa kanya ang hari: "O anak ko, nakaabot nga mula sa panggagaway mo ang pangyayaring nagpapagaling ka ng bulag at ketongin, gumagawa ka nito, at gumagawa ka niyon." Kaya nagsabi siya: "Tunay na ako ay hindi naglulunas ng isa man; naglulunas si Allāh lamang." Kaya sumunggab iyon sa kanya saka hindi iyon tumigil na nagdudulot ng pagdurusa sa kanya hanggang sa itinuro niya ang monghe. Inihatid naman ang monghe saka sinabi sa kanya: "Talikuran mo ang Relihiyon mo!" Umayaw naman siya kaya nagpakuha iyon ng lagare. Inilagay niyon ang lagare sa gitna ng ulo niya saka biniyak niyon ito hanggang sa bumagsak ang dalawang biyak nito. Pagkatapos inihatid ang kaupuan ng hari saka sinabi sa kanya: "Talikuran mo ang Relihiyon mo!" Umayaw naman siya. Inilagay niyon ang lagare sa gitna ng ulo niya saka biniyak niyon ito sa pamamagitan niyon hanggang sa bumagsak ang dalawang biyak nito. Pagkatapos inihatid ang batang lalaki saka sinabi sa kanya: "Talikuran mo ang Relihiyon mo." Umayaw naman siya. Kaya tumulak iyon sa kanya sa isang pangkat kabilang sa mga tauhan niyon. Nagsabi iyon: "Magpapunta kayo sa kanya sa bundok na ganito at ganito saka magpaakyat kayo sa kanya sa bundok. Kapag umabot kayo sa tuktok niyon, kung tatalikod siya sa relihiyon niya, [ligtas siya;] at kung hindi ay ibulid ninyo siya." Nagpapunta naman sila sa kanya saka nagpaakyat sila sa kanya sa bundok. Kaya nagsabi naman siya: "O Allāh, magligtas Ka sa akin sa kanila sa pamamagitan ng niloob Mo." Kaya yumanig sa kanila ang bundok saka bumagsak sila. Dumating siyang naglalakad papunta sa hari. Nagsabi naman sa kanya ang hari: "Ano ang ginawa ng mga kasamahan mo?" Nagsabi siya: "Nagligtas sa akin sa kanila si Allāh." Kaya tumulak iyon sa kanya sa isang pangkat kabilang sa mga tauhan niyon saka nagsabi: "Magpapunta kayo sa kanya saka magkarga kayo sa kanya sa isang bangka saka magpagitna kayo sa kanya sa dagat. Kung tatalikod siya sa relihiyon niya, [ligtas siya,] at kung hindi ay ihagis ninyo siya." Nagpapunta naman sila sa kanya. Kaya nagsabi naman siya: "O Allāh, magligtas ka sa akin sa kanila sa pamamagitan ng niloob Mo." Kaya tumaob sa kanila ang daong saka nalunod sila. Dumating siyang naglalakad papunta sa hari. Nagsabi naman sa kanya ang hari: "Ano ang ginawa ng mga kasamahan mo?" Nagsabi siya: "Nagligtas sa akin sa kanila si Allāh." Kaya nagsabi siya sa hari: "Tunay na ikaw ay hindi makapapatay sa akin hanggang sa gawin mo ang iuutos ko sa iyo." Nagsabi iyon: "At ano iyon?" Nagsabi siya: "Magtitipon ka sa mga tao sa iisang lupain at magbibitin ka sa akin sa isang troso. Pagkatapos kumuha ka ng isang palaso mula sa suksukan ng palaso ko. Pagkatapos ilagay mo ang palaso sa ْgitna ng pana. Pagkatapos magsabi ka: 'Sa ngalan ni Allāh na Panginoon ng batang lalaki.' Pagkatapos tirahin mo ako sapagkat tunay na ikaw, kapag gumawa ka niyon, ay makapapatay ka sa akin." Kaya nagtipon iyon sa mga tao sa iisang lupain at nagbitin iyon sa kanya sa isang troso. Pagkatapos kumuha iyon ng isang palaso mula sa suksukan ng palaso niya. Pagkatapos inilagay niyon ang palaso sa gitna ng pana. Pagkatapos nagsabi iyon: "Sa ngalan ni Allāh na Panginoon ng batang lalaki." Pagkatapos tinira siya niyon saka bumagsak ang palaso sa sintido niya, saka inilagay niya ang kamay niya sa tinamaan ng palaso, saka namatay siya. Kaya nagsabi ang mga tao: "Sumampalataya kami sa Panginoon ng batang lalaki! Sumampalataya kami sa Panginoon ng batang lalaki! Sumampalataya kami sa Panginoon ng batang lalaki!" Kaya pinuntahan ang hari saka sinabihan: "Nakita mo ba ang dating pinangingilagan mo? Bumaba nga, sumpa man kay Allāh, sa iyo ang pinangilagan mo. Sumampalataya nga ang mga tao." Kaya nag-utos iyon na maghukay ng bambang sa mga bukana ng mga daanan kaya binambangan ang mga ito. Nagsindi iyon ng mga apoy at nagsabi: "Ang sinumang hindi tumalikod sa relihiyon niya ay painitan ninyo siya riyan o sasabihin sa kanya: 'Lumukso ka!'" Ginawa naman nila hanggang sa may dumating na isang babae at may kasama itong isang paslit nito saka nag-urong-sulong ito na bumagsak diyan kaya nagsabi sa kanya ang bata: "O ina, magtiis ka sapagkat tunay na ikaw ay nasa katotohanan."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na noon ay may isang hari sa mga bago natin noon kabilang sa mga kalipunan. Ang hari ay may isang manggaway. Noong tumanda ang manggagaway, nagsabi ito sa hari: "Tunay na ako ay tumanda na. Kaya magsugo ka sa akin ng isang binatang tuturuan ko ng panggagaway." Kaya nagpadala ang hari rito ng isang binatang tuturuan nito. Noong ang binata ay nasa daan niya nang papunta siya sa manggagaway may isang monghe na tumahak. Kaya umupo siya paharap dito sa isang pagkakataon. Nakinig siya sa pananalita nito saka nagpahanga ito sa kanya. Kaya kapag pumupunta siya sa manggagaway, dumadaan siya sa monghe at umuupo siya sa paharap dito. Nang minsang pumunta siya sa manggagaway, pinalo siya niyon dahil sa pagkahuli niya. Kaya idinaing niya iyon sa monghe saka nagsabi naman ito: "Kapag natakot ka sa manggagaway, magsabi ka: 'Pumigil sa akin ang mag-anak ko;' at kapag natakot ka sa mag-anak mo, magsabi ka: 'Pumigil sa akin ang manggagaway.'" Kaya habang siya ay gayon, biglang may pumuntang isang dambuhalang hayop na pumigil nga sa mga tao sa pagdaan kaya nagsabi siya: "Ngayong araw, malalaman ko kung ang manggagaway ba ay higit na mainam o ang monghe ay higit na mainam?" Kaya kumuha siya ng isang bato saka nagsabi: "O Allāh, kung ang nauukol sa monghe ay higit na kaibig-ibig sa Iyo kaysa sa nauukol sa manggagaway, patayin Mo ang hayop na ito nang sa gayon makadaan ang mga tao." Kaya pinukol niya iyon saka napatay niya iyon at nakadaan ang mga tao. Kaya pumunta siya sa monghe saka nagpabatid siya rito. Nagsabi naman sa kanya ang monghe: "O anak ko, Ikaw ngayong araw ay higit na mainam kaysa sa akin. Nakaabot nga mula sa nauukol sa iyo ang kinikinita ko. Tunay na ikaw ay susubukin. Kaya kung sinubok ka, huwag mo akong ituro." Nangyaring ang batang lalaki ay nagpapagaling ng bulag at ketongin at nanggagamot ng mga tao mula sa nalalabi sa mga sakit ayon sa pahintulot ni Allāh. May nakarinig na isang kaupuan ng hari, na dati nang nawalan ang paningin niya, kaya nagdala siya rito ng maraming regalo saka nagsabi sa batang lalaki: "Ang lahat ng narito na mga regalo ay para sa iyo kung ikaw ay maglulunas sa akin." Kaya nagsabi ito: "Tunay na ako ay hindi naglulunas ng isa man; ang naglulunas ay si Allāh lamang. Kaya kung ikaw ay sasampalataya kay Allāh, dadalangin ako kay Allāh saka magpapagaling Siya sa iyo." Kaya sumampalataya naman siya kay Allāh saka nagpagaling sa kanya si Allāh. Pumunta siya sa hari saka naupo paharap doon kung paanong siya rati ay umuupo. Nagsabi sa kanya ang hari: "Sino ang nagpabalik sa iyo ng paningin mo." Nagsabi siya: "Ang Panginoon ko." Nagsabi iyon: "At mayroon kang panginoong iba pa sa akin?" Nagsabi ito: "Ang Panginoon ko at ang Panginoon mo ay si Allāh." Kaya sumunggab iyon sa kanya saka hindi iyon tumigil na nagdudulot ng pagdurusa sa kanya hanggang sa itinuro niya ang batang lalaki. Inihatid naman ang batang lalaki saka nagsabi sa kanya ang hari: "O anak ko, nakaabot nga mula sa panggagaway mo ang pangyayaring nagpapagaling ka ng bulag at ketongin, gumagawa ka nito, at gumagawa ka niyon." Kaya nagsabi siya: "Tunay na ako ay hindi naglulunas ng isa man; ang naglulunas ay si Allāh lamang." Kaya sinunggaban siya nito saka hindi tumigil na nagdudulot ng pagdurusa sa kanya hanggang sa itinuro niya ang monghe. Inihatid naman ang monghe saka sinabi sa kanya: "Talikuran mo ang Relihiyon mo!" Umayaw naman siya kaya nagpakuha iyon ng lagare. Inilagay niyon ang lagare sa gitna ng ulo niya saka biniyak niyon ito sa pamamagitan niyan sa dalawang hati. Pagkatapos inihatid ang kaupuan ng hari saka sinabi sa kanya: "Talikuran mo ang Relihiyon mo." Umayaw naman siya kaya nagpakuha iyon ng lagare. Inilagay niyon ang lagare sa gitna ng ulo niya saka biniyak niyon ito sa pamamagitan niyan sa dalawang hati. Pagkatapos inihatid ang batang lalaki saka sinabi sa kanya: "Talikuran mo ang Relihiyon mo." Umayaw naman siya. Kaya tumulak ito sa kanya sa mga lalaking kabilang sa mga tauhan nitong nasa pagitan ng tatlo at sampung katao. Nagsabi ito: "Dalhin ninyo siya sa bundok na ganito at ganito, saka magpaakyat kayo sa kanya sa bundok, saka kapag umabot kayo sa pinakaitaas niyon, kung tatalikod siya sa relihiyon niya, [ligtas siya;] at kung hindi ay ibulid ninyo siya." Nagpapunta naman sila sa kanya saka nagpaakyat sila sa kanya sa bundok. Kaya nagsabi naman ang batang lalaki: "O Allāh, magligtas Ka sa akin sa kanila sa pamamagitan ng niloob Mo." Kaya yumanig sa kanila ang bundok at gumalaw-galaw ito sa isang matinding paggalaw saka bumagsak sila. Dumating siyang naglalakad papunta sa hari. Nagsabi naman sa kanya ang hari: "Ano ang ginawa ng mga kasamahan mo?" Nagsabi siya: "Nagligtas sa akin sa kanila si Allāh." Kaya tumulak iyon sa kanya sa isang pangkat kabilang sa mga tauhan niyon saka nagsabi: "Magpapunta kayo sa kanya saka magkarga kayo sa kanya sa isang maliit na daong saka magpagitna kayo sa kanya sa dagat. Kung tatalikod siya sa relihiyon niya, [ligtas siya,] at kung hindi ay ihagis ninyo siya sa dagat." Nagpapunta naman sila sa kanya. Kaya nagsabi naman siya: "O Allāh, magligtas ka sa akin sa kanila sa pamamagitan ng niloob Mo." Kaya tumaob sa kanila ang daong saka nalunod sila. Dumating siyang naglalakad papunta sa hari. Nagsabi naman sa kanya ang hari: "Ano ang ginawa ng mga kasamahan mo?" Nagsabi siya: "Nagligtas sa akin sa kanila si Allāh." Kaya nagsabi siya sa hari: "Tunay na ikaw ay hindi makapapatay sa akin hanggang sa gawin mo ang iuutos ko sa iyo." Nagsabi iyon: "At ano iyon?" Nagsabi siya: "Magtitipon ka sa mga tao sa iisang lupang nakausli at magbibitin ka sa akin sa isang troso ng isang punong-kahoy. Pagkatapos kumuha ka ng isang palaso mula sa suksukan ng palaso ko. Pagkatapos ilagay mo ang palaso sa hawakan ng pana. Pagkatapos magsabi ka ng: 'Sa ngalan ni Allāh na Panginoon ng batang lalaki.' Pagkatapos tirahin mo ako sapagkat tunay na ikaw, kapag gumawa ka niyon, ay makapapatay ka sa akin." Kaya nagtipon iyon sa mga tao sa iisang lugar at nagbitin iyon sa kanya sa isang troso. Pagkatapos kumuha iyon ng isang palaso mula sa susuksukan ng palaso niya. Pagkatapos inilagay niyon ang palaso sa gitna ng pana. Pagkatapos nagsabi iyon ng: "Sa ngalan ni Allāh na Panginoon ng batang lalaki." Pagkatapos tinira siya niyon saka bumagsak ang palaso sa sintido niya sa pagitan ng mata niya at tainga niya, saka inilagay niya ang kamay niya sa sintido niya sa tinamaan ng palaso, saka namatay siya. Kaya nagsabi ang mga tao: "Sumampalataya kami sa Panginoon ng batang lalaki! Sumampalataya kami sa Panginoon ng batang lalaki! Sumampalataya kami sa Panginoon ng batang lalaki!" Kaya pinuntahan ang hari saka sinabihan: "Nakita mo ba ang dating pinangangambahan mo? Bumaba nga, sumpa man kay Allāh, ang pinangilagan mo, ang pagsunod ng mga tao sa batang lalaki at ang pananampalataya nila sa Panginoon niya nang lahatan. Kaya nag-utos iyon na maghukay ng isang dambuhalang hukay na pahaba sa mga pinto ng mga daan. Nagpaningas at nagpaliyab iyon ng mga apoy rito at nagsabi: "Ang sinumang hindi tumalikod sa relihiyon niya, itapon ninyo siya roon." Kaya ginawa naman nila ang iniutos ng hari hanggang sa may dumating na isang babae at may kasama itong isang paslit nito saka tumigil-tigil ito at nanatili sa kinalalagyan nito at nasuklam sa pagpasok sa apoy kaya nagsabi sa kanya ang paslit niya: "O ina, magtiis ka sapagkat tunay na ikaw ay nasa katotohanan."
Ayon kay Abū Dharr, malugod si Allāh sa kanya.-siya ay nagsabi: Sinabi sa akin ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(( O Abū Dharr,nakikita ko sa iyo ang kahinaan,at tunay na iniibig ko para sa iyo,ang mga bagay na iniibig ko para sa aking sarili,;Huwag na huwag kang mamumuno sa dalawa,at huwag na huwag kang mamahala sa mga yaman ng mga batang ulila))
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIpinapaalam ni Abū Dharr, malugod si Allāh sa kanya.-na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi sa kanya: "Nakikita ko sa iyo ang kahinaan,at tunay na iniibig ko para sa iyo,ang mga bagay na iniibig ko para sa aking sarili;Huwag na huwag kang mamumuno sa dalawa,at huwag na huwag kang mamahala sa mga yaman ng mga batang ulila" Ito ay apat na salita na ipinahayag ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- kay Abe Dharr, Una: Nagsabi siya sa kanya:" Nakikita ko sa iyo ang kahinaan",at ang katangian na ito ay naaangkop sa kasalukuyan na may dalang pagpapayo,At hindi kasalanan sa tao,kapag sinabi niya halimbawa sa kapwa niya na:Mayroon kang ganito at ganito,bilang pagpayo at hindi upang insultuhin at pahiyain,Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi: "Nakikita ko sa iyo ang kahinaan" Pangalawa: Nagsabi siya:"at tunay na iniibig ko para sa iyo,ang mga bagay na iniibig ko para sa aking sarili" at ito ay kabilang sa magandang kaugalian ng Propeta-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga,At nang mangyari na ang unang pangungusap ay mayroong mga bagay na kapintasan,nagsabi siya ng:"tunay na iniibig ko para sa iyo,ang mga bagay na iniibig ko para sa aking sarili" Ibig sabihin ;Hindi ko sinasabi sa iyo ang mga bagay na ito maliban sa tunay na iniibig ko para sa iyo,ang mga bagay na iniibig ko para sa aking sarili.Ang Pangatlo:"Huwag na huwag kang mamumuno sa dalawa" Ang kahulugan nito: Huwag kang mamumuno sa dalawa,at ang anumang maging karagdagan nito,ay siyang higit na mainam.Ang kahulugan nito: Na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pinagbawalan siya na maging pinuno;dahil siya ay mahina,At ang pamumuno ay nangangailangan ng taong malakas at mapagkakatiwalaan,Siya ay malakas na kung saan, sa kanya ay may kapangyarihan at matalas na pananalita,At ang sinasabi niya ay gagawin niya,Hindi siya dapat maging mahina sa harapan ng mga tao,sapagkat ang mga tao,kapag nakita nilang mahina ang isang tao [sa harapan nila],wala siyang makukuhang paggalang mula sa kanila,at aalipustahin siya ng mga mapagmalabis na tao,Subalit kapag siya ay malakas,at hindi lumalagpas sa mga limitasyon ni Allah-kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan-at hindi nagpapabaya sa kapangyarihang ipinagkaloob sa kanya ni Allah,ito ang tinatawag na tunay na pinuno. Ang pang-apat: "Huwag na huwag kang mamahala sa mga yaman ng mga batang ulila" At ang batang ulila,ay yaong namatayan ng ama,bago ito umabot sa hustong gulang, Ipinagbawal sa kanya ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na mamamahala siya sa mga yaman ng mga batang ulila, Dahil ang yaman ng mga batang ulila ay nangangailangan ng kalinga at pangangalaga, At si Abu Dharr ay mahina at walang kakayahan sa pangangalaga ng mga yamang ito ng tunay na pangangalaga. Kung-kaya`t sinabi niya sa kanya:"Huwag na huwag kang mamahala sa mga yaman ng mga batang ulila" Ibig sabihin,huwag kang mamahala rito,at hayaan mo ang iba [na gumanap nito].At ito ay hindi bilang panlalait kay Abe Dharr,sapagkat tunay na siya ay nagtatagubilin ng kabutihan at nagbabawal ng kasamaan,at maliban rito ay ang kanyang pagiging hindi makamundong-bagay at paghihigpit,subalit siya ay mahina sa mga ilang nakatalagang bagay at ito ang pamumuno at pamamahala
Ayon kay Abē Dharr-malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi-Nagsabi Ako: O Sugo ni Allah!Hindi mo ba ako itatalagang pinuno?Pinalo niya sa Kamay niya ang balikat ko,pagkatapos ay sinabi niyang:(( O Abā Dharr,Ikaw ay mahina,at ito ay Amānah [Pagtanggap ng mga tungkulin at pagsunod kay Allah],At sa Araw ng Pagkabuhay, ito ay kadustaan at pagsisisihan,maliban sa sinumang tumanggap nito na siya ay karapat-dapat dito,at isinakatuparan niya ang anumang nararapat sa kanya rito))
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIpinapaalam ni Abu Dharr na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagbigay sa kanya ng pangaral patungkol sa pamumuno at pamamahala rito,At ito ay naganap nang hilingin niya-malugod si Allah sa kanya-sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na italaga siya sa pamamahala,Nagsabi sa kanya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-"Ikaw ay mahina",At ang salitang ito,ay may uri na [dapat maging] malakas, subalit ang pagtitiwala ay kinakailangan ihayag sa tao sa katangian mayroon sa kanya;Kapag siya ay malakas,siya ay malakas,at kapag siya ay mahina,siya ay mahina.At dito ay pinapatunayan na kinakailangan sa pamumuno, na ang tao ay maging malakas at mapagkakatiwalaan, Sapagkat ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabing : "at ito ay Amānah [Pagtanggap ng mga tungkulin at pagsunod kay Allah]",Kapag siya ay malakas at mapagkakatiwalaan,ito ang mga katangian na karapat-dapat na maging pinuno at tagapamahala,At kapag ito ay malakas subalit hindi mapagkakatiwalaan,o di kaya`y mapagkakatiwalaan subalit mahina,o mahina na hindi mapagkakatiwalaan;ang tatlong uri na ito,hindi nararapat sa [sinumang] nagtatangi nito na maging pinuno.At alinsunod dito,tunay na ang itatalagang pinuno ay ang malakas,sapagkat siya ay higit na pakikinabangan ng mga tao,Ang sangkatauhan ay nangangailangan ng kapangyarihan at lakas,at kapag wala sa kanya ang lakas lalo na kapag mahina sa pananampalataya,mawawalan ng saysay ang lahat ng mga bagay.Ang Hadith na ito ay pangunahing batayan sa pag-iwas sa mga pamamahala,lalong-lalo na sa sinumang may kahinaan sa pagsasagawa ng [kanyang] panunungkulan sa pamamahala,At ang kadustaan ag pagsisisihan na nabanggit sa Hadith,sa pagkasabi niya: " At ito sa Araw ng Pagkabuhay ay kadustaan at pagsisisihan" ito ay para sa sinumang hindi nararapat sa kanya [ ang pagiging pinuno],o naging karapt-dapat siya subalit hindi siya naging makatarungan dito;Dudustain siya ni Allah sa Araw ng Pagkabuhay,at isisiwalat ang kanyang kahihiyan,at magsisisi siya sa kanyang pang-aabuso.Subalit, sinuman ang naging karapat-dapat sa pamamahala at naging makatarungan rito;ay hindi mapapabilang sa kaparusahang ito;Kung-kaya`t, ang marangal na Propeta ay hindi ito isinali,Nagsabi siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "maliban sa sinumang tumanggap nito na siya ay karapat-dapat dito at isinakatuparan niya ang anumang nararapat sa kanya rito" ang sinuman ang tumanggap nito na siya ay karapat-dapat dito,mapapasakanya ang dakilang kainaman,na siyang ipinapahiwatig sa iba pang tumpak na mga Hadith;tulad ng: Pitong [klase ng tao] pasisilungin ni Allah,At ang Hadith na: Ang mga matuwid [sa panunungkulan],ay nasa Minbar [mataas na kinalalagyan] mula sa liwanag,at ang iba pa rito.