





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Mula kay Uday Bin Umairah Al-kandiy -Kalugdan nawa siya ni Allah- marfuw'an: ((Sinuman ang ginamit namin sa inyo sa gawain, at itinago namin ang karayom maging mataas pa sa kanya ito ay maging mapahamak na dadalhin niya sa Araw ng Pagkabuhay)). At tumayo ang isang lalaking itim mula sa mga ansar, para baga akong nakatingin sa kanya , at kanyang sinabi: O Sugo ni Allah, paalisin mona ako sa gawaing inutos mo sa akin, sabi Niya: ((ano nangyari sa iyo?)) sabi niya, narinig kita nagsabi ng ganito ganyan, sabi Niya: ((at sasabihin ko siya ngayon: sinuman ang nagamit siya sa gawain dapat niyang ibigay maging kaunti man siya at marami siya, at anuman ang naibigay mula sa kanya ay kukunin niya, at anuman ang ipinagbawal sa kanya ay lalayuan niya)).
Nagsalaysay nito si Imām Muslim"Sinuman ang nagamit namin sa inyo sa isang gawain mula sa pagtipon ng Zakah o mga Ganimah (kayamanan nakuha mula sa mga kalaban sa panahon ng pakikibaka o Jihad) o iba pa, at kanyang itinago ang isang karayom o mas maliit pa sa kanya ay magiging mapahamak na dadalhin niya sa Araw ng Pagkabuhay, at biglang tumayo ang isang lalaki mula sa angkan ng mga ansar humingi ng pahintulot sa Kanya na kanya ng iwan ang gawain na ipinag-utos sa kanya ng Sugo -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-, sabi ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: "at napano ka? Sabi niya: Narinig kita nagsabi ng ganito ganyan. Sabi Niya: At ako sasabihin ko ngayon, sinuman ang nagamit namin siya sa isang gawain dapat niyang ibigay maging kaunti man siya at marami, at anuman ang naibigay mula sa kanyang gantimpala o katumbas ay kukunin niya, at anuman ang ipinagbawal sa kanya at hindi nabilang sa kanyang karapatan ay huwag niyang kukunin".
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang Relihiyong Islām ay magaan. Hindi makikipagmatigasan sa Relihiyong Islām ang isa malibang mananaig ito sa kanya. Kaya magtama kayo, makipaglapit kayo, magalak kayo, at magpatulong kayo [kay Allāh] sa umaga, hapon, at isang bahagi ng gabi."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Relihiyong Islām ay nakabatay sa pagpapagaan at kadalian sa lahat ng mga pumapatungkol dito. Nabibigyang-diin ang pagpapagaan sa sandali ng pag-iral ng kadahilanan ng kawalang-kakayahan at pangangailangan at dahil ang pagpapakalalim sa mga gawaing panrelihiyon at pagwaksi ng kalumayan ay magreresulta ng kawalang-kakayahan at pagkatigil sa paggawa sa kabuuan nito o isang bahagi nito. Pagkatapos humimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagpapakakatamtaman nang walang pagpapalabis-labis kaya naman hindi magkukulang ang tao sa ipinag-utos sa kanya at hindi siya magbabata ng hindi niya nakakayanan. Kung nawalang-kakayahan siya sa paggawa ayon sa pinakakumpleto, ang gagawan ay ayon sa nalalapit doon. Nagbalita ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng nakagagalak hinggil sa masaganang gantimpala sa gawaing palagian, kahit pa kaunti, ng sinumang nawalang-kakayahan sa paggawa ayon sa pinakakumpleto dahil ang kawalang-kakayahan, kapag naging hindi mula sa kagagawan niya, ay hindi nag-oobliga ng pagkabawas sa pabuya sa kanya. Yayamang ang Mundo sa reyalidad ay isang tahanan ng paglalakbay at isang paglipat tungo sa Kabilang-buhay, nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagpapatulong sa pagpapamalagi ng pagsamba sa pamamagitan ng pagganap sa mga ito sa tatluhang nagpapasiglang oras: A. Ang Umaga: sa pamamagitan ng pagkilos sa unang bahagi ng maghapon, ang nasa pagitan ng ṣalāh sa madaling-araw hanggang sa pagsikat ng araw. B. Ang Hapon: sa pamamagitan ng pagkilos matapos ng katanghaliang-tapat. C. Ang Gabi: sa pamamagitan ng pagkilos sa gabi sa kabuuan nito o isang bahagi nito; at dahil ang paggawa sa gabi ay higit na mahirap kaysa sa paggawa sa maghapon, nag-utos siya ng isang bahagi nito sa pamamagitan ng pagsabi niya: "at isang bahagi ng gabi."
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Tungkulin mo ang makinig at ang tumalima sa hirap mo at ginahawa mo, ayon sa kalooban mo at laban sa kalooban mo, at [kahit] may itinatangi higit sa iyo."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimSa ḥadīth na ito, nasaad na isinasatungkulin sa Muslim ang makinig at ang tumalima sa mga namamahala sa lahat ng kalagayan hanggat hindi inaatasang sumuway [kay Allah] o inaatangan ng hindi nakakaya, kahit pa man may kahirapan sa kanya doon magkaminsan o pagkawala ng ilan sa mga karapatan niya, bilang pagpapauna sa kapakanang panlahat kaysa sa kapakanang pansarili.
Ayon kay Ibnu `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Kapag nangako kami noon ng katapatan sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa pagdinig at pagtalima ay nagsasabi siya sa amin: Sa abot ng makayaya ninyo."
Napagkaisahan ang katumpakanIpinababatid ni Ibnu `Umar na kapag nagpahayag sila ng katapatan sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ipinag-uutos niya sa kanila ang pakikinig at ang pagtalima. Nilimitahan niya ang pagtalima ayon sa kakayahan. Kapag inatangan ang Muslim ng tagpagtaguyod ng kapakanan niya ng tungkuling hindi niya nakakaya, walang pagsunod doon. Hindi nag-aatang si Allah sa isang tao malibang ayon sa kakayahan nito.
Ayon kay Ibnu `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Tungkulin ng taong Muslim ang pagdinig at ang pagtalima [sa pinuno] sa anumang naibigan niya at kinasuklaman niya malibang nag-utos sa kanya ng isang pagsuway sapagkat kapag nag-utos sa kanya ng isang pagsuway ay walang pagdinig at walang pagtalima."
Napagkaisahan ang katumpakanAng ḥadīth na ito ay paglilinaw sa pagkatungkulin ng pagdinig at pagtalima sa pinuno sa anumang ipinag-uutos niya, maging ang utos niya man ay kabilang sa naiibigan natin o kinasusuklaman natin, malibang mag-utos sa atin ng isang pagsuway sapagkat walang pagdinig at walang pagtalima sa pagsuway na ito lamang.
Ayon kay Abū Bakrah, malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya: Narinig ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagsasabi:(( Sinuman ang manlait sa Namumuno ay lalaitin din ni Allah))
Isinaysay ito ni At-TirmidhīySa Hadith na ito ay [pagpapahayag] sa pagbabawal ng panlalait sa mga kautusan ng Namumuno,dahil sa mga naihanda rito na mga matinding kaparusahan mula sa pagpapahiya ni Allah sa kanya dito sa Mundo at sa kabilang buhay,At ang kabayaran ay katumbas sa gawain [ng tao].
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya: "Makinig kayo at tumalima kayo kahit pa man pinamuno sa inyo ang isang aliping Etiope na para bang ulo niya ay pasas."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyPanatilihin ninyo ang pakikinig at ang pagtalima sa mga nangangasiwa sa mga kapakanan, kahit pa man pamunuin sa inyo ang isang aliping Etiope sa kaangkanan, sa kalagayan, at sa anyo, na para bang ang ulo niya ay pasas dahil ang buhok ng mga Etiope ay hindi gaya ng buhok ng mga Arabe. Ang mga Etiope, sa mga ulo nila, ay may mga buhok na buhol na para bang ang mga ito ay mga pasas. Ito ay isang uri ng pagpapalabis sa taguri sa pagiging aliping Etiope sa kaangkanan at sa kalagayan ng pinunong ito. Ang sabi niya: "kahit pa man pinamuno sa inyo" ay sumasaklaw sa pinunong tauhan ng hari at gayon din ang hari mismo. Kung ipagpapalagay na may isang haring nanaig sa mga tao, nakuha ang kapangyarihan, at nangibabaw at hindi siya kabilang sa mga Arabe, bagkus siya isang aliping Etiope, tunay na tungkulin nating makinig at tumalima. Ang hadith na ito ay nagpapatunay sa pagkatungkulin ng pagtalima sa mga nangangasiwa sa mga kapakanan, maliban sa pagsuway kay Allah, dahil sa ang pagtalima sa kanila ay nagdudulot ng kabutihan, katiwasayan, estabilidad, kawalan ng kaguluhan, at kawalan ng pagsunod sa mga kapritso. Kapag naman sinuway ang ang mga nangangasiwa sa mga kapakanan sa bagay na kinakailangan ang pagtalima sa kanila roon, magkakaroon ng kaguluhan, magkakaroon ng paghanga ang bawat may opinyon sa opinyon niya, mawawala ang katiwasayan, magugulo ang mga bagay-bagay, at darami ang mga gulo. Dahil dito, kinakailangan sa atin na makinig at tumalima sa mga nangangasiwa sa mga kapakanan natin maliban kapag nag-utos sila sa atin ng pagsuway. Kapag nag-utos sila sa atin ng pagsuway kay Allah, ang Panginoon natin at ang Panginoon nila ay si Allah, Kanya ang pamamahala. Hindi natin sila tatalimain doon, bagkus sasabihin natin sa kanila: "Kayo ay kinakailangang umiwas sa pagsuway kay Allah kaya bakit kayo nag-uutos sa amin niyon? Hindi kami makikinig sa inyo at hindi kami tatalima." Pagkatapos, tunay na mapapansin na ang ipinag-uutos ng mga nangangasiwa sa mga kapakanan ay nahahati sa tatlong uri: Ang Unang Uri: Na si Allah ay nag-utos niyon, gaya ng pag-uutos nila sa atin ng pagdaos ng kongregasyon sa mga masjid o pag-uutos nila sa atin ng paggawa ng mabuti at pagwaksi sa nakakasama, at anumang nakawawangis niyon. Ito ay isinasatungkulin ayon sa dalawang aspeto: Una, ito ay isinasatungkulin bilang simulain; Ikalawa, ito ay ipinag-utos ng mga nangangasiwa sa mga kapakanan. Ang Ikalawang Uri: Na nag-uutos sila sa atin ng pagsuway kay Allah. Ito ay hindi ipinahihintulot sa atin: hindi ipinahihintulot ang pagtalima sa kanila roon anuman ang mangyari, gaya halimbawa ng pag-uutos nila na huwag kayong magdasal sa kongregasyon, pasayarin ninyo ang mga damit ninyo, apihin ninyo ang mga Muslim sa pamamagitan ng pagkamkam sa yaman nila o ng pananakit o ng anumang nakakawangis niyon. Ito ay utos na hindi tinatalima at hindi ipinahihintulot sa atin ang tumalima sa kanila roon. Subalit kailangan nating pagpayuhan sila at sabihin: "Mangilag kayong magkasala kay Allah. Ito ay utos na hindi ipinahihintulot. Hindi ipinahihintulot sa inyo na mag-utos sa mga lingkod ni Allah ng pagsuway kay Allah." Ang Ikatlong Uri: Na nag-uutos sila ng utos ng isang utos na hindi utos mula kay Allah at sa Sugo Niya mismo at hindi isang pagbababawal Niya mismo. Kinakailangan sa atin na tumalima sa kanila kaugnay roon gaya ng mga regulasyong isinasapatakaran nila yamang ang mga ito naman ay hindi sumasalungat sa Batas ni Allah. Ang isinasatungkulin sa atin ay ang tumalima sa kanila kaugnay sa utos at pagbabawal at ang pagsunod sa mga regulasyong ito. Ang pag-uuring ito, kapag isinagawa ng tao ito, tunay na sila ay makatatagpo ng katiwasayan, estabilidad, kapahingahan, at kapanatagan. Iibigin nila ang mga nangangasiwa sa mga kapakanan nila at iibigan sila ng mga nangangasiwa sa mga kapakanan nila.
Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya. Ang sinumang tumalima sa akin ay tumalima nga kay Allah, at ang sinumang sumuway sa akin ay sumuway nga kay Allah. Ang sinumang tatalima sa pinuno ay tumalima nga sa akin, at ang sinumang susuway sa pinuno ay sumuway nga sa akin.
Napagkaisahan ang katumpakanNilinaw ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na ang pagtalima sa kanya ay bahagi ng pagtalima kay Allah. Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay hindi nag-uutos malibang ayon sa batas na isinabatas ni Allah, pagkataas-taas Niya, para sa kanya at para sa kalipunan niya. Kaya kapag nag-utos siya ng anuman, ito ay batas ni Allah, napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya. Kaya ang sinumang tumalima sa akin ay tumalima nga kay Allah, at ang sinumang sumuway sa akin ay sumuway nga kay Allah. Ang pinuno, kapag tinalima siya ng tao ay tumalima nga ito sa Sugo, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan; at kapag sinaway siya ay sinaway nga Sugo, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, dahil ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay siya ang nag-utos niyon sa higit sa isang ḥadīth, maliban na lamang kung nag-uutos ng isang pagsuway.
Ayon kay `Awf bin Mālik, malugod si Allah sa kanya: "Ang mga pinakamabuti sa mga pinuno ninyo ay ang iniibig ninyo sila at iniibig nila kayo, at dumadalangin kayo para sa kanila at dumadalangin sila para sa inyo. Ang pinakamasama sa mga pinuno ninyo ay ang kinamumuhian ninyo sila at kinamumuhian nila kayo, at isinusumpa ninyo sila at isinusumpa nila kayo. " Nagsabi ito: "Nagsabi kami: O Sugo ni Allah, kaya kakalabanin po ba namin sila?" Nagsabi siya: "Hindi, hanggat pinanatili nila sa inyo ang pagdarasal."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpatunay ang ḥadīth na mayroon sa mga namamahala sa mga Muslim na mga matuwid at mayroon sa kanila na mga buktot at mga kakaunti ang pagrerelihiyon. Sa kabila niyon, hindi ipinahihintulot ang maghimagsik laban sa kanila hanggat sila ay mga nangangalaga sa pagpapanatili sa mga pagsamba sa Islam at ang pinakatiyak sa mga ito ay ang pagdarasal.