





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "May mangyayaring pagkamakasarili at mga bagay-bagay na mamasamain ninyo." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, kaya ano po ang ipag-uutos mo sa amin?" Nagsabi siya: "Gagampanan ninyo ang tungkulin na kailangan sa inyo at hihilingin ninyo kay Allāh ang para sa inyo."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na may mamahala sa mga Muslim na mga tagapamahalang magsosolo sa mga yaman ng mga Muslim at iba pa sa mga ito na mga bagay-bagay sa Mundo, na gagasta ng mga ito kung paanong loloobin nila at ipagkakait nila sa mga Muslim ang mga karapatan ng mga ito. May mangyayari mula sa kanila sa Relihiyong Islām na mga bagay-bagay na mamasamain. Kaya nagtanong ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) kung ano ang gagawin nila sa kalagayang iyon. Nagpabatid naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na huwag pumigil sa inyo ang pagsasarili nila sa yaman, na magpigil kayo ng kinakailangan sa inyo tungo sa kanila na pagdinig at pagtalima; bagkus magtiis kayo, makinig kayo, tumalima kayo, huwag kayong makipag-agawan sa kanila ng kapamahalaan, at humiling kayo mula kay Allāh ng karapatang para sa inyo; at na magsaayos Siya sa kanila at magtulak Siya sa kasamaan nila at kawalang-katarungan nila.
Ayon kay An-Nu`mān bin Bashīr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: {Ang paghahalintulad sa tumatayo sa mga hangganan ni Allāh at bumabagsak sa mga ito ay katulad ng mga taong nagpalabunutan sa pagsakay sa isang daong kaya nakabunot ang ilan sa kanila ng mataas nito at ang iba sa kanila naman ng mababa nito. Ang mga nasa mababa nito, kapag sasalok ng tubig, ay nagdaraan sa mga nasa ibabaw ng mga ito saka nagsasabi: "Kung sakaling kami ay bumutas sa bahagi namin ng isang butas at hindi na makaperhuwisyo sa mga nasa itaas namin..." Kung hinayaan nila ang mga ito at ang ninais ng mga ito, mapahahamak silang lahat; at kung pumigil sila sa mga kamay ng mga ito, maliligtas sila at maliligtas ang mga ito nang lahatan.}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyNaglahad ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang paghahalintulad para sa mga tumatayo sa mga hangganan ni Allāh, na mga nagpapakatuwid sa utos ni Allāh, na nag-uutos ng nakabubuti at sumasaway sa nakasasama; at ng paghahalintulad sa mga bumabagsak sa mga hangganan ni Allāh, na mga nagwawaksi ng nakabubuti, na mga gumagawa ng nakasasama. Ang epekto niyon sa kaligtasan ng lipunan ay katulad ng mga taong sumakay sa isang daong saka nagpalabunutan sila sa kung sino ang uupo sa mataas na bahagi ng daong at kung sino ang uupo sa mababang bahagi nito. Kaya naman nagtamo ang ilan sa kanila ng mataas nito at ang iba sa kanila ng mababa nito naman. Ang mga nasa mababa, kapag nagnais silang kumuha ng tubig, ay nagdaraan sa mga nasa ibabaw ng mga ito. Kaya nagsabi ang mga nasa mababang bahagi: "Kung sakaling kami ay bumutas ng isang butas sa puwesto namin sa mababang bahagi, na pagsasalukan namin nang sa gayon hindi na kami makaperhuwisyo sa mga nasa ibabaw namin." Ngunit kung sakaling hinayaan ang mga ito ng mga nasa mataas na bahagi na gumawa niyon, talaga sanang lumubog ang daong kasabay nilang lahat; at kung sakaling nagsagawa sila ng pagsaway sa mga ito laban doon at pumigil sila sa mga ito, talaga sanang naligtas ang dalawang pangkat nang lahatan.
Ayon kay Alīy bin Abī Ṭālib, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Kausapin ninyo ang mga tao ng nalalaman nilalaman nila. Ninanais ba ninyong pasinungalingan si Allāh at ang Sugo Niya."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyNagpapayo ang Pinuno ng mga Mananampalataya, si Alīy bin Abī Ṭālib, malugod si Allāh sa kanya, na hindi nararapat na makipag-usap sa madlang tao maliban sa pamamagitan ng nalalamang makikinabang ang mga tao hinggil sa pangunahing panuntunan ng Relihiyon nila at mga patakaran nito tulad ng Tawḥīd at paglilinaw sa ipinahihintulot (ḥalāl) at ipinagbabawal (ḥarām), at isasaisang-tabi ang anumang nakaaabala roon na kabilang sa anumang walang pangangailangan doon o kabilang sa anumang maaaring humantong sa pagtulak sa katotohanan at hindi pagtanggap nito na kabilang sa nakalilito sa kanila ang pag-unawa niyon at mahirap sa kanila ang pagtalos niyon.
Ayon kay Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {"O mga tao, tunay na kayo ay bumibigkas ng talatang ito: {O mga sumampalataya, mangalaga kayo sa mga sarili ninyo. Hindi makapipinsala sa inyo ang sinumang naligaw kapag napatnubayan kayo.} (Qur'ān 5:105) Tunay na ako ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Tunay na ang mga tao, kapag nakita nila ang tagalabag sa katarungan saka hindi sila pumigil sa mga kamay nito, ay halos lahatin ni Allāh sa isang parusang mula sa Kanya."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā'īy sa Al-Kubrā, Imām Ibnu Mājah, at Imām AḥmadNagpapabatid si Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh sa kanya) na ang mga tao ay bumibigkas ng talatang ito: {O mga sumampalataya, mangalaga kayo sa mga sarili ninyo. Hindi makapipinsala sa inyo ang sinumang naligaw kapag napatnubayan kayo.} (Qur'ān 5:105) Nakaiintindi sila mula rito na kailangan sa tao ang magpunyagi sa pagsasaayos ng sarili niya lamang, na hindi makapipinsala sa kanya matapos niyon ang pagkaligaw ng sinumang naligaw, at na sila ay hindi hihilingan ng pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway sa nakasasama. Nagpaalam siya sa kanila na ito ay hindi gayon, at na siya ay nakarinig sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Tunay na ang mga tao, kapag nakita nila ang tagalabag sa katarungan saka hindi nila pinigilan ito sa kawalang-katarungan nito samantalang taglay nila ang kakayahan sa pagpigil dito, ay halos lahatin ni Allāh ang lahat sa isang parusang mula sa Kanya: ang tagagawa ng nakasasama at ang tagapanahimik dito."
Ayon kay Hudhaifah Bin Al-yaman -malugod si Allah sa kanya-.Buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Katotohanang siya ay nagsabi: ((Sumpa sa buhay ko na hawak Niya sa Kamay Niya,Tunay na kayo ay Magtatagubilin ng Alma`ruf [ng paniniwala sa kaisahan ni Allah at sa lahat ng ipinag-uutos sa Islam] at Magbabawal kayo sa Al Munkar [paniniwala sa maraming Diyus-diyosan,at sa lahat ng ipinagbabawal sa Islam, o magiging malapit na ang pagpapadala ni Allah sa inyo ng Kaparusahan mula sa kanya,Pagkatapos ay mananalangin kayo sa Kanya,Ngunit hindi Niya kayo pakikinggan))
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām AḥmadAng sinabi niya-Sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-:"Sumpa sa kaluluwa ko na Hawak Niya sa kamay Niya" Ito ay Sumpa,Isinusumpa rito ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Allah.Sapagkat Siya ang nagbibigay sa kaluluwa ng alipin sa Kamay Niya-Kapita-pitagan Siya at Kamahal-mahalan-Ppapatnubayan nInya kung iibigin Niya,at ililigaw Niya ng Landas kung Iibigin Niya,At kukunan Niya ng Kaluluwa kung iibigin Niya at Papanatilhin Niyang Buhay kung iibigin Niya.Ang Kaluluwa ay nasa Kamay Niya.Sa pagliligaw,Sa pagbibigay Buhay,at sa pagkuha ng kaluluwa,Paghahwak at Pamamahala sa lahat ng bagay;Tulad ng sinabi ni Allah-Mapagpala Siya at Pagkataas-taas Niya: {Ako [Allah] ay nanunumpa sa Tao [kaluluwa],At Siya ng lumikha sa Kanya [sa ganap at angkop na sukat],{At Kanyang ipinamalas sa kanya kung ano ang tumpak at mali} [Al-Shams:7-8],Ang kaluluwa ay sa Kamay ni Allah,Nag-iisa Siya.Dahil dito ay nanumpa ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at siya ay nanunumpa ng maraming beses sa panunumpang ito.(Sumpa sa Kaluluwa ko na Hawak Niya sa Kamay Niya) at minsan ay sinasabi niyang:"Sumpa sa Kaluluwa ni Muhammad na Hawak Niya sa Kamay Niya" Sapagkat ang kaluluwa ni Muhammad ang siyang pinakamabuting kaluluwa,Kaya nanumpa Siya sa rito,dahil sa pinakamabuti nitong kaluluwa.Pagkatapos ay binanggit niya ang pinanumpaan niya rito,at ito ang pagganap natin sa Pagtatagubilin ng Al-Maruf [Ang paniniwala sa kaisahan ni Allah at sa lahat ng ipinag-utos sa Islam] At ang Pagbabawal sa Al-Munkar [Paniniwala sa maraming Diyus-diyosan at sa lahat ng ipinagbabawal sa Islam],O ang Dumatal sa Pangkalahatan,Ang kaparusahan ni Allah mula sa Knya,Hanggang sa mananalangin tayo sa Kanya ngunit Hindi Siya makikinig sa atin
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang bawat kasukasuan mula sa mga tao ay may kailangan dito na isang kawanggawa sa bawat araw na sumisikat dito ang araw. Ang magmakatarungan sa pagitan ng dalawang [tao] ay isang kawanggawa. Ang tumulong sa tao sa sasakyang hayop niya saka bumuhat sa kanya sa ibabaw nito o mag-angat sa ibabaw nito ng dala-dalahan niya ay isang kawanggawa. Ang pangungusap na kaaya-aya ay isang kawanggawa. Ang bawat hakbang na inihahakbang papunta sa pagdarasal ay isang kawanggawa. Ang pag-alis ng perhuwisyo palayo sa daan ay isang kawanggawa."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sa bawat araw ayon sa bilang ng bawat palahugpungan (joint) mula sa mga palahugpungan ng mga buto niya, kailangan sa bawat Muslim na naatangan ng tungkulin ang magbigay ng isang kawanggawa ng pagkukusang-loob para kay Allāh (napakataas Siya) bilang paraan ng pasasalamat sa Kanya sa kagalingan; na gumawa si Allāh sa mga buto niya ng mga palahugpungan na nakakakaya siya sa pamamagitan ng mga ito sa pagkuyom at pagbuka; at na ang kawanggawang iyon ay nagagampanan sa pamamagitan ng mga gawain ng pagsasamabuting-loob sa kalahatan ng mga ito at hindi dumedepende sa pagbibigay ng salapi. Kabilang sa mga ito: Ang katarungan mo at ang pagsasaayos mo sa pagitan ng magkaalitan ay kawanggawa. Sa pagtulong mo sa walang-kakayahan sa sasakyan niya para bumuhat sa kanya sa ibabaw nito o mag-angat para sa kanya ng dala-dalahan niya ay may kawanggawa. Ang pangungusap na kaaya-aya gaya ng dhikr, panalangin, pagbati, at iba pa sa mga ito ay kawanggawa. Sa bawat hakbang na nilalakad mo papunta sa ṣalāh ay kawanggawa. Ang pag-aalis sa daan ng nakapeperhuwisyo ay kawanggawa.
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya: "O Allah, ang sinumang namahala sa kapakanan ng Kalipunan ko ng anuman at nagmalupit siya sa kanila, magmalupit Ka sa kanya; ang sinumang namahala sa kapakanan ng Kalipunan ko ng anuman at naglumanay siya sa kanila, maglumanay Ka sa kanya."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimSa ḥadīth na ito ay may paglilinaw sa bigat ng pananagutan ng pamamahala. Dumalangin nga ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na ang sinumang namahala sa kapakanan ng mga tao ng anuman at siniil niya sila ay pakitunguhan ni Allah ng katulad; at ang sinumang nakitungo sa kanila ng may katarungan, pagkapantay-pantay, awa, at kabanayaran ay gantihan Niya ito roon. Ang ganti ay kauri ng ginawa.
Ayon kay Az-Zubayr bin `Adīy na nagsabi: Pinuntahan namin si Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, at idinaing namin sa kanya ang dinaranas namin mula kay Al-Ḥajjāj kaya nagsabi siya: "Magtiis kayo sapagkat tunay na walang dumarating na isang panahon malibang ang matapos nito ay higit na masama kaysa rito hanggang sa makatagpo ninyo ang Panginoon ninyo." Narinig ko ito mula sa Propeta ninyo, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan.
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyPumunta si Az-Zubayr bin `Adīy, at may kasama siyang isang pangkat, kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, ang alila ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Idinadaing nila sa kanya ang dinaranas nila mula kay Al-Ḥajjāj bin Yūsuf Ath-Thaqafīy, isa sa mga pinuno ng mga khalīfah ng angkang Umayyah. Siya ay kilala sa kawalang-katarungan at pagpapadanak ng mga dugo. Siya ay mapaniil, mapagmatigas. Inutusan sila ni Anas, malugod si Allāh sa kanya, na magtiis sa pang-aapi ng mga pinuno. Ipinabatid niya sa kanila na walang darating sa mga tao na isang panahon malibang ang kasunod nito ay higit na masama kaysa rito hanggang sa makatagpo nila ang Panginoon nila, at na ito ay narinig niya mula sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Ang kasamaang tinutukoy ay hindi kasamaang lubusan at pangkalahatan, bagkus ito ay maaaring maging isang kasamaan sa ilan sa mga kalagayan at maging isang kabutihan sa ibang mga kalagayan.
Ayon kay Wā'il Al-Ḥaḍramīy na nagsabi: {Nagtanong si Salamah bin Yazīd Al-Ju`fīy (malugod si Allāh sa kanya) sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi ito: "O Propeta ni Allāh, nagsaalang-alang ka po ba kung may namahala sa amin na mga pinunong hihingi sa amin ng karapatan nila habang magkakait naman sila sa amin ng karapatan namin? Ano po ang ipag-uutos mo sa amin?" Umiwas siya rito. Pagkatapos nagtanong ito sa kanya sa ikalawa o sa ikatlong pagkakataon. Kaya hinila ito ni Al-Ash`ath bin Qays. Nagsabi naman siya: "Makinig kayo at tumalima kayo sapagkat tanging kailangan sa kanila ang ipinapasan sa kanila at kailangan sa inyo ang ipinapasan sa inyo."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimTinanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa mga pinuno na hihiling ng karapatan nila mula sa mga tao na pagdinig at pagtalima habang nagkakait naman sila ng karapatan na tungkulin sa kanila gaya ng pagkakaloob ng katarungan, pagbibigay ng samsam ng digmaan, at pagwawasto ng mga kaapihan at pagsasaayos. Kaya ano po ang ipag-uutos mo sa amin na gawin namin sa kanila? Umiwas ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dito. Para bang siya ay nasuklam sa mga pagtatanong na ito subalit umulit ang tagapagtanong sa kanya sa ikalawa o ikatlong pagkakataon. Kaya hinila ni Al-Ash`ath bin Qays (malugod si Allāh sa kanya) ang tagapagtanong upang patahimikin ito. Sumagot naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nagsabi: "Makinig kayo sa sabi nila at tumalima kayo sa utos nila sapagkat tanging kailangan sa kanila ang ipinapasan sa kanila at ang iniatang sa kanila na katarungan at pagbibigay ng karapatan ng nasasakupan at kailangan sa inyo ang ipinapasan sa inyo na pagtalima, pagganap sa mga karapatan, at pagtitiis sa pagsubok."