





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Ummu Salamah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Magkakaroon ng mga pinuno saka magmamabuti kayo at magmamasama kayo. Kaya ang sinumang nagmabuti sa [kabutihan nila], mapawawalang-sala siya; at ang sinumang nagmasama [sa kasamaan nila], maliligtas siya; subalit ang sinumang nalugod at nakipagsunuran [ay masasawi]." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, kaya hindi po ba kami makikipaglaban sa kanila?" Nagsabi siya: "Hindi, hanggat nagdarasal sila."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpabatid ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na may itatalaga sa atin na mga pinuno na magmamabuti tayo sa ilan sa mga gawain nila dahil sa pakikipagsang-ayunan ng mga ito sa minabuti sa Kapahayagan at magmamasama tayo sa ilan sa mga ito dahil sa pakikipagsalungatan nito roon. Ang sinumang nasuklam sa pamamagitan ng puso niya sa nakasasama at hindi nakakaya sa pagmasama, napawalang-sala nga siya sa kasalanan at pagpapaimbabaw. Ang sinumang nakakaya sa pagmasama sa pamamagitan ng kamay o sa pamamagitan ng dila saka nagmasama sa kanila niyon, naligtas nga siya sa pagsuway at pakikilahok doon. Subalit ang sinumang nalugod sa gawain nila at nakipagsunuran sa kanila roon ay masasawi gaya ng pagkasawi nila. Pagtakapos tinanong nila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi po ba kami makikipaglaban sa mga nakatalaga sa pamamahala, na ito ang katangian nila?" Sumaway siya sa kanila laban doon at nagsabi siya: "Hindi, hanggat nagpapanatili sila sa inyo ng ṣalāh."
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag nagkasakit ang tao o naglakbay siya, magtatala para sa kanya ng tulad ng dating ginagawa niya habang nananatili at malusog."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa kabutihang-loob ni Allāh at awa Niya at na ang Muslim, kapag naging bahagi ng pagkahirati niya na gumawa ng maayos na gawa sa sandali ng kalusugan niya at pananatili niya pagkatapos may nangyari sa kanya na isang maidadahilan saka nagkasakit siya kaya hindi siya nakakaya sa pagsasagawa nito o naabala siya ng paglalakbay, o alinmang maidadahilan, tunay na isusulat para sa kanya ang pabuya nang lubos gaya ng kung sakaling gumawa siya nito sa sandali ng kalusugan at pananatili.
Ayon kay Tamīm Ad-Dārīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang Relihiyon ay ang pagpapayo." Nagsabi kami: "Alang-alang kanino po?" Nagsabi siya: "Alang-alang kay Allāh, alang-alang sa Aklat Niya, alang-alang sa Sugo Niya, at alang-alang sa mga pinuno ng mga Muslim at madla nila."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Relihiyon ay nakasalalay sa pagpapakawagas at katapatan nang sa gayon gampanan ito, gaya ng pag-obliga ni Allāh, nang lubos nang walang pagkukulang o pandaraya. Kaya sinabi si Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kung alang-alang kanino ang pagpapayo? Kaya naman nagsabi siya: UNA: Ang pagpapayo alang-alang kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) sa pamamagitan ng pagpapakawagas sa gawain ukol sa Kanya at hindi pagtatambal sa Kanya; pagsampalataya natin sa pagkapanginoon Niya, pagkadiyos Niya, at mga pangalan Niya at mga katangian Niya; pagdakila sa nauukol sa Kanya; at pag-aanyaya tungo sa pananampalataya sa Kanya. IKALAWA: Ang pagpapayo alang-alang sa Aklat Niya, ang Marangal na Qur'ān, sa pamamagitan ng paniniwala na ito ay Salita Niya at kahuli-hulihan sa mga kasulatan Niya at na ito ay tagapagpawalang-bisa sa lahat ng mga pagbabatas bago nito. Nagdadakila tayo nito, bumibigkas tayo nito nang totoong pagbigkas dito, nagsasagawa tayo ng isinatahasan dito at ng pagpapasakop sa isinatalinghaga rito, nagwawaksi tayo para rito ng pagbibigay-kahulugan ng mga tagapilipit nito, nagsasaalang-alang tayo sa mga pangaral nito, nagpapalaganap tayo ng mga kaalaman nito, at nag-aanyaya tayo tungo rito. IKATLO: Ang pagpapayo alang-alang sa Sugo Niya, si Muḥammad (basbasan Niya siya at pangalagaan), sa pamamagitan ng paniniwala natin na siya ay ang kahuli-hulihan sa mga sugo, pagpapatotoo natin sa kanya sa anumang inihatid niya, pagsunod natin sa utos niya at pag-iwas natin sa sinasaway niya, hindi pagpapakamananamba natin kay Allāh malibang ayon sa inihatid niya, pagdakila natin sa karapatan niya, pagpipitagan natin sa kanya, pagpapakalat natin ng paanyaya niya, pagpapalaganap natin ng Batas niya, at pagkakaila natin ng mga paratang laban sa kanya. IKAAPAT: Ang pagpapayo alang-alang sa mga pinuno ng mga Muslim sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa kanila sa katotohanan, hindi pakikipag-agawan sa kanila sa katungkulan, at ng pakikinig at pagtalima sa kanila kaugnay sa pagtalima kay Allāh. IKALIMA: Ang pagpapayo alang-alang sa mga Muslim sa pamamagitan ng paggawa ng maganda sa kanila, pag-aanyaya sa kanila, pagpigil ng perhuwisyo sa kanila, pag-ibig sa kabutihan para sa kanila, at pakikipagtulungan sa kanila sa pagsasamabuting-loob at pangingilag sa pagkakasala.
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi sa bahay ko ng ganito: "O Allāh, ang sinumang namahala sa kapakanan ng Kalipunan ko ng anuman saka nagpahirap siya sa kanila, magpahirap Ka sa kanya; at ang sinumang namahala sa kapakanan ng Kalipunan ko ng anuman saka naglumanay siya sa kanila, maglumanay Ka sa kanya."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimDumalangin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa bawat sinumang namahala sa kapakanan kabilang sa mga kapakanan ng mga Muslim, malaki man o maliit, at maging ang pamamahalang ito man ay isang pamamahalang pangkalahatan o isang pamamahalang pambahaging natatangi, at nagpasok sa kanila ng pahirap at hindi naglumanay sa kanila. Dumalangin siya na si Allāh nawa ay gaganti sa kanya ng kauri ng gawain niya sa pamamagitan ng pagpapahirap sa kanya. Dumalangin siya na ang sinumang naglumanay sa kanila at nagpadali sa mga nauukol sa kanila na si Allāh nawa ay maglulumanay sa kanila at magpapadali sa mga nauukol sa kanila.
Ayon kay Ma`qil bin Yasār Al-Muznīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tunay na ako ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Walang anumang tao na pinamamahala ni Allāh sa nasasakupan, na mamamatay sa araw na mamamatay siya habang siya ay nandaraya sa pinamamahalaan niya malibang magbabawal si Allāh sa kanya ng Paraiso."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang bawat isa ay ginawa ni Allāh bilang tagapamahala at responsable sa mga tao, maging ito man ay isang pampublikong pamamahala gaya ng pinuno o pampribadong pamamahala gaya ng lalaki sa bahay niya at ng babae sa bahay nito. Kapag nagkulang siya sa karapatan ng nasasakupan niya at nandaya siya rito at hindi nagpakatapat dito kaya naman winala ang mga karapatan nitong panrelihiyon at pangmundo, magiging karapat-dapat nga siya sa matinding kaparusahang ito.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang naghimagsik laban sa pagtalima at nakipaghiwalay sa komunidad saka namatay, namatay siya sa pagkamatay na pangmangmang. Ang sinumang nakipaglaban sa ilalim ng pangmakabulag na watawat: nagagalit dahil sa bulag na pagkamakalahi o nagtataguyod para sa lipi o nag-aadya sa lipi saka napatay, pagkamatay na pangmangmang ito. Ang sinumang naghimagsik sa Kalipunan ko: nananaga ng mabuting-loob nito at masamang-loob nito at hindi nangingimi sa mananampalataya nito at hindi tumutupad sa may kasunduan sa kasunduan dito, hindi siya kabilang sa akin at hindi ako kabilang sa kanya."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang naghimagsik laban sa pagtalima sa mga nakatalaga sa mga pamamahala at nakipaghiwalay sa komunidad ng Islām na nagkasang-ayon sa pangako ng katapatan sa pinuno, saka namatay sa kalagayang iyon na pakikipaghiwalay at kawalan ng pagtalima, namatay siya sa pagkamatay ng mga kampon ng Kamangmangan, na hindi tumatalima sa isang pinuno at hindi lumalahok sa iisang komunidad, bagkus sila ay mga pangkatin at mga pulutong na nakikipaglaban sa isa't isa sa kanila. Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nakipaglaban sa ilalim ng watawat na hindi nalilinawan dito ang punto ng katotohanan sa kabulaanan: nagagalit siya dahil sa payak na panatisismo sa lahi niya o lipi niya, hindi dahil sa pag-aadya sa Relihiyon at katotohanan, kaya naman nakikipaglaban siya dala ng panatisismong walang pagkatalos at kaalaman, kapag napatay siya sa kalagayang iyon, ito ay gaya ng pagkapatay sa Kamangmangan. Ang sinumang naghimagsik sa Kalipunan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): nananaga ng maayos nito at masamang-loob nito, hindi nag-aalintana sa ginagawa niya, hindi nangangamba sa kaparusahan sa kanya sa pagpatay sa mananampalataya nito, hindi tumutupad sa mga may kasunduan kabilang sa mga tagatangging sumampalataya o sa mga nakatalaga sa mga pamamahala sa kasunduan sa kanila, bagkus sumisira sa mga ito; ito ay kabilang sa malalaking kasalanan at ang sinumang gumawa nito ay naging karapat-dapat nga sa matinding bantang ito.
Ayon kay `Arfajah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang pumunta sa inyo – samantalang ang pasya ninyo ay nagkakaisa sa nag-iisang lalaki – na nagnanais na humati sa bukluran ninyo o magpawatak-watak sa pagkakaisa ninyo, patayin ninyo siya."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNaglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga Muslim – kapag nagkaisa sila sa iisang tagapamahala at iisang komunidad pagkatapos may dumating na sinumang nagnanais na agawin ang kapamahalaan o nagnais ng pagpapawatak-watak ng mga Muslim para maging higit sa isang komunidad – ay kailangan na pumigil sa kanya o makipaglaban sa kanya bilang pagtulak sa kasamaan niya at pagpapadanak ng dugo ng mga Muslim.
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Tunay na kabilang sa pinakadakilang pakikibaka ang isang pangungusap ng katarungan sa harap ng isang pinunong mapang-api."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām AḥmadNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kabilang sa pinakadakila at pinakakapaki-pakinabang sa mga uri ng pakikibaka sa landas ni Allāh (napakataas Siya) ay ang isang pangungusap ng katarungan at katotohanan sa harap ng isang pinuno o isang prinsipeng mapang-api dahil ito ay paggawa ng tungkulin ng pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway sa nakasasama, maging ito man ay sa pagsasabi o pagsusulat o paggawa o iba pa rito na kabilang sa anumang natatamo sa pamamagitan nito ang kaayusan at naitutulak ang kaguluhan.
Ayon kay Abē Sufyān Sakhr bin Harb-malugod si Allah sa kanya-Nagsabi si Heraql:Ano ang ipinagtatagubilin Niya sa inyo? Ibig sabihin ay ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi si Abū Sufyān: Sinabi kong: Sinabi Niyang:(( Sambahin ninyo si Allah na Nag-iisa at huwag kayong magtambal sa Kanya kahit sa kaunting bagay lamang,Iwanan ninyo ang anumang sinabi sa inyo ng mga ninuno ninyo,at itinatagubilin niya sa amin ang pagdarasal,pagiging tapat,dalisay,at pakikipag-ugnayan sa mga kamag-anak))
Napagkaisahan ang katumpakanIto ay Hadith ni Abē Sufyān Sakhr bin Harb-malugod si Allah sa kanya-na naging kilala kasama si Heraql.Si Abu Sufyān sa mga oras na yaon ay isang Mushrik [Hindi mananampalataya], sapagkat siya ay hindi pa yumakap sa Islām maliban sa huling panahon, sa pagitan ng Sulh Al-Hudaybiyyah at Pagtagumpay [ng Islam] sa Meccah,Dumating si Abū Sufyān kasama ang mga grupo ng tao mula sa Quraysh,kay Heraql sa Shām,At si Heraql ay ang hari ng mga kristiyano sa mga oras na yaon,at siya ay nakapagbasa sa aklat ng Turah at Ebanghelyo,at nalalaman niya ang mga sina-unang aklat,Isa siyang matalinong hari,at nang marinig niya na si Abē Sufyān at ang mga kasamahan niya ay darating mula sa Hujāj, inimbitahan niya sila.At itinanong niya sa kanila ang tungkol sa kalagayan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang pamilya niya, mga kasamahan niya,at ang [pamamaraan]ng paggalang nila sa kanya,at ang bawat bagay na naaalala niya ay sinasabi nila sa kanya, at nalaman Niya na siya ang Propeta na naipahayag sa kanya sa mga sinaunang aklat,Subalit-Ang pagpapakupkop ay sa Allah-ipinagdamot niya ang kaharian niya at hindi siya yumakap sa Islām, Dahil sa karunungang inibig ng Allah-kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan.At kabilang sa mga itinatanong niya kay Abē Sufyān, ay ang tanong niya kung ano ang ipinagtatagubilin sa kanila ng Propeta-pagapalain siya ni Allah at pangalagaan-Sinabi nito sa kanila na siya ay nagtatagubilin sa kanila na sambahin si Allah at huwag magtamabal sa Kanya kahit sa kaunting bagay lamang,Hindi sila sumasamba maliban sa Allah,Hindi sa mga Anghel at gayundin sa mga Sugo,Hindi sa puno at hindi sa bato,hindi sa araw at hindi sa buwan, at hindi sa maliban pa rito,Ang pagsamba ay para lamang sa Allah na Nag-iisa,at ito ang pag-aanyaya ng mga Sugo,Dumating ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-tulad ng ipinarating ng mga Propetang mauna sa kanya na sumasamba sa Allah na Nag-iisa at Walang pagtatambal sa Kanya.At sinabi niyang:" Iwan ninyo ang anumang bagay na nasa mga ninuno ninyo" at ito ay kabilang sa pagbabadya ng Katotohanan,at ang lahat ng mga ninuno na sumasamba sa mga diyus-diyosan, ipinagtagubilin sa kanila ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pag-iwan nito.At ang mga bagay na matatagpuan sa mga ninuno nila mula sa mga magandang pag-uugali; hindi niya ipinagtagubilin sa kanila na iwanan ito.At ang pagsabi niya:" At siya ay nagtatagubilin sa amin ng pagdarasal" Ang pagdarasal ay pakikipag-ugnayan sa pagitan ng alipin at Panginoon niya,At tunay na kasiguraduhan na ito ay haligi ng Islām pagkatapos ng dalawang pagsasaksi,at dahil rito,ay naiiba ang mananampalataya sa hindi mananampalataya,ito ay kasunduan sa pagitan namin at sa pagitan ng mga sumasamba sa diyus-diyosan at hindi mananampalataya. Tulad ng sinabi ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:"Ang kasunduan sa pagitan namin at pagitan nila ay ang pagdarasal, sinuman ang mag-iwan nito,tunay na hindi mananampalataya" At ang pagsabi niya:" At siya ay nagtatagubilin sa amin ng pagiging tapat" Ang Propeta-pagpalain siya ninAllah at pangalagaan-ay nagtatagubilin sa kanyang Ummah na maging tapat, at ito ay tulad ng Pagsabi Niya-pagkataas-taas Niya:" O kayong mananampalataya! Katakutan ninyo si Allah, at ibilang ninyo ang inyong mga sarili sa mga matapat"[Attawbah:119],At pagiging matapat ay isang magandang pag-uugali,ito ay nahahati sa dalawang uri: Pagiging matapat sa Allah, at matapat sa alipin ni Allah, at dalawang ito ay kabilang sa marangal na pag-uugali.At ang pagsabi niya" Ang kadalisayan" ibig sabihin ay ang pagdalisay, at ang pagdalisay ay may dalawang uri:Pagdalisay sa pagnanasa ng ari, at pagdalisay mula sa pagnanasa ng tiyan.Ang unang pagdalisay: ito ay ang pag-iwas ng tao sa anumang ipinagbawal sa kanya mula sa panghahalay at sa mga nagiging dahilan nito at nagiging daan nito.At ang pangalawang uri mula sa kadalisayan: ay ang pagdadalisay mula sa pagnanasa ng tiyan,ibig sabihin: mula sa mga kamay ng mga tao.at ang pagdadalisay mula panghihingi sa kanila,na kung saan ay hindi dapat humingi ang isang tao ng anumang bagay,Dahil ang paghingi ay isang kahihiyan. At ang taong nanghihingi, ang kamay niya ay nasa ibaba,nasa ilalim, samantalang ang nagbibigay, ang kanyang kamay ay nasa itaas, Kaya hindi ipinapahintulot na himingi ka sa isang tao maliban kung ito ay nararapat. At ang ikalima, Ang pagkasabi niya ng:"Ang pakikipag-ugnayan sa mga Kamag-anak": ito ay ang pakikipag-ugnayan ng tao sa anumang ipinagtagubilin sa Kanya ni Allah, na makipag-ugnayan siya sa mga malapit na kamag-anak at [ang sumusunod ] na malapit rito. Ang pinakamataas sa kanila ay ang magulang,sapagkat ang pakikipag-ugnayan sa pakikipag-ugnayan sa kanila ay kabutihan at pakikipag-ugnay.At ang mga mag-anak ay may karapatan sa pakikipag-ugnayan,batay sa anumang uri ng pagiging malapit sa kanila.Ang kapatid ay higit na karapat-dapat sa pakikipag-ugnayan mula sa tiyuhin.at ang tiyuhin ay higit na karapat-dapat sa pakikipag-ugnayan mula sa tiyuhin ng ama. At ang pakikipag-ugnayan sa Kamay-anak ay nakakamit sa bawat pagkilala sa kanya ng mga tao