





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nagsabi: Raḍītu bi-llāhi rabban, wa-bi-l'islāmi dīnan, wa-bi-muḥammadin rasūlā, (Nalugod ako kay Allāh bilang Panginoon, sa Islām bilang Relihiyon, at kay Muḥammad bilang Sugo,) nagindapat para sa kanya ang Paraiso."}
Nagsalaysay nito si Imām Abū DāwudNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsabi: "Nalugod ako kay Allāh bilang Panginoon," bilang Diyos, bilang Tagapag-alaga, bilang Pinapanginoon, at bilang Tagapagsaayos; "sa Islām" sa lahat ng mga patakaran nito na mga ipinag-uutos at mga sinasaway "bilang Relihiyon," bilang Kapaniwalaan, bilang Batas, bilang paniniwala, at bilang pagpapaakay; "at kay Muḥammad bilang Sugo" at bilang Propeta kalakip ng lahat ng ipinasugo sa kanya at ipinaabot niya sa atin, "nagindapat para sa kanya ang Paraiso."
Ayon kay `Ubadāh bin Aṣ-Ṣāmit (malugod si Allāh sa kanya) noong siya ay nakasaksi [sa labanan] sa Badr noong siya ay isa sa mga pinuno nang gabi ng `Aqabah: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi habang sa paligid niya ay may isang pangkat ng mga Kasamahan niya: "Mangako kayo ng katapatan sa akin na hindi kayo magtambal kay Allāh ng anuman, hindi kayo magnakaw, hindi kayo mangalunya, hindi kayo pumatay ng mga anak ninyo, hindi kayo magdala ng isang kasiraang-puri na ginagawa-gawa ninyo sa pagitan ng mga kamay ninyo at mga paa ninyo, at hindi kayo sumuway sa isang nakabubuti. Ang sinumang tumupad kabilang sa inyo, ang pabuya sa kanya ay nasa kay Allāh. Ang sinumang nakagawa mula roon ng anuman saka pinarusahan sa Mundo, ito ay isang panakip-sala para sa kanya. Ang sinumang nakagawa mula roon ng anuman pagkatapos ay nagtakip sa kanya si Allāh, ito ay nasa kay Allāh. Kung niloob Niya, magpapaumanhin Siya rito; at kung niloob Niya, magpaparusa Siya rito." Kaya nangako kami ng katapatan sa kanya ayon doon.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid si `Ubadāh bin Aṣ-Ṣāmit (malugod si Allāh sa kanya) – na noon ay kabilang sa nakasaksi sa pinakamalaking labanan sa Badr habang siya ay malaking tao ng lipi niya, na mga nanguna para magsagawa ng pangako ng katapatan para sa pag-adya sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) noong gabi ng `Aqabah na nasa Minā, nang ang Sugo ay nasa Makkah bago ng paglikas nito sa Madīnah – na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakaupo sa gitna ng mga Kasamahan niya saka humiling sa kanila na makipagkasunduan sila sa kanya sa mga sumusunod: Una. Hindi sila magtatambal sa pagsamba kay Allāh ng anuman kahit pa man kaunti; Ikalawa. Hindi sila magnanakaw; Ikatlo. Hindi sila gagawa ng kahalayan ng pangangalunya; Ikaapat. Hindi sila papatay ng mga anak nila: mga lalaki nila dala ng takot sa karalitaan o mga babae nila dala ng takot sa kahihiyan; Ikalima. Hindi sila magdadala ng isang kasinungalingang nilikha-likha nila sa pagitan ng mga kamay nila at mga paa nila yayamang ang karamihan sa mga gawain ay nagaganap sa mga ito kahit pa nakilahok ang natitira sa mga bahagi ng katawan; Ikaanim. Hindi sila susuway sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang nakabubuti. Ang sinumang nanatili kabilang sa kanila sa kasunduan at nagpaobliga roon, ang pabuya sa kanya ay nasa kay Allāh. Ang sinumang gumawa ng anuman mula sa nabanggit – bukod pa sa pagtatambal – parurusahan siya dahil dito sa Mundo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng takdang parusa sa kanya ngunit ito ay isang panakip-sala para sa kanya at sa pamamagitan nito naaalis ang kasalanan. Ang sinumang gumawa mula roon ng anuman pagkatapos nagtakip sa kanya si Allāh, ang nauukol sa kanya ay nasa kay Allāh. Kung niloob Nito, magpapaumanhin Ito sa kanya; at kung niloob Nito, magpaparusa Ito sa kanya. Kaya nangako ng katapatan sa kanya ang lahat ng mga nakadalo ayon doon.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagsimula ang Islām bilang kakaiba at manunumbalik ito bilang kakaiba kung paanong nagsimula ito bilang kakaiba, kaya kagalakan ay ukol sa mga kakaiba."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Islām ay nagsimula bilang kakaiba sa mga individuwal sa mga tao at kakauntian ng mga alagad nito at manunumbalik ito bilang kakaiba dahil sa kakauntian ng nagsasagawa nito kung paanong nagsimula ito, kaya ligaya at mga biyaya ay ukol sa mga kakaiba at tuwa at ginhawa ng mata ay ukol sa kanila.
Ayon kay Sahl bin Sa`d (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kaingat kayo sa mga minamaliit sa mga pagkakasala sapagkat tanging ang paghahalintulad ng mga minamaliit sa mga pagkakasala ay gaya ng mga taong nanuluyan sa isang kalaliman ng isang lambak, saka naghatid itong isa ng isang patpat at naghatid iyang isa ng isang patpat hanggang sa nakapagluto sila ng tinapay nila. Tunay na ang mga minamaliit sa mga pagkakasala, kapag dinadalhan ng mga ito ang tagagawa ng mga ito, ay magpapasawi sa kanya."}
Nagsalaysay nito si Imām AḥmadNagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagwawalang-bahala sa paggawa ng maliliit sa mga pagkakasala at pagpaparami ng mga ito sapagkat tunay na ang mga ito ay magpapasawi dahil sa natipon sa mga ito. Naglahad siya ng isang paghahalintulad doon sa pamamagitan ng mga taong nanuluyan sa isang kalaliman ng isang lambak, saka naghatid ang bawat isa sa kanila ng isang maliit na patpat hanggang sa nakapagluto sila ng tinapay nila dahil sa natipon sa tinipon nila na mga patpat. Tunay na ang mga minamaliit sa mga pagkakasala, kapag dinadalhan ng mga ito ang tagagawa ng mga ito at hindi siya nagbalik-loob mula sa mga ito at hindi nagpaumanhin si Allāh sa kanya, ay magpapasawi sa kanya.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ipinadala lamang ako upang maglubos sa mararangal sa mga kaasalan."}
Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Al-Adab Al-Mufrad, Imām Aḥmad, at Imām Al-BayhaqīyNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay isinugo lamang ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) upang magkumpleto sa mga kainaman at mga kagandahan ng mga kaasalan yayamang ipinadala siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) bilang pagpapalubos para sa nauna sa kanya na mga sugo at bilang pangkumpleto para sa mga magandang kaasalan ng mga Arabe. Sila ay nakaiibig sa kabutihan at namumuhi sa kasamaan, na mga may pagkalalaki, pagkamapagbigay, at kagitingan. Ipinadala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) para magkumpleto sa mga kakulangan na nasa mga kaasalan nila gaya ng paghahambugan nila sa mga kaangkanan, pagpapakamalaki, paghamak sa maralita, at iba pa roon.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagsabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): Namemerhuwisyo sa Akin ang anak ni Adan habang inaalipusta niya ang panahon samantalang Ako ay ang Panahon; nasa kamay Ko ang kautusan, na nagpapasalit-salit Ako ng gabi at maghapon."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakataas Siya) ay nagsasabi sa banal na ḥadīth: "Namemerhuwisyo sa Akin at nangmamata sa Akin ang tao na nang-aalipusta at namumula sa panahon sa sandali ng pagbaba ng mga kasawiang-palad at mga kinasusuklaman." Ito ay dahil Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay ang Tagapangasiwa – tanging Siya – at ang Tagapatnugot sa anumang nangyayari. Kaya ang pag-alipusta sa Panahon ay isang pag-alipusta kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Ang panahon ay isang nilikhang pinagsisilbi lamang, na nagaganap dito ang mga nangyayari ayon sa utos ni Allāh (napakataas Siya).
Ayon kay Abū Ruqayyah Tamīm bin Aws Ad-Dārīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang Relihiyon ay ang pagpapayo." Nagsabi kami: "Alang-alang kanino po?" Nagsabi siya: "Alang-alang kay Allāh, alang-alang sa Aklat Niya, alang-alang sa Sugo Niya, at alang-alang sa mga pinuno ng mga Muslim at madla nila."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Relihiyon ay nakasalalay sa pagpapakawagas at katapatan nang sa gayon gampanan ito, gaya ng pag-obliga ni Allāh, nang kumpleto, nang walang pagkukulang o pandaraya. Kaya sinabi sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kung alang-alang kanino ang pagpapayo? Kaya naman nagsabi siya: UNA: Ang pagpapayo alang-alang kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) sa pamamagitan ng pagpapakawagas sa gawain ukol sa Kanya at hindi pagtatambal sa Kanya; pagsampalataya natin sa pagkapanginoon Niya, pagkadiyos Niya, at mga pangalan Niya at mga katangian Niya; pagdakila sa nauukol sa Kanya; at pag-aanyaya tungo sa pananampalataya sa Kanya. IKALAWA: Ang pagpapayo alang-alang sa Aklat Niya, ang Marangal na Qur'ān, sa pamamagitan ng paniniwala natin na ito ay Salita Niya at kahuli-hulihan sa mga kasulatan Niya at na ito ay tagapagpawalang-bisa sa lahat ng mga palabatasan bago nito, pagdakila natin dito, pagbigkas natin nito nang totoong pagbigkas nito, pagsasagawa natin ng isinatahasan dito, pagpapasakop natin sa isinatalinghaga rito, pagwawaksi natin ng pagbibigay-kahulugan ng mga tagapilipit nito, pagsasaalang-alang natin sa mga pangaral nito, pagpapalaganap natin ng mga kaalaman dito, at pag-aanyaya natin tungo rito. IKATLO: Ang pagpapayo alang-alang sa Sugo Niya, si Muḥammad (basbasan Niya siya at pangalagaan), sa pamamagitan ng paniniwala natin na siya ay ang kahuli-hulihan sa mga sugo, pagpapatotoo natin sa kanya sa anumang inihatid niya, pagsunod natin sa ipinag-uutos niya at pag-iwas natin sa sinasaway niya, hindi pagpapakamananamba natin kay Allāh malibang ayon sa inihatid niya, pagdakila natin sa karapatan niya, pagpipitagan natin sa kanya, pagpapakalat natin ng paanyaya niya, pagpapalaganap natin ng Batas niya, at pagkakaila natin ng mga paratang laban sa kanya. IKAAPAT: Ang pagpapayo alang-alang sa mga pinuno ng mga Muslim sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa kanila sa katotohanan, hindi pakikipag-agawan sa kanila sa katungkulan, at pakikinig at pagtalima sa kanila kaugnay sa pagtalima kay Allāh. IKALIMA: Ang pagpapayo alang-alang sa mga Muslim sa pamamagitan ng paggawa ng maganda sa kanila, pag-aanyaya sa kanila, pagpigil ng perhuwisyo sa kanila, pag-ibig ng kabutihan para sa kanila, at pakikipagtulungan sa kanila sa pagsasamabuting-loob at pangingilag sa pagkakasala.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang bawat kasukasuan ng mga tao ay kailangan dito [ang magbigay] ng isang kawanggawa sa bawat araw na sumisikat dito ang araw. Ang magpakamakatarungan ka sa pagitan ng dalawang [tao] ay isang kawanggawa. Ang tumulong ka sa tao sa sasakyang hayop niya saka magbubuhat ka sa kanya sa ibabaw nito o mag-aangat ka para sa kanya sa ibabaw nito ng dala-dalahan niya ay isang kawanggawa. Ang salitang kaaya-aya ay isang kawanggawa. Ang bawat hakbang na nilalakad mo patungo sa pagdarasal ay isang kawanggawa. Ang mag-alis ka ng perhuwisyo palayo sa daan ay isang kawanggawa."}
Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām MuslimNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sa bawat araw ayon sa bilang ng bawat palahugpungan (joint) mula sa mga palahugpungan ng mga buto niya, kailangan sa bawat Muslim na naatangan ng tungkulin ang magbigay ng isang kawanggawa ng pagkukusang-loob para kay Allāh (napakataas Siya) bilang paraan ng pasasalamat sa Kanya sa kagalingan; na gumawa si Allāh sa mga buto niya ng mga palahugpungan na nakakakaya siya sa pamamagitan ng mga ito sa pagkuyom at pagbuka; at na ang kawanggawang iyon ay nagagampanan sa pamamagitan ng mga gawain ng pagsasamabuting-loob sa kalahatan ng mga ito at hindi dumedepende sa pagbibigay ng salapi. Kabilang sa mga ito: Ang katarungan mo at ang pagsasaayos mo sa pagitan ng magkaalitan ay kawanggawa. Sa pagtulong mo sa walang-kakayahan sa sasakyan niya para bumuhat sa kanya sa ibabaw nito o mag-angat para sa kanya ng dala-dalahan niya ay may kawanggawa. Ang pangungusap na kaaya-aya gaya ng dhikr, panalangin, pagbati, at iba pa sa mga ito ay kawanggawa. Sa bawat hakbang na nilalakad mo papunta sa ṣalāh ay kawanggawa. Ang pag-aalis sa daan ng nakapeperhuwisyo ay kawanggawa.
Ayon kay `Ubādah bin Aṣ-Ṣāmit (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nangako kami ng katapatan sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pakikinig at pagtalima sa hirap at ginhawa at sa kasiglahan at katamlayan, sa [pagtanggap ng] pagtangi laban sa amin, sa hindi namin pakikipag-agawan sa pamumuno sa mga tagapagtaglay nito, at sa pagsasabi namin ng katotohanan naging saan man kami. Hindi kami nangangamba alang-alang kay Allāh sa isang paninisi ng isang tagasisi.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoTumanggap ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng kasunduan at tipan mula sa mga Kasamahan niya kaugnay sa pagpapasakop sa mga may pamumuno at mga tagapamahala sa kadalian at kahirapan at kalagayan ng kariwasaan at karukhaan. Maging ang mga utos nila ay kabilang sa kinasisiyahan ng kaluluwa o kinasusuklaman nito. Kahit pa man kung sakaling nagtangi sa sarili ang mga tagapamahala higit sa pinamamahalaan kaugnay sa pampublikong yaman o mga puwesto o iba pa rito, tunay na kinakailangan para sa kanila ang pakikinig at ang pagtalima ayon sa nakabubuti at na hindi sila maghimagsik laban sa mga ito dahil ang sigalot at ang kaguluhan sa pakikipaglaban sa mga ito ay higit na mabigat at higit na matindi kaysa sa kaguluhang nangyayari dahil sa kawalang-katarungan ng mga ito. Kabilang sa pakikipagkasunduan nila na sabihin nila ang katotohanan sa alinmang lugar bilang mga nagpapakawagas kaugnay roon para kay Allāh, habang hindi nangangamba sa sinumang maninisi sa kanila.