





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumulat kay Khosrow, kay Kaysar, at sa Negus, at sa bawat maniniil, na nag-aanyaya sa kanila tungo kay Allāh (napakataas Siya) – at hindi siya ang Negus na dinasalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpapabatid si Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumulat bago ng kamatayan niya sa nasa paligid niya na mga hari ng mga bansa, na nag-aanyaya sa kanila tungo sa Islām. Sumulat siya kay Khosrow, na taguri sa bawat sinumang naghari sa Persiya; kay Kaysar, na taguri sa bawat sinumang naghari sa Bizancio; at sa Negus, na taguri ng mga hari ng Etyopya. Sumulat din siya sa bawat haring maniniil na tagapamahala sa mga tao, at tagasiil sa kanila. Naglinaw si Anas (malugod si Allāh sa kanya) na ang Negus na sinulatan ay hindi ang Negus na umanib sa Islām, pinapanaw, at nagdasal para rito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng ṣalāh para sa patay na wala sa piling.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Allāh, ako ay tao lamang. Kaya alinmang lalaking kabilang sa mga Muslim na inalipusta ko o isinumpa ko o hinagupit ko, gawin mo iyon para sa kanya bilang pagbusilak at awa."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoDumalangin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat nagsabi siya: "O Allāh, ako ay tao lamang. Nagagalit ako kung paanong nagagalit ang tao. Kaya alinmang mananampalatayang naperhuwisyo ko o inalipusta ko o isinumpa ko at dinalanginan ko ng pagtaboy mula sa awa Mo o hinagupit ko o sinaktan ko, gawin mo iyon para sa kanya bilang pagbusilak, pampalapit-loob, pagdadalisay, panakip-sala, at awang ipang-aawa Mo sa kanya."
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Sinabi: "O Sugo ni Allāh, manalangin ka laban sa mga tagapagtambal." Nagsabi siya: "Tunay na ako ay hindi ipinadala bilang palasumpa. Ipinadala lamang ako bilang awa."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimHiniling sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na manalangin siya laban sa mga tagapagtambal kay Allāh. Kaya nagsabi siya: "Hindi ako ipinadala at isinugo ni Allāh bilang palasumpa, na nananalangin laban sa mga tao ng pagpapalayo at pagtataboy mula sa awa ni Allāh para makaputol ako sa kanila sa kabutihan. Tunay na ako ay hindi ipinadala dahil sa ganito. Ipinadala lamang ako upang ako ay maging isang kadahilanan ng kabutihan at awa sa mga tao sa pangkalahatan at sa mga mananampalataya lalo na."
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: Ang kauna-unahan na sinimulan ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagkakasi ay ang maayos na panaginip sa pagkatulog sapagkat hindi siya nananaginip ng isang panaginip malibang dumarating ito tulad ng bukang-liwayway ng madaling-araw. Pagkatapos ipinaibig sa kanya ang pag-iisa. Siya noon ay nag-iisa sa yungib ng Ḥirā' saka nagdedebosyon doon – ito ang pagpapakamananamba – sa mga gabi nang makailang bilang bago siya manabik sa mag-anak niya. Nagbabaon siya para roon. Pagkatapos umuuwi siya kay Khadījah saka nagbabaon ng tulad niyon, hanggang sa dumating sa kanya ang katotohanan habang siya ay nasa yungib ng Ḥirā' sapagkat dumating sa kanya ang anghel saka nagsabi ito: "Bumasa ka!" Nagsabi siya: "Ako ay hindi nakababasa." Nagsabi pa siya: "Kaya dinaklot niya ako at piniga niya ako hanggang sa umabot ito mula sa akin sa kasukdulan, pagkatapos pinakawalan niya ako, saka nagsabi siya: 'Bumasa ka!' Nagsabi naman ako: 'Ako ay hindi nakababasa.' Kaya dinaklot niya ako at piniga niya ako nang ikalawa, hanggang sa umabot ito mula sa akin sa kasukdulan, pagkatapos pinakawalan niya ako. saka nagsabi siya: 'Bumasa ka!' Kaya nagsabi naman ako: 'Ako ay hindi nakababasa.' Kaya dinaklot niya ako at piniga niya ako nang ikatlo, pagkatapos pinakawalan niya ako. saka nagsabi siya: {1. Bumasa ka sa ngalan ng Panginoon mo na lumikha, 2. lumikha sa tao mula sa isang malalinta. 3. Bumasa ka at ang Panginoon mo ay ang Pinakamapagbigay,} (Qur'ān 96:1-3)." Kaya nag-uwi nito ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang kumakabog ang puso niya saka pumasok siya sa kinaroroonan ni Khadījah bint Khuwaylid (malugod si Allāh dito) saka nagsabi siya: "Balutin ninyo ako! Balutin ninyo ako!" Kaya binalot naman nila siya hanggang sa umalis sa kanya ang pagkasindak, saka sinabi niya kay Khadījah at ibinalita niya rito ang balita: "Talaga ngang natakot ako para sa sarili ko." Kaya nagsabi naman si Khadījah: "Aba'y huwag! Sumpa man kay Allāh, hindi magpapahiya sa iyo si Allāh magpakailanman. Tunay na ikaw ay talagang nakikiugnay sa kaanak, pumapasan ng pabigat [ng iba], nagpapakamit sa nawawalan, nagsisilbi sa panauhin, at tumutulong sa mga nasawing-palad sa katotohanan." Kaya lumisan kasama niya si Khadījah hanggang sa makapagdala ito sa kanya kay Waraqah bin Nawfal bin Asad bin `Abdil`uzzā na pinsan ni Khadījah. Siya ay isang lalaking nagkristiyano sa Panahon ng Kamangmangan. Nagsusulat siya noon ng kasulatang Hebreo kaya sumusulat siya mula sa Ebanghelyo sa Hebreo ng niloob ni Allāh na isulat niya. Siya noon ay lubhang matanda na nabulag na. Nagsabi sa kanya si Khadījah: "O anak ng tiyuhin ko, makinig ka sa anak ng kapatid mo." Kaya nagsabi si Waraqah sa kanya: "O Anak ng kapatid ko, ano ang nakikita mo?" Kaya nagbalita rito dito ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng balita ng nakita niya. Kaya nagsabi sa kanya si Waraqah: "Ito ang Nāmūs na pinababa ni Allāh kay Moises. O kung sana ako ay bata pa, kung sana ako ay magiging buhay pa kapag magpapalayas sa iyo ang mga kalipi mo." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "At magpapalayas ba sa akin sila?" Nagsabi ito: "Oo; walang nagdala na isang lalaki kailanman ng tulad sa inihatid mo malibang inaway siya. Kung makaaabot sa akin ang araw mo, mag-aadya ako sa iyo ng isang pag-aadyang pinaigting." Pagkatapos hindi na naglaon; si Waraqah ay pinapanaw siya at natigil ang pagkakasi.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang ina ng mga mananampalataya na si `Ā'ishah na (malugod si Allāh sa kanya) na ang kauna-unahan na sinimulan ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagkakasi ay ang nagkakatotoong panaginip sa pagkatulog sapagkat hindi siya nananaginip sa pagkatulog niya ng isang panaginip malibang dumarating ito nang maliwanag na nakawawangis ng tanglaw ng madaling-araw. Pagkatapos ipinaibig sa kanya ang pag-iisa. Siya noon ay nag-iisa sa yungib ng Ḥirā' saka nagpapakamananamba siya roon sa mga gabi nang makailang bilang bago siya umuwi sa mag-anak niya. Nagsasama siya ng baon para roon. Pagkatapos umuuwi siya sa ina ng mga mananampalataya na si Khadījah (malugod si Allāh dito). Nagbabaon siya ng tulad sa bilang ng mga gabi [sa yungib], hanggang sa dumating sa kanya ang totoong utos habang siya ay nasa yungib ng Ḥirā': sapagkat dumating sa kanya ang anghel saka nagsabi ito: "Bumasa ka!” Nagsabi siya: "Ako ay hindi nakababasa.” Nagsabi pa siya: "Kaya dinaklot niya ako at piniga hanggang sa umabot ito mula sa akin sa kasukdulan, pagkatapos pinakawalan niya ako, saka nagsabi siya: 'Bumasa ka!’ Nagsabi naman ako: 'Ako ay hindi nakababasa.’ Kaya dinaklot niya ako at piniga nang ikalawa, hanggang sa umabot ito mula sa akin sa kasukdulan, pagkatapos pinakawalan niya ako. saka nagsabi siya: 'Bumasa ka!’ Kaya nagsabi naman ako: 'Ako ay hindi nakababasa.’ Kaya dinaklot niya ako at piniga nang ikatlo, pagkatapos pinakawalan niya ako. saka nagsabi siya: {1. Bumasa ka sa ngalan ng Panginoon mo na lumikha, 2. lumikha sa tao mula sa isang malalinta. 3. Bumasa ka at ang Panginoon mo ay ang Pinakamapagbigay,} (Qur'ān 96:1-3). Kaya nag-uwi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga talata habang kumakabog ang puso niya dala ng takot sa kamatayan, saka pumasok siya sa kinaroroonan ng maybahay niya na ina ng mga mananampalataya na si Khadījah bint Khuwaylid (malugod si Allāh dito) saka nagsabi siya: "Balutin ninyo ako ng tela! Balutin ninyo ako ng tela!" Kaya binalot naman nila siya ng tela hanggang sa umalis sa kanya ang pangamba, saka sinabi niya kay Khadījah at ibinalita niya rito ang balita at sinabi: "Talaga ngang nangamba ako para sa sarili ko." Kaya nagsabi naman si Khadījah: "Aba'y hindi! Sumpa man kay Allāh, hindi magpapahiya sa iyo si Allāh magpakailanman. Tunay na ikaw ay talagang nakikiugnay sa kaanak, pumapasan patungo sa mahinang hindi nakapagsasarili ng nauukol sa kanya, nagpapakamit sa maralitang nawawalan yayamang nagbibigay ka sa mga tao ng hindi nila natatagpuan sa iba pa sa iyo, nagsisilbi sa panauhin, at tumutulong sa mga nasawing-palad sa katotohanan." Kaya lumisan kasama niya si Khadījah hanggang sa makapagdala ito sa kanya kay Waraqah bin Nawfal bin Asad bin `Abdil`uzzā. na anak ng tiyuhin nito. Siya ay isang lalaking umiwan sa Panahon ng Kamangmangan at naging isang Kristiyano. Nagsusulat siya noon mula sa Ebanghelyo sa Hebreo ng niloob ni Allāh na isulat niya. Siya noon ay lubhang matanda na nawala na ang paningin niya. Nagsabi sa kanya si Khadījah: "O anak ng tiyuhin ko, makinig ka sa anak ng kapatid mo." Kaya nagsabi sa kanya si Waraqah: "O Anak ng kapatid ko, ano ang nakikita mo?" Kaya nagbalita rito ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng balita ng nakita niya. Kaya nagsabi sa kanya si Waraqah: "Ito ay si Anghel Gabriel na pinababa ni Allāh sa Propeta Niyang si Moises (sumakanya ang pangangalaga). O kung sana ako roon ay binatang bata pa, kung sana ako ay magiging buhay pa kapag magpapalayas sa iyo ang mga kalipi mo." Kaya nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "At magpapalayas ba sa akin sila?" Nagsabi ito: "Oo; walang nagdala na isang lalaki kailanman ng tulad sa inihatid mo malibang pinerhuwisyo siya at inaway siya. Kung makaaabot sa akin ang araw mo, mag-aadya ako sa iyo ng isang pag-aadyang malakas." Pagkatapos hindi na nagtagal; si Waraqah ay pinapanaw siya at nahuli ang pagkakasi nang isang yugto ng panahon.
Ayon kay Abū Salamah bin `Abdirrḥmān bin Jābir bin `Abdillāh Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: Habang siya ay nagsasanaysay tungkol sa pagkahinto ng pagsisiwalat, nagsabi siya sa sanaysay niya: {Samantalang ako ay naglalakad, biglang nakarinig ako ng isang tinig mula sa langit. Kaya nag-angat ako ng paningin ko saka ang anghel pala na dumating sa akin sa Ḥirā' ay nakaupo sa isang silya sa pagitan ng langit at lupa. Hinilakbot ako sa kanya kaya bumalik ako saka nagsabi ako: "Balutin ninyo ako." Nagpababa naman si Allāh (napakataas Siya): {O nagtatalukbong, bumangon ka saka magbabala ka.} (Qur'ān 74:1-2) hanggang sa sabi Niya: {Sa kasalaulaan ay lumayo ka.} (Qur'ān 74:5) Saka umigting ang pagkasi at nagkasunuran ito.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), habang siya ay nagsasanaysay, tungkol sa pagkatigil ng pagkasi at pagkapigil sa pagbaba sa simula ng pagkapropeta niya: "Samantalang ako ay naglalakad sa mga eskinita ng Makkah, biglang nakarinig ako ng isang tinig mula sa langit. Kaya nag-angat ako ng paningin ko saka si Anghel Gabriel pala na dumating sa akin sa Yungib ng Ḥirā' ay nakaupo sa isang silya sa pagitan ng langit at lupa. Hinilakbot ako at nangilabot ako sa kanya kaya bumalik ako sa mag-anak ko saka nagsabi ako: "Balabalan ninyo ako ng damit." Nagpababa naman si Allāh (napakataas Siya): {O nagtatalukbong} na nagbabalabal ng damit niya, {bumangon ka} para sa pag-aanyaya {saka magbabala ka.} magbigay-babala ka sa hindi sumasampalataya sa mensahe mo. {Sa Panginoon mo} at Diyos mong sinasamba {ay dumakila ka}, magpuri ka, at gumalang ka. {Sa mga damit mo} at mga kasuutan mo {ay magdalisay ka} mula sa mga karumihan. {Sa kasalaulaan} ng pagsamba sa mga anito at mga diyus-diyusan {ay lumayo ka} at mag-iwan ka. Saka lumakas ang pagkasi matapos niyon at nagdamihan ito.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa-nagsabi siya:(( Nagpadala ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng ilang sundalo sa Najd,Lumabas ako kasama rito,Nagtamo kami ng mga kamelyo at mga tupa,umabot ang bahagiyan namin hanggang sa labindalawang kamelyo,at nagdagdag sa amin ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng tatg-iisang kamelyo))
Napagkaisahan ang katumpakanIpinapahayag ni Ibn `Umar-malugod si Allah sa kanya-na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay ipinadala sila sa mga ilang sundalo sa Najd,Nagtamo sila ng napakaraming dambong na kamelyo at tupa,Nagkamit ang bawat isa sa kanila nang labindalawang kamelyo,at binigyan ang bawat isa sa kanila ng karagdagang kamelyo,nang humigit sa bilang ng naging bahagi nila.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa-Siya ay nagsabi: ((Hiniling ko sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-[na makapunta sa pakikipaglaban] ,sa Araw ng Uhud,at ako ay nasa labing-apat na taong gulang,Hindi niya ako pinayagan,at humiling ako sa kanya [na makapunta sa pakikipaglaban] sa Araw ng Khandaq,at ako ay nasa labin-limang taong gulang,at pinayagan niya ako))
Napagkaisahan ang katumpakanIpinapaalam ni `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa-na nagpaalam siya sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na gusto niyang sumama sa pandarambong,-tulad ng pagpapaalam ng sundalo sa kanyang pinuno-sa lugar ng Uhud,at ito ay sa ikatlong taon-mula sa paglikas,at ang kanyang gulang ay labing-apat na taon,Tinanggihan siya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa kanyang pagsama sa pakikipaglaban dahil sa murang edad niya,Pagkatapos ay nagpaalam siya sa kanya sa taon ng Khandaq,at ito ay sa ika limang taon,at siya nasa labin-limang taon,Pinahintulutan siya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pakikipaglaban,marahil ito ay dahil sa araw ng Uhud siya ay nasa labing-apat na taon,at sa araw ng Khandaq sa huli,siya ay nasa labin-limang taon na.
Ayon kay Abdullah bin Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa na si Umar malugod si allah sa kanya-sa panahon na naging balo si Hafsah,ay nagsabi siya;Nakasalubong ko si Uthman bin Affan-malugod si Allah sa kanya-at inialok ko sa kanya si Hafsah;at sinabi ko; Kung gugustuhin mo ay ipapa-asawa ko sa iyo si Hafsah bint Umar? Sinabi niya;Titingnan ko ang magagawa ko.Naghintay ako ng ilang gabi pagkatapos ay nakipagtagpo siya sa akin,at nagsabi siya;Napag-isip-isip ko na hndi mona ako mag-aasawa sa panahon kong ito.Nakasalubong ko si Abu Bakar-malugod si Allah sa kanya-at sinabi ko; Kung gugustuhin mo ay ipapa-asawa ko sa iyo si Hafsah bint Umar,Natahimik si Abu Bakar malugod si Allah sa kanya at hindi siya tumugon sa akin kahit na konti! Nagalit ako sa kanya nang mas matindi pa sa galit ko kay Uthman,Naghintay siya ng ilang gabi,pagkatapos ay nag-alok(ng pag-aasawa)sa kanya ang Propeta pagpalain siya no Allah at pangalagaan-Kayat ipina-asawa ko siya sa kanya,Nakipagtagpo sa akin si Abu Bakar at nagsabi siya; marahil ay nagalit sa akin sa panahon na ini-alok mo sa akin si Hafsa at hindi ako tumugon sa iyo kahit na konti?nagsabi ako:Oo,Sinabi niya:Katotohanan na walang nakapag-pigil sa akin sa pagtugon sa iyo,sa inialok mo sa akin,maliban sa napag-alaman ko na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay binanggit niya(na gusto niyang asawain) ito,At hindi ko isinisiwalat ang lihim ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at kung iniwan lamang ito ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,ay tunay na tinanggap ko ito.
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīySa Hadith ay nabanggit ni Abdullah bin Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Na si Umar sa panahon na " Naging balo si Hafsa" ibig sabihin ay mula kay;Khunays bin Haza`fah Assahmie,at siya ay kapatid ni Abdullah bin Huza`fah,at kabilang sa kasamahan ni Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-pumanaw siya sa Madinah,at ang ikinamatay niya ay dahil sa sugat na natamo niya sa Uhud,at kabilang sa mga nauna sa Islam at naglikas sa kalupaan ng Habashah.Sinabi ni Umar;"Nakasalubong ko si Uthman bin Affan" ibig sabihin ay pagkaraan ng pagpanaw ng asawa nito na si Ruqayyah na anak ng pinaka-mamahal nating Sugo ni Allah.Ang sabi ni Umar; "Ini-alok ko sa kanya si Hafsah" at dito ay Pagpapahintulot sa pag-alok ng tao sa anak nito sa maayos at mabuting tao,at naibawas dito tulad nang pagkasalin rito ni Imam Al-Bukaharie.Sinabi ni Umar;" sinabi ko; Kung gugustuhin mo,ay ipapa-asawa ko sa iyo si Hafsah bint Umar" at gumamit siya nang ganitong pamamaraan:Ito ay pagpapahayag sa pangungusap na may kundisyon,na nagbibigay sa kinaka-usap nang kalayaan sa pagpili,at ito ay kabilang sa magandang pagpapahayag na nag-papahihimuk at nagkukumbinsi sa pagtanggap (nang ini-aalok) at itinala ang anaky niya sa kanya(pangalan niya),at dito ay may pagpapahintulot sa pagtanggal,at parang sinasabi niya na: Anak ni Umar,at napag-alaman mo ang kahalagahan niya at mabuting pakikisalamuha niya. At ang sagot ni Uthman:"Titingnan ko ang magagawa ko" ibig sabihin ay; pag-iisipan ko ang gagawin ko kung mag-aasawa ba ako ngayon o ipag-papahuli ko na lamang.Nagsabi si Umar:Naghintay ako ng ilang gabi pagkatapos ay nakipagtagpo siya sa akin,at nagsabi siya;Napag-isip-isip ko na hndi mona ako mag-aasawa sa panahon kong ito" ang nais (ipahiwatig) ni Uthman rito ay walang katiyakang-panahon;ibig sabihin ay;sa panahon kong ito,at ginamit niya ito,upang matanggal sa pag-iisip na ang nais nito ay hindi pag-aasawa(sa habang-buhay) at pagtigil sa pag-aasawa,na kung saan ito ay ipinagbabawal.Nagsabi si Umar;" Nakasalubong ko si Abu Bakar-malugod si Allah sa kanya-At sinabi ko;Kung gugustuhin mo ay ipapa-asawa ko sa iyo si Hafsah bint Umar,Natahimik siya" At iniwan ni Assiddiq ang pagsasalita na may layunin at pamama-alam sa kanya ay idinaan niya sa pananahimik.Nagsabi si Umar:" Nagalit ako" ibig sabihin ay matinding galit, "sa kanya nang mas matindi pa sa galit ko kay Uthman," Sapagkat kay Uthman, ay nakakuha ito sa kanya ng ilang kasagutan,samantalang kay Asseddiq ay iniwan siya nito ng tuluyan."Naghintay ako ng ilang gabi,pagkatapos ay nag-alok(ng pag-aasawa)sa kanya ang Propeta pagpalain siya no Allah at pangalagaan-Kayat ipina-asawa ko siya sa kanya,Nakipag-tagpo sa akin si Abu Bakar" pagkatapos sa pagganap ng kasalan,at ang pagtanggal sa hindi kaginhawahan ay pagpapahayag sa makatotohanang-bagay.Nagsabi si Assaddiq,at nagbigay ng kanyang paumanhin at bilang pagpapakita ng paggalang sa naiisip ng kapatid nito;" marahil" ito ay pagmama-kaawa,at ginamit niya ito bilang pagtitiwala sa kabutihan ng pag-uugali ni Umar,At tunay na hindi siya magagalit doon,ngunit ang pagkagalit nito sa kanya ay dahi sa init ng ulo nito.Nagsabi ito sa kanya,Ang sabi ni Assidddiq: marahil ay nagalit sa akin sa panahon na ini-alok mo sa akin si Hafsa at hindi ako tumugon" ibig sabihin ay; Nalait ka sa akin sa oras na iyon,Nagsabi siya: "Oo," at iyan ay mula kay Umar,bilang pagpapahayag sa pangyayari at paggawa sa katapatan.Nagsabi si Abu Bakar Assiddiq:"Katotohanan na walang nakapag-pigil sa akin sa pagtugon sa iyo,sa inialok mo sa akin,maliban sa napag-alaman ko na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay binanggit niya ito" ibig sabihin ay; ginusto kong pakasalan siya,at marahil ang pabanggit ng propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa pagnanais nitong makipag-kasundo sa pagkasal kay Hafsah ay kasalukuyan kay AbuBakar at wala ng iba,kaya`t naisip niya na ito ay lihim na hindi ipinahihintulot(ang pagsisiwalat),kung kaya`t sinabi niya;"At hindi ko isinisiwalat ang lihim ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan" ibig sabihin ay;ibunyag ang inililihim niya sa akin at binanggit niya sa akin."kung iniwan lamang ito ng Propeta" ibig sabihin ay;ang pag-alok sa kanya," tunay na tinanggap ko na ito" at ito ay dahil sa ipinagbabawal ang pakikipag-kasundo sa pagkasal sa sinumang Binanggit ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa sinumanag naka-alam nito,at dito ay pagdidisiplina sa Henerasyon at sa bawat mamamayan nito,at ang nararapat ay ang paglihim sa sekreto,at pagiging ganap sa pagtatago nito,at ang hindi pakiki-pagsasalita sa sinumang kinatatakotan mo, na magdulot sa (pagsiwalat) sa mga ilan rito.
Ayon kay As-Sā’ib bin Yazīd, malugod si Allāh sa kanya: "Noong dumating ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, mula sa pagsalakay sa Tabūk, sinalubong siya ng mga tao at nakatagpo ko siya kasama ng mga bata sa Thanīyah Al-Wadā`." Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy, na nagsabi: "Umalis kami upang salabungin ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kasama ng mga bata patungo sa Thanīyah Al-Wadā`."
Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudAng kahulugan ng ḥadīth: Nagpapabatid si As-Sā’ib bin Yazīd, malugod si Allāh sa kanya, na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, noong dumating mula sa pagsalakay sa Tabūk, ay lumabas ang mga tao na mga nagpaiwan sa paglusob, na kabilang sa mga tinanggap ang dahilan at iba pa. Pumunta sila sa Thanīyah Al-Wadā` upang salubungin siya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa pag-uwi niya. Lumabas As-Sā’ib bin Yazīd kasama ng mga paslit ng Madīnah upang makipagtagpo sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan.