





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay `Alīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpapabigkas sa amin noon ng Qur'ān sa bawat kalagayan hanggat siya ay hindi junub.}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, Imām Ibnu Mājah, at Imām AḥmadAng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtuturo noon sa mga Kasamahan niya ng Qur'ān at nagpapabigkas nito sa kanila sa lahat ng mga kalagayan niya hanggat siya ay hindi nasa janābah dahil sa pakikipagtalik sa maybahay niya.
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May isang lalaking nakarinig ng isang lalaking bumibigkas ng (Qur'ān 112): {Qul huwa -llāh aḥad, ... (1. Sabihin mo: "Siyang si Allāh ay Kaisa-isa. ...)}, na nag-uulit-ulit nito. Noong kinaumagahan, pumunta ito sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka bumanggit ito niyon sa kanya. Para bang ang lalaki ay nagmamaliit niyon, kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, tunay na ito ay talagang nakatutumbas sa isang katlo ng Qur'ān."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyBumanggit si Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na may isang lalaking nakarinig ng ibang lalaking bumibigkas ng Kabanatang (Qur'ān 112): {Qul huwa -llāhu aḥad, ... (1. Sabihin mo: "Siyang si Allāh ay Kaisa-isa. ...)}, na nag-uulit-ulit nito sa buong gabi habang hindi nagdaragdag dito. Kaya noong kinaumagahan, pumunta ito sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka bumanggit ito niyon sa kanya. Para bang ang nagtatanong ay nagtuturing na iyon ay kakaunti, kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang panunumpa ayon sa kahulugan ng pagbibigay-diin: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, tunay na ito ay talagang nakapapantay sa isang katlo ng Qur'ān."
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Noong bumaba sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) [ang talata (Qur'ān 2:284)]: {Sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Kung maglalantad kayo ng nasa mga sarili ninyo o magkukubli kayo nito, magtutuos sa inyo nito si Allāh, saka magpapatawad Siya sa sinumang niloloob Niya at magpaparusa Siya sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.}, tumindi iyon sa mga Kasamahan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Kaya pumunta sila sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), pagkatapos lumuhod sila sa mga tuhod saka nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, inatangan kami ng mga gawain na hindi namin nakakayanan: ang pagdarasal, ang pag-aayuno, ang pakikibaka, at ang pagkakawanggawa. Ibinaba nga sa iyo ang talatang ito at hindi namin nakakayanan ito." Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagnanais ba kayo na magsabi kayo ng gaya ng sinabi ng [dalawang pangkat ng] mga May Kasulatan bago pa ninyo: {Nakarinig kami at sumuway kami.}? Bagkus magsabi kayo (Qur'ān 2:285): {Nakarinig kami at tumalima kami. [Humihingi kami ng] pagpapatawad Mo, Panginoon namin. Tungo sa Iyo ang kahahantungan.}" Nagsabi naman sila (Qur'ān 2:285): {Nakarinig kami at tumalima kami. [Humihingi kami ng] pagpapatawad Mo, Panginoon namin. Tungo sa Iyo ang kahahantungan.} Noong bumigkas nito ang mga tao, umamo dahil dito ang mga dila nila saka nagpababa si Allāh kasunod agad nito (Qur'ān 2:285): {Sumampalataya ang Sugo sa anumang pinababa sa kanya mula sa Panginoon niya at ang mga mananampalataya [ay gayon din]. Bawat [isa] ay sumampalataya kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, at sa mga sugo Niya. [Sinabi:] "Hindi kami nagtatangi-tangi sa isa man sa mga sugo Niya." Nagsabi sila: "Nakarinig kami at tumalima kami. [Humihingi kami ng] pagpapatawad Mo, Panginoon namin. Tungo sa Iyo ang kahahantungan."} Noong nagawa nila iyon, nagpawalang-bisa nito si Allāh saka nagpababa si Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan – (Qur'ān 2:286): {Hindi nag-aatang si Allāh sa isang kaluluwa malibang ayon sa kaya nito. Ukol dito ang kinamit nito at laban dito ang nakamit nito. Panginoon namin, huwag Kang magpanagot sa amin kung nakalimot kami o nagkamali kami.} Nagsabi naman Siya: "Oo." [Sinabi (Qur'ān 2:286):] {Panginoon namin, huwag Kang magpabuhat sa amin ng isang pabigat na gaya ng ipinabuhat Mo sa mga bago pa namin.} Nagsabi naman Siya: "Oo." [Sinabi (Qur'ān 2:286):] {Panginoon namin, huwag Kang magpapasan sa amin ng anumang wala kaming lakas doon.} Nagsabi naman siya: "Oo." [Sinabi (Qur'ān 2:286):] { Magpaumanhin Ka sa amin, magpatawad Ka sa amin, at maawa Ka sa amin; Ikaw ay Mapagtangkilik sa amin, kaya mag-adya Ka sa amin laban sa mga taong tagatangging sumampalataya.} Nagsabi naman Siya: "Oo."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNoong nagpababa si Allāh (napakataas Siya) sa Propeta Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan) ng sabi Niya (Qur'ān 2:284): {Sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa} sa paglikha, sa paghahari, sa pamamatnugot, at sa pangangasiwa. {Kung maglalantad kayo,} magpapalitaw kayo, at magpahayag kayo {ng nasa mga sarili ninyo} at mga dibdib ninyo {o magkukubli kayo nito} saka magtatakip kayo nito at maglilingid kayo nito sa mga puso ninyo, {magtutuos sa inyo nito si Allāh} sa Araw ng Pagbangon, {saka magpapatawad Siya sa sinumang niloloob Niya} dahil sa kabutihang-loob Niya at awa Niya {at magpaparusa Siya sa sinumang niloloob Niya} dahil sa katarungan Niya. Noong nakarinig nito ang mga Kasamahan, humirap sa kanila iyon dahil nasaad dito ang pagpapanagot pati sa nasa puso na mga hinagap. Kaya pumunta sila sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), pagkatapos lumuhod sila nang nakadiit sa mga tuhod saka nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, inatangan kami bago niyon ng mga gawaing pangkatawang hindi kami nakakakaya sa pagsasagawa tulad ng pagdarasal, pag-aayuno, pakikibaka, at pagkakawanggawa subalit ibinaba nga sa iyo ang talatang ito at hindi namin nakakayanan ito." Kaya nagsabi sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagnanais ba kayo na magsabi kayo ng gaya ng sinabi ng [dalawang pangkat ng] mga May Kasulatan bago pa ninyo: {Nakarinig kami at sumuway kami.}? Bagkus magsabi kayo (Qur'ān 2:285): {Nakarinig kami at tumalima kami. [Humihingi kami ng] pagpapatawad Mo, Panginoon namin. Tungo sa Iyo ang kahahantungan.}" Tumugon naman ang mga Kasamahan sa utos ni Allāh at ng Sugo Niya sapagkat nagsabi sila (Qur'ān 2:285): {Nakarinig kami at tumalima kami. [Humihingi kami ng] pagpapatawad Mo, Panginoon namin. Tungo sa Iyo ang kahahantungan.} Noong bumigkas nito ang mga Muslim, nagpaakay para rito ang mga sarili nila. Nagpababa si Allāh bilang pagpapabusilak sa Propeta at Kalipunan nito sa pamamagitan ng sabi Niya (Qur'ān 2:285): {Sumampalataya ang Sugo sa anumang pinababa sa kanya mula sa Panginoon niya at ang mga mananampalataya [ay gayon din].} Nagpaakay ang mga dila nila at ang mga puso nila sa utos ni Allāh. [Sinabi (Qur'ān 2:285):] {Bawat [isa] ay sumampalataya kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, at sa mga sugo Niya. [Sinabi:] "Hindi kami nagtatangi-tangi sa isa man sa mga sugo Niya."} Bagkus sumasampalataya kami sa kanila sa kabuuan nila. [Sinabi (Qur'ān 2:285):] {Nagsabi sila: "Nakarinig kami} sa sabi Mo {at tumalima kami} sa utos at humihingi kami ng {pagpapatawad Mo, Panginoon namin,} at pagpapaumanhin Mo. {Tungo sa Iyo ang kahahantungan} at ang uuwian sa Araw na sasapit ang pagtutuos. Noong nagawa nila iyon at sinabi nila ang ipinag-utos sa kanila sa sabi ni Allāh na paglalantad ng pagdinig at pagtalima sa mga utos Niya, nagpagaan Siya para sa Kalipunang ito at nagpawalang-bisa Siya ng talatang ito sa sabi Niya (Qur'ān 2:286): {Hindi nag-aatang si Allāh sa isang kaluluwa malibang ayon sa kaya nito,} kapangyarihan nito, lakas nito, at pagsisikap nito. {Ukol dito ang} gantimpala ng {kinamit nito} at ginawa nito na kabutihan {at laban dito ang} parusa ng {nakamit nito} na pabigat at kasalanan. Hindi magpapanagot si Allāh sa isa man dahil sa pagkakasala ng iba ni dahil sa anumang ipinasaring dito ng sarili nito. {Panginoon namin, huwag Kang magpanagot sa amin} at magparusa sa amin {kung nakalimot kami} sapagkat hindi kami nakapagsaalaala {o nagkamali kami} kaya naiwan namin ang tama, hindi dala ng pananadya. Tumugon naman si Allāh sa kanila roon sapagkat nagsabi Siya: "Oo. Ginawa Ko nga." [Sinabi (Qur'ān 2:286):] {Panginoon namin, huwag Kang magpabuhat sa amin ng isang pabigat na gaya ng ipinabuhat Mo sa mga bago pa namin.} Nagsabi naman siya: "Oo." [Sinabi (Qur'ān 2:286):] {Panginoon namin, huwag Kang magpapasan sa amin ng anumang wala kaming lakas doon.} Nagsabi naman siya: "Oo."} Nagsabi naman siya: "Oo." [Sinabi (Qur'ān 2:286):] { Magpaumanhin Ka sa amin, magpatawad Ka sa amin, at maawa Ka sa amin; Ikaw ay Mapagtangkilik sa amin, kaya mag-adya Ka sa amin laban sa mga taong tagatangging sumampalataya.} Nagsabi naman siya: "Oo, ginawa Ko nga."} [Sinabi (Qur'ān 2:286):] {Panginoon namin, huwag Kang magpapasan sa amin ng anumang wala kaming lakas doon} kabilang sa mga tungkuling iniatang at mga bagay-bagay na nawawalang-kakayahan kami sa pagpasan ng mga ito. Nagsabi naman si Allāh: "Oo. Ginawa Ko nga." [Sinabi (Qur'ān 2:286):] { Magpaumanhin Ka sa amin} ng mga pagkakasala namin at magpawi Ka ng mga ito sa amin, {magpatawad Ka sa amin} ng mga pagkakasala namin, magtakip Ka ng mga ito sa amin, magpalampas Ka ng mga ito {at maawa Ka sa amin} sa pamamagitan ng malawak na awa Mo; {Ikaw ay Mapagtangkilik sa amin} at Pinapanginoon namin, {kaya mag-adya Ka sa amin} sa pamamagitan ng paglalatag ng katwiran at pananaig {laban sa mga taong tagatangging sumampalataya} sa pakikipaglaban sa kanila at pakikibaka sa kanila. Kaya tumugon naman si Allāh saka nagsabi Siya: "Oo. Ginawa Ko nga."
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya): {May isang lalaking kabilang sa mga Hudyo na nagsabi sa kanya: "O Pinuno ng mga Mananampalataya, may talata sa Aklat ninyo na binibigkas ninyo. Kung sakaling sa amin na katipunan ng mga Hudyo bumaba ito, talaga sanang gumawa kami sa araw na iyon bilang isang pagdiriwang." Nagsabi siya: "Aling talata?" Nagsabi ito (Qur'ān 5:3): {Sa araw na ito bumuo Ako para sa inyo ng Relihiyon ninyo, lumubos Ako sa inyo ng biyaya Ko at nalugod Ako para sa inyo sa Islām bilang relihiyon.} Nagsabi si `Umar: "Nakaalam nga kami ng araw na iyon at lugar na bumaba ito roon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang siya ay nakatayo sa `Arafah sa araw ng Biyernes."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoMay dumating na isang lalaking kabilang sa mga Hudyo sa Pinuno ng mga Mananampalataya na si `Umar (malugod si Allāh sa kanya) at nagsabi ito sa kanya: "May talata sa Aklat ninyo na binibigkas ninyo. Kung sakaling bumaba ito sa amin – katipunan ng mga Hudyo – sa kasulatan namin, ang Torah, talaga sanang gumawa kami sa araw na iyon bilang isang pagdiriwang, na magdiriwang kami nito bilang pasasalamat sa pagpapala ng pagbaba ng dakilang talatang ito." Kaya nagsabi rito si `Umar (malugod si Allāh sa kanya): "Aling talata?" Nagsabi ito (Qur'ān 5:3): {Sa araw na ito bumuo Ako para sa inyo ng Relihiyon ninyo, lumubos Ako sa inyo ng biyaya Ko at nalugod Ako para sa inyo sa Islām bilang relihiyon.} Nagsabi si `Umar (malugod si Allāh sa kanya): "Nakaalam nga kami sa araw na iyon at lugar na bumaba roon ang marangal na talatang ito sapagkat bumaba nga ito sa araw ng Eid – ang araw ng Biyernes – sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang siya ay nakatayo sa `Arafah." Ang dalawang ito ay dalawang dakilang araw sa ganang mga Muslim.
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa), [ayon sa tagasalaysay] na nagsabi: {Tunay na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nagbaba ng: {Ang sinumang hindi humatol ayon sa pinababa ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga tagatangging sumampalataya.} (Qur'ān 5:44), {... ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan.} (Qur'ān 5:45), at {... ang mga iyon ay ang mga suwail.} (Qur'ān 5:47). Nagsabi [ang tagasalaysay]: Nagsabi ang Anak ni `Abbās: "Nagpababa ng mga ito si Allāh kaugnay sa dalawang pangkatin kabilang sa mga Hudyo. Ang isa sa dalawang ito noon ay lumupig sa isa pa sa Panahon ng Kamangmangan hanggang sa nagkalugud-lugod sila at nagkasundu-sundo sila na ang bawat napatay na pinatay ng minamataas na pangkatin mula sa minamababang pangkatin ay may bayad-pinsala na limampung wasq at ang bawat napatay na pinatay ng minamababang pangkatin mula sa minamataas na pangkatin ay may bayad-pinsala na isandaang wasq. Sila noon ay ayon doon hanggang sa dumating ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Madīnah. Naaba ang dalawang pangkatin – ang kapwa dalawang ito – dahil sa pagkadating ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) noong araw na iyon ay hindi pa nangibabaw at hindi pa nanaig sa dalawang ito, habang siya ay nasa pakikipagpayapaan pa, nang nakapatay naman ang minamababang pangkatin ng isang napatay mula sa minamataas na pangkatin. Kaya nagpamensahe ang minamataas na pangkatin sa minamababang pangkatin: "Magpadala kayo sa amin ng isandaang wasq [bilang bayad-pinsala]." Nagsabi naman ang minamababang pangkatin: "Nangyari na kaya ito sa dalawang nayon kailanman, na ang relihiyon ng dalawa ay iisa, ang kaangkanan ng dalawa ay iisa, at ang bayan ng dalawa ay iisa, na ang bayad-pinsala ng ilan sa kanila ay kalahati ng bayad-pinsala ng iba pa? Tunay na kami ay nagbigay lamang sa inyo nito dahil sa isang pang-aapi mula sa inyo sa amin at dahil sa isang pagkatakot sa inyo. Ngunit noong dumating na si Muḥammad, hindi na kami magbibigay sa inyo niyon." Kaya halos ang digmaan ay napukaw sa pagitan ng dalawang pangkatin. Pagkatapos nagkalugud-lugod sila na magtalaga sila sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) bilang tagapagpasya sa pagitan nila. Pagkatapos nag-isip ang minamataas na pangkatin saka nagsabi ito [sa isa't isa]: "Sumpa man kay Allāh, hindi si Muḥammad magbibigay sa inyo mula sa kanila ng doble ng ibibigay niya sa kanila mula sa inyo." – talaga ngang nagsabi sila ng totoo – "Hindi sila nagbigay sa atin nito kundi dahil sa isang pang-aapi mula sa atin at dahil sa isang paglupig sa kanila. Kaya magpapuslit kayo papunta kay Muḥammad ng sinumang magpapabatid para sa inyo ng pananaw niya. Kung magbibigay siya ng ninanais ninyo, pahatulin ninyo siya; at kung hindi siya magbibigay sa inyo, mag-ingat kayo at huwag ninyo siyang pahatulin." Kaya nagpapuslit sila papunta sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga taong kabilang sa mga mapagpaimbabaw upang magpabatid sa kanila ng pananaw ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Noong dumating iyon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), nagpabatid si Allāh sa Sugo Nito hinggil sa nauukol sa kanila sa kabuuan nito at ninanais nila. Kaya nagpababa si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) [ng sabi Niya]: {O Sugo, huwag magpalungkot sa iyo ang mga nagmamabilis sa kawalang-pananampalataya kabilang sa mga nagsabi: "Sumampalataya kami," ...} (Qur'ān 5:41) hanggang sa sabi Niya: {... Ang sinumang hindi humatol ayon sa pinababa ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga suwail.} (Qur'ān 5:47) Pagkatapos nagsabi pa [ang Anak ni `Abbās] kaugnay sa dalawang [pangkating] ito: "Bumaba ito at sa dalawang iyon tumukoy si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan)."}
Nagsalaysay nito si Imām AḥmadKabilang noon sa mga Hudyo ng Madīnah ang angkan ng Qurayḍ̆ah at ang angkan ng An-Naḍīr. Ang isa sa dalawang angkan ay nakalupig sa isa sa Panahon ng Kamangmangan at nanaig dito ngunit nagkalugud-lugod sila at nagkasundu-sundo na ang bawat napatay na pinatay ng angkang minamataas na nanaig mula sa angkang minamababa na dinaig ay may bayad-pinsala na limampung wasq lamang at ang bawat napatay na pinatay ng angkang minamababa mula sa angkang minamataas ay may bayad-pinsalang doble na isandaang wasq. Ang isang wasq ay animnapung ṣā`.§ Sila ay nasa gayon hanggang sa dumating ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Madīnah bilang isang tagalikas. Napasailalim ang dalawang pangkatin – ang kapwa dalawang pangkatin – dahil sa pagdating ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) samantalang siya noong araw na iyon ay hindi pa nakagapi sa mga kaaway niya at hindi pa nakapanaig sa dalawang pangkatin sa pagtalima sa kanya dahil iyon sa simula ng pagkalikas samantalang siya ay nasa pakikipagpayapaan. Nakapatay ang pangkating minamababa ng isa mula sa pangkating minamataas. Kaya nagpamensahe ang minamataas sa minamababa: "Magpadala kayo sa amin ng isandaang wasq ayon sa kasunduan." Nagsabi naman ang minamababa: "Nangyari na kaya ito sa dalawang nayon kailanman, na ang relihiyon ng dalawa ay iisa, ang kaangkanan ng dalawa ay iisa, at ang bayan ng dalawa ay iisa, na ang bayad-pinsala ng ilan sa kanila ay kalahati ng bayad-pinsala ng iba pa? Tunay na kami ay nagbigay lamang sa inyo nito dahil sa isang kawalang-katarungan mula sa inyo sa amin at dahil sa isang pangamba sa inyo. Ngunit noong dumating na si Muḥammad, hindi na kami magbibigay sa inyo niyon magpakailanman." Kaya halos ang digmaan ay napukaw sa pagitan ng dalawang pangkatin. Pagkatapos nagkalugud-lugod sila na magtalaga sila sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na maghahatol sa pagitan nila. Pagkatapos nagbulay-bulay ang minamataas na pangkatin saka nagsabi ito [sa isa't isa]: "Sumpa man kay Allāh, hindi si Muḥammad magbibigay sa inyo mula sa kanila ng doble ng ibibigay niya sa kanila mula sa inyo." – talaga ngang nagsabi sila ng totoo – "Hindi sila nagbigay sa atin nito kundi dahil sa isang kawalang-katarungan mula sa atin at dahil sa isang paglupig sa kanila. Kaya magsugo kayo kay Muḥammad nang pakubli ng sinumang maghahatid sa inyo ng pananaw niya. Kung magbibigay siya sa inyo ng ninanais ninyo, pahatulin ninyo siya; at kung hindi siya magbibigay sa inyo ng ninanasa ninyo, iwan ninyo siya at huwag ninyo siyang pahatulin sa pagitan ninyo." Kaya nagsugo sila sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang pakubli ng mga taong kabilang sa mga mapagpaimbabaw upang magpaalam ng pananaw niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Noong dumating sila sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), nagbaba si Allāh ng pagkasi at nagpabatid sa Sugo Nito hinggil sa nauukol sa kanila sa kabuuan nito at ninanais nila. Kaya nagpababa si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa Kabanatang Al-Mā;idah ng sabi Niya: {O Sugo, huwag magpalungkot sa iyo ang mga nagmamabilis sa kawalang-pananampalataya kabilang sa mga nagsabi: "Sumampalataya kami," ...} (Qur'ān 5:41) hanggang sa sabi Niya: {... Ang sinumang hindi humatol ayon sa pinababa ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga suwail.} (Qur'ān 5:47) Pagkatapos nagsabi pa ang Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) kaugnay sa dalawang pangkatin. Nagbaba si Allāh ng sabi Niya (napakataas Siya): {Ang sinumang hindi humatol ayon sa pinababa ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga tagatangging sumampalataya.} (Qur'ān 5:44), {... ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan.} (Qur'ān 5:45), at {... ang mga iyon ay ang mga suwail.} (Qur'ān 5:47). "Sa dalawang iyon tumukoy si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan)."
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: {Ang mga susi ng Nakalingid ay lima: {Tunay na si Allāh ay may taglay ng kaalaman sa Huling Sandali. Nagbababa Siya ng ulan at nakaaalam Siya sa anumang nasa mga sinapupunan. Hindi nababatid ng isang kaluluwa kung ano ang kakamtin niya kinabukasan at hindi nababatid ng isang kaluluwa kung sa aling lupain siya mamamatay. Tunay na si Allāh ay Maalam, Mapagbatid.}(Qur'ān 31:34)}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyAng Nakalingid ay nasa kay Allāh; walang nakaaalam nito kundi Siya. Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga susi ng Nakalingid at ang mga imbakan nito ay lima: Ang Una: Walang nakaaalam kung kailan sasapit ang Huling Sandali kundi si Allāh, bilang pagpapahiwatig sa mga kaalaman sa Kabilang-buhay, sapagkat tunay na ang Araw ng Pagbangon ay ang una sa mga ito. Kapag naikaila ang kaalaman sa pinakamalapit, naikakaila ang kaalaman sa anumang matapos nito. Ang Ikalawa: Walang nakaaalam kung kailan darating ang ulan kundi si Allāh, bilang pagpapahiwatig sa mga nauukol sa daigdig na pangkaitaasan. Itinangi ang ulan sa kabila na mayroon itong mga kadahilanang maaaring magpahiwatig ng pagkapangyari ng nakahiratian sa pagkaganap nito subalit ito ay walang pagkatiyak at katiyakan. Ang Ikatlo: Ang nasa mga sinapupunan na lalaki o babae, itim o puti, kumpleto o kulang, miserable o maligaya, at tulad ng mga ito. Itinangi ang sinapupunan sa pagbanggit dahil sa pagiging ang pinakamarami ay nakakikilala rito sa karaniwan. Sa kabila niyon, ikinaila na makaalam ang isa sa reyalidad nito kaya ang iba pa rito ay pinakamarapat [na hindi malaman]. Ang Ikaapat: Walang nakaaalam sa mangyayari sa kinabukasan kundi si Allāh, bilang pagpapahiwatig sa mga uri ng panahon at anumang nasa mga ito na mga pangyayari. Nagpahayag si Allāh sa pamamagitan ng pananalitang "kinabukasan" upang ang reyalidad nito ay maging ang pinakamalapit sa mga panahon. Kapag sa kabila ng kalapitan nito ay hindi nalalaman ang reyalidad ng magaganap dito sa kabila ng pagsasaposibilidad ng palatandaan at tanda, ang anumang matapos nito ay higit na marapat [na hindi malaman]. Ang Ikalima: Hindi nababatid ng isang kaluluwa kung sa aling lupain siya mamamatay, bilang pagpapahiwatig sa mga nauukol sa daigdig na mababa. Sa kabila na ang nakahiratian ng pinakamarami sa mga tao na mamatay sa sariling bayan subalit iyon ay hindi [buong] reyalidad; bagkus kung sakaling namatay ang tao sa bayan niya, hindi nalalaman kung sa aling pook siya ililibing mula roon, kahit pa man doon ay may isang sementeryo ng mga ninuno niya. {Tunay na si Allāh ay Maalam, Mapagbatid}, na Nakasasaklaw sa mga nakalantad, mga nakatago, mga nakakubli, mga nakasekreto, at mga lihim. Kaya nagtipon ang talata ng mga uri ng mga nakalingid at nag-alis ng lahat ng mga tiwaling pag-aangkin.
Ayon kay An-Nu`mān bin Bashīr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Ako minsan ay nasa tabi ng pulpito ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka may nagsabing isang lalaki: "Hindi ako nagbibigay-pansin na hindi ako gumawa ng isang gawain matapos ng pag-anib sa Islām kundi na magpainom ako sa tagapagsagawa ng hajj." May nagsabing isa pa: "Hindi ako nagbibigay-pansin na hindi ako gumawa ng isang gawain matapos ng pag-anib sa Islām kundi na magtaguyod ako sa Masjid na Pinakababanal." May nagsabi namang isa pa: "Ang pakikibaka sa landas ni Allāh ay higit na mainam kaysa sa sinabi ninyo." Kaya napagsalitaan sila ni `Umar at napagsabihan: "Huwag kayong magtaas ng mga tinig ninyo sa tabi ng pulpito ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang araw ng Biyernes; subalit kapag nakapagdasal ako ng dasal sa Biyernes, pupunta ako saka sasangguni ako sa kanya hinggil sa bagay na nagkaiba-iba kayo." Kaya nagpababa si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ng: {Gumawa ba kayo sa [nakatalaga sa] pagpapainom sa tagasagawa ng ḥajj at sa pagtataguyod sa Masjid na Pinakababanal gaya ng sumampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ...} (Qur'ān 9:19) hanggang sa hulihan nito.}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimBumanggit si An-Nu`mān bin Bashīr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na siya minsan ay nakaupo sa tabi ng pulpito ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nakarinig siya ng isang lalaking nagsasabi: "Hindi ako nagbibigay-pansin na hindi ako gumawa ng isang gawain matapos na umanib ako sa Islām kundi na magpainom ako sa tagapagsagawa ng hajj." May nagsabing isa pa: "Hindi ako nagbibigay-pansin na hindi ako gumawa ng isang gawain matapos na umanib ako sa Islām kundi na magtaguyod ako sa Masjid na Pinakababanal." May nagsabi namang isa pa: "Ang pakikibaka sa landas ni Allāh ay higit na mainam kaysa sa sinabi ninyong dalawa." Kaya napagsalitaan sila ni `Umar bin Al-Khaṭṭāb laban sa pagtataas ng tinig sa tabi ng pulpito ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang umaga ng araw ng Biyernes. Nagsabi siya: "Subalit kapag nakapagdasal ako ng dasal sa Biyernes, pupunta ako saka sasangguni ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa bagay na nagkaiba-iba kayo." Kaya nagpababa si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ng: {Gumawa ba kayo sa [nakatalaga sa] pagpapainom sa tagasagawa ng ḥajj at sa pagtataguyod sa Masjid na Pinakababanal gaya ng sumampalataya kay Allāh at sa Huling Araw at nakibaka ayon sa landas ni Allāh? Hindi sila nagkakapantay sa ganang kay Allāh. Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan.} (Qur'ān 9:19)
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): {Kaugnay sa sabi ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): {Ang sinumang nagnanais doon ng isang paglapastangan sa pamamagitan ng isang kawalang-katarungan ay magpapalasap Kami sa kanya ng isang pagdurusang masakit.} (Qur'ān 22:25), nagsabi siya: "Kung sakali na may isang lalaking nagbalak doon ng isang paglapastangan habang siya ay nasa Aden ni Abyan, talaga sanang nagpalasap sa kanya si Allāh ng isang pagdurusang masakit."}
Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad at Imām Al-ḤākimBumanggit si `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na kaugnay sa sabi ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): {Ang sinumang nagnanais doon ng isang paglapastangan sa pamamagitan ng isang kawalang-katarungan ay magpapalasap Kami sa kanya ng isang pagdurusang masakit.} (Qur'ān 22:25), nagsabi siya: "Kung sakali na may isa sa mga tao na nagsalita sa sarili niya at nagtika na gumawa sa Ḥaram ng Makkah ng isang gawang masagwa na magtuturing na pinahihintulutan doon mula sa Ḥaram ang ipinagbawal ni Allāh sa iyo na salita o pagpatay habang nananadya na iyon ay kawalang-katarungan at kung sakali man na ang pagtitika ay nasa lungsod ng Aden sa Yemen, tunay na siya ay karapat-dapat na patamaan ni Allāh ng isang pagdurusang masakit alang-alang doon, kahit pa man hindi siya nakagawa niyon sapagkat nakasasapat kaugnay roon na magtika siya."
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Noong bumaba [ang talatang]: {1. Tunay na Kami ay nagpawagi sa iyo ng isang malinaw na pagwagi 2. upang magpatawad sa iyo si Allāh ...} hanggang sa sabi Niya: {... isang pagkatamong sukdulan –} (Qur'ān 48:1-5) sa pagkauwi niya mula sa Al-Ḥudaybīyah, samantalang lumilipos sa kanila ang lungkot at ang lumbay at nakatay na niya ang alay sa Al-Ḥudaybīyah, nagsabi naman siya: "Talaga ngang may pinababa sa akin na isang talata na siyang higit na kaibig-ibig sa akin kaysa sa Mundo sa kalahatan."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpabatid si Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) noong bumaba sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang sabi Niya (napakataas Siya): {1. Tunay na Kami ay nagpawagi sa iyo ng isang malinaw na pagwagi 2. upang magpatawad sa iyo si Allāh sa anumang nauna na pagkakasala mo at anumang naantala, [upang] lumubos Siya sa biyaya Niya sa iyo, [upang] magpatnubay Siya sa iyo sa isang landasing tuwid, 3. at [upang] mag-adya Siya sa iyo ng isang pag-aadyang makapangyarihan. 4. Siya ay ang nagpababa ng *katahimikan sa mga puso ng mga mananampalataya upang madagdagan sila ng pananampalataya kasama sa pananampalataya nila. Sa kay Allāh ang mga kawal ng mga langit at lupa. Laging si Allāh ay Maalam, Marunong. 5. [Ito ay] upang magpapasok Siya sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito, [upang] magtakip-sala Siya sa kanila sa mga masagwang gawa nila – laging iyon sa ganang kay Allāh ay isang pagkatamong sukdulan –} (Qur'ān 48:1-5) sa panahon ng pag-uwi niya mula sa Al-Ḥudaybīyah, samantalang ang mga Kasamahan ay nililipos ng lungkot at lumbay at may nakahadlang sa kanila at sa pagsasagawa ng `umrah dahilan sa pinangyari ng kasunduang pangkapayapaan at pagpapalagay nila na ito ay hindi sa kapakanan ng mga Muslim, na noong nakakatay na sila ng alay sa Al-Ḥudaybīyah, nagsabi naman siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Talaga ngang may pinababa sa akin na isang talata na siyang higit na kaibig-ibig sa akin kaysa sa Mundo sa kalahatan." Pagkatapos bumigkas siya ng mga ito.