





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Zaynab bint Jaḥsh (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay pumasok sa kinaroroonan niya dala ng panghihilakbot, na nagsasabi: "Walang Diyos kundi si Allāh. Kapighatian ay ukol sa mga Arabe mula sa isang kasamaan na nalapit na! Binuksan ngayong araw mula sa saplad ng Gog at Magog ang tulad nito." Nagpabilog siya ng daliri niya sa hinlalaki niya, na kasunod nito."} Nagsabi si Zaynab bint Jaḥsh: {Kaya nagsabi ako, O Sugo ni Allāh, masasawi po ba tayo samantalang nasa atin ang mga maayos na tao? Nagsabi siya: "Oo, kapag dumami ang karumalan."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoPumasok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kinaroroonan ni Zaynab bint Jaḥsh (malugod si Allāh sa kanya) dala ng panghihilakbot habang nangangamba samantalang siya ay nagsasabi: "Walang Diyos kundi si Allāh," bilang pagpapahayag ng inaasahang bagay na kinasusuklamang mangyayari. Walang kaligtasan mula rito kundi sa pamamagitan ng pagdulog kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya). Pagkatapos nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapighatian ay ukol sa mga Arabe mula sa isang kasamaan na nalapit na ang pagkaganap nito! Binuksan ngayong araw mula sa saplad# ng Gog at Magog, ang dam na ipinatayo ni Dhulqarnayn, ang tulad nito." Nagpabilog siya ng daliri niya sa hinlalaki niya, na kasunod nito. Nagsabi si Zaynab (malugod si Allāh sa kanya): "Papaano pong magpapangibabaw si Allāh sa atin ng kasawian samantalang nasa atin ang mga mananampalatayang maayos?" Nagsabi sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag dumami ang karumalan mula sa mga katiwalian, pagsasamasamang-loob, mga pagsuway, pangangalunya, mga alak, at iba pa sa mga ito, lalaganap ang kasawian sa lahat.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi natitigil ang pagsubok sa lalaking mananampalataya at babaing mananampalataya sa sarili niya, anak niya, at yaman niya, hanggang sa makitagpo siya kay Allāh habang sa kanya ay walang kasalanan."}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām AḥmadNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pagsubok at ang pagsusulit ay hindi nakakalas sa lalaking mananampalataya o babaing mananampalataya sa sarili niya mula sa kalusugan niya at katawan niya; sa mga anak niya mula sa karamdaman o pagpanaw o kasuwailan o iba pa rito; sa yaman niya mula sa karalitaan, pagkawala ng negosyo, pagkanakaw, pagkatumal ng kabuhayan, at kagipitan sa panustos nang sa gayon magtakip-sala si Allāh sa kanya, dahil sa pagsubok na iyon, ng lahat ng mga pagkakasala niya at mga pagkakamali niya nang sa gayon kapag nakipagtagpo siya kay Allāh, siya ay nadalisay na mula sa lahat ng mga pagkakasala at mga kasalanan na nagawa niya.
Ang pagsabi ni Allah-Pagkataas-taas Niya: {Kaya't huwag kayong magtambal ng anupaman kay Allah sapagkat batid ninyo [ang katotohanan]},Nagsabi si Ibn 'Abbās sa talatang ito: Ang kasama Niya:ito ay Ang Pagtatambal,na mas higit na tago mula sa paglalakad ng langgam sa ibabaw ng itim na bato sa kadiliman ng gabi"at ito ay ang pagsasabi mo:Sumpa sa Allah at sa Buhay mo o Pulano at sa buhay ko; At ang pagsasabi mo:Kung hindi lang dahil sa maliit na aso na ito,nakapasok na sa atin ang mga magnanakaw.Kung hindi lang dahil sa Pato,nakapasok na atin ang mga magnanakaw.At ang pagsabi ng isang lalaki sa kasama nito:Dahil sa kapahintulutan ni Allah at sa kapahintulutan mo.At ang pagsabi ng isang lalaki na:Kung hindi lang dahil sa Allah at kay pulano.Huwag mong ilagay rito si pulano;Ang lahat ng mga ito ay Pagtatambal"
Isinalaysay ni Ibnu Abī HatimNagsabi si Allah-Mapagpala Siya at Pagkataas-taas Niya: {Kaya't huwag kayong magtambal ng anupaman kay Allah sapagkat batid ninyo [ang katotohanan]} kaya`t ipinagbawal sa mga tao na gumawa sila sa kanya ng katulad Niya at mga kasama Niya,Pinapalitan nila ang mga bagay mula sa pagsamba sa Kanya.Kahit na alam nila na si Allah ay Nag-iisang Tagapag-likha,at Tagapag-biyaya,At ang mga katambal niyang ito,ay walang kapangyarihan at walang kakayahan,at wala sa kanya [ang kapangyarihan] sa mga bagay-bagay,At ipinaliwanag ni Ibn `Abbas malugod si Allah sa kanya Ang mga Pagtatambal sa Mga Kasamahan,at nabanggit niya ang mga halimbawa sa pagsasagawa rito,At ito ay mas higit na tago mula sa tago ng bakas na paglalakad ng langgam sa ibabaw ng batong makinis na maitim sa kadiliman ng gabi,Pagkatapos ay binanggit niya ang mga halimbawa ng mga ito;At ito ay ang Panunumpa ng liban sa Allah,At ang pinakamalaki rito;ay ang pagpapantay mo sa kanya sa Allah.At sasabihin mo: Sumpa sa Allah at sa buhay ko, o Ang pagtingin mo sa dahilan at hindi ang [gumagawa ] ng dahilan,at hindi ibinabalik ang mga pangyayari sa [kagustuhan ni] Allah,Sasabihin niya:Kung hidni lang dahil sa Aso na ito na nagbabantay sa atin,Napasukan na tayo ng magnanakaw,O sasabihin niyang:Kung hindi lang dahil sa mga pato sa bahay na nagpapaingat sa atin kapag pumasok ang isang taong kakaiba,Napasukan na tayo ng magnanakaw,At kabilang sa Pagtatambal sa Allah; Ang pagsasabi ng isang lalaki sa kasamahan nito na:Dahil sa kapahintulutan ni Allah at sa kapahintulutan mo,at ang pagsasabi niyang: Kung hindi lang dahil sa Allah at kay pulano;Huwag mong ilagay rito si Pulano;Pagkatapos ay pinagtibay niya na ang lahat ng mga ito ay Pagtatambal na maliit,at kapag ang paniniwala ng nagsasabi nito ay;Ang isang o ang Pato o ang Aso,ay siyang nakaka-apekto sa sarili nito liban sa Allah,ito ay [magiging] Malaking Pagtatambal sa Allah.
Ayon kay Ḥudhayfah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Huwag niyong sabihin: Mā shā'a -llāhu WA-shā'a fulān (Ang niloob ni Allāh AT niloob ni Polano), subalit sabihin ninyo: Mā shā'a -llāhu THUMMA shā'a fulān (Ang niloob ni Allāh PAGKATAPOS niloob ni Polano)."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām An-Nasā'īy sa Al-Kubrā, at Imām AḥmadSumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na magsabi ang Muslim sa pananalita niya ng: "Mā shā'a -llāhu WA-shā'a fulān (Ang niloob ni Allāh AT niloob ni Polano)"; o: "Mā shā'a -llāhu WA-fulān (Ang niloob ni Allāh AT ni Polano). Iyon ay dahil ang kalooban ni Allāh at ang pagnanais Niya ay walang-takda at walang nakikilahok sa Kanya rito na isa man. Sa paggamit ng AT sa pagdurugtong ay may pagpaparamdam ng pakikilahok ng isa kay Allāh at pagpapantay sa pagitan ng dalawa Subalit sasabihin niya: "Mā shā'a -llāhu THUMMA shā'a fulān (Ang niloob ni Allāh PAGKATAPOS niloob ni Polano)." Kaya naman ginagawa niya ang kalooban ng tao na kasunod sa kalooban ni Allāh sa pamamagitan ng pagsabi ng: THUMMA (PAGKATAPOS) sa halip ng: WA (AT) dahil ang THUMMA (PAGKATAPOS) ay nagpapahiwatig ng pagpapasunod at pagpapatlang.
Mula kay Abdullah Ibn Mas-ud -Malugod si Allah sa kanya- ay nagsabi: "Ang sumumpa ako sa Allah na nagsisinunggaling mas mabuti sa akin kaysa sumumpa ako maliban sa kanya na marangal".
Isinalaysay ni Ibnu Abī Shaybah - Isinaysay ito ni `AbdurrazzāqSinabi ni Ibn Mas-ud -Malugo si Allah sa kanya-: Ang pagsumpa ko sa Allah na sa kung anuman at ako ay nagsinunggaling sa katotohanan niya mas mainam sa akin kaysa sa pagsumpa ko na maliban sa Allah at ako ay matapat doon; at minamabuti niya ang pagsumpa sa Allah na nagsinunggaling laban sa pagsumpa na maliban sa Allah ng tapat; sa pagkat ang pagsumpa sa Allah sa ganitong pagkakataon ay may magandang Tawheed (monotismo), ay may kasamaan ng pagsinunggaling, at ang pagsumpa maliban sa Allah ng matapat ay may kagandahan ng katapatan at kasamaan ng pagtambal, ang kagandahan ng Tawheed ay mas malaki kaysa kagandahan ng katapatan, at ang kasamaan ng kasinunggalingan ay mas magaan kaysa kasamaan ng pagtatambal
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Talagang susunod nga kayo sa mga kalakaran ng mga kabilang sa bago ninyo nang dangkal sa dangkal at siko sa siko; hanggang sa kung sakaling pumasok sila sa isang lungga ng isang balubid, talagang susunod kayo sa kanila." Nagsabi kami: "O Sugo ni Allāh, ang mga Hudyo ba at ang mga Kristiyano?" Nagsabi siya: "Kaya sino pa?"}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa mangyayari sa kalagayan ng ilan sa Kalipunan niya matapos ng panahon niya. Ito ay ang pakikipagsunuran sa pamamaraan ng mga Hudyo at mga Kristiyano sa mga paniniwala nila, mga gawain nila, mga kinahiratian nila, at mga kaugalian nila sa isang eksaktong matinding pakikipagsunuran nang dangkal sa dangkal at siko sa siko; hanggang sa kung sakaling pumasok sila sa isang lungga ng isang balubid, talagang papasok ang mga ito roon kasunod sa likuran nila.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nag-anyaya tungo sa isang patnubay, magiging ukol sa kanya mula sa pabuya ang tulad ng mga pabuya ng mga sumunod sa kanya, habang hindi nakababawas iyon ng anuman mula sa mga pabuya nila. Ang sinumang nag-anyaya tungo sa isang kaligawan, magiging laban sa kanya mula sa kasalanan ang tulad ng mga kasalanan ng mga sumunod sa kanya, habang hindi nakababawas iyon ng anuman mula sa mga kasalanan nila."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang gumabay, nagturo, at nag-udyok sa mga tao sa isang daan na may katotohanan at kabutihan sa pamamagitan ng pagsabi o paggawa, magiging ukol sa kanya ang tulad ng pabuya sa sinumang sumunod sa kanya nang hindi nakabawas iyon ng anuman mula sa pabuya sa tagasunod. At ang sinumang gumabay at nagturo sa mga tao tungo sa isang daan ng kabulaanan at kasamaan na may pagkakasala at kamalian o utos na hindi napahihintulutan sa pamamagitan ng pagsabi o paggawa, magiging laban sa kanya ang tulad ng pabigat at kasalanan ng sinumang sumunod sa kanya nang hindi nakabawas iyon ng anuman mula sa mga kasalanan nila.
Ayon kay Ibn `Abbas-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Katotohanang nakita niya ang isang lalaking nanginginig,nang marinig niya ang isang Hadith buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- tungkol sa mga Katangian-bilang pagtatanggi sa mga ito-Nagsabi siya; Ano ang nagpapahiwalay sa kanila? Natatagpuan nilang katanggap-tanggap [katanggap-tanggap] sa Muhkamah [talatang ganap na maliwanag],at nasasawi sila sa mga Mutashabihat [talatang hindi lubhang maliwanag]"
Isinalaysay ni Ibnu Abī Aasim - Isinaysay ito ni `AbdurrazzāqItinatanggi ni Ibn `Abbas-malugod si Allah sa kanilang dalawa-sa mga taong dumadalo sa pagpupulong niya mula sa pangkalahatang tao,Nangyayari sa kanila ang pagkatakot kapag naririnig nila mga ilang bagay mula sa pakikipag-usap sa mga katangian [ni Allah] at nangangaligkig sila bilang pagtatanggi sa mga ito.Kaya hindi nila nakakamit ang pananampalatayang nararapat na siyang tunay ,buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagan-At napag-alaman nila ang kahulugan nito mula sa Qur-an na ito ay tunay at hindi nagkakaroon ng pag-aalinlangan rito ang isang mananampalataya,Ngunit ang iba sa kanila ay dinadala ito sa ibang kahulugan nito na siyang hindi nais ipahiwatig ni Allah,kaya masasawi sila dahil rito.
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang pagmamasama ng pangitain ay pagtatambal [kay Allāh]. Ang pagmamasama ng pangitain ay pagtatambal [kay Allāh]. Ang pagmamasama ng pangitain ay pagtatambal [kay Allāh]." Tatlong ulit. Walang kabilang sa atin malibang [nakaranas nito] subalit si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nag-aalis nito sa pamamagitan ng pananalig."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām AḥmadNagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagmamasama ng pangitain. Ito ay ang pagpapalagay ng kasamaan mula sa alinmang bagay, naririnig man o nakikita, gaya ng mga ibon o mga hayop o mga may kapansanan o mga numero o mga araw o iba pa riyan. Binanggit lamang niya ang ibon dahil ito ay ang napatanyag noon sa ganang Panahon ng Kamangmangan. Ang pinag-ugatan nito ay ang pagpapawala ng ibon sa sandali ng pagsisimula sa isang gawain gaya ng paglalakbay o pangangalakal o iba pa riyan. Kaya naman kung lumipad ang ibon sa dakong kanan, magpapalagay ng kabutihan at magpapatuloy sa anumang ninanais; at kung lumipad naman ito sa dakong kaliwa, magpapalagay ng kasamaan at magpipigil sa anumang ninanais. Nagpabatid siya na ito ay pagtatambal. Ang pagpapalagay ng kasamaan ay pagtatambal lamang dahil walang nagdudulot ng kabutihan kundi si Allāh at walang nagtutuloy ng kasamaan kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Bumanggit ang Anak ni Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na may maaaring nasasadlak sa puso ng Muslim na isang bahagi ng pagpapalagay ng kasamaan subalit kailangan sa kanya na magtulak niyon sa pamamagitan ng pananalig kay Allāh kasama ng paggawa ng mga kadahilanan.