





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay `Abdullāh bin Ash-Shikhkhīr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Humayo ako sa delegasyon ng liping `Āmir patungo sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi kami: "Ikaw ay pinapanginoon namin." Kaya nagsabi siya: "Ang Pinapanginoon ay si Allāh." Nagsabi kami: "At ang pinakamainam sa amin sa kainaman at ang pinakadakila sa amin sa kagalantehan." Kaya nagsabi siya: "Magsabi kayo ng hinggil sa sabi ninyo o bahagi ng sabi ninyo at huwag nga gagamit sa inyo ang demonyo."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām AḥmadMay dumating na isang pangkat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Noong nakarating sila sa kanya, nagsabi sila, habang nagbubunyi sa kanya, ng ilan sa mga salitang kinasusuklaman ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagsabi sila: "Ikaw ay pinapanginoon namin." Kaya nasabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kanila: "Ang Pinapanginoon ay si Allāh." Sa Kanya ang ganap na pagkapinapanginoon sa nilikha Niya samantalang sila ay mga alipin Niya. Nagsabi sila: "Ang pinakamainam sa amin sa kainaman at ang pinakamataas sa amin sa antas, dangal, at pamumukod. Ikaw ang pinakadakila sa amin sa kagalantehan at ang pinakamarami sa amin sa pagbibigay, kataasan, at kaangatan." Pagkatapos gumabay sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na magsabi sila ng nakahihiratiang sabi nila, huwag silang magkunwari sa mga pananalita, at huwag humila sa kanila ang demonyo tungo sa pagpapakalabis at pagpapasobra-sobra na nagpapasadlak sa ipinagbabawal na shirk at mga kaparaanan nito.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu: Ipinahayag ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:"Na siya ay darating at magpapatirapa sa Panginoon niya,[Hindi siya magsisimula sa pamamagitan sa una] Pagkatapos ay sasabihin sa kanya: "Itaas mo ang ulo mo,Magsabi ka ay maririnig ito,Humiling ka at ipagkakaloob ito [sa iyo],At mamagitan ka at [tatanggapin ang pamamagitan mo"
Napagkaisahan ang katumpakanDarating ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- sa Araw ng Pagkabuhay,magpapatirapa siya kay Allah,at mananalangin,Pagkatapos ay magpapahintulot si Allah sa kanya sa Dakilang pamamagitan,At sasabihin sa kanya ng Panginoon Niya: Humiling ka at Ipagkakaloob sa iyo,mamagitan ka at [tatanggapin ang pamamagitan mo,ibig sabihin: Ang kahilingan mo ay katanggap-tanggap at ang kahilingan mo ay katanggap-tanggap.
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang umaga ng [pagbato sa Jamrah] Al-`Aqabah habang siya ay lulan ng inahing kamelyo niya: "Mamulot ka para sa akin ng munting bato." Kaya namulot ako para sa kanya ng pitong munting bato, na siyang mga munting batong naipipitik. Nagsimula siyang nag-aalog ng mga ito sa mga kamay niya at nagsasabi siya: "Ang mga tulad ng mga ito ay ibato ninyo." Pagkatapos nagsabi siya: "O mga tao, kaingat kayo sa pagpapalabis sa Relihiyon sapagkat nagpasawi lamang sa mga bago ninyo ang pagpapalabis sa Relihiyon."}
Nagsalaysay nito sina Imām Ibnu Mājah, Imām An-Nasā'īy, at Imām AḥmadNagpapabatid ang Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na siya minsan ay kasama ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) nang Araw ng Pag-aalay nang umaga ng pagbato sa Jamrah Al-`Aqabah sa Ḥajj ng Pamamaalam. Nag-utos siya rito na mamulot para sa kanya ng munting bato para sa mga Jamrah. Kaya namulot ito para sa kanya ng pitong munting bato. Ang isa sa mga ito ay kasing laki ng garbansos o abelyana. Naglagay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga ito sa kamay niya, pagkatapos nagpagalaw-galaw siya ng mga ito at nagsabi: "Ayon sa tulad ng mga ito sa sukat ay magbato kayo." Pagkatapos nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagpapalabis, pagpapakatindi, at paglampas sa hangganan sa mga nauukol sa Relihiyon sapagkat nagpasawi lamang sa mga naunang kalipunan ang paglampas sa hangganan, ang pagpapasobra, at ang pagpapakatindi sa Relihiyon.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang pagkahawa, walang kamalasang nakaugnay sa isang ibon, ni sa isang kuwago, ni sa [buwan ng] Ṣafar. Tumakas ka mula sa ketongin kung paanong tumatakas ka mula sa leyon."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng ilan sa mga nauukol sa Panahon ng Kamangmangan bilang pagbibigay-babala laban sa mga ito at bilang paglilinaw na ang usapin ay nasa kamay ni Allāh at hindi nangyayari ang anuman kundi ayon sa utos Niya at pagtatakda Niya. Ang mga ito ay ang sumusunod: A. Ang mga kampon ng Kamangmangan noon ay nagpapalagay na ang sakit ay lumilipat nang kusa kaya sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa paniniwala ng pagkasalin nang likas ng sakit mula sa maysakit papunta sa iba sapagkat si Allāh ay ang namamatnugot sa Sansinukob at Siya ay ang nagbababa ng karamdaman at nag-aalis nito. Hindi nangyayari iyon kundi dahil sa kalooban Niya at pagtatakda Niya. B. Ang mga kampon ng Kamangmangan noon, kapag lumisan sila para sa isang paglalakbay o isang pangangalakal, ay nagtatabog ng ibon. Kung lumipad ito sa dako ng kanan, nagagalak sila. Kung lumipad naman ito sa dako ng kaliwa, nagtuturing sila ng kasamaan dito at bumabalik sila. Kaya sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagtuturing ng kasamaang ito sa ibon at naglinaw siya na ito ay isang bulaang paniniwala. C. Ang mga kampon ng Kamangmangan noon ay nagsasabi na kapag lumapag ang ibong kuwago sa isang tahanan, may mangyayari sa mga naninirahan dito na isang kasawian. Kaya sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagtuturing ng kasamaan doon. D. Sumaway siya laban sa pagtuturing ng kasamaan sa buwan ng Ṣafar, ang ikalawang buwan ng kalendaryong lunar ng Islām. Sinasabi rin na ang Ṣafar ay isang ahas na nasa tiyan, na dumadapo sa mga hayupan at mga tao. Naggigiit sila na ito ay higit na matindi sa pagkahawa kaysa sa sakit na galis. Kaya sinaway niya ang paniniwalang ito. E. Nag-utos siya ng paglayo sa dinapuan ng sakit na ketong kung paano kang lumalayo sa hayop na leyon. Iyon ay isang pag-iingat para sa sarili, isang paghahangad para rito ng kaligtasan, at isang paggawa ng mga kadahilanan na ipinag-utos ni Allāh. Ang ketong ay isang sakit na naaagnas dahil dito ang mga bahagi ng katawan ng tao.
Isinaysay buhat kay Al-Ḥasan na siya ay nagsabi: "Walang nakalulutas sa panggagaway maliban sa isang manggagaway."
Isinalaysay ni Ibnu Abī Shaybah - Isinaysay ito ni Al-KhattabiyAng panalangin ay kalutasan sa panggagaway. Ang hayagang kahulugan ng salita ni Al-Ḥasan ay ang pagbabawal niyon nang lubusan dahil walang nakakakaya sa paglutas sa panggagaway maliban sa sinumang may kaalaman sa panggagaway. Ito ay maipakakahulugang ang paglutas sa panggagaway ay sa pamamagitan ng isang panggagaway tulad niyon. Ito ay kabilang sa gawain ng demonyo. Dinetalye ni Ibnu Al-Qayyim ang buod nito na ang paglulunas sa ginaway ay sa pamamagitan ng mga gamot na ipinahihintulot., ang pagbigkas ng Qur'ān ay bagay na ipinahihintulot, at ang paglulunas nito sa pamamagitan ng isang panggagaway tulad niyon ay ipinagbabawal.
Ayon kay `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Walang iba ang pitong langit at ang pitong lupa sa palad ng Napakamaawain kundi gaya ng buto ng mustasa sa kamay ng isa sa inyo."
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Jarir - Isinaysay ito ni Adh-Dhahabiy sa Al-Uluw - Isinaysay ito ni Abdullah na anak ni Imām AḥmadIpinababatid sa atin ni Ibnu `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa, sa ulat na ito na ang proporsiyon ng pitong langit at pitong lupa kaalinsabay ng laki ng mga ito kung ihahambing sa palad ni Allah na Napakamaawain ay gaya ng sukat ng maliit na buto ng mustasa sa kamay ng isa sa atin. Iyon ay isang pagwawangis sa isang sukat kung ihahambing sa isa pang sukat, hindi pagwawangis ng isang palad sa iba pang palad dahil si Allah ay hindi maiwawangis sa mga katangian Niya ang anuman gaya ng hindi pagkakawangis ng sarili Niya sa anuman.
Ayon kay Abū Dharr Al-Ghifārīy, malugod si Allah sa kanya: "Walang ipinagkaiba ang luklukan sa paghahambing sa trono kundi gaya ng isang singsing na yari sa bakal na itinapon sa gitna ng malawak na disyerto ng lupa."
Isinalaysay ni Ibnu Abī Shaybah sa Al-Arsh - Isinaysay ito ni Adh-Dhahabiy sa Al-UluwIpinababatid ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa ḥadīth ayon kay Abū Dharr na ang luklukan (kursīy) sa kabila ng lawak nito at laki nito kung ihahambing sa trono (`arsh) ay gaya ng isang singsing na bakal na inilagay sa malapad na disyerto ng lupa. Ito ay nagpapatunay sa kadakilaan ng Tagapaglikha nito at lubos na kakayahan Niya.
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Walang pagkahawa at kamalasang nakaugnay. Nagpapahanga sa akin ang minamabuting turing." Nagsabi sila: "Ano po ang minamabuting turing?" Nagsabi siya: "Ang salitang kaaya-aya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pagkahawa – na pinaniniwalaan ng mga kampon ng Kamangmangan na ang karamdaman daw ay lumilipat sa pamamagitan ng sarili nito papunta sa iba nang walang pagtatakda ni Allāh – ay isang kabulaanan; at na ang kamalasang nakaugnay ay kabulaanan. Ito ay ang pagtuturing ng kasamaan sa alinmang bagay maging naririnig man o nakikita gaya ng mga ibon o mga hayop o mga may kapansanan o mga numero o mga araw o iba pa rito. Binanggit lamang niya ang ibon dahil ito ay ang napatanyag noon sa ganang Panahon ng Kamangmangan. Ang pinag-ugatan nito ay ang pagpapawala ng ibon sa sandali ng pagsisimula sa isang gawain gaya ng paglalakbay o pangangalakal o iba pa rito. Kung lumipad ang ibon sa dako ng kanan magtuturing ng kabutihan at magpapatuloy sa ninanais. Kung lumipad naman ito sa dako ng kaliwa, magtuturing ng kasamaan at magpipigil sa ninanais. Pagkatapos nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagpapahanga sa kanya ang minamabuting turing (optimismo). Ito ay ang anumang nangyayari sa tao na pagkatuwa at pagkagalak mula sa isang kaaya-ayang salitang naririnig niya at gumagawa sa kanya na nagpapaganda ng palagay sa Panginoon niya.
Ayon kay Al-Barā`(malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi kaugnay sa mga Tagaadya (Anṣār}: "Walang umiibig sa kanila kundi isang mananampalataya at walang nasusuklam sa kanila kundi isang mapagpaimbabaw. Ang sinumang umibig sa kanila, iibig sa kanya si Allāh; at ang sinumang namuhi sa kanila, mamumuhi sa kanya si Allāh."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pag-ibig sa mga Tagaadya kabilang sa mga naninirahan sa Madīnah ay tanda ng kalubusan ng pananampalataya. Ito ay dahil sa pangunguna nila sa pag-adya sa Islām at Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) at pagpupunyagi nila sa pagkakanlong sa mga Muslim at pagkakaloob nila ng mga yaman nila at mga sarili nila sa landas ni Allāh, at na ang pagkamuhi sa kanila ay tanda ng pagpapaimbabaw. Pagkatapos naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang umibig sa mga tagaadya, iibig sa kanya si Allāh; at ang sinumang namuhi sa kanila, mamumuhi sa kanya si Allāh.