





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May nagsabing isang lalaki: "O, Sugo ni Allāh, pananagutin ba kami sa anumang ginawa namin sa Panahon ng Kamangmangan?" Nagsabi siya: "Ang sinumang gumawa ng maganda sa [panahon ng] Islām ay hindi pananagutin sa anumang ginawa niya sa Panahon ng Kamangmangan. Ang sinumang gumawa ng masagwa sa [panahon ng Islām] ay pananagutin sa una at huli."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng kainaman ng pagpasok sa Islām; at na ang sinumang umanib sa Islām, gumanda ang pagkaanib niya sa Islām, at naging isang nagpapakawagas na tapat, hindi siya tutuusin sa ginawa niya na mga pagsuway sa Panahon ng Kamangmangan; at ang sinumang nagpasagwa sa pagkaanib sa Islām dahil siya ay naging isang mapagpaimbabaw o tumalikod sa Islām, tutuusin siya sa ginawa niya sa panahon ng kawalang-pananampalataya at sa ginawa niya sa panahon ng pagkaanib sa Islām.
Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya): {Na may isang lalaking nagtanong sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "Nagtuturing ka ba – kapag nagdasal ako ng mga ṣalāh na isinatungkulin, nag-ayuno ako sa Ramaḍān, nagpahintulot ako ng ipinahihintulot at nagbawal ako ng bawal, at hindi ako nagdagdag doon ng anuman – na papasok ba ako sa Paraiso." Nagsabi siya: "Oo." Nagsabi ito: "Sumpa man kay Allāh, hindi ako magdaragdag doon ng anuman."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNaglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagdasal ng limang ṣalāh na isinatungkulin at hindi nagdagdag sa mga ito ng anuman mula sa mga pangkusang-loob na ṣalāh, nag-ayuno sa Ramaḍān at hindi nagkusang-loob [ng ibang ayuno], naniwala sa pagkapahintulot ng ipinahihintulot at ginawa ito, at naniwala sa pagkabawal ng bawal at umiwas rito, papasok siya sa Paraiso.
Ayon kay Abū Mālik Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pagkadalisay ay kalahati ng pananampalataya. Ang [pagsasabi ng:] alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh) ay pupuno sa timbangan [ng mga gawa]. Ang [pagsasabi ng:] subḥāna –llāh (kaluwalhatian kay Allāh) at alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh) ay pupuno sa nasa pagitan ng mga langit at lupa. Ang pagdarasal ay liwanag. Ang kawanggawa ay patotoo. Ang pagtitiis ay tanglaw. Ang Qur'ān ay katwiran para sa iyo o laban sa iyo. Ang bawat isa sa mga tao ay maagang lumilisan saka nagtitinda ng sarili niya kaya nagpapalaya nito o nagpapahamak nito."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang kadalisayan ng nakalantad ay sa pamamagitan ng wuḍū' at ghusl at ito ay isang kundisyon sa ṣalāh. Ang pagsasabi ng: "alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh)" ay pumupuno ng timbangan. Ang pagbubunyi sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya) at ang paglalarawan sa Kanya ng kalubusan ay titimbangin sa Araw ng Pagbangon saka pupuno sa timbangan ng mga gawa. Ang pagsasabi ng: "subḥāna –llāh (kaluwalhatian kay Allāh) at alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh)" – ang pagpapawalang-kinalaman kay Allāh sa bawat kakulangan at ang paglalarawan sa Kanya ng ganap na pagkalubos na naaangkop sa kapitaganan sa Kanya kasama ng pag-ibig sa Kanya at pagdakila sa Kanya – pupuno sa nasa pagitan ng mga langit at lupa. "Ang pagdarasal ay liwanag" ay para sa tao sa puso niya, sa mukha niya, sa libingan niya, at sa pagkalap sa kanya. "Ang kawanggawa ay patotoo" at patunay sa katapatan ng pananampalataya ng mananampalataya at pagkakaiba niya sa mapagpaimbabaw na nagpipigil nito dahil sa pagiging siya ay hindi naniniwala sa ipinangako rito. "Ang pagtitiis ay tanglaw" – ang pagpipigil ng sarili laban sa pagkaligalig at pagkainis – at liwanag na nagtatamo rito ng kainitan at pagsunog, gaya ng tanglaw ng araw, dahil ito ay mahirap at nangangailangan ng pakikibaka sa sarili at pagpigil dito sa pinipithaya nito. Kaya naman hindi tumitigil ang nagtataglay nito na nagpapatanglaw, na napapatnubayan, na nagpapatuloy sa tama. Ito ay pagtitiis sa pagtalima kay Allāh at laban sa pagsuway sa Kanya, at pagtitiis sa mga kasawiang-palad at mga uri ng mga kinasusuklaman sa Mundo. "Ang Qur'ān ay katwiran para sa iyo" sa pamamagitan ng pagbigkas nito at paggawa ayon dito o "laban sa iyo" sa pamamagitan ng pag-iwan nito nang walang paggawa o pagbigkas. Pagkatapos nagpabatid siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang lahat ng mga tao ay nagpupunyagi, naglilipana, bumabangon mula sa pagkatulog, at lumalabas ng mga bahay nila para sa mga magkakaiba-ibang gawain. Mayroon sa kanila na nagpapakatuwid sa pagtalima kay Allāh kaya naman magpapalaya siya sa sarili niya mula sa impiyerno at mayroon sa kanila na nalilihis palayo roon at nasasadlak sa mga pagsuway kaya naman magpapahamak siya sa sarili niya dahil sa pagpasok nito sa Impiyerno.
Ayon kay Mu`ādh (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Minsan ako ay angkas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang asno na tinatawag na `Ufayr saka nagsabi siya: "O Mu`ādh, nakaaalam ka ba sa karapatan ni Allāh sa mga lingkod Niya at kung ano ang karapatan ng mga lingkod kay Allāh?" Nagsabi ako: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maaalam." Nagsabi siya: "Tunay na ang karapatan ni Allāh sa mga lingkod ay na sumamba sila sa Kanya at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman at ang karapatan ng mga lingkod kay Allāh ay na hindi Siya magparusa sa sinumang hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman." Kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, kaya hindi ba ako magbabalita nito sa mga tao?" Nagsabi siya: "Huwag kang magbalita sa kanila para hindi sila sumalig."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng karapatan ni Allāh sa mga lingkod at karapatan ng mga lingkod kay Allāh, na ang karapatan ni Allāh sa mga lingkod ay na sumamba sila sa Kanya at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman, at na ang karapatan ng mga lingkod kay Allāh ay na hindi Siya magparusa sa mga Muwaḥḥid na hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman. Pagkatapos tunay na si Mu`ādh ay nagsabi: "O Sugo ni Allāh, hindi po ba ako magbabalita sa mga tao upang matuwa sila at magalak sila sa kabutihang-loob na ito?" Sumaway sa kanya ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) dala ng takot na umasa sila roon.
Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na isang lalaki saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, ano po ang dalawang tagapag-obliga?" Kaya nagsabi siya: "Ang sinumang namatay nang hindi nagtatambal kay Allāh ng anuman ay papasok sa Paraiso at ang sinumang namatay nang nagtatambal kay Allāh ng anuman ay papasok sa Impiyerno."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimMay nagtanong na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa dalawang katangian na nag-oobliga ng pagpasok sa Paraiso at nag-oobliga ng pagpasok sa Impiyerno. Sumagot ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang katangian na nag-oobliga ng Paraiso ay na mamatay ang tao habang ito ay sumasamba kay Allāh – tanging sa Kanya – at hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman at na ang katangian na nag-oobliga ng Impiyerno ay na mamatay ang tao habang ito ay nagtatambal kay Allāh ng anuman sapagkat gumagawa ito para kay Allāh ng kaagaw at katulad sa pagkadiyos Niya o pagkapanginoon Niya o sa mga pangalan Niya at mga katangian Niya.
Ayon kay Sufyān bin `Abdillāh Ath-Thaqafīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ako: "O Sugo, ni Allāh, magsabi ka sa akin kaugnay sa Islām ng isang masasabing hindi ako makapagtatanong tungkol doon sa isang iba pa sa iyo." Nagsabi siya: "Magsabi ka: Sumampalataya ako kay Allāh, pagkatapos magpakatuwid ka."}
Nagsalaysay nito sina Imām Muslim at Imām AḥmadHumiling ang Kasamahang si Sufyān bin `Abdillāh Ath-Thaqafīy (malugod si Allāh sa kanya) sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na magturo ito sa kanya ng isang masasabing tagatipon ng mga kahulugan ng Islām, na panghahawakan niya at hindi niya maitatanong sa iba pa sa kanya. Kaya nagsabi sa kanya ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan): "Sabihin mo: Naniniwala ako sa kaisahan ni Allāh at sumampalataya ako na Siya ay ang Panginoon ko, ang Diyos ko, ang Tagalikha ko, at ang totoong sinasamba ko – walang katambal sa Kanya. Pagkatapos magpapaakay siya sa pagtalima kay Allāh sa pamamagitan ng pagganap sa mga tungkulin kay Allāh at pagwaksi sa mga ipinagbabawal ni Allāh at magpapatuloy siya sa mga ito.
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay magtatangi ng isang lalaki kabilang sa Kalipunan ko sa mga harap ng mga nilikha sa Araw ng Pagbangon, saka maglalatag doon ng siyamnapu't siyam na talaan, na bawat talaan ay tulad ng layo ng abot ng paningin. Pagkatapos magsasabi Siya: "Nagkakaila ka ba mula rito ng anuman? Lumabag ba sa katarungan sa iyo ang tagasulat Ko na mga tagapag-ingat?" Kaya magsasabi ito: "Hindi, O Panginoon ko." Kaya magsasabi Siya: "Kaya mayroon ka bang isang maidadahilan?" Kaya magsasabi ito: "Wala, O Panginoon ko." Kaya magsasabi Siya: "Bagkus tunay na mayroon ka sa ganang Amin na isang magandang gawa. Kaya naman tunay na walang kawalang-katarungan sa iyo sa araw na ito." Kaya may lalabas na isang tarheta na may nasaad dito na: "Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya." Saka magsasabi Siya: "Magdala ka ng timbang mo." Kaya magsasabi ito: "O Panginoon ko, ano ang tarhetang ito kasama ng mga talaang ito?" Kaya nagsabi Siya: "Tunay na ikaw ay hindi lalabagin sa katarungan." Kaya ilalagay ang mga talaan sa isang sahuran [ng timbangan] at ang tarheta sa isang sahuran [ng timbangan], saka gagaan ang mga talaan at bibigat ang tarheta sapagkat walang bumibigat higit sa ngalan ni Allāh na anuman.}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Ibnu MājahNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na tunay na si Allāh ay pipili ng isang lalaki kabilang sa Kalipunan niya sa mga harap ng mga nilikha sa Araw ng Pagbangon, na tatawagin upang tuusin, kaya may ilalahad sa kanya na siyamnapu't siyam na talaan, na mga pahina ng mga masagwang gawa niya na ginagawa niya noon sa Mundo. Ang haba ng bawat talaan ay tulad ng layo ng abot ng paningin. Pagkatapos magsasabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa lalaking ito: "Nagkakaila ka ba ng anuman mula sa nakasulat sa mga talaang ito? Lumabag ba sa katarungan sa iyo ang mga anghel Ko na mga tagapag-ingat na mga tagasulat?" Kaya magsasabi ang lalaki: "Hindi, O Panginoon ko." Kaya magsasabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): "Kaya mayroon ka bang isang maidadahilan na maipandadahilan mo mula sa ipinauna mo na mga gawain sa Mundo, kabilang sa pagiging iyon ay isang pagkalingat o isang pagkakamali o isang kamangmangan?" Kaya magsasabi ang lalaki: "Wala, O Panginoon ko; wala akong maidadahilan." Kaya magsasabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): "Bagkus tunay na mayroon ka sa ganang Amin na isang magandang gawa. Tunay na walang kawalang-katarungan laban sa iyo sa araw na ito." Kaya may maglalabas ng isang tarheta na may nasaad dito na: "Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya." Saka magsasabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa lalaking ito: "Ilahad mo ang timbangan mo." Kaya magsasabi naman ang lalaki habang nagugulat: "O Panginoon ko! Ano ang timbang ng tarhetang ito kasama ng mga talaang ito?" Kaya magsasabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): "Walang magaganap sa iyo na kawalang-katarungan." Nagsabi siya: "Kaya ilalagay ang mga talaan sa isang sahuran [ng timbangan] at ang tarheta sa isang sahuran [ng timbangan], saka gagaan ang sahuran na naroon ang mga talaan at kikiling at bibigat ang sahuran na naroon ang tarheta, saka magpapatawad si Allāh sa kanya."
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya), ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: {Noong nilikha ni Allāh ang Paraiso at ang Impiyerno, isinugo Niya si [Anghel] Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) sa Paraiso saka nagsabi Siya: "Tumingin ka roon at sa inihanda Ko para sa mga maninirahan doon." Kaya naman tumingin ito roon saka bumalik ito saka nagsabi ito: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, walang makaririnig hinggil doon na isa man malibang papasok doon." Kaya nag-utos Siya hinggil doon saka pinaligiran iyon ng mga pahirap saka nagsabi Siya: "Pumunta ka roon saka tumingin ka roon at sa inihanda Ko para sa mga maninirahan doon." Kaya tumingin ito roon saka walang anu-ano iyon ay pinaligiran na ng mga pahirap saka nagsabi ito: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, talaga ngang natakot ako na walang makapasok doon na isa man." Nagsabi Siya: "Pumunta ka saka tumingin ka sa Impiyerno at sa inihanda Ko para sa mga maninirahan doon." Kaya tumingin ito roon saka walang anu-ano pumapatong ang isa sa bahagi [ng apoy] niyon sa isa pang bahagi kaya bumalik ito saka nagsabi ito: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, walang papasok doon na isa man." Kaya nag-utos Siya hinggil doon saka pinaligiran iyon ng mga ninanasa saka nagsabi Siya: "Bumalik ka roon saka tumingin ka roon." Kaya tumingin ito roon saka walang anu-ano iyon ay pinaligiran ng mga ninanasa kaya bumalik ito at nagsabi ito: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, talaga ngang natakot ako na walang makaligtas mula roon na isa man malibang papasok doon."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā'īyNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh, noong nilikha Niya ang Paraiso at ang Impiyerno, ay nagsabi kay Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga): "Pumunta ka sa Paraiso saka tumingin ka roon." Kaya naman pumunta ito roon, pagkatapos bumalik ito. Saka nagsabi si Anghel Gabriel: "Oo, Panginoon ko. Sumpa man sa kapangyarihan Mo, walang nakaririnig hinggil dito na isa man at hinggil sa anumang naroon na kaginhawahan, mga parangal, at mga kabutihan malibang iibig siya na pumasok doon at gagawa siya alang-alang doon." Pagkatapos nilipos ni Allāh ang Paraiso at pinalibutan ito ng mga pahirap at mga mahirap gawin na pagsasagawa ng mga ipinag-uutos at pag-iwas sa mga sinasaway. Kaya kailangan sa sinumang nagnais na pumasok doon na lampasan ang mga pahirap. Pagkatapos nagsabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): "O Gabriel, pumunta ka saka tumingin ka sa Paraiso matapos na pinalibutan ito ng mga pahirap." Kaya pumunta siya saka tumingin doon, pagkatapos bumalik siya saka nagsabi: "Oo, Panginoon ko. Sumpa man sa kapangyarihan Mo, nangangamba ako na hindi makapasok doon ang isa man dahilan sa mga hirap at mga kasawiang-palad na nasa daan niyon." Noong nilikha ni Allāh ang Impiyerno, nagsabi Siya: "O Gabriel, pumunta ka saka tumingin ka roon." Kaya pumunta siya at tumingin doon. Pagkatapos bumalik si Gabriel saka nagsabi: "Oo, Panginoon ko. Sumpa man sa kapangyarihan Mo, walang nakaririnig na isa man hinggil sa naroon na pagdurusa, mga dalamhati, at mga pagpaparusang nagsisilbing aral malibang masusuklam na pumasok doon at lalayo sa mga kadahilanan niyon." Pagkatapos nilipos ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ang Impiyerno at nilagyan Niya ang landas tungo roon ng mga ninanasa at mga minamasarap. Pagkatapos nagsabi Siya: "O Gabriel, pumunta ka saka tumingin ka roon." Kaya pumunta si Gabriel saka tumingin doon. Pagkatapos bumalik siya saka nagsabi: "Oo, Panginoon ko. Sumpa man sa kapangyarihan Mo, talaga ngang natakot ako, nangamba ako, at nabagabag ako na walang maligtas mula roon na isa man dahil sa nasa paligid niyon na mga ninanasa at mga minamasarap.
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Sumulat si Allāh ng mga itinakda sa mga nilikha limampung libong taon bago Niya nilikha ang mga langit at ang lupa." Nagsabi Siya: At ang trono Niya ay nasa ibabaw ng tubig.}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh ay sumulat ng magaganap mula sa mga itinakda sa mga nilikha nang may pagdedetalye gaya ng buhay, kamatayan, panustos, at iba pa roon sa Tablerong Pinag-iingatan limampung libong taon bago Niya nilikha ang mga langit at ang lupa. Ang mga ito ay magaganap alinsunod sa itinadhana ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Ang bawat anumang mangyayari ay ayon sa pagtatadhana ni Allāh at pagtatakda Niya. Kaya ang anumang tumama sa tao ay hindi naging ukol na magmintis sa kanya at ang anumang nagmintis sa kanya ay hindi naging ukol na tumama sa kanya.