





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Napahamak ang mga nagpapakasukdulan!" Nagsabi siya nito nang tatlong ulit.}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa kabiguan at kalugihan ng mga nagpapakatindi – sa iba pa sa patnubay at kaalaman – sa buhay panrelihiyon nila at buhay pangmundo nila at sa mga sinasabi nila at mga ginagawa nila, na mga lumalampas dahil sa mga ito sa legal na hangganan na inihatid ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ayon kay Ibnu Abbās malugod si Allah sa kanilang dalawa-Sa sinabi ni Allah-Pagkataas-taas Niya:(( At sila ay nagsipag-usapan sa isa't-isa:"Huwag ninyong tatalikdan ang inyong mga diyos,gayundin ay huwag ninyong iiwan sina Wādd,Suwā,Yāguth,Yā'uq at Nasr)) Sinabi niya; Ito ay mga pangalan ng mga mabubuting kalalakihan mula sa pamayanan ni Propeta Nūh,at nang sila ay naglaho,ibinulong ni Satanas sa pamayanan nila na gumawa sila ng rebulto sa inuupuan nila,sa lugar na kung saan ay naka-upo rito ang mga rebulto at tatawagin nila ito sa mga pangalan nila,at ginawa nila,Ngunit hindi ito sinamba,hanggang sa tuluyan silang nalipon,at naglaho narin ang kaalaman,at sinamba nila ito(mga rebulto)
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyBinibigyang kahulugan ni Ibni Abbas-malugod si Allah sa kanilang dalawa-sa marangal na talata na ito,Na tunay na ang mga Diyos na ito na binanggit ni Allah-pagkataas-taas Niya-Na ang mga pamayanan ni Propeta Nuh ay nangaral sa isat-isa sa pagpapatuloy sa pagsamba rito pagkatapos silang pagbawalan ng propeta nila na si Nuh-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pagtatambal kay Allah-Tunay na sa panimula nito ay karainwang mga pangalan ng mabubuting kalalakihan mula sa kanila,minahal nila ito ng lubos dahil sa pag-akit ni Satanas sa kanila, hanggang sa nagtayo sila ng Larawan nila, Nagbago ang kanilang mga gawain dahil sa larawan na ito, hanggang sa tuluyang ito ay naging rebulto na sinsamba,maliban kay Allah.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagpalugit sa nagigipit o nagpatawad sa utang nito, maglililim sa kanya si Allāh sa Araw ng Pagbangon sa ilalim ng lilim ng trono Nito, sa Araw na walang lilim kundi ang lilim Nito."}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām AḥmadNagpabatid ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na ang sinumang nag-antabay sa isang nagkakautang o bumawas para rito ng pagkakautang nito, ang gantimpala sa kanya ay na si Allāh ay maglililim sa kanya sa ilalim ng trono Nito sa Araw ng Pagbangon, na lalapit doon ang araw mula sa mga ulo ng mga tao at titindi sa kanila ang init niyon. Kaya hindi makatatagpo ang isa ng isang lilim kundi ang sinumang nililiman ni Allāh.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagnanais si Allāh sa kanya ng isang kabutihan, magpapatama Siya [rito ng pagsubok] mula sa Kanya."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh, kapag nagnais Siya sa isa sa mga mananampalatayang lingkod Niya ng isang kabutihan, susubok Siya sa kanila sa mga sarili nila, mga ari-arian nila, at mag-anak nila ng nangyayari rito sa mananampalataya na pagdulog sa Kanya sa pamamagitan ng pagdalangin, pagtatakip-sala sa mga masagwang gawa, at pag-angat sa mga antas.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Hayaan ninyo ako sa anumang iniwan ko sa inyo. Nasawi lamang ang mga bago ninyo dahil sa pagtatanong nila at pagsalungat nila sa mga propeta nila. Kaya kapag sumaway ako sa inyo laban sa isang bagay, iwasan ninyo ito; at kapag nag-utos ako sa inyo ng isang utos, gawin ninyo mula rito ang makakaya ninyo."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoBumanggit ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga patakarang pambatas ay nasa tatlong bahagi: mga ipinanahimik, mga sinasaway, at mga inuutos. A. Ang bagay na nanahimik ang kapahayagan tungkol dito yayamang walang kahatulan at na ang pangunahing panuntunan sa mga bagay ay ang kawalan ng pagsasatungkulin. Hinggil naman sa panahon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kinakailangan ang magwaksi ng pagtatanong tungkol sa isang bagay na hindi naganap, sa takot na magbaba rito ng isang pagsasatungkulin o isang pagbabawal sapagkat tunay na si Allāh ay nag-iwan nito bilang awa sa mga lingkod. Hinggil naman sa matapos ng kamatayan niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kung ang pagtatanong ay sa paraan ng paghiling ng fatwā o pagtuturo ng kinakailangan mula sa nauukol sa Relihiyong Islām, ito ay pinapayagan; bagkus ipinag-uutos. Kung ito naman ay sa anyo ng pangungulit at pagkukunwari, ito ang tinutukoy ng pagwaksi sa pagtatanong sa ḥadīth na ito. Iyon ay dahil ito ay maaaring mauwi sa tulad ng naganap sa propeta ng mga anak ni Israel noong inutusan sila na magkatay ng isang baka sapagkat kung sakaling nagkatay sila ng alinmang baka, talagang nakasunod sana sila subalit sila ay naghigpit kaya hinigpitan sila. B. Ang mga sinasaway. Ang mga ito ay ang ginagantimpalaan ang tagawaksi nito at pinarurusahan ang tagagawa nito kaya naman kinakailangan ang pag-iwas sa mga ito sa kabuuan ng mga ito. C. Ang mga inuutos. Ang mga ito ay ang ginagantimpalaan ang tagagawa nito at pinarurusahan at ang tagawaksi nito kaya naman kinakailangan na gumawa mula rito sa abot ng kakayahan.
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa), ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa isinalaysay niya ayon sa Panginoon niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) na nagsabi: {Nagsabi siya: "Tunay si Allāh ay nagtakda ng mga magandang gawa at mga masagwang gawa, pagkatapos naglinaw Siya niyon. Ang sinumang nagbalak ng isang magandang gawa saka hindi ito nakagawa niyon, magsusulat niyon si Allāh para rito sa ganang Kanya bilang isang magandang gawa; ngunit kung ito ay nagbalak niyon saka nakagawa niyon, magsusulat si Allāh niyon para rito sa ganang Kanya bilang sampung magandang gawa hanggang sa pitong daang ibayo hanggang sa maraming ibayo. Ang sinumang nagbalak ng isang masagwang gawa saka hindi ito nakagawa niyon, magsusulat si Allāh niyon para rito sa ganang Kanya bilang isang buong magandang gawa; ngunit kung ito ay nagbalak niyon saka nakagawa niyon, magsusulat si Allāh niyon para rito bilang iisang masagwang gawa."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglilinaw ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh ay nagtakda ng mga magandang gawa at mga masagwang gawa, pagkatapos naglinaw sa dalawang anghel kung papaano silang dalawa magsusulat nito. Kaya ang sinumang nagnais, nagpakay, at nagpasya sa paggawa ng magandang gawa, isusulat iyon para kanya bilang iisang magandang gawa, kahit pa hindi siya nakagawa nito; ngunit kung nagawa niya ito, tunay na ito ay pag-iibayuhin [sa gantimpala] sa sampung tulad nito hanggang sa pitong daang ibayo hanggang sa maraming ibayo. Ang karagdagan ay alinsunod sa nasa puso na pagpapakawagas, pagsalin ng pakinabang, at tulad niyon. Ang sinumang nagnais, nagpakay, at nagpasya sa paggawa ng masagwang gawa pagkatapos nagwaksi siya nito alang-alang kay Allāh, isusulat iyon para sa kanya bilang iisang magandang gawa. Kung nakawaksi siya nito dala ng pagkalingat dito kasabay ng hindi paggawa ng mga kadahilanan nito, hindi magsusulat para sa kanya ng anuman. Kung nakawaksi siya nito dala ng kawalang-kakayahan dito, itatala sa kanya ang layunin niya. Kung nakagawa siya nito, magsusulat para sa kanya ng iisang masagwang gawa.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay hindi tumitingin sa mga anyo ninyo ni sa mga ari-arian ninyo subalit tumitingin Siya sa mga puso ninyo at mga gawa ninyo."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNaglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) ay hindi tumitingin sa mga anyo ng mga tao at mga katawan nila kung ito ba ay marikit o kapula-pula at kung ito ba ay malaki o maliit, o malusog o maysakit? Hindi Siya tumitingin sa mga ari-arian nila kung ang mga ito ba ay marami o kaunti? Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) ay hindi nagpapanagot sa mga lingkod Niya at hindi nagtutuos sa kanila sa mga bagay na ito at pagkakaibahan nila sa mga ito. Subalit tumitingin Siya sa mga puso nila at nasa loob ng mga ito na pangingilag magkasala, katiyakan, katapatan, pagpapakawagas, o pagpapakay ng pagpapakitang-tao at pagpaparinig sa tao. Tumitingin Siya sa mga gawa nila sa punto ng kaayusan ng mga ito at kasiraan ng mga ito saka naggagantimpala Siya at gumaganti Siya sa mga ito.
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Samantalang kami ay nakaupo sa tabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang araw, biglang may sumulpot sa amin na isang lalaking matindi ang kaputian ng mga kasuutan, na matindi ang kaitiman ng buhok, na hindi nakikita rito ang bakas ng paglalakbay, na walang nakakikilala rito na isa man sa amin, hanggang sa naupo ito paharap sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), saka nagsandal ito ng mga tuhod nito sa mga tuhod niya, at naglagay ito ng mga kamay nito sa ibabaw ng mga hita nito. Nagsabi ito: "O Muḥammad, magpabatid ka sa akin tungkol sa Islām." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang Islām ay na sumaksi ka na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, magpanatili ka ng ṣalāh, magbigay ka ng zakāh, mag-ayuno ka sa Ramaḍān, at magsagawa ka ng ḥajj sa Bahay [ni Allāh] kung nakaya mo [na magkaroon] papunta roon ng isang daan." Nagsabi ito: "Nagsabi ka ng totoo." Kaya nagulat kami rito; nagtatanong ito sa kanya at nagpapatotoo ito sa kanya. Nagsabi ito: "Saka magpabatid ka sa akin tungkol sa Īmān." Nagsabi siya: "Na sumampalataya ka kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, sa mga sugo Niya, sa Huling Araw, at sa pagtatakda: sa mabuti nito at masama nito." Nagsabi ito: "Saka magpabatid ka sa akin tungkol sa Iḥsān." Nagsabi siya: "Na sumamba ka kay Allāh na para bang ikaw ay nakakikita sa Kanya ngunit kung hindi ka man nakakikita sa Kanya, tunay na Siya ay nakakikita sa iyo." Nagsabi ito: "Saka magpabatid ka sa akin tungkol sa Huling Sandali?" Nagsabi siya: "Ang tinatanong tungkol dito ay hindi higit na maalam kaysa sa nagtatanong." Nagsabi ito: "Saka magpabatid ka sa akin tungkol sa mga palatandaan nito." Nagsabi siya: "Na manganak ang babaing alipin ng amo niya, at na makakita ka sa mga nakayapak, na mga nakahubad, na mga naghihikahos, na mga pastol ng mga tupa, na nagpapataasan sa [pagpapatayo ng] gusali." Nagsabi [si `Umar]: "Pagkatapos lumisan ito at nanatili naman kami nang saglit." Nagsabi [ang Sugo]: "O `Umar, nakaaalam ka ba kung sino ang nagtatanong?" Nagsabi ako: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maalam." Nagsabi siya: "Tunay na siya ay si Gabriel; pumunta siya sa inyo na nagtuturo sa inyo ng relihiyon ninyo."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpapabatid si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na si Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) ay pumunta sa mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) sa isang anyo ng isang lalaking hindi nakikilala. Kabilang sa mga pagkakalarawan sa kanya na ang mga kasuutan niya ay matindi ang kaputian at ang buhok niya ay matindi ang kaitiman, na hindi nakikita sa kanya ang bakas ng paglalakbay na pagkalitaw ng pagod at alikabok, pagkagulu-gulo ng buhok, at pagkarumi ng mga kasuutan. Walang nakakikilala sa kanya na isa man sa mga naroroon habang sila ay mga nakaupo sa piling ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Naupo siya sa harapan ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) nang pag-upo ng mag-aaral, saka nagtanong siya rito tungkol sa Islām. Sumagot naman ito sa kanya hinggil sa mga haliging ito, na naglalaman ng pagkilala sa pamamagitan ng Dalawang Pagsaksi, pangangalaga sa pagsasagawa ng limang dasal, pagbibigay ng zakāh sa mga karapat-dapat dito, pag-aayuno sa buwan ng Ramaḍān, at pagganap ng tungkulin na ḥajj para sa nakakakaya. Nagsabi naman ang tagapagtanong: "Nagsabi ka ng totoo." Kaya nagtaka ang mga Kasamahan sa tanong niya, na nagpapahiwatig ng tila bang kawalan ng pagkakaalam niya pagkatapos pagpapatotoo niya. Pagkatapos nagtanong ang Anghel sa kanya tungkol sa Īmān, kaya sumagot siya hinggil sa anim na haliging ito na naglalaman ng sumusunod: 1. ang pananampalataya sa kairalan ni Allāh at mga katangian Niya at pagbubukod-tangi sa Kanya sa mga gawain Niya gaya ng paglikha at pagbubukod-tangi sa Kanya sa pagsamba; 2. ang pananampalataya na ang mga anghel na nilikha ni Allāh mula sa isang liwanag ay mga lingkod na pinararangalan, na hindi sumusuway kay Allāh at ayon sa utos Niya ay gumagawa sila; 3. ang pananampalataya sa mga kasulatan na pinababa sa mga sugo mula sa ganang kay Allāh, gaya ng Qur'ān, Torah, Ebanghelyo, at iba pa sa mga ito; 4. ang pananampalataya sa mga sugong tagapagpaabot buhat kay Allāh ng Relihiyon Niya, na kabilang sa kanila sina Noe, Abraham, Moises, Jesus, Muḥammad na kahuli-hulihan sa kanila, at ang iba pa sa kanila kabilang sa mga propeta at mga sugo; 5. ang pananampalataya sa Huling Araw, na napaloloob dito ang anumang matapos ng kamatayan gaya ng mangyayari sa libingan, buhay sa Barzakh, pagbuhay sa tao matapos ng kamatayan at pagtutuos sa kanya, at kahahantungan ng tao na maaaring Paraiso o Impiyerno; at 6. ang pananampalataya na si Allāh ay nagtakda ng mga bagay alinsunod sa nauna hinggil dito ang kaalaman Niya, ang kahilingan ng karunungan Niya, ang pagkakasulat Niya niyon, ang kalooban Niya roon, at ang pagkaganap nito alinsunod sa itinakda Niya rito at nilikha Niya para rito. Pagkatapos nagtanong ang Anghel sa Propeta tungkol sa Iḥsān kaya nagpabatid ito sa kanya na ang Iḥsān ay na sumamba siya kay Allāh na para bang siya ay nakakikita sa Kanya ngunit kung hindi naisasakatotohanan sa kanya ang pagkaabot sa katayuang ito, sambahin niya si Allāh na para bang si Allāh ay nanunuod sa kanya; kaya ang una ay ang katayuan ng pagkakita, na siyang pinakamataas, at ang ikalawa ay ang antas ng pagsasaalang-alang. Pagkatapos nagtanong ang Anghel sa Propeta kung kailan ang Huling Sandali. Kaya naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang kaalaman sa Huling Sandali ay kabilang sa nagsolo si Allāh sa kaalaman dito, kaya naman hindi nakaaalam dito ang isa man kabilang sa nilikha: hindi ang tinatanong tungkol dito at hindi ang tagapagtanong. Pagkatapos nagtanong ang Anghel sa Propeta tungkol sa mga tanda ng Huling Sandali kaya naglinaw ito na kabilang sa mga tanda niyon ang pagdami ng mga aliping babae at mga anak nila o ang pagdami ng kasuwailan ng mga anak sa mga ina nila, na nagtatrato sa kanila gaya ng pagtrato sa mga babaing alipin; at na ang mga pastol ng tupa at ang mga maralita ay paririwasain sa Mundo sa wakas ng panahon kaya magpapayabangan sila sa pagpapalamuti ng mga gusali at pagpapatayo ng mga ito. Pagkatapos nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang tagapagtanong ay si Anghel Gabriel, na dumating para magturo sa mga Kasamahan ng Makatotoong Relihiyong ito.
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagpauso kaugnay sa nauukol sa aming ito ng anumang hindi kaugnay rito, iyon ay tatanggihan." – Napagkaisahan sa katumpakan at batay naman kay Imām Muslim –: "Ang sinumang gumawa ng isang gawaing hindi batay dito ang nauukol sa amin, iyon ay tatanggihan."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang umimbento sa Relihiyon o gumawa ng isang gawaing hindi pinatutunayan ng isang patunay mula sa Qur'ān at Sunnah, iyon ay ibabalik sa tagagawa nito, hindi tatanggapin sa ganang kay Allāh.