





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay ,'Udayy bin Hātim- malugod si Allāh sa kanya.-"Katotohanang narinig niya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na binabasa niya ang talatang ito:{ Sila [mga Hudyo at Kristiyano] ay tumangkilik sa kanilang mga Ahbar [maalam na tao sa Relihiyon] at sa kanilang mga monako [pari], bilang kanilang Panginoon maliban pa kay Allah,At sila rin ay [nagtaguri bilang kanilang Panginoon] ang Mesiyas na anak ni Maria,samantalang walang ipinag-utos sa kanila maliban sa sambahin nila ang Nag-iisang Panginoon,Wala ng ibang Diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya,Ang Kaluwalhatian ay sa Kanya; mula sa lahat ng katambal na itinataguri [sa pagsamba sa Kanya]} Sinabi ko sa kanya: Tunay na kami ay hindi sumasamba sa kanila.Nagsabi siya: Hindi ba`t ipinagbabawal nila ang mga bagay na ipinahihintulot ni Allah,at ipinagbabawal din ninyo ang mga ito? At ipinahihintulot nila ang mga bagay ng ipinagbabawal ni Allah,at ipinahihintulot din ninyo ito? Sinabi kong: Oo,Nagsabi siya: Ito ang [pamamaraan] ng pagsamba nila"
Isinaysay ito ni At-TirmidhīyNang marinig ng marangal na kasamahan ng Propetang ito ang pagbabasa ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa talatang ito,kung saan ay napapaloob rito ang kapahayagan sa mga Hudyo ay Kristiyano: Na ang mga maalam sa relihiyon nila at ang mga mapagsamba sa kanila,ay ginawa nilang Panginoon nila,isinasabatas nila ang mga bagay na sumasalungat sa batas ni Allah,at pinaniniwalaan nila ang mga ito.Nag-alinlangan siya sa kahulugan nito;Dahil inaakala niya, na ang pagsamba ay sa pamamaraan lamang ng pagpapatirapa at sa mga katulad nito.Kaya ipinahayag sa kanya ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ang kabilang sa pagsamba ng mga taong maalam sa relihiyon at mga monako [pari],ay ang paniniwala sa kanila sa paagbabawal sa mga bagay na ipinahintulot at pagpapahintulot sa mga bagay na ipinagbawal,bilang pagsuway sa batas ni Allah-pagkataas-taas Niya- at sa Sugo niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang ) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Mu`ādh bin Jabal nang nagpadala siya rito sa Yemen: "Tunay na ikaw ay pupunta sa mga taong may kasulatan. Kaya kapag dumating ka sa kanila, mag-anyaya ka sa kanila na sumaksi sila na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh. Kaya kung sila ay tumalima sa iyo roon, magpabatid ka sa kanila na si Allāh ay nagsatungkulin nga sa kanila ng limang pagdarasal sa bawat araw at gabi. Kaya kung sila ay tumalima sa iyo roon, magpabatid ka sa kanila na si Allāh ay nagsatungkulin nga sa kanila ng isang kawanggawang kinukuha mula sa mga mayaman nila saka ibinabalik sa mga maralita nila. Kaya kung sila ay tumalima sa iyo roon, kaingat ka sa mamahalin sa mga ari-arian nila at mangilag ka sa panalangin ng inaapi sapagkat tunay na walang tabing sa pagitan nito at ni Allāh."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNoong nagsugo ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Mu`ādh bin Jabal (malugod si Allāh sa kanya) sa bayan ng Yemen bilang tagapag-anyaya tungo kay Allāh at bilang tagapagturo, naglinaw siya rito na ito ay makikipagharap sa mga taong kabilang sa mga Kristiyano upang siya ay maging nasa isang paghahanda para sa kanila, pagkatapos upang magsimula siya sa pag-aanyaya sa kanila sa pinakamahalaga saka sa pinakamahalaga. Mag-aanyaya siya sa kanila tungo sa pagsasaayos ng paniniwala, una sa lahat, sa pamamagitan ng pagsaksi nila na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh dahil sila sa pamamagitan nito ay papasok sa Islām. Kaya kapag nagpaakay sila roon, mag-uutos siya sa kanila ng pagpapanatili ng pagdarasal dahil ito ay pinakadakila sa mga tungkulin matapos ng Tawḥīd. Kaya kapag nagpanatili sila ng pagdarasal, mag-uutos siya sa mga mayaman nila ng pagbibigay ng zakāh ng mga yaman nila sa mga maralita nila. Pagkatapos nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kanya laban sa pagkuha ng pinakamainam sa yaman dahil ang tungkulin ay ang katamtaman. Pagkatapos nagtagubilin ito sa kanya ng pag-iwas sa pang-aapi upang hindi dumalangin laban sa kanya ang inaapi sapagkat tunay na ang panalangin nito ay tinutugon.
Ayon kay Jaber-malugod si Allah sa kanya-Na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay tinanong sa paggamot ng [ng sinumang tinamaan ng itim na karunungan]? Nagsabi siya: Ito ay kabilang sa mga gawain ni Satanas
Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadNa ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay tinanong sa paggamot ng tinamaan ng itim na karunungan sa pamamaraan na [nakasanayang] ginagawa sa panahon ng Kamangmangan,tulad ng [paggagamot] sa itim na karunungan gamit ang itim na karunungan,ano ang hatol doon,Sinagot niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ito ay kabilang sa mga gawain ni Satanas o pamamaraan niya,at ito ay Pagtatambal na ipinagbabawal [ng Allah],Ngunit ang paggagamot [sa itim na karunungan] na ipipahintulot,ay ang pagkalas sa itim na karunungan sa pamamagitan ng Dasal na bulong [sa pamamaraan ng Islam] o ang paghahanap rito at pagkalas rito gamit ang kamay na may kasamang pagbabasa ng Qura-an o paggamot na ipinapahintulot.
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Huwag kayong magpalabis sa pagpuri sa akin, gaya ng pagpapalabis sa pagpuri ng mga Kristiyano sa Anak ni Maria, sapagkat ako lamang ay alipin Niya. Kaya sabihin ninyo: Ang Alipin ni Allāh at ang Sugo Niya."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīySumasaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagpapalabis at paglampas sa legal na hangganan sa pagbubunyi sa kanya at paglalarawan sa kanya ng mga paglalarawan kay Allāh (napakataas Siya) at mga gawain Niyang natatangi sa Kanya, o na siya raw ay nakaaalam sa nakalingid o dinadalanginan kasama kay Allāh gaya ng ginawa ng mga Kristiyano kay Jesus na anak ni Maria (sumakanya ang pangangalaga). Pagkatapos naglinaw siya na siya ay isang alipin kabilang sa mga alipin ni Allāh at nag-utos siya na magsabi tayo tungkol sa kanya: Ang Alipin ni Allāh at ang Sugo ni Allāh.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya), na siya ay nagsabi: {Sinabi: "O Sugo ni Allāh, sino po ang pinakamaligaya sa mga tao dahil sa Pamamagitan mo sa Araw ng Pagbangon?" Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Talaga ngang nagpalagay ako, O Abū Hurayrah, na walang magtanong sa akin tungkol sa usapang ito na isa man na una kaysa sa iyo dahil sa nakita ko na sigasig mo sa usapan. Ang pinakamaligaya sa mga tao dahil sa Pamamagitan ko sa Araw ng Pagbangon ay ang sinumang nagsabi na: 'Walang Diyos kundi si Allāh' nang wagas mula sa puso niya o sarili niya."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyNagpapabatid ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakamaligaya sa mga tao dahil sa Pamamagitan niya sa Araw ng Pagbangon ay ang sinumang nagsabi na: "Walang Diyos kundi si Allāh" nang wagas mula sa puso nito. Ibig sabihin: "Walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh," at na maging ligtas ito mula sa Shirk at pagpapakitang-tao.
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ: "Ang sinumang hinadlangan sa [pagtamo ng] pangangailangan niya ng minamasamang pangitain ay nakagawa nga ng pagtatambal [kay Allāh]." Nagsabi sila: "Kaya ano po ang panakip-sala roon?" Nagsabi siya: "Na sabihin mo: Allāhumma lā khayra illā khayruka wa lā ṭayra illā ṭayruka wa lā ilāha ghayruka (O Allāh, walang kabutihan maliban sa kabutihan Mo, walang masamang pangitain maliban sa masamang pangitain Mo, at walang Diyos bukod pa sa Iyo)."
Isinaysay ito ni Imām AḥmadIpinababatid sa atin ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa ḥadīth na ito na ang sinumang hinadlangan ng masamang pangitain sa pagpapatuloy sa anumang napagpasyahan niya, tunay na siya ay nakagawa ng isang uri ng Shirk. Noong tinanong siya ng mga Kasamahan niya tungkol sa panakip-sala sa malaking kasalanang ito, ginabayan niya sila sa mga marangal na pararilang ito sa ḥadīth na naglalaman ng pagpapaubaya ng kapakanan kay Allāh at nga pagkakaila ng kapangyarihan sa iba pa sa Kanya.
Ayon kay `Ubādah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang sumaksi na walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: nang walang katambal sa Kanya; na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya; na si Jesus ay lingkod ni Allāh, sugo Niya, salita Niya na ipinarating Niya kay Maria, at isang espiritu mula sa Kanya; at [sumaksi na] ang Paraiso ay totoo at ang Impiyerno ay totoo; magpapapasok sa kanya si Allāh sa Paraiso ayon sa anumang [nasa kanya] na gawa."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid sa atin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang bumigkas ng Pangungusap ng Tawḥīd habang nakakikilala sa kahulugan nito, habang gumagawa sa hiling nito sumaksi sa pagkamananamba ni Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mensahe niya; kumilala sa pagkamananamba ni Jesus, at mensahe niya, at na si Allāh ay lumikha sa kanya sa pamamagitan ng pagsabi ng: "Mangyari" saka nangyari naman, na siya ay isang espiritu kabilang sa mga espiritu na nilikha ni Allāh, at naniwala sa kainosentehan ng ina niya laban sa inuugnay rito ng mga Hudyo, at sumampalataya na ang Paraiso ay totoo at na ang Impiyerno ay totoo, na naniniwala sa kairalan ng dalawang ito, at na ang dalawang ito ay kaginhawahan at pagdurusang idudulot ni Allāh; at namatay ayon doon; ang kahahantungan niya ay tungo sa Paraiso kahit pa siya noon ay nagkukulang sa mga pagtalima at mayroon siyang mga pagkakasala.
Ayon kay Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang nakipagtagpo kay Allāh habang hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman ay papasok sa Paraiso at ang sinumang nakipagtagpo kay Allāh habang nagtatambal sa Kanya ng anuman ay papasok sa Impiyerno."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang namatay habang hindi siya nagtatambal kay Allāh ng anuman, ang kahahantungan niya ay tungo sa Paraiso, kahit pa pagdusahin siya dahil sa ilan sa mga pagkakasala niya; at na ang sinumang namatay habang siya ay nagtatambal kay Allāh ng anuman, pamamaligihin siya sa Impiyerno.
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang pangungusap at nagsabi ako ng isang iba naman. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang namatay habang siya ay dumadalangin sa iba pa kay Allāh na isang kaagaw, papasok siya sa Impiyerno." Nagsabi ako mismo: "Ang sinumang namatay habang siya ay hindi dumadalangin sa isang kaagaw kay Allāh, papasok siya sa Paraiso."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid sa atin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagbabaling ng anuman, kabilang sa kinakailangan na maging ukol kay Allāh, sa iba pa sa Kanya, gaya ng pagdalangin sa iba pa kay Allāh (napakataas Siya) o pagpapatulong sa iba pa sa Kanya, at namatay sa gayon, tunay na siya ay kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno. Nagdagdag si `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na ang sinumang namatay habang siya ay hindi nagtatambal kay Allāh ng anuman, tunay na ang kahahantungan niya ay tungo sa Paraiso.