





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Allāh, huwag Mong gawin ang libingan ko bilang isang diyus-diyusan." Sumumpa si Allāh sa mga taong gumawa sa mga libingan ng mga propeta nila bilang mga sambahan.}
Nagsalaysay nito si Imām AḥmadDumalangin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Panginoon niya na huwag gawin ang libingan niya tulad ng anito na sinasamba ng mga tao dahil sa pagdakila sa kanya at pagharap sa kanya sa pagpapatirapa. Pagkatapos nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh ay nagpalayo at nagtaboy mula sa awa Nito ng sinumang gumawa sa mga libingan ng mga propeta bilang mga dasalan dahil ang paggawa sa mga ito bilang mga dasalan ay isang maipandadahilan tungo sa pagsamba sa mga ito at paniniwala kaugnay sa mga ito.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, siya ay nagsabi: "Tunay na ang bigat ng ganti ay kaalinsabay ng bigat ng pagsubok at tunay na si Allah, pagkataas-taas Niya, kapag umibig sa mga tao, ay sumusubok sa kanila. Kaya ang sinumang nalugod, ukol sa kanya ang lugod; at ang sinumang nayamot, ukol sa kanya ay ang pagkayamot."
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-TirmidhīyIpinababatid sa atin ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa ḥadīth na ito na ang Mananampalataya ay maaaring dapuan ng mga kasawian sa sarili niya o ari-arian niya o iba pa roon. Si Allah ay maggagantimpala sa kanya dahil sa mga kasawiang iyon kapag siya ay nagtiis. Sa tuwing bumibigat ang kasawian at bumibigat ang panganib nito, bumibigat ang gantimpala nito mula kay Allah. Pagkatapos ay nililinaw ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na ang mga kasawian ay bahagi ng mga tanda ng pag-ibig ni Allah sa Mananampalataya, at na ang pagtatadhana ni Allah at ang pagtatakda Niya ay matutupad, hindi maiiwasan. Subalit ang sinumang nagtiis at nalugod, tunay na si Allah ay maggagantimpala sa kanya dahil doon sa pamamagitan ng pagkalugod sa kanya at magbibigay sa kanya ng sapat na gantimpala. Ang sinumang nayamot at nasuklam sa pagtatadhana ni Allah at pagtatakda Niya, tunay na si Allah ay mayayamot sa kanya at magbibigay sa kanya ng sapat na kaparusahan.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagsabi si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas): Ako ay ang pinakawalang-pangangailangan sa mga katambal sa pagtatambal. Ang sinumang gumawa ng isang gawa na nagtambal siya rito kasama sa Akin ng iba pa sa Akin, mag-iiwan Ako sa kanya kasama ng pagtatambal niya."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) ay nagsabi na Siya ay ang pinakawalang-pangangailangan sa mga katambal sa pagtatambal sapagkat Siya ang Walang-pangangailangan sa bawat bagay; at na ang tao, kapag gumawa siya ng isang gawang kabilang sa mga pagtalima at gumawa nito para kay Allāh at para sa iba pa kay Allāh, mag-iiwan sa kanya si Allāh, hindi tatanggap niyon mula sa kanya, at magbabalik nito sa tagagawa nito. Kaya kinakailangan ang pagpapakawagas sa gawain para kay Allāh (napakataas Siya) dahil Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay hindi tumatanggap kundi ng anumang naging wagas na ukol sa marangal na mukha Niya.
Ayon kay Jundub (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) limang [araw] bago siya mamatay habang siya ay nagsasabi: "Tunay na ako ay nagpapawalang-kaugnayan sa harap ni Allāh na magkaroon ako kabilang sa inyo ng isang matalik na kaibigan sapagkat tunay na si Allāh (napakataas Siya) ay gumawa sa akin bilang matalik na kaibigan gaya ng paggawa Niya kay Abraham bilang matalik na kaibigan. Kung sakaling ako ay gagawa mula sa Kalipunan ko ng isang matalik na kaibigan, talaga sanang gumawa ako kay Abū Bakr bilang matalik na kaibigan. Pansinin at tunay na ang kabilang sa mga bago ninyo noon ay gumagawa sa mga libingan ng mga propeta nila at mga maayos na tao nila bilang mga sambahan. Pansinin, kaya huwag kayong gumawa sa mga libingan bilang mga sambahan. Tunay na ako ay sumasaway sa inyo laban doon."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa katayuan niya sa ganang kay Allāh (napakataas Siya) at na ito ay umabot sa pinakamataas sa mga antas ng pag-ibig gaya ng pagkatamo nito ni Abraham (sumakanya ang pangangalaga). Dahil doon, nagkaila siya na magkaroon siya ng isang matalik na kaibigan na iba pa kay Allāh dahil ang puso niya ay napuno ng pag-ibig, pagdakila, at pagkakilala kay Allāh (napakataas Siya) kaya hindi nakasasaklaw ito sa isang iba pa kay Allāh. Kung sakaling nagkaroon siya ng isang matalik na kaibigan kabilang sa nilikha, talaga sanang ito ay si Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh sa kanya). Pagkatapos nagbigay-babala siya laban sa paglampas sa hangganang pinapayagan sa pag-ibig gaya ng ginawa ng mga Hudyo at mga Kristiyano sa mga libingan ng mga propeta nila at mga maayos na tao nila hanggang sa nagbigay-anyo sila sa mga ito bilang mga diyos na pampagano na sinasamba bukod pa kay Allāh at nagpatayo sila sa ibabaw ng mga libingan ng mga ito ng mga sambahan at mga templo. Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunan niya na gumawa sila ng tulad ng ginawa ng mga iyon.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay naninibugho. Tunay na ang mananampalataya ay naninibugho. Ang paninibugho ni Allāh ay na gumawa ang mananampalataya ng ipinagbawal Niya rito."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh ay naninibugho, namumuhi, at nasusuklam kung paanong ang mananampalataya ay naninibugho, namumuhi, at nasusuklam; at na ang kadahilanan ng paninibugho ni Allāh ay na gumawa ang mananampalataya ng ipinagbawal ni Allāh dito na mga kahalayan gaya ng pangangalunya, sodomiya, pagnanakaw, pag-inom ng alak, at iba pa sa mga ito kabilang sa mga kahalayan.
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang ): {Siya ay nakarinig ng isang lalaking nagsasabi: "Hindi; sumpa man sa Ka`bah." Kaya nagsabi ang Anak ni `Umar: "Huwag kang manumpa sa iba pa kay Allāh sapagkat tunay na ako ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: Ang sinumang nanumpa sa iba pa kay Allāh, tumanggi nga siyang sumampalataya o nagtambal nga siya."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām AḥmadNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nanumpa sa iba pa kay Allāh at sa iba pa sa mga pangalan Nito at mga katangian Nito, tumanggi nga siyang sumampalataya kay Allāh o nagtambal nga siya dahil ang panunumpa ay humihiling ng pagdakila sa pinanunumpaan at ang kadakilaan ay tanging ukol kay Allāh – tanging sa Kanya. Kaya naman walang panunumpa kundi kay Allāh at sa mga pangalan Niya at mga katangian Niya (kaluwalhatian sa Kanya). Ang panunumpang ito ay kabilang sa Maliit na Shirk subalit kung sakaling ang nanunumpa ay nagdakila sa pinanunumpaan niya gaya ng pagdakila kay Allāh (napakataas Siya) o higit na matindi, sa sandaling iyon ito ay nagiging kabilang sa Malaking Shirk.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang pinakamabigat na ṣalāh sa mga mapagpaimbabaw ay ang ṣalāh sa gabi at ang ṣalāh sa madaling-araw. Kung sakaling nakaaalam sila sa [gantimpala sa] dalawang ito, talaga sanang pumunta sila sa dalawang ito kahit pa man pagapang. Talaga ngang nagbalak ako na mag-utos [na magsagawa] ng ṣalāh saka magsagawa ng iqamāh, pagkatapos mag-utos ako sa isang lalaki saka mamuno ito sa ṣalāh sa mga tao, pagkatapos lumisan ako na may kasama sa akin na mga lalaking may mga bigkis ng panggatong patungo sa mga taong hindi dumadalo sa ṣalāh saka manunog ako sa kanila ng mga bahay nila sa apoy."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa mga mapagpaimbabaw at pagtatamad-tamaran nila sa pagdalo sa ṣalāh, lalo na sa ṣalāh sa madaling-araw (fajr) at ṣalāh sa gabi (`ishā'), na sila, kung sakaling nakaaalam sa sukat ng pabuya at gantimpala sa pagdalo sa dalawang ito kasama ng konggregasyon ng mga Muslim, ay talaga sanang pumunta sila sa dalawang ito kahit pa man pagapang gaya ng paggapang ng bata sa pamamagitan ng mga kamay at mga tuhod. Talaga ngang nagpasya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na mag-utos magsagawa ng ṣalāh saka magsasagawa ng iqamāh at magtatalaga ng isang lalaki na mamumuno sa ṣalāh sa mga tao sa halip niya, pagkatapos lilisan siya nang may kasama sa kanya na mga magpapasan ng mga bigkis ng panggatong patungo sa mga lalaking hindi dumadalo sa ṣalāh sa konggregasyon saka manununog siya sa kanila ng mga bahay nila sa apoy dahil sa tindi ng nagawa nila na kasalanan dahil doon, subalit siya ay hindi gumawa niyon dahil sa mga bahay ay may mga babae, mga batang inosente, at iba pa sa kanila na mga mapagpapaumanhinan, na wala namang pagkakasala sa mga ito.
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Tunay na kabilang sa pinakamasasama sa mga tao ang mga maaabutan ng Huling Sandali habang sila ay mga buhay at ang mga gumagawa sa mga libingan bilang mga sambahan."}
Nagsalaysay nito si Imām AḥmadNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pinakamasasama sa mga tao, na sila ay ang sasapitan ng Huling Sandali habang sila ay mga buhay at ang mga gumagawa sa mga libingan bilang mga sambahan, na nagdarasal sa tabi ng mga iyon o paharap sa mga iyon.
Ayon kay Maḥmūd bin Labīd (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Tunay na ang pinakapinangangambahan sa pinangangambahan ko para sa inyo ay ang Maliit na Pagtatambal." Nagsabi sila: "Ano po ang Maliit na Pagtatambal, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang pagpapakitang-tao. Magsasabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa kanila sa Araw ng Pagbangon kapag gagantihan ang mga tao sa mga gawa nila: Pumunta kayo sa kanila na kayo noon ay nagpapakitang-tao sa Mundo, saka tumingin kayo kung makatatagpo kaya kayo sa piling nila ng isang ganti."}
Nagsalaysay nito si Imām AḥmadNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang higit sa anumang pinangangambahan niya para sa Kalipunan niya ay ang Maliit na Pagtatambal. Ito ay ang pagpapakitang-tao sa pamamagitan ng paggawa dahil sa mga tao. Pagkatapos nagpabatid siya tungkol sa kaparusahan ng mga tagapagpakitang-tao sa Araw ng Pagbangon sa pamamagitan ng pagsabi sa kanila: "Pumunta kayo sa kanila na kayo noon ay gumagawa alang-alang sa kanila, saka tumingin kayo kung makapangyayari kaya sila sa paggantimpala sa inyo at pagkakaloob ng pabuya sa inyo sa gawang iyon."