





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abu Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Magkakaroon sa wakas ng Kalipunan ko ng mga taong magsasanaysay sa inyo ng [ḥadīth na] hindi nakarinig kayo ni ang mga magulang ninyo, kaya naman kaingat kayo sa kanila."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na may lilitaw na mga tao sa wakas ng Kalipunan niya, na gagawa-gawa ng kasinungalingan at magsasabi ng hindi sinabi ng isa kabilang sa mga taong bago nila, saka magpapabatid sila ng mga ḥadīth na ipinagsinungaling at ginawa-gawa. Kaya naman nag-utos sa atin ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na lumayo tayo sa kanila, huwag tayong makisalamuha sa kanila, at huwag tayong makinig sa mga ḥadīth nila upang hindi makintal ang ginawa-gawang ḥadīth na iyon sa mga sarili para mawalang-kakayahan tayo sa pagwaksi niyon.
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Ako noon ay nagsusulat ng bawat bagay na naririnig ko mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na ninanais kong isaulo, ngunit sumaway sa akin ang liping Quraysh. Nagsabi sila: "Nagsusulat ka ba ng bawat bagay na naririnig mo mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) samantalang ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay isang taong nagsasalita sa [sandali ng] galit at lugod?" Kaya nagpigil ako sa pagsusulat saka bumanggit ako niyon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagpahiwatig siya ng daliri niya sa bibig niya saka nagsabi: "Sumulat ka sapagkat sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, walang lumalabas mula rito kundi totoo."}
Nagsalaysay nito si Imām Abū DāwudNagsabi si `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanya): "Ako noon ay nagsusulat ng bawat bagay na naririnig ko mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) upang magsaulo ako nito sa pamamagitan ng pagsusulat, ngunit may sumaway sa akin na mga lalaking kabilang sa liping Quraysh. Nagsabi sila: "Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay isang taong nagsasalita sa [sandali ng] lugod at galit at maaaring magkamali siya." Kaya naman tumigil ako sa pagsusulat. Nagpabatid ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa sinabi nila, kaya tumuro siya ng daliri niya sa bibig niya saka nagsabi siya: "Sumulat ka sapagkat sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, walang lumalabas mula rito kundi totoo sa bawat kalagayan at sa lugod at galit." Nagsabi nga si Allāh tungkol sa Propeta Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan): {3. Hindi siya bumibigkas ayon sa pithaya. 4. Walang iba ito kundi isang kasi na ikinakasi sa kanya.} (Qur'ān 53:3-4)
Ayon kay Wāthilah bin Al-Asqa`, malugod si Allah sa kanya: "Tunay na kabilang sa pinakasukdulan sa mga kabulaanan ay na mag-angkin ang tao [na anak daw siya] ng hindi niya ama, o [magpanggap na] ipinakita sa mata niya ang hindi niya nakita, o magsabi tungkol sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng hindi nito sinabi."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyTunay na kabilang sa pinakamatinding kasinungalingan kay Allah, pakataas-taas Niya, ay na iugnay ng tao ang sarili niya sa hindi totoong ama niya, o iugnay ng isang [tao ang sarili bilang anak daw] ng hindi naman niya ama at kilalanin naman ito iyon. Ito ay kabilang sa pinakamatindi sa mga uri ng kasinungalingan. Tunay na kabilang sa pinakasukdulang kasinungalingan at pinakamatindi sa ganang kay Allah, pagkataas-taas Niya, na mag-angkin ang tao na nakakita raw siya sa panaginip ng isang bagay na hindi naman talaga niya nakita. Tunay na kabilang sa pinakasukdulang kasinungalingan at pinakamatindi sa ganang kay Allah, pagkataas-taas Niya, din na mag-ugnay sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng isang salita o gawain o pagsang-ayon gayong hindi natagpuan ito mula sa kanya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.
Ayon kay Abū `Abdirraḥmān `Abdullāh bin `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Itinayo ang Islām sa lima: pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, pagpapanatili sa ṣalāh, pagbibigay ng zakāh, [pagsasagawa ng] ḥajj, at pag-aayuno sa Ramaḍān."}
Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām MuslimIwinangis ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang Islām sa isang estrukturang matibay sa pamamagitan ng limang haligi nitong nagdadala ng gusaling iyon. Ang nalalabi sa mga kakanyahan ng Islām ay gaya ng panlubos ng gusali. Ang kauna-unahan sa mga haliging ito ay ang Dalawang Pagsaksi: ang pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, na iisang haliging hindi nakakakalas ang isa sa dalawang ito sa isa pa. Bumibigkas ang tao ng dalawang ito habang kumikilala sa kaisahan ni Allāh at pagkakarapat-dapat Niya sa pagsamba – tanging Siya bukod sa iba sa Kanya – habang gumagawa sa hinihiling nito, at habang sumasampalataya sa mensahe ni Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang sumusunod sa kanya. Ang Ikalawang Haligi: Ang Pagpapanatili sa Ṣalāh. Ito ay ang limang ṣalāh na isinatungkulin sa araw at gabi: ang fajr (madaling-araw), ang ḍ̆uhr (tanghali), ang `aṣr (hapon), ang maghrib (paglubog ng araw), at ang `ishā' (gabi) kalakip ng mga kundisyon ng mga ito, mga haligi ng mga ito, at mga kinailangan sa mga ito. Ang Ikatlong Haligi: Ang Pagpapalabas ng Zakāh na Isinatungkulin. Ito ay isang pagsambang pampananalapi na kinakailangan sa bawat yaman na umabot sa isang halagang tinakdaan sa Batas ng Islām, na ibinibigay sa mga karapat-dapat dito. Ang Ikaapat na Haligi: Ang Ḥajj. Ito ay ang pagsasadya sa Makkah para sa pagsasagawa ng mga gawaing pangsamba bilang pagpapakamananamba kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Ang Ikalimang Haligi: Ang Pag-aayuno sa Ramaḍān. Ito ay ang pagpipigil sa pagkain, pag-inom, at iba pa sa dalawang ito kabilang sa mga tagapagpatigil-ayuno, nang may layunin ng pagpapakamananamba kay Allāh, mula sa pagsapit ng madaling-araw hanggang sa paglubog ng araw.
Ayon kay Abū `Abdirraḥmān `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsanaysay sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at siya ang nagtototoo at ang pinatotohanan: "Tunay na ang [bawat] isa sa inyo ay tinitipon ang paglikha sa kanya sa tiyan ng ina niya nang apatnapung araw bilang isang patak. Pagkatapos siya ay nagiging isang malalinta tulad [ng yugtong] iyon. Pagkatapos siya ay nagiging isang kimpal na laman tulad [ng yugtong] iyon. Pagkatapos nagsusugo si Allāh sa kanya ng anghel saka umiihip ito sa kanya ng espiritu at inuutusan ito ng [pagsulat ng] apat na pangungusap: ng pagsulat ng panustos niya, taning niya, gawain niya, at [lagay niya kung] malumbay o maligaya. Kaya sumpa man kay Allāh na walang Diyos na iba pa sa Kanya, tunay na ang [bawat] isa sa inyo ay talagang gagawa ayon sa gawain ng mga maninirahan sa Paraiso hanggang sa walang nagiging nasa pagitan niya at niyon kundi isang siko, ngunit makauuna sa kanya ang nakasulat kaya gagawa siya ayon sa gawain ng mga maninirahan sa Impiyerno kaya papasok siya roon; at tunay na ang [bawat] isa sa inyo ay talagang gagawa ayon sa gawain ng mga maninirahan sa Impiyerno hanggang sa walang nagiging nasa pagitan niya at niyon kundi isang siko, ngunit makauuna sa kanya ang nakasulat kaya gagawa siya ayon sa gawain ng mga maninirahan sa Paraiso kaya papasok siya roon."}
Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām MuslimNagsabi si Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): Nagsanaysay sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) – at siya ang nagtototoo at ang pinatotohanan – yayamang nagpatotoo sa kanya si Allāh (napakataas Siya). Nagsabi siya: "Tunay na ang [bawat] isa sa inyo ay tinitipon ang paglikha sa kanya." Iyon ay dahil ang lalaki, kapag nakipagtalik sa maybahay niya, ang nagkahiwa-hiwalay na punlay niya ay tinitipon sa tiyan ng babae nang apatnapung araw bilang isang patak. Pagkatapos siya ay magiging isang malalinta. Ito ay ang dugong malapot na namuo. Ito ay sa ikalawang apatnapung araw. Pagkatapos siya ay magiging isang kimpal na laman. Ito ay isang piraso ng laman na kasing laki na nangunguya. Ito ay sa ikatlong apatnapung araw. Pagkatapos isusugo ni Allāh sa kanya ang anghel, saka mag-iihip ito sa kanya ng espiritu matapos ng pagwawakas ng ikatlong apatnapung araw. Uutusan ang anghel na magsulat ng apat na pangungusap. Ang mga ito ay ang panustos sa kanya, ang sukat ng tatamuhin niya na mga biyaya sa buhay niya; ang taning niya, ang haba ng pamamalagi niya sa Mundo; ang gawain niya, kung ano ito; at ang pagiging miserable o maligaya. Pagkatapos sumumpa ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang isa ay talagang gumagawa ayon sa gawain ng mga maninirahan sa Paraiso at ang gawain niya ay nagiging maayos, ibig sabihin: sa lumilitaw sa mga tao. Nananatili siyang gayon hanggang sa walang maging nasa pagitan niya at ng Paraiso kundi [distansiyang] isang siko. Ibig sabihin: Walang natitira sa pagitan niya at ng pag-abot niya roon kundi gaya ng sinumang ang natira sa pagitan nito at ng isang lugar sa lupa ay [distansiyang] isang siko, ngunit mananaig sa kanya ang nakasulat at ang itinakda sa kanya. Kaya sa sandaling iyon gagawa siya ng gawain ng mga maninirahan sa Impiyerno saka magpapawakas para sa kanya rito kaya papasok siya sa Impiyerno. dahil ang kundisyon ng pagtanggap sa gawain niya ay magpakatatag siya rito at hindi magpalit. May iba naman sa mga tao na gagawa ng mga gawain ng mga maninirahan sa Impiyerno hanggang sa nalapit siya sa pagpasok doon. Para bang sa pagitan niya at ng Impiyerno ay distansiya ng isang siko sa lupa, ngunit mananaig sa kanya ang nakasulat at ang itinakda sa kanya kaya gagawa siya ng gawain ng mga maninirahan sa Paraiso at papasok siya sa Paraiso.
Ayon sa Ina ng mga Mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagpauso kaugnay sa nauukol sa aming ito ng hindi bahagi nito, ito ay tatanggihan."} Sa isang salaysay batay kay Imām Muslim: "Ang sinumang gumawa ng isang gawaing hindi ayon dito ang utos namin, ito ay tatanggihan."
Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām MuslimNaglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang umimbento sa Relihiyon o gumawa ng isang gawaing hindi pinatutunayan ng isang patunay mula sa Qur'ān at Sunnah, iyon ay ibabalik sa tagagawa nito, hindi tatanggapin sa ganang kay Allāh.
Ayon kay Abū Hurayrah `Abdirraḥmān bin Ṣakhr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinaway ko sa inyo ay iwasan ninyo at ang ipinag-utos ko sa inyo ay gawin ninyo mula rito ang makakaya ninyo sapagkat napahamak lamang ang mga bago pa ninyo dahil sa dami ng mga pagtatanong nila at pagsalungat nila sa mga propeta nila."}
Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām MuslimNaglinaw sa atin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya, kapag sumaway siya sa atin laban sa isang bagay, ay nag-oobliga sa atin ng pag-iwas nito nang walang pagtatangi; at kapag nag-utos siya sa atin ng isang bagay, ay kailangan sa atin na gumawa tayo mula rito ng makakayanan natin. Pagkatapos nagbigay-babala siya sa atin nang sa gayon hindi tayo maging gaya ng ilan sa mga kalipunang nauna noong dinalasan nila ang mga tanong sa mga propeta nila kasama ng pagsalungat nila sa mga iyon kaya naman pinarusahan sila ni Allāh sa pamamagitan ng mga uri ng kapahamakan at pagkawasak. Kaya nararapat na hindi tayo maging tulad nila nang sa gayon hindi tayo mapahamak kung paanong napahamak sila.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay Kaaya-aya, na hindi tumatanggap kundi ng kaaya-aya. Tunay na si Allāh ay nag-utos sa mga mananampalataya ng iniutos Niya sa mga isinugo sapagkat nagsabi Siya (napakataas Siya): {O mga sugo, kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang bagay at gumawa kayo ng maayos. Tunay na Ako sa anumang ginagawa ninyo ay Maalam.} (Qur'ān 23:51) at nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {O mga sumampalataya, kumain kayo mula sa mga kaaya-aya na itinustos sa inyo.} (Qur'ān 2:172) Pagkatapos binanggit niya ang lalaki – na nagpapahaba ng paglalakbay, na nagulo [ang buhok], na naalikabukan, na nag-uunat ng mga kamay niya papunta sa langit – [habang nananalangin]: "O Panginoon ko, O Panginoon ko," samantalang ang kinakain niya ay bawal, ang iniinom niya ay bawal, ang isinusuot niya ay bawal, na pinakakain sa bawal, kaya paanong tutugunin siya roon?"}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh ay Kaaya-aya, na Kabanal-banalan, na pinawalang-kaugnayan sa mga kakulangan at mga kapintasan, na nailalarawan sa mga kakumpletuhan, at hindi tumatanggap mula sa mga ginagawa, mga sinasabi, at mga paniniwala kundi ang naging kaaya-aya, ang wagas ukol kay Allāh, ang sumasang-ayon sa patnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Hindi nararapat na magpakalapit-loob kay Allāh kundi sa pamamagitan niyon. Kabilang sa pinakadakila na ipinantatamo ng kaayahan ng mga gawain para sa mananampalataya ang kaayahan ng kinakain niya, na ito ay maging mula sa ipinahihintulot sapagkat sa pamamagitan niyon bumubusilak ang gawa niya. Dahil dito, nag-utos si Allāh sa mga mananampalataya ng iniutos Niya sa mga isinugo na pagkain ng ipinahihintulot at paggawa ng mga maayos sapagkat nagsabi Siya (Qur'ān 23:51): {O mga sugo, kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang bagay at gumawa kayo ng maayos. Tunay na Ako sa anumang ginagawa ninyo ay Maalam.} at nagsabi pa Siya (Qur'ān 2:172): {O mga sumampalataya, kumain kayo mula sa mga kaaya-aya na itinustos sa inyo.} Pagkatapos nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pagkain ng bawal na nakasisira sa gawa at pumipigil sa pagkatanggap nito gaano man nagkaloob ng mga panlabas na kadahilanan ng pagtanggap, na kabilang sa mga ito: 1. Ang pagpapahaba ng paglalakbay sa mga uri ng mga pagtalima gaya ng ḥajj, pakikibaka, pagpapanatili ng ugnayan sa kaanak, at iba pa roon. 2. Nagkagulu-gulo ang buhok dahil sa kawalan ng pagkasuklay nito, na nag-iba ang kulay niya at ang kulay ng kasuutan niya dahil sa alikabok, kaya siya ay nagigipit. 3. Nag-aangat siya ng mga kamay niya tungo sa langit sa panalangin. 4. Nagsusumamo kay Allāh sa pamamagitan ng mga pangalan Niya at nangungulit doon: "O Panginoon, O Panginoon!" Sa kabila ng mga kadahilanang ito para sa pagsagot sa panalangin, hindi ito dininig para sa kanya. Iyon ay dahil ang kinakain niya, ang iniinom niya, at ang isinusuot niya ay bawal. Binuhay sa bawal, malayong tumugon sa sinumang ito ang katangian niya at papaanong tutugon sa kanya?
Ayon kay Abu Al-`Abbās `Abdillāh bin `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Ako minsan ay nasa likuran ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang araw saka nagsabi siya: "O bata, tunay na ako ay magtuturo sa iyo ng mga pangungusap. Magmaalalahanin ka kay Allāh, magmamaalalahanin Siya sa iyo. Magmaalalahanin ka kay Allāh, makatatagpo ka sa Kanya sa dako mo. Kapag humiling ka, humiling ka kay Allāh. Kapag nagpatulong ka, magpatulong ka kay Allāh. Alamin mo na ang kalipunan, kung sakaling nagkabuklod ito na magpakinabang sa iyo ng isang bagay, hindi sila makapagpapakinabang sa iyo kundi ng isang bagay na itinakda na ni Allāh para sa iyo; at kung nagkabuklod sila na puminsala sa iyo ng isang bagay, hindi sila makapipinsala sa iyo kundi ng isang bagay na itinakda na ni Allāh laban sa iyo. Iniangat ang mga panulat at natuyo ang mga kalatas."} Sa isa namang salaysay na iba pa sa kay Imām At-Tirmidhīy: "Magmaalalahanin ka kay Allāh, makatatagpo ka sa Kanya sa harapan mo. Magpakakilala ka kay Allāh sa kaalwanan, kikilala Siya sa iyo sa kagipitan. Alamin mo na ang anumang nagmintis sa iyo ay hindi naging ukol tumama sa iyo at ang anumang tumama sa iyo ay hindi naging ukol magmintis sa iyo. Alamin mo na ang pagkaadya ay kasama ng pagtitiis, na ang pagkagalak ay kasama ng dalamhati, at na kasama ng hirap ay ginhawa."
Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy at ang iba pa sa kanyaNagpapabatid ang Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanya) na noong siya ay isang bata pa na nakasakay kasama ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan), nagsabi ito sa kanya: "Tunay na ako ay magtuturo sa iyo ng mga usapin at mga bagay na magpapakinabang sa iyo si Allāh sa pamamagitan ng mga ito: Magmaalalahanin ka kay Allāh sa pamamagitan ng pagmamaalalahanin sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, kung saan makatatagpo Siya sa iyo sa mga pagtalima at mga pagpapakalapit-loob at hindi Siya makatatagpo sa iyo sa mga pagsuway at mga kasalanan. Kung ginawa mo iyon, ang ganti sa iyo ay na magmaalalahanin sa iyo si Allāh laban sa mga kinasusuklaman sa Mundo at Kabilang-buhay at mag-adya Siya sa iyo sa mga gawain mo saan ka man dumako. Kapag nagnais ka na humingi ng isang bagay, huwag kang humingi kundi kay Allāh sapagkat tunay na Siya – tanging Siya – ang tumutugon sa mga humihingi. Kapag nagnais ka ng tulong, huwag kang magpatulong kundi kay Allāh. Magkaroon sa iyo ng isang katiyakan na walang mangyayari para sa iyo na isang kapakinabangan kahit pa man nagkabuklod sa pagpapakinabang sa iyo ang mga mamamayan ng daigdig nang lahatan maliban sa naitala ni Allāh para sa iyo at walang mangyayari laban sa iyo na isang kapinsalaan kahit pa man nagkabuklod sa pagpinsala sa iyo ang mga mamamayan ng daigdig nang lahatan maliban sa naitakda ni Allāh laban sa iyo. Ang bagay na ito ay naitala na ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at naitakda na Niya alinsunod sa hiniling ng karunungan Niya at kaalaman Niya. Walang pagpapalit sa naitala ni Allāh. Ang sinumang nagmaalalahanin kay Allāh sa pamamagitan ng pagmamaalalahanin sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, tunay na Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay nasa harapan ng lingkod, na nakaaalam sa anumang nasa kanya, nag-aadya sa kanya, at umaalalay sa kanya. Ang tao, kapag tumalima siya kay Allāh sa kaalwanan, ay tunay na si Allāh ay gagawa para sa kanya sa sandali ng kagipitan ng isang pagkagalak at isang malalabasan [sa kagipitan]. Malugod ang bawat tao sa anumang itinakda ni Allāh sa kanya na kabutihan o kasamaan. Sa kabila ng mga kagipitan at mga pagsubok, mananatili ang tao sa pagtitiis sapagkat tunay na ang pagtitiis ay susi ng pagkagalak. Ang dalamhati, kapag tumindi ito, ay dumarating ang pagkagalak mula kay Allāh. Ang hirap, kapag nangyari ito, ay pinasusundan ni Allāh ng ginhawa.