





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abē Hurayrah malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu-((Katotohanang si Allah-Pagkataas-taas Niya-ay magwiwika sa Araw ng Pagkabuhay:Nasaan ang mga nagmamahalan sa Kadakilaan Ko?Sa araw na ito ay pasisilungin ko sila sa Aking Silong,Araw na Walang masisilungan maliban sa Silong Ko))
Nagsalaysay nito si Imām MuslimTinatawag ni Allah -Kapita-pitagan Siya sa Kataas taasan Niya sa Araw ng Pagkabuhay sa Sitwasyon ng mga tao,Sinasabi Niya:(Nasaan ang mga nagmamahalan sa Kadakilaan Ko?) At ang tanong sa kanila ay may kaakibat na kaalaman Niya sa lugar nila at liban dito mula sa mga kalagayan nila,upang tawagin sa kainaman nila sa sitwasyon na yaon,at hinahayag Niya ito upang ipahayag ang Kadakilaan Niya, At ang kahulugan nito; Nasaan ang mga nagmahalan sa Kadakilaan ko at Kaluwalhatian Ko,Walang ibang layunin liban pa dito mula sa makamundong [bagay] o tulad pa nito,Pagkatapos ay Sinabi Niya -Pagkataas taas Niya:((Sa Araw na ito ay pasisilungin Ko sila sa Aking silong))At ang Pag-uugnay ng Silong sa Kanya Pagkataas-taas Niya, ay pag-uugnay sa Kabanalan Niya,At ang tinutukoy dito ay ang Silong ng Trono,at dumating liban sa naisalaysay ni Imam Muslim " Silong ng Trono Ko" (Araw na Walang masisilungan maliban sa Silong ko))ibig sabihin ay;Walang matatagpuan sa araw na yaon na silong maliban sa Silong ng Trono ni Allah [Ang Mahabagin
Ayon kay Ibn Mas-ud malugod si Allah sa kanya siya ay nagsabi:Dumating ang isang monghe mula sa mga monghe sa sugo ni Allah,pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,at nagsabi: O Muhammad,natagpuan namin na ang Allah ay ilalagay Niya ang mga kalangitan sa isang daliri,at ang mga kalupaan sa isang daliri at ang puno sa isang daliri,at ang tubig sa isang daliri,at ang mga patay sa isang daliri,at ang mga nalalabi pang mga nilikha sa isang daliri,pagkatapos ay sasabihin Niya:Ako ang Hari.Napatawa ang propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan hangang sa nakita ang bagang niya,bilang patotoo sa sabi ng Monghe.Pagkatapos ay binasa niya, "Hindi sila nag-alang-alang kay Allah ng totoong pag-aalang-alang sa Kanya. Ang buong Lupa ay isang dakot Niya sa Araw ng Pagbangon" at sa salaysay ni Imam Muslim:"At mga bundok at puno ay sa isang daliri,pagtapos ay yayanigin ito at sasabihin Niya: Ako ang Hari,Ako si Allah" At sa salaysay ni Imam Albukharie:"Ilalagay Niya ang mga kalangitan sa isang daliri,at ang tubig sa isang daliri,at ang mga patay sa isang daliri,at ang mga nalalabi pang nilikha sa isang daliri."
Napagkaisahan ang katumpakanIpinahahayag ni Ibni Mas-ud-malugod si Allah sa kanya-na ang isang lalaki na may kaalaman mula sa mga Hudyo ay dumating kay propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,at binanggit niya sa kanya na natagpuan nila sa aklat nila na ang Allah Napakaluwalhati Niya-sa Araw ng Pagbangon ay ilalagay Niya ang mga kalangitan sa isang daliri,at mga kalupaan sa isang daliri,at ang puno sa isang daliri,at ang mga patay sa isang daliri.At sa isang salaysay: Ang tubig sa isang daliri,at ang mga nalalabi pang mga nilikha Niya sa isang daliri,mula sa mga daliri Niya-Pagkapita-pitagan at Pagkataas-taas Niya,at ito ay lima ayon sa mga naisalaysay sa tumpak na hadeeth,at ito`y hindi katulad ng mga daliri ng kanyang mga nilikha,na siya ay nagpapakita ng isang bahagi ng kapangyarihan niya at kadakilaan niya, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan.Yayanigin niya ang mga ito at ipahahayag Niya ang tunay na paghahari Niya,ang walang-takdang lubos na pamamahala Niya, at totoong pagkadiyos Niya. Kaya tumawa ang Propeta,pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,hanggang sa lumitaw ang mga bagang niya bilang patotoo sa sabi ng monghe. Pagkatapos ay binigkas niya;"Hindi sila nag-alang-alang kay Allah ng totoong pag-aalang-alang sa Kanya. Ang buong Lupa ay isang dakot Niya sa Araw ng Pagkabuhay"
Ayon kay `Abdullah bin `Umar-malugod si Allah sa kanya-"Babalunbunin ni Allah ang mga kalangitan sa Araw ng Pagkabuhay,Pagkatapos ay kukunin Niya ito sa Kanang Kamay Niya,Pagkatapos ay sasabihin Niya:Ako ang Hari,Nasaan na ang mga Mapanupil?Nasaan na ang mga Nagmamalaki?Pagkatapos ay babalunbunin Niya ang pitong kalupaan.pagkatapos ay Kuunin Niyaito sa Kaliwang Kamay Niya,Pagkatapos ay sasabihin Niya:Ako ang Hari,Nasaan na ang mga Mapanupil?Nasaan na ang mga Nagmamalaki?"
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIpinapahayag sa atin ni Ibn `Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ipinahayag niya sa kanila na si Allah-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan-ay babalunbunin Niya ang mga pitong kalangitan sa Araw na Pagkabuhay,at Kununin Niya ito sa Kanang Kamay Niya,at babalunbunin Niya ang Pitong Kalupaan,at kukunin Niya ito sa Kaliwang Kamay Niya,At sa bawat pagbabalunbun Niya sa bawat isa rito ay tinatawag Niya silang mga Mapanupil at Nagmamalaki,Bilang pagmmamaliit sa katayuan nila at Pagpapahayag na Siya ang Nagmamay-ari ng tunay na Kaharian,kung saan ay hindi humihina at hindi nawawala,at ang lahat maliban sa kanya mula sa Hari at pinaghaharian,at sa Matutuwid at sa Makasalanan,ito ay nawawala at walang halaga sa harapan Niya--Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan-,Siya [si Allah] ay hindi maaaring tanungin sa Kanyang ginagawa,samantalang sila [ang mga nilikha] ang tatanungin.
Ayon kay 'Abdullah bin Abē Awfa-malugod si Allah sa kanya-Tunay na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagbigay ng magandang balita kay Kahidījah malugod si Allah sa kanya- sa isang bahay sa loob ng Paraiso na yari sa mga Perlas,Walang [maririnig na] ingay rito at Walang kapaguran.
Napagkaisahan ang katumpakanNagbalita ng maganda ang Propeta-pagplain siya ni Allah ni Allah at pangalagaan-Kay Khadijah-malugod si Allah sa kanya-sa pamamagitan ni Jibrel-Sumakanya ang Pangangalaga-ng Palasyo sa loob ng Paraiso na yari sa mga Perlas na malukong,walang [maririnig] rito na mga boses na maingay,at wala rin ditong kapaguran,At ang Ina ng Mananampalataya na si Khadijah ay siyang kauna-unahang babaing napangasawa ng Propeta-pagplain siya ni Allah at pangalagaan-Naging asawa niya ito na siya ay nasa dalawamput limang taon,at siya ay balo,At nagka-anak sa kanya ng apat na babae at tatlong batang lalaki o dalawa,At hindi siya nagpakasal sa sinuman hanggang sa siya ay pumanaw-malugod si Allah sa kanya-At isa siyang babaing,may matalas na pag-iisip,matalino at may Karunungan,Sa kanya ay may kabutihan napag-alaman.
Ayon kay Jarir bin `Abdullah-malugod si Allah sa kanya-Siya ay nagsabi:Kami ay nasa kalagitnaan ng araw kasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Dumating sa kanya ang grupo ng taong nakahubad tanging ang suot lamang ay damit na yari sa sinulid na lana, o Balabal,Nakasabit sa leeg ang espada,Karamihan sa kanila ay mula sa Tribo ng Mudhar,datapuwat lahat sila ay mula sa Tribo ng Mudhar,Nag-iba ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-dahil sa nakita niya sa kanila mula sa [kanilang] matinding pangangailangan.Pumasok siya pagkatapos ay lumabas,Inutusan niya si Bilal,Tumawag ng Azan at Tumindig [sa pagdarasal],Nagdasal siya pagkatapos ay nagsermon,Nagsabi siya:(( O Sangkatauhan! Pangambahan ninyo ang inyong Panginoon na lumikha sa inyo mula sa isang tao[Adam],at mula sa kanya ay nilikha Niya ang kanyang Asawa [Hawa],At mula sa kanilang dalawa ay nilikha Niya ang maraming lalaki at babae;At panagambahan ninyo si Allah, na sa pamamagitan Niya,[Sa kanyang mga pangalan] ay humuhiling kayo sa isa`t-isa,At [Huwag ninyong putulin ang kaugnayan] ng mga sinapupunan [na nagluwal sa inyo] sapagkat katiyakang si Allah ay Lalagi nang Ganap na nagmamasid sa inyo.)) [An-Nisa:1] At ang ibang Talata na huling kabanata ng Al-Hashr:(( O Kayong sumasampalataya! Pangambahan ninyo si Allah,At hayaan ang bawat kaluluwa ay humanap kung ano ang inilaan nito sa kinabukasan)) [Al-Hashr:18],Nagkawang-gawa ang isang lalaki mula sa Dinar niya,mula sa Dirham niya,mula sa damit niya,mula sa timbang ng Trigo niya,mula sa timbang ng Tamr niya- Hanggang sa sinabi niya-Kahit sa kalahati ng isang Tamr)) Dumating ang isang lalaki mula sa Tribo ng Ansar na may dalang tungkos na halos hindi na makayanan ng balikat niya,datapuwat ay hindi niya ito nakayanan,Pagkatapos ay sumunod ang mga tao hanggang sa nakita ko ang dalawang naibunton mula sa pagkain at mga damit,Hanggang sa nakita ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na lumiliwanag na tulad ng ginto [dahil sa saya].Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Sinuman ang bumuhay sa Islam sa mabuting Sunnah [Ng Propeta],mapapasakanya ang gantimpala,At ang gantimpala ng sinumang nagsagawa nito pagkatapos niya,Na hindi naibabawas sa mga gantimpala nila kahit na isang bagay lang,At Sinuman ang bumuhay sa Islam sa masamang Sunnah,mapapasakanya ang kasalanan,At ang kasalanan ng sinumang nagsagawa nito pagkatapos niya,Na hindi naibabawas sa mga kasalanan nila kahit na isang bagay lang,))
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNabanggit ng may Akda-Kaawaan siya ni Allah- Sa kabanata ng "Sinuman ang magsabuhay sa Islam ng mabuting Sunnah [Ng Propeta],mapapasakanya ang gantimpala,At ang gantimpala ng sinumang nagsagawa nito" Hadith ni Jarir bin `Abdullah Al-Bajliy-malugod si Allah sa kanya-at ito ay napakadakilang Hadith-ipinapahayag rito ang pagsusumikap ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang pagiging maawain niya sa kanyang Ummah-Sumakanya ang pagpapala ni Allah at ang Pangangalaga ay mapasakanya-Habang kasama nila ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa unang bahagi ng Umaga,Dumating ang grupo ng mga tao at ang karamihan sa kanila ay mula sa tribo ng Mudhar o halos lahat sila ay nagmula sa tribo ng Mudhar ang suot lamang ay damit na yari sa sinulid na lana.Nakasabit sa leeg ang Espada,Malugod si Allah sa kanila,Ibig sabihin ang mga tao ay wala sa kanila ang anumang bagay maliban sa naging suot niya,na napili niya, tinatakpan niya rito ang maselang bahagi ng katawan niya,at nakasabit ito sa leeg niya,at dala-dala nila ang kanilang mga espada,bilang paghahanda sa anumang ipag-uutos sa kanila sa pakikibaka sa landas ni Allah-malugod si Allah sa kanila.Nag-iba ang mukha ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na naging makulay dahil sa nakita niya sa kanila mula sa pangangailangan,at sila ay mula sa tribo ng Mudhar,Mula sa dakilang tribo ng mga Arabo,At humantong ang pangangailangan nila sa kalagayang ito,Pagkatapos ay pumasok siya sa bahay niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-pagkatapos au lumabas siya,Pagkatapos ay inutusan niya si Bilal,at tumawag siya ng Azan,Pagkatapos ay nagdasal siya,pagkatapos ay Nagsermon sa mga tao-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-.Pinuri niya si Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-tulad ng nakaugalian niya-;Pagkatapos ay binasa niya ang sinabi ni Allah-pagkataas-taas Niya;(( O Sangkatauhan! Pangambahan ninyo ang inyong Panginoon na lumikha sa inyo mula sa isang tao[Adam],at mula sa kanya ay nilikha Niya ang kanyang Asawa [Hawa],At mula sa kanilang dalawa ay nilikha Niya ang maraming lalaki at babae;At pangambahan ninyo si Allah, na sa pamamagitan Niya,[Sa kanyang mga pangalan] ay humuhiling kayo sa isa`t-isa,At [Huwag ninyong putulin ang kaugnayan] ng mga sinapupunan [na nagluwal sa inyo] sapagkat katiyakang si Allah ay Lalagi nang Ganap na nagmamasid sa inyo.)) [An-Nisa:1] At ang sinabi Niya-Pagkataas-taas Niya:(( O Kayong sumasampalataya! Pangambahan ninyo si Allah,At hayaan ang bawat kaluluwa ay humanap kung ano ang inilaan nito sa kinabukasan)) [Al-Hashr:18].Pagkatapos ay Naghimok siya sa [kainaman] ng Pagkawang-gawa,Nagsabi siya:Nagkawang-gawa ang isang lalaki mula sa Dinar niya,mula sa Dirham niya,mula sa damit niya,mula sa timbang ng Trigo niya,mula sa timbang ng Tamr niya- Hanggang sa sinabi niya-Kahit sa kalahati ng isang Tamr) At ang mga kasamahan ng Propeta-malugod si Allah sa kanila-ang pinakamasigasig sa mga tao sa paggawa ng Kabutihan,at ang pinakamabilis sa kanila,at ang pinakamatindi sa kanila sa pakikipag-paligsahan,Lumabas sila sa mga tahanan nila,dumating sila [na may dala-dalang] mga kawang-gawa,Hanggang sa Dumating ang isang lalaki mula na may dalang tungkos sa kamay niya, halos hindi na makayanan ng kamay niya ang pagbubuhat nito,datapuwat ay hindi niya ito nakayanan dahil sa [nilalaman nitong] mga pilak,pagkatapos ay inilagay niya ito sa harapan ng Sugo ni Allah-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga.Pagkatapos ay nakita ni Jarir ang dalawang naibunton na pagkain at mga damit at ang iba pa naipon sa loob ng Masjid,Nag-iba ang mukha ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-pagkatapos nito mag-iba na lumiliwanag na tulad ng ginto,dahil sa sobrang pagnining-ning at pagkislap at saya niya-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-dahil sa nagyaring ito na pakikipag-paligsahan,na kung saan ay napapaloob rito ang pagbigay sa pangangailangan ng mga dukha,Pagkatapos ay nagsabi siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:(Sinuman ang bumuhay sa Islam sa mabuting Sunnah [Ng Propeta],mapapasakanya ang gantimpala,At ang gantimpala ng sinumang nagsagawa nito pagkatapos niya,Na hindi naibabawas sa mga gantimpala nila kahit na isang bagay lang,At Sinuman ang bumuhay sa Islam sa masamang Sunnah,mapapasakanya ang kasalanan,At ang kasalanan ng sinumang nagsagawa nito pagkatapos niya,Na hindi naibabawas sa mga kasalanan nila kahit na isang bagay lang)At ang tinutukoy nito sa Sunnah sa pagsabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: (Sinuman ang bumuhay sa Islam sa mabuting Sunnah [Ng Propeta]) Pagsisimula sa gawain sa Sunnah ng Propeta,At hindi ang mga panibagong [gawain],Sapagkat sinuman ang gumawa ng panibago sa Islam na hindi kabilang sa kanyang katuruan,ito ay tinatanggihan at [kabilang sa ]hindi mabuting [gawain].Ngunit ang tinutukoy sa sinumang Bumuhay ibig sabihin ay : Siya ang naging pinaka-unang gumawa nito,Katulad ng isang lalaking dumating na may daladalang Tungkos-malugod si Allah sa kanya-Nangangahulugan ito na ang Tao ay kapag napatnubayan sa pagbuhay sa Sunnah ng Propeta sa Islam,ito man ay maging sa kanya-o binuhay niya pagkatapos nitong mamatay.
Ayon kay Mu`ādh bin Jabal, malugod si Allah sa kanya.Buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Siya ay nagsabi:((Nagsabi si Allah-Kamahal-mahalan siya at Kapita-pitagan-Ang mga Nagmamahalan sa Kadakilaan ko,Sa kanila ay may matataas na antas mula sa liwanag,Kina-iinggitan sila ng mga Propeta at ng mga Martir.))
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām AḥmadIpinapaalam ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-mula sa saisalaysay sa kanya buhat sa Panginoon Niya-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan-tungkol sa mga taong mananampalataya,na sa kanila sa Araw ng Pagkabuhay ay mayroon silang matataas na Antas o pook na mataas,umuupo sila rito bilang Pagpaparangal mula kay Allah sa kanila,at ito ay dahil sa sila ay nagmahalan para sa landas ni Allah bilang Pagdadakila sa Kanya-Napakamaluwalhati Niya,At nagmahalan sila sa pagitan nila dahil sa pagkakaisa nila sa pananampalataya,Hanggang sa pinangarap ng mga Propeta-sumakanila ang pangangalaga-na mapabilang sila sa mga Antas nila,Ngunit hindi ito nararapat kahit na sila ang pinakamainam sa mga Propeta-Sumakanila ang pangangalaga-,Sapagkat ang Kainaman para sa iilan ay hindi ipinagkakaloob sa Kainaman para sa pangkalahatan.
Ayon kay Abē Hurayrah, malugod si Allah sa kanya.-Hadith na marfu : ((Nang likhain ni Allah si Adam-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Siya ay nagsabi:Pumunta ka [sa kanila] at bumati ka sa kanilang mga grupo ng Anghel na nakaupo,Pakinggan mo kung ano ang [salitang] paagbati ang gagamitin nila sa iyo,sapagkat ito ang magsisilbing pagbati mo at pagbati ng mga anak mo.Ang sabi niya: Ang pangangalaga ay sumainyo,Ang sabi nila: Ang pangangalaga ay sumaiyo at ang habag ni Allah,Dinagdagan nila ito ng;at ang habag ni Allah))
Napagkaisahan ang katumpakanAng kahulgan ng Hadith: "Nang likhan ni Allah si Adam,inutusan niya ito na pumunta sa grupo ng mga Anghel,at batiin niya sila ng pangangalaga,at pinakikinggan niya ang isasagot nila sa kanya,At ito ang magiging pagbating gagamitin sa pagitan niya at pagitan nila;at ito ang pagbating ipapahintulot sa kanya at sa mga anak niya na susunod sa kanya,at sa sinumang kabilang sa relihiyon ng mga Sugo" Ang sabi niya:Ang pangangalaga ay sumainyo,Ang sabi nila: Ang pangangalaga ay sumaiyo at ang habag ni Allah" Dinagdagan nila ito ng:" At ang habag ni Allah" " Kaya`t ang salitang ito ay ipinapahintulot sa pagbibigay bati at pagsagot sa kanya
Ayon kay Abū Mūsā, malugod si Allah sa kanya: "Ang Propeta noon, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kapag pinuntahan siya ng isang naghahanap ng pangangailangan, ay bumabaling sa mga katabi niya at nagsasabi: Mamagitan kayo, gagantimpalaan kayo; at itinatakda ni Allah sa dila ng propeta Niya ang inibig Niya." Sa isang sanaysay: "ang niloob niya."
Napagkaisahan ang katumpakanAng ḥadīth na ito ay naglalaman ng malaking prinsipyo at dakilang kapakinabangan: nararapat sa tao na magsikap sa paggawa ng mga mabuting bagay, magbunga man ang mga layon nito at mga resulta nito o nakamit ang ilan sa mga ito o walang nangyaring anuman sa mga ito. Iyon ay gaya ng pamamagitan sa mga may pangangailangan sa harap ng mga hari, malalaking tao, at mga taong nakakapit sa mga ito ang mga pangangailangan nila. Tunay na ang maraming tao ay nagpipigil na magsikap para mamagitan kapag hindi nakatiyak sa pagtanggap ng pamamagitan, kaya naman pinakakawalan nila para sa mga sarili nila ang maraming kabutihan mula kay Allah at ang nakabubuti sa kapatid niyang Muslim. Kaya dahil dito, ipinag-utos ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa mga kasamahan niya na tulungan ang mga may pangangailangan sa pamamagitan ng pamamagitan para sa kanila sa harap niya upang mapabilis niya ang gantimpala mula kay Allah batay sa sabi niya: "Mamagitan kayo, gagantimpalaan kayo." Tunay na ang magandang pamamagitan ay kaibig-ibig kay Allah at kalugud-lugod sa Kanya. Nagsabi Siya, pagkataas-taas Niya: "Ang sinumang mamagitan ng isang magandang pamamagitan ay magkakaroon siya ng isang bahagi sa gantimpala mula roon," (Qur'an 4: 85) Kalakip ng pagpapabilis niya sa kasalukuyang gantimpala, pinabibilis niya ang pagmamagandang-loob at ang paggawa ng nakabubuti sa kapatid niya. Magkakaroon siya sa pamamagitan niyon ng impluwensiya sa kanya. Gayon din, kaya marahil ang pamamagitan niya ay magiging isang dahilan sa pagkamit ng ninanais niyon na ipinamagitan niya o bahagi nito, na siyang nangyayari. Ang pagsisikap sa paggawa ng mga mabuting bagay at nakabubuti na may posibilidad na matamo o hindi matamo ay isang agarang kabutihan, isang pagpapahirati sa mga kaluluwa sa pagtulong para sa kabutihan, at isang paghahanda sa pagsasagawa ng mga pamamagitan na naisasakatuparan o naiisip na tatanggapin ang mga ito. Ang sabi niya: "at itinatakda ni Allah sa dila ng propeta Niya ang niloob Niya." ay nangangahulugang ang ninais Niya batay sa nauna sa kaalaman Niya na pangyayari ng isang bagay at pagtamo nito o kawalan nito. Ang hinihiling ay ang pamamagitan. Ang gantimpala ay naihanda na para roon, natamo man ang ipinamamagitan o nagkaroon ng isang pumipigil sa pagtamo niyon.
Ayon kay Abū `Abdurraḥmān `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Para bang ako ay nakatingin sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagkukuwento ng isang propeta mula sa mga propeta, ang mga pagpapala ni Allah at pangangalaga Niya ay sumakanila. Hinagupit siya ng mga kababayan niya at napadugo nila siya, samantalang siya ay nagpupunas ng dugo sa mukha, nagsasabi siya: O Allah, patawarin mo ang mga kababayan ko sapagkat tunay na sila ay hindi nakaaalam."
Napagkaisahan ang katumpakanNagkuwento ang Propeta natin, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng tungkol sa isa sa mga propeta na ang mga kababayan nito ay nanakit dito at pinunasan nito ang dugo sa mukha nito habang siya ay dumadalangin para sa kanila. Ito ay ang sukdulang mangyayaring pagtitiis at pagtitimpi; bagkus, at hindi ito nagkulang sa pagdalangin para sa kanila; bagkus, at humingi ito ng paumanhin para sa kanila bilang pagkaawa sa kanila dahil sa kamangmangan nila sa mga katotohanan ng mga bagay-bagay.