





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allāh sa kanya: "Kapag ninais ni Allāh, pagkataas-taas Niya, na kaawaan ang isang kalipunan, kinukuha Niya muna ang propeta nila bago sila at ginagawa Nya ito para sa kanila na isang paunang tagapaghanda at paunang pabuya sa hinaharap nila. Kapag ninais Niya na lipulin ang isang kalipunan, parurusahan Niya sila habang ang propeta nila ay buhay pa. Lilipulin Niya sila habang ito ay buhay na nakatingin. Kaya palalamigin ang mata niya dahil sa paglipol sa kanila noong pinasinungalingan nila ito at sinuway ang utos nito."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng kahulugan ng ḥadīth na ito: Na si Allāh, pagkataas-taas Niya, kapag nagnais ng mabuti para sa isang kalipunan, kinukuha Niya ang propeta nila at mananatili ang kalipunan nito kapag wala na ito. Ito ay magiging paunang tagapaghanda sa Paraiso. Ito ay magiging tagapamagitan para sa kalipunang ito. Ang orihinal na kahulugan ng "paunang tagapaghanda" ay ang umuuna sa mga darating upang ihanda para sa kanila ang kakailanganin nila sa panunuluyan nila sa mga tahanan nila. Pagkatapos ay ginamit ito [sa kahulugang] ang tagapamagitan sa mag nasa likuran niya. Si ibang ḥadīth: Nagsabi ang Sugo ni Allāh,, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ako ang pauna sa inyo sa lawa." Ibig sabihin: Ang uuna sa inyo upang sadyain para sa inyo ang tubig... Kapag ninais niyang lipulin ang isang kalipunan, parurusahan niya sila habang ang propeta nila ay buhay pa. Lilipulin niya sila habang ito ay buhay na nakatingin gaya ng nangyari kay Noe, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga, sa mga kababayan nito at gayon din sa iba pang mga propeta. Dito ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay para bang nagpapabatid sa kanila hinggil sa awa ng Panginoon ng mga nilalang sa Kalipunang ito. Ang Propeta ay isang awa na iniregalo sa Kalipunang ito, ang mga pagpapala ni Allāh at pangangalaga ay sumakanya. Si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ay nagsabi: "Hindi ka Namin isinugo kundi bilang awa sa mga nilalalang." (Qur'an 21:107) Siya ay isang awa para sa Kalipunang ito, ang mga pagpapala ni Allāh at pangangalaga ay sumakanya. Nangako na si Allāh sa Kalipunang ito na hindi Niya sila pagdurusahin habang siya ay nasa kanila, ang mga pagpapala ni Allāh at pangangalaga ay sumakanya. Dinagdagan Niya sila ng kabutihang-loob Niya at kagandahang-loob Niya. Sinabi Niya, pagkataas-taas Niya: "Hindi mangyayaring si Allāh ay magpaparusa sa kanila habang ikaw ay nasa piling nila. Hindi mangyayaring si Allāh ay nagpaparusa sa kanila habang sila ay humihingi ng kapatawaran." (Qur'an 8:33)
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya.Nagsabi siya:At nang sa araw ng Hunayn Nagbigay [ng may kalamangan] ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa mga tao mula sa nadambong,Binigyan niya si Al-Aqra' bin Hābis ng isandaang Kamelyo,at binigyan Niya si 'Uyaynah bin Husayn ng tulad din nito,at binigyan niya ang mga tao mula sa angkan ng maharlikang arabo,at binigyan niya sila [ng may kalamangan] sa oras na yaon mula sa nadambong.Nagsabi ang isang lalaki:Sumpa kay Allah,tunay na sa Nadambong na ito ay hindi siya naging makatarungan,At hindi ko iniibig rito ang para sa kaluguran ni Allah,Nagsabi ako: Sumpa kay Allah;tunay na sasabihin ko ito sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan--Dumating ako sa kanya at sinabi ang nasabi niya,Nag-iba ang mukha niya hanggang sa ito ay naging kulay pula.Pagkatapos ay nagsabi siya:((Sino ang makatarungan kung hindi naging makatarungan si Allah at ang kanyang Sugo?)) Pagkatapos ay sinabi niya:((Naway kaawaan ni Allah si Propeta Musa,tunay na naparusahan siya ng higit pa rito,at nagtimpi siya)) Ang sabi ko: Walang kasalanan,wala na akong ipaparating sa kanya pagkatapos nito na [alinmang] pag-uusap.
Napagkaisahan ang katumpakanIpinapaaalam ni `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya.Na sila ay nasa Pandarambong sa Hunayn,At ito ay pandarambong sa Taif na naganap pagkaraan ng Pagtagumpay sa Meccah;Nakipagdarambong sa kanila ang Sugo ni Allah-pagalain siya ni Allah at pangalagaan-at nadambong nila s kanila ang naparaming nadambong,mula sa mga kamelyo mga tupa [Salaping Dirham,at Dinar]Pagkatapos ang Propeta-pagalain siya ni Allah at pangalagaan-ay bumaba sa [lugar na] Je`ranah, at ito ay lugar sa dulo ng Meccah sa banda ng Taif,Bumaba siya rito at hinati niya-pagalain siya ni Allah at pangalagaan-ang mga nadambong sa pagitan ng sumali sali pandarambong ito,Binigyan niya si Al-Aqra' bin Hābis ng isandaang Kamelyo,at binigyan Niya si 'Uyaynah bin Husayn ng isandaang Kamelyo,binigyan niya ang mga tao mula sa mga angkan ng maharling Arabo,upang maging malapit sila sa Islam,At kapag pinagbuti nila ang pagyakap sa Islam dahil sa mga naipamigay at mga kayamanan,yayakap din sa Islam ang sinumang nasa likod nila at susunod sila sa kanila,At sa mga panahong iyon ay may lakas at tagumpay ang Islam;At ang mga may malalakas na pananampalataya,ay iniwan sila ng Paropeta-pagalain siya ni Allah at pangalagaan-dahil sa pananalig niya sa anumang mayroon sa kanilang pananampalataya,Ang sabi ng isang lalaki pagkatapos niyang makita ang ginawa ng Proepta-pagalain siya ni Allah at pangalagaan-sa paghahati ng mga nadambong sa mga pinuno ng mga Tribo at Mararangyang mga tao,at pag-iwan niya sa ibang mga tao,"Sumpa kay Allah,tunay na sa Nadambong na ito ay hindi siya naging makatarungan,At hindi ko iniibig rito ang para sa kaluguran ni Allah "At nang marinig ni Ibn Mas`ud malugod si Allah sa kanya-ang salitang ito,Mabilis siyang pumunta sa Propeta-pagalain siya ni Allah at pangalagaan-At sumumpa siya na kapag dumating siya sa kanya ay sasabihin niya ito sa kanya,At nang ipaalam niya sa kanya ang balita,Tumindi ang galit niya-Sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-at nag-iba ang mukha niya at ito ay naging tulad ng kulay pula na walang halo,Pagkatapos ay nagsabi siya:Sino ang makatarungan kung hindi naging makatarungan si Allah at ang kanyang Sugo?Bilang pagtatanggi sa sinabi niya.Pagkatapos ay sinabi niya-Sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-Naway kaawaan ni Allah si Propeta Musa,tunay na naparusahan siya ng higit pa rito,at nagtimpi siya.At nang makita ni Ibn Mas`ud malugod si Allah sa kanya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang nakita niya sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan nagsabi siya malugod si Allah sa kanya-Kapag nakarinig ako ng salita mula sa mga taong ito,mula sa masasamang pananalita,Hinding hindi ko na sasabihin sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-dahil sa nakita niyang matinding pagkagalit --pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Hanggat ito ay hindi bumabalik sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sa Islam ang kapinsalaan.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Si Zakarīyā noon, sumakanya ang pangangalaga, ay isang karpintero."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIpinababatid niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa ḥadīth na ito na ang gawaing pinagkakakitaan noon ni Zakarīyā ay ang gawaing pagkakarpintero.
Ayon kay Ibnu `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, na nagsabi: Noong tumindi sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang hapdi niya, sinabihan siya hinggil sa pagdarasal kaya nagsabi siya: "Utusan ninyo si Abū Bakr at mamuno siya sa dasal sa mga tao." Nagsabi si `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya: "Tunay na si Abū ay lalaking banayad; kapag bumigkas siya ng Qur'ān, dinadaig siya ng pag-iyak." Nagsabi siya: "Utusan ninyo siya at mamuno siya sa dasal." Sa isang sanaysay ayon kay `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ako: "Tunay na si Abū Bakr, kapag tumayo siya sa kinatatayuan mo, ay hindi makapagpaparinig sa mga tao dahil sa pag-iyak."
Napagkaisahan ang katumpakanNoong tumindi ang hapdi sa Sugo ni Allāh, malugod si Allāh sa kanya, hindi niya nagawang mamuno sa mga tao sa dasal. Inutusan niya ang nasa piling niya na utusan si Abū Bakr, malugod si Allāh sa kanya, na mamuno sa mga tao sa dasal. Si Abū Bakr ay madalas maiyak sa sandali ng pagbigkas ng Qur'ān kaya ipinagpaumanhin ni `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya, iyon subalit [nahihiwatigan] sa ḥadīth ng paksa na hindi ang pag-iyak ni Abū Bakr sa pagbigkas ng Qur'ān ang unang layon ni `Ā'ishah, bagkus ang tinutumbok niya ay ang takot na magmasamang-pangitain ang mga tao sa ama niya kaya ipinakita niya, malugod si Allāh sa kanya, ang taliwas sa inililihim niya sa kaloob-looban niya. Sa isang sanaysay sa Ṣaḥīḥ Muslim: Nagsabi siya: "Sumpa man kay Allāh, walang anuman sa akin maliban sa pagkasuklam na magmasamang-pangitain ang mga tao sa kauna-unahan sa tatayo sa kinatayuan ng Sugo ni Allāh." Nagsabi pa siya: "Kaya sinangguni ko sa kanya nang dalawang ulit o tatlo ngunit nagsabi siya: 'Mamuno sa mga tao sa dasal si Abū Bakr sapagkat tunay na kayo ay mga babaing nakasama ni [Propeta] Jose." Ang tinutukoy ng "mga babaing nakasama ni Jose" ay "tunay na sila ay tulad ng mga babaing nakasama ni Jose sa pagpapakita ng salungat sa nasa kaloob-looban." Ang pakikipag-usap na ito, kahit pa man sa pananalitang pangmaramihan, ay tumutukoy sa iisa. Ito ay si `Ā'ishah lamang gaya ng tinutukoy ng "mga babaing nakasama ni Jose" na si Zulaykhā lamang - ganito ang sinabi ni Al-Ḥāfiđ - ang maybahay ni Potifar ng Ehipto ng panahong iyon. Ang anyo ng pagkakawangis sa pagitan ni `Ā'ishah at Zulaykhā roon ay na si Zulaykhā ay nagpatawag sa mga babae at nagpakita sa kanila ng pagpaparangal sa pamamagitan ng pagtanggap bilang mga panauhin ngunit ang tinutumbok niya ay karagdagan doon: na mapagmasdan nila ang kakisigan ni Jose at pagpaumanhinan nila siya sa pag-ibig niya; si `Ā'ishah naman ay nagpakitang ang dahilan ng pagnanais niyang ilayo ang pamumuno sa dasal sa ama niya ay dahil sa hindi maririnig ng mga pinamumunuan sa dasal ang pagbigkas nito ng Qur'ān dahil sa pag-iyak nito gayong ang tinutumbok niya ay karagdagan doon: na hindi magmasamang-pangitain ang mga tao kay Abū Bakr. Ito ay tahasang ipinahayag niya ayon sa ilan sa mga landas ng ḥadīth sapagkat nagsabi siya: "Walang nagtulak sa akin sa pag-ulit sa kanya maliban sa hindi sumagi ko sa puso ko na makaiibig ang mga tao matapos niya sa isang lalaking tatayo sa kinatatayuan niya..."
Ayon kay `Ā'ishah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi sa akin ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Ito si Jibrīl, bumibigkas sa iyo ng kapayapaan." Nagsabi siya: "Sinabi ko: At sumakanya ang kapayapaan, awa ni Allah, at ang mga biyaya Niya." Ganito ang nasaad sa ilan sa mga sanaysay ng Ṣaḥīḥān: "at ang mga biyaya Niya." Sa ilan naman sa mga ito ay inalis iyon. Ang pagdaragdag ng tiwala ay katanggap-tanggap.
Napagkaisahan ang katumpakanIpinababatid sa atin ni `Ā'ishah, malugod si Allah sa kanya, na ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi sa kanya: "O `Ā'ishah, ito si Jibrīl, bumibigkas sa iyo ng kapayapaan." Sa isang sanaysay: "ipinabibigkas niya sa iyo ang kapayapaan." Ibig sabihin: ipinapatnubay niya sa iyo ang kapayapaan at binabati ka niya ng pagbati ng Islam." Kaya nagsabi siya: "At sumakanya ang kapayapaan, ang awa ni Allah, at ang mga biyaya Niya." Ginantihan niya ang pagbati ng higit na maganda kaysa roon, bilang pagsasagwa sa sabi ni Allah, pagkataas-taas Niya: "Kapag binati kayo ng isang pagbati ay bumati rin kayo ng higit na maganda kaysa roon o gantihan ninyo iyon ng katulad. Tunay na si Allah, sa bawat bagay, ay laging Tagapagtuos." (Qur'an 4:86) Pagkatapos, tunay na bahagi ng Sunnah na kapag ipinarating ang pagbati mula sa isang tao papunta sa isang tao ay na tugunin ito sa pamamagitan ng pagsabi ng: "at sumakanya ang kapayapaan, ang awa ni Allah, at ang mga biyaya ni Allah," dahil sa malinaw na nasaad sa hadith ayon kay `Ā'ishah, malugod si Allah sa kanya. Kung sinabing: "sumaiyo at sumakanya ang kapayapaan o sumakanya at sumaiyo ang kapayapaan, ang awa ni Allah, at ang mga pagpapala Niya," ito ay maganda dahil itong nagparating ng kapayapaan ay gumagawa ng maganda kaya naman tutumbasan mo siya ng panalangin para sa kanya. Subalit isinasatungkulin ba sa iyo na iparating ang habilin kapag nagsabing: "Batiin mo para sa akin si Polano" o hindi isinasatungkulin? Dinetalye ito ng mga maalam at sinabi nila: Kung ipinangako mo sa kanya iyon, isinatungkulin iyon sa iyo dahil si Allah ay nagsasabi: "Tunay na si Allah ay nag-uutos sa inyo na gampanan ninyo ang mga ipinagkatiwalang tungkulin sa mga kinauukulan ng mga ito," (Qur'an 4:58) at ikaw ngayon ay gaganap niyon. Kapag naman nagsabing: "Batiin mo para sa akin si Polano" at nanahimik ka o sinabi mo sa kanya halimbawa: "Kapag naalaala ko" o anumang nakakawangis niyon, ito ay hindi nagiging tungkulin malibang kapag naalaala mo at nangako ka sa kanya na babati ka roon kapag naalaala mo. Ngunit ang pinakamaganda ay hindi aatangan ng ganito ng tao ang isa man dahil ito ay baka magpahirap sa kanya. Subalit kung nagsabing: "Batiin mo para sa akin ang sinumang nagtanong tungkol sa akin," ito ay mabuti. Kung oobligahin naman siya, tunay na ito ay hindi makabubuti dahil siya ay maaaring nahihiya sa iyo at magsasabing: "Oo, ipararating ko ang pagbati mo," pagkatapos ay malilimutan niya o tatagal ang panahon o anumang nakakawangin niyon.
Ayon kay Ḥudhayfah, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagsabi: Dinalhan si Allāh, pagkataas-taas Niya, ng isang alipin kabilang sa mga alipin Niya, na binigyan Niya ng yaman, at nagsabi Siya rito: "Ano ang ginawa mo sa Mundo?" Sinabi: Hindi sila nakapagtatago kay Allāh ng isang pag-uusap. Nagsabi ito: "O Panginoon ko, binigyan Mo ako ng yaman Mo kaya ako noon ay nakikipagbilihan sa mga tao. Bahagi ng kaasalan ko noon ay ang pagpapaumanhin sapagkat ako noon ay nagpapaluwag sa nakaluluwag at nagpapalugit sa nagigipit." Kaya nagsabi si Allāh, pagkataas-taas Niya: "Ako ay higit na karapat-dapat nito kaysa sa iyo; pagpaumanhinan ninyo ang lingkod Ko." Nagsabi sina `Uqbah bin `Āmir at Abū Mas`ūd Al-Anṣārīy, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: "Ganito namin narinig ito mula sa bibig ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIpinababatid ni Ḥudhayfah, malugod si Allāh sa kanya, na si Allāh ay dinalhan ng isang lalaking kabilang sa mga alipin Niya sa Araw ng Pagkabuhay. Ang lalaking ito ay binigyan ng Panginoon nito ng yaman at tinanong Niya ito tungkol sa yaman nito kung ano ang ginawa nito roon. Sinabi - tinutukoy si Ḥudhayfah, malugod si Allāh sa kanya: Hindi sila nakapagtatago kay Allāh ng isang pag-uusap. Nangangahulugan: Hindi nila nakakayang magkubli ng anuman kay Allāh, pagkataas-taas Niya, sa Araw ng Pagkabuhay gaya ng sinabi Niya, pagkataas-taas Niya (Qur'ān 24:24): "sa Araw na sasaksi laban sa kanila ang mga dila nila, ang mga kamay nila, at ang mga paa nila sa ginagawa nila noon." Nagsabi ito: "O Panginoon ko, binigyan Mo ako ng yaman Mo kaya ako noon ay nakikipagbilihan sa mga tao." Nangangahulugan ito: "Nakikipagtransaksiyon ako sa mga tao sa pamamagitan ng mga pagbili at pagpapautang. Kabilang sa tinaglay kong katangian na mga kaasalan ay ang pagpapaumanhin." Pagkatapos ay nilinaw niya ito sa pamamagitan ng sabi niya: "sapagkat ako noon ay nagpapaluwag sa nakaluluwag..." Nangangahulugan ito: "Nagpapadali ako sa kanya at tumatanggap ako mula sa kanya ng anumang ibinabayad niya na may kaunting bawas." "at nagpapalugit sa nagigipit." Nangangahulugan ito: "Nagtitiis ako sa nagigipit kaya hindi ko siya sinisingil at nagpapaluwag ako sa kanya sa palugit." Kaya nagsabi si Allāh, pagkataas-taas Niya: "Ako ay higit na karapat-dapat nito kaysa sa iyo..." Nangangahulugan ito: "Yayamang nagpaumanhin ka nga sa mga lingkod Ko at nag-asal ka ng kaasalan Ko, Ako ay higit na karapat-dapat sa pagpapalampas at pagpapaumanhin sa iyo." "pagpaumanhinan ninyo ang lingkod Ko." Nangangahulugan ito: "Nagpaumanhin si Allāh sa kanya at nagpatawad sa anuman sa mga gawang masagwa niya dahil sa pagpapaumanhin niya, kaluwagan niya, at kagandahan ng pakikitungo niya sa mga lingkod ni Allāh, pagkataas-taas Niya, at walang ganti ang pagpapaganda ng pakikitungo kundi ang pagpapaganda ng pakikitungo." Nagsabi sina `Uqbah bin `Āmir at Abū Mas`ūd Al-Anṣārīy, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: "Ganito namin narinig ito mula sa bibig ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan." Ang kahulugan: "Na silang dalawa ay nakarinig sa isinalaysay ni Ḥudhayfah, malugod si Allāh sa kanya, mula sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, gaya ng pagsalaysay ni Ḥudhayfah, malugod si Allāh sa kanya, nang walang dagdag at bawas."
Ayon kay Ibn Mas`ud `Uqbah bin `Amr Al-`Ansariy Al-Badriy-malugod si Allah sa kanya- siya ay nagsabi: Nang ibinaba sa amin ang talata ng Pagkakawang-gawa,Kami ay nagbubuhat sa mga likod namin [ng mga kawang-gawa],Dumating ang isang lalaki,at nagkawanggawa ng maraming bagay,Nagsabi sila:Pakitang-tao,At dumating ang ibang lalaki,at nagkawanggawa ng malapit sa Tatlong kilo,Ang sabi nila:Katotohanang si Allah ay malayo sa anumang pangangailangan mula sa tatlong kilo na ito! Ipinahayag;[ ang talatang] :{Sila na [mga Munafiq o Mapagkunwari] na pumupuna sa mga nagbibigay[ ng kusang-loob sa kapakan ni Allah] mula sa lipon ng mga sumasampalataya tungkol sa mga kawang-gawa,at pumupuna sa kanila na hindi nakahanap ng anuman [upang gugulin sa kawanggawa sa kapakanan ni Allah],maliban lamang sa kanilang sariling pagpupunyagi} [Attawbah:79}
Napagkaisahan ang katumpakanNagsabi si Abu Mas`ud malugod si Allah sa kanya-Nang maibaba ang talata ng Pagkakawanggawa,Ibig sabihin ay ang Talata ,kung saan ay napapaloob rito ang Paghihimuk sa pagkakawanggawa.Nagsabi si Al-Hafiz: Para bang itinuturo niya ang Sinabi ni Allah-Pagkataas-taas Niya: {Kumuha ka [O Muhammad] ng Kawanggawa mula sa kanilang kayamanan upang sila ay mapadalisay nito.at ito ay lalo pang mag-ibayo} Talata ng [Attawbah:103],Hinubog niya ang mga kasamahan ng Propeta-malugod si Allah sa kanila-na mag-unahan at magpaligsahan sa paggugol ng Kawanggawa sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-,Ang bawat isa ay nagbubuhat sa abot ng kanyang makakaya mula sa Kawanggawa para sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-.Dumating ang isang lalaki na may dalang napakaraming Kawanggawa;Nagsabi sila: Ito ay pakitang-tao,Hindi niya layunin rito ang Kaluguran ni Allah,At kapag dumating ang isang lalaki na may dala-dalang kaunting Kawanggawa,Nagsasabi sila na:Katotohanang si Allah ay malayo sa anumang pangangailangan mula rito, At dumating ang isang lalaki na may dala-dalang tatlong kilong [Kawanggawa],Nagsabi sila:Katotohanang si Allah ay malayo sa anumang pangangailangan mula sa tatlong kilong [Kawanggawa] na ito. Ibinaba ni Allah-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan-:{Sila na [mga Munafiq o Mapagkunwari] na pumupuna sa mga nagbibigay [ng kusang-loob sa kapakan ni Allah] mula sa lipon ng mga sumasampalataya tungkol sa mga kawang-gawa,at pumupuna sa kanila na hindi nakahanap ng anuman [upang gugulin sa kawanggawa sa kapakanan ni Allah],maliban lamang sa kanilang sariling pagpupunyagi} [Attawbah:79} Ibig sabihin ay: Pinipintasan nila ang mga Kusang-loob na nagkakawang-gawa at sila yaong hindi nakahanap [upang gugulin sa pagkakawanggawa] maliban sa sarili nilang pagpupunyag, Silang [mga Mapagkuwari] ay pumupuna sa kanila,at sa kanila, {Kaya`t sila ay kanilang tinutuya [Mga mananampalataya], Si Allah ang manunuya sa kanila,at sila ay magtatamo ng kasakit-sakit na kaparusahan},Sila ay nagtutuya sa mga mananampalataya,Kaya`t si Allah ay manunuya sa kanila,Ang Pagpapakupkop ay sa Allah.
Ayon kay Umm Thābit Kabshah bint Thābit, na babaing kapatid ni Ḥassān bin Thābit, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Pumasok sa kinaroroonan ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at uminom siya mula sa isang nakabiting sisidlan ng tubig habang nakatayo kaya tumindig ako papunta roon at pinutol ko iyon."
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām AḥmadNagsabi si Kabshah bint Thābit, malugod si Allah sa kanya: "Pumasok sa kinaroroonan ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at uminom siya mula sa bibig ng isang nakabiting sisidlan ng tubig habang nakatayo..." Ginawa nga niya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, iyon dahil sa kawalan ng posibilidad na uminom sa sandaling iyon maliban sa gayong paraan. Nagsabi pa siya: "...kaya tumindig ako papunta roon at pinutol ko iyon." Ito ay upang maingatan ang diniitan ng bibig ng Sugo ni Allah, magpabiyaya rito, at mapangalagaan ito sa pagkasira.
Ayon kay Rifā`ah bin Rāfi` Az-Zarqīy, malugod si Allah sa kanya: "Dumating si Jibrīl sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at nagsabi: Paano ninyong itinuturing ang mga nakilahok sa [labanan sa] Badr sa inyo? Nagsabi siya: Kabilang sa pinakamainam sa mga Muslim. O pananalitang tulad niyon. Nagsabi [si Jibrīl ]: Gayon din ang sinumang dumalo sa [labanan sa] Badr na mga anghel."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyIpinababatid sa atin ng kapita-pitagang kasamahan na si Rifā`ah bin Rāfi` Az-Zarqīy na si Jibrīl, sumakanya ang pangangalaga, ay pumuna sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at nagsabi sa kanya: "Ano ang kalagayan ng mga lumahok sa pakikibaka sa labanan sa Badr yamang pinagkalooban nga ni Allah ang Propeta niya at ang mga mananampalatayang kasama niya roon ng isang pagwaging inalalayan?" Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Sila ay kabilang sa pinakamainam sa mga Muslim sa ganang amin." Tumugon naman si Jibrīl: "At gayon din ang mga dumalo roon at nakipaglabang mga anghel."