





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang pinakakaibig-ibig sa mga bayan kay Allāh ay ang mga masjid ng mga ito at ang pinakakasuklam-suklam sa mga bayan kay Allāh ay ang mga palengke ng mga ito."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakakaibig-ibig sa mga lugar kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay ang mga masjid ng mga iyon dahil ang mga ito ay mga bahay ng mga pagtalima at ang pundasyon ng mga ito ay nasa taqwā (pangingilag magkasala) at ang pinakakasuklam-suklam sa mga lugar kay Allāh ay ang mga palengke ng mga iyon dahil ang mga ito kadalasan ay puwesto ng pandaraya, panlilinlang, ribā (patubo sa utang), mga sinungaling na panunumpa, pagsira sa pangako, at pag-ayaw sa pag-alaala kay Allāh.
Ayon kay `Alīy bin Rabī`ah na nagsabi: Nasaksihan ko si `Alīy bin Abī Ṭālib, malugod si Allah sa kanya, na dinalhan ng isang hayop upang sakyan ito. Noong nailagay niya ang paa niya sa estribo, sinabi niya: Bismi llāh (Sa ngalan ni Allah). Noong nakaluklok na siya sa likod nito, sinabi niya: Alḥamdu lillāhi -lladhī sakhkhara lanā hādhā, wa mā kunnā lahū muqrinīn, wa innā ilā rabbinā lamunqalibūn (Ang papuri ay ukol kay Allah na nagpasunud-sunuran para sa atin nito at tayo rito ay hindi sana makakakaya. Tunay na tayo sa Panginoon natin ay talagang magbabalikan.). Pagkatapos ay nagsabi siya ng tatlong Alḥamdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allah). Pagkatapos ay nagsabi siya ng tatlong Allāhu akbar (Si Allah ay pinakadakila). Pagkatapos ay nagsabi siya: Subḥānaka innī đalamtu nafsī fa-ghfir lī fa’innahu lā yaghfiru -dhdhunūba illā ant (Napakamaluwalhati Mo tunay na ako ay lumabag sa katarungan sa sarili ko kaya magpatawad Ka sa akin sapagkat tunay na walang nagpapatawad sa mga pagkakasala kundi Ikaw.). Pagkatapos ay tumawa siya kaya may nagsabi: "O Pinuno ng mga Mananampalataya, dahil sa ano ka tumawa?" Nagsabi siya: "Nakita ko ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na gumawa ng gaya sa ginawa ko. Pagkatapos ay tumawa siya kaya nagsabi ako: O Sugo ni Allah, dahil sa ano ka tumawa? Nagsabi siya: Tunay na ang Panginoon mo, pagkataas-taas Niya, ay natutuwa sa lingkod Niya kapag nagsabi ito: 'Patawarin Mo ako sa mga pagkakasala ko,' habang nalalaman nito na walang nagpapatawad sa mga pagkakasala kundi Siya."
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadAyon kay `Alīy bin Rabī`ah, isa sa mga nangunguna sa mga tagasunod ng mga kasamahan ng Propeta, na nagsabing nasaksihan nito o naroon ito kay `Alīy bin Abī Ṭālib nang dinalhan siya ng isang hayop upang sakyan niya. Noong nailagay niya ang paa niya sa estribo ay nagsabi siya: Sa ngalan ni Allah (sasakay ako). Noong nakaluklok na siya sa likod nito, sinabi niya: Ang papuri ay ukol kay Allah...Ibig sabihin dahil sa dakilang biyayang ito. Ito ay pagpapaamo sa hayop na mailap at pagpapasunod dito para sa atin sa pagsakay rito upang mapangalagaan tayo laban sa kasamaan nito gaya ng tahasang ipinahayag ng sabi ni Allah: "nagpasunud-sunuran para sa atin nito," na nangangahulugang nagpapaamo para sa atin. Ang sinasakyang hayop na ito ay hindi sana natin makakayang pasunod-sunurin. "Tunay na tayo sa Panginoon natin ay talagang magbabalikan." Pagkatapos ay nagsabi siya, matapos ang papuri niyang nililimitahan ng pagpupuri sa ibiniyaya sa kanya, ng "Ang papuri ay ukol kay Allah" nang tatlong ulit bilang papuring hindi nililimitahan ng anuman. Sa pag-uulit ay may pagpapadama ng kadakilaan ng pagpipitagan kay Allah, napakamaluwalhati Niya. Ang tao ay hindi nag-alang-alang kay Allah nang totoong pag-alang-alang sa Kanya. Siya ay naaatasang magpumilit sa pagtalima sa Kanya sa abot ng makakaya. Nagsabi siya ng "Si Allah ay pinakadakila" nang tatlong ulit. Ang pag-uulit ay pagbibigay-diin doon. Pagkatapos ay nagsabi siya ng "Napakamaluwalhati Mo," na nangangahulugang "Pinakababanal Kita nang pagbabanal na walang takda." Ang "tunay na ako ay lumabag sa katarungan sa sarili ko" ay nangangahulugang "dahil sa hindi pagtupad sa karapatan Mo ng mga saksi sa pagkukulang sa pagpapasalamat sa dakilang biyayang ito, kahit pa man dahil sa pagkalingat sa kahalagahan nito o sa pagsasaalang-alang nito." Ang "kaya magpatawad Ka sa akin" ay nangangahulugang "pagtakpan Mo ang mga pagkakasala ko sa pagmamagitan ng hindi pagsisi sa akin sa pamamagitan ng pagpaparusa dahil sa mga ito. Ang "tunay na walang nagpapatawad sa mga pagkakasala kundi Ikaw" ay nagsasaad ng pagpapahiwatig sa pag-amin sa kakulangan sa pagpapasalamat sa pagpapala ni Allah at sa pagpaparami sa pagkukulang. "Pagkatapos ay tumawa siya kaya may nagsabi." Ang tinutukoy rito ay si Ibnu Rabī`ah. "Kaya nagsabi ako: O Pinuno ng mga Mananampalataya, dahil sa ano ka tumawa?" Ito ay dahil hindi lumitaw ang pinagmula ng ikinatuwa niya na mula roon ay namutawi ang pagtawa. Inusisa nito siya hinggil sa dahilan niyon. Inuna nito ang pagtawag sa kanya kaysa sa pagtatanong sa kanya yamang ito ang kaasalan sa pakikipag-usap. "Nagsabi siya: Nakita ko ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na gumawa ng gaya sa ginawa ko." Tinutukoy rito ang pagsakay at ang sinasambit na panalangin. "Pagkatapos ay tumawa siya kaya nagsabi ako: O Sugo ni Allah, dahil sa ano ka tumawa? Nagsabi siya: Tunay na ang Panginoon mo, pagkataas-taas Niya, ay natutuwa..." Noong naalaala iyon ni `Alīy, malugod si Allah sa kanya, inobliga niya ang karagdagang pagpapasalamat kaya nagalak siya at tumawa. Ang tawa niya ay hindi paggaya lamang sapagkat ito ay hindi kusang-loob, kahit pa man maaaring pinipilit niya noon ang pagtawa. Ang pararilang "lingkod Niya" ay pag-uugnay [ng lingkod kay Allah] bilang pagpaparangal. Ang "kapag nagsabi ito: 'Patawarin Mo ako sa mga pagkakasala ko,' habang nalalaman nito" ay nangangahulugang sinabi niya iyon habang nalalaman niya, hindi habang nalilingat, na "walang nagpapatawad sa mga pagkakasala kundi Siya."
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagkaroon ng gawang kawalang-katarungan sa kapatid niya sa dangal nito o anuman, magtanggal siya nito sa ngayong araw bago hindi magkaroon ng isang dinar ni isang dirham. Kung nagkaroon siya ng isang maayos na gawa, kukunin ito mula sa kanya ayon sa sukat ng gawang kawalang-katarungan niya. Kung hindi siya nagkaroon ng mga magandang gawa, kukuha mula sa mga masagwang gawa ng naapi niya saka ipapapasan ito sa kanya."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyNag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa bawat sinumang may naganap mula sa kanya na isang kawalang-katarungan sa kapwa niyang Muslim sa dangal o ari-arian o buhay. na humiling siya sa sinumang nilabag niya sa katarungan na magpaumanhin ito sa kanya hanggat nasa Mundo pa bago dumating ang Araw ng Pagbangon kung kailan hindi magpapakinabang ang isang salaping ginto ni ang isang perang pilak, na maibabayad niya sa sinumang nilabag niya sa katarungan upang maipantubos niya sa sarili niya yayamang ang ganting-pinsala sa araw na iyon ay sa pamamagitan ng mga magandang gawa at mga masagwang gawa yayamang kukuha ang nilabag sa katarungan mula sa mga magandang gawa ng tagalabag ng katarungan ayon sa sukat ng gawang kawalang-katarungan niya na ginawa niya. Kung hindi nagkaroon ang tagalabag ng katarungan ng mga magandang gawa, maglalagay mula sa mga masagwang gawa ng nilabag sa katarungan sa tagalabag ng katarungan ayon sa sukat ng gawang kawalang-katarungan niya.
Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga Mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Kakalapin ang mga tao sa Araw ng Pagbangon habang mga nakayapak, mga nakahubo, mga supot." Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, ang mga babae at ang mga lalaki ay magkakasamang nakatingin ang isa't isa sa kanila?" Nagsabi siya: "O `Ā'ishah, ang pangyayari ay higit na matindi kaysa sa makatingin ang isa't isa sa kanila."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglarawan ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng ilan sa mangyayari sa Araw ng Pagbangon, na ang mga tao ay titipunin matapos ng pagbuhay sa kanila mula sa mga libingan nila para sa pagtutuos. Ang kalagayan nila ay na sila ay mga nakayapak ang mga paa na walang mga sapin, mga nakahubo ang mga katawan na walang mga damit ni takip, mga supot na hindi mga tinuli gaya ng araw na ipinanganak sila ng mga ina nila. Noong narinig iyon ng Ina ng mga Mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya), nagtatakang nagsabi siya: "O Sugo ni Allāh, ang mga babae at ang mga lalaki ay magkakasamang nakatingin ang isa't isa sa kanila?" Kaya naglinaw sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pumapatungkol sa Tigilan§ at Pagkalap matapos ng pagbuhay mula sa kamatayan ay mayroong mga hilakbot na nakakukuha ng pansin ng mga tao at mga paningin nila palayo sa pagtingin sa mga kahubaran.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya-hadith na marfu: (( Tatawa ang Allah-napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas- sa dalawang lalaking nagpatayan na papapasukin sa Paraiso,Nakkikipaglaban ang isa para sa landas ni Allah at siya ay masasawi,pagkatapos patatawarin ni Allah ang nakapatay,yayakap siya sa Islam at mamatay na isang martir))
Napagkaisahan ang katumpakan"Tatawa ang Allah sa dalawang lalaking nagpatayan na papapasukin sa Paraiso;Nakikipaglaban ang isang muslim sa landas ni Allah upang manaig ang salita ni Allah,mapapatay siya ng hindi mananampalataya,at papasukin siya sa Paraiso,pagkatapos ay patatawarin ni Allah ang nakapatay,yayakap siya sa Islam,at makikipaglaban sa landas ni Allah,at siya ay mamatay na isang martir"
Ayon kay `Abdullāh bin Umar, malugod si Allāh sa kanya.-hadith na Marfu: " Babangun ang mga tao sa harapan ng Panginoon ng daigdig,hanggang sa maglaho ang isa sa kanila dahil sa pawis niya na umaabot hanggang sa kalahati ng kanyang tainga"
Napagkaisahan ang katumpakanBabangun ang mga tao mula sa kanilang mga libingan sa harapan ng Panginoon ng daigdig upang sila ay hatulan,hanggang aabot ang ang mga pawis ng bawat isa sa kanila sa kalahati ng tainga nito
Ayon kay Anas bin Mālik at Jābir bin `Abdillāh, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, ayon sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Siya noon, kapag kumain ng isang pagkain, ay dumidila sa tatlong daliri niya. Sinabi: At nagsabi siya: "Kapag bumagsak ang mumo ng isa sa inyo ay alisin niya rito ang dumi, kainin niya ito, at huwag niyang iwan ito sa demonyo." Ipinag-utos niya na saidin ang [laman ng] plato. Nagsabi siya: "Sapagkat tunay na kayo ay hindi nakaaalam kung nasa alin sa pagkain ninyo ang biyaya." Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsabi: "Tunay na ang demonyo ay dumadalo sa isa sa inyo sa sandali ng bawat pangyayari sa gawain niya hanggang sa dumadalo ito sa sandali ng pagkain niya. Kaya kapag bumagsak ang mumo ng isa sa inyo ay pulutin niya ito, alisin niya rito ang anumang duming kumapit dito, pagkatapos ay kainin niya ito, at huwag niyang iwan ito sa demonyo. Kapag natapos siya ay dinidilaan niya ang mga daliri niya sapagkat tunay na hindi niya nalalaman kung nasa alin sa pagkain niya ang biyaya."
Isinaysay ito ni Imam Muslim sa dalawang salaysay niyaNasaad sa ḥadīth ang babala laban sa demonyo at ang pagtawag-pansin sa pagsabay nito sa tao sa mga ginagawa niya kaya nararapat na maghanda at mag-ingat laban dito at huwag siyang palilinlang sa ipinang-aakit nito sa kanya. Ang pagkaing dinadaluhan ng tao ay may biyaya. Hindi niya nalalaman kung ang biyayang iyon ay nasa kinain niya o nasa natira sa mga daliri niya o nasa natira sa kailaliman ng plato o nasa mumong nalaglag. Kaya nararapat na pag-ingatan niya ang lahat ng ito upang matamo ang biyaya. Ang orihinal ng kahulugan ng "biyaya" [sa Arabe] ay ang karagdagan, ang pananatili ng kabutihan, at ang pakikinabang. Ang tinutukoy rito ay ang nagdudulot ng nutrisyon, nagliligtas sa kahihinatnan nito sa kapinsalaan, at nagpapalakas para sa pagtalima kay Allāh, pagkataas-taas Niya. Dito ay may kapakinabangang binanggit ng ilan sa mga manggagamot na sa sandali ng pagkain ang mga daliri ay naglalabas ng isang bagay na tumutulong sa pagtutunaw ng pagkain.
Ayon kay Usāmah bin Zayd, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Kapag nakarinig kayo ng salot sa isang lupain, huwag kayong pumasok doon. Kapag naganap ito sa isang lupain habang kayo ay naroon, huwag kayong lumabas mula roon."
Napagkaisahan ang katumpakanKapag may lumitaw na epidemya sa isang lupain na hindi pa pinasok ng isang tao, hindi ipinahihihintulot sa kanya na pasukin iyon bilang pangangalaga sa kalusugan niya at sa kalusugan ng iba. Kapag naman pumasok ang sakit sa isang lupain habang siya ay naroon na, hindi ipinaihihintulot sa kanya na lumabas doon at kailangang magtiis siya sa itinakda ni Allah upang pagkalooban siya ng gantimpala.
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Al-Ashajj, na Ashajj ng [Liping] `Abdulqays: "Tunay na sa iyo ay may dalawang kalikasang nakaiibig sa dalawang ito si Allāh: Ang pagtitimpi at ang paghihinay-hinay."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Mundhir bin `Ā'idh na Ashajj ng Liping `Abdulqays at pangulo nito (malugod si Allāh sa kanya): "Tunay na sa iyo ay may dalawang katangiang nakaiibig sa dalawang ito si Allāh. Ang dalawang ito ay ang unawa at hunos-dili at ang hinahon at hindi pagmamadali."