





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Alalh sa kanya: "Talagang ibibigay nga ang mga karapatan sa mga karapat-dapat sa mga ito hanggang sa gaganti para sa tupang walang sungay laban sa tupang may mga sungay."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng naapi ay gaganti sa umapi sa kanya sa Araw ng Pagkabuhay, pati na ang tupa na walang sungay ay gaganti sa tupang may mga sungay. Hindi lalabag ang Panginoon mo sa katarungan sa isa man.
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Kami noon ay kasama ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa isang paglalakbay. Kami noon kapag pumaitaas sa isang lambak ay nagsasabi ng Lā ilāha illa -llāh, nagsasabi ng Allāhu akbar at tumataas ang mga tinig namin. Kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: O mga tao, maghinay-hinay kayo sa mga sarili ninyo sapagkat tunay na kayo ay hindi dumadalangin sa bingi ni sa nakaliban. Tunay na Siya ay kasama ninyo. Tunay na Siya ay nakaririnig, malapit."
Napagkaisahan ang katumpakan. Ang pananalita ay kay Imām Al-BukhārīyAng ḥadīth ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allah sa kanya, ay na sila noon ay kasama ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa isang paglalakbay, at sila ay nagsasabi ng Lā ilāha illa -llāh, nagsasabi ng Allāhu akbar at nagtataas ng mga tinig nila. Kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "O mga tao, maghinay-hinay kayo sa mga sarili ninyo." Nangangahulugan ito na magdahan-dahan kayo at huwag kayong magpahirap sa mga sarili ninyo sa pagtataas ng tinig sapagkat tunay na kayo ay hindi dumadalangin sa bingi ni sa nakaliban. Dumadalangin lamang naman kayo sa Nakaririnig, Tumutugon at Malapit. Siya, si Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ay hindi nangangailangan ng pahirapan ninyo ang mga sarili ninyo sa pagtataas ng tinik sa pagluluwalhati, pagpupuri, at pagdakila dahil si Allah, pagkataas-taas Niya, ay nakaririnig at nakakikita. Siya ay malapit, kapita-pitagan Siya at kataas-taasan, gayong Siya ay nasa ibabaw ng mga langit ngunit Siya ay nakasasaklaw sa bawat bagay, kapita-pitagan Siya at kataas-taasan. Ang sabing "Dumadalangin lamang naman kayo sa Nakaririnig, Tumutugon at Malapit." ay mga anyo ng pagpapalabis para kay Allah dahil si Allah, pagkataas-taas Niya, ay ganap sa kalubusan sa mga katangiang ito. Kaya naman walang nakalulusot sa pandinig niya na anumang kilos kahit pa man ikinubli. Naririnig niya ang gapang ng langgam sa ibabaw ng matigas na bato sa kadiliman ng gabi at hingi na kubli pa kaysa roon. Hindi rin natatabingan ang paningi NIya ng anuman sa mga hadlang. Siya ay Tunay na Siya ay kasama ninyo. Tunay na Siya ay nakaririnig, malapit."
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: "Kapag nagnais si Allāh sa mga tao ng parusa, dadapuan ng parusa ang sinumang nasa kanila. Pagkatapos ay bubuhayin sila ayon sa mga gawa nila."
Napagkaisahan ang katumpakanIpinabatid ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na kapag ninais ni Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan na magparusa sa mga tao ng isang kaparusahang ukol sa kanila dahil sa masamang mga gawa nila, "dadapuan ng parusa ang sinumang nasa kanila." Nangangahulugan itong: [madadamay] ang sinumang nasa kanila na hindi kabilang sa ayon sa pananaw nila. Lilipulin ni Allāh ang lahat ng mga tao dahil sa paglitaw ng nakasasama at pagpapahayag ng mga pagsuway. "Pagkatapos ay bubuhayin sila ayon sa mga gawa nila." Nangangahulugan itong: bubuhayin ang bawat isa sa kanila alinsunod sa gawa niya. Kung siya ay matuwid, ang kahihinatnan niya ay matuwid dahil kung hindi ay masama. Kaya ang parusang iyon ay isang pandalisay para sa mga matuwid at isang paghihiganti sa mga suwail. Ang pagbuhay sa kanila ayon sa mga gawa nila ay kahatulang makatarungan dahil ang mga gawa nilang matuwid ay gagantihan lamang sila dahil sa mga iyon sa Kabilang-buhay. Sa Mundo naman, ang anumang dumapo sa kanila na kasawian, ito ay bilang pagtatakip-sala sa naunang ginawa nila na masamang gawa. Ang parusang ipinadala sa Mundo sa mga lumabag sa katarungan ay matatanggap ng mga kasama nila at hindi nagmasama sa kanila. Iyon ay naging ganti sa mga ito dahil sa pag-ayon ng mga ito. Pagkatapos sa Araw ng Pagkabuhay ay bubuhayin ang bawat isa sa kanila at gagantihan ayon sa gawa niya.
Ayon kay Mu`ādh bin Jabal, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nahadlangan sa amin ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, isang umaga sa dasal sa madaling-araw hanggang sa kami ay halos nakatatanaw sa mata ng araw kaya lumabas siya nang mabilis, at ipinasagawa ang iqāmah. Nagdasal ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagmadali siya sa dasal niya. Noong nakapagsabi siya ng salām, nanawagan siya sa pamamagitan ng tinig niya at nagsabi: "Manatili sa mga hanay ninyo kung nasaan kayo." Pagkatapos ay tumuon siya sa amin at nagsabi: "Makinig! Tunay na ako ay magsasaysay sa inyo ng humadlang sa akin sa inyo sa umagang ito. Tunay na ako ay bumangon sa gabi, nagsagawa ng wuḍū', at nagdasal ng ipinakaya sa akin ngunit nakaidlip sa dasal. Humimbing ang tulog ko at biglang ako ay nasa tabi ng Panginoon ko, mapagpala Siya at pagkataas-taas Niya, sa pinakamagandang anyo. Nagsabi Siya: 'O Muḥammad.' Nagsabi ako: 'Tumutugon po sa Iyo, Panginoon ko.' Nagsabi Siya: 'Hinggil sa ano nagtatalo ang Pamunuang Kataas-taasan?' Nagsabi ako: 'Hindi ko po nalalaman, Panginoon ko.' Sinabi Niya ito nang makatatlo." Nagsabi siya: "At nakita ko Siyang naglagay ng palad Niya sa pagitan ng mga balikat ko hanggang sa naramdaman ko ang lamig ng mga dulo ng mga daliri Niya sa pagitan ng mga suso ko. Kaya nahayag sa akin ang bawat bagay at nalaman ko. Nagsabi Siya: 'O Muḥammad.' Nagsabi ako: 'Tumutugon po sa Iyo, Panginoon ko.' Nagsabi Siya: 'Hinggil sa ano nagtatalo ang Pamunuang Kataas-taasan?' Nagsabi ako: 'Hinggil sa mga panakip-sala po.' Nagsabi Siya: 'Ano sila.' Nagsabi ako: 'Ang paglalakad ng mga paa patungo sa mga kongregasyon, ang pag-upo sa mga masjid matapos ang mga dasal, at ang paglulubos sa wuḍū' sa mga kalagayang nakasusuklam.' Nagsabi Siya: 'Pagkatapos ay hinggil sa ano?' Nagsabi ako: 'Ang pagpapakain ng pagkain, ang pagkabanayad sa pagsasalita, at ang pagdarasal sa gabi samantalang ang mga tao ay tulog.' Nagsabi Siya: 'Humiling ka.' Nagsabi ako: 'O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng paggawa ng mga kabutihan; humihiling sa Iyo ng pag-iwan sa mga nakasasama, pag-ibig sa mga dukha, na magpatawad Ka sa akin, maawa Ka sa akin, at kapag nagnais Ka ng isang ligalig sa mga tao, papanawin Mo ako nang hindi niligalig; at humihiling sa Iyo ng pag-ibig Mo, pag-ibig ng sinumang umiibig sa Iyo, at pag-ibig sa isang gawaing nagpapalapit sa pag-ibig Mo.'" Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tunay na ito ay totoo kaya pag-aralan ninyo ito, pagkatapos ay matuto kayo nito."
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām AḥmadIpinababatid ni Mu`ādh bin Jabal, malugod si Allāh sa kanya, na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, minsan isang araw, ay naantala sa paglabas sa kanila para sa dasal sa madaling-araw hanggang sa halos ang araw ay sumikat na. Lumabas siya sa kanila at ipinasagawa ang iqāmah. Namuno siya dasal sa kanila at pinagaan ito. Noong natapos siya sa dasal niya, ipinag-utos niya na manatili sila sa mga kinauupuan nila sa mga hanay. Pagkatapos ay ipinabatid niya sa kanila ang dahilan ng pagkahuli niya sa dasal sa madaling-araw. Siya ay bumangon sa gabi at nagsagawa ng wuḍū'. Pagkatapos ay nagdasal ng niloob ni Allāh na bilang ng mga rak`ah. Nakatulog siya sa dasal niya at nakita niya ang Panginoon niya, pagkataas-taas Niya, sa panaginip sa pinakamagandang anyo at tinanong siya hinggil sa kung ano ang pinag-uusapan ng mga inilapit na anghel. Kaya nagsabi sa Kanya ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Hindi ko po nalalaman." Naganap ang tanong na ito at ang sagot na ito nang tatlong ulit. Inilagay ng Panginoon, napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas, ang palad Niya sa pagitan ng mga balikat ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, hanggang sa nakadama ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng lamig ng mga daliri Niya, pagkataas-taas Niya, sa dibdib niya. Ang paglalarawan ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa Panginoon niya, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ng anumang ipinanlarawan niya ay katotohanan at katapatan, na kinakailangan ang pananampalataya at ang paniniwala rito kung paanong inilarawan ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang sarili Niya, kalakip ng pagkakaila ng pagtutulad sa Kanya. Ang sinumang humirap sa kanya ang pag-unawa sa anuman doon at naghihinala roon ay magsabi ng gaya sa pagbubunyi ni Allāh, pagkataas-taas Niya, sa mga nag-uugat sa kaalaman. Nagpabatid Siya tungkol sa kanila na sila ay nagsasabi sa sandali ng pagkalito: "Sumasampalataya kami rito; lahat ay mula sa ganang Panginoon namin." Huwag siyang magpanggap sa wala siyang kaalaman sapagkat kinatatakutan para sa kanya dahil doon ang pagkapahamak. Kaya sa tuwing nakarinig ang Mananampalataya ng isang bagay kabilang sa pananalitang ito ay nagsasabi sila: "Ito ang ipinabatid sa amin ni Allāh at ng Sugo ni Allāh. Nagsabi ng totoo si Allāh at ang Sugo Niya." Walang naidagdag sa kanila kundi pananampalataya at pagpapasakop. Noong inilagay ng Panginoon, napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya, ang palad Niya sa pagitan ng mga balikat ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, nabunyag sa kanya ang bawat bagay at nalaman niya ang sagot. Nagsabi siya: "Nag-uusap sila, nagtatalakayan sila, at nagtatalo sila hinggil sa mga katangiang bahagi ng kalagayan ng mga ito na magtakip-sala sa kasalanan. Ang pagtatalo nila ay katumbas ng pagpapalitan nila ng pagkilala sa mga gawaing iyon at pag-aakyat sa mga ito sa langit o pag-uusap nila hinggil sa kalamangan ng mga ito at karangalan ng mga ito. Ang mga katangiang ito ay ang paglalakad papunta sa dasal sa kongregasyon; pag-upo sa masjid matapos ang mga dasal para sa dhikr, pagbabasa ng Qur'ān, pakikinig sa kaalaman at pagtuturo nito; at paglulubos sa wuḍū' at pagpapaabot niya sa mga bahagi ng katawang kailangang mabasa ayon sa Batas ng Islam sa mga kalagayang nasusuklam ang tao sa pagsasagawa ng wuḍū' gaya ng sa matinding lamig." Pagkatapos ay nagsabi sa kanya ang Panginoon: "Pagkatapos ay hinggil sa ano nagtatalo ang mga inilapit na anghel?" Nagsabi sa Kanya ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Sa pagpapakain sa mga tao, pakikipag-usap sa mga tao sa pananalitang kaaya-aya at banayad, at pagdarasal sa pagbangon sa gabi samantalang ang mga tao ay natutulog." Nagsabi sa kanya ang Panginoon, napakamaluwalhati Niya: "Humiling ka sa Akin ng niloob mo." Hiniling sa Kanya ng Propeta na ituon siya sa paggawa ng bawat kabutihan, pag-iwan sa bawat kasamaan, na paibigin siya sa mga dukha at mga maralita, na magpatawad sa kanya, at maawa sa kanya; na kapag nagnais si Allāh na manligalig sa mga tao at maipaligaw sila palayo sa katotohanan ay papanawin siya nang hindi nililigalig ni naliligaw; na pagkalooban siya ng pag-ibig Niya, pag-ibig ng sinumang umiibig sa Kanya, at pag-ibig sa isang gawaing nagpapalapit sa pag-ibig Niya." Pagkatapos ay nagpabatid ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa mga Kasamahan niya na ang panaginip na ito ay totoo at nag-utos siyang pag-aralan nila ito at matutunan ang mga kahulugan nito at ang mga panuntunan nito.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya: "Noong inanyuan ni Allāh si Adan sa Paraiso, iniwan siya ng ayon sa niloob ni Allāh kaya nagsimula si Satanas na pumalibot sa kanya habang tumitingin kung ano siya at nakita nitong siya ay hungkag. Nalaman nito na siya ay nilikhang isang nilikhang hindi nakapipigil ng sarili."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNoong nilikha ni Allāh si Adan sa Paraiso at hinugisan ang anyo niya, iniwan siya sa loob ng yugtong hindi pa naihip sa kanya ang kaluluwa kaya nagsimula si Satanas na umikot sa paligid niya habang tumitingin sa kanya upang malaman kung ano ang bagay na ito. Noong nakita nito ang loob niya na walang laman yamang siya ay hungkag ang loob, nalaman nito na siya ay nilikhang mahina, na hindi nakakakayang magtaboy ng sulsol sa kanya; o nalaman nito na siya ay nakagawa, dahil sa hungkag na loob niya, ng pagkakasala sapagkat siya ay dinalhan ng pagkain mula sa punong-kahoy; o nalaman na nito na ang nilikhang hinungkag ang loob ay mahina. Pinaghinalaan ng ilan sa mga tao ang sabi niyang "sa Paraiso" kaalinsabay ng nasaad na si Allāh ay lumikha kay Adan mula sa mga bahagi ng lupa. Sinagot na siya ay posibleng iniwang gayon hanggang sa dumaan sa kanya ang mga yugto ng pagbabago. Inihanda ang anyo niya para tanggapin ang pag-ihip ng kaluluwa roon. Pagkatapos ay dinala siya sa Paraiso at inihip ang kaluluwa niya sa loob nito.
Ayon kay Annawwa's bin Sam-an-malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi:Binanggit ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang tungkol kay Dajjal sa isang umaga,inilalarawan niya ito na parang walang pagpapahalaga at sa oras na iyon ay inilarawan niya na may pagpapahalaga hanggang sa inakala namin na ito ay malapit sa mga puno,at nang pumunta kami sa kanya,napag-alaman niya ito sa amin(ang takot),at nagsabi siya:"Anu ang nangyari sa inyo?"Nagsabi kami:O Sugo ni Allah,binanggit mo ang tungkol kay Dajjal ngayong umaga,inilalarawan mo ito na parang walang pagpapahalaga at sa oras na iyon ay inilarawan mo ito na may pagpapahalaga hanggang sa inakala namin na ito ay nagtatago malapit sa mga puno,Nagsabi siya:" Maliban kay Dajjal ang ikinatatakot ko sa para sa inyo,at kapag siya ay lumabas at ako ay kasama ninyo,ipagtatanggol ko kayo laban sa kanya,at kapag lumabas siya at wala na ako sa inyo,ang bawat isa ay magtatanggol sa sarili nito,at si Allah ang nag-iisang tagapagtanggol ng bawat Muslim,Si Dajjal ay isang binatang lalaki na may kulot na buhok,ang isang mata niya ay bulag,at naikukumpara ko ang mukha niya kay Al-`Uzza bin Qatan.Sinuman ang umabot sa kanya mula sa inyo,basahin niya ang panimula ng kabanata ng Al-Kahf,Siya ay lilitaw sa mga daan sa pagitan ng Iraq at Sham,at magpapalaganap siya ng matinding katiwalian sa kanan,at matinding katiwalian sa kaliwa,O mga lingkod ni Allah,magpakatatag kayo,)) Nagsabi kami:O Sugo ni Allah,Hanggang kailan siya magtatagal sa Mundo?Ang sabi niya:((Apatnapung Araw;Araw na ang katumbas ay isang Taon at:Araw na ang katumbas ay isang buwan,at araw na ang katumbas ay isang linggo at ang nalalabing araw ay katulad ng araw ninyo)),Nagsabi kami: O Sugo ni Allah;Ang araw na katumbas ay taon,sapat naba sa amin dito ang dasal sa isang araw?Nagsabi siya:" Hindi,sukatin ninyo ito,ayon sa naayong sukat nito[regular na oras ng dasal]",Nagsabi kami:Gaano siya kabilis(maglakbay) sa Mundo?"Katulad ng ulap na nasa likod ng hangin"at darating siya sa mga tao,at aanyayaan sila na maniwala sa kanya, at maniniwala sila at tutugon sila sa kanya,Uutusan niya ang kalangitan at uulan,at ang lupa na tutubo(ng mga halaman) at darating sa kanila ang mga alaga nilang (kamelyo) na may mas pinataas na umbok,at pinuno sa gatas na mga soso(kamelyo),at mas malaki nitong mga balakang,Pagkatapos ay darating siya sa ibang mga tao,at aanyayahan niya sila;at pasisinungalingan nila ang mga sinasabi nito,at lilisanin niya sila,hanggang sa darating sa kanila ang tagtuyot at walang matitira sa mga pag-aari nila mula sa mga ari-arian nila,Pagkatpos ay dadaan siya sa nasalantaan at sasabihin niya dito: Ilabas ang inyong mga kayamanan,at lalabas ang mga kayamanan at susunod ito sa kanya na parang mga lalaki ng pukyutan,pagkatapos ay tatawagin niya ang isang lalaki na magdadala ng maraming kabataan,at hahampasin niya ito ng tabak at puputulin ito sa dalawang piraso,at ilalagay niya ito na magkapantay ang layo sa pagitan ng mamamana at papanahin,pagkatapos ay tatawagin niya ito,at pupunta sa kanya,na may sinag ang kanyang mukha na tumatawa,at sa mga oras na iyon,ipapadala na ni Allah si Eisah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-bababa siya sa isang Parolang puti sa may Silangang bahagi ng Damascus,na may suot na dalawang tela,nakalagay ang kanyang kamay sa mga pakpak ng dalawang anghel,kapag iniyuko niya ang kanyang ulo,pumapatak ang pawis nito,at kapag itinaas niya ito,pumapatak mula dito ang mga piraso na parang perlas,at walang hindi mananampalataya na naaamoy niya ang bango ni [Eisah] maliban sa siya ay mamamatay,at ang kanyang bango ay laganap hanggat siya ay natatanaw,at hahanapin niya siya(Dajjal) hanggang sa mahabol niya ito sa isang pintuan na tinatawag na LUDD at papatayin niya ito,Pagkatapos ay darating kay Eisah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang mga tao na naprotektahan ni Allah mula dito,pupunasan niya ang kanilang mga mukha at sasabihin sa kanila ang mga antas nila sa Paraiso,at sa mga oras na iyon;ay ipapahayag ni Allah kay Eisah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Tunay na iniligtas ko ang mga lingkod ko,walang dalawang kamay sa kahit na sinuman ang makikipag-laban sa kanila,iligtas mo ang aking mga alipin sa bundok ng Attur,At ipapadala ni Allah sina Ya`juj at Ma`juj at sa bawat mataas na lugar ay maglalabasan sila,at dadaan ang mauuna sa kanila sa isang dagat-dagatan na tinatawag na Tabariyyah,at iinumin nila ang lahat dito,at dadaan ang pinaka-huli sa kanila na sasabihin nila:Nagkaroon ng tubig dito noon,at nahihirapan ang Propeta ni Allah na si Eisah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang mga kasamahan niya-malugod si Allah sa kanila-hanggang sa naging;ang isang ulo ng Toro para sa isa sa kanila ay mas-mainam mula sa isang-daang Dinar para sa isa sa inyo ngayon,Kung kaya`t mananalangin ang Propeta ni Allah na si Eisah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang mga kasamahan niya-malugod si Allah sa kanila-kay Allah-pagkataas-taas Niya-At ipapadala ni Allah-Pagkataas-taas Niya sa kanila ng mga Uod sa mga leeg nila,hanggang sa silay sabay-sabay na mamamatay tulad ng pagkamatay ng isang tao,pagkatapos ay bababa ang Propeta ni Allah na si Eisah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang mga kasamahan niya-malugod si Allah sa kanila-sa mga mababang lupa,at walang silang matatagpuan kahit na maliit na lugar,maliban sa itoy mapupuno ng mga bangkay nila at mabahong amoy nila,kung kaya`t mananalangin ang Propeta ni Allah na si Eisah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang mga kasamahan niya-malugod si Allah sa kanila-kay Allah-Pagkataas-taas Niya-At ipapadala ni Allah-Pagkataas-taas Niya sa kanila ang mga Ibon na ang kanilang mga leeg ay katulad ng likod ng kamelyo,dadalhin nila ang mga ito at itatapon nila sa kung saan naisin ni Allah,Pagkatapos ay ipapadala ni Allah pagkataas-taas Niya-sa kanila ang Ulan,at mawawala dito ang mga bahay na gawa sa lupa at gawa sa mga balahibo O lana,at mahuhugasan ang lahat ng kalupaan hanggang sa iiwanan itong katulad ng Salamin,Pagkatapos ay sasabihin sa Lupa: "ilabas ang mga Bunga mo,at ibalik ang mga Pagpapala nito,at sa oras na iyon,kakain mula rito ang mga grupo ng mga tao at makakagawa sila ng mga kanlungan nila mula sa balat nito(puno),at Ipagpapala ang gatas hanggang sa ang gatas ng isang kamelyo ay magiging sapat para sa maraming tao, at ang gatas mula sa Baka ay magiging sapat para sa buong tribo ng mga tao,at ang gatas mula sa Tupa ay magiging sapat para sa pamilya ng mga tao,at sa mga Oras na iyon,ipapadala ni Allah-Pagkataas-taas Niya,ang kaaya-ayang Hangin na pupunta sa mga kili-kili nila,Hanggang sa kukunin ang kaluluwa ng lahat mananampalataya at lahat ng Muslim,at tanging ang mga masamang Tao lamang ang maiiwan,Sila iyong gumawa ng pangangalunya sa mga pampubliko tulad ng pangangalunya ng mga hayop(Asno),At sa kanila ay magaganap Ang Paggunaw sa Mundo.))
Nagsalaysay nito si Imām MuslimKabilang sa mga palatandaan na malaki sa Pagsapit ng Takdang Oras; Ay ang Paglabas ni Dajjal,at siya ay ang nabanggit sa Hadith,at siya ay kabilang sa mga Bagay na Nakalingid(Al-Ghayb) na nararapat ang pananampalataya at paniniwala dito tulad ng naipahayag ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,Binanggit niya ang lahat ng katangian nito upang hindi maitago sa mga Muslim ang gawain nito.At binigyan Siya ni Allah ng mga kakayahan na nakakamangha at hindi pangkaraniwang bilang pagsubok at pagsusulit sa mga tao,At dadaan siya sa buong kalupaan maliban sa Meccah at Madinah.At magiging ang katapusan ng gawain nito ay sa kamay ng Propeta ni Allah,Eisah-Sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-Pagkatapos ay lilitaw ang Ya`juz at Ma`juz,at ilalaganap nila sa kalupaan ang pamiminsala,at sila ay kabilang din sa mga Palatandaan sa pagdating ng Takdang Oras,at mananalangin ang Propeta ni Allah,Eisah at ang mga mananampalataya kay Allah-Pagkataas-taas Niya-hanggang sa mailigtas sila ni Allah sa kanila,at darating na ang Takdang-Oras pagkatapos ng mga pangyayaring ito at nang malaking katotohanan na ito,ay kukunin na ni Allah-Pagkatas-taas Niya-ang mga kaluluwa ng mga naglilingkod sa kanya na mananampalataya,at magaganap ang na ang Takdang Oras para sa mga masasamang nilikha,
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: Tunay na si Allāh, kapag umibig Siya sa isang tao, ay tumatawag kay Gabriel saka nagsasabi: "Tunay na Ako ay umiibig kay Polano kaya umibig ka sa kanya." Nagsabi siya: "Kaya iibig sa kanya si Gabriel." Pagkatapos mananawagan ito sa [mga naninirahan sa] langit saka magsasabi ito: "Tunay na si Allāh ay umiibig kay Polano kaya umibig kayo sa kanya." Kaya iibig sa kanya ang mga naninirahan sa langit. Nagsabi siya: "Pagkatapos ilalagay para sa kanya ang pagtanggap sa lupa." Kapag naman namuhi Siya sa isang tao, tumatawag Siya kay Gabriel saka nagsasabi: "Tunay na Ako ay namumuhi kay Polano kaya mamuhi ka sa kanya." Nagsabi siya: "Kaya mamumuhi sa kanya si Gabriel." Pagkatapos mananawagan ito sa mga naninirahan sa langit: "Tunay na si Allāh ay namumuhi kay Polano kaya mamuhi kayo sa kanya." Pagkatapos ilalagay para sa kanya ang pagkamuhi sa lupa."}
Ṣaḥīḥ MuslimNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh — kapag umibig Siya sa lingkod Niyang mananampalatayang tagatalima sa mga ipinag-uutos niya, na tagaiwas sa mga sinasaway — ay nananawagan kay Anghel Gabriel: "Tunay na si Allāh (napakataas Siya) ay umiibig kay Polano kaya umibig ka sa kanya." Kaya iibig dito ang pinapanginoon ng mga anghel na si Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) saka mananawagan naman si Anghel Gabriel sa mga anghel ng langit: "Tunay na ang Panginoon ninyo ay umiibig kay Polano kaya umibig kayo sa kanya." Kaya iibig naman sa kanya ang mga naninirahan sa langit. Pagkatapos maglalagay sa kanya ng pagtanggap sa mga puso ng mga mananampalataya ng pag-ibig, pagkiling sa kanya, at pagkalugod sa kanya. Kapag namuhi si Allāh sa isang tao, mananawagan Siya kay Anghel Gabriel: "Tunay na Ako ay namumuhi kay Polano kaya mamuhi ka sa kanya." Kaya mamumuhi sa kanya si Anghel Gabriel. Pagkatapos mananawagan si Anghel Gabriel sa mga naninirahan sa langit: "Tunay na ang Panginoon ninyo ay namumuhi kay Polano kaya mamuhi kayo sa kanya." Kaya mamumuhi naman sila sa kanya." Pagkatapos maglalagay para sa kanya ng pagkamuhi at pagkasuklam sa mga puso ng mga mananampalataya.
Ayon kina Anas bin Mālik at Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, hinggil sa isinaysay niya ayon sa Panginoon niya, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, na nagsabi: "Kapag nagpakalapit ang tao sa Akin ng isang dangkal, magpapakalapit Ako sa kanya ng isang siko. Kapag nagpakalapit siya sa Akin ng isang siko, magpapakalapit Ako sa kanya ng isang dipa. Kapag pinuntahan niya Ako nang naglalakad, pupuntahan Ko siya nang payagyag."
Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Napagkaisahan ang katumpakanAng sinumang nagpakalapit kay Allāh sa pamamagitan ng anumang kabilang sa mga pagtalima, kahit kakaunti, tatapatan ito ni Allāh ng ilang ulit na paggagantimpala at pagpaparangal. Sa tuwing nagdaragdag ito ng pagtalima, dinaragdagan Niya ito ng gantimpala at nagpapabilis Siya ng awa Niya at kabutihang-loob Niya. Ang kahulugang ito ay pinaniwalaan ng isang pangkat ng mga may kaalaman kabilang sa mga Alagad ng Sunnah at Pagkakabuklod, na nagpapatibay sa mga katangian [ni Allāh] ayon sa hayag na kahulugan ng mga ito, gaya ni Ibnu Taymiyah. Itinuturing nilang ang ḥadīth na ito ay hindi kabilang sa mga ḥadīth ng mga katangian [ni Allāh]. Naniwala naman ang isang pulutong kabilang sa kanila sa pagpapatibay sa katangian ng pagyagyag para kay Allāh, pagkataas-taas Niya, mula sa ḥadīth na ito nang walang pagsuong sa pagpapaliwanag sa kahulugan nito.
Ayon kay Muhammad bin Zaid :Na ang mga tao ay nagsabi sa lolo nila na si Abdullah bin Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-:Kami ay pumapasok sa mga Sultan namin ,sinasabi namin sa kanila ang salungat sa mga pinag-uusapan namin kapag lumabas kami sa kanila.Nagsabi siya:Ibinibilang namin ito sa epokrito sa panahon ng sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyAyon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa.Na ang mga tao ay dumating sa kanya,at nagsabi sila:Kami ay pumapasok sa mga sultan namin at sinasabi namin sa kanila ang mga sasabihin,ngunit kapag lumabas kami mula sa kanila,nagsasabi kami ng salungat rito.Nagsabi siya:Ibinibilang namin ito sa pagkukunwari sa panahon ng sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-dahil sila ay nag-usap na nagsisinungaling,at nagkanulo sila sa mga payo sa kanila,At ang karapat-dapat sa sinuman na pumasok sa mga sultan,mula sa mga pinuno at mga minestro at mga pangulo at mga hari,ang nararapat sa kanya ay magsalita ng bagay ayon sa katotohanan nito.