





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay `Ā'ishah, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang umibig sa pakikipagtagpo kay Allah, iibigin ni Allah ang pagkikipagtagpo sa kanya. Ang sinumang nasuklam sa pakikipagtagpo kay Allah, kasusuklaman ni Allah ang pakikipagtagpo sa kanya. Nagsabi ako: 'O Sugo ni Allah, pagkasuklam po ba sa kamatayan sapagkat lahat tayo ay nasusuklam sa kamatayan?' Nagsabi siya: 'Hindi ganoon, bagkus ang mananampalataya, kapag binalitaan ng awa ni Allah, pagkalugod Niya, at Paraiso Niya, ay iibigin ang pakikipagtagpo kay Allah kaya iibigin din ni Allah ang pakikipagtagpo sa kanya. Tunay na ang tumatangging sumampalataya, kapag binalitaan ng pagpaparusa ni Allah at ngitngit Niya, ay kasusuklaman ang pakikipagtagpo kay Allah at kasusuklaman din ni Allah ang pakikipagtagpo sa kanya.'"
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Ang sinumang umibig sa pakikipagtagpo kay Allah, iibigin ni Allah ang pagkikipagtagpo sa kanya. Ang sinumang nasuklam sa pakikipagtagpo kay Allah, kasusuklaman ni Allah ang pakikipagtagpo sa kanya." Kaya nagsabi si `Ā'ishah, malugod si Allah sa kanya: "pagkasuklam po ba sa kamatayan sapagkat lahat tayo ay nasusuklam sa kamatayan?" Nagsabi siya: "Hindi ganoon." Ipinabatid ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na ang tao, kapag inibig nito ang pakikipagtagpo kay Allah, iibigin ni Allah ang pakikipagtagpo sa kanya. Iyon ay dahil sa ang mananampalataya ay sumasampalataya sa inihanda ni Allah para sa mga mananampalataya sa Paraiso na masaganang gantimpala at kaloob na panlahat na malawak. Iibigin niya iyon at liliit sa paningin niya ang Mundo at hindi niya pahahalagahan ito dahil siya ay lilipat sa higit na maganda kaysa rito. Sa sandaling iyon, iibigin niya ang pakikipagtagpo kay Allah lalo na sa sandali ng kamatayan kapag binalitaan siya ng pagkalugod at awa. Iibigin niya ang pakikipagtagpo kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, at pananabikan ito kaya naman iibigin ni Allah ang pakikipagtagpo sa kanya. Ang tumatangging sumampalataya naman, magpakupkop kay Allah, tunay na siya, kapag binalitaan ng parusa ni Allah at ngitngit Niya, ay kasusuklaman ang pakikitagpo kay Allah, kaya naman kasusuklaman ni Allah ang pakikipagtagpo sa kanya. Dahil dito, nasaad sa isang hadith na ang kaluluwa ng tumatangging sumampalataya, kapag binalitaan ng galit at ngitngit ni Allah, ay nagkakahiwa-hiwalay sa katawan nito at tumatangging lumabas.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Ang Oxus, ang Jaxartes, ang Yufrates, at ang Nilo ay lahat mula sa mga ilog ng Paraiso."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng Oxus, ang Jaxartes, ang Yufrates, at ang Nilo ay apat na ilog sa Mundo na inilarawan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na ang mga ito ay mula sa mga ilog ng Paraiso. Nagsabi ang ilan sa mga mga kaalaman: "Tunay na ang mga ito ay mula sa mga ilog ng Paraiso sa tunay na kahulugan subalit ang mga ito, noong bumaba sa Mundo, ay napanaigan ng kalikasan ng mga ilog ng Mundo at naging kabilang sa mga ilog ng Mundo."
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya: Nagsabi ang mga tao: "O Sugo ni Allāh, nagmahal ang presyo kaya magpresyo ka para sa amin." Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tunay na si Allāh ay ang Tagapagpresyo, ang Tagapagkait, ang Tagapagtustos at tunay na ako ay talagang umaasang makatagpo ko si Allāh samantalang walang isa sa inyo na maniningil sa akin ng isang paglabag sa katarungan sa buhay ni sa ari-arian."
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadTumaas ang mga presyo ng mga paninda sa panahon ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kaya hiniling ng mga tao sa kanya na takdaan para sa kanila ang mga presyo ng mga paninda kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tunay na si Allāh ay ang Tagapagpresyo, ang Tagapagkait, ang Tagapagtustos..." Nangangahulugan ito: Tunay na si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay ang nagpapamura sa mga bagay at ang nagpapamahal sa mga ito, ang nagpapagipit sa panustos sa sinumang loobin Niya, at nagpapaluwag nito sa sinumang loobin Niya. Nangangahulugan ito: Kaya ang sinumang nagtangkang magkontrol ng presyo, tumutol nga ito at sumalungat kay Allāh sa anumang ninanais Niya at nagkait sa mga tao ng mga karapatan nila, na ipinagkatiwala sa kanila ni Allāh kaugnay sa pagmahal at pagmura ng presyo. Pagkatapos ay nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tunay na ako ay talagang umaasang makatagpo ko si Allāh samantalang walang isa sa inyo na maniningil sa akin ng isang paglabag sa katarungan sa buhay ni sa ari-arian." Ito ay isang pahiwatig na ang pinagbawalan sa pagkokontrol ng presyo ay dahil sa pangambang malabag niya sila sa katarungan sa mga ari-arian nila. Tunay na ang pagkokontrol sa presyo ay isang pagkokontrol dito nang walang pahintulot ng karapat-dapat dito kaya ito ay magiging isang paglabag sa katarungan subalit kapag nagsabwatan ang mga nagtitinda, halimbawa, na mga negosyante at mga tulad nila sa pagtaas ng mga presyo ng mga may kasakiman sa kanila, may karapatan ang tagapangsiwa ng kapakanan sa pagtatakda ng makatarungang presyo para sa mga bilihin, halimbawa, bilang pagtataguyod sa katarungan sa mga tagapagtinda at mga mamimili at batay sa pangkalahatang panuntunan, ang panuntunan ng pagkamit ng mga nakabubuti at ang pagtulak sa mga nakasasama. Kung hindi naganap ang pagsasabwatan mula sa kanila at tumaas lamang ang presyo dahil sa dami ng pangangailangan at kakauntian ng paninda nang walang pandaraya, walang karapatan ang tagapangasiwa ng kapakanan na takdaan ang presyo, bagkus hahayaan ang mga nasasakupan. Tinutustusan ni Allāh ang ilan sa kanila mula sa iba sa kanila. Alinsunod dito, hindi ipinahihintulot sa mga negosyante na magtaas ng presyo nang labis sa nakasanayan ni kontrolin ang presyo. Ayon dito ipakakahulugan ang ḥadīth na ito.
Ayon kay Ya`lā bin Umayyah, malugod si Allāh sa kanya, ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nakakita ng isang lalaking naliligo sa nakalantad na pook nang walang tapis kaya pumanik siya sa pulpito, nagpuri kay Allāh, at nagbunyi. Pagkatapos ay nagsabi siya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tunay na si Allāh ay mahiyaing mapagtakip, na naiibigan ang hiya at ang pagtatakip kaya naman kapag naligo ang isa sa inyo ay magtakip siya."
Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudNakakita ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng isang lalaking naliligo sa pampublikong lugar nang nakahubad. Pumanik ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa pulpito. Nagpuri siya kay Allāh at nagbunyi. Pagkatapos ay nagsabi: "Tunay na si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ay mahiyaing mapagtakip, na naiibigan ang hiya at ang pagtatakip kaya naman kapag naligo ang isa sa inyo ay magtakip siya." Nangangahulugan itong tunay na kabilang sa mga pangalan ni Allāh, pagkataas-taas Niya, ang Ḥayīy (Mahiyain) at ang Satīr (Mapagtakip). Naiibigan Niya, napakamaluwalhati Niya, ang hiya at ang pagtatakip kaya hindi nararapat sa isang Muslim na maglantad ng kahubaran niya sa harapan ng mga tao kapag naliligo, bagkus kinakailangan sa kanya na magtakip. Ang hiya ni Allāh, pagkataas-taas Niya, ay paglalarawang naaangkop sa Kanya - hindi ito gaya ng hiya ng nilikha, na isang pagbabago at panlulumong dumadapo sa kanya sa sandali ng pangamba sa maipipintas sa kanya o maipupula sa kanya - bagkus ito ay ang pag-iwan sa hindi naaangkop kaalinsabay ng lawak ng awa Niya, kalubusan ng kagalantehan Niya, pagkamapagbigay Niya, at kadakilaan ng pagpapaumanhin Niya at pagtitimpi Niya.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: Tunay na si Allāh ay nagsabi: "Kapag lumapit sa Akin ang lingkod Ko nang isang dangkal, lalapit Ako sa kanya nang isang siko. Kapag lumapit siya sa Akin ng isang siko, lalapit Ako sa kanya ng isang dipa. Kapag lumapit siya sa Akin ng isang dipa, lalapit Ako sa kanya nang pinakamabilis."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimKapag nagpakalapit ang tao sa Panginoon sa sukat na isang dangkal, nagpapakalapit ang Panginoon sa kanya sa sukat na isang siko. Kapag nagpakalapit ang tao sa Panginoon nang higit doon, nagpapakalapit ang Panginoon sa kanya nang higit sa pagpapakalapit niya sa Panginoon. Kapag pumunta ang tao sa Panginoon niya, pupunta sa kanya ang Panginoon nang higit na mabilis kaysa sa kanya. Ang paglapit at ang pagpunta ay dalawang katangiang napagtibay na taglay ni Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan. Naniniwala tayo sa dalawang ito nang walang pagpapaliwanag ng kahulugan, ni pagtutulad sa kahulugan, at nang walang paglilihis ng kahulugan, at ni pagpapaliwanag sa kahulugan.
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya, siya ay nagsabi: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nasaklawan ng pandinig Niya ang mga tunog. Talaga ngang dumating si Khawlah sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na idinadaing ang asawa niya, ngunit nakakubli sa akin ang pananalita niya, kaya ibinaba ni Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ang (Qur'ān 58:1): Narinig nga ni Allāh ang sinabi ng babae na nakikipagtalo sa iyo hinggil sa asawa niya at dumaraing kay Allāh. Si Allāh ay nakaririnig sa talakayan ninyong dalawa..."
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām AḥmadSi Khawlah bint Tha`labah ay maybahay noon ni Aws bin Aṣ-Ṣāmit at nagsabi ito sa kanya: "Ikaw para sa akin ay gaya ng likod ng ina ko." Nangangahulugan itong: "Ikaw ay hindi ipinahihintulot maging maybahay sa akin." Pumunta siya sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at binanggit doon ang kuwento niya. Nagsabi sa kanya ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Naging bawal ka na sa kanya." Kaya nagsimula siyang magsabi sa mahinang tinig na nakalingid kay `Ā’ishah sa kabila ng lapit nito sa kanya: "Matapos akong tumanda ay itutulad niya ako sa likod ng ina niya? Kay Allāh ko idaraing ang kalagayan ng mga bata. Kung kakandiliin ko sila sa akin, magugutom sila; kung iiwan ko sila sa kanya, mapapariwara sila." Ito ang pakikipagtalo niya sa Sugo, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na binanggit ni Allāh, pagkataas-taas Niya, sa sabi Niya (Qur'ān 58:1): "Narinig nga ni Allāh ang sinabi ng babae na nakikipagtalo sa iyo hinggil sa asawa niya at dumaraing kay Allāh. Si Allāh ay nakaririnig sa talakayan ninyong dalawa..." Kaya nagsabi si `Ā’ishah: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nasaklawan ng pandinig Niya ang mga tunog." Nangangahulugan itong: naunawaan Niya ang mga ito at natalos ang mga ito kaya walang anumang makakawala sa mga ito kahit pa man nakakubli. "Talaga ngang dumating si Khawlah sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na idinadaing ang asawa niya, ngunit nakakubli sa akin ang pananalita niya, kaya ibinaba ni Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ang (Qur'ān 58:1): Narinig nga ni Allāh ang sinabi ng babae na nakikipagtalo sa iyo hinggil sa asawa niya at dumaraing kay Allāh. Si Allāh ay nakaririnig sa talakayan ninyong dalawa..." Nangangahulugan itong: Noong pumunta si Khawlah upang idaing ang asawa niya sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsasalita siya sa mahinang tinig na hindi naririnig ni `Ā’ishah sa kabila ng lapit nito sa kanya. Sa kabila niyon, narinig ito ni Allāh, pagkataas-taas Niya, mula sa ibabaw ng pitong langit at ibinaba Niya ang nabanggit na talata ng Qur'ān. Ito ay kabilang sa pinakamariin sa mga patunay sa pagkakaroon ng katangian ni Allāh, pagkataas-taas niya, na pandinig. Ito ay isang bagay na hindi maiiwasang malamang bahagi ng Relihiyon. Walang nagkakaila rito maliban sa sinumang naligaw sa patnubay. Itong sabi ni `Ā’ishah ay nagpapatunay na ang mga Kasamahan, malugod si Allāh sa kanila, ay sumampalataya sa mga teksto ng Qur'ān ayon sa hayag na kahulugan ng mga ito na kaagad na natatalos ng pang-unawa. Ito ang ninais ni Allāh sa kanila at sa iba pa sa kanila na mga inatangan ng tungkulin sa Islām, at gayon din naman ang Sugo Niya, yayamang kung sakaling itong sinampalatayaan nila at pinaniwalaan nila ay mali, hindi na sana sila sinang-ayunan dito, hindi na sana nilinaw sa kanila ang tama, at hindi na sana dumating buhat sa isa sa kanila ang pakahulugan sa mga tekstong ito ayon sa mga hayag na kahulugan ng mga ito, hindi sa paraang tumpak ni mahina, sa kabila ng pagkakaroon ng mga pangangailangan sa paghahatid niyon.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Tunay na si Allah ay yumayari sa bawat tagayari at pagyayari nito."
Isinalaysay ni Ibnu Abī Aasim - Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mundah sa Kitab At-Tawhid - Isinaysay ito nina Imām Al-Bukhārīy sa paglikha sa mga gawain ng mga lingkodTunay na si Allah ay lumikha sa bawat tagayari at anumang niyayari nito na mga yaring bagay. Dito ay may isang patunay na ang mga gawain ng mga tao ay nilikha sapagkat si Allah ay lumikha sa mga tao at lumikha sa mga gawa nila.
Ayon kay Abū Ramthah, malugod si Allāh sa kanya, siya ay nagsabi sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ipakita mo po sa akin itong nasa likod mo sapagkat tunay na ako ay isang lalaking manggagamot." Nagsabi siya: "Si Allāh ay ang Manggagamot, bagkus ikaw ay isang lalaking banayad; ang Manggagamot nito ay ang lumikha rito."
Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadSi Abū Ramthah, malugod si Allāh sa kanya, ay isang manggagamot noon. Nakita niya ang Propeta, ang pangwakas sa pagkapropeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na may nakalitaw na umbok sa pagitan ng mga balikat. Inakala niyang iyon ay isang bukol na tumubo mula sa mga laman kaya hiniling niya sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na lunasan ito. Tinugon ng Hinirang, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang salita niya: "Si Allāh ay ang Manggagamot..." Nangangahulugan ito: Siya ay ang nanggagamot na tunay sa pamamagitan ng gamot na nakalulunas sa karamdaman. "bagkus ikaw ay isang lalaking banayad..." Nagpapakabanayad ka sa maysakit at nagpapakamalumanay ka sa kanya. Iyon ay dahil sa ang manggagamot ay ang nakaaalam sa reyalidad ng gamot at karamdaman. Ang nakakakaya naman sa pagdudulot ng kalusugan at kalunasan ay walang iba iyon kundi si Allāh.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: Nagbangayan ang Paraiso at ang Impiyerno kaya nagsabi ang Impiyerno: "Inilaan ako para sa mga nagmamalaki at nagpapakapalalo." Nagsabi ang Paraiso: "Ano ang nangyari sa akin: walang pumapasok sa akin kundi ang mahihina sa mga tao, ang mga hamak sa kanila, at ang mga masa sa kanila." Nagsabi si Allah sa Paraiso: "Ikaw ay awa Ko lamang; naaawa Ako sa pamamagitan mo sa sinumang niloloob Ko sa mga lingkod Ko." Nagsabi Siya sa Impiyerno: "Ikaw ay parusa Ko lamang; nagpaparusa Ako sa pamamagitan mo sa sinumang niloloob Ko sa mga lingkod Ko. Ukol sa isa sa inyong dalawa ang kapunuan niya." Tungkol naman sa Impiyerno, hindi ito mapupuno hanggang sa ilagay ni Allah, mapagpala Siya at pagkataas-taas, ang paa Niya. Magsasabi ito: "Sapat na, sapat na, sapat na." Doon napupuno ito at isisiksik ang isang bahagi nito sa ibang bahagi. Hindi lumalabag si Allah sa katarungan sa nilikha Niya ni isa man. Tungkol naman sa Paraiso, tunay na si Allah ay magpapasimula para rito ng [ibang] nilikha.
Napagkaisahan ang katumpakanNagyabang ang Impiyerno sa Paraiso na ito ay lugar ng paghihiganti ni Allah, pagkataas-taas Niya, sa mga maniniil, mga mapagmalaki, at mga salarin, na sumuway kay Allah at nagpasinungaling sa mga sugo Niya. Tungkol naman sa Paraiso, tunay na ito ay dumaing dahil ang pumapasok dito ay ang mga mahina, ang mga maralita, at ang mga tao ng karalitaan kadalasan, bagkus sila ay mga nagpapakumbaba kay Allah, na mga nagpapasakop sa Kanya. Ang sinabing ito ay sinabi ng Paraiso at Impiyerno sa tunay na pagkakasabi. Naglagay nga si Allah para sa kanilang dalawa ng damdamin, pagkatalos, isip, at pananalita. Si Allah ay hindi napanghihina ng anuman. Nagsabi si Allah sa Paraiso: "Ikaw ay awa Ko lamang; naaawa Ako sa pamamagitan mo sa sinumang niloloob Ko sa mga lingkod Ko." Nagsabi Siya sa Impiyerno: "Ikaw ay parusa Ko lamang; nagpaparusa Ako sa pamamagitan mo sa sinumang niloloob Ko sa mga lingkod Ko." Ito ay hatol ni Allah sa kanilang dalawa. Nangangahulugan ito: na si Allah, pagkataas-taas Niya, ay lumikha sa Paraiso upang kaawaan sa pamamagitan ng pagpasok rito ang sinumang niloob Niya sa mga lingkod Niya, ang sinumang nagmagandang-loob Siya roon at ginawa iyon bilang karapat-dapat doon. Tungkol naman sa Impiyerno, nilikha Niya ito para sa sinumang sumuway sa Kanya, at tumangging sumampalataya sa Kanya at sa mga sugo Niya. Parurusahan Niya sila sa pamamagitan nito. Iyon lahat ay pag-aari Niya. Kumukontrol Siya rito sa papaanong paraang niloloob Niya. Hindi Siya pananagutin sa anumang ginagawa Niya samantalang sila ay pananagutin. Subalit walang papasok sa Impiyerno maliban sa sinumang naoobliga roon dahil sa gawa niya. Pagkatapos ay nagsabi Siya: "Ukol sa isa sa inyong dalawa ang kapunuan niya." Ito ay isang pangako mula kay Allah, pagkataas-taas Niya, sa kanilang dalawa na pupunuin Niya silang dalawa ng mga maninirahan sa kanilang dalawa. Nasaad nga ang hiling mula sa Impiyerno nang tahasan gaya ng sinabi Niya, pagkataas-taas Niya (Qur'ān 50:30): "Sa araw na magsasabi Kami sa Impiyerno: 'Napuno ka ba?' at magsasabi ito: 'Mayroon pa bang dagdag?'" Sumumpa si Allah, pagkataas-taas Niya, na talagang pupunuin nga Niya ang Impiyerno ng mga jinn at mga tao nang magkakasama. Ang Paraiso at ang Impiyerno ay tahanan ng mga anak ni Adan at mga jinn matapos ang pagtutuos. Kaya ang sinumang sumampalataya at sumamba kay Allah lamang at sumunod sa mga sugo Niya, ang hantungan niya ay ang Paraiso; at ang sinumang sumuway, tumangging sumampalataya, at nagmalaki, ang hantungan niya ay ang Impiyerno. Nagsabi siya: "Tungkol naman sa Impiyerno, hindi ito mapupuno hanggang sa ilagay ni Allah, mapagpala Siya at pagkataas-taas, ang paa Niya. Magsasabi ito: 'Sapat na, sapat na, sapat na.' Doon napupuno ito at isisiksik ang isang bahagi nito sa ibang bahagi. Hindi lumalabag si Allah sa katarungan sa nilikha Niya ni isa man." Ang Impiyerno ay hindi mapupuno hanggang sa ilagay ni Allah, pagkataas-taas Niya, sa ibabaw nito ang paa Niya kaya masisiksik ito, magsasama ang ibang bahagi sa ibang bahagi, at sisikip para sinumang nasa loob nito. Sa pamamagitan niyon mapupuno ito. Hindi lumalabag ang Panginoon mo sa katarungan sa isa man. Kinakailangan ang pagkilala sa paa para kaya Allah, pagkataas-taas Niya, nang walang paglilihis sa kahulugan, ni pag-aalis sa kahulugan, at nang walang pagpapaliwanag sa kahulugan ni pagtutulad. Pagkatapos ay nagsabi Siya: "Tungkol naman sa Paraiso, tunay na si Allah ay magpapasimula para rito ng [ibang] nilikha." Tungkol naman sa Paraiso, hindi ito mapupuno hanggang sa lumikha si Allah, pagkataas-taas Niya, para rito ng ibang mga nilikha at sa pamamagitan nila mapupuno ito.