





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: Nagtalo sina Adan at Moises kaya nagsabi si Moises dito: "O Adan, ikaw ay ama Namin. Binigo mo kami at pinalabas mo kami mula sa Paraiso." Nagsabi rito si Adan: "O Moises, hinirang ka ni Allah sa pakikipag-usap Niya at isinatitik Niya para sa iyo [ang Torah] sa pamamagitan ng kamay Niya, sinisisi mo ba ako dahil sa isang bagay na itinakda ni Allah sa akin bago niya ako nalikha nang apatnapung taon? Kaya nadaig ni Adan sa pagtatalo si Moises. Kaya nadaig ni Adan sa pagtatalo si Moises.
Napagkaisahan ang katumpakanNagtalo sina Adan at Moises, sumakanilang dalawa ang pangangalaga. Nangangahulugan ito: Ang bawat isa sa kanila ay bumanggit ng katwiran niya sa harapan ng isa pa. Ito ay maaaring noong matapos ang kamatayan ni Moises o ito ay nasa panaginip sapagkat tunay na ang panaginip ng mga propeta ay pagsisiwalat ni Allah. Ang tulad nito ay kinakailangan nating tanggapin at hindi natin makakayang mabatid ang reyalidad nito. "kaya nagsabi si Moises dito: O Adan, ikaw ay ama Namin. Binigo mo kami at pinalabas mo kami mula sa Paraiso." Nangangahulugan ito: "Ikaw ay ang dahilan ng pagkabigo namin at ng pagkatukso namin sa kasalanang ibinunga ng pagpapalabas sa iyo mula sa Paraiso. Pagkatapos ay nalantad naman kami sa panunukso ng mga demonyo." Ang "Nagsabi rito si Adan: O Moises, hinirang ka ni Allah sa pakikipag-usap Niya..." ay nangangahulugang: "Pinili ka ni Allah, pagkataas-taas Niya, sa pamamagitan ng pagpaparinig Niya sa iyo ng salita Niya. Ito ang ikinatangi ni Moises sa mga sugo. "at isinatitik Niya para sa iyo [ang Torah] sa pamamagitan ng kamay Niya..." Nangangahulugan ito: "Isinulat Niya para sa iyo ang Torah sa pamamagitan ng kamay Niya at kinakailangan sa atin na maniwala rito nang walang pagpapaliwanag kung papaano, walang pag-aalis sa kahulugan, at nang walang paglilihis sa kahulugan at walang pagtutulad." Ang "sinisisi mo ba ako dahil sa isang bagay na itinakda ni Allah sa akin bago niya ako nalikha nang apatnapung taon?" ay nangangahulugang: "Papaano mo akong sinisisi dahil sa isang bagay na itinakda ni Allah sa akin sa Pinangalagaang Talaan, sa mga pahina ng Torah, at mga lapida nito apatnapung taon bago Niya ako nilikha?" "Kaya nadaig ni Adan sa pagtatalo si Moises." Nangangahulugan ito: "Napanaigan ni Adan si Moises sa katwiran." Ang batayan lamang ng katwiran ni Adan laban kay Moises, ang mga pagpapala ni Allah at ang pangangalaga Niya ay sumakanilang dalawa, ay na si Allah, napakamaluwalhati Niya, ay nakaalam na kaugnay kay Adan na ito ay lalabas mula sa Paraiso at bababa sa lupa kaya papaano niyang tututulan ang kaalaman ni Allah kaugnay rito? Kaya naman ang katwiran ni Adan, sumakanya ang pangangalaga, ay nangibabaw dahil ang naitakda ay bagay na hindi maaaring mabago ni mapigilan. Bagkus ito ay isang pagtatakdang itinakda ng Panginoong Maalam, Makapangyarihan kaya naman hindi maaaring mapigilan at mabago matapos maganap ito at wala nang natira sa harapan niya kundi ang magpasakop. Gayon pa man, ang pagtatakda (qadr) ay hindi magiging katwiran sa anumang hindi nangyari dahil ang tao ay inatasang isagawa ang pagtalima at iwasan ang pagsuway samantalang hindi niya nalalaman kung ano ang itinakda sa kanya hangang sa mangyari ito. Kapag nangyari ang isang bagay at naging imposibleng hadlangan ito, doon magpapasakop sa qadr. Sinasabi: "Itinakda ni Allah at ang anumang niloob Niya ay ginagawa Niya." Humihingi siya ng tawad sa pagkakasala niya at nagbabalik-loob siya sa Panginoon niya. Luminaw na si Adan ay nanaig kay Moises noong nilayon ni Moises na sisihin si Adan dahil sa pagiging isang dahilan ng kasawian ng mga anak niya. Si Adan naman ay nangatwiran na ang kasawiang ito ay naunang itinakda at hindi maiiwasang maganap, maging ito man ay nasa mga kasawiang iyon na nagaganap dahil sa mga gawain ng tao o iba pa sa mga ito. Tunay na kailangan ng tao ang pagtitiis at ang pagpapasakop at hindi maaalis dahil doon ang paninisi at ang pagpaparusa sa salarin.
Ayon kay Jaber bin Abdullah-malugod si Allah sa kanilang dalawa-naipa-alam sa akin ang isang Hadith buhat sa isang lalaking narirnig nito mula sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kaya`t bumili ako ng kamelyo.at ginamit ko ito sa paglalakbay ko,naglakbay ako sa loob ng isang buwan,Hanggang sa dumating ako sa kanya sa Shaam,ito pala ay si Abdulla bi Unays,sinabi ko sa nagbabantay ;Sabihin mong si Jaber ang nasa pintuan.Nagsabi siya: Ibn Abdullah? Sinabi ko: Oo;Lumabas siyang naapakan ang damit nito,pagkatapos ay niyakap niya ako at niyakap korin siya.Sinabi kong; Isang Hadith na naipaalam sa akin buhat sa iyo na tunay na narinig mo ito mula sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa kuwento.kayat natakot ako na mamatay ka o mamatay ako bago ko ito marinig,Sinabi niya; Narinig ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- na nagsasabi;(( Bubuhayin muli ang mgaTao sa Araw ng Pagkabuhay - O sinabi niya;Ang alipin-Na nakahubad,hindi tuli at walang dala.Nagsabi sitya;At ano ang ibig sabihin ng walang dala? Sinabi niya; Wala silang dala kahit na anong bagay, pagkatapos ay tatawagin sila ng boses na maririnig ito nang sinumang nasa kalayuan tulad nang pagkarinig nito ng sinumang napakalapit,Ako ang Hari,Ako ang Tagaoag-Hatol,at hindi nararapat sa isang taong mananahanan sa Impiyerno na mapasok sa Impiyerno kung mayroon siyang karapatan sa isang Taong mananahanan sa Paraiso,hanggang sa makuha Ko ito mula sa kanya.At hindi nararapat sa isang Taong mananahanan sa Paraiso na mapasok sa Paraiso kung isa sa mga Taong mananahanan sa Impiyerno, sa kanya ay may karapatan,hanggang sa makuha Ko ito mula sa kanya;kahit Ang sampal."Nagsabi siya; Sinabi namin; Papaano;Kung tayo ay darating kay Allah-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan-na nakahubad,hindi tuli at walang dala? Nagsabi siya;(( Sa mga kabutihan at kasamaan))
Isinaysay ito ni Imām AḥmadIpinapahayag ni Jāber bin 'Abdullah Al-Ansārie Na napag-alaman niya na si 'Abdullah bin Unays ay narinig niya ang Isang Hadith mula sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan Na hindi pa niya ito narinig,Kayat bumili siya ng kamelyo at inilagay niya rito mga bagahe niya pagkatapos ay naglakbay sa loob ng isang buwan,hanggang sa dumating sa Shām,at pumasok siya kay 'Abdullah bin Unays,Ang sabi niya sa nagbabantay:Sabihin mo sa kanya:Si Jāber Ang nasa pintuan,Ang sabi ni 'Abdullah bin Unays:ibn 'Abdullah?nagsabi si Jāber;Oo,nagmadali itong lumabas Na naapakan niya Ang damit dahil sa pagmamadali nito,at nagyakapan silang dalawa,Ang sabi sa kanya ni Jāber:Napag-alaman ko na narinig mo mula sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang isang Hadith sa Kuwento,natakot akong mamatay ka o mamatay ako bago ko ito marinig,Ang sabi niya: Narinig ko Ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na nagsasabi:(( Bubuhayin muli ang mgaTao sa Araw ng Pagkabuhay - O sinabi niya;Ang alipin-Na nakahubad,hindi tuli at walang dala.Nagsabi sitya;At ano ang ibig sabihin ng walang dala? Sinabi niya; ((Wala silang dala kahit na anong bagay)) Ibig sabihin ay: titipunin ni Allah Ang lahat ng Tao sa Araw ng Pagkabuhay sa isang lugar upang sila ay hatulan,at igawad sa kanila Ang mga gantimpala ng mga gawain nila,at sila sa oras Na yaon ay nakahubad at hindi tuli,tulad ng pagkasilang sa kanila ng mga Ina nila,wala silang dala-dala Na kahit anong bagay mula sa Mundo.Pagkatapos ay sinabi niya:(( Pagkatapos ay tatawagin sila ng boses)) At Ang Pagtawag ay hindi maisasagawa maliban sa (pag gamit ng )boses,at hindi malalaman ng mga Tao Ang pagtawag kung wala Ang boses,at ito ay ganap Na katapatan at pagliliwanag Na si Allah ay nagsasalita ng salitang naririnig mula sa kanya-Pagkataas-taas Niya,Ngunit ang boses Niya ay hindi naihahalintulad sa mga boses ng nilikha Niya,Kayat sinabi niya:((Naririnig ito ng sinumang napakalayo tulad ng pagkarinig nito sa sinumang malapit))Ang katangian na ito ay partikular sa boses Niya -Pagkataas-taas Niya,Ngunit Ang mga boses ng mga nilikha Niya,ay naririnig lamang ito ng sinumang malapit rito,Ayon sa lakas ng boses at hina nito.at katotohanang napakarami nang patunay(mula sa Quran at Hadith) na nagpapatotoo rito, Kabilang dito Ang sinabi Niya-pagkataas-taas Niya;{At tinawag silang dalawa nang Panginoon nila,Hindi Ko ba ito ipinagbawal sa inyong dalawa}At sinabi Niya:{At Aming tinawag siya muli sa kanang bahagi ng bundok at dinala Namin siya na malapit(sa Amin) upang maghabilin} at Sinabi Niya:{ At alalahanin nang ang Inyong Panginoon ay tumawag Kay Mūsa(Na nagsasabi):Pumaroon ka sa mga Tao na mapagsamba sa diyus-diyosan}.Pagkatapos ay sinabi niya:((Ako Ang Hari,Ako ang Tagapag-Hatol)) ibig sabihin ay;Ako ang Tumatawag Na naririnig ng lahat ng mga tao sa kani-kanilang kinalalagyan,naririnig ito nang sinumang napakalayo tulad ng pagkarinig ng sinumang malapit,Siya sa pagkasabi niya;((Ako Ang Hari,Ako Ang Tagapag-Hatol)) Siya Na Pagkataas-taas Niya,Ang Hari,Na nasa Kamay Niya Ang pag-aangkin ng Pag-aari(at pamamahala) sa kalangitan at kalupaan at sa napapaloob rito,at Siya Ang Tagapag-Hatol na gunagawad ng gantimpala sa mga gawain ng alipin Niya.Sinuman ang gumawa ng kabutihan ay gagawaran NIya ito nang Mas-mainam pa sa ginawa nito,at sinuman Ang gumawa ng kasamaan,gagawaran niya ito sa anumang nararapat rito.Pagkatapos ay Sinabi Niya:((hindi nararapat sa isang taong mananahanan sa Impiyerno na mapasok sa Impiyerno kung mayroon siyang karapatan sa isang Taong mananahanan sa Paraiso,hanggang sa makuha Ko ito mula sa kanya.At hindi nararapat sa isang Taong mananahanan sa Paraiso na mapasok sa Paraiso kung isa sa mga Taong mananahanan sa Impiyerno, sa kanya ay may karapatan,hanggang sa makuha Ko ito mula sa kanya;kahit Ang sampal)) Ibig sabihin ay;Katotohanang si Allah kamahal mahalan Siya at kapita-pitagan,ay maghahatol sa pagitan ng mga alipin niya na Makatarungan,at kukunin sa mula sa taong nagkasala Ang karapatan ng taong naapi,at hindi mapapasok Ang isang taong mananahanan sa Impiyerno,sa Impiyerno,kung mayroon siyang karapatan sa taong mananahanan sa Paraiso hanggang sa makuha niya ang karapatang ito.At ito ay ganap na makatarungan sapagkat ang walang pananampalataya at ang makasalanan,kahit sila ay papasok sa Impiyerno ngunit sila ay hindi hahatulan ng kawalan nang katarungan.Kapag nagkaroon sila ng karapatan muli sa isang Taong mananahanan sa Paraiso,ay kukunin ito sa kanya.At gayundin ang sutuwasyon ng mga taong mananahanan sa Paraiso.Ang sabi ng isang kasamahan ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Papaano maibibigay sa mga tao Ang kanilang mga karapatan kung wala silang dala-dalang bagay mula sa Mundo?Ang sabi ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(( Sa mga Kabutihan at kasamahan)) Ibig sabihin ay:tunay Na mababayaran Ang mga karapatan sa pamamagitan ng pagkuha nang naapi sa mga kabutihan ng nang-aapi o makasalanan,at kapag naubus Ang kabutihan ng Nang-aapi o makasalanan ay kukunin Ang mga kasalanan ng Naapi at ilalagay(isasama) sa kasalanan ng Nang-aapi o makasalanan pagkatapos ay itatapon siya sa Impiyerno,katulad nang nabanggit sa Hadith.
Ayon kay Umm Sharīk, malugod si Allah sa kanya: "Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nag-utos dito na patayin ang mga tuko at nagsabi siya: Ito ay umiihip noon [sa apoy] kay Abraham."
Napagkaisahan ang katumpakanNag-utos ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na patayin ang tuko at ipinabatid niya na ito ay umiihip noon sa apoy na pinaglagyan kay Abraham upang timindi ang liyab niyon, na nagpapatunay sa lubos na pagkamuhi nito sa alagad ng Tawhid at Pagpapakawagas.
Ayon kay Usayd bin Abe Ased (Tabe-ie) Buhat sa isang babae mula sa Pinangakuan (Sa paggawa ng mga bagay kapalit ang pagpasok sa Paraiso).ay nagsabi: Kabilang sa Pinapapanindigan sa amin ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Sa mga kabutihan napinapapanindigan niya sa amin (mula sa binitawan naming pangako) Na hindi namin siya susuwain rito ay: Ang hindi kami susugat sa mukha,at hindi kami magsasabi ng Kasawian,at hindi kami pupunit ng Damit, at Ang hindi kami sasabunot ng buhok
Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudAng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay kumuha ng Pangako mula sa mga Kasamahan (Sahābah) ng Propeta sa kakaba-ihan, Sa panahon ng Pagpapangako (Sa paggawa ng mga bagay,kapalit ang pagpasok sa Paraiso)Na sila at hindi susuway sa kanya rito,at kabilang dito: Ang hindi pagsugat sa mukha nito,o pagpalo sa mukha nito,o pagsampal sa pisngi nito,At ang hindi pagtaas sa boses nito sa pagtataghoy,na siyang ipinagbabawal,at hindi pagpunit sa damit nito,at hindi pagsabinot sa buhok nito at pinuputol ito kapag dumarating sa kanya nag mga pagsubok
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya): {May dumating sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na mga bihag saka may isang babae palang kabilang sa mga bihag na naggagatas nga ang suso nito at nagpapainom ito. Kapag nakatagpo ito ng isang paslit ay kinukuha nito iyon saka idinikit nito iyon sa tiyan nito saka pinasuso nito iyon. Kaya nagsabi sa amin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Makaiisip ba kayo sa babaing iyan na magtatapon ng anak niya sa apoy?" Nagsabi kami: "Hindi po, habang siya ay nakakakaya na hindi magtapon nito." Kaya nagsabi siya: "Talagang si Allāh ay higit na maawain sa mga lingkod Niya kaysa sa [babaing] ito sa anak nito."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoMay dinala sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na mga bihag ng digmaan mula sa Hawāzin saka mayroon palang kabilang sa kanila na isang babae na naghahanap ng paslit nito. Kaya kapag nakatagpo ito ng isang paslit, kinukuha nito iyon saka pinasuso nito iyon dahil sa pagkapinsala rito dahil sa pagkatipon ng gatas sa suso nito. Natagpuan naman nito ang anak nito sa mga bihag ng digmaan kaya kinuha niya ito saka idinikit iyon sa tiyan nito at pinasususo nito iyon. Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya: "Nakapagpapalagay ba kayo sa babaing iyan na magtatapon ng anak niya sa apoy?" Nagsabi kami: "Hindi po iyan magtatapon niyon nang nagkukusa magpakailanman." Kaya nagsabi siya: "Si Allāh naman ay higit na maawain sa mga lingkod Niyang mga Muslim kaysa sa [babaing] ito sa anak nito."
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Samantalang ang isang lalaki ay naglalakad sa isang daan, tumindi sa kanya ang uhaw. Nakatagpo siya ng isang balon kaya bumaba siya roon at uminom. Pagkatapos ay lumabas siya at walang anu-ano ay may isang asong humihingal na kumakain ng basang lupa dala ng pagkauhaw. Nagsabi ang lalaki: Talaga ngang umabot ang asong ito sa uhaw na tulad ng umabot nga sa akin. Bumaba siya sa balon at pinuno ang sapatos niya ng tubig. Pagkatapos ay binitbit ito ng bibig niya hanggang sa nakaakyat siya. Pinainom niya ang aso. Kinilala ni Allah ang kabutihan niya at pinatawad siya. Nagsabi sila: O Sugo ni Allah, tunay na may gantimpala para sa amin dahil sa mga hayop? Nagsabi siya: "Sa bawat buhay na nilalang ay may gantimpala." Sa isang sanaysay: "Kinilala ni Allah ang kabutihan niya, pinatawad siya, at papasukin siya sa Paraiso." Sa isa pang sanaysay: "Samantalang may isang asong paikut-ikot sa isang balon na halos patayin na ito ng uhaw, walang anu-ano ay nakita ito ng isang patutot na kabilang sa mga patutot ng mga anak ni Israel. Hinubad niya ang sapatos niya at ipinansalok ito para roon. Pinainom niya iyon kaya pinatawad siya dahil doon."
Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Napagkaisahan ang katumpakanSamantalang ang isang lalaki ay naglalakad sa daan habang naglalakbay, dinapuan siya ng uhaw. Bumaba siya sa isang balon at uminom mula roon. Nagwakas ang uhaw niya. Noong lumabas siya, walang anu-ano ay may isang asong dala ng uhaw ay kumakain ng putik na namamasa-masa upang sipsipin niyon ang taglay nitong tubig dahil sa tindi ng uhaw niyon. Nagsabi ang lalaki: "Sumpa man kay Allah, talaga ngang dinapuan ang aso ng uhaw na dumapo sa akin." Pagkatapos ay bumaba siya sa balon at pinuno ang sapatos niya ng tubig at hinawakan ito ng bibig niya. Nagsimula siyang umakyat gamit ang mga kamay niya hanggang sa makaakyat siya mula sa balon. Pinainom niya ang aso. Noong nakainom ang aso, kinilala ni Allah ang kabutihan ng gawang iyon. Pinatawad siya ni Allah at ipapasok sa Paraiso dahil doon. Noong isinalaysay ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang ḥadīth na ito, tinanong nila siya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Nagsabi sila: "O Sugo ni Allah, tunay na may gantimpala para sa amin dahil sa mga hayop?" Nagsabi siya: "Sa bawat buhay na nilalang ay may gantimpala." Ibig sabihin: Sa pagpapainom dito, sapagkat ang buhay na nilalang ay nangangailangan ng tubig dahil kung hindi dahil sa tubig, natuyo at nasawi na sana ang hayop. Sa isang sanaysay: "Na may isang babaing nangangalunyang kabilang sa mga anak ni Israel na nakakita ng isang uhaw na asong paikut-ikot sa isang balon na hindi makayang makarating sa tubig. Hinubad niya ang sapatos niya at pinuno ito ng tubig. Pinainom niya iyon kaya pinatawad siya ni Allah dahilan sa ginawang iyon."
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya: "Tunay na ang tumatangging sumampalataya, kapag gumawa siya ng isang magandang gawa, ay pinatitikim dahil dito ng isang gantimpala sa Mundo. Tungkol naman sa manananampalataya, tunay na si Allah, pagkataas-taas Niya, ay nag-iimpok para sa kanya ng mga magandang gawa niya sa Kabilang-buhay at nagkakaloob sa kanya ng panustos sa Mundo ayon sa pagtalima niya." Sa isang sanaysay: "Tunay na si Allah ay hindi lalabag sa katarungan sa isang mananampalataya sa isang magandang gawa na bibigyan siya dahil dito sa Mundo at gagantihan siya dahil dito sa Kabilang-buhay. Tungkol naman sa tumatangging sumampalataya, patitikimin siya ng mga magandang gawa na ginawa niya para kay Allah, pagkataas-taas Niya, sa Mundo. Kapag humantong siya siya sa Kabilang-buhay, wala na siyang magandang gawang gagantimpalaan siya dahil dito."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimTunay na ang Kāfir, kapag gumawa siya ng pagtalima, ay tinutustusan ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, dahil doon sa Mundo. Ang Mananampalataya naman, kapag gumawa siya ng pagtalima, tunay na si Allah ay talagang gaganti sa kanya dahil doon sa Kabilang-buhay at magtutustos din sa kanya dahil sa pagtalima niya. Tunay na si Allah, mapagpala Siya at pagkataas-taas, ay hindi tatangging maggantimpala sa Mananampalataya dahil sa mga magandang gawa nito. Magtutustos Siya rito dahil doon sa Mundo at maggagantimpala Siya rito dahil doon sa Kabilang-buhay. Ang Kāfir naman ay tutustusan Niya kapalit ng mga magandang gawa nito nang sa gayon kapag dumating ito sa Kabilang-buhay ay wala na itong magandang gawa para gantimpalaan dahil doon. Nagkaisa ang mga maalam na ang Kāfir na namatay sa kawalang-pananampalataya niya ay walang gantimpala para sa kanya sa Kabilang-buhay at hindi siya gagantihan dahil doon sa anuman sa ginawa niya sa Mundo na mabuting makapagpapalit sana sa kanya kay Allah, pagkataas-taas Niya. Tahasang binanggit sa hadith na ito na pakakainin siya sa Mundo dahil sa ginawa niya na mga magandang gawa, ibig sabihin, dahil sa ginawa niya na mabuting makapagpapalapit sana sa kanya kay Allah, gayong hindi naman nagkulang sa katumpakan ang layunin niya gaya ng pakikipag-ugnayan sa kamag-anak, pagpapalaya ng alipin, mabuting pagtanggap sa panauhin, pagpapadali sa mga kabutihan, at mga tulad nito. Kapag naman gumawa ang Kāfir ng tulad ng mga magandang gawang ito, pagkatapos ay yumakap siya sa Islam, tunay na siya ay gagantimpalaan dahil doon sa Kabilang-buhay ayon sa tumpak na katuruan.
Ayon kay Mu`āwiyah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang mga mu'adhdhin ay ang pinakamahaba sa mga tao sa mga leeg sa Araw ng Pagbangon."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga mu'adhdhin na nanawagan para sa ṣalāh ay ang pinakamahaba sa mga tao sa mga leeg sa Araw ng Pagbangon dahil sa dangal ng gawain nila, dami ng kabutihan nila, at bigat ng pabuya nila.
/]Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay dinalhan noong gabi ng paghatid sa kanya [sa langit] ng dalawang mangkok ng alak at gatas. Tiningnan niya ang dalawang ito at kinuha niya ang gatas. Nagsabi si Jibrīl: "Ang papuri ay ukol kay Allah na nagpatnubay sa iyo sa kalikasan ng pagkalalang; kung sakaling kinuha mo ang alak, nalihis na sana ang kalipunan mo."
Napagkaisahan ang katumpakanAng "Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay dinalhan" ay nangangahulugang dinalhan siya ni Jibrīl. Ang "noong gabi ng paghatid sa kanya [sa langit]" ay nangangahulugang gabi ng pag-akyat [sa langit]. Ang "ng dalawang mangkok ng alak at gatas" ay nangangahulugang puno ang isa sa dalawa ng alak at puno naman ang isa pa ng gatas. Ang "Tiningnan niya ang dalawang ito" ay nangangahulugang para bang siya ay pinapipili sa dalawa at nagabayan siya na piliin ang gatas. "At kinuha niya ang gatas. Nagsabi si JibrIl: Ang papuri ay ukol kay Allah na nagpatnubay sa iyo sa kalikasan ng pagkalalang" ay nangangahulugang pinili mo ang tanda ng Islam at ang pagpapakatuwid. Ginawa ang gatas na tanda roon dahil sa pagiging madaling inumin, mabuti, dalisay, kaaya-aaya para sa iinom, at ligtas ang kahihinatnan. Kung sakaling kinuha mo ang alak, nalihis na sana ang kalipunan mo. Tingnan: Dalīl Al-Fāliḥīn 207/7 at Ṣarḥ Riyāḍ Aṣ-Ṣāliḥīn 462/5.