





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abē Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi:Sinabi ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan - :(( Nang likhain si Propeta Ādam ay pinunasan ang likod nito, at nahulog mula sa likod nito ang lahat ng buhay (na may kaluluwa) na Siya ang naglikha rito mula sa mga anak niya (Propeta Ādam) hanggang sa Araw ng Pagkabuhay,At ginawa Niya sa pagitan ng mata ng bawat tao na may kislap mula sa liwanag,pagkatapos ay ipinakita niya ito kay Propeta Ādam at sinabi niya: O Panginoon, Sino sila?Nagsabi Siya: Sila ay mga anak mo,at nakita niya ang isang lalaki mula sa kanila,at namangha siya sa kislap na nasa pagitan ng dalawang mata nito,at nagsabi siya:O Panginoon,Sino siya?Nagsabi Siya: Iyan ang lalaki na nagmula pa sa pinakahuling henerasyon ng mga anak mo,Ang tawag sa kanya ay:Dāwūd.Nagsabi siya : O Panginoon, Ilan ang ipinagkaloob Mo na edad niya?Nagsabi Siya: Animnapong taon,Nagsabi siya (Dāwūd): O Panginoon,Dagdagan mo siya mula sa edad ko nang Apat-napong taon. At nang matapos na ang edad ni Propeta Ādam,ay dumating sa kanya ang Anghel ng Kamatayan,Nagsabi siya: Hindi ba't may natitira pa sa edad ko na apat-napong taon?Ang sabi niya (Anghel ng kamatayan): Hindi ba't ipinagkakaloob mo ito sa anak mong si Propeta Dawūd? Nagsabi siya: Tumanggi si Propeta Ādam,kaya't tumanggi din ang mga anak nito,Nakalimot si Propeta Ādam,kaya't nakalimot din ang mga anak nito,At nagkamali si Propeta Ādam kaya't nagkamli din ang mga anak nito
Isinaysay ito ni At-TirmidhīyNang likhain ni Allah si Propeta Ādam ay pinunasan niya ang likod nito at nagsilabasan mula sa likod niya ang lahat ng nilalang na Siyang naglikha nito mula sa anak niya (Dāwūd ) hanggang sa Araw ng Pagkabuhay, at ang pagpunas na ito at paglabas ay batay sa katotohanan nito at hindi ipinapahintulot ang pagbibigay rito ng (ibang)kahulugan na sumasalungat sa tunay nitong kahulugan na siyang pinaniniwalaan ng Ahlu Sunnah,At nang pinalabas Niya ito mula sa likod niya,Inilagay Niya sa pagitan ng mata ng bawat nilalang ang kislap at ning-ning na nagmula pa sa liwanag,pagkatapos ay ipinakita Niya ito kay Propeta Ādam,Nagsabi si Propeta Ādam : O Panginoon, Sino sila? Nagsabi Siya-Kataas-taasan Siya: Sila ang mga anak mo,nakita niya ang isang lalaki mula sa kanila at namangha siya sa kislap na nasa pagitan ng kanyang dalawang mata,Nagsabi siya;O Panginoon, Sino siya? Nagsabi Siya-Kataas-taasan Siya: Siya si Dāwūd,Nagsabi siya : O Panginoon, Ilan ang ibinigay Mo na edad niya? Nagsabi Siya : Anim-napong taon, Nagsabi siya : O Panginoon, Dagdagan mo ito mula sa edad ko na apat-napong taon.At nang maubos na ang edad ni Propeta Ādam maliban sa natitirang apat-napong taon,dumating sa kanya ang Anghel ng Kamatayan upang kunin ang kaluluwa nito,Ang sabi ni Propeta Ādam :Katotohanan mayroon pang natitira sa edad ko na apat-napong taon, Ang sabi niya sa kanya: katotohanang ipinagkakaloob mo na ito sa anak mong si Dāwūd,at itinanggi ni Propeta Ādam Ādam ito,sapagkat siya ay nabuhay mula sa alabok at hindi niya inakala na darating sa kanya ang Anghel ng Kamatayan, kaya't tumanggi rin ang mga anak nito, at nakalimot si Propeta Ādam kaya't nakalimot din ang mga anak nito, At nagkasala si Propeta Ādam, kaya't nagkasala din ang mga anak nito,sapagkat ang anak ay magmamana sa ama nito.Si Dāwūd,ang nakasulat sa edad niya ay apat-napong taon pagkatapos ay ginawa ni Allah itong Anim-napong taon,Katotohanan si Allah ay higit na nakaka-alam sa nakalipas na nangyari,at sa anumang mangyayari at sa anumang hindi mangyayari kung mayroon man,at papaano ito mangyayari. Siya ang higit na nakaka-alam sa anumang naisulat Niya sa kanya at sa anumang idadag-dag niya rito sa kanya pagkatapos nito, at ang mga Anghel ay wala sa kanila ang kaalaman maliban sa anumang itinuro sa kanila ng Allah,At katotohanan Si Allah ang higit na nakaka-alam sa lahat ng bagay bago ito maging ganap at pagkatapos nitong maganap;Dahil dito,Nasabi ng mga may kaalaman; Katotohanan ang Pagbura at ang Pag-panatili ay nasa kasulatan ng mga Anghel,Ngunit ang Kaalaman ni Allah-Napaka-maluwalhati Niya,ay hindi nagkakasalungat,at hindi magaganap ang mga bagay(pangyayari) na walang(pahintulot mula sa kanya) maliban sa ito ay Nalalaman Niya,kaya't Walang nabubura rito at walang Pag-papanatili.
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-sa Hadith na Marfû-((Ang pananampalataya ay sa Yemen,at Ang karunungan ay sa Yemen,At natagpuan ko ang kaluwagan ng Mahabaging (Allah)sa Yemen,Hindi ba't tunay na ang Walang pananampalataya at Ang makasalanan at May matigas na puso ay sa malakas na boses na nagmamay-ari ng mga Tupa at Lana ))
Isinalaysay ito ni Imām Aṭ-Ṭabrānīy - Isinaysay ito ni Imām AḥmadAng sinabi nito:(( Ang Pananampalataya ay sa Yemen,at Ang Karunungan ay sa Yemen)) Nagkakaiba ang (mga eskolar) sa nais ipahiwatig nito;Sinasabi na: Ang kahulugan nito ay pag-uugnay ng pananampalataya sa Meccah,sapagkat ang panimula ng Yemen ay mula dito at Ang Meccah ay Yemen para sa Madinah.At sinasabi na ang nais ipahiwatig nito ay pag-ugnay ng pananampalataya sa Meccah at Madinah at Ang dalawang lugar na ito dalawang Yemen para sa Shām.Batay sa ang salitang ito ay nailabas mula sa Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan Na siya sa panahong yaon ay nasa Tabuk.At sinasabi: Na ang nais ipahiwatig dito ay ang mga Ansār sapagkat ang pinagmulan nila ay sa Yemen,at naiugnay ang pananampalataya sa kanila sapagkat sila ang nagpasimula sa pagtulong kay Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at walang nakikitang dahilan sa pagpigil sa mga salitang ito,At ang nais ipahiwatig nito ay, Ang kalabisan sa Pagpapa-inam sa mga taong Yemen,sa iba sa kanila sa mga tao, sa dakong Silangan,At ang dahilan nito,ay ang pagtanggap o pagyakap nila sa Islam nang walang malaking paghihirap sa mga Muslim,Hindi katulad ng mga Tao sa dakong Silangan at iba pa sa kanila,At sinuman ang magtangi ng isang bagay at pinatatag niya ang paninindigan rito ay maiuugnay ito sa kanya bilang palatandaan sa pagiging ganap sa kalagayan niyang ito rito.At hindi ibig ipahiwatig rito ang kawalan ng pananampalataya ng iba bukod sa kanila,Pagkatapos ang nais ipahiwatig rito ay ang mga (taong) naroroon sa panahong yaon,at hindi ang lahat ng tao sa (Yemen) sa lahat ng panahon;Sapagkat ang pananalita ay hindi humahatol rito.At ang ipinapahiwatig sa Karunungan ay Ang Kaalaman na sumasaklaw sa pagkilala kay Allah. At Ang sinabi nito;(( Natatagpuan ko ang kaluwagan nang Mahabaging (Allah) sa dakong Yemen))Ang kahulugan nito; Nang ako ay nasa paghihirap at pagdadalamhati at kalungkutan mula sa mga tao sa Meccah,Pinagaan ito sa akin ni Allah dahil sa (tulong ng) mga Ansār.ibig sabihin; Tunay na natagpuan niya ang kaginhawaan dahil sa mga Ansār,at sila ay nagmula sa Yemen,at dahil rito,hindi ito Hadith mula sa mga Hadith ng Katangian.Ang sinabi nito:(( Tunay na ang Walang pananampalataya at Ang makasalanan at May matigas na puso ay sa malakas na boses na nagmamay-ari ng Tupa at Lana)) ibig sabihin ay; Tunay na ang kawalan ng pananampalataya at Ang kasalanan at pagkamanhid ng puso at pagtigas nito ay sa mga nagmamay-ari ng maraming Tupa at kayamanan,na silang nagtataas ng boses nila sa kanilang mga aning-pananim at bakahan,at sila ang mga Taong walang-kasiyahan at mapag-mataas.
Ayon kay Al-Masūr bin Makhramah-malugod si Allah sa kanya-sa Hadith na Marfū-:(( Si Fātimah ay bahagi ko,sinuman ang nagpagalit sa kanya,ay pinagalit niya ako))
Napagkaisahan ang katumpakanIpinapahayag mga Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na ang anak niyang si Fātimah ay bahagi niya,Sinuman ang nagpagalit sa kanya ay tunay na siya ang pinapagalit niya pagpalain siya ni Allah at pangalagaan
Ayin kay Ibn Abe Nu`aym,Nagsabi siya: Ako ay sumasaksi kay Ibn `Umar,at tinanong siya ng isang lalaki tungkol sa dugo ng lamok,Nagsabi siya: Saan ka galing?Nagsabi siya:Mula sa Iraq;Nagsabi siya:Tingnan niyo ito,Tinatanong niya sa akin ang tungkol sa dugo ng lamok,ngunit pinatay nila ang anak ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,At narinig ko ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na nagsasabi:((Silang dalawa ay mababango kong halaman sa Mundo))
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyNa ang isang lalaki mula sa Irāq ay nagtanong kay Ibn 'Umar malugod si Allah sa kanilang dalawa-Maaari ba sa isang lalaki kapag siya ay nasa ilalim ng Ihrām na pumatay ng mga maliliit na insekto na nakakapinsala tulad ng lamig o hindi?Nagsabi siya na namamangha at nagugulat dahil sa pagpapahalaga sa mga halimbawa ng lalaking ito sa mga walang katuturang mga bagay,samantalang napakalakas ng loob nila sa paggawa ng malalaking kasalanan,Nagsabi siya:((Tingnan niyo ito,Tinatanong niya sa akin ang tungkol sa dugo ng lamok,ngunit pinatay nila ang anak ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan))Ibig sabihin ay gumagawa sila ng matirinding kasalanan at may lakas-loob sila na patayin ang apo ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,pagkatapos ay ipapakita nila ang ganap na Pagkatakot at Paniniwala sa kabanalan nila,Nagtatanong siya tungkol sa pagpatay ng lamok,Pagkatapos at Nagsabi siya:Nagsabi ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:(( Silang dalawa ay mababangong halaman sa Mundo)) Ibig sabihin:silang dalawa ay mga anak ko,inaamoy-amoy ko at hinahalikan ko,silang dalawa ay parang buong mababangong halaman na inaamoy ng mga tao
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi:Kasama ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa isang tindahan mula sa mga tindahan sa Madinah,Umalis siya at umalis din ako,Nagsabi siya:((Nasaan ang maliit-Tatlong beses-Tawagin mo si Hasan bin `Ali)) Tumindig si Hasan bin `Ali na na naglalakad at sa leeg niya ay isang kwentas.Sinabi ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa kamay nito-ang ganito,Sinabi ni Hasan bin `Ali sa kamay nito ang ganito,Niyakap niya ito,Nagsabi siya: ((O Allah!Tunay na siya ay iniibig ko,kaya Ibigin siya,at ibigin ang sinumang umibig sa kanya))At Nagsabi si Abu Hurayrah:Walang kahit isa [sa sinuman] na siyang pinakamamahal sa akin mula kay Husayn bin `Ali pagkatapos sabihin ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang kanyang nasabi.
Napagkaisahan ang katumpakanSi Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya-kasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nasa loob ng isang tindahan mula sa mga tindahan ng Madinah,Umalis siya-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-sa Tindahan,at umalis siya kasama si Abū Hurayrah,Dumating siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa bahay bahay ni Fatimah-malugod si Allah sa kanya-itinanong niya si Al-Hasan-malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya:((Nasaan ang maliit?)) ibig sabihin?Nasaan ang maliit na bata?Tawagin ninyo siya para sa akin,Tumayo si Al-Hasan bin `Ali na naglalakad at sa leeg niya ay isang kwentas,itinaas ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang kamay niya upang yakapin si Al-Hasan,at itinaas din ni Al-Hasan ang kamay niya ,at nagyakaapan sila.Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:Tunay na siya ay iniibig ko,kaya Ibigin siya,at ibigin ang sinumang umibig sa kanya.At Nagsabi si Abu Hurayrah:Walang kahit isa [sa sinuman] na siyang pinaka-mamahal sa akin mula kay Husayn bin `Ali-malugod si Allah sa kanya-pagkatapos sabihin ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang kanyang nasabi.
Ayon kay Anas bin Malik-malugod si Allah sa kanya--Hadith na Marfu-(( Katotohanan sa bawat Ummah [ Henerasyon] ay may mapagkakatiwalaan,At katotohanang ang Pinagkakatiwalaan namin sa Ummah [Henerasyon] na ito ay si Abu `Ubaydah bin Al-Jarah))
Napagkaisahan ang katumpakanSa bawat Ummah [Henerasyon] mula sa mga Ummah,ay [lumilitaw] ang isang lalaking nakikilala sa pagiging Matapat,na higit sa iba sa kanya,At ang pinakakilala sa Ummah [henerasyon] na ito sa pagiging Matapat ay si Abu `Ubaydah bin Al-Jarah-malugod si Allah sa kanya- Sapagkat kahit ang pagiging Matapat ay isang katangian na [tinataglay] ng iba sa pagitan niya at sa pagitan ng mga kasamahan ng Propeta-Sumakanila ang Kaluguran, Ngunit ang Hadith ay nagpapahiwatig na siya ay may higit [na katapatan] sa kanila, rito.
Ayon kay Ali-malugod si Allah sa kanya: siya ay nagsabi : Hindi ko nakita ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nag-aalay sa isang lalaki,pagkatapos ni Sa`ad,narinig ko siyang nagsasabing: (( Ihagis mo,iaalay ko sa iyo ang aking ama at ina))
Napagkaisahan ang katumpakanIpinapaalam ni `Ali-malugod si Allah sa kanya:na hindi niya nakita ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nag-aalay sa isang lalaki pagkatapos ni Sa`ad bin Abe Waqas,kung saan ay narinig niya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagsasabi sa kanya sa pakikipagsalakay sa Uhud,Ihagis mo sa mga hindi mananampalataya ang palaso,iaalay ko sa iyo ang aking ama at ina, Ibig sabihin ay: iaalok ko sa iyo ang aking dalawang magulang upang maging alay para sa iyo at tatanggap ka,At talagang napagtibay sa tumpak na Hadith na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nag-alay kay Zubayr sa kanyang dalawang magulang sa pakikipagsalakay sa Khandaq,at pinagsama ang dalawang ito sa posibilidad na si `Ali malugod si Allah sa kanya-ay hindi niya nakita ang iyon,o ang ipinapahiwatig niya doon ay ang pagtatalaga sa pakikipagsalakay sa Uhud
Ayon kay Aisha -kalugdan nawa siya ng Allah- katotohanan ang Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay siya'y nagsabi: ((Katotohanan ang inyong kapakanan tiyak na kabilang sa mga bagay na makakapagpalungkot sa akin pagkaraan ko, at tiyak na walang makapag timpi sa inyo kundi ang mga matimpihin)). Sabi niya: pagkatapos nagsabi si Aisha, kaya pinainom ng Allah ang tatay mo mula sa isang sapa ng paraiso, ang tinutukoy niya ay si Abdurrahman Bin Awf, na nakaraan siya ay nakapag bigay ng kawang gawa sa mga asawa ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ng kayamanan, may nagsabi: Naibenta siya ng halagang apatnapung libo.
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām AḥmadIminungkahi ni Abu Salama Bin Abdirrahman Bin Awf -Kaawaan siya ni Allah- na ang Ina ng mga mananampalataya Aisha -kalugdan siya ng Allah- ay nagsabi: Katotohanan ang Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay hinarap ang kanyang mga asawa at sinabi: Katotohanan ang tiyak na makakalungkot sa akin ang inyong kapakanan at inyong kabuhayan pagkaraan ng aking pagkawala, sa pagkat ni wala man lang ako maiwan sa inyo na mana, at tiyak na walang makapagtimpi sa pangangasiwa ng pagsustento sa inyo kundi ang mga matimpihin. At pagkatapos sinabi ni Aisha kay Abi Salama: Papainumin ng Allah ang ama mo Abdurrahman Bin Awf mula sa isang sapa ng paraisong tinatawag na Salsabila. At si Abdurrahman Bin Awf ay nakapag abot ng kawang gawa sa mga asawa ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ng isang halaman na naibenta ng halagang apatnapung libong dinar.
Ayon kay `Abdurahman bin Abe `Umayrah,at siya ay kabilang sa kasamahan ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Katotohanang sinabi niya kay Mu`awiyah;((O Allah, ibilang niyo siya sa puma-patnubay, at napatnubayan at makapag-patnubay dahil sa kanya))
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām AḥmadIpinagdasal ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-si Mua`wiyah bin Abe Sufya`n na ibilang Siya ni Allah-Pagkataas-taas Niya-sa mga nagtuturo ng Kabutihan,at ibilang Siya sa napatnubayan sa sarili nito,at makapag-patnubay siya (sa ibang )mga Tao.