





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Asma` bint Abu Bakar Assiddiq-malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi: Tumayo ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nabanggit niya ang Pagsubok na magiging pagsubok ng isang tao sa libingan niya,At nang banggitin niya ito,Napasigaw ang mga Muslim ng [malakas] na pagsigaw,na naging hadlang sa pagitan ko at pagitan ng pag-intindi ko sa sinabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At nang matahimik sila sa pagsigaw nila,Nagsabi ako isang lalaking malapit sa akin:Naway si Allah ay magpapala sa iyo,Ano ang sinabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa huling sinabi niya?Nagsabi siya: ((Tunay na naipahayag sa akin, na kayo ay [mabibigyan ng] Pagsubok sa Libingan,na malapit sa Pagsubok ni Dajjal))
Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īyIpinapahayag ni Asma` bint Abe Bakar Assiddiq,Na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ay tumayo sa isang araw na nagsesermon sa mga tao,At nangangaral sa kanila at nagpapaalala sa knila sa Kabilang buhay,Hanggang sa tumalakay siya sa Libingan at sa kalagayan nito,At nabanggit niya Pagsubon sa libingan,At ang tinutukoy sa Pagsubok sa libingan ay : Ang pagtatanong ng dalawang Anghel na si Munkar at Nakir para sa alipin niya sa Panginoon niya,Propeta niya,at Relihiyon niya,At ipinangalan ito rito,dahil ito ay malaking Pagsubok,susubukin rito ang pananampalataya ng alipin at Tiyak na paniniwala niya,Sinuman ang Patnubayan sa pagsubok na ito ay magtatagumpay,at sinuman ang bumagsak ay masasawi,At nang banggitin niya ito,Nagsigawan ang mga Muslim,ng napalakas na pagsigaw,dahil sa matinding pagkatakot mula sa Pagsubok sa libingan,Nahadlangan ng pagsigaw na ito si Asma na marinig niya ang sinabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At nang maging tahimik ang boses,Nagsabi si Asma sa isang lalaki na malapit sa kanya;Naway si Allah ay magpapala sa iyo,Ano ang sinabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa huling sinabi niya?Sinabi niya sa kanya,Na siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi: ((Katotohanang si Allah-Pagkataas-taas Niya,ay nagpahayag sa kanya na ang mga Tao ay [mabibigyan ng] Pagsubok at Pagsusulit sa Libingan,na malapit sa Pagsubok ng Mesaya na Dajjal,Sapagkat ang pagsubok ni Dajjal ay napakatindi at napakahirap,at gayundin ang Pagsubok sa Libingan.
Ayon kay Abe Ayyub malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya:Lumabas ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at tunay na lumubog na ang araw,Narinig niya ang isang boses,at nagsabi siya:((Isang Hudyo na pinaparusahan sa libingan niya))
Napagkaisahan ang katumpakanLumabas ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at tunay na lumubog na ang araw,Narinig niya ang isang boses,ng mga Hudyo,na sila ay pinaparusahan,Nagsabi siya:Ang mga Hudyo,pinaparusahan sa libingan nila
Mula kay Abu Hurayrah -kalugdan siya ng Allah- ay nagsabi: Sabi ng Sugo ng Allah -pagpalain siya ng Allah at pangalagaan-: kapag nailibing na ang patay -o sabi niya: isa sa inyo- dumating sa kanya ang dalawang anghel maitim na dalawa at asul na dalawa, ang tawag sa isa sa kanila: Almunkar, at sa iba: Annakeer, at ang sabi nilang dalawa: ano ang iyong masasabi sa lalaking ito? at siya ay sasagot: ang sinabi niya sa kanya: siya ay alipin ng Allah at sugo Niya, Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos karadapat-dapat sambahin maliban sa Allah, at katotohanan si Muhammad ay alipin Niya at sugo Niya, at sabi nilang dalawa: katotohanan alam na namin na sasabihin mo iyan, pagkatapos paluluwagin sa kanya ang kanyang puntod ng pitumpung Dhira' (55 hanggang 80 sentimetro) sa pitumpung Dhira', pagkatapos paliliwanagin sa kanya ang loob niya, pagkatapos sasabihin sa kanya: matulog ka na, at sasagot siya: babalik ako sa aking pamilya at babalitaan ko sila, at ang sabi nilang dalawa: matulog ka na kasing tulog ng isang katipan na hindi siya magigising kundi kahabagan siya ng kanyang pamilya, hanggang sa bubuhayin siya muli ng Allah mula sa kanyang hinigaan, at kapag ang kanyang kalagayan ay isang mapagkunwari ang sasabihin niya: narinig ko ang mga tao ay nagsasabi, kaya sinabi ko din tulad nila, hindi ko alam, at ang sabi nilang dalawa: katotohanan alam na namin na sasabihin mo iyon, at sasabihin sa lupa: higpitin mo sa kanya, at hihigpit na nga siya sa kanya, at nagkakasalungat ang kanyang mga tadyang, at manatili siyang maghihirap hanggang sa bubuhayin ulit siya ng Allah mula sa kanyang hinigaan.
Isinaysay ito ni At-TirmidhīyKapag naiburol ang isang patay dadating sa kanya ang dalawang anghel, dalawang itim dalawang asul, ang pangalan ng isa sa kanila: ay si Munkar at ang isa ay si Nakeer, at ang sabi nilang dalawa sa kanya: ano ang iyong masasabi sa lalaking ito? ibig nilang sabihin ay ang Propeta -Sumakanya nawa ang kapayapaan at pangangalaga-. Ang sagot niya: Siya ay alipin ng Allah at sugo Niya, ako ay sumasaksi na walang ibang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah at katotohanan si Muhammad ay alipin Niya at sugo Niya. At sagot nila: Katotohanan batid na namin na sasabihin mo ito. At pagkaraan ay paluluwagin sa kanya ang loob ng kanyang puntod ng pitumpung dhira' (katumbas ng 50-80 sentimetro) sa pitumpung dhira' at paliliwanagin ang loob ng kanyang puntod, at pagkatapos sasabihin sa kanya: matulog ka na. At ang sabi niya: nais kong babalik sa aking pamilya at sasabihin sa kanila na ang aking kalagayan ay mabuti at nang sa gayon sila ay masaya at hindi sila mag-alala sa akin. At sabi nilang dalawa sa kanya: matulog ka na kasing tulog ng isang katipan na hindi siya magigising kundi kahabagan siya ng kanyang pamilya, at matutulog siya ng maayos hanggang sa bubuhayin siya ng Allah sa araw ng paghuhukom. At kapag ang kalagayan niya ay isang Munafiq (mapagkunwari) ang kanyang sasabihin: Narinig ko ang mga tao ay nagsasabi ng isang sasabihin, na siya ay si Muhammad sugo ng Allah, kaya sinabi ko din tulad ng kanilang pinagsasabi, at hindi ko alam na siya ba ay Sugo ng Allah sa katunayan o hindi. At sabi nilang dalawa: batid na namin na sasabihin mo iyon, at sasabihin sa lupa: makianib ka at makiisa ka laban sa kanya at hihigpitan o iipitin mo siya, at nagtitipon-tipon ang mga bahagi niya laban sa kanya hanggang sa matatanggal sa kanya ang mga tadyang niya mula sa dating magkapantay-pantay na anyo dulot ng higpit ng panggigipit sa kanya at pagpapahirap sa kanya at pamimiga sa mga parte ng kanyang katawan at pagkakalampas ng kanyang dalawang gilid mula sa isa papunta sa isa, at manatili siya sa ganong kalagayan na magdurusa hanggang sa bubuhayin ulit siya ng Allah sa araw ng paghuhukom.
Ayon kay `Awf bin Malik-malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi:Dumating ako sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Pnadarambong sa Tabuk-habang siya ay nasa Tolda mula kay Adam,Nagsabi siya:Magbilang ka ng anim sa pagitan ng Huling Oras;Pagkamatay ko,Pagkatapos ay ang Pagtagumpay sa Bayt Al-Maqdis,Pagkatapos ay ang maraming kamatayan na kukuha sa inyo tulad ng pagkamatay ng Tupa,Pagkatapos ay ang Pagdami ng Kayamanan,hanggang sa kapag binigyan ang isang lalaki ng isandaang Dinar ay mananatili siyang galit,Pagkatapos ay ang Tukso na walang matitira sa mga bahay ng Arabo liban sa mapapasukan nito,Pagkatapos ay ang Kasunduan na mangyayari sa pagitan ninyo at pagitan ng Tribo ng mga Dilaw,Magtataksil sila,at darating sila sa inyo sa ilalim ng bilang na walumpong Bandila,Sa ilalim ng bawat Bandila ay binubuo ng Labindalawang Libo.
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyDumating si `Awf bin Malik sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Pandarambong sa Tabuk habang siya ay nasa loob ng Tolda na yari sa balat na katad.Sinabi sa kanya ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan;Magbilang ka ng anim na palatandaan mula sa mga palatandaan na mangyayari bago maganap ang Huling Oras:Pagkamatay ko,Pagkatapos ay pagtagumpay sa Bayt Al-Maqdis,at ito ay nangyari sa panahon ni `Umar-malugod si Allah sa kanya-,Pagkatapos ay ang epidemya na maglalaganap sa inyo,at mamamatay ang karamihan sa inyo sa sandaling oras tulad ng paglaganap ng Epidemya sa mga tupa at mamatay sila.Pagkatapos ay ang pagdami ng kayamanan,hanggang sa kapag binigyan mo ang isang tao ng isandaang dinar ay magagalit;dahil ito ay napakaliit na salapi sa pananaw niya.At sinabi; na ng pagdami na ito ay naganap na saPamumuno ni `Uthman -malugod si Allah-Pagkataas-taas Niya- sa mga [naganap] na Tagumpay.Pagkatapos ay mangyayari ang napakalaking Pagsubok,walang matitirang bahay mula sa mga bahay ng mga Arabo maliban sa papasukan nito:Sinabi na: ito ang pagkamatay ni `Uthman,at ang mga sumunod dito na pagsubok ay nauugnay rito,Pagkatapos ay ang Kasunduan na mangyayari sa pagitan ng mga Muslim at Roma,sisirain nila ang kasunduan at pagtataksilan nila ang mga Muslim,Darating sila upang makipaglaban sa mga Muslim sa bilang na walumpot Bandila at ito ay Ang Watawat.At sa ilalim ng bawat bandila ay binubuo ng Labindalawang libong manlalaban,At ang kabuuan nila ay Siyam na raan at Animnaput-libo.
Ayon kay Abē Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu:-((Hindi magugunaw ang mundo hanggat hindi lumalabas ang apoy sa lugar ng Al-Hijāz,[umaabot] ang liwanag nito sa leeg ng mga tupa sa Busrā))
Napagkaisahan ang katumpakanHindi magugunaw ang mundo hanggat hindi lumalabas ang apoy mula sa Meccah at Madinah sa mga nakapalibot nito,maliliwanagan nito ang leeg ng mga tupa sa bayan ng Busrā sa Shām, at lumitaw na ang apoy sa Madīnah taong Anim na raan at limamput apat na taon,sa taon ng Hijri, at ito napakalaking apoy, lumabas mula sa tabi ng Silangan sa Madinah sa likod ng Harrah,At nailipat ang impormasiyong ito sa lahat ng naninirahan sa Shām,at sa iba pang mga lugar,At nabanggit din ito ng mga kasalukuyang may taglay na kaalaman sa kani-kanilang mga aklat tulad nina Imām Annawawī, Imām Al-Qurtubī, at Imām Abē Shāmah
Ayon kay Abe Nadhrah,Siya ay nagsabi:Kami ay nasa kay Jaber bin `Abdillah,nagsabi siya:Malapit nang mangyari na ang mga Tao sa `Iraq ay hindi maiipon sa kanila ang timbang at ang Dirham,Nagsabi kami:Saan ang mga ito? Nagsabi siya:Sa pamamagitan ng mga Hindi Arabo,pipigilan nila ito,Pagkatapos ay nagsabi siya:Malapit nang mangyari na ang mga Tao sa Sham ay hindi maiipon sa kanila ang Dinar at ang timbang,Nagsabi kami:Saan ang mga ito? Nagsabi siya:Sa pamamagitan ng mga Roma,Pagkatapos ay natahimik ang mga ilan [sa kanila],Pagkatapos ay nagsabi siya:Sinabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na sa Huling Ummah na ito ay magkakaroon ng isang Khalifah, na mamamahagi ng yaman nang [napakaraming] pamamahagi at hindi niya ito binibilang))Nagsabi siya: Sinabi ko kay Abe Nadhrah at Abe Al-`Ula: Naiisip ba ninyo na siya si `Umar bin `Abdul-`Aziz,Ang sabi nilang dalawa: Hindi.
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIpinapahayag ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ang mga Muslim ay magtatagumpay sa `Iraq,at maglalagay rito ng sukat na panukat at panimbang na gagamitin para sa mga Muslim,at mapipigilan ito sa pagdating ng huling panahon,,Ito ay dahil sa pamumuno ng Hindi mananampalataya na hindi Arabo,sa lugar na ito,Pipigilan nila ang pagdating ng mga kayamanang ito sa mga Muslim,At ipinapahayag din niya na ang mga Muslim ay magtatagumpay sa Sham,,at maglalagay rito ng sukat na panukat at panimbang na gagamitin para sa mga Muslim,at mapipigilan ito sa pagdating ng huling panahon,,Ito ay dahil sa pamumuno ng taga Roma,sa lugar na ito,Pipigilan nila ang pagdating ng mga kayamanang ito sa mga Muslim,At ipinahayag niya -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na sa Huling Ummah na ito ay magkakaroon ng isang Khalifah, na mamamahagi ng yaman na hindi niya ito binibilang,Ibig sabihin:Dahil sa dami nito at lawak nang kanyang Naipagtagumpay,itinatapon niya ang pera sa mga tao gamit ang kamay niya tulad ng pagtapon niya ng alikabok,kapag itinapon niya ito sa dalawang kamay niya.At sinasabi ng nagsalaysay na nagtanong ang ilan sa mga may karunungan mula sa mga Tabi`en:Ang Khalifah bang ito ay si `Umar bin `Abdul-`Azizi? Nagsabi sila: Hindi.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya- Buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- siya ay nagsabi: ((Hindi magugunaw ang mundo hanggat hindi kayo ay nakipaglaban sa mga Turk,[Sila ay may singkit na mga mata,mapupula ang mukha,pango ang mga ilong,ang mga mukha nila ay parang kalasag [na parang] martilyo,at hindi magugunaw ang mundo hanggat hindi kayo nakipaglaban kayo sa grupo ng mga tao,na ang mga sapatos nila ay yari sa buhok))
Napagkaisahan ang katumpakanHindi magugunaw ang mundo hanggat hindi nakikipaglaban ang mga muslim sa Turk,at kabilang sa mga katangian nila,ang kanilang mga mata ay singkit,ang mga mukha nila ay mapuputi na may halong pula dahil nananaig ang lamig sa mga katawan nila,ang mga ilong nila ay pango at mababa,ang mga mukha nila ay tulad ng kalasag dahil sa lawak at bilog nito,at katulad ng martilyo dahil sa kapal at dami ng laman nito,At hindi magugunaw ang mundo hanggat hindi nakipaglaban ang mga muslim sa grupo ng mga taong lumalakad gamit ang mga sapatos nilang yari sa buhok,sila rin ang mga Turk,ngunit nagbanggit siya ng iba pa nilang katangian.
Ayon kay Abe Hurayrah malugod si Allah sa kanya-hadith na marfu- ((Hindi magugunaw ang mundo hanggat hindi nakipaglaban ang mga muslim sa mga taong Khuz at Kerman,mula sa lugar ng mga hindi arabo,sila ay may mapupulang mukha,pangong ilong,maliliit na mga mata,at ang mukha nila ay [kahalintulad] ng kalasag at martilyo,ang sapatos nila ay yari sa buhok))
Napagkaisahan ang katumpakanHindi magugunaw ang mundo hanggat hindi nakipaglaban ang mga muslim sa mga taong Khuz at Kerman,mula sa lugar ng mga hindi arabo,at kabilang sa mga katangian nila,na ang kanilang mga mukha ay mapuputi na may halong pula dahil sa labis na lamig sa mga katawan nila,ang kanilang mga ilong ay pango,ang kanilang mga mata ay maliliit,at ang kanilang mga mukha ay kahalintulad ng kalasag dahil sa lapad nito at bilog,at kahalintulad naman ng martilyo dahil sa kapal nito at dami ng laman,sila ay lumalakad gamit ang sapatos na yari sa buhok
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsasabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nakipagtagpo kay Allāh habang hindi siya nagtatambal Dito ng anuman ay walang makapipinsala sa kanya kasama sa kanya na isang kamalian. Ang sinumang namatay habang siya ay nagtatambal Dito ay walang makapagpapakinabang sa kanya kasama sa kanya na isang magandang gawa."}
Nagsalaysay nito si Imām AḥmadNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang namatay at nakipagtagpo kay Allāh habang isang monoteistang hindi nagtatambal Dito ng anuman, siya ay kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso at kahit pa man pinarusahan siya sa katawan niya sa Impiyerno. Ang sinumang namatay habang siya ay nagtatambal kay Allāh ng anuman, hindi magpapakinabang sa kanya kasama ng shirk ang isang magandang gawa. Ang Paraiso sa kanya ay bawal.