





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tumayo sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang may limang pangungusap sapagkat nagsabi siya: "Tunay na si Allāh (napakataas Siya) ay hindi natutulog at hindi nararapat para sa Kanya na matulog. Nagbababa Siya ng timbangan at nag-aangat Siya nito. Inaangat sa Kanya ang ginawa sa gabi bago ng ginawa sa maghapon at ang ginawa sa maghapon bago ng ginawa sa gabi. Ang tabing Niya ay ang liwanag." – sa isang salaysay: "ang apoy" – "Kung sakaling humawi Siya nito, talagang sumunog sana ang mga kaluwalhatian ng mukha Niya sa anumang pinagwakasan ng paningin Niya mula sa nilikha Niya."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimTumayo ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) bilang isang mananalumpati sa mga Kasamahan niya kalakip ng limang ganap na pangungusap: Ang Una: Si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay hindi natutulog. Ang Ikalawa: Isinasaimposible sa panig Niya ang pagkatulog dahil sa kakumpletuhan ng pagkamapag-aruga Niya at buhay Niya. Ang Ikatlo: Siya ay nagbaba ng timbangan at nag-aangat nito sa tinitimbang sa mga gawa ng mga tao, na umaangat na umaakyat sa Kanya; at tinitimbang sa mga panustos sa kanila, na bumababa sa lupa sapagkat ang panustos ay parte at bahagi ng bawat nilikha, na nagbaba nito Siya (kaluwalhatian sa Kanya) para maghigpit nito at nag-aangat nito Siya para magpaluwag nito. Inaangat kay Allāh ang ginawa ng mga tao sa gabi bago ng [ginawa sa] maghapon matapos niyon at ang ginawa nila sa maghapon bago ng ginawa sa gabi matapos niyon sapagkat ang mga anghel na tagapag-ingat ay nag-aakyat ng mga gawa sa gabi matapos ng pagkawakas nito sa simula ng maghapon at nag-aakyat ng mga gawa sa maghapon matapos ng pagkawakas nito sa simula ng gabi. Ang Ikalima: Ang tabing Niya (kaluwalhatian sa Kanya) na tagahadlang sa pagkakita sa Kanya ay ang liwanag o ang apoy. Kung sakaling humawi Siya nito, talagang sumunog sana ang mga kaluwalhatian ng mukha Niya sa anumang pinagwakasan ng paningin Niya mula sa nilikha Niya. Ang mga kaluwalhatian ng mukha Niya ay ang liwanag Niya, kapitaganan sa Kanya, at karingalan Niya. Ang implikasyon: Kung sakaling inalis Niya at hinawi Niya ang tagahadlang sa pagkakakita sa Kanya – ang tabing – at lumantad sa nilikha Niya, talagang sumunog sana ang mga kaluwalhatian ng mukha Niya sa anumang pinagwakasan ng paningin Niya mula sa nilikha Niya, ang lahat ng mga nilikha, dahil ang paningin Niya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) ay sumasaklaw sa lahat ng mga umiiral.
Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga Mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nag-utos siya sa kanila, ay nag-uutos sa kanila ng mga gawaing ayon sa nakakaya nila. Nagsabi sila: "Tunay na kami ay hindi gaya ng lagay mo, O Sugo ni Allāh. Tunay na si Allāh ay nagpatawad na sa iyo ng anumang nauna sa pagkakasala mo at anumang nahuli." Kaya nagagalit siya hanggang sa makilala ang galit sa mukha niya. Pagkatapos nagsasabi siya: "Tunay na ang pinakamapangilag magkasala sa inyo at ang pinakamaalam sa inyo kay Allāh ay ako."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyNagpapabatid ang Ina ng mga Mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nag-utos siya sa mga tao ng isang gawain kabilang sa mga gawain, ay nag-uutos ng anumang dumadali sa kanila, hindi ng anumang humihirap, dala ng takot na mawalang-kakayahan sila sa pamamalagi roon at ng gawaing ayon sa katapat ng ipinag-uutos niya sa kanila na pagpapagaan subalit hiniling nila sa kanya ang pag-aatang ng anumang humihirap dahil sa paniniwala nila sa pangangailangan nila sa pagpapalabis sa gawain para sa pag-angat ng mga antas. Nagsabi sila: "Tunay na kami ay walang kalagayang gaya ng kalagayan mo, O Sugo ni Allāh. Tunay na si Allāh ay nagpatawad na sa iyo ng anumang nauna sa pagkakasala mo at anumang nahuli." Kaya nagagalit siya hanggang sa makilala ang galit sa mukha niya. Pagkatapos nagsasabi siya: "Tunay na ang pinakamapangilag magkasala sa inyo at ang pinakamaalam sa inyo kay Allāh ay ako kaya gawin ninyo ang ipinag-utos ko sa inyo."
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: Tayo ay ang kahuli-hulihan sa mga kalipunan at ang kauna-unahan sa tutuusin. Sasabihin: "Nasaan ang Kalipunang iliterato at ang Propeta nito?" Kaya tayo ang mga kahuli-hulihan at ang mga kauna-unahan.}
Nagsalaysay nito si Imām Ibnu MājahNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Kalipunan niya ay ang kahuli-hulihan sa mga kalipunan sa pag-iral at sa panahon at ang kauna-unahan sa mga kalipunan na tutuusin sa Araw ng Pagbangon. Sasabihin sa Araw ng Pagbangon: "Nasaan ang Kalipunang iliterato at ang Propeta nito?" Ito ay bilang pag-uugnay sa pagkailiterato ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil sa hindi pagkaalam ng pagbasa at pagsulat. Tatawagin sila para sa pagtutuos, una sa lahat, sapagkat tayo ang mga kahuli-hulihan sa panahon at pag-iral at ang mga kauna-unahan sa pagtutuos sa Araw ng Pagbangon sa pagpasok sa Paraiso.
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagdasal ng salah natin, humarap sa qiblah natin, at kumain ng katay natin, iyon ang Muslim na ukol sa kanya ang pangangalaga ni Allāh at ang pangangalaga ng Sugo Niya. Kaya huwag kayong magtraidor sa pangangalaga Niya."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang sumusunod sa mga hayagang gawaing pagsamba ng Relihiyong Islām - nagdarasal siya ng tulad ng ṣalāh natin, humaharap siya sa qiblah natin, at kumakain siya ng katay natin habang naniniwala sa pagkapahintulot nito - iyon ang Muslim na may pagtitiwala at kasunduan ni Allāh at ng Sugo Nito kaya huwag silang sumira sa pagtitiwala at kasunduan ni Allah dito.
Ayon kay Ummu Salamah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya), na siya ay nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Walang anumang Muslim na may tumama sa kanya na isang kasawiang-palad saka nagsasabi siya ng ipinag-utos sa kanya ni Allāh: {Innā lillāhi wa-inna ilayhi rāji`ūn. (Tunay na kami ay kay Allāh at tunay na kami ay tungo sa Kanya mga babalik.)} (Qur'ān 2:156) [at] “Allāhumma -'jirnī fī muṣībatī wa-akhlif lī khayram minhā. (O Allāh, magpabuya Ka sa akin sa kasawiang-palad ko at magpahalili Ka para sa akin ng higit na mabuti kaysa rito.)"} malibang magpapahalili si Allāh para sa kanya ng higit na mabuti kaysa rito."} Nagsabi siya: {Kaya noong namatay si Abū Salamah, nagsabi ako: "Alin sa mga Muslim ang higit na mabuti kay Abū Salamah, na kauna-unahang sambahayan na lumikas sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)?" Pagkatapos tunay na ako ay nagsabi nito, kaya nagpahalili si Allāh para sa akin ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimBumanggit si Ummu Salamah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya), na siya ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi minsan: Walang anumang Muslim na may tumama sa kanya na isang kasawiang-palad saka nagsasabi siya ng isinakaibig-ibig para sa kanya ni Allāh: "Tunay na kami ay kay Allāh at tunay na kami ay tungo sa Kanya mga babalik." (Qur'ān 2:156) "O Allāh, magpabuya Ka sa akin" at magbigay Ka sa akin ng pabuya sa pagtitiis ko "sa kasawiang-palad ko" at tutumbas Ka sa akin "at magpahalili Ka para sa akin" para roon "ng higit na mabuti kaysa rito.)" Nagsabi siya: {Kaya noong namatay si Abū Salamah, nagsabi ako: "Alin sa mga Muslim ang higit na mabuti kay Abū Salamah, na kauna-unahang sambahayan na lumikas sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)?" Pagkatapos tunay na ako ay nagsabi nito, kaya nagpahalili si Allāh para sa akin ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na higit na mabuti kaysa kay Abū Salamah.}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi kay Bilāl sa sandali ng ṣalāh sa madaling-araw: "O Bilāl, magsanaysay ka sa akin ng pinakamagantimpalang gawaing ginawa mo sa Islām sapagkat tunay na ako ay nakarinig ng yabag ng sandalyas mo sa harap ko sa Paraiso." Nagsabi ito: "Ang ginagawa kong isang gawaing pinakamagantimpala sa ganang akin ay na ako ay hindi nagpapakadalisay ng isang pagdalisay sa isang oras sa isang gabi o isang maghapon malibang nagdarasal ako dahil sa pagkadalisay na iyon ng naitakda sa akin na dasalin ko."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNakita ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)sa panaginip na siya ay nasa Paraiso saka nagsabi siya kay Bilāl bin Rabāḥ: "Magpabatid ka sa akin hinggil sa pinakamagantimpalang gawain ng pagkukusang-loob na ginawa mo sa Islam sapagkat tunay na ako ay nakarinig ng mahinang tunog ng sandalyas mo sa pagpapahakbang nito sa paglakad sa harap ko sa Paraiso." Nagsabi si Bilāl: "Ang ginagawa kong isang gawaing pinakamagantimpala sa ganang akin ay na ako ay hindi nasiraan ng kadalisayan sa isang oras sa isang gabi o isang maghapon malibang nagsasagawa ako ng wuḍū', pagkatapos nagdarasal ako sa Panginoon ko dahil sa wuḍū' na iyon ng mga kinukusang-loob na ṣalāh na naitakda sa akin na dasalin ko."
Ayon kay `Alīy (malugod si Allāh sa kanya): {Kapag nagsanaysay ako sa inyo tungkol sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sapagkat ang bumagsak ako mula sa langit ay higit na kaibig-ibig sa akin kaysa magsinungaling ako hinggil sa kanya. Kapag nagsanaysay ako sa inyo kaugnay sa namagitan sa akin at sa inyo ay sapagkat tunay na ang digmaan ay isang panlilinlang. Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "May darating sa katapusan ng panahon na mga tao, na mga baguhan ang mga ngipin, na mga hunghang ang mga pag-iisip, na magsasabi ng anumang pinakamabuti sa sabi ng sangkinapal. Lalampas sila mula sa Islām kung paanong lumalampas ang palaso mula sa tinutudla. Hindi lalampas ang pananampalataya nila mula sa mga lalamunan nila. Kaya saanman kayo nakatagpo sa kanila, patayin ninyo sila sapagkat tunay na ang pagpatay sa kanila ay may pabuya para sa sinumang pumatay sa kanila sa Araw ng Pagbangon."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang pinuno ng mga mananampalataya na si `Alīy bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh sa kanya): {Kapag nakarinig kayo sa akin na nagsasanaysay sa inyo tungkol sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), tunay na ako ay hindi nagpapasaring, hindi nagkukunwari, at hindi nagbabalatkayo, at nagtatahas lamang ako. Ang bumagsak ako mula sa langit ay higit na madali sa ganang akin at higit na magaan kaysa magsanaysay ako tungkol sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang ako ay nagsisinungaling hinggil sa kanya. Kapag nagsanaysay ako kaugnay sa namagitan sa akin at sa mga tao ay sapagkat ang digmaan ay isang panlilinlang lamang kaya naman maaaring nagpapasaring ako o nagkukunwari ako o nagbabalatkayo ako. Nakarinig nga ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "May darating sa katapusan ng panahon na mga kabataang nakababata ang edad, na mahihina ang mga isip, na magsasabi ng mula sa Qur'ān at magpaparami ng pagbasa nito. Lalabas sila mula sa Islām at lalampas sila sa mga hangganan nito kung paanong lumalabas ang palaso mula sa tinutudla.* Hindi lalampas ang pananampalataya nila mula sa mga lalamunan nila. Kaya saanman kayo nakatagpo sa kanila, patayin ninyo sila sapagkat tunay na ang pagpatay sa kanila ay may pabuya para sa sinumang pumatay sa kanila sa Araw ng Pagbangon."
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay nalulugod para sa inyo sa tatlo at nasusuklam para sa inyo sa tatlo sapagkat nalulugod Siya para sa inyo na sumamba kayo sa Kanya at hindi kayo magtambal sa Kanya at na mangunyapit kayo sa lubid ni Allāh nang lahatan at hindi kayo magkahati-hati at nasusuklam para sa inyo sa sabi-sabi, dami ng pagtatanong, at pagsasayang ng ari-arian."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh ay nakaiibig mula sa mga lingkod Niya ng tatlong kakanyahan at nasusuklam mula sa kanila ng tatlo. Naiibigan Niya mula sa kanila: na maniwala sila sa kaisahan Niya at hindi magtambal sila sa Kanya ng anuman; na mangunyapit sila sa kasunduan kay Allāh, sa Qur'ān at Sunnah ng Propeta Niya nang lahatan; at hindi sila magkawatak-watak sa bukluran ng mga Muslim. Kinasusuklaman Niya para sa Kanila: ang kabalbalan, ang kalabisan sa pagsasalita kaugnay sa hindi pumapatungkol sa kanila, ang pagtatanong tungkol sa hindi naganap, o ang panghihingi sa mga tao ng mga salapi nila at ng nasa mga kamay nila samantalang wala namang nanawagan doon na isang pangangailangan, ang pagsasayang ng yaman at ang paggastos nito sa hindi ayon sa mga legal na pinag-uukulan nito, at ang paghahantad nito sa pagkasira.
Ayon kay Anas bin Mālik malugod si Allah sa kanya-Ngsabi siya:Nagsabi si Abu Bakar kay `Umar malugod si Allah sa kanilang dalawa-pagkaraan ng pagpanaw ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: Sumama ka sa amin [sa pagbisita] kay Ummu Ayan malugod si Allah sa kanya-Bisitahin natin siya tulad ng pagbisita sa kanya ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na binibisita niya siya,At nang dumating silang dalawa sa kanya;Napa-iyak siya,,Nagsabi silang dalawa sa kanya: Ano ang iniiyak mo? Hindi moba alam na kung ano ang nasa kay Allah-Napakamaluwalhati Niya-at Pagkataas-taas Niya-ay higit na mainam para sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-?Hindi ako umiiyak dahil hindi ko Alam na kung ano ang nasa kay Allah-Pagkataas-taas Niya ay higit na mainam para sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Datapuwat umiiyak ako dahil ang Pagpapahayag ay tuluyan ng naputol mula sa kalangitan,Naapektohan silang dalawa sa pag-iyak,Hanggang sa umiyak silang dalawa kasama niya.
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng mga kasamahan ng Propeta-malugod si Allah sa kanila-ang pinaka-interesado sa mga tao sa pagsunod sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa lahat ng maliit at malaking [bagay],hanggang sa sila ay sumusunod sa pamamalakad niya sa buhay niya,at pag-upo niya,at yapak ng paa niya,at sa lahat ng gawaing napag-alaman nila na ito ay nagawa niya.At ang Hadith na ito ang nagpapatibay rito at sinasabi sa kwento ni Abe Bakar at `Umar na kung saan ay binisita nilang dalawa ang isang babaing binibisita ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-,Binisita nila ito dahil sa pagbibista ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa kanya.At nang umupo silang dalawa sa kanya,napa-iyak siya,Nagsabi silang dalawa sa kanya: Ano ang iniiyak mo? Hindi moba alam na kung ano ang nasa kay Allah-Napakamaluwalhati Niya-at Pagkataas-taas Niya-ay higit na mainam para sa Sugo Niya? Ibig sabihin: Higit na mainam sa Mundo,Nagsabi siya:Hindo ako umiiyak dahil doon,datapuwat ay dahil sa pagkaputol ng Kapahayagan;Sapagkat ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-nang pumanaw siya ay naputol narin ang Pagpapahayag,Wala ng Pagpapahayag pagkatapos ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-,Kung-Kaya`t ginanap ng Allah ang Batas [ng Islam] Niya bago siya pumanaw,Sinabi Niya-Pagkataas-taas Niya: { Sa Araw na ito ay pinaging ganap Ko ang inyong Relihiyon para sa inyo,at nilubos Ko ang Aking paglingap sa inyo,At Aking itinakda sa Inyo ang Islam bilang inyong Relihiyon} [Al-Maedah ;3],At napaiyak silang dalawa;dahil ipinaalala niya sa kanilang dalawa ang bagay na nakalimutan na nila.