





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Ibn `Abbas-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Hadith na Marfu-:((Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kay Jibrel :((Ano ang pumipigil sa iyo sa pagbisita sa amin nang mas maraming beses sa pagbisita mo sa amin?)) Kaya ibinaba [ang talatang] (At kami na mga Anghel ay hindi bumababa maliban na mapag-utusan ng iyong Panginoon [O Muhammad],Sa Kanya ang pag-aangkin [ng lahat] ng nasa aming harapan,at lahat nang nasa aming likuran,at anuman ang nasa pagitan ng dalawang ito)) [Maryam:64]
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyIpinapaliwanag ng Hadith ang pananabik ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa kapatid niyang si Jibrel-Sumakanya ang pangangalaga-sapagkat siya ay dumarating mula sa [kapahintulutan] ni Allah-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan,ito ay dahil sa naging mabagal si Jibrel sa pagbaba sa loob ng apatnapong araw,Nagsabi sa kanya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: O Jibrel:((Ano ang pumipigil sa iyo sa pagbisita sa amin?!)) Ibig sabihin ay: Hindi ka bumababa hanggat hindi ako nanabik sa iyo,Nagsabi si Jibrel:Ako ay nanabik sa iyo,ngunit ako ay utusan lamang,at ipinahayag ni Allah kay Jibrel na sabihin sa kanya:(At kami na mga Anghel ay hindi bumababa maliban na mapag-utusan ng iyong Panginoon [O Muhammad]) Ibig sabihin ay ;sinabi ni Allah-Napakamaluwalhati Niya,Sabihin mo O Jibrel:Hindi kami bumababa sa malayuang pagitan ng oras maliban sa kapahintulutan ni Allah sa mga itinakda Niya sa Karunungan Niya, Siya-Napakamaluwalhati Niya: (Sa Kanya ang pag-aangkin [ng lahat] ng nasa aming harapan) ibig sabihin:Sa harapan namin mula sa mga bagay sa Kabilang-buhay,(at [lahat] nang nasa aming likuran) mula sa mga maka-mundong bagay,at sa ganap na talata "At anuman ang nasa pagitan ng dalawang ito" Ibig sabihin: Anuman ang nasa mga oras na ito hanggang sa Huling oras,Ibig sabihin:Sa kanya ang ganap na kaalaman ng lahat ng mga bagay na ito,At hindi nakakalimot ang Iyong Panginoon;Nakakalimot,ibig sabihin ay,Nag-iiwan sa iyo,dahil sa pag-antala ng Kapahayagan sa iyo,Kaya ibig sabihin ang Hadith na ito ay nagpapatunay na tunay na nararapat sa sangkatauhan na makipag-kaibigan sa mga may mabuting kalooban,at bisitahin sila at bisitahin nila siya,dahil sa napapaloob rito na mga kabutihan.
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na marfu: (( Magiging pinuno ang isa sa inyong mga pinuno-sa pagdating ng huling panahon,[kung saan ay] gugugol siya ng yaman na hindi na niya binibilang))
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIpinapaalam sa atin ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na sa pagdating ng huling panahon,ay magsasagawa ang pinuno ng mga Muslim ng paggugol sa mga kayamanan nang walang pagbilang at pagkwenta,dahil sa dami ng mga kayamanan at nadambong,na maluwag sa kanyang kalooban.
Ayon kay `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa-siya ay nagsabi:Dumating si `Uyaynah bin Hisn,at bumaba siya sa kanyang pamangkin na si Al-Hurr bin Qays,at siya kabilang sa mga taong malapit kay `Umar;At ang mga Tagabasa ng Qur-an ay siyang mga kasama sa pagpupulong ni `Umar,At ang pagbibigay payo niya naaangkop para sa mga matatanda at para sa mga binata,Nagsabi si `Uyaynah sa kanyang pamangkin,:O aking pamangkin,sa iyo ay may mataas na antas sa pinunong ito,ipagpaalam mo ako sa kanya,nagpaalam siya,at pinahintulutan siya ni `Umar,At nang nakapasok siya,Nagsabi siya: Siya ito,o Ibn Al-Khattab,Sumpa sa Allah,hindi mo kami binibigyan ng maraming biyaya,at hindi ka humahatol sa amin ng makatarungan,Nagalit si `Umar;hanggang sa naisip niyang pagbuhatan ito, Sinabi sa kanya ni Al-Hurr: O pinuno ng mananampalataya,Tunay na si Allah ay nagsabi sa kanyang mahal na Propeta: { Magpakita kayo [ O Muhammad] ng pagpapatawad,at magtagubilin kung ano ang mabuti,at lumayo kayo sa mga mang-mang}[Al-A`raf:199] at ito ay mula sa mga mang-mang,Sumpa sa Allah,hindi lumagpas si `Umar ng basahin niya ito,at siya ay naninindigan sa [anumang nakasulat] sa Aklat ni Allah-Pagkataas-taas Niya
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyTinatalakay sa atin ng marangal sa kasamahan ng Propeta-na si `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa-ang nangyari sa pinuno ng mananampalataya-na si `Umar bin Al-Khattab-malugod si Allah sa kanya-kung saan ay dumating sa kanya si `Uyaynah bin Hisn,at siya ay isa sa mga kilalang tao sa mga kasamahan niya,nagsimula siya sa pananalita niya ng marahas sa pamamagitan ng pag-atake at pagtanggi at pagsaway,pagkatapos ay sinundan niya ito ng [masakit na pananalita] na nagsasabing:Hindi mo kami binibigyan ng maraming biyaya,at hindi ka humahatol sa amin ng makatarungan,nagalit siya-malugod si Allah sa kanya-hanggang sa muntik niya itong paluin,subalit tumayo ang ilan sa mga Tagabasa ng Qur-an,at kabilang sa kanila ay ang aking pamangkin na si Ibn `Uyaynah,at siya si Al-Hurr bin Qays,na nagsesermon sa marangal na pinuno-malugod si Allah sa kanya-: O pinuno ng mananampalataya,Tunay na si Allah-pagkataas-taas Niya, ay nagsabi sa kanyang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: { Magpakita kayo [ O Muhammad] ng pagpapatawad,at magtagubilin kung ano ang mabuti,at lumayo kayo sa mga mang-mang}[Al-A`raf:199],at ito ay mula sa mga mang-mang,nanindigan si `Umar at hindi siya lumagpas rito,Sapagkat siya ay naninindigan sa Aklat ni Alla-malugod si Allah sa kanya-,Tumayo siya at hindi niya pinalo ang lalaki,dahil sa talatang binasa sa pandinig niya.At ito ang magandang kaugalian ng mga kasamahan ng Propeta-malugod si Allah sa kanila-sa Aklat ni Allah;hindi sila lumalagpas rito,Kapag sinabi sa kanila na ito ay sinabi ni Allah,pinaninindigan nila ito kahit na anong mangyari.
Ayon kay Anas, malugod si Allāh sa kanya: May dumating na mga tao sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagsabi: "Magpadala ka kasama namin ng mga lalaking magtuturo sa amin ng Qur'ān at Sunnah." Kaya nagpadala siya sa kanila ng pitumpong lalaking kabilang sa Anṣār, na tinatawag silang ang mga tagabigkas. Kabilang sa kanila ang tiyuhin kong si Ḥarām. Bumibigkas sila ng Qur'ān. Nag-aaralan sila sa gabi upang matuto. Sila noon sa araw ay nagdadala ng tubig at inilalagay ito sa masjid. Nangangahoy sila at ipinagbibili ito. Ipinambibili nila ito ng pagkain para sa mga tao ng Ṣuffah at mga maralita. Ipinadala sila ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ngunit hinarang sila at pinatay sila bago sila nakarating sa lugar ngunit nagsabi sila [bago mamatay]: "O Allāh, iparating Mo para sa amin sa Propeta namin na kami ay nakatagpo na sa Iyo, at nalugod kami sa Iyo at nalugod Ka sa amin." May isang lalaking pumunta kay Ḥarām, ang tiyuhin ni Anas, mula sa likuran niya at sinaksak siya nito ng sibat hanggang sa napatagos nito sa kanya kaya nagsabi si Ḥarām: "Nagtagumpay ka, sumpa man sa Panginoon ng Ka`bah." Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tunay na ang mga kapatid ninyo ay napatay nga at tunay na sila ay nagsabi: O Allāh, iparating Mo para sa amin sa Propeta namin na kami ay nakatagpo na sa Iyo, at nalugod kami sa Iyo at nalugod Ka sa amin."
Napagkaisahan ang katumpakanAng kahulugan ng ḥadīth: May isang delegasyon mula sa ilan sa mga lipi ng mga Arabe na pumunta sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Inangkin nilang sila ay yumakap sa Islām at hiniling nila sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na alalayan sila sa pamamagitan ng mga magtuturo sa kanila ng Qur'ān. Inalalayan sila ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng pitumpong lalaki. Tinatawag silang ang mga tagabigkas. Iyon ay dahil sa dami ng nakuha nila sa Qur'ān. Sa kabila ng pagkaabala nila sa dalas ng pagbigkas ng Qur'ān, gayon pa man, iyon ay hindi nakahadlang sa kanila sa pagkamit ng ikabubuhay. Alinsunod dito, nagsabi si Anas, malugod si Allāh sa kanya: "Sila noon sa araw ay nagdadala ng tubig at inilalagay ito sa masjid. Nangangahoy sila at ipinagbibili ito. Ipinambibili nila ito ng pagkain para sa mga tao ng Ṣuffah at mga maralita." Ang kahulugan nito ay na sila sa mga oras ng maghapon ay nag-iigib ng tubig at inilalagay ito sa masjid bilang alay sa sinumang nagnanais gumamit nito para sa pagdadalisay o inumin o iba pa sa mga ito. "Nangangahoy sila at ipinagbibili ito. Ipinambibili nila ito ng pagkain para sa mga tao ng Ṣuffah at mga maralita." Nangangahulugan ito: Nagtitipon sila ng panggatong, ipinagbibili nila ito, ipinambibili ito ng pagkain, at ikinakawanggawa nila ito sa mga maralita at kabilang sa kanila ang mga tao ng Ṣuffah, na isang lugar na hindi nakadugtong sa masjid, na nalililiman, na tinutuluyan nila sa magdamag. Pagkatapos tunay na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagpadala ng mga tagabigkas kasama ng mga taong humiling. Noong nanuluyan sila sa malapit sa balon ng Ma`ūnah, at iyon ay bago sila dumating sa sadya nila na tahanan ni Abū Barā' Ibnu Mulā`ib Al-Asinnah, nagsadya sa kanila si `Āmir bin Aṭ-Ṭufayl at may kasamang isang pangkat ng mga lalaki at kinalaban sila ng mga ito. Ang "O Allāh, iparating Mo para sa amin sa Propeta namin na kami ay nakatagpo na sa Kanya, at nalugod kami sa Kanya at nalugod Siya sa amin." Sa isang sanaysay naman: "Iparating ninyo sa mga tao namin na kami ay nakatagpo na sa Panginoon namin, nalugod Siya sa amin, at pinalugod Niya kami." Ipinabatid ni Jibrīl sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na sila ay nakatagpo na sa Panginoon nila, nalugod Siya sa kanila, at pinalugod Niya kami," gaya ng nasa sanaysay ni Imām Al-Bukhārīy. Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tunay na ang mga kapatid ninyo ay napatay nga at tunay na sila ay nagsabi: O Allāh, iparating Mo para sa amin sa Propeta namin na kami ay nakatagpo na sa Iyo, at nalugod kami sa Iyo at nalugod Ka sa amin." Ang kahulugan ay na si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay nalugod nga sa kanila dahil sa pagtalima nila at nalugod din sila sa kanya dahil sa ipinarangal Niya sa kanila, at ibinigay Niya sa kanila na mga kabutihan, pagkalugod mula sa Kanya, pagkataas-taas Niya, at pagbuhos ng kabutihan, kagandahang-loob, at awa.
Ayon kay Zayd bin Arqam, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Lumisan kami kasama ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa isang paglalakbay na dinapuan ang mga tao roon ng kasalatan kaya nagsabi si `Abdullāh bin Ubayy [sa mga kasamahan niya]: "Huwag kayong gumugol sa mga kapisan ng Sugo ni Allāh hanggang sa sila ay maghiwa-hiwalay." Nagsabi pa siya: "Talagang kung babalik tayo sa Madínah, talagang palilisanin nga ng pinakamarangal mula roon ang pinakahamak." Pinuntahan ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at ibinalita ko sa kanya iyon kaya nagpasugo siya kay `Abdullāh bin Ubayy at nagpunyagi ito sa panunumpa nito na hindi nito sinabi. Kaya nagsabi sila: "Nagsinungaling si Zayd sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kaya bumagsak sa sarili ko ang isang bagabag hanggang sa nagbaba si Allāh, pagkataas-taas Niya, ng pagpapatotoo sa akin: "Kapag dumating sa iyo ang mga nagpapanggap". Pagkatapos ay inanyayahan sila ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, upang humingi ng tawad para sa kanila ngunit iniling-iling nila ang mga ulo nila.
Napagkaisahan ang katumpakanBinabanggit ni Zayd bin Arqam, malugod si Allāh sa kanya, na siya noon ay kasama ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa isang paglalakbay. Kasama niya ang mga mananampalataya at ang mga nagpapanggap. Dinapuan ang mga tao ng kagipitan at kasalatan dahil sa kakauntian ng taglay nilang baon. Nagsalita si `Abdullāh bin Ubayy bin Salūl, ang ulo ng kawalang-pananampalataya at pagpapanggap, at nagsabi (Qur'ān 63:7): "Huwag kayong gumugol sa mga kapisan ng Sugo ni Allāh hanggang sa sila ay maghiwa-hiwalay." Nangangahulugan ito: Huwag kayong magbigay sa kanila ng anuman mula sa gugulin hanggang sa magutom sila, magkahati-hati sila, at iwan nila ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Nagsabi pa siya (Qur'ān 63:7): "Talagang kung babalik tayo sa Madīnah, talagang palilisanin nga ng pinakamarangal mula roon ang pinakahamak." Ang tinutukoy: Ang pinakamarangal ay ang sarili niya at ang lipi niya at ang pinakahamak ay ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Narinig iyon ni Zayd bin Al-Arqam, malugod si Allāh sa kanya, kaya pumunta ito sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at ibinalita sa kanya na si `Abdullāh bin Ubayy bin Salūl ay nagsasabi ng ganito at ganoon. Nagbibigay-babala ito laban doon kaya nagpasugo roon ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Nanumpa iyon. Tinindihan niyon ang panunumpa na hindi nagsabi ng gayon. Ito ay nakahiratian ng mga nagpapanggap: nanunumpa sila sa kasinungalingan gayong nalalaman nila ang totoo. Nanumpa siya na hindi niya sinabi iyon. Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay tumatanggap noon ng paghahayag nila at nagpapaubaya kay Allāh ng paglilihim nila. Noong nakarating iyon kay Zayd bin Al-Arqam, nasaktan siya ng usapin dahil ang tao ay nanumpa, nanindigan sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagpunyagi sa panunumpa niya roon kaya nagsabi ang mga tao: "Nagsinungaling si Zayb bin Al-Arqam sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan." Nangangahulugan ito: Nagbalita si Zayd bin Al-Arqam sa Sugo ni Allāh ng balitang sinungaling. Nasaktan niyon si Zayd bin Al-Arqam hanggang sa nagpababa si Allāh ng isang patotoo at nilinaw Niya sa sabi Niya: "Kapag dumating sa iyo ang mga nagpapanggap". Nangangahulugan ito: Ang Sūrah patungkol sa mga nagpapanggap. Pagkatapos ay inanyayahan ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang mga nagpapanggap, na ang ulo nila ay si `Abdullāh bin Ubayy, upang humingi siya ng tawad kay Allāh para sa kanila dahil sa namutawi mula sa kanila na bastos na pananalita ngunit inayawan nila iyon bilang pagmamalaki at panghahamak sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, dahil sa siya ay hihingi ng tawad para sa kanila kay Allāh, pagkataas-taas Niya.
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Hindi ko ipinagpapalagay na sina Polano at Polano ay nakaaalam mula sa relihiyon natin ng anuman." Nagsabi si Al-Layth bin Sa`d, isa sa mga mananaysay ng ḥadīth na ito: "Ang dalawang lalaking ito ay kabilang noon sa mga nagpapanggap na mananampalataya."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyNagpapabatid si `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya, na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagpabatid sa kanya ng tungkol sa dalawang lalaki, na silang dalawa ay walang nalalamang anuman mula sa Relihiyong Islām dahil silang dalawa ay nagpapakita ng pag-anib sa Islām at nagkukubli ng kawalan ng pananampalataya. Binanggit ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Hindi ko ipinagpapalagay na sina Polano at Polano ay nakaaalam mula sa relihiyon natin ng anuman." Nagsabi si Al-Layth bin Sa`d, isa sa mga mananaysay ng ḥadīth na ito: "Ang dalawang lalaking ito ay kabilang noon sa mga nagpapanggap na mananampalataya."
Ayon kay Anas, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Tumuloy ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at ang mga Kasamahan niya hanggang sa maunahan nila ang mga Mushrik sa Badr. Dumating ang mga Mushrik. Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Hindi nga susulong ang isa kabilang sa inyo tungo sa anuman malibang ako ay nasa unahan niya." Lumapit ang mga Mushrik kaya nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tumindig kayo tungo sa Paraisong ang luwang nito ay [ang pagitan ng] mga langit at lupa." Sinabi: Nagsasabi si `Umayr bin Al-Ḥumām Al-Anṣārīy, malugod si Allāh sa kanya: "O Sugo ni Allah, Paraisong ang luwang nito ay [ang pagitan ng] mga langit at lupa?" Nagsabi siya: "Oo." Nagsabi siya: "Magaling! Magaling!" Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ano ang nag-udyok sa sabi mong: Magaling, magaling?" Nagsabi iyon: "Wala po, sumpa man kay Allah, o Sugo ni Allah, malibang ang pag-asang ako ay maging kabilang sa mga maninirahan doon." Nagsabi siya: "Kaya tunay na ikaw ay kabilang sa mga maninirahan doon." Kaya nagpalabas iyon ng mga datiles mula sa baunan niyon at nagsimulang kumain mula sa mga ito. Pagkatapos ay nagsabi: "Talagang kung ako ay mabubuhay pa hanggang sa makain ko ang mga datiles kong ito, tunay na ito ay talagang buhay na mahaba." Kaya itinapon niyon ang dala niyong datiles. Pagkatapos ay nakipaglaban iyon sa kanila hanggang sa napatay iyon.
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpapabatid si Anas, malugod si Allāh sa kanya, na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay lumabas kasama ng mga Kasamahan niya mula sa Madīnah upang sumalubong sa isang karaban ni Abū Sufyān na dinala niya mula sa Shām papuntang Makkah. Hindi sila lumabas para makipaglaban subalit si Allah at nagtipon sa kanila at ng kaaway nila nang walang tipanan. Dahil dito, marami sa mga kasamahan ay nagpaiwan sa labanang ito at hindi pinagalitan ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang isa sa kanila. Pagkatapos ay lumisan ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at tumuloy sila sa Badr bago tumuloy roon ang mga Kāfir ng Quraysh. Kumuha ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng puwesto niya mula roon. Pagkatapos ay dumating ang mga Kāfir ng Quraysh at nagsabi siya: "Hindi nga susulong ang isa kabilang sa inyo tungo sa anuman malibang ako ay nasa unahan niya." Ang kahulugan: ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbabawal sa kanila sa pagsulong tungo sa anuman malibang siya, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga, ay higit na malapit doon kaysa sa kanila upang walang makaalpas na anuman sa mga kalamangang hindi nila nalalaman. Pagkatapos ay nagsabi siya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tumindig kayo tungo sa Paraisong ang luwang nito ay [ang pagitan ng] mga langit at lupa." Nangangahulugan ito: magmadali kayo at huwag kayong magpahuli sa pag-aalay ng mga kaluluwa ninyo sa landas ni Allah sapagkat tunay na ang kahihinatnan niyon ay Paraisong ang luwang nito ay [ang pagitan ng] mga langit at lupa. Ito ay bahagi ng paggaganyak sa kanila at pag-uudyok sa kanila sa pakikipaglaban sa mga Kāfir. Sinabi: Nagsasabi si `Umayr bin Al-Ḥumām Al-Anṣārīy, malugod si Allāh sa kanya: "O Sugo ni Allah, Paraisong ang luwang nito ay [ang pagitan ng] mga langit at lupa?" Nagsabi siya: "Oo." Nagsabi siya: "Magaling! Magaling!" Ang kahulugan niyon ay pagpapabigat sa isang bagay at pagdakila roon. Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ano ang nag-udyok sa sabi mong: Magaling, magaling?" Nangangahulugan ito: ano ang motibong nagtulak sa iyo na magsabi ka ng salitang ito, ito ba ay ang pangamba? Nagsabi iyon: "Wala po, sumpa man kay Allah, o Sugo ni Allah, malibang ang pag-asang ako ay maging kabilang sa mga maninirahan doon." Nangangahulugan ito: ang nagtulak sa akin na magsabi ng salitang ito ay ang pagmimithi ko sa pagpasok sa Paraiso. Nagsabi siya: "Kaya tunay na ikaw ay kabilang sa mga maninirahan doon." Ito ay bahagi ng pagbabalita ng nakalulugod ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa mga Kasamahan niya ng pagpasok sa Paraiso bilang pag-uudyok sa kanila at sa pagkakaloob ng lubos sa paggawa. Pagkatapos, noong narinig ni `Umayr bin Al-Ḥumām, malugod si Allāh sa kanya, ang narinig niyang nakalulugod na balita mula sa Propetang totoong pinatotohanan, na hindi bumibigkas ng ayon sa pithaya, nagpalabas siya ng mga datiles mula sa baunan niya - ang nilalagyan ng pagkain kadalasan at dinadala ng nakikibaka. Pagkatapos ay nagsimula siyang kumain. Pagkatapos ay itinuring niyang mahaba ang buhay at nagsabi: "Talagang kung ako ay mabubuhay pa hanggang sa makain ko ang mga datiles kong ito, tunay na ito ay talagang buhay na mahaba." Kaya itinapon niyon ang dala niyong datiles. Pagkatapos ay sumulong siya at nakipaglaban at napatay siya, malugod si Allāh sa kanya.
Ayon kay Anas bin Mālik-malugod si Allāh sa kanya-Hadith na marfū-Dumating ang oras ng pagdarasal-Tumayo [ng pagdarasal] ang sinumang malapit sa pamilya nito, at natitira ang mga lipon ng tao [na malayo sa Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan]-Ibinigay kay Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-ang isang lalagyan [ng tubig] na yari sa bato,Naging maliit ang lalagyan [ng tubig] nang buksan niya ang palad niya rito, at nakapagsagawa ng wudhu ang lahat ng mga tao. Nagsabi sila: Ilan kayo? Nagsabi siya: Walumpo at mahigit pa. At sa isang pananalita: Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-ay humingi ng lalagyan na may tubig,ibinigay sa kanya ang lalagyan na Rahrāh na may kaunting tubig, at ipinasok niya ang mga daliri niya sa loob nito,Ang sabi ni Anas: Ginawa kong titigan ang tubig,at ito ay lumalabas sa pagitan ng kanyang mga daliri,at sa palagay ko, ang bilang ng nakapagsagawa ng wudhu rito ay nasa pagitan ng pitumpo hanggang walumpo.
Napagkaisahan sa katumpakan sa maraming salaysaySinabi ni Anas-malugod si Allah sa kanya-:"Dumating ang oras ng pagdarasal":Habang ang mga kasamahan ng Propeta ay kasama ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Madinah,dumating ang oras ng pagdarasal ng `Asr."Tumayo [ng pagdarasal] ang sinumang malapit sa Masjid" Ibig sabihin :Pumunta yaong sinumang malapit ng kanilang bahay sa lugar na ito sa [kanilang] tahanan upang makapagsagawa sila ng wudhu rito."at nanatili ang mga lipon ng tao" Ibig sabihin: Nanatili yaong malalayo ang kanilang mga bahay kasama ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan."Ibinigay kay Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-ang isang lalagyan [ng tubig] na yari sa bato" :Ibig sabihin ay ibinigay sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang maliit na lalagyan na yari sa bato na may lamang kaunting tubig,at dumating sa ibang salaysay na ito ay inilalarawan sa Rahrāh "Naging maliit ang lalagyan [ng tubig] nang buksan niya ang palad niya rito" Ibig sabihin: Naging masikip ang yaong maliit na lalagyan sa palad ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-nang naisin niyang buksan ito sa gitna nito. Nagsabi si Anas: "at nakapagsagawa ng wudhu ang lahat ng mga tao. Nagsabi sila: Ilan kayo? Nagsabi siya: Walumpo at mahigit pa" Ibig sabihin ay: Walumpo at mas marami pa
Ayon kay Nāfi`, si `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allah sa kanya, ay nagtakda noon para [sa bawat isa] sa mga naunang nagsilikas ng apat na libong [dirham] at nagtakda para sa anak niya ng tatlong libo at limang daang [dirham] kaya sinabi sa kanya: "Siya ay kabilang sa mga nagsilikas kaya bakit binawasan mo siya?" Nagsabi siya: "Inilikas lamang siya ng ama niya." Sinasabi niya: "Siya ay hindi gaya ng lumikas dala ang sarili niya."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyNagbigay si `Umar sa mga nagsilikas ng tig-4,000. Ang anak niya ay kabilang sa mga nagsilikas subalit siya ay nagbigay rito ng 3,500 dahil siya ay naglikas dito noong ito ay hindi pa tumuntong sa sapat na gulang. Hindi niya itinuring na isama ito sa mga nasa sapat na gulang. Dahil dito, binawasan niya ang bigay rito kung ihahambing sa sinumang naglikas ng sarili na kabilang sa mga lumikas. Ang kamunduhan ay hindi pa nakilala matapos ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Si Abū Bakr naman ay isang tagapamahalang walang hilig sa kamunduhan at may takot kay Allah sa yaman ng Kalipunang Islam tulad ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Ganito ang isinasatungkulin sa sinumang nangangasiwa sa anuman sa mga kapakanan ng mga Muslim: na hindi siya papanig sa isang kaanak dahil sa pagiging kaanak nito ni sa isang mayaman dahil sa yaman nito ni sa isang maralita dahil sa karalitaan nito, bagkus ilalagay niya ang bawat isa sa kalagayan nito. Ito ay bahagi ng takot kay Allah at katarungan.