





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-" Nang si Ayyub-sumakanya ang pangangalaga-ay naliligo na nakahubad,nahulog sa kanya ang mga balang na yari sa ginto,pinulot ito ni Ayyub at ibinato sa damit niya,Tinawag siya ng Panginoon niya-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan- O Ayyub,Hindi ba`t pinarangya kita sa anumang nakikita mo?!Nagsabi siya:Oo Kamahal-mahalan Ka,Ngunit walang karangyaan sa akin, liban sa ito ay Pagpapala Mo.
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyNang si Ayyub-sumakanya ang pangangalaga-ay naliligo na nakahubad,nahulog sa kanya ang maraming ginto sa larawan nitong balang,pinulot ito ni Ayyub-sumakanya ang pangangalaga- at ibinato sa damit niya,Tinawag siya ng Panginoon niya-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan-Hindi ba`t pinarangya kita dahil diyan?! Nagsabi siya:Oo Kamahal-mahalan Ka,Ngunit hindi ko kinukuha ang kasamaan nito at bilang pananabik sa Mundo,Ngunit ito ay dhil sa Pagpapala mula sa Iyo.
Ayon kay Fuḍālah bin `Ubayd, malugod si Allah sa kanya: "Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kapag namuno siya noon sa dasal sa mga tao, may bumabagsak na mga lalaki sa pagkakatayo nila sa dasal dahil sa gutom - sila ay ang mga tao ng Ṣuffah - hanggang sa magsabi ang mga Arabeng disyerto: Ang mga ito ay mga baliw. Nang nakapagdasal ang Sugo ni Allah, bumaling siya sa kanila at nagsabi: Kung sakaling nalalaman ninyo ang ukol sa inyo sa ganang kay Allah, pagkataas-taas Niya, talagang iibigin ninyo na madagdagan kayo ng karukhaan at kasalatan."
Isinaysay ito ni At-TirmidhīyNasaad sa ḥadīth na may mga lalaki noon na bumabagsak mula sa pagkakatayo nila sa dasal dahil sa gutom at panghihina. Sila ay ang mga tao ng Ṣuffah, ang mga asetikong kabilang sa mga kasamahan, na mga mahirap at mga estranghero. Sila ay pitumpong katao. Nangangaunti sila minsan at dumarami minsan. Nakatira sila sa silungan ng masjid. Wala silang tirahan, walang yaman, at walang anak. Inaakala pa ng mga taong taga disyerto na sila ay mga baliw. Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa kanila: "Kung sakaling nalalaman ninyo ang ukol sa inyo sa ganang kay Allah na pagpapala, talagang iibigin ninyo na madagdagan ang karukhaan ninyo at ang kasalatan ninyo."
Ayon kay Abe Hurayrah malugod si Allah sa kanya-dumating ang isang lalaki sa propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,at nagsabi:Ako ay nahihirapan,ipinadala niya ito sa kanyang mga babae,sinabi nito:Sa nagpadala sa iyo ng katotohanan,walang-wala ako maliban sa tubig,pagkatapos ay ipinadala niya ito sa iba,at nagsabi din tulad nito,hanggang sa sinabi nilang lahat ay tulad nito:wala, sa nagpadala sa iyo ng katotohanan,walang-wala ako maliban sa tubig.Sinabi ng propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,:Sino ang magpapabesita sa gabi na ito?Ang sabi ng isang lalaki mula sa Ansar:Ako o sugo ni Allah,at pumunta sila sa bahay niya,At sinabi niya sa asawa nito:pakitunguan mo ng mabuti ang bisita ng sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At sa isang salaysay:nagsabi siya sa babae nito:Mayroon kabang ilang bagay diyan?Nagsabi siya: wala,maliban lang sa kakainin ng mga anak ko,libangin mo sila sa kahit na anu,at kapag gusto nila ng panghapunan,ay patulugin mo sila,at kapag pumasok ang besita natin,patayin mo ang ilaw.at ipakita mo sa kanya na tayo ay kumakain,umupo sila at kumain ang besita,at natulog sila na nagugutom.At ng dumating ang kina-umagahan sa propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan Nagsabi siya:,"katotohanang namangha si Allah sa ginawa ninyong dalawa sa bisita ninyong dalawa kagabi"
Napagkaisahan ang katumpakanDumating ang isang lalaki sa propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,at nagsabi:ako ay nakakaramdam ng paghihirap sa pangangailangan at gutom,ipinadala niya ito sa ilan sa mga asawa niya,at nagsabi:Sumpa sa Allah na walang-wala ako maliban sa tubig,at ipinadala niya sa iba: at nagsabi ng tulad din nito,at ginawa doon sa lahat ng asawa niya,at silay nagsabi tulad ng sinabi nito,Sinabi ng propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,:Sino ang magpapabesita sa lalaki na ito ngayong gabi?Nagsabi ang isang lalaki mula sa Ansar:Ako ang magpapabesita sa kanya o sugo ni Allah,pagkatapos ay pumunta sila sa bahay niya,at sinabi sa asawa nito:Mayroon kaba diyan na pwedi natin ihain sa besita?,Nagsabi siya:wala maliban sa pagkain ng mga bata,libangin mo sila sa kahit na ano,at kapag gusto nila ng hapunan,ay patulugin mo sila,at inutasan niya siya na patayin ang ilaw,at inakala ng besita na silang dalawa ay kumakain,at nabusog ang besita,at natulog sila na hindi nakakain bilang tanda ng mabuting pakikitungo sa besita ng sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,Ibinalita sa kanya ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,na si Allah ay namangha sa ginawa nilang dalawa noong gabi.At ang pagkamangha ay sa panlabas nito dahil siya ay gumawa ng kakaiba na namangha siya rito,at ito ay pagkamangha sa kagandahan at hindi sa pagtanggi,Nagandahan Siya-kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan,sa ginawa nilang dalawa noong gabi
Ayon kay Shaddād bin Aws, malugod si Allāh sa kanya: Nakapagsaulo ako mula sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng dalawa. Nagsabi siya: "Tunay na si Allāh ay nagpapahusay; naiibigan Niya ang pagpapahusay sa bawat bagay. Kaya kapag pumatay kayo ay husayan niya ang pagpatay at kapag kumatay kayo ay husayan ninyo ang pagkatay, hasain ng isa sa inyo ang patalim niya, at paginhawahin niya ang kinakatay niya."
Isinaysay ito ni `Abdurrazzāq - Nagsalaysay nito si Imām MuslimIpinababatid ni Shaddād bin Aws, malugod si Allāh sa kanya, na natuto siya mula sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng dalawang bagay: Una: Ang sabi niya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tunay na si Allāh ay nagpapahusay; naiibigan Niya ang pagpapahusay sa bawat bagay." Kabilang sa mga pangalan ni Allāh ang Al-Muḥsin (Ang Nagpapahusay, ang Tagapagbiyaya, ang Maawain, ang Mahabagin). Siya, napakamaluwalhati Niya, ay ibig ang pagpapakahusay, ang pagpapala, ang pagkaawa, at ang pagkahabag sa bawat bagay. Ang ikalawa naman, na inireresulta ng unang usapin, ay ang sabi ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Kaya kapag pumatay kayo ay husayan niya ang pagpatay at kapag kumatay kayo ay husayan ninyo ang pagkatay, hasain ng isa sa inyo ang patalim niya, at paginhawahin niya ang kinakatay niya." Ito ay nangangahulugang kapag pumatay kayo ng isang tao na kabilang sa mga taong ipinahihintulot patayin gaya ng Kāfir na nakikidigma o murtadd o mamamatay-tao o iba pa, kinakailangan sa inyo na husayan ang paraan ng pagpatay at ang anyo nito. Gayon din kapag kumatay kayo ng mga hayop, kinakailangan sa inyo na husayan ang pagkatay sa mga ito sa pamamagitan ng pagpapaginhawa sa kinakatay, paghahasa sa kutsilyo, pagpapabilis sa paghiwa, at iba pa. Itinuturing na kaibig-ibig na hindi hasain ang kutsilyo sa harap ng kakatayin, hindi kakatayin ang isang hayop sa harap ng ibang hayop, at hindi kakaladkarin ito sa pagkakatayan nito.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Kapag nanatili sa pagdalo ang isang Muslim sa mga masjid para sa pagdarasal at pag-aalaala, natutuwa si Allāh sa kanya gaya ng pagkatuwa ng mag-anak ng nawawala sa nawawala nila kapag dumating sa kanila."
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām AḥmadAng Muslim na nagpapanatili sa pagdalo sa mga masjid para sa pagdarasal at pag-alaala [kay Allāh] sa mga iyon at namamalagi sa gayon, tunay na si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay natutuwa sa kanya at nagagalak sa kanya gaya ng pagkagalak ng mag-anak ng nawawala sa pagdating ng nawawala nila. Hindi ipinahihintulot na bigyang-pakahulugan ang katangian ng pagkatuwa bilang habag o awa o iba pa rito, bagkus kinakailangan ang pagpapatibay nito bilang isang katangian ukol kay Allāh nang walang paglilihis sa kahulugan, ni pag-aalis sa kahulugan, at nang walang pagpapaliwanag sa kahulugan ni pagtutulad. Ito ay kalakip ng kaalamang ang mga nakakapit sa pagkatuwa ay ang habag at ang awa. Si Allāh ay higit na nakaaalam.
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allāh sa kanya: "Kapag nangyari ang Araw ng Pagkabuhay, magtutulak si Allāh sa bawat Muslim ng isang Hudyo o isang Kristiyano at magsasabi Siya: Ito ay ang pangkalas mo mula sa Impiyerno." Sa isang sanaysay: "May pupunta sa Araw ng Pagkabuhay na mga taong kabilang sa mga Muslim na may mga pagkakasalang mga tulad ng mga bundok, na magpapatawad si Allāh sa kanila."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng kahulugan nito ay ang nasaad sa ḥadīth ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Bawat isa ay may tahanan sa Paraiso at tahanan sa Impiyerno. Ang Mananampalataya, kapag pumasok sa Paraiso, ay hahalilihan ng Kāfir sa Impiyerno dahil ito ay karapat-dapat dito dahil sa kawalang pananampalataya nito." Ang kahulugan ng "pangkalas mo" ay na ikaw dati ay nalalantad sa pagpasok sa Impiyerno at ito ang pangkalas mo dahil si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay nagtakda para sa Impiyerno ng isang bilang na pupuno rito. Kaya kapag pumasok ang mga Kāfir dahil sa mga pagkakasala nila at kawalang pananampalataya nila, sila ay naging ayon sa kahulugan ng pangkalas para sa mga Muslim. Si Allāh ay higit na nakaaalam.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsabi: "Walang nakapagsalita habang nasa duyan pa maliban sa tatlo: Si Jesus na anak ni Maria, ang kasamahan ni Jurayj - si Jurayj ay isang lalaking mananamba. Nagpagawa siya ng isang toreng dasalan at nanatili siya rito. Pinuntahan siya ng ina niya habang siya ay nagdarasal at nagsabi ito: "O Jurayj," at nagsabi naman siya: "O Panginoon ko, ang ina ko habang nasa pagdarasal ko." Inuna niya ang dasal niya kaya umalis ito. Noong nag-umaga, pinuntahan siya nito habang siya nagdarasal at nagsabi ito: "O Jurayj," kaya nagsabi siya: "O Panginoon ko, ang ina ko habang nasa pagdarasal ko." Inuna niya ang dasal niya kaya nagsabi ito: "O Allah, huwag Mong bawian siya ng buhay hanggang sa makatingin siya sa mga mukha ng mga patotot." Nagpaalalahan ang mga anak ni Isarael tungkol kay Jurayj at sa pagsamba niya. May isang babaing patotot na lumalantad ang kagandahan nito at nagsabi ito: "Kung loloobin ninyo, talagang tutuksuin ko nga siya." Tumambad ito sa kanya ngunit hindi niya ito pinansin. Pinuntuhan nito ang isang pastol na nanunuluyan sa dako ng toreng dasalan niya. Nagawa nitong maakit iyon sa sarili nito kaya nakatalik niyon ito at nagbuntis ito. Noong nanganak ito, nagsabi ito: "Siya ay mula kay Jurayj." Kaya pinuntuhan nila siya at hiniling na bumaba. Tinibag nila ang toreng dasalan niya. Nagsimula silang mambugbog sa kanya kaya nagsabi siya: "Ano nangyayari sa inyo?" Nagsabi sila: "Nangalunya ka sa patotot na ito at nagsilang ito dahil sa iyo." Nagsabi siya: "Nasaan ang sanggol?" Dinala nila iyon sa kanya at nagsabi siya: "Hayaan ninyo muna ako hanggang sa makapagdasal ako." Kaya nagdasal siya. Noong natapos siya, pinuntahan niya ang sanggol. Sinundot niya ang tiyan nito at nagsabi: "Hoy sanggol, sino ang ama mo?" Nagsabi ito: "Si Polano, ang pastol." Kaya lumapit sila kay Jurayj at hinalikan nila siya at hinipu-hipo nila siya. Nagsabi sila: "Magpapatayo kami para sa iyo ng toreng sambahan mo mula sa ginto." Nagsabi siya: "Huwag na; ibalik ninyo ito yari sa putik gaya ng dati." Kaya ginawa nila. Samantalang may isang sanggol na sumususo sa ina nito, may napadaang isang lalaking nakasakay sa isang hayop na malakas at maganda sa anyo. Nagsabi ang ina nito: "O Allah, gawin mo ang anak ko tulad niyan." Iniwan nito ang suso at lumapit doon at tumingin doon at nagsabi: "O Allah, huwag Mo akong gawing tulad niya." Pagkatapos ay lumapit ito sa suso at nagsimulang sumuso. (Nagsabi si Abū Hurayrah): "Para bang nakatingin ako sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, habang siya ay nagkukuwento ng pagsuso niyon sa pamamagitan ng daliri niyang hintuturo sa bibig niya at nagsimula siyang sipsipin ito." Nagsabi siya: Napadaan sila sa isang babaing habang binubugbog ito at sinasabi nila: "Nangalunya ka at nagnakaw ka," samantalang ito naman ay nagsasabi: "Sapat sa akin si Allah at kay inam na pinagkakatiwalaan." Nagsabi ang ina [ng batang] ito: "O Allah, huwag Mong gawin ang anak kong tulad niyan." Iniwan nito ang pagsuso at tumingin [sa babaing] iyon at nagsabi ito: "O Allah, gawin Mo akong tulad niyan." Doon naulit ang pag-uusap. Nagsabi [ang babaing] ito: "May napadaang isang lalaking maganda ang anyo kaya nagsabi ako: 'O Allah, gawin Mo ang anak kong tulad niya,' at nagsabi ka: 'O Allah, huwag Mo akong gawing tulad niya.'" Napadaan sila sa isang babaing habang binubugbog ito at sinasabi nila: "Nangalunya ka at nagnakaw ka." Sinabi ko: "O Allah, huwag Mong gawin ang anak kong tulad niyan, at nagsabi ka: "O Allah, gawin Mo akong tulad niyan." Nagsabi siya: "Tunay na ang lalaking iyon ay maniniil," kaya nagsabi ako: "O Allah, huwag mo akong gawing tulad niya." Tunay na ang mga ito ay nagsasabi: "Nangalunya ka," gayong hindi naman ito nangalunya, "Nagnakaw ka," gayon hindi naman ito nagnakaw. Kaya nagsabi ako: "O Allah, gawin Mo akong tulad niyan."
Napagkaisahan ang katumpakanBinanggit ng may-akda, kaawaan siya ni Allah, sa sinipi niya buhat kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, buhat sa Propeta natin, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na siya ay nagsabi: "Walang nakapagsalita habang nasa duyan pa maliban sa tatlo." Una: Si Jesus na anak ni Maria, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Si Jesus na anak ni Maria ay isang tanda mula sa mga tanda ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, habang siya ay nasa duyan pa. Ang ikalawa: Ang kasama ni Jurayj. Si Jurayj ay isang lalaking mananamba. Pinawalang-sala ni Allah si Jurayj sa paratang na ito na ninanais nilang ikapit sa kanya. Pinalitaw ni Allah ang pangyayaring ito bilang isang himala ni Jurayj. Ito ay ang pagsasalita ng sanggol ng kawalang-sala niya. Ang ikatlong nagsalita habang nasa duyan ay ang sanggol na sumususo pa na kasama na ina niya. May naparaang isang lalaking sakay ng kabayong malakas at maganda ang anyo. Ikinuwento ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang pagsuso ng sanggol na ito sa suso ng ina nito sa pamamagitan ng paglagay niya ng daliri niyang hintuturo sa bibig niya at sinipsip, bilang pagsasagisag sa pangyayari, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Nagsabi ang sanggol: "O Allah, huwag Mo akong gawin tulad niya." Pagkatapos ay dumating sila kasama ng isang babaing binubugbog nila habang sinasabi rito: "Nangalunya ka, nagnakaw ka," habang ito naman ay nagsasabi: "Sapat sa akin si Allah at kay inam na pinagkakatiwalaan." Nagsabi ang babaeng ina ng sanggol habang ito ay nagpapasuso sa kanya: "O Allah, huwag Mong gawin ang anak ko tulad niyan." Kumawala sa suso ang sanggol at tumingin sa babaing binubugbog at nagsabi: "O Allah, gawin Mo akong tulad niyan." Inulit niya ang pag-uusap sa ina niya. May isang sanggol na tumayo upang makipag-usap sa ina. Nagsabi ang ina: "Ako ay naparaan o naparaan sa akin ang lalaking ito na may magandang anyo kaya nagsabi ako: 'O Allah, gawin Mo ang anak kong tulad niyan,' at nagsabi ka naman: 'O Allah, huwag Mo akong gawing tulad niyan.'" Nagsabi ang sanggol: "Oo. Ito ay lalaking maniniil na mapagmatigas noon kaya hiniling ko kay Allah na huwag akong gawing tulad niya." Tungkol naman sa babae, tunay na sila ay nagsasabi: "Nangalunya ka, at nagnakaw ka," samantalang siya ay nagsasabi: "Sapat sa akin si Allah at kay inam na pinagkakatiwalaan,' kaya nagsabi ako: "O Allah, gawin mo akong tulad niya." Ibig sabihin: "malinis sa pangangalunya at pagnanakaw, habang ipinagkakatiwla ang kapakanan kay Allah ayon sa sabi niya: 'Sapat na sa akin si Allah at kay inam na pinagkakatiwalaan.'"
Ayon kay Saed bin Jubayr,nagsabi siya:Sinabi ko Kay Ibnu Abbās: Katotohanang si Nawfan Al-Bakāli,sinasabi niya na si Musa ay hindi si Musa na mula sa Angkan ng Israil,kundi ito ay ibang Musa?Ang sabi niya: Nagsinungaling ang kalaban ng Allah,Isinaysay ni Ubai bin Ka'b,buhat sa Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Tumayo si Musa,Ang propeta upang magsermon sa mga Anak ng Israel,Tinanong siya,Sino ang pinaka-maalam sa mga Tao? Ang sabi niya: Ako ang pinaka-maalam,Sinubukan siya ni Allah,dahil sa hindi niya sinabi na ang kaalaman ay mula sa kanya,Ipinahayag ng Allah sa kanya:Na ang isang alipin mula sa mga alipin ko na matatagpuan niya sa pinagtagpong dalawang dagat ,Siya ay mas-maalam sa iyo.Ang sabi niya:O Panginoon,papaano nangyari iyon? Sinabi sa kanya; Magdala ka ng isda sa basket,at kapag ito ay nawala,ito ay matatagpuan mo doon,umalis siya at umalis siya kasama Ang isang katulong na lalaki na si Yūsha bin Nūn,at dinala nila ang isda sa basket.hanggang sa sila ay nasa isang malaking bato at inilagay nila ang kanilang ulo rito at nakatulog sila.Nagsilabasan ang mga isda mula sa basket at ang (nilalanguyan) nito ay nagkaroon ng daan sa dagat na parang lagusan.Kayat si Musa at ang katulong nitong lalaki ay namangha,at nagpatuloy silang dalawa sa paglalakbay sa natitirang gabi at araw,At nang kina-umagahan nagsabi si Musa sa katulong niyang lalaki,dalhin mo sa akin ang ating agahan,katotohanan nakaranas tayo ng labis na kapaguran dahil sa ating paglalakbay,at hindi na nakita ni Musa dahil sobrang pagod nila hanggang sa napalayo sila sa lugar na ipinag-utos sa kanya,Ang sabi ni Musa sa katulong niyang lalaki: "Hindi moba naalala-ala nang tayo ay tumahan at magpahinga sa isang bato,katotohanang aking nakalimutan Ang isda,at wala ng ibang makalimutan ko ito maliban kay Satanas,Ang sabi ni Mūsa:Iyan ang ating hinahanap,Kayat sila ay nagbalik at tinalunton nila ang kanilang mga yapak.At nang matapos silang dalawa (sa paghahanap) sa isang bato,kung-Kayat isang lalaki Ang nakita nila na nakabalot sa damit nito,nagsabi siya;Nakabalot siya sa damit nito,At binati siya ni Mūsa nang kapayapaan,Ang sabi ni Khadr; At sa kalupaan moba ay mayroon pang kapayapaan?Ang sabi niya:Ako si Mūsa,Nagsabi siya: Musa mula sa angkan ng Israel?Ang sabi niya:Oo.Ang sabi niya:Maaari ba akong sumunod sa iyo upang maturuan mo ako sa mga bagay ng karunungan na itinuro sa iyo ni Allah?Nagsabi siya: Katotohanang ikaw ay hindi makakapagpasensiya sa akin,O Mūsa ako nagtataglay ng kaalaman mula sa kaalaman ni Allah,itinuro niya ito sa akin at hindi mo ito nalalaman,at ikaw ay nagtataglay ng kaalaman Na itinuro niya ito sa iyo at hindi ko ito nalalaman,Si Mūsa ay nagsabi:"Iyong matatagpuan ako,sa kapahintulutan ni Allah,Na matiyaga at Hindi ko susuwayin ang ipag-uutos mo.Nagpatuloy sila sa paglalakad sa tabi ng dagat,wala silang bangka,at dumaan sa kanila ang bangka,nakiusap sila sa kanila na pasakayin silang dalawa,Napag-alaman ito ni Khaydr at isinakay silang dalawa Na walang bayad,dumating ang isang ibon,at dumapo ito sa bangka,tumuka ito ng isang beses o dalawang beses sa karagatan,Ang sabi ni Khadr: O Mūsa walang nabawas sa kaalaman ko at kaalaman mo mula sa kaalaman ng Allah liban sa kasing-tulad ng pagtuka ng ibon na iyon sa karagatan,at sinadya ni Khadr na kunin ang karatola mula Sa mga karatola sa bangka,at tinanggal niya ito.Ang sabi nu Mūsa:Mga taong nagpasakay sa atin na walang bayad ngunit tinangka mo ang bangka nila na ilunod ito at ang mga taong nakasakay rito?Nagsabi siya: Hindi baga Na sinabi ko na sa iyo na ikaw ay hindi makakatagal n pagpasensiyahan ako?Ang sabi niya (Mūsa): Huwag mo akong sisihin sa bagay na nakalimutan ko at huwag kang maging mahigpit sa akin dahil sa ikinikilos ko sa iyo-kung Kayat nagka ganoon si Mūsa dahil sa pagkalimot,Nagpatuloy silang dalawa,at nakita nila ang batang naglalaro kasama ang mga kabataan,kinuha ni Khadr Ang ulo nito at pinugot niya ito sa pamamagitan ng kamay niya,Ang sabi ni Mūsa: Iyong pinatay ang isang walang kasalanang tao,hindi bat wala naman siyang pinatay?Nagsabi siya(Khidr):Hindi baba sinabi kona sa iyo na ikaw ay hindi magtatagal sa pagpapasensiya sa akin?-Ang sabi ni Ibnu 'Uyaynah: at ganyan ko ito sinigurado-At silang dalawa ay nagpatuloy,hanggang nang sila ay dumating sa pamayanan ng bayan sila ay naghingi my pagkain sa kanila,datapuwat sila ay tumanggi na gawaran sila ng mabuting pagtanggap,at kanilang natagpuan dito Ang isang dingding (o bakod) na halos guguho na,kaya't kanyang inayos ito(itinindig at itinuwid),Nagsabi si Khadr:Sa kamay nito itinindig,Nagsabi sa kanya si Mūsa: kung iyong ninais,katiyakang maari kang humingi ng kabayaran rito.Si (Khidr) ay nagsabi: Ito na ang sandali na ating paghihiwalay"Nagsabi ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kaawaan nawa ni Allah si Mūsa,katotohanang ninais namin kung siya ay nakapatiis hanggang sa maimwento sa amin ang mga ginawa nilang dalawa.
Napagkaisahan ang katumpakanSinabi ni Saēd bin Jubayr,katotohanang ipinahayag ni Ibnu 'Abbās,Na ang isang lalaking tinatawag sa Nawf Al-Bakāli,nagsasabi na ang Mūsa na naging kasama ni Khidr ay hindi ang Mūsa na Sugo sa angkan ng Israel,kundi ito ay ibang Mūsa?Ang sabi ni Ibnu 'Abbās:(Nagsinungaling ang kalaban ni Allah) at ito ay paglabas mula sa pagpapalabas ng mahigpit na pangangaral at pagbibigay babala,at hindi paninira kay Nawf,Sapagkat si Ibnu 'Abbās ay nagsabi nito na siya ay nagagalit at ang salita nang nagagalit ay nagiging hindi totoo sa kadalasan At ang pagpapasinungaling sa kanya dahil sa sinabi niya ito na hindi sa tamang pangyayari at hindi nararapat sa kanya na pagtiwalaan ito.Pagkatapos ay pinatunayan niya ang pagsisinungaling ni Nawf na katotohanang si Ubay bin Ka'b ay nangusap sa kanya buhat sa Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na si Mūsa ay tumayo upang magsermon sa angkan ng Israel,tinanong siya ng isang lalaki: Sino ang pinaka-maalam Sa mga tao? Nagsabi siya;Ako ang pinaka-maalam Sa mga tao.At ito ay sinabi ni Musa-sumakanya Ang pangangalaga-ayon sa paniniwala nito.Pinagsabihan siya ni Allah-kamahal mahalan Siya at kapita pitagan-sapagkat hindi niya sinabing Ang kaalaman ay mula sa kanya,at hindi niya sinabing: Si Allah ang higit na nakaka-alam.kayat ipinahayag ni Allah kataas-taasan Siya-sa kanya na mayroong isang alipin mula sa alipin ko na tinatawag na Khidr na makikita sa pinagtatagpuan ng dalawang dagat,siya at Mas-maalam kaysa iyo.Si Musa ay nagsabi:O Panginoon,ano Ang paraan para makatagpo ito?Nagsabi siya sa kanya:magdala ka ng isda at ilagay ito sa lalagyan na yari sa dahon ng Palmera, at kapag nawala Ang isda ay matatagpuan mo si Khidr doon( sa lugar na nawalan ng isda).Naglakbay si Mūsa kasama Ang katulong niya na tinatawag sa Yūsha' bin Nūn,At nagdala silang dalawa ng isda sa lalagyan na yari sa dahon ng Palmera,tulad ng ipinag-utos nito ni Allah sa kanya,hanggang sa dumating sila sa isang bato sa tabi ng karagatan,inilagay molang dalawa abg ulo nila at nakatulog sila.Lumabas Ang isda sa pinaglalagyan nito at gumawa ng daan patungo sa karagatan,At pinatigil ni Allah ang daloy ng tubig para Sa isda at ito ay naging katulad ng lagusan,at Ang pagkabuhay ng isda at pagtigil Sa daloy ng tubig hanggang Sa naging parang lagusan pagkatapos nito ay naging kamangha-mangha para kay Mūsa at Sa katulong nitong lalaki.At nagpatuloy sila sa nalalabi nilang gabi at araw.At nang kina-umagahan si Mūsa ay nagsabi Sa katulong niya: Dalhin mo rito Ang ating agahan katotohanang nagtamo tayo ng kapaguran sa ating paglalakbay,at hindi ito natagpuan ni Mūsa dahil sa pagod hanggang sa na lampas sila sa lugar na ipinag-utos sa kanya,kayat nakaramdam siya ng pagka-gutom at kapaguran.Nagsabi sa kanya Ang katulong niyang lalaki: Katotohanan nang tayo ay nasa malaking bato,ay nawala ko ang isda.Ang sabi ng Mūsa: Iyan Ang hinahanap natin dahil iyan Ang palatandaan kung saan matatagpuan si Alkhidr,Bumalik silang dalawa Sa lugar na (unang) dinatnan nila,sinusunod nila Ang mga yapak nila bilang pagsunod.At nang dumating silang dalawa,natagpuan nila Ang isang lalaking nakabalot ang damit nito sa buong katawan Sa kanyang damit,Bumati si Mūsa sa kanyang kapayapaan,Ang sabi ni Khidr:( At sa lugar moba ay mayroon pang kapayapaan) Ibig sabihin ay: Mayroon pa bang natitirang kapayapaan sa aking kalupaan?Ito ay pagtatanong sa kalayuan (ng pangyayari),Nagpapatunay na Ang mga Tao sa kalupaan ay hindi magkaka-ganoon, kung sila ay naging mga Muslim.Ang sabi ni Mūsa kay Khidr:Ako si Mūsa.Nagsabi Sa kanya si Khidr:Ikaw ba si Mūsa na Sugo sa mga angkan ng Israel?Ang sabi ni Musa:Oo.At ito ay pagpapatunay na kahit Ang mga Propeta at Ang iba pa sa kanila ay walang kaalaman sa mga nakalingid maliban sa kung ano ang itinuro sa kanila ng Allah-Pagkataas-taas Niya,Sapagkat si Khidr,kung alam lang niya ang lahat ng nakalingid,makikilala na niya si Mūsa bago niya ito tanungin,At ito Ang pagpapatunay na dahil dito ay binanggit ni Ibni 'Abbās Ang Hadith,Pagkatapos ay sinabi sa kanya ni Mūsa: Maari ba akong sumunod sa iyo upang ako ay maturuan mo sa mga bagay na itinuro sa iyo ni Allah na kaalaman?At hindi magiging-hadlang ang pagiging Propeta niya o pagiging maalam niya sa batas ni Allah na magkaroon siya ng kaalaman sa iba,na wala namang naging kondisyon sa mga kabanata ng Relihiyon,Sapagkat ang mga Sugo ay nararapat na sila'y maging mas-maalam sa mga taong pinag-utusan sa kanya at sa mga taong pinadalhan sa kanya mula sa mga panuntunan ng Relihiyon at sa mga sangay nito na hindi pangkalahatan.Sinagot siya ni Khidr at sinabi niya:Katotohanan ikaw ay hindi maka kapag-pasensiya sa akin;Sapagkat gagawin ko ang mga bagay na sa paningin (ng mga tao) ay kasalanan ngunit sa loob nito ay hindi mo nalalaman.pagkatapos niya sa kanya:O Mūsa,Katotohanan pinagkalooban ako ng kaalaman mula sa kaalaman ni Allah itinuro niya ito sa akin at hindi mo ito nalalaman.at ikaw ay pinagkalooban ng Allah ni Allah ng kaalaman na Hindi ko nalalaman.Nagsabi sa kanya si Mūsa:Matatagpuan mo ako sa kapahintulutan ni Allah na mapagpasensiya sa iyo at hindi susuway sa iyo,at hindi ko lalabagin Ang anumang ipinag-uutos mo.Nagpatuloy silang dalawa sa paglalakad sa tabi ng dagat at wala silang bangka,dumaan sa kanilang dalawa Ang isang bangka,at nami-usap sila sa may-ari ng bangka ng pasakayin silang dalawa,nakilala ng may-ng bangka si Khidr kayat pinasakay nila silang dalawa Na walang bayad,dumating Ang isang ibon at dumapo ito sa bangka,tumuka ito ng isang beses o dalawa sa karagatan.Nagsabi si Khidr:O Mūsa,Hindi nabawasan Ang kaalaman ko at kaalman mo mula sa kaalaman ni Allah maliban sa katulad ng pagtuka ng ibon Na iyan sa karagatan.At sinadya ni Khidr ang karatula(o tableta)mula sa karatula ng bangka,tinanggal niya ito gamit ang palakol,binutasan niya Ang bangka at pinasukan ito ng tubig,Ang sa kanya ni Mūsa-Sumakanya Ang kapayapaan-Sila at mga taong nagpasakay sa atin na walang bayad,sinadya mong bangka nila na butasin upang malunod Ang mga tao rito,Nagsabi si Khidr bilang pagpapahalaga-ala sa anumang sinabi niya sa kanya noon:Hindi baga sinabi kona sa iyo Na ikaw ay Hindi makakapagpasensiya sa akin.Ang sabi ni Mūsa:Huwag mo akong parusahan sa bagay Na nakalimutan ko at huwag kang maging mahigpit sa akin,sapagkat Ang mga bagay Na ito ay nagpapahirap sa akin sa pagsunod sa iyo.Kayat Ang unang naging paksa kay Mūsa sumakanya ang kapayapaan ay pagkalimot.Nagpatuloy silang dalawa Pagkatapos nilang lumabas sa bangka,at nakita nila Ang isang batang naglalaro kasama Ang mga kabataan kinuha ni Khidr Ang ulo ng bata at hinila niya ito Sa mga kamay niya.Nagsabi si Mūsa Kay Khidr-sumakanya Ang kapayapaan-:Pinatay mo isang buhay na dalisay Sa mga kasalanan,wala tayong nakita naging kasalanan niya upang hatolan natin siya ng kamatayan,o Di kaya'y kumitli siya ng buhay upang (hatolan siya at) patayin dahil dito.Nagsabi si Khidr kay Mūsa-suma kanilang dalawa Ang kapayapaan:Hindi bat sinabi ko sa iyo na katotohanan ikaw ay hindi makakapag pasensiya sa akin,Na may karagdagang ((sa iyo)),At sa oras na ito ay,pagpapadagdag ng sermon,Kung-kaya't nagsabi si Sufyān Uyaynah isa sa tagasalaysay ng Hadith:At ganyan ko ito sinigurado,at pinatunayan niya ito sa pagdagdag ng ((sa iyo)) sa oras na ito.Nagpatuloy sila hanggang sa dumaan silang dalawa sa pamayanan ng bayan at humingi sila sa kanila ng pagkain ngunit tumanggi sila na gawaran silang mabuting pagtanggap at wala silang natagpuan sa bayan na iyon na pagtanggap at matirahan,nakatagpo silang dalawa ng dingding o bakod na halos mahulog na at guguho,itinuro ito ni Khidr sa kamay niya at itinindig at inayos.Ang sabi ni Mūsa kay Khidr:Kung iyong ninais ay katiyakang maaari kang humingi ng kabayaran para rito,upang maging tulong sa atin sa paglalakbay.Nagsabi si Khidr kay Mūsa-sumakanya Ang kapayapaan-Iyan ang ikatlong beses na pagsalungat,na siyang dahilan sa paghihiwalay sa pagitan ko at pagitan mo.Nagsabi Ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:Kaawaan nakwa ni Allah si Mūsa ,katotohanang inibig namin at pinangarap namin na siya ay nakapagpasensiya upang madag-dagan dahil sa mga pangyayari sa pagitan nilang dalawa ang kaalaman at karunungan.
Ayon kay Abū Yūnus bin Salīm bin Jubayr, ang katangkilik ni Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Narinig ko si Abū Hurayrah na bumibigkas ng talatang ito [ng Qur'ān 4:58]: "Tunay na si Allah ay nag-uutos sa inyo na gampanan ninyo ang mga ipinagkatiwalang tungkulin sa mga kinauukulan ng mga ito, at kapag humatol kayo sa mga tao ay humatol kayo ayon sa katarungan. Tunay na si Allah ay kay buti ng ipinangangaral sa inyo! Tunay na si Allah ay laging Nakaririnig, Nakakikita." Nagsabi siya: "Nakita ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na naglalagay ng hinlalaki niya sa tainga niya at ng [daliring] kasunod nito sa mata niya." Nagsabi si Abū Hurayrah: "Nakita ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na bumibigkas nito at naglalagay ng dalawang daliri niya."
Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudSi Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, ay bumibigkas noon ng talatang ito [ng Qur'ān 4:58]: "Tunay na si Allah ay nag-uutos sa inyo na gampanan ninyo ang mga ipinagkatiwalang tungkulin sa mga kinauukulan ng mga ito, at kapag humatol kayo sa mga tao ay humatol kayo ayon sa katarungan. Tunay na si Allah ay kay buti ng ipinangangaral sa inyo! Tunay na si Allah ay laging Nakaririnig, Nakakikita." Binabanggit niya na siya ay nakakita sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na bumibigkas nito at naglalagay ng hinlalaki niya sa tainga niya at ng [daliring] kasunod nito sa mata niya, bilang pagbibigay-diin sa pagpapatibay sa katangian ng pagdinig at pagtingin para kay Allah, pagkataas-taas Niya, at bilang pagtutol sa mga pakahulugan ng mga naglilihis ng kahulugan. Wala ritong pagwawangis sa nilikha batay sa sabi ni Allah (Qur'ān 42:11): "Walang katulad sa Kanya na anumang bagay, at Siya ay ang Nakaririnig, ang Nakakikita." Ang paniniwala sa mga talata ng Qur'ān, sa lahat ng mga ito, ay humihiling ng nabanggit.