





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Salmān Khālid bin Al-Walīd, malugod si Allah sa kanya: "Talaga ngang may naputol sa kamay ko sa Araw ng [labanan sa] Mu'tah n a siyam na tabak kaya walang natira sa kamay ko maliban sa isang tabak na Yemeno."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīySi Khālid bin Al-Walīd, malugod si Allah sa kanya, ay Tabak ni Allah, Kabalyero ng Islam, Leyon ng mga Pinagmartiran, at Pinuno ng mga Nakikibaka. Siya noon ay kabilang sa mga maharlika ng liping Quraysh noong Panahon ng Kamangmangan. Yumakap siya sa Islam bago ang pagsakop sa Makkah. Siya noon ay nasa labanan sa Uḥud sa hukbo ng mga Mushrik. Pagkatapos ay yumakap siya sa Islam. Sa pangyayaring ito ay may patunay sa kalubusan ng kapangyarihan ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, na nasa kamay Niya ang mga renda ng kapangyarihan, at nagpapaligaw Siya sa sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay Siya sa sinumang niloloob Niya. Si Khālid bin Al-Walīd ay nagpapabatid na nabasag ang mga tabak sa kamay niya sa labanan sa Mu`tah. Ito ay bahagi ng katapangan niya, malugod si Allah sa kanya.
Ayon kay Abe Mas'ūd Al Badrie-malugod si Allah sa kanya-Pinapalo ko ang anak ko gamit ang patpat,at nakarinig ako ng boses sa likod ko:(( Dapat mong malaman O Aba Mas'ūd)) ngunit hindi ko naintindihan ang boses dahil sa sobrang pagkagalit,at nang lumapit siya sa akin,Siya pala Ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sina sabi niya na:(( Dapat mong malaman o Aba Mas'ūd na si Allah ay may kakayahan sa iyo (na parusahan ka)dahil sa (ginagawa mong pagpaparusa) sa batang iyan))Nagsabi ako: Hinding-hindi na ako mamamalo ng alipin pagkatapos nito magpakailanman.At sa ibang salaysay: Nahulog Ang patpat sa kamay niya dahil sa sobrang takot niya.At sa isang salaysay: Nagsabi ako: O Sugo ni Allah,(Mula ngayon) Siya ay malaya na,para sa kaluguran ni Allah-Pagkataas-taas Niya,Ang sabi niya:(( Dahil kung hindi mo ito ginawa tunay na masusunog ka ng naglalagab-lab na apoy sa Impiyerno,o makakatikim ka ng naglalagablab na apoy sa Impiyerno
Nagsalaysay nito si Imām MuslimSi Abu Mas'ūd malugod si Allah sa kanya ay pinapalo ang anak nito gamit Ang patpat,nakarinig siya ng boses na pumipigil sa kanya sa likod niya,ngunit hindi niya nakilala Ang boses ng nagsalita,at nang nakalapit ito sa kanya namag-alaman niya na boses ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at siya ay nagbabanggit sa kakayahan ni Allah Kamahal-mahalan siya at Kapita-pitagan, sa sinasabi nitong:(( Dapat mong malaman o Aba Mas'ūd na si Allah ay may kakayahan sa iyo(na parusahan ka)dahil sa (ginagawa mong pamamalo) sa batang iyan)).At nang marinig niya Ang sinabi ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan at pagbibigay niya ng babala rito kila sa pang-aapi sa mga mahihina,nahulog Ang patpat sa kamay niya sa sobrang takot niya sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,at sumunod siya sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na Hinding-hindi na siya many-aapi ng alipin pagkatapos ng (pangyayari) magpakailanman.At Pagkatapos na marinig niya Ang dapat na marinig niya sa Sugoni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na pagpigil at pagbabala,Wala na siya ng ginawa-malugod si Allah sa kanya-maliban sa pagpapalaya niya rito,bilang kabayaran sa kanyang pamamalo,Nagsabi siya pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na kung hindi mo siya pinalaya,masusunog ka sa naglalagab-lab na apoy ng Impiyerno sa Araw ng Pagka-buhay,dahil sa kasamaan ng ginawa mo.
Ayon kay `Abdullāh bin Ja`far, malugod si Allah sa kanilang dalawa: Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagpalugit sa mag-anak ni Ja`far nang tatlong araw. Pagkatapos ay pinuntahan niya sila at nagsabi: "Huwag na kayong umiyak sa kapatid ko matapos ang araw na ito." Pagkatapos ay nagsabi siya: "Tawagin ninyo para sa akin ang mga anak ng kapatid ko." Kaya dinala kami na para bang kami ay mga sisiw at nagsabi siya: "Tawagin ninyo para sa akin ang barbero." Inutusan niya ito at inahit nito ang mga ulo namin.
Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadAng kahulugan ng ḥadīth: Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagpalugit sa mag-anak ni Ja`far ng tatlong araw. Pagkatapos ay pinuntahan niya sila. Nang namartir si Ja`far bin Abī Ṭālib sa paglusob sa Mu'tah, tunay na ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay hindi pumunta sa mag-anak ni `Abdullāh malibang matapos ang tatlong araw mula sa pagkamatay nito. Nagpalugit lamang siya kanila ng tatlong araw upang bumuti-buti ang mga sarili nila at maalis ang nasa mga sarili nila na lungkot at lumbay. Pagkatapos ay nagsabi siya sa kanila: "Huwag na kayong umiyak sa kapatid ko matapos ang araw na ito." Nangangahulugan ito na pinagbawalan niya sila sa pag-iyak matapos ang tatlong araw dahil ang unang dagok at ang panahon ng lungkot ay hindi humahaba at hindi nananatili. Ang pagbabawal dito ay para sa paglalayo sa kapintasan dahil ipinahihintulot naman ang pag-iyak hanggat walang nauugnay rito na isang ipinagbabawal. Pagkatapos ay nagsabi siya: "Tawagin ninyo para sa akin ang mga anak ng kapatid ko." Sila ay sina Muḥammad, `Abdullāh, at `Awf. "Kaya dinala kami na para bang kami ay mga sisiw." Ang sisiw ay anak ng ibon. Iyon ay dahil sa dumapo sa kanila na lungkot sa pagkawala ng ama nila. Nagsabi siya: "Tawagin ninyo para sa akin ang barbero. Inutusan niya ito at inahit nito ang mga ulo namin." Nangangahulugan ito na ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nag-utos na ahitin ang mga ulo nila. Inahit ang mga ito dahil nakakita siya ng pagpapakaabala ng ina nilang si Asmā’ bint `Umays para suklayin ang mga buhok nila dahil sa pagdadalamhati nito sa pagkapatay sa asawa nito sa landas ni Allah. Nahabag siya sa kanila dahil sa karumihan at kuto kaya kapag inalis ang buhok, magkakaroon doon ng pakinabang, kabutihan, at ginhawa sa ina nilang dinatnan ng nang-aabala rito sa pangangalaga sa buhok ng mga anak niya. Panawag-pansin: Nalalaman na ang pag-aahit ng ulo sa sandali ng kasawian ay hindi ipinahihintulot. Nasaad nga sa ḥadīth: "Isinumpa ng Sugo, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang babaing nananaghoy, ang babaing nag-aahit, at ang babaing namumunit." Ang babaing nag-aahit ay ang umuaahit ng buhok niya sa sandali ng kasawian, ang babaing namumunit ay ang pumupunit ng damit niya sa sandali ng kasawian, at ang babaing nananaghoy ay ang nagtataas ng tinig niya sa sandali ng kasawian, subalit ang nilalayon ng pag-ahit na ito sa mga anak ni Ja`far pagkamatay niya, malugod si Allah sa kanya at palugurin nito Siya, ay dahil sa pagiging abala ng ina ng mga bata para mangalaga sa mga ulo nila. Natakot ang Propeta na dapuan sila ng kuto kaya ipinag-utos niyang ahitin ang mga ulo nila, ang mga pagpala ni Allah, pangangalaga Niya, at mga biyaya Niya ay sumakanya. Ang pag-aahit na ito ay hindi pagkaapekto sa kasawian. `Awn Al-Ma`būd Sharḥ Sunan Abī Dāwud 11/164, Sharḥ Riyāḍ Aṣ-Ṣāliḥīn ni Ibnu `Uthaymin 6/382, at Sharḥ Sunan Abī Dāwud Lil-`Ibād, kopyang elektronika.
Ayon kay An-nu'man Bin Basheer Malugod si Allah sa kanilang dalawa-Nagsabi siya:Nawalan ng malay si `Abdullah bin Rawahah-kaya`t ang kapatid nito ay umiyak at nagsasabi: O Bundok;O ganito O ganito;binabanggit nito sa kanya [ang mga magagandang katangian] Nagsabi siya nang siyay`y nagkamalay;Wala kang nasabing anumang bagay liban sa sinabi sa akin na ikaw ay ganoon din?!
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyIpinapaalam ni An-nu'man Bin Basheer -malugod si Allah sa kanilang dalawa- Na si `Abdullah bin Rawahah-malugod si Allah sa kanya-ay tinamaan ng sakit at nawalan siya rito ng malay dahil sa sobrang pagkasakit,at nang makita siya ng kapatid niyang babae-malugod si Allah sa kanya-sa kalagayang ito,inakala niya na patay na siya,Kaya`t umiyak siya at humahagulgol at nagsasabi:O bundok" Ibig sabihin ay;Siya-malugod si Allah sa kanya -ay parang Bundok,na tinitirahan niya sa mga malagkit na pangyayari,pinangkakapitan ito at isang sandigan na sinasandigan sa mga gawain niya,at binabanggit niya ang mga kabutihan niya at [magagandang] katangian niya sa pamamaraan ng Taong mang-mang,At nang magka-isip siya mula sa hindi niya pagkakamalay,ibinalita niya ang nangyari sa kanya,Na siya ay sinabi sa kanya: Na ikaw ay parang Bundok,umaasa sila sa iyo,Na ikaw ay ganito at ganito,tulad ng paglalarawan nila sa iyo,at ang lahat ng mga binanggit mo mula sa mga katangian ay sinabi niya sa kanya-malugod si Allah sa kanya-sa [oras] na wala kang kamalay-malay,at ito ay pamamaraan ng pangungutya,at matinding parusa.at sa isang salaysay:Nang siya ay namatay ay hindi na siya humagulgol,at natuto na siya rito.
Ayon kay 'Ayyad bin Hemar Al-Majāshe-ie-malugod si Allah sa kanya-Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi sa isang araw sa pagbibigay nito ng Sermon:((Hindi bat tunay na ang Panginoon ko ay nag-utos sa akin na ituro ko sa inyo ang anumang hindi ninyo nalalaman,at mula sa mga itinuro niya sa akin sa araw na ito; Ang lahat ng yaman na na ipinagkaloob ko sa isang alipin ay ipinapahintulot,At katotohanang nilikha ko ang mga lingkod ko na mga Muslim silang lahat.At tunay,na sa kanila ay dumating ang mga Satanas,at niligaw nila ito sa kanilang Relihiyon,at ipinagbawal nito ang mga bagay na ipinahintulot ko sa kanila,at ipinag -utos nito sa kanila na tumambal sa pagsamba sa akin,sa mga bagay na hindi Ko ipinapanaog rito ang katibayan.At tunay na si Allah ay tumingin sa mga naninirahan sa kalupaan,at nagalit Siya sa kanila,Sa mga Arabo at Hindi Arabo,maliban sa mga natitira na mula sa mga Taong-Aklat.At sinabi niya na:Katotohanang walang ibang kadahilanan sa pagpapadala ko sa iyo maliban, upang ikaw ay subukin at susubukin kita ,At ipinadala ko sa iyo ang nag-iisang Aklat na hindi nahuhugasan ng tubig,nababasa mo ito sa pagtulog at paggising.at katotohang si Allah ay nag-utos sa akin na sunugin ko ang mga Quraysh,At nagsabi ako: O Panginoon ko, kapag binagsakan nila ang ulo ko ay gagawin nila itong parang tinapay,Nagsabi Siya;Palayasin mo sila tulad ng pagpapalayas nila sa iyo,makipandarambong ka sa kanila,at makikipandarambong kami na kasama mo,at gumugol ka(sa landas ni Allah) at gugugol Kami para sa iyo,at magpadala ka ng isang kawal at magpapadala kami ng limang kawal(Anghel)na tulad nito,at makipaglaban ka kasama ang mga sumusunod sa iyo sa sinumang sumusuway sa iyo.At ang mga Taong nananahanan sa Paraiso ay may tatlong uri; Pinuno na matuwid,mapagkawang-gawa,at matagumpay, at Lalaking maawain,malambot ang puso lalo na sa mga kamag-anak nito at sa lahat ng mga Muslim,at Lalaking dalisay (walang-kapintasan), pinapanatili sa sarili nito ang kadalisayan at may pamilya,At ang mga Taong mananahanan sa Impiyerno ay limang klase:Ang Taong mahina na walang tamang pag-iisip, sila iyong taong sunod-sunuran sa inyo,hindi sila naghahangad ng pamilya at kayamanan (Na ipinapahintulot),At Ang Taksil na hindi naitatago sa kanya ang kasakiman,kahit sa napakamaliit nito ay pagtataksilan nito,At Lalaking hindi inaabutan ng umaga at gabi maliban sa siya ay makapanlinlang sa iyo,sa pamilya mo at sa kayamanan mo,(( at nabanggit)) Ang Taong maramot,at Sinungaling,Gumagawa ng kalaswaan na may Masamang pag-uugali.
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagbigay ng sermon ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa isang araw sa mga kasamahan nito,ipinahayag niya sa kanila na si Allah ay nag-utos sa kanya ituro sa kanila ang mga bagay na hindi nila nalalaman mula sa itinuro ng Panginoon niya sa araw na yaon,kabilang sa itinuro ng Panginoon niya: Sinabi Niya;((ang lahat ng yaman na ipinagkaloob ko sa alipin ko ay ipinapahintulot)) Ibig sabihin ay:Sinabi ng Allah pagkataas-Taas Niya,Ang lahat ng yaman Na ibinibigay ko sa isang alipin mula sa mga alipin ko ay ipinapahintulot,at nais ipahiwatig nito ay, pagtanggi sa mga ipinagbabawal nila sa mga sarili nila sa mga ilang uri hayop at ito ay hindi magiging bawal dahil sa pagbabawal nila,at Ang lahat ng yaman na pagmamay-ari ng alipin ay ipinapahintulot sa kanya hanggang sa magkaroon siya rito ng karapatan o di kayay maisaad rito ang patunay na maglalabas mula sa kanyang pangkalahatang (pagpapahintulot).pagkatapos at sinabi niya-pagkataas-taas Niya: ((At katotohanang nilikha ko ang aking mga alipin na may pagkilala sa nag-isang Diyos silang lahat))ibig sabihin ay; Nilikha ko ang mga alipin na Muslim silang lahat,at sinasabi na dalisay sa mga kasalanan, at sinasabi na;matutuwid at Nagsisisi sila upang tanggapin Ang patnubay,at sinasabi na :Ang nais ipahiwatig ay,sa panahon na kinuha sa kanila ang kasunduan sa alikayabok,at sinabi Niya;((Hindi bat akong inyong Panginoon,ang sabi nila: Oo)).at Ang sinabi Niya pagkataas-taas Niya:((At sa kanila ay dumating ang mga Satanas at niligaw nila ito sa kanilang relihiyon,at ipinagbawal nito Ang mga bagay na ipinahintulot ko sa kanila at ipinag-utos nito sa kanila na tumambal sa pagsamba sa akin sa mga bagay na hindi ko ipinapanaog rito ang katibayan))ibig sabihin at dumating sa kanila ang mga Satanas at itinago nila ito sa kanila pumunta sila sa kanila at inalis nila sila sa dating naka-ugalian nila(sa paggawa ng ipinapahintulot) patungo sa pagbabawal nito.at ipinagbawal nito sa kanila ang mga bagay na ipinahintulot ni Allah sa kanila,at ipinag-utos nito sa kanila na tumambal kay Allah,sa pagsamba sa mga bagay na hindi ipinag-utos ni Allah na ito ay sambahin nila,at walang natagpuan na patunay na nararapat ito sa pagsamba.Ang sinabi niya pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:((at tunay na si Allah pagkataas-taas Niya ay tumingin sa mga naninirahan sa kalupaan at nagalit Siya sa kanila,sa mga arabo at hindi arabo maliban sa mga natitira na mula sa mga Taong-Aklat))ibig sabihin ay tumitingin si Allah pagkataas-taas Niya,sa mga Tao sa kalupaan bago pa nagsimula ang propesiya ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nakita Niya sila na nagkaka-isa sa pagtatambal at pagkaligaw,Kayat nagkapoot Siya sa kanila maliban sa mga natitirang Taong-Aklat,at sila ang natitirang nanghahawak sa tunay na relihiyon nila na hindi napapalitan.at ang karamihan sa mga Taong -Aklat ay napalitan na.Ang sinabi Niya-pagkataas-taala Niya:((katotohanang walang ibang kadahilanan sa pagpapadala ko sa iyo maliban upang ikaw ay subukin,at susubukin kita))Ang kahulugan nito ay: Katotohanang ipinadala kita sa mga tao upang ikaw ay aking subukin sa anumang makikita sa iyo mula sa pagpapatupad sa anumang ipinag-utos ko sa iyo rito mula sa pagpapalaganap ng mensahe,at maliban pa doon,mula sa pakikibaka sa landas ni Allah sa tunay na pakikibaka,at ang pagtitiis sa Allah pagkataas-taas Niya,at maliban pa doon.At susubukan kita,kung kanino kita ipapadala sa kanila,Kabilang sa kanila ay ipinapakita Ang paniniwala nito at dalisay sa pananampalataya nito,at kabilang sa kanila Ang sumasalungat at ipinapakita ang pagkasuklam at kawalan ng pananampalataya,kabilang din sa kanila Ang mapag-kunwari,At Ang nais ipahiwatig nito: Ay subukin siya upang maging matatag sa magaganap( Na mga pagsubok),Sapagkat Ang Allah pagkataas-taas Niya,ay nagbibigay gantimpala sa anumang nagaganap sa kanila sa pangyayari,hindi dahil sa anong nalalaman Niya bago maganap Ang mga pangyayari,dahil kung ganoon si Allah pagkataas-taas Niya ay nakakaalam sa lahat ng mga bagay bago ito maganap.((At ibinaba ko sa iyo ang Aklat Na hindi nahuhugasan ng tubig))Ang kahulugan nito ay;ibinaba ko sa iyo ang Qur an, at ito ay nasa ilalim nang pangangalaga sa puso (ng tao),hindi ito basta-basta mawawala,datapuwat mananatili ito sa paglipas ng mga panahon.Ang sinabi nito na:((babasahin mo ito pagtulog at paggising)) Ang kahulugan nito ay : mananatili ito sa pangangalaga para sa iyo sa situwasyong pagtulog at paggising,at sinasabi na: babasahin mo ito sa napakadali at napakagaan.Ang sinabi niya pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((At katotohanang si Allah ay nag-utos sa akin Na sunugin ko ang mga Quraysh)) ibig sabihin ay : Ipinag-uutos ni Allah sa akin na lipunin ko at patayin ang mga walang-pananampalataya Na Quraysh.((Sinabi ko:O Panginoon ko,kapag binagsakan nila Ang ulo ko ay gagawin nila itong parang tinapay)) ibig sabihin ay: babagsakan nila Ang ulo ko at pipirasuhin tulad ng pagpipiraso sa tinapay,ibig sabihin ay bibiyakin.(( Sinabi Niya: Palayasin mo sila tulad ng pagpapalayas nila sa iyo)) ibig sabihin ay:Sinabi ni Allah sa Propeta niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-palayasin mo Ang mga Walang pananampalataya na Quraysh,tulad ng pagpapalayas nila sa iyo bilang ganti sa ginawa nila.kahit ang sa pagitan ng dalawang pagpapalayas ay pagkakaiba sa pananaw.Sapagkat ang pagpapalayas nila sa kanya ay hindi makatarungan,Samantalanag ang pagpaplayas niya sa kanila ay makatarungan.((Makipandarambong ka sa kanila at makikipandarambong kami kasama mo)) ibig sabihin ay; makipaglaban ka sa kanila a tutulungan ka namin ay ipapanalo kaNmin laban sa kanila,((Gumugol ka at gugugol Kami para sa iyo)) ibig sabihin ay; gumugol ka sa anumang pinagsikapan mo sa landas ni Allah at babayran sa iyo ang kapalit nito sa Mundo at sa kbilang-buhay.((at magpadala ka ng isang-kawal at magpapadala kami ng lima na tulad nito)) ibig sabihin ay;kapag nagpadala ka ng isang-kawal upang makipag-laban sa mga walang-pananampalataya,ay magpapadala kami ng lima ng tulad nito mula sa mga Anghel na ututlong sa mga Muslim tulad ng ginawa Niya sa Badr.(( at makipag-laban ka kasama ang sinumang sumusunod sa iyo sa sinumang sumusuway sa iyo)) ibig sabihin ay; makipaglaban ka kasama ang sinumang sumusunod sa iyo mula sa mga Muslim laban sa sinumang sumusuway sa iyo mula sa mga walang-pananampalataya.((At ang mga Taong nananahanan sa Paraiso ay may tatlong uri; Pinuno na matuwid,mapagkawang-gawa,at matagumpay, at Lalaking maawain,malambot ang puso lalo na sa mga kamag-anak nito at sa lahat ng mga Muslim,at Lalaking dalisay (walang-kapintasan), pinapanatili sa sarili nito ang kadalisayan at may pamilya)) iig sabihin ay; ang taong mananahanan sa Paraiso ay tatlong uri;Isang lalaki ng may panunungkulan at makapangyarihan at namamayani,at siya sa kalagayan na yaon ay makatarungan sa pagitan ng mga Tao hindi siya nang-aapi at gumagawa siya ng kabutihan sa kanila,magiging dahilan sa kanya ang mga magagandang bagay at mabubukasan sa dahil sa kanya ang mga pintuan ng kabutihan,At isang lalaking mapagmahal sa nakakabata at nakakatanda at may marupok na puso lalo na sa bawat kamag-anak nito at sa bawat Muslim sa kabuuan nito.At isang lalaking may pamilya na dalisay(walang-kapintasan) at nangingilad sa mga ipinagbabawal,Siya ay umiiwas sa panghihing sa mga tao,Lubos na nagtitiwala kay Allah sa mga mangyayari sa kanya at mangyayari sa pamilya niya.Hindi siya nadadala dahil sa pagmamahal niya sa pamilya niya at hindi ang pagkatakot na mabiyayaan sila, upang iwanan ang Pagtitiwala (Kay Allah) at mamalad sa nilikha.at paghahanap-buhay mula sa ipinagbabawal,at ang pagtatraho sa mga ito,dahil sa kaalaman at pagsasagawa,na nararapat sa kanya.(( At ang mga Taong mananahanan sa Impiyerno ay limang klase:Ang Taong mahina na walang tamang pag-iisip, sila ang mga taong sunod-sunuran sa inyo,hindi sila naghahangad ng pamilya at kayamanan (Na ipinapahintulot),At Ang Taksil na hindi naitatago sa kanya ang kasakiman,kahit sa napakaliit nito ay pagtataksilan nito,At Lalaking hindi inaabutan ng umaga at gabi maliban sa siya ay makapanlinlang sa iyo,sa pamilya mo at sa kayamanan mo,(( at nabanggit)) Ang Taong maramot,at Sinungaling,Gumagawa ng kalaswaan na may Masamang pag-uugali)); Ibig sabihin ay: Ang mahina na wala sa kanya ang tamang pag-iisip,pinagsasalitaan niya ito at pinipigilan mula sa mga bagay na hindi naman nararapat.((Sila Ang mga taong sunud-sunuran sa inyo,hindi sila naghahangad ng pamilya at kayamanan {Na ipinapahintulot}));ibig sabihin ay : Ang naglilingkod na hindi naghahangad nang asawa,tinatanggihan nila ang mga ipinapahintulot at Ginagawa nila ang mga ipinagbabawal ni Allah.At hindi sila naghahanap ng kayamanan na ipinapahintulot sa pamamaraan ng pagsisikap at mabuting kita.At Ang pangalawa:((Ang Taksil Na hindi naitatago sa kanya ang kasakiman kahit sa napakaliit nito ay pagtataksilan nito)) Ibig sabihin ay: Hindi naitatago sa kanya Ang mga bagay Ang mga bagay Na maaari nitong kasakiman,sa bahagyang hindi niya ito mamalayan,maliban kung siya ay maghahanap ng paraan sa pagsisiyasat nito,at pag-susuri rito hanggang sa makita niya ito at pagtataksilan.at ito ay pagmamalabis sa paglalarawan ng pagtaksil.At Ang ika-tatlo: Ang mapanlinlang.At Ang Ika-apat: Ang sinungaling at Kuripot.At Ang Ika-lima: Ang gumagawa ng kalaswaan Na may masamang pag-uugali.
Ayon kay Ibnu 'Abbās-malugod si Allah sa kanilang dalawa-ay nagsabi siya;Ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nananalangin:(( O Allah tulungan ako sa mga mabuting gawa,at huwag sa masama,Pagkalooban ako ng Tagumpay sa mabuti at huwag sa masama,At linlangin sila para sa akin at huwag ipagkaloob ang paglinlang sa kanila, laban sa akin,At gabayan ako at padaliin ang pagpapatnubay sa akin,Tulungan ako sa sinumang umaapi sa akin, O Allah,Ibilang mo ako, sa Iyo magpasalamat,at sa Iyo ay mapag-alaala,at sa Iyo ay may takot,at sa Iyo ay sumunod, at sa Iyo ay mapag-kumbaba o magbalik-loob,O Allah,tanggapin Mo ang aking Pagsisi,at dalisayin ang mga kasalanan ko,at Tugunan ang panalangin ko,at panatilihin ang pananalita ko,at Patnubayan ang puso ko,at ituwid ang dila ko,at tanggalin ang masama sa puso ko))
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadAng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan - ay nanalangin at nagsasabi:(( O Allah tulungan ako sa mga mabuting gawa )): ibig sabihin ay:Tulungan Mo ako sa pag-alaala sa Iyo at pagpapasalamat sa Iyo,at (pagsagawa) ng mabuting pagsamba sa Iyo, (( At huwag sa masama)) ibig sabihin ay: huwag Mo silang tulungan laban sa akin, ang sinumang pumipigil sa akin sa pananampalataya ko sa Iyo,mula sa mga Satanas at Tao at Engkanto,((Pagkalooban ako ng Tagumpay sa mabuti at huwag sa masama)) ibig sabihin ay : Ipagkaloob Mo sa akin ang tagumpay laban sa mga walang pananampalataya at huwag Mong hayaang magtagumpay sila sa akin,o ipagkaloob Mo sa akin ang Tagumpay sa aking sarili sapagkat ito ay tumutulong sa aking kalaban,at huwag Mong hayaang magtagumpay ang sarili na nag-uutos ng kasalanan sa akin ,na siyang (nagiging dahilan sa) pagsunod ko sa aking pagnanasa at pag-iwan ko sa patnubay,((At linlangin sila para sa akin at huwag ipagkaloob ang paglinlang sa kanila laban sa akin)) ibig sabihin ay:Linlangin Mo ang aking mga kalaban na mapanlinlang,at gawin Mo ito sa kanila na hindi nila ito nararamdaman,at huwag Mo itong gawin sa akin.At ang Paglinlang ay kabilang sa mga katangian ni Allah Pagkataas-taas Niya sa kanyang gawain,ngunit hindi ito itinatangi sa kanya sa lahat ng pagkakataon,datapuwat itinatangi lamang ito sa Kanya bilang pagpuri sa Kanya,katulad ng Paglinlang Niya sa mga walang pananampalataya,at sa sinumang naglilinlang sa mga mananampalataya at sa mga katulad pa nito,At hindi ipinapahintulot ang pagtanggi sa katangian ng Paglinlang mula kay Allah-Pagkataas-taas Niya,Sapagkat Siya Napaka-Maluwalhati Niya,ay pinapanatili Niya ito sa Kanyang Sarili,Kung-kaya't ipapanatili natin ito sa Kanya-Pagkataas-taas Niya ayon sa (katangiang) nararapat sa Kanya,Napaka-Maluwalhati Niya;((Patnubayan ako at padiliin mo sa akin ang Iyong patnubay)) ibig sabihin ay: Ituro Mo sa akin ang mga kabutihan at padiliin Mo sa akin ang pagsunod sa Iyong patnubay o ang mga daan na magpapatunay sa akin upang hindi maging mabigat sa aking pananampalataya at hindi ako maging abala (sa maka mundong bagay) sa pagsasagawa ko ng pagsamba,((Tulungan ako sa sinumang umaapi sa akin)) ibig sabihin ay:Tulungan Mo ako sa sinumang naging hindi makatarungan sa akin at nang-api sa akin, ((Ibilang mo ako,sa Iyo ay magpasalamat)) ibig sabihin ay:sa Iyong mga biyaya, ((Sa Iyo ay Mapag-alaala)) ibig sabihin ay: Sa lahat ng oras,((Sa Iyo ay may takot)) ibig sabihin ay: Sa panahon ng kaginhawaan at kalungkutan, ((Sa Iyo ay sumonod)) ibig sabihin ay:Maraming pagsunod at ito ay ang pagsuko at pananampalataya (( Sa Iyo ay mapagkumbaba)) ibig sabihin ay : nanalangin at natatakot at nagpapakumbaba,((magbalik-loob)) ibig sabihin ay: bumabalik sa Iyo na nagsisi,Ang pagbabalik-loob ay ang pagsisi mula sa kasalanan patungo sa pananampalataya,((Panginoon Tanggapin Mo ang Pagsisisi ko)) ibig sabihin ay:Gawin Mo itong tumpak,sa mga kondisyon nito at buuin mo rito ang mga mabubuting kaasalan sa pamamagitan nito ay hindi maantala sa Pagtugon,((Dalisayin ang mga kasalanan ko)) ibig sabihin ay : Burahin Monang mga kasalanan ko,((Tugunan ang mga panalangin ko)) ibig sabihin ay:panalangin ko,((Panatilihin ang mga salita ko)) ibig sabihin ay : Sa mga kalaban ko dito sa Mundo, o Panatilihin Mo salita ko at pagiging tapat ko Mundo at sa pagsagot sa (pagtatanong ng) dalawang Anghel,((At patnubayan ang puso ko at itama ang pananalita ko)) ibig sabihin ay:itama mo at ituwid mo ang dila ko nang sa gayon ay hindi makapag-bigkas maliban sa katapatan at hindi makapag-salita maliban sa katotohanan,((At tanggalin ang mga masama sa puso ko)) ibig sabihin ay: Tanggalin Mo rito ang pandaraya at sama ng loob at inggit at paninira nito at ang mga katulad nito,na siyang tumutubo sa dibdib at naninirahan sa puso mula sa mga masamang pag-uugali
Ayon kay Abdullah bin A'mr-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi;Narinig ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagsasabi; (( Katotohanang si Allah-kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan, ay nilikha Niya ang mga likha nito sa kadiliman,Kaya't nagbigay Siya sa kanila nang Liwanag Niya,at Sinuman ang magkamit ng liwanag na ito ay mapapatnubayan,at sinuman ang magpapa-mali nito ay maliligaw)),kayat sasabihin ko; Natuyo ang (tinta)ng lapis sa Karunungan ni Allah.
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām AḥmadAng Hadith na ito ay nagpapahayag, Na ang Allah-kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan-ay nilikha ang likha sa kadiliman,at Ibinahagi Niya sa kanila ng ilan sa mga liwanag Niya,Sinuman ang magkamit ng ilan sa liwanag na ito ay mapapatnubayan sa landas ng Paraiso,at sinuman ang magpapa-mali sa liwanag na ito at pinalampas ito at hindi umabot sa kanya,ay maliligaw at lalabas sa landas ng katotohanan;Sapagkat ang Pagkapatnubay at Pagkaligaw ay darating na sumasang-ayon sa karunungan ni Allah,at ayon sa naihatol rito sa Walang-hanggan,Hindi na mababago at hindi na mapapalitan,at ang pag-katuyo ng tinta ng lapis ay inihahalintulad rito.
Ayon kay Ibnu Mas-ud,Nagsabi siya: Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Nakita ko si Jibrel sa Sidratil Muntaha (Isang punong-kahoy ng lote sa walang hanggang kapaligiran sa ikapitong palapag ng kalangitan), at sa kanya ay may Anim na daang pakpak))Nagsabi siya: Tinanong ko si `Asim tungkol sa mga pakpak?Tumanggi siya na ipaalam sa akin,Nagsabi siya: Ipinaalam sa akin ng ilan sa mga kasamahan niya:((Na ang isang Pakpak ay nasa pagitan ng Silangan at Kanluran))
Isinaysay ito ni Imām AḥmadNakita ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-si Jibrel sa pinaa-mataas na antas ng Pariso at sa kanya ay may anim na daang pakpak,Itinanong ng nagsalaysay na si `Asim bin Abe Bahdalah ang tungkol sa larawan ng pakpak na ito,ngunit hindi niya ito sinagot,Ipinaalam sa kanya ng ilan sa mga kasamahan nito na ang bawat pakpak,dahil sa laki nito at kadakilaan nito ay natatakpan ang pagitan ng Silangan at Kanluran,at ito ay naisalaysay din sa iba pang Hadith: ( Natatakpan dahil sa dakila ng paglikha rito ang pagitan ng Silangan at Kanluran)
Ayon kay Mu'awiyah Bin Alhakam Assulamiy -kalugdan nawa siya ng Allah- siya ay nagsabi: Noong ako ay nagdadasal kasama ang Sugo ng Allah -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-, nang bumahin ang isang lalaki mula sa grupo ng mga tao, at sabi ko: Kaawaan ka ng Allah- ibinato ng mga tao sa akin ang kanilang mga paningin, at sabi ko: kapahamakan at kasamaan ina ko! ano ang nangyari sa inyo? tumitingin kayo sa akin, at ipinalo nila ang kanilang mga kamay sa kanilang mga hita at noong nakita ko silang pinatitigil nila ako [nagulat ako],subalit ako ay nanahimik,,at nang makapagdasal na ang Sugo ni Allah -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at pag-aalay sa aking ama at sa aking ina",,wala akong nakitang gurong nauna sa kanya at pagkatapos niya na higit na mahusay magturo kaysa sa kanya,Sumpa sa Allah,hindi niya ako sinigawan at hindi niya ako pinalo at hindi niya ako pinahiya,Siya ay nagsabi: ((Katotohanang ang pagdarasal na ito ay hindi nagpapahintulot ng anumang bagay mula sa salita ng mga tao,datapuwat ito ay isang pagpupuri,pagdadakila,at pagbabasa ng Qur`an)) o katulad ng sinabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-,Sinabi ko: O Sugo ni Allah! Ako ay bago lamang sa panahon ng kamang-mangan,At talagang ipinadala ni Allah ang Islam,at katotohanang kabilang sa amin ang mga lalaking pumupunta sa mga manghuhula, Nagsabi siya:((Huwag kang pumunta sa kanila)),Nagsabi sya: At kabilang sa amin ang mga lalaking [naniniwala sa mga masamang pangitain],Nagsabi siya:Iyon ay isang bagay na natatagpuan lamang nila sa kanilang mga puso,at hindi ito nakahahadlang sa kanila,Nagsabi si Ibn Sabbah: Walang nakakapagil sa inyo,Nagsabi siya: Sinabi kong: At kabilang sa amin ang mga lalaking gumuguhit,Nagsabi siya: (( Ang isang Propeta mula sa angkan ng mga Propeta ay gumuguhit,at ang sinuman ang sumang-ayon ang pagguhit niya [ito ay ipinapahintulot], Nagsabi siya:Mayroon akong isang katulong na nagpapastol ng mga tupa ko,sa may dakong Uhud,at Al-Jawwaniyyah,Nakita ko ito isang araw,kung-kaya`t ang isang lobo ay pumunta sa isang kambing mula sa mga tupa niya, At ako isang lalaki mula sa angkan ni Adan,nagagalit ako tulad ng pagkagalit nila,subalit nasampal ko siya,Dumating ako sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ginawa niya itong malaking [kasalanan para] sa akin, Sinabi ko: O Sugo ni Allah! Hindi ko ba siya palalayain? Nagsabi siya: ((Dalhin mo siya sa akin)),Dinala ko siya sa kanya: Nagsabi siya sa kanya: (( Nasaan si Allah?)) Sinabi ko: Sa langit,Nagsabi siya:(( At sino ako?)) Sinabi ko:Ikaw ang Sugo ni Allah,Nagsabi siya: (( Palayain mo siya,sapagkat siya ay mananampalataya))
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIpinapaalam ni Mu'awiyah Bin Alhakam Assulamiy -kalugdan nawa siya ng Allah-ang nangyari sa kanya noong siya ay nagdadasal kasama ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa isa sa mga pagdarasal na Jama`ah,kung saan ay narinig niya ang isang lalaking bumahin,at pinuri niya si Allah,[nagsabi ng Alhamdulillah],nagmadali siya-kalugdan siya ni Allah-sa pagsabi ng : Kaawaan ka ni Allah [Pagsabi ng Yarhamukallah],dahil sa pangunahing panuntunan nito,ito ay ang pagsabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ( Kapag bumahin ang isa sa inyo,sabihin niyang: Ang Papuri ay sa Allah [ Alhamdulillah],at sasabihin naman sa kanya ng kapatid niya o nakagawa nito na; Kaawaan ka ni Allah [ Yarhamukallah), at hindi niya alam-kalugdan siya ni Allah na ang kanais-nais sa pagsagot sa bumabahin,ay hindi sa oras ng pagdarasal." ibinato ng mga tao sa akin ang kanilang mga paningin" Ibig sabihin ay nagsenyas sila sa kanya sa pamamagitan ng kanilang mga paningin na walang halong pananalita,at tumingin sila sa kanya ng may kasamang pagsaway,subalit siya-malugod si Allah sa kanya-ay walang kaalam-alam [kung ano] ang dahilan ng pagsaway nila sa kanya,wala siyang ibang naisip maliban sa sinabi niya sa kanila: " kapahamakan at kasamaan ina ko!" at ang kahulugan nito ay: Nawala ito sa akin sapagkat ako ay nasawi. Ano ang nangyari sa inyo? Ibig sabihin: Ano ang situwasyon ninyo at nangyayari sa inyo. " Nakatingin kayo sa akin" Ibig sabihin: Bakit kayo tumitingin sa akin nang may halong galit. "at ipinalo nila ang kanilang mga kamay sa kanilang mga hita" Ibig sabihin ay: Dinagdagan nila ang pagsaway sa kanya sa pamamagitan ng pagpalo nila sa mga kamay nila sa mga hita,kaya naintindihan niya sa kanila na nais nilang patahimikin siya at tumigil ito sa pananalita,kaya tumahimik siya."at noong nakita ko silang pinatitigil nila ako [nagulat ako],subalit ako ay nanahimik" Ang kahulugan nito: Nang malaman kong inuutusan nila ako na tumigil sa pagsasalita,nagulat ako dahil sa kamang-mangan ko,sa sobrang sama ng nagawa ko [para sa kanila],at labis ng pasaway nila sa akin,At ninais kong makipagtalo sa kanila, Subalit nanahimik ako bilang pagsunod;dahil sila ay higit na maalam sa akin,at wala akong ginawa sa oras ng pagkagalit ko at hindi rin ako nagtanong kung ano ang dahilan. " At nang makapagdasal ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-" Ibig sabihin ay: natapos at nakapagpahinga mula sa kanyang pagdarasal. " at pag-aalay sa aking ama at sa aking ina" Ibig sabihin ay:Nag-aalay sa aking ama at sa aking ina,at hindi ito panunumpa,subalit ito ay pag-aalay sa ama at ina,"wala akong nakitang gurong nauna sa kanya at pagkatapos niya na higit na mahusay magturo kaysa sa kanya"; Dahil ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay hindi naging mahigpit sa kanya at hindi siya sinigawan,subalit ipinahayag nito sa kanya ang panuntunan sa Batas ng Islam,sa pamamaraang katanggap -tanggap at susundin."Sumpa sa Allah,hindi niya ako sinigawan" Hindi niya ako sinigawan at hindi siya naging marahas sa akin sa pananalita," At hindi niya ako pinalo" Ibig sabihin ay: hindi niya ako pinarusahan sa pamamagitan ng pagpalo dahil sa natamo kong pagsuway." At hindi niya ako pinahiya" Hindi siya naging marahas sa akin sa pananalita,subalit ipinahayag niya sa akin ang panuntunan sa Batas ng Islam,nang mahinahon.Sapagkat nagsabi siya sa akin: "Katotohanang ang pagdarasal na ito ay hindi nagpapahintulot ang anumang bagay mula sa salita ng mga tao,datapuwat ito ay isang pagpupuri,pagdadakila,at pagbabasa ng Qur`an" Ibig sabihin ay: Hindi ipinapahintulot sa pagdarasal ang salita ng mga tao na siyang ginagamit sa pagitan nila,tunay na ang mga iyon sa unang panahon ay ipinapahintulot sa unang panahon sa Islam pagkatapos ito ay pinalitan,at ang natitira lamang sa pagdarasal ay ang: pagpupuri,pagdadakila at pagbabasa ng Qur-an." Sinabi ko: O Sugo ni Allah! Ako ay bago lamang sa panahon ng kamang-mangan" Ibig sabihin: Malapit sa kapanahunan ng kamang-mangan, At ang kamang-mangan ay tumutukoy sa [panahong] bago dumating ang batas ng Islam, Tinawag itong kamang-mangan dahil sa dami ng kamang-mangan nila at kasamaan nila."At ipinarating ni Allah ang Islam" Ibig sabihin:lumipat ako mula sa kawalan ng pananampalataya tungo sa Islam,at wala pa akong kaalam-alam sa mga panuntunan ng relihiyon."At kabilang sa amin ang mga lalaking pumupunta sa manghuhula" Ibig sabihin ay: Tunay na kabilang sa mga kasamahan niya ang pumupunta sa manghuhula at nagtatanong sa kanila tungkol sa mga bagay na lingid na mangyayari sa hinaharap."Nagsabi siya: Huwag kang pumunta sa kanila" At kaya niya ipinagbawal ang pagpunta sa mga manghuhula;dahil sila ay nagsasalita tungkol sa mga bagay na lingid,maaaring mangyari ang iba rito at [maging] tama,at natakot siya na matukso ang mga tao dahil doon.dahil liniligaw nila ang mga tao sa maraming bagay mula sa mga batas ng Islam,talagang lumitaw mga tumpak na mga Hadith ukol sa pagbabawal sa pagpunta sa mga manghuhula,at paniniwala sa anumang sinasabi nila,at ang pagbabawal sa anumang ibinibigay nilang matatamis."At kabilang sa amin ang mga lalaking [naniniwala sa mga masamang pangitain] sa mga ibon" Ang pangitain sa ibon:Masamang pangitain sa nakikita o naririnig,o panahon,o lugar. At ang mga Arabo ay kilala sa [paniniwala sa ] masamang pangitain,Hanggang sa kapag ninais ng isang tao mula sa kanila ang kabutihan pagkatapos ay nakakita ng ibon na pumunta sa bandang kanan o kaliwa,batay sa anumang nakasanayan nila,matatagpuan mo siyang magpapahuli sa ninanais nito,at kabilang naman sa kanila;kapag nakarinig ng boses o nakakita ng isang tao [paniniwalaan niya itong ] isang masamang pangitain, at kabilang sa kanila ay naniniwala sa masamang pangitain mula sa buwan ng Shawwal,para sa pagkasal;at kabilang sa kanila ang naniniwala sa masamang pangitain ng araw ng Miyerkules o sa buwan ng Safar,at ang lahat ng mga ito ay pinabulaanan sa batas ng Islam, dahil sa pinsala nito sa mga tao,sa isip ,pag-iisip at pag-uugali.At dahil sa hindi pagpapahalaga ng tao sa mga bagay na ito,ay ang tinatawag na pagtitiwala sa Allah."Nagsabi siya:Iyon ay isang bagay na natatagpuan lamang nila sa kanilang mga puso,at hindi ito nakahahadlang sa kanila" Na ang pangitain ay isang bagay na nakikita nila sa kanilang mga sarili na kinakailangang gawin,at hindi kinamumuhian sa kanila ang mga iyon;sapagkat hindi ito pinaghihirapan sa kanila,kaya walang pasanin rito;subalit hindi dapat sila nahahadlangan dahil rito,sa mga kilos nila sa kanilang mga gawain,at ito ang kanilang higit na pinapahalagahan,na siyang pinaghihirapan para sa kanila,at nagaganap rito ang pasanin,kaya`t ipinagbawal sa kanila ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang tungkol sa mga gawaing pangitain,at ang pagpapatigil sa mga ikinikilos nila dahil sa mga ito,at tunay na lumitaw ang tumpak na mga hadith ukol sa pagbabawal sa pangitain, At ang tinutukoy na pangitain rito ay:yaong may kasamang pagsasagawa rito,at hindi ang yaong nakikita lamang ng tao sa kanyang sarili at hindi naman niya ginagawa ang mga kinakailangan rito para sa kanila," Nagsabi siya:Sinabi kong:At kabilang sa amin ang mga lalaking gumuguhit" Ang pagguhit para sa mga arabo; ay kapag dumating ang isang lalaking manghuhula at harap niya ay matatagpuan ang isang batang lalaki,uutusan niya na gumuhit sa buhangin ng maraming linya,pagkatapos ay uutusan niya ito na bumura rito ng dalawa,dalawa,pagkatapos ay titingnan niya ang pinakahuling matitira sa mga linyang iyon,at kapag ang natira rito ay pares o dalawa,ito ay isang palatandaan ng tagumpay at pag-asa,at kapag [ang natira ay] ay iisa lamang,ito ay isang palatandaan ng pagiging kasawian at kawalan ng pag-asa, "Ang isang Propeta mula sa angkan ng mga Propeta ay gumuguhit" Ibig sabihin ay siya ay gumuguhit tulad ng pagguhit sa buhangin,kaya`t nalalaman niya ang mga bagay dahil sa kabatiran sa pamamagitan ng paggamit sa mga linyang iyon,at sinasabi na sila ay sina Propeta Idris o Danyal-sumakanila ang pagpapala at pangangalaga-"at ang sinuman ang sumang-ayon ang pagguhit niya" Ibig sabihin ay ang guhit ng yaong Propeta-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga--"ito ay ipinapahintulot" Ibig sabihin: Ang sinuman ang sumang-ayon sa guhit ng yaong Propeta-ito ay pinapayagan sa kanya- subalit walang ibang paraan sa atin sa tiyak na kaalaman na ito ay sumang-ayon [sa guhit ng Propeta],kaya hindi ito ipinapahintulot, At ang ibig sabihin nito ay ipinagbbawal, sapagkat hindi ito ipinapahintulot maliban sa katiyakan nito na ito ay sumasang-ayon,at wala sa atin ang katiyakan rito, at maaaring ito ay napalitan na sa ating batas,[Ang Islam], At maaari ring ang kadahilanan sa pagpapahintulot ng pagguhit ay bilang kaalaman sa propesiya ng yaong propeta at ngunit ito ay naputol kaya ipinagbawal sa atin ang paggamit ng iyon, Ang hadith ay nagpapatunay sa pagbabawal ng paggawa ng kaalaman sa pagguhit,at hindi sa pagpapahintulot nito,tulad ng pagpapatunay sa pagpapawalang-bisa sa pamamaraan ng mga tao ukol sa kaalaman sa buhangin,at sa pinsala nito,sapagkat ang pagsang-ayon rito ay nangangailangan ng kaalaman rito,at ang kaalaman ay makakamit sa dalawang pamamaraan:Una rito:Tekstong hayag [malinaw],tumpak sa pagpapahayag sa pamamaraan ng kaalamang ito. Ang pangalawa:Ang paglipat nito mula sa mga grupo ng mga tao, mula sa kapanahunan ng yaong propeta tungo sa panahon ng Propeta Muhammad-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at pareho ang dalawang ito na malayo.At nararapat lamang na mapag-alaman sa kalagayang ito na ang mga Propeta-ay hindi kailanman nagkunwari na sila ay may kaalaman sa mga lingid,at hindi nila ipinapaalam sa mga tao na sila ay nakakaalam sa mga lingid,at ang ipinaalam lamang nila sa mga tao mula sa lingid ay walang iba kundi ang muling pagbuhay ng Allah sa kanila,subalit hindi nila ito itinuturing na ito ay mula sa kanilang mga sarili, tulad ng sinabi ni Allah-pagkataas-taas Niya:{ Siya ang lubos na nakatatalastas ng mga nakalingid at hindi Niya ibinubunyag ang Kanyang [kaalaman ng] nalilingid sa sinuman,maliban sa kanya na Kanyang pinatibayan sa mga sugo,at katotohanang Siya ay nagparating sa harapan niya at sa likuran niya ng mga tagapagmasid [ tagabantay na mga Anghel na nangangalaga sa sugo at mensahe} [ Al-Jinn:26-27],dahil ang mga nakalingid ay kabilang itinalaga ni Allah sa Kanyang kaalaman,kaya walang sinuman ang nagpapanggap nito sa kanyang sarili maliban sa siya ay nagpapanggap sa ilang mga katanggian ng pagiging isang diyos na tagapagsustento [sa pangangailangan ng nilikha],at ito ang ginagawa ng mga maraming diyus-diyusan sa pagawaang ito,kayat lumitaw rito ang pagkasinungaling nila sa pag-anyaya na ang maluwalhating propeta na ito ay nagtuturo sa kanila, "Nagsabi siya:Mayroon akong isang katulong na nagpapastol ng mga tupa ko,sa may dakong Uhud,at Al-Jawwaniyyah," Mayroon siyang katulong na nagpapastol sa mga tupa niya sa lugar na malapit sa may bundok ng Uhod, "Nakita ko ito isang araw,kung-kaya`t ang isang lobo ay pumunta sa isang kambing mula sa mga tupa niya" Ibig sabihin ay: Napag-alaman niya na ang isang lobo ay lumamon sa kambing niya,Ang tupa ay sa kanya,ngunit nagsabi siyang tupa niya,Ibig sabihin ay dumating siya upang gawin ang pangangalaga rito, "At ako isang lalaki mula sa angkan ni Adan,nagagalit ako tulad ng pagkagalit nila" Ang galit: poot, Ibig sabihin ay nagalit ako sa kanya dahil sa pagkain ng lobo sa kambing,inibig kong paluin siya ng malakas na pagpalo,dahil sa tindi ng galit ko,"subalit nasampal ko siya" liban sa hindi ko ito nagawa,subalit hindi ko [napigilan ang aking sarili] na sampalin ko siya,"Dumating ako sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ginawa niya itong malaking [kasalanan para] sa akin" Pagkatapos niyang sampalin ito,dumating siya sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ipinaalam niya sa kanya ang nangyari,at pinalaki niya ang pagsamapal niya sa kanya- Ibig sabihin ay: ginawa niya itong malaking bagay sa kanya. At nang makita ni Muawiyyah bin Al Hikam Assulamiy-malugod si Allah sa kanya-ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na talagang naapektuhan siya sa ginawa niyang iyon,at dinibdib niya ito sa kanyang sarili, siya ay nagsabing: "Sinabi ko: O Sugo ni Allah! Hindi ko ba siya palalayain?" Ibig sabihin ay,palalayain ko siya mula sa pagiging alipin kapalit ng pagpalo ko sa kanya,:Nagsabi siya" (dalhin mo siya sa akin) at dinala ko siya sa kanya,Sinabi niya sa kanya:(( Nasaan si Allah?)) Ibig sabihin ay nasaan ang sinasamba ang karapat-dapat,ang nagtatangi ng ganap na katangian, At sa isang salaysay:( Nasaan ang panginoon mo?) Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay layuni niya sa pagtatanong na ito ang paninigurado na siya ay kumikilala sa nag-iisang diyos, Sinagot niya ito ng sagot na mauunawan ang layunin niya,sapagkat ang palatandaan sa mga kumikilala sa nag-iisang diyos,ang kanilang paniniwala na si Allah ay nasa langit. " Nagsabi siya: sa langit" At ang kahulugan ng nasa langit: Ang kataas-taasan,na Siya-napakamaluwalhati Niya ay nasa itaas ng lahat ng bagay,at sa taas ng Kanyang Trono,na siyang bubong ng mga likha, Nagsabi siya: ((At sino ako?)) Nagsabi siya: Ikaw ang Sugo ni Allah, Nagsabi siya:((Palayain mo siya,sapagkat siya ay mananampalataya)) Nang siya ay magsaksi sa kataas-taasan ni Allah-pagkataas taas Niya,at sa mensahe niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ipinag-utos niya na palayain siya, dahil ito ay pagpapatunay sa pananampalataya niya at dalisay na paniniwala niya