





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Alalh sa kanya: "Hindi sasapit ang Huling Sandali hanggang sa ilantad ng Yuprates ang isang bundok ng ginto na pag-aawayan. Mamamatay sa bawat isandaan ang siyam na pu't siyam. Sasabihin ng bawat lalaki sa kanila: Harinawang ako ay maliligtas." Sa isang sanaysay: "Napipintong ilalantad ng Yuprates ang isang tagong kayamanan na ginto. Ang sinumang pumunta roon ay hindi makakukuha mula roon ng anuman."
Napagkaisahan ang katumpakanIpinababatid sa atin ng Propeta natin, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na sa paglapit ng pagsapit ng Huling Sandali, ilalantad ng Ilog Yuprates ang isang kayamanang ginto o isang bundok ng ginto. Nangangahulugan ito na ang ginto ay lalabas na isang bundok. Ang mga tao ay mag-aaway-away dahil doon dahil sa iyon ay bahagi ng mga tukso. Pagkatapos ay pinagbawalan tayo ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na kumuha mula roon para sa sinumang makaaabot niyon dahil walang isang makaliligtas doon. Marahil bibigayang-pakahulugan ng ilan sa mga pupunta doon ang ḥadīth na ito at ililihis ito sa tunay na kahulugan nito upang magbigay-katwiran para sa sarili niya ang pagkuha mula roon. Nagpapakupkop tayo kay Allah laban sa mga tukso.
Ayon kay Abe Hurayrah malugod si Allah sa kanya-sa Hadith na Marfu-Iiwanan nila ang Madinah sa napaka-inam [na mga bagay na] taglay nito, Walang lumulukob dito maliban sa mga naghahanap ng kabuhayan-kabuhayan mula sa hayop at mga ibon-at ang pinakahuling titipunin ay ang dalawang pastol mula sa Muzaynah na pupunta sa Madinah,sumisigaw sila sa mga tupa nila,matatagpuan nila itong dalawa na mabangis,hanggang sa kapag umabot sila sa Thaniyyatal Wada`,babagsak ang mukha nilang dalawa.
Napagkaisahan ang katumpakanIpinapaalam sa atin ng Banal na Propeta sa Hadith na ito,Na ang Madinah ng Propeta dinadagdagan ni Allah ng Karangalan at Kadakilaan,Lumalabas mula rito ang mga naninirahan dito at walang matitira dito maliban sa mga hayop at mga ibon,walang [matatagpuan dito] kahit na isa, At ito ay ganap na mangyayari sa huling panahon,At tunay na darating ang nagpapastol ng tupa mula sa Mazinah patungo sa Madinah,sumisigaw silang dalawa sa mga tupa nila,At matatagpuan nila itong dalawa na may pagkabangis dahil sa kawalan nila ng laman,At silang dalawa ang pinakahuling titipunin,at kapag umabot sila sa Thaniyyatal Wada`,babagsak silang dalawa at mamamatay.
Ayon kay Abe Musa Al-Ash-arie malugod si Allah sa kanya-(hadith na Marfu)Talagang darating sa mga tao ang panahon na iikot ang lalaki sa paghahanap ng mapagkawang-gawaan mula sa ginto at wala siyang matatagpuan na kukuha nito,at makikita ang isang lalaki na sinusundan ng apat-napong babae,mag-aagawan sila dito dahil sa liit ng bilang ng kalalakihan at dami ng kababa-ihan.
Napagkaisahan ang katumpakanDarami ang kayaman sa pagitan ng mga tao hanggang sa wala ng gustong kumuha nito,at liliit ang bilang ng kalalakihan at dadami ang mga kababaihan,ito ay sa dahilan ng sakit ng digmaan o di kayay sa dami ng panganganak ng kababaihan,hanggang sa ang isang lalaki ay katumbas ng apat-napo na babae,mula sa mga anak at mga kapatid at ang pagkakahawig nilay mula sa pagkakamag-anak,mang-hihingi sila sa kanya at magpapatulong dito.
Ayon kay Madāris Al-Aslamīy-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfú: ((Maglalago ang mga mabubuting tao at ang una ay mauuna, at ang matitira ay ang mga latak na tulad ng latak ng sebada o datiles,Hindi sila bibigyan ni Allāh ng kahit na kaunting pagpapahalaga))
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyIpinapaalam ng Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-na sa huling panahon, ay babawian ni Allāh ang kaluluwa ng mga mabubuting tao,at matitira ang mga taong hindi itataas ni Allāh ang kanilang halaga, at wala silang magiging sukay sa timbang,at hindi sila kaaawaan,at hindi mananaog sa kanila ang habag, at sila ang pinakamasamang nilikha para sa Allāh,at sa kanila ay magaganap ang huling oras
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa-Hadith na Marfu: ((Ipinakita sa akin sa isang panaginip na ako ay naglilinis ng ngipin gamit ang siwak,dumating sa akin ang dalawang kalalakihan,ang isa ay mas malaki mula sa iba,Ibinigay ko ang siwak sa maliit,Ngunit sinabi sa akin: Sa malaki,Kaya ibinigay ko ito sa mas malaki sa kanilang dalawa))
Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy bilang Mu'allaq - Nagsalaysay nito si Imām MuslimNakita ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa panaginip na siya ay naglilinis ng kanyang ngipin gamit ang siwak,Dumating sa kanya ang dalawang kalalakihan,ang isa ay mas malaki mula sa iba,Inibig niyang ibigay ito sa maliit,ngunit sinabi sa kanya: Unahin mo ang malaki sa pagbigay.Kaya ibinigay niya ito sa mas malaki sa kanilang dalawa.
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Na siya ay nagsabi kay `Aṭā' bin Abī Rabāḥ: "Magpapakita ba ako sa iyo ng isang babaing kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso?" Nagsabi ako: "Oo naman." Nagsabi siya: "Ang maitim na babaing ito ay dumating sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)." Nagsabi ito: "Tunay na ako ay sinasaniban [ng jinn] at tunay na ako ay napabubuyangyang, kaya manalangin ka kay Allāh para sa akin." Nagsabi siya: "Kung loloobin mo ay magtitiis ka at ukol sa iyo ang Paraiso. Kung loloobin mo ay mananalangin ako kay Allāh na magpagaling Siya sa iyo." Nagsabi ito: "Magtitiis ako." Nagsabi pa ito: "Saka tunay na ako ay napabubuyangyang, kaya manalangin ka kay Allāh na hindi ako mapabuyangyang." Kaya dumalangin siya para rito.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagsabi ang Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) kay `Aṭā' bin Abī Rabāḥ: "Magpapakita ba ako sa iyo ng isang babaing kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso?" Nagsabi si `Aṭā': "Oo naman." Nagsabi siya: "Ang Etyopiyang maitim na babaing ito ay dumating sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)." Nagsabi ito: "Tunay na ako ay sinasaniban [ng jinn] at tunay na ako ay napabubuyangyang at may nalalantad ng kaunti sa katawan ko habang ako ay hindi nakararamdam, kaya manalangin ka kay Allāh na magpagaling Siya sa akin." Nagsabi siya: "Kung loloobin mo ay magtitiis ka at ukol sa iyo ang Paraiso. Kung loloobin mo ay mananalangin ako kay Allāh na magpagaling Siya sa iyo." Nagsabi ito: "Magtitiis ako." Pagkatapos nagsabi ito: "Kaya manalangin ka kay Allāh na hindi ako mapabuyangyang kung sinaniban ako." Kaya dumalangin siya kay Allāh para rito.
Ayon kina Ummu Ad-Dardā' Abū Ad-Dardā' (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi: "Ang panalangin ng taong Muslim para sa kapatid niya nang palingid ay tinutugon. Sa tabi ng ulo niya ay may isang anghel na itinalaga, na sa tuwing dumalangin siya para sa kapatid niya ng mabuti ay nagsasabi ang anghel na itinalaga sa kanya ng: Amen, at ukol sa iyo ay tulad niyon."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang panalangin ng Muslim para sa kapatid niyang Muslim sa sandali ng pagkaliban ng dinadalanginan ay tinutugon dahil ito ay higit na malalim sa pagpapakawagas, at na sa tabi ng ulo ng tagapanalangin ay may isang anghel na itinalaga, na sa tuwing dumadalangin siya para sa kapatid niya ng isang kabutihan, nagsasabi ang anghel na itinalaga sa kanya ng: "Amen, at ukol sa iyo ay tulad ng ipinanalangin mo."
Ayon kay Abū Dharr, malugod si Allāh sa kanya: "Tunay na ako ay nakakikita ng hindi ninyo nakikita. Umungol ang langit at nagkaroon ito ng karapatang umungol. Wala roong isang puwang ng singluwag ng apat na daliri malibang may isang anghel na naglalapag ng noo nito bilang nagpapatirapa kay Allāh, pagkataas-taas Niya. Sumpa man kay Allāh, kung sakaling nalalaman ninyo ang nalalaman ko, talagang tatawa kayo nang madalang at talagang iiyak kayo nang madalas. Hindi kayo masisiyahan sa mga babae sa mga higaan at talagang pupunta kayo sa mga daan at magsusumamo kayo kay Allāh, pagkataas-taas Niya."
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām AḥmadNagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Tunay na ako ay nakakikita at nakaaalam ng hindi ninyo nakikita at hindi ninyo nalalaman. May naganap sa langit na pagtunog gaya ng pag-ungol ng sasakyang kamelyo kapag sinakyan iyon. Nagkaroon ito ng karapatang umungol sapagkat wala roong isang puwang ng singluwag ng apat na daliri malibang may isang anghel na naglalapag ng noo nito bilang nagpapatirapa kay Allāh, pagkataas-taas Niya. Sumpa man kay Allāh, kung sakaling nalalaman ninyo ang nalalaman kong kadakilaan ng pagpipitagan kay Allāh, pagkataas-taas Niya, at katindihan ng paghihiganti Niya, talagang tatawa kayo nang madalang at talagang iiyak kayo nang madalas, hindi kayo masisiyahan sa mga babae sa mga higaan dahil sa tindi ng pangamba, at talagang pupunta kayo sa mga daanan habang nagtataas ng mga tinig ninyo sa pagpapasaklolo kay Allāh, pagkataas-taas Niya.
Ayon kay Mu`ādh bin Anas, malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu:- (( Sinuman ang pumigil sa pagkagalit,na siya ay may kakayanan sa pagpapatupad nito,tatawagin siya ni Allah,napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas,sa harap ng mga nilalang sa Araw ng Pagkabuhay,upang papiliin siya mula sa magagandang babae [na mapapangasawa sa Paraiso],sa sinumang kanyang magustuhan))
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadSa Hadith,Kapag ang tao ay nagalit sa kanyang kapwa at siya ay mat kakayahan sa pagpaslang sa kanya,subalit hinayaan niya ito dahil sa paghahangad sa kaluguran ni Allah,at siya ay nagtimpi sa anumang nangyari sa kanya na naging dahilan na pagkagalit niya,mapapasakanya ang dakilang gantimpalang ito,Na siya ay tatawagin sa harap ng mga nilalang sa Araw ng Pagkabuhay,at papipiliin siya kung sino sa mga kababaihan sa Paraiso na magaganda ang kanyang magustuhan