





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Al-`Abbās bin `Abdilmuṭṭalib (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Nakatikim ng lasa ng pananampalataya ang sinumang nalugod kay Allāh bilang Panginoon, sa Islām bilang relihiyon, at kay Muḥammad bilang Sugo."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mananampalatayang tapat sa pananampalataya niya, na napapanatag dito ang puso niya, ay makadarama at makatatalos sa puso niya ng pagkaluwag, pagkalawak, tuwa, katamisan, at sarap ng kalapitan kay Allāh (napakataas Siya) kung siya ay nalugod sa tatlo: A. Nalugod siya kay Allāh bilang Panginoon. Iyon ay sa pamamagitan ng pagkaluwag ng dibdib niya sa anumang dumarating sa kanya mula kay Allāh ayon sa hinihiling ng pagkapanginoon na pagkakahati ng mga panustos at mga kalagayan. Kaya naman hindi siya nakadarama sa puso niya ng isang pagtutol sa anuman mula roon at hindi siya humihiling ng isang panginoong iba pa kay Allāh (napakataas Siya). B. Nalugod siya sa Islām bilang relihiyon. Iyon ay sa pamamagitan ng pagkaluwag ng dibdib niya sa anumang nilalaman ng Islām na mga pag-aatang at mga tungkulin at hindi siya nagpunyagi sa iba pa sa daan ng Islām. C. Nalugod siya kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) bilang sugo. Iyon ay sa pamamagitan ng pagkaluwag ng dibdib niya at pagkatuwa niya sa lahat ng mga inihatid ng Propeta nang walang pag-aatubili at walang pagdududa, kaya wala siyang tinahak kundi ang sumasang-ayon sa patnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "May apat na ang sinumang ang mga ito ay naging nasa kanya, siya ay naging isang mapagpaimbabaw na lantay; at ang sinumang may naging nasa kanya na isang katangian mula sa mga ito, may naging nasa kanya na isang katangian mula sa isang pagpapaimbabaw hanggang sa mag-iwan siya nito: kapag nagsalita siya, nagsisinungaling siya; kapag nakipagkasunduan siya, nagtatraydor siya; kapag nangako siya, sumisira siya; kapag nakipag-alitan siya, nagsasamasamang-loob siya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa apat na kakanyahan; na kapag natipon ang mga ito sa isang Muslim, siya ay naging matindi ang pagkakawangis sa mga mapagpaimbabaw dahilan sa mga kakanyahang ito. Ito ay sa sinumang ang mga kakanyahang ito ay nananaig sa kanya. Hinggil naman sa sinumang madalang ito, siya ay hindi napaloloob dito. Ang mga ito ay: A. Kapag nagsalita siya, sinasadya niya ang pagsisinungaling at ang kawalan ng katapatan sa pananalita niya. B. Kapag nakipagkasunduan siya ng isang kasunduan, hindi siya tumutupad dito at nagtatraydor siya sa kasamahan niya. C. Kapag nangako siya ng isang pangako, hindi siya tumutupad dito at sumisira siya rito; D. Kapag nakipag-alitan siya at nakipagtaluhan siya sa isang tao, ang pakikipag-alitan niya ay matindi. Kumikiling siya palayo sa katotohanan, nanlalalang siya sa pagtugon niya at pagpapabula niya, at nagsasabi siya ng kabulaanan at kasinungalingan. Tunay na ang pagpapaimbabaw ay ang pagpapakita ng nagkukubli ng kasalungatan nito. Ang kahulugang ito ay natatagpuan sa tagapagtaglay ng mga kakanyahang ito. Ang pagpapaimbabaw niya ay nagiging pumapatungkol sa sinumang kumausap sa kanya, nangako sa kanya, nagtiwala sa kanya, nakipag-alitan sa kanya, at nakipagkasunduan sa kanya mula sa mga tao. Hindi dahil siya ay isang mapagpaimbabaw sa Islām kaya nagpapakita siya nito habang siya ay nagkukubli naman ng kawalang-pananampalataya. Ang sinumang naging nasa kanya ang isa sa mga kakanyahang ito, naging nasa kanya ang isang katangian ng pagpapaimbabaw hanggang sa mag-iwan siya nito.
Ayon kay Abē Wāqed Al-Hārith bin 'Awf -malugod si Allah sa kanya-Tunay na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-habang siya ay naka-upo sa loob ng Masjid,dumating sa kanya ang tatlong kalalakihan,lumapit ang dalawa sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at umalis ang isa.Tumayo ang dalawa sa Halaqah ng Sugo ni Allah -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- Ang isa kanila ay nakakita ng bakante sa Halaqah,kaya umupo siya rito,at ang ikalawa ay umupo sa likod nila,at ikatlo ay tumalikod at umalis.At nang matapos ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya:(( Gusto ba ninyong sabihin ko sa inyo ang tungkol sa tatlong kalalakihan?:Ang isa sa kanila ay umupo [upang makinig sa pag-aalaala] sa Allah,Kaya't ipinagkaloob ni Allah sa kanya [ Ang kainaman at gantimpala ng pag-upong ito], At ang iba naman ay nahiya, Kaya't Nahiya si Allah sa kanya,habang ang iba naman ay tumalikod, Kaya't tinalikuran din siya ni Allah))
Napagkaisahan ang katumpakanSa Hadith na ito,Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay naka-upo sa loob ng Masjid,habang kasama niya ang mga tao,Dumating ang tatlong kalalakihan,Lumapit ang dalawa sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at umalis ang isa.Tumayo ang dalawa sa Halaqah [lugar na pinagpupulungan] ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,Subalit ang isa sa kanila,ay nakakita ng bakanting lugar sa pinagpupulungan,at umupo siya rito.Ang Halaqah,ay mga lalaking naka-upo ng pabilog sa harap ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang ikalawa,ay umupo sa likod nila,at ang ikatlo ay bumalik at lumabas.At nang matapos ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pagsasalita niya-sa kinaroroonan niya.,Nagsabi siya sa kanyang mga kasamahan; Gusto ba ninyong sabihin ko sa inyo ang tungkol sa tatlong kalalakihan: Ang isa sa kanila ay umupo [upang makinig sa pag-aalaala] para sa Allah,kaya`t ipinagkaloob ni Allah sa kanya [Ang kainaman at gantimpala ng pag-upong ito].Ibig sabihin ay umupo siya sa bakanting lugar upang makinig ng pag-aalaala sa Allah,kaya`t ipinagkaloob ni Allah sa kanya,ang kainaman ng pinagpalang pagpupulong na ito,At ang ikalawa ay nahiya,kaya`t Nahiya si Allah sa kanya;Ibig sabihin ay,Pinili niya ang hindi makipagsisik-sikan,kaya umupo siya sa likod ng Halaqah,subalit hindi ipinagkait sa kanya ang mga pagpapala ng pagpupulong na ito,At ang iba ay tumalikod,kaya tinalikuran din siya ni Allah,Ibig sabihin ay umalis ng walang dahilan,kaya`t ipinagkait sa kanya ang mga pagpapala sa pagpupulong.
Nagsabi sa amin ng Sugo ni Allah-Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng dalawang Hadith,Nakita kona ang una nito at hinihintay ko nalang ang iba,Nagsabi siya sa amin na ang Tiwalang Lagak(Ama`nah) ay bababa sa ugat ng puso ng mga kalalakihan,pagkatapos ay ibinaba ang Qur-an at natoto sila mula sa Qur-an,at natoto din sila mula sa Sunnah,Pagkatapos ay nagsabi siya sa amin nang patungkol sa Tiwalang Lagak(Ama`nah),Ang sabi niya:((Matutulog ang lalaki nang mahimbing na pagtulog at kukunin ang Tiwalang Lagak(Ama`nah) sa puso nito,at mag-aanino ang epekto nito na tulad ng maliit na palatandaan na itim,pagkatapos ay matutulog siya ng mahimbing na tulog at kukunin ang Tiwalang Lagak(Ama`nah) sa puso nito,at mag-aanino ang epekto nito na tulad ng epekto ng tuldok na itim ,tulad ng uling na pinapadyakan niya sa paa mo at naglentog;makikita mo ito na lumalaki ngunit wala naman itong laman,)) Pagkatapos ay kumuha siya ng maliliit na bato at pinadyakan niya ito sa paa niya,(( At magigising ang mga tao sa umaga na nakikipag-pangakuan ngunit wala kahit na isa na tutupad ng Tiwalang Lagak(Ama`nah),hanggang sa sasabihin: Tunay na sa Tribo ni pulano ay may lalaking Mapagkatiwalaan,Hanggang sa sasabihin sa lalaki;,Npakataas ng layunin niya!,At Napakagaling niya magdala ng mga problima!,At Napakatalino niya! At ang nasa puso nito na katumbas ng bigat ng isang buto ng mustasa mula sa pananampalataya))At tunay na dumating sa akin ang panahon na hindi ko inisip kung sino sa inyo ang aking naka-pangakuan,Kung ito man ay Muslim,tunay na magugustuhan niya sa akin ang relihiyon nito,At kung ito man ay Kristyano O Hudyo,tunay na magugustuhan niya sa akin ang ginawa nito,Ngunit sa Araw na ito,Hindi -hindi na ako makikipag-pangakuan sa inyo maliban kay pulano at pulano))
Napagkaisahan ang katumpakanLinilinaw ng Hadith, na ang Tiwalang Lagak(Ama`nah),ay nawawala sa mga puso nang unti-unti.Kapag nawala ang unang bahagi nito,ay mawawala ang liwanag nito at sa likod nito ay dilim na parang maliit na palatandaan na itim at ito bagay na nakikita na may kakaibang kulay ng puso nito,At kapag nawala ang ilan sa iba nito, magiging parang tuldok na itim na mag-iiwan ng bakas,na hindi basta-basta matatanggal maliban sa paglipas ng matagal na panahon,.at ang dilim na ito,nasa ibabaw(pumapatong) sa una nito.Pagkatapos ay ihinalintulad ang unti-unting pagkatanggal nang liwanag na ito,pagkatapos nitong pumasok sa puso at lumabas pagkaraan nitong manatili dito,at ang pagsunod ng dilim dito,Na tulad ng uling,na pinapadyakan sa paa niya upang umepekto rito,pagkatapos ay matatanggal ang uling at matitira lamang ang lentog,at kukuha siya ulit ng maliit na bato,at papadyakan niya ito,nais nitong madagdagan ang pagka-pahayag at pagka-linaw.nito((At magigising ang mga tao sa umaga))pagkatapos nang pagtulog na kung saan ay tinanggal sa kanila rito ang Tiwalang Lagak(Ama`nah) ((sinusundan nila ngunit hindi nila magawa)) Ay;lumalapit ((isa)) sa kanila ((upang isagawa ang Tiwalang Lagak(Amanah) Dahil sa kainaman ng pagganap sa paggawa nito,((Hanggang sa sasabihin))Dahil sa Taas ng katangian na ito at pagiging Tanyag nang nagtatangi dito ((Tunay na sa Tribo ni pulano ay may lalaking Mapagkatiwalaan)) may katangian na Tiwalang Lagak(Ama`nah),((Hanggang sa sasabihin sa lalaki,Hanggang saan ang taas ng layunin niya)) sa Trabaho,((At papaano siya magdala ng mga problima)) mula sa mga problima at ((At gaano siya katalino)) Ay; gaano katindi ang atensiyon nito at gaano ito katalino,(( At ano ang nasa puso nito na katumbas ng bigat ng isang buto ng mustasa mula sa pananampalataya))Dahil sa kainaman ng Tiwalang Lagak(Amanah) na kung saan ito ay kabilang sa bahagi nito.((At tunay na dumating sa akin ang panahon na hindi ko inisip kung sino sa inyo ang aking naka-pangakuan))Ay;Hindi ko pinansin kung sino ang aking naka-pangakuan dahil sa pagkaka-alam ko na ang Tiwalang Lagak(Amanah) ay hindi maalis at tunay na sa mga Tao ay may pagtupad sa mga pangako,kayat ibinibigay ko ang Pag-papangako,sa sinumang makasalubong ko,na hindi na inaalam ang katayuan nito,kung maaasahan ba sa mga tao at mapagkakatiwalaan nila,((Ngunit sa araw na ito)) talagang nawala na ang Tiwalang Lagak(Amanah) maliban sa iilan lamang,kaya dahil dito ay sinabi niya:(( Hindi -hindi na ako makikipag-pangakuan sa inyo maliban kay pulano at pulano)) ibig sabihin ay;Isa-isa,na pinaka-kilala ko(buong pagkatao)sa inyo,at maaasahan sa kanila,Ang sabi ni Al-Karama`nie:Kapag sinabi kong ang pagkawala ng Tiwalang Lagak(Amanah) ay lumitaw sa kapanahunan ng Sugo ni Allah-Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya-Na ang isang lalaki ay nasa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Dumaan sa kanya ang isang lalaki,Nagsabi siya : O Sugo ni Allah,Tunay na iniibig ko [ang lalaking] iyan,Sinabi sa kanya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Ipinag-bigay alam moba ito sa kanya?)) Nagsabi siya: Hindi,Nagsabi siya [Ang Propeta]: ((Ipagbigay-alam mo ito sa kanya)),Nakasalubong niya ito at sinabi niya [sa kanya]:Tunay na iniibig kita para kay Allah,Nagsabi siya: Iniibig din kita dahil sa pag-ibig mo sa akin para sa Kanya.
Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadDumating ang Marangal na Hadith ng Propetang ito bilang pagtupad sa kautusan niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na dapat ay ipaalam ng isang tao sa kapatid niya kapag ito ay inibig niya,At naganap ang pag-uusap sa pagitan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalaagaan-at ni Anas-malugod si Allah sa kanya;Nang sabihin niya sa kanya:Tunay na iniibig ko ang lalaking iyan,Sinabi sa kanya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:"Ipinag-bigay alam moba ito sa kanya"Nagpapatunay ito na kabilang sa Sunnah,Kapag inibig ng isang Muslim ang isang tao na sabihin niya ito sa kanya na: Tunay na iniibig kita,ito ay dahil sa napapaloob sa mga salitang ito na nagbibigay ng pagmamahal sa puso niya;Sapagkat ang tao;kapag nalaman niya mula sa kapatid niya na siya ay iniibig niya,iibigin din niya ito,dahil ang mga puso ay mayroong pagkakakilala at paglalapit kahit ito ay hindi bigkasin ng mga dila.At tulad ng sinabi ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangaalagaan:Ang mga kaluluwa ay nakakalap ng mga sundalo,ang mga nagkaakakilaalaa dito nagmamahalan,at ang mga nasusuklam [sa bawat isa ] dito ay hindi nagkakasundo" Ngunit kapag sinabi ng isang tao sa pamamagitan ng dila niya;Tunay na ito nakakadagdag ng pagmamahal sa puso;Sasabihin niyang: Tunay na iniibig kita para kay Allah
Mula kay Abi Shuraih Khuwailid Bin Amr Alkhuza'i mula sa Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: ((Sinuman ang mananampalataya sa Allah at sa kabilang buhay ay bigyan niyang dangal ang kanyang bisita ang kanyang regalo ang sabi nila)): at ano ang kanyang regalo? Oh Sugo ni Allah, sabi Niya: ((ang araw niya at ang gabi niya, at ang pagbisita ay tatlong araw, kaya kung anuman ang sumobra doon iyon ay kawang gawa sa kanya)).
napagkaisahan ang katumpakan sa dalawang salaysay niyaAng hadith ni Abu Shuraih Alkhuza'i -kalugdan nawa siya ng Allah- ay nagsasaad ng pagbibigay dangal sa bisita at kanyang nayon, katotohanan naiulat mula sa kanya na ang Propeta -Sumakanya nawa ang kapayapaan- ay nagsabi: "Sinuman ang nananampalataya sa Allah at sa kabilang buhay ay bigyan niyang dangal ang kanyang bisita", at ito ay kabilang sa pag-uudyok patungkol sa pagbigal dangal sa bisita, ibig sabihin na ang pagbibigay dangal sa bisita ay mula sa tanda ng pananampalataya sa dakilang Allah at sa kabilang buhay, at tanda ng pagiging ganap na pananampalataya sa Allah at kabilang buhay. At ang mga bagay na maaaring maganap ang pagbibigay dangal sa kapwa: marangal na mukha, at mabuting salita, at pagpapakain sa loob ng tatlong araw, sa unang araw kung ano ang kanyang abot kaya at madali, at sa nalalabing araw ay kung ano meron na lang sa kanya na walang pagpapahirap, at para hindi pabigat sa kanyang sarili, at pagkaraan ng tatlong araw ay magiging kawang gawa na sa kanya kung kanyang nanaisin ay gawin niya at kung hindi ay huwag. Samantala ang kanyang sinabi: "bigyang dangal ang kanyang bisita ng regalo isang araw at isang gabi at ang pagbibisita ay tatlong araw" sabi ng mga Ulama' sa kahulugan ng regalo: pagpapahalaga sa bisita sa loob ng isang araw isang gabi, at pagmamalasakit sa kanya mula sa mga magaganda't mabubuting pakikitungo, samantala sa pangalawa't pangatlong araw ay pakakainin niya kung anong mayroon sa kanya at hindi niya pasobrahan sa kanyang kinagawian, subalit pagkalipas ng tatlong araw iyon ay kawang gawa at kabutihan kung nanaisin niya ay gawin niya at kung hindi ay iwanan niya. At sa salaysay ni Muslim "Hindi pwede sa kanya ang mamamalagi sa kanya hangga't siya ay makakamit ng kasalanan" Ibig niyang sabihin: hindi pinahintulutan sa isang bisita mamamalagi sa kanya lagpas ng tatlong araw hangga't sa siya ay madadala sa kasalanan; sa pagkat maaaring sisiraan siya ng puri sa haba ng kanyang pamamalagi, o babatuhin siya ng kung anu-anong bagay na maaring makakasakit s kanya, o paghinalaan siya ng di kaaya-aya, at ang lahat ng ito ay dala ng pamamalagi niya ng mahigit tatlong araw na walang paanyaya mula sa nag-imbita. At ang mga bagay na dapat alamin na ang pagbibigay dangal sa bisita ay magkakaiba ayon sa sitwasyon ng bisita, mayroon sa mga tao kabilang sa mga bantog at respetadong tao, kaya bigyan siya ng dangal na nababagay sa kanya, at mayroong mga tao na nasa kalagitnaang antas kaya bigyan siyang dangal na nababagay sa kanya, at mayroon sa kanila ay mababang antas.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanyaHadith na Marfu: Sinabi sa kanya: O Sugo ni Allah,Sino ang pinakamarangal sa mga tao?Nagsabi siya:Ang may pinakamalaking takot sa kanila,Ang sabi nila: Hindi tungkol diyan ang itinatanong namin,Nagsabi siya: (( Si Yusof na Propeta ni Allah,na anak ng Propeta ni Allah,at anak ng Propeta ni Allah,na anak ng Kaibigan ni Allah)),Ang sabi nila: Hindi tungkol diyan ang itinatanong namin,Nagsabi siya:(( Sa mga Tribo ba ng Arabo ang inyong itinatanong sa akin? Ang pinakamainam sa kanila sa [panahon ng] Kamang-mangan,ay ang pinakamainam sa kanila sa Islam kapag nagkaroon sila ng kaalaman))
Napagkaisahan ang katumpakanSa Hadith,Tunay na ang pinakamarangal sa mga tao pagdating sa pamilya,Tribo,at Ninuno,sila yaong pinakamainam sa panahon ng Kamang-mangan,Ngunit sa isang kondisyon,kapag sila ay nagkaroon ng kaalaman,Halimbawa: Angkan ng Hashim,Kabilang sa napag-alaman,sila ang pinakamainam sa [Tribo ng] Quraysh sa Islam, Ngunit sa kondisyong kapag nagkaroon sila ng kaalaman sa Relihiyon ni Allah,at kapag natutunan nila ang mga Panuntunan nito,Kapag hindi nila nakamit ang kaalaman sa Relihiyon,Tunay na ang karangalan ng Pamilya ay hindi magiging pamagitan sa nagmamay-ari nito,kahit na mataas ang pamilya nito at kabilang sa pinakamainam sa mga Arabo pagdating sa Pamilya at Tribo,Tunay na hindi siya kabilang sa pinakamarangal na nilikha ,para kay Allah,at hindi kabilang sa pinakamainam na nilikha.Gayunpaman ,ang tao nagiging marangal dahil sa pamilya niya ngunit sa kondisyong [Magtataglay] ng kaalaman sa Relihiyon.
Ayon kay `Abdullāh bin Mugaffal, malugod si Allah sa kanya.Nagsabi siya:Ipinagbabawal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang Tirador,At nagsabi siya: ((Ito ay hindi nakakapatay ng hayop,at hindi nakakapagtanggol [laban]sa kalaban,at ito ay nakakapagtanggal ng mata,at nakakaputol ng ngipin)) At sa isang salaysay:Tunay na ang kamag-anak ni Ibn Mugaffal ay gumamit ng Tirador,pinagbawalan niya ito,at sinabi niya na: Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagbawal sa [paggamit] ng Tirador,At nagsabi siya:(Ito ay hindi nakakahuli ng hayop)) Pagkatapos ay umulit siya,Nagsabi siya:Sinabi ko sa iyo na ang Sugo ni Allah ay ipinagbawal niya ito,pagkatapos ay bumalik kapa sa paggamit ng Tirador!? Hindi na kita kakausapin kailanman.
Napagkaisahan ang katumpakanIpinapaalm ni `Abdullah bin Mugaffal-malugod si Allah sa kanya- Na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagbawal sa paggamit ng Tirador,At nagsabi siya:( Ito ay hindi nakakapatay ng hayop) at sa isang salaysay:(Ito ay hindi nakakahuli ng hayop)(at hindi nakakapagtanggol [laban]sa kalaban,at ito ay nakakapagtanggal ng mata,at nakakaputol) At ang paggamit ng Tirador;Nagsabi ang mga may kaalaman:Ang paglagay ng tao sa maliit na bato sa pagitan ng hintuturo niyang kanan at hintuturo niyang kaliwa o sa pagitan ng hintuturo at hinlalaki,ilalagay niya sa hinlalaki ang maliit na bato na hihilain ng hintuturo;O ilalagay niya sa hintuturo at hihilain ito ng hinlalaki,At tunay na ipinagbawal ito ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ipinaliwang niya ang dahilan nito;na ito ay nakakapagtanggal ng mata at nakakaputol ng ngipin kapag nakatama ito,(At hindi ito nakakahuli ng hayop) dahil wala sa kanya ang lakas,(At hindi nakakapagtanggol laban sa kalaban) ibig sabihin ay hindi nakakapagbigay panangga sa kalaban;sapagkat sa kalaban,ang nakakapagtanggol laban sa kanila ay sa [paggamit] ng palaso,at hindi sa maliit na bato na ito.Pagkatapos ang isa sa kamag-anak niya ay lumabas gamit ang Tirador,pinagbawalan niya ito sa paggamit ng Tirador at sinabi niya na ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagbawal sa paggamit ng Tirador,Pagkatapos ay nakita niya ito ulit na gumagamit ng Tirador ,Ang sabi niya sa kanya: Sinabi ko sa iyo na ang Sugo ni Allah ay ipinagbawal niya ang paggamit ng Tirador,pagkatapos ay gumagamiot ka parin ng Tirador? Hindi na kita kakausapin kailanman.) Lumikas siya sa kanya;dahil sinuway niya ang ipinagbawal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, hindi papanaw ang Mundo hanggang sa maparaan ang lalaki sa isang puntod at magpapagulong-gulong sa ibabaw nito at magsasabi: "O kung sana ako ay nasa kinalalagyan ng nakalibing sa puntod na ito." Wala siyang [dahilan mula sa] relihiyon; wala siyang [dahilan] kundi ang kasawian."
Napagkaisahan ang katumpakanIpinababatid sa atin ng Marangal na Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na sa huling panahon ay mapararaan ang lalaki sa isang puntod ng tao at magpapagulong-gulong siya sa alabok nito. Nanaisin niya na malagay roon dahil sa dumapo sa kanya na mga paghihirap sa mundo at dahil sa dami ng mga tukso at mga pagsubok. Mimithiin niya iyon dahil ang patay ay nakapahinga na sa pahirap ng Mundo at pasakit nito. Hindi nasaad sa hadith ang pagmimithi ng kamatayan. Ito ay pagpapabatid lamang hinggil sa mangyayari sa huling panahon.