





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Maṭar bin `Ukāmis (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag nagtadhana si Allāh para sa isang lingkod na mamatay ito sa isang lupain, gagawa Siya para rito ng isang pangangailangan doon."}
Nagsalaysay nito si Imām At-TirmidhīyNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh, kapag nagtadhana Siya at nagtakda Siya para sa isang lingkod na mamatay sa isang lupain samantalang ito ay hindi naroroon, ay gagawa para rito ng isang pangangailangan doon, kaya pupunta ito roon saka kukunin ang kaluluwa nito roon.
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Habang kami ay nakaupo kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa masjid, may pumasok na isang lalaki lulan ng isang kamelyo saka nagpaluhod ito niyon sa masjid, pagkatapos nagtali ito niyon. Pagkatapos nagsabi ito sa kanila: "Alin sa inyo si Muḥammad?" Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakasandal sa piling nila. Nagsabi kami: "Itong puting lalaking nakasandal." Kaya nagsabi sa kanya ang lalaki: "O anak ni `Abdulmuṭṭalib." Kaya nagsabi naman dito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sumagot nga ako sa iyo." Kaya nagsabi ang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ako ay magtatanong sa iyo saka magpapatindi sa iyo sa pagtatanong, kaya naman huwag kang mainis sa akin sa sarili mo." Kaya nagsabi siya: "Magtanong ka ng lumitaw sa iyo." Kaya nagsabi ito: "Magtatanong ako sa iyo, sumpa man sa Panginoon mo at Panginoon ng bago mo. Si Allāh ba ay nagsugo sa iyo sa mga tao sa kabuuan nila?" Nagsabi naman siya: "O Allāh, oo." Nagsabi ito: "Nakikiusap ako sa iyo, sumpa man kay Allāh. Si Allāh ba ay nag-utos sa iyo na magdasal tayo ng limang dasal sa araw at gabi?" Nagsabi naman siya: "O Allāh, oo." Nagsabi ito: "Nakikiusap ako sa iyo, sumpa man kay Allāh. Si Allāh ba ay nag-utos sa iyo na mag-ayuno tayo sa buwang ito ng taon?" Nagsabi naman siya: "O Allāh, oo." Nagsabi ito: "Nakikiusap ako sa iyo, sumpa man kay Allāh. Si Allāh ba ay nag-utos sa iyo na kumuha tayo ng kawanggawang ito mula sa mga mayaman natin para maghati ka nito sa mga maralita natin?" Nagsabi naman siya: "O Allāh, oo." Kaya nagsabi ang lalaki: "Sumampalataya ako sa anumang inihatid mo. Ako ay isang sugo mula sa likuran ko mula sa mga kababayan ko. Ako ay si Ḍimām bin Tha`labah na kapatid ng angkan ni Sa`d bin Bakr."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid si Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): Habang ang mga Kasamahan ay nakaupo kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa masjid, biglang may pumasok na isang lalaki lulan ng isang kamelyo saka nagpaluhod ito niyon, pagkatapos nagtali ito niyon. Pagkatapos nagtanong ito sa kanila: Alin sa inyo si Muḥammad? Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakasandal sa piling ng mga tao. Kaya nagsabi kami: "Itong puting lalaking nakasandal." Kaya nagsabi sa kanya ang lalaki: "O anak ni `Abdulmuṭṭalib." Kaya nagsabi dito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nakarinig ako sa iyo; kaya magtanong ka, sasagot ako sa iyo." Kaya nagsabi ang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ako ay magtatanong sa iyo saka magpapatindi sa iyo sa pagtatanong, kaya naman huwag kang mainis sa akin sa sarili mo." Ibig sabihin: Huwag kang magalit sa akin at huwag kang dapuan ng paninikip. Kaya nagsabi siya: "Magtanong ka ng ninanais mo." Kaya nagsabi ito: "Magtatanong ako sa iyo, sumpa man sa Panginoon mo at Panginoon ng bago mo. Si Allāh ba ay nagsugo sa iyo sa mga tao?" Kaya nagsabi siya: "O Allāh, oo," bilang pagbibigay-diin sa katapatan niya. Nagsabi ang lalaki: "Nakikiusap ako sa iyo, sumpa man kay Allāh," ibig sabihin: Humihiling ako sa iyo, sumpa man kay Allāh, "Si Allāh ba ay nag-utos sa iyo na magdasal tayo ng limang dasal sa araw at gabi?" Ang mga ito ay ang mga ṣalāh na isinatungkulin. Nagsabi naman siya: "O Allāh, oo." Nagsabi ito: "Nakikiusap ako sa iyo, sumpa man kay Allāh. Si Allāh ba ay nag-utos sa iyo na mag-ayuno tayo sa buwang ito ng taon?" Ibig sabihin: sa buwan ng Ramaḍān. Nagsabi naman siya: "O Allāh, oo." Nagsabi ito: "Nakikiusap ako sa iyo, sumpa man kay Allāh. Si Allāh ba ay nag-utos sa iyo na kumuha tayo ng kawanggawang ito mula sa mga mayaman natin para maghati ka nito sa mga maralita natin?" Ito ay ang zakāh. Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Allāh, oo." Kaya umanib sa Islām si Ḍimām at nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay mag-aanyaya sa lipi niya tungo sa Islām. Pagkatapos nagpakilala siya ng sarili niya na siya ay si Ḍimām bin Tha`labah mula sa lipi ni Sa`d bin Bakr.
Ayon kay Ziyād bin Labīd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Bumanggit ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang bagay saka nagsabi: "Iyan ay sa sandali ng mga panahon ng pag-alis ng kaalaman." Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, at papaano po aalis ang kaalaman samantalang kami ay bumibigkas ng Qur'ān at nagpapabigkas nito sa mga anak namin at magpapabigkas nito ang mga anak namin sa mga anak nila hanggang sa Araw ng Pagbangon?" Nagsabi siya: "Mangulila nawa sa iyo ang ina mo, O Ziyād! Tunay na ako dati ay talagang nagtuturing sa iyo na kabilang sa pinakamapag-unawang lalaki sa Madīnah. Hindi ba ang mga Hudyo at ang mga Kristiyanong ito ay nagbabasa ng Torah at Ebanghelyo, na hindi naman sila gumagawa ayon sa anuman mula sa nasaad sa dalawang ito?"}
Nagsalaysay nito si Imām Ibnu MājahAng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakaupo sa piling ng mga Kasamahan niya saka nagsabi siya: "Iyan ay ang oras na papawiin at aalisin diyan ang kaalaman mula sa mga tao." Kaya nagulat si Ziyād bin Labīd Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya) at nagtanong ito sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagsabi ito: "Papaanong papawiin ang kaalaman at iwawala mula sa amin samantalang bumigkas nga kami ng Qur'ān at nagsaulo kami nito; saka sumpa man kay Allāh, talagang bumibigkas nga kami nito at talagang nagpapabigkas nga kami nito sa mga kababaihan namin, mga anak namin, at mga anak ng mga anak namin?" Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang nagugulat: "Manabik nawa sa iyo ang ina mo, O Ziyād! Tunay na ako dati ay talagang nagtuturing sa iyo na kabilang sa mga maalam ng mga mamamayan ng Madīnah." Pagkatapos naglinaw rito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pagkawala ng kaalaman ay hindi sa pagkawala ng Qur'ān, subalit ang pagkawala ng kaalaman ay dahil sa pagkawala ng paggawa ayon dito. Itong Torah at Ebanghelyo sa piling ng mga Hudyo at mga Kristiyano, sa kabila niyon, ay hindi nagpakinabang sa kanila. Hindi sila nakahango ng katuturan mula sa pinapakay ng mga ito, ang paggawa ayon sa nalaman nila.
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Pinababa sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) [ang kasi] noong siya ay apatnapung taong gulang, saka nanatili siya sa Makkah nang labintatlong taon. Pagkatapos ipinag-utos sa kanya ang paglikas kaya lumikas siya sa Madīnah, saka nanatili siya roon nang sampung taon. Pagkatapos pinapanaw siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid si Ibnu `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na: "Ang kasi (pagsisiwalat) ay pinababa sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ipinadala noong ang edad niya ay apatnapung taon saka nanatili siya sa Makkah nang labintatlong taon matapos ng pagkasi. Pagkatapos ipinag-utos sa kanya ang paglikas sa Madīnah at nanatili siya roon nang sampung taon. Pagkatapos pinapanaw siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) noong ang edad niya ay animnapu't tatlong taon.
Ayon kay Qatādah (kaawaan siya ni Allāh) na nagsabi: {Nagsanaysay sa amin si Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na may isang lalaking nagsabi: "O Propeta ni Allāh, papaano pong bubuhayin ang tagatangging sumampalataya [nang naglalakad] sa mukha niya?" Nagsabi siya: "Hindi ba ang nagpalakad sa kanya sa dalawang paa sa Mundo ay nakakakaya na magpalakad sa kanya sa mukha niya sa Araw ng Pagbangon?"} Nagsabi si Qatādah: "Siya nga, sumpa man sa kapangyarihan ng Panginoon natin."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoTinanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): Papaanong bubuhayin ang tagatangging sumampalataya [nang naglalakad] sa mukha niya sa Araw ng Pagbangon? Kaya naman nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ba si Allāh na nagpalakad sa kanya sa dalawang paa sa Mundo ay nakakakaya na magpalakad sa kanya sa mukha niya sa Araw ng Pagbangon?" Si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa tiyuhin niya: "Magsabi ka na walang Diyos kundi si Allāh, sasaksi ako para sa iyo sa pamamagitan niyan sa Araw ng Pagbangon." Nagsabi ito: "Kung sakaling hindi mamintas sa akin ang Quraysh, na magsasabi: 'Nagtulak lamang sa kanya roon ang pagkaligalig,' ay talagang magpapagalak ako sa pamamagitan niyan sa mata mo." Kaya nagpababa si Allāh (Qur'ān 28:56): {Tunay na ikaw ay hindi pumapatnubay sa sinumang inibig mo, subalit si Allāh ay pumapatnubay sa sinumang niloloob Niya.}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimHiniling ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) sa tiyuhin nito na si Abū Ṭālib, noong siya ay nasa mga hapdi ng kamatayan, na bigkasin niya na walang Diyos kundi si Allāh, upang mamagitan ito para sa kanya sa pamamagitan niyon sa Araw ng Pagbangon at sumaksi ito para sa kanya ng pagkaanib sa Islām, ngunit umayaw siya na bumigkas ng pagsaksi dala ng pangamba na mang-alipusta sa kanya ang liping Quraysh at magsabi ito tungkol sa kanya: "Tunay na siya ay umanib sa Islām dahilan sa pangamba sa kamatayan at kahinaan." Kaya nagsabi siya sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan): "Kung hindi dahil sa pagpintas na iyon, talaga sanang nagpapasok ako ng galak sa puso mo sa pagsabi ng pagsasaksi at nagpaabot ako sa iyo sa mithi mo nang sa gayon malugod ka!" Kaya pinababa ni Allāh (napakataas Siya) ang āyah na nagpapatunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nagmamay-ari ng kapatnubayan sa pagtutuon sa Islām, bagkus si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) – tanging Siya – ay nagtutuon sa tama sa sinumang niloloob Niya, at na ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) ay nagpapatnubay sa nilikha sa pamamagitan ng pagtuturo, paglilinaw, paggabay, at pag-aanyaya tungo sa landasing tuwid.
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakapansin ng pagkawala ni Thābit bin Qays kaya may nagsabing isang lalaki: "O Sugo ni Allāh, ako ay mag-aalam para sa iyo ng kaalaman sa kanya." Kaya pumunta ito roon, saka nakatagpo ito roon habang nakaupo sa bahay niyon habang nagyuyuko ng ulo niyon. Kaya nagsabi ito roon: "Ano ang nangyari sa iyo?" Kaya naman nagsabi iyon: "Kasamaan." Iyon noon ay nagtataas ng tinig niyon higit sa tinig ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nawalang-kabuluhan ang gawa niyon at iyon ay kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno. Pumunta ang lalaki [sa Propeta] at nagpabatid sa kanya ito na iyon ay nagsabi ng ganito at ganoon. Saka [sinabing] bumalik ito roon sa ibang pagkakataon kalakip ng isang dakilang nakagagalak na balita sapagkat nagsabi siya: "Pumunta ka sa kanya saka magsabi ka sa kanya: Tunay na ikaw ay hindi kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno, bagkus kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNakapansin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagkawala ni Thābit bin Qays (malugod si Allāh sa kanya) at nagtanong siya tungkol doon, kaya may nagsabing isang lalaki: "Ako ay makatatagpo para sa iyo ng balita sa kanya at kadahilanan ng pagpapakaliban niya." Kaya pumunta ito roon, saka nakatagpo ito roon na malungkot na nagtutungo ng ulo niyon sa bahay niyon. Kaya nagsabi ito roon: "Ano ang nangyari sa iyo?" Kaya naman nagpabatid dito si Thābit ng dinaranas niya na kasamaan dahil siya noon ay nagtataas ng tinig niya higit sa tinig ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) samantalang nagbanta na si Allāh laban sa paggawa niyon ng pagkawalang-kabuluhan ng gawa niya at na siya ay magiging kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno. Kaya bumalik ang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nagpabatid sa kanya hinggil doon. Nag-utos naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na bumalik ito kay Thābit at magbalita ng nakagagalak doon na iyon ay hindi kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno, bagkus kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso. Iyan ay dahil ang tinig niyon ay mataas dala ng kalikasan at dahil iyon ay mananalumpati ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mananalumpati ng mga Tagaadya.
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Siya ay nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Kapag nakarinig kayo ng [adhān ng] mu'adhdhin, magsabi kayo ng tulad ng sinasabi niya. Pagkatapos dumalangin kayo ng basbas para sa akin sapagkat tunay na ang sinumang dumalangin para sa akin ng isang basbas, magbabasbas si Allāh sa kanya dahil doon ng sampung [basbas]. Pagkatapos hilingin ninyo kay Allāh para sa akin ang Kaparaanan sapagkat tunay na ito ay isang katayuan sa Paraiso, na hindi nararapat kundi para sa isang lingkod kabilang sa mga lingkod ni Allāh. Umaasa ako na ako ay maging siya; sapagkat ang sinumang humiling para sa akin ng Kaparaanan, mauukol para sa kanya ang Pamamagitan."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimGumabay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nakarinig sa mu'adhdhin para sa ṣalāh, na mag-ulit-ulit siya matapos nito, kaya magsasabi siya ng tulad sa sabi nito, maliban sa dalawang "Ḥayya" sapagkat tunay na siya ay magsasabi, matapos ng dalawang ito, ng: "Lā ḥawla walā qūwata illā bi-llāh (Walang pagpapakilos at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh)." Pagkatapos dadalangin siya para sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ng basbas matapos kaagad ng pagwawakas ng adhān sapagkat tunay na ang sinumang dumalangin para sa kanya ng iisang basbas ay magbabasbas si Allāh sa kanya dahilan doon ng sampung basbas. Ang kahulugan ng basbas ni Allāh sa lingkod Niya ay ang pagpapapuri Niya sa lingkod sa piling ng mga anghel. Pagkatapos nag-utos ang Propeta na hilingin kay Allāh ang Kaparaanan para sa kanya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na isang katayuan sa Paraiso, na siyang pinakamataas doon. Hindi naaangkop at hindi nagiging madali ang katayuang iyon kundi para sa iisang lingkod mula sa lahat ng mga lingkod ni Allāh. Nagsabi siya: "Umaasa ako na ako ay maging siya mismo." Nagsabi lamang siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) niyon bilang pagpapakumbaba dahil kapag ang mataas na katayuang iyon ay hindi nagiging ukol kundi sa iisa, ang iisang iyon ay walang iba kundi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil siya ay ang pinakamainam na nilikha. Pagkatapos naglinaw ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang dumalangin ng pagtamo ng Kaparaanan para sa kanya, matatamo para sa kanya ang Pamamagitan ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan).
Ayon kay `Uthmān bin Abī Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na ang demonyo ay humarang nga sa pagitan ko at ng ṣalāh ko at pagbigkas ko, habang nagpapatuliro nito sa akin." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Iyan ay demonyong tinatawag na Khinzab. Kaya kapag nakadama ka sa kanya, magpakamapagpakupkop ka kay Allāh laban sa kanya at lumura ka sa kaliwa mo nang tatlong ulit." Nagsabi ito: "Kaya gumawa ako niyon saka nag-alis niyon si Allāh sa akin."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimPumunta si `Uthmān bin Abī Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanya) sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na ang demonyo ay bumalakid nga sa pagitan ko at ng ṣalāh ko, nagkait nga sa akin ng kataimtiman dito, nagpalito nga sa akin sa pagbigkas ko, at nagpaduda nga sa akin dito." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Iyan ay demonyong tinatawag na Khinzab. Kaya kapag nakadama ka sa kanya, mangunyapit ka kay Allāh, manalangin ka kay Allāh ng pagkupkop laban diyan, at umihip ka sa kaliwa mo kasama ng kaunting laway nang tatlong ulit." Nagsabi si `Uthmān: "Kaya ginawa ko ang ipinag-utos sa akin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka inalis iyon ni Allāh sa akin."