





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, talagang mapalalapit nga na bumaba sa inyo ang Anak ni Maria bilang tagahatol na nagpapakamakatarungan para bumasag ng krus, pumatay ng baboy, mag-alis ng jizyah, at mag-umapaw ang yaman hanggang sa walang tumanggap nito na isa man."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoSumusumpa ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagkalapit ng pagbaba ni Jesus na anak na Maria (sumakanya ang pangangalaga) upang humatol sa pagitan ng mga tao ayon sa katarungan sa pamamagitan ng Palabatasan ni Muḥammad. Si Jesus ay babasag ng krus na dinadakila ng mga Kristiyano. Si Jesus (sumakanya ang pangangalaga) ay papatay ng baboy. Si Jesus (sumakanya ang pangangalaga) ay mag-aalis ng jizyah at magdadala sa mga tao sa kalahatan nila sa pagpasok sa Islām. Ang salapi ay mananagana kaya hindi ito tatanggapin ng isa man. Iyon ay dahil sa dami nito, pagkakasya ng bawat isa sa nasa mga kamay niya, pagbaba ng mga pagpapala, at pagsusunuran ng mga kasaganaan.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi sasapit ang Huling Sandali hanggang sa magkalapitan ang panahon para ang isang taon ay maging gaya ng isang buwan, ang isang buwan ay maging gaya ng isang linggo, ang isang linggo ay maging gaya ng isang araw, ang isang araw ay maging gaya ng isang oras, at ang isang oras ay maging gaya [ng bilis] ng pagkasunog ng dahon ng datiles."}
Nagsalaysay nito si Imām AḥmadNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kabilang sa mga palatandaan ng Huling Sandali ang paglapitan ng panahon. sapagkat lilipas ang isang taon gaya ng paglipas ng isang buwan; lilipas ang isang buwan gaya ng paglipas ng isang linggo; lilipas ang isang linggo gaya ng paglipas ng isang araw; lilipas ang isang araw gaya ng paglipas ng isang oras; at lilipas ang isang oras sa isang matinding bilis gaya ng pagkasunog ng palapa, na dahon ng punong datiles.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Dadakutin ni Allāh ang lupa at tutupiin Niya ang mga langit sa kanang kamay Niya. Pagkatapos magsasabi Siya: Ako ang Hari. Nasaan ang mga hari ng lupa?"}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakataas Siya) sa Araw ng Pagbangon ay dadaklot sa lupa at magtitipon nito, magtutupi ng langit sa kanang kamay Niya, magbabalot ng isang bahagi nito sa ibabaw ng isang bahagi, mag-aalis nito, at pupuksa rito. Pagkatapos magsasabi Siya: "Ako ang Hari. Nasaan ang mga hari ng lupa?"}
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang Tubigan ko ay layo ng isang buwang paglalakbay. Ang tubig nito ay higit na puti kaysa sa gatas. Ang amoy nito ay higit na kaaya-aya kaysa sa musk. Ang mga panalok nito ay gaya ng mga bituin ng langit. Ang sinumang uminom mula rito ay hindi mauuhaw magpakailanman."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na mayroon siyang isang tubigan sa Araw ng Pagbangon, na ang haba nito ay layo ng isang buwang paglalakbay at ang luwang nito ay gayon din; na ang tubig nito ay higit na matindi sa kaputian kaysa sa gatas; na ang amoy nito ay busilak na higit na kaaya-aya kaysa sa halimuyak ng musk, Ang mga pitsel nito ay tulad ng mga bituin ng langit sa dami ng mga ito. Ang sinumang uminom sa Tubigan sa pamamagitan ng mga pitsel na iyon ay hindi mauuhaw magpakailanman.
Ayon kay Asmā' bint Abī Bakr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ako ay nasa tabi ng Tubigan nang sa gayon makatingin ako sa sinumang pumupunta sa akin kabilang sa inyo. May kukunin na mga tao sa tabi ko kaya magsasabi ako: 'O Panginoon ko, kabilang sa akin at kabilang sa Kalipunan ko iyan.' Kaya sasabihin: 'Nakaramdam ka kaya sa ginawa nila matapos mo? Sumpa man kay Allāh, hindi sila huminto na bumabalik sa mga pinagdaanan nila.'"}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya sa Araw ng Pagbangon ay magiging nasa tabi ng Tubigan niya upang tumingin sa sinumang pupunta kabilang sa Kalipunan niya sa Tubigan. May kukunin na mga taong nasa kalapitan mula sa Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) kaya magsasabi siya: "O Panginoon ko, kabilang sa akin at kabilang sa Kalipunan ko iyan." Kaya sasabihin: "Nakaalam ka kaya sa ginawa nila matapos ng pakikipaghiwalay nila sa iyo? Sumpa man kay Allāh, hindi sila tumigil na bumabalik sa mga tinalikuran nila at tumatalikod sila sa relihiyon nila kaya hindi sila kabilang sa iyo at hindi kabilang sa Kalipunan mo."
Ayon kay Abū Dharr na nagsabi: {Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, ang lalagyan ng Tubigan?" Nagsabi siya: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Muḥammad ay nasa kamay Niya, talagang ang lalagyan niyon ay higit na marami kaysa sa bilang ng mga bituin ng langit at ng mga tala nito. Lumilitaw iyon sa gabing nagpapadilim na maaliwalas. Mga lalagyan ng Paraiso, ang sinumang nakainom mula roon ay hindi na mauuhaw hanggang sa kahuli-hulihan [ng uhaw] sa kanya. May umaagos doon na dalawang daluyan mula sa Paraiso. Ang sinumang nakainom mula roon ay hindi mauuhaw. Ang luwang niyon ay tulad ng haba niyon na [layong] nasa pagitan ng `Ammān hanggang sa Aylah. Ang tubig niyon ay higit na matindi sa kaputian kaysa sa gatas at higit na matamis kaysa sa pulut-pukyutan."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimSumumpa ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga lalagyan ng Tubigan niya sa Araw ng Pagbangon ay higit na marami kaysa sa bilang ng mga bituin at mga tala ng langit. Iyon ay lumilitaw sa gabing nagpapadilim na walang buwan doon dahil ang gabing may buwan ay hindi nagiging maliwanag doon ang mga bituin dahil sa pagliliwanag dito ng tanglaw ng buwan, at walang ulap doon dahil ang pagkakaroon ng ulap ay pumipigil sa pagkakita ng mga bituin. Ang mga lalagyan ng Paraiso. Ang sinumang uminom sa inumin na naroon ay hindi mauuhaw magpakailanman. Iyon ay magiging kahuli-hulihan sa daranasing uhaw ng umiinom. Ang Tubigan niya ay inaagusan ng dalawang daluyan mula sa Paraiso at ang luwang nito ay tulad ng haba nito. Ang Tubigan ay magkakapantay ang mga gilid; ang haba nito ay katumbas ng sukat ng layo na nasa pagitan ng `Ammān, na isang bayan sa Balqā' ng Shām, hanggang sa Aylah, na isang kilalang lungsod sa gilid ng Shām. Ang tubig ng Tubigan ay higit na matindi sa kaputian kaysa sa gatas at ang lasa nito ay higit na matamis kaysa sa lasa ng pulut-pukyutan.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang apoy ninyo ay isang bahagi mula sa pitumpung bahagi ng apoy ng Impiyerno." Sinabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na ito ay naging talagang nakasasapat." Nagsabi siya: "Pinalamang iyon higit sa mga iyan ng animanpu't siyam na bahagi, na ang bawat isa sa mga iyan ay tulad ng init nito."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang apoy ng Mundo ay isang bahagi mula sa pitumpung bahagi ng apoy ng Impiyerno. Ang apoy ng Kabilang-buhay ay nakahihigit ang lakas ng kainitan nito sa kainitan ng apoy ng Mundo ng animnapu't siyam na bahagi, na ang bawat bahagi mula rito ay nakatutumbas sa kainitan ng apoy ng Mundo. Kaya sasabihin: "O Sugo ni Allāh, tunay na ang apoy ng Mundo ay nakasasapat para sa pagdudulot ng pagdurusa sa mga papasok doon." Kaya nagsabi siya: "Nakalamang ang apoy ng Impiyerno sa apoy ng Mundo ng animanpu't siyam na ulit, na ang bawat isa rito ay tulad niyon sa tindi ng init."
Ayon kay `Abdullāh Bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): {Nagsanaysay sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) – at siya ang nagtototoo at ang pinatotohanan: "Tunay na ang paglikha sa [bawat] isa sa inyo ay tinitipon sa tiyan ng ina niya nang apatnapung araw at apatnapung gabi. Pagkatapos siya ay magiging isang malalinta [sa yugtong] tulad niyon. Pagkatapos siya ay magiging isang kimpal na laman [sa yugtong] tulad niyon. Pagkatapos ipadadala sa kanya ang anghel saka papayagan ito ng apat na pangungusap [ng pagtatakda], kaya magsusulat ito ng panustos sa kanya, taning niya, gawain niya, at pagiging miserable o maligaya. Pagkatapos iihip ito sa kanya ng espiritu. Tunay na ang [bawat] isa sa inyo ay talagang gagawa ayon sa gawain ng mga maninirahan sa Paraiso hanggang sa walang maging nasa pagitan nito at niya kundi isang siko, ngunit makauuna naman sa kanya ang nakasulat, kaya gagawa siya ayon sa gawain ng mga maninirahan sa Impiyerno, kaya papasok siya sa Impiyerno. Tunay na ang [bawat] isa sa inyo ay talagang gagawa ayon sa gawain ng mga maninirahan sa Impiyerno hanggang sa walang maging nasa pagitan nito at niya kundi isang siko, ngunit makauuna sa kanya ang nakasulat, kaya gagawa siya ayon sa gawain ng mga maninirahan sa Paraiso kaya papasok siya roon."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagsabi si Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): Nagsanaysay sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) – at siya ang nagtototoo at ang pinatotohanan – yayamang nagpatotoo sa kanya si Allāh (napakataas Siya). Nagsabi siya: "Tunay na ang [bawat] isa sa inyo ay tinitipon ang paglikha sa kanya." Iyon ay dahil ang lalaki, kapag nakipagtalik sa maybahay niya, ang nagkahiwa-hiwalay na punlay niya ay tinitipon sa tiyan ng babae nang apatnapung araw bilang isang patak. Pagkatapos siya ay magiging isang malalinta. Ito ay ang dugong malapot na namuo. Ito ay sa ikalawang apatnapung araw. Pagkatapos siya ay magiging isang kimpal na laman. Ito ay isang piraso ng laman na kasing laki na nangunguya. Ito ay sa ikatlong apatnapung araw. Pagkatapos isusugo ni Allāh sa kanya ang anghel, saka mag-iihip ito sa kanya ng espiritu matapos ng pagwawakas ng ikatlong apatnapung araw. Uutusan ang anghel na magsulat ng apat na pangungusap. Ang mga ito ay ang panustos sa kanya, ang sukat ng tatamuhin niya na mga biyaya sa buhay niya; ang taning niya, ang haba ng pamamalagi niya sa Mundo; ang gawain niya, kung ano ito; at ang pagiging miserable o maligaya. Pagkatapos sumumpa ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang isa ay talagang gumagawa ayon sa gawain ng mga maninirahan sa Paraiso at ang gawain niya ay nagiging maayos, ibig sabihin: sa lumilitaw sa mga tao. Nananatili siyang gayon hanggang sa walang maging nasa pagitan niya at ng Paraiso kundi [distansiyang] isang siko. Ibig sabihin: Walang natitira sa pagitan niya at ng pag-abot niya roon kundi gaya ng sinumang ang natira sa pagitan nito at ng isang lugar sa lupa ay [distansiyang] isang siko, ngunit mananaig sa kanya ang nakasulat at ang itinakda sa kanya. Kaya sa sandaling iyon gagawa siya ng gawain ng mga maninirahan sa Impiyerno saka magpapawakas para sa kanya rito kaya papasok siya sa Impiyerno. dahil ang kundisyon ng pagtanggap sa gawain niya ay magpakatatag siya rito at hindi magpalit. May iba naman sa mga tao na gagawa ng mga gawain ng mga maninirahan sa Impiyerno hanggang sa nalapit siya sa pagpasok doon. Para bang sa pagitan niya at ng Impiyerno ay distansiya ng isang siko sa lupa, ngunit mananaig sa kanya ang nakasulat at ang itinakda sa kanya kaya gagawa siya ng gawain ng mga maninirahan sa Paraiso at papasok siya sa Paraiso.
Ayon kay Ṭāwus na nagsabi: {"Nakaabot ako ng mga tao kabilang sa mga Kasamahan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi na ang bawat bagay ay ayon sa pagtatakda." Nagsabi pa siya: "Nakarinig ako kay `Abdullāh Bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsasabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): Ang bawat bagay ay ayon sa pagtatakda, kahit ang kawalan ng kakayahan at ang kairalan ng kakayahan o ang kairalan ng kakayahan at ang kawalan ng kakayahan."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang bawat bagay ay ayon sa pagtatakda, kahit ang kawalan ng kakayahan: ang pag-iwan ng kinakailangang gawin, ang pag-aantala nito, at ang pagpapaliban ng oras nito dahil sa mga nauukol sa Mundo at Kabilang-buhay; at kahit ang kairalan ng kakayahan: ang kasiglahan at ang kahusayan sa mga nauukol sa Mundo at Kabilang-buhay. Tunay na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nagtakda ng kawalan ng kakayahan at kairalan ng kakayahan. Ang bawat bagay ay hindi nagaganap sa kairalan malibang nauna na rito ang kaalaman ni Allāh at ang kalooban Niya.