





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {May pumuntang isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, tunay na ang isa sa amin ay nakatatagpo sa sarili niya ng nag-aalok ng bagay na ang maging uling siya ay higit na kaibig-ibig sa kanya kaysa sa magsalita siya hinggil doon." Kaya naman nagsabi siya: "Si Allāh ay pinakadakila! Si Allāh ay pinakadakila! Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagtulak sa panlalansi nito para maging pasaring."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām An-Nasā'īy sa Al-KubrāMay pumuntang isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, tunay na ang isa sa amin ay nakatatagpo sa sarili niya ng isang bagay na nangyayari sa sarili subalit ang pagsasalita kaugnay roon ay mabigat sa punto na ang maging abo ay higit na kaibig-ibig sa kanya kaysa sa magsalita siya hinggil doon." Kaya naman nagdakila [kay Allāh] ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang dalawang ulit at nagpuri siya kay Allāh na nagtulak sa panlalansi ng demonyo tungo sa payak na pagpapasaring.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Darating ang demonyo sa isa sa inyo saka magsasabi ito: 'Sino ang lumikha ng ganito? Sino ang lumikha ng gayon?' hanggang sa magsabi ito: 'Sino ang lumikha sa Panginoon mo?' Kaya kapag umabot ito roon, humiling siya ng pagkupkop kay Allāh at tumigil na."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa mabisang lunas sa mga pagtatanung-tanong na nagpapasaring sa pamamagitan ng mga ito ang demonyo sa mananampalataya. Magsasabi ang demonyo: "Sino ang lumikha ng ganito? Sino ang lumikha ng gayon? Sino ang lumikha ng langit? Sino ang lumikha ng lupa?" Kaya sasagot naman ang mananampalataya ayon sa relihiyon, naturalesa, at isip sa pamamagitan ng pagsabi niya na: "Si Allāh." Subalit ang demonyo ay hindi titigil sa hangganang ito ng mga pasaring; bagkus magpapalipat-lipat siya hanggang sa magsabi siya: "Sino ang lumikha sa Panginoon mo?" Kaya sa sandaling iyon, itutulak ng mananampalataya ang mga pasaring na ito sa pamamagitan ng tatlong bagay: sa pamamagitan ng pananampalataya kay Allāh, at pagdalangin ng pagpapakupkop kay Allāh laban sa demonyo, at pagtigil sa pagpapatuloy sa mga pasaring.
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay hindi lumalabag sa katarungan sa magandang gawa sa isang mananampalataya. Bibigyan siya dahil doon sa Mundo at gagantihan siya dahil doon sa Kabilang-buhay. Hinggil naman sa tagatangging-sumampalataya, pinatitikim siya ng mga maganda ng ginawa niya para kay Allāh sa Mundo, na hanggang sa kapag humantong siya sa Kabilang-buhay ay hindi na siya magkakaroon ng isang magandang gawa na gagantihan siya dahil dito."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNaglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng kadakilaan ng kabutihang-loob ni Allāh sa mga mananampalataya at katarungan Niya sa mga tagatangging sumampalataya. Hinggil sa mananampalataya, hindi babawasan ang gantimpala ng magandang gawa na ginawa niya; bagkus bibigyan siya dahil dito sa Mundo ng isang maganda dahil sa pagtalima niya, kasama ng iniimpok para sa kanya na ganti sa Kabilang-buhay. Maaaring iingatan ang ganti sa kabuuan nito para sa kanya sa Kabilang-buhay. Hinggil naman sa tagatangging sumampalataya, magbibigay sa kanya si Allāh ng ganti sa anumang ginawa niya, kabilang sa mga magandang gawa, ng katumbas sa mga magandang gawa sa Mundo, na hanggang sa kapag humantong siya sa Kabilang-buhay ay hindi na siya magkakaroon ng isang gantimpalang gagantihan siya dahil dito dahil ang maayos na gawa na nagpapakinabang sa Mundo at Kabilang-buhay ay kinakailangan na ang tagagawa nito ay isang mananampalataya.
Ayon kay Ḥakīm bin Ḥizām (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, nakakita ka ba ng mga bagay na ako dati ay gumagawa ng mga iyon sa Panahon ng Kamangmangan gaya ng kawanggawa o pagpapalaya ng alipin o pakikiugnay sa kaanak? Kaya sa mga ito kaya ay may pabuya?" Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Umanib ka sa Islām kalakip ng nauna na kabutihan."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang tagatangging sumampalataya, kapag umanib siya sa Islām, ay tunay na siya ay gagantimpalaan sa ginagawa niya noon sa Panahon ng Kamangmangan bago ng pag-anib niya sa Islām kabilang sa mga maayos na gawa gaya ng kawanggawa o pagpapalaya ng mga alipin o pakikiugnay sa kaanak.
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa), ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang paghahalintulad sa mapagpaimbabaw ay gaya ng paghahalintulad sa tupa na lumilipat sa pagitan ng [dalawang kawan ng] mga tupa: lumilipat dito minsan at diyan minsan."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNaglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kalagayan ng mapagpaimbabaw, na siya ay gaya ng tupang nag-aatubiling hindi nakaaalam, na sumusunod sa alinman sa dalawang kawan ng tupa. Pumupunta siya sa kawang ito minsan at sa ibang kawan minsan naman. Kaya sila ay mga nalilito sa pagitan ng pananampalataya at kawalang-pananampalataya. Kaya naman sila ay hindi kasama ng mga mananampalataya sa panlabas at sa panloob ni sila ay kasama ng mga tagatangging sumampalataya sa panlabas at sa panloob; bagkus ang mga panlabas nila ay kasama ng mga mananampalataya at ang mga panloob nila ay nasa isang pagdududa at isang pag-aatubili sapagkat minsan kumikiling sa mga ito at minsan kumikiling sa mga iyan.
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang pananampalataya ay talagang naluluma sa kaloob-looban ng [bawat] isa sa inyo kung paanong naluluma ang lumang kasuutan. Kaya naman humiling kayo kay Allāh na magpanibago Siya ng pananampalataya sa mga puso ninyo."}
Nagsalaysay nito sina Imām Al-Ḥākim at Imām Aṭ-ṬabarānīyNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pananampalataya ay naluluma sa puso ng Muslim at nanghihina tulad ng bagong damit na naluluma sa tagal ng paggamit nito. Iyon ay dahilan sa panlalamig sa pagsamba o pagkagawa ng mga pagsuway at pagkalublob sa mga ninanasa. Kaya gumabay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na dumalangin tayo kay Allāh (napakataas Siya) na panibaguhin Niya ang pananampalataya natin sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga tungkulin at dalas ng pagsambit ng dhikr at paghingi ng tawad.
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Talagang magsasanaysay nga ako sa inyo ng isang sanaysay na narinig ko mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na walang magsasanaysay sa inyo nito na isang iba pa sa akin. Narinig ko ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Tunay na kabilang sa mga tanda ng Huling Sandali na mapawi ang kaalaman, dumami ang pagkamangmang, dumami ang pangangalunya, dumami ang pag-inom ng alak, mangaunti ang mga lalaki, at dumami ang mga babae hanggang sa maging para sa limampung babae ang nag-iisang lalaking tagapagtaguyod."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kabilang sa mga palatandaan ng paglapit ng pagsapit ng Huling Sandali na mapawi ang kaalaman sa Batas ng Islām, na iyon ay dahil sa pagkamatay ng mga maaalam. Ang resulta niyon ay darami at lalaganap ang pagkamangmang, lalaganap ang pangangalunya at ang kahalayan, darami ang pag-inom ng alak, at mangangaunti ang bilang ng lalaki at madaragdagan ang bilang ng mga babae hanggang sa tunay na magkaroon para sa limampung babae ng iisang lalaking magtataguyod sa mga nauukol sa kanila at babalikat sa mga kapakanan nila.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Hindi sasapit ang Huling Sandali hanggang sa mapadaan ang lalaki sa libingan ng [ibang] lalaki saka magsasabi siya: O kung sana ako ay nasa lugar niya!"}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Huling Sandali ay hindi sasapit hanggang sa mapadaan ang lalaki sa libingan saka magmimithi siya na maging isang patay sa lugar nito. Ang kadahilanan ay ang pangamba niya para sa sarili niya sa paglaho ng Relihiyon niya dahil sa pananaig ng kabulaanan at mga kampon nito at paglitaw ng mga sigalot, mga pagsuway, at mga nakasasama.
Ayon kay Abū Hurayrah, ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: {Hindi sasapit ang Huling Sandali hanggang sa makipaglaban kayo sa mga Hudyo hanggang sa magsabi ang bato na nasa likuran nito ang Hudyo: "O Muslim, ito ay isang Hudyo sa likuran ko, kaya patayin mo siya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Huling Sandali ay hindi sasapit hanggang sa maglabanan ang mga Muslim at ang mga Hudyo. Hanggang sa kapag tumakas ang Hudyo sa likuran ng bato upang magkubli siya sa pamamagitan nito sa mga Muslim, pabibigkasin ni Allāh ang bato at tatawagin nito ang Muslim [upang magsabi] na may isang Hudyo sa likuran nito nang sa gayon puntahan siya para patayin siya.