





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay 'Āishah malugod si Allah sa kanya-siya ay Nagsabi:Pumasok sa akin ang dalawang matanda mula sa mga matatandang Hudyo sa Madinah,Nagsabi silang dalawa sa akin:Tunay na ang mga tao sa libingan ay pinaparusahan sa libingan nila,pina-sinungalingan ko silang dalawa, at hindi ako naging mabuti [upang]paniwalaan ko silang dalawa, lumabas silang dalawa,At pumasok sa akin ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,Sinabi ko sa kanya:Tunay na ang dalawang matanda, at binanggit ko ito sa kanya, Ang sabi niya:((Katotohanan [ang Sinabi nilang dalawa],Tunay na sila ay pinaparusahan ng parusang naririnig ng lahat ng mga hayop)) Wala akong nakita pagkatapos nito sa pagdarasal niya, maliban sa pagpapakupkop [kay Allah] mula sa kaparusahan sa libingan.
Napagkaisahan ang katumpakanPumasok kay `Aishah malugod si Allah sa kanya-ang dalawang babaing matanda mula sa Hudyo sa Madina,Ang sabi nilang dalawa sa kanya: Tunay na ang mga patay ay pinaparusahan sa loob ng libingan nila,pinagsinungaling niya sila at hindi niya inibig na paniwalaan silang dalawa,Dahil hindi pa naging mabuti ang pakiramdam niya rito,dahil sa mga nakitang kasinungalingan ng mga Hudyo,at pag-iimbento nila sa Relihiyon,at pagbibigay ng maling kahulugan sa Aklat,kaya Lumabas silang dalawa mula kay `Aishah,at pumasok sa kanya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Sinabi niya sa kanya ang sinabi ng dalawang babaing Hudyo,Ang sabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan;Nagsasabi silang ng katotohanan,Tunay na ang mga patay ay pinaparusahan ng parusang naririnig ng lahat ng mga hayop,At sinabi ni `Aishah na hindi niya nakita ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-pagkatapos nito,maliban sa siya ay nagpapakupkop mula sa kaparusahan sa libingan.
Ayon kay Sa`id -malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi: At hindi ko ito sinasaksihan na ito ay mula sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ngunit ibinalita ito sa akin ni Zaid bin Thabit,Nagsabi siya:Habang ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay sa harden ng Angkan ng Najar,sa ibabaw ng kabayo niya at kami ang kasama niya,kung saan ay lumihis ito sa kanya,at muntik niya itong ihagis,at doon ay nakalibing ang anim o lima o apat-nagsabi siya: Ganito ang sinabi ni Al-Jaririy-Ang sabi niya: (( Sino ang nakakaalam sa may-ari ng mga libingang ito?)) Ang sabi ng lalaki: Ako;Nagsabi siya: Kailan sila namatay? Nagsabi siya: Namatay sila sa panahon ng pagtatambal [sa pagsamba sa Allah], Ang sabi niya:(( Katotohanang ang Ummah na ito ay sinusubok sa libingan niya,Kung hindi lamang sa hindi kayo magsasagawa ng paglilibing,tunay na hiniling ko na sa Allah na iparinig Niya sa inyo ang parusa sa libingan na siyang naririnig ko)) Pagkatapos ay iniharap niya sa amin ang mukha niya;At nagsabi siya:((Magpakupkop kayo kay Allah mula sa kaparusahan sa Impiyerno)) Nagsabi sila: Nagpapakupkop kami sa Allah mula sa kaparusahan sa Impiyerno;Nagsabi siya: ((Magpakupkop kayo kay Allah mula sa kaparusahan sa libingan)) Nagsabi sila:Nagpapakupkop kami sa Allah mula sa kaparusahan salibingan; Nagsabi siya:((Magpakupkop kayo kay Allah laban sa mga tukso,sa mga hayag nito at sa mga lingid nito)) Nagsabi sila:Nagpapakupkop kami kay Allah laban sa mga tukso ,sa mga hayag nito at sa mga lingid nito,Nagsabi siya: ((Magpakupkop kayo kay Allah laban sa tukso ng bulaang kristo))Nagsabi sila: Nagpapakupkop kami kay Allah laban sa tukso ng bulaang kristo))
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIkinukwento ni Zayd bin Thabit,na habang kasama nila ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa isang harden sa tribo ng Al-Ansar na tinatawag ng Angkan ng Najar,At ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay sumasakay sa kabayo niya,at biglaang lumihis ang kabayo niya sa daan at tumakbo papalayo sa kanya,at muntik na siyang ihulog at ihagis nito sa likod niya,at sa lugar na ito ay may apat na libingan o lima o anim.Ang sabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Sino ang nakakaalam sa may-ari ng mga libingang ito,?Ang sabi ng lalaki: Kilala ko sila.Ang sabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:Kung kilala mo sila,kailan sila namatay?Nagsabi siya: Namatay sila sa panahon ng pagtatambal [sa pagsamba sa Allah]. Ang sabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Katotohanang ang Ummah na ito ay binibigyan ng pagsubok sa labingan niya,pagkatapos ay binibiyayaan o pinaparusahan,Kung hindi lamang sa takot na baka hindi ninyo ilibing ang mga patay ninyo,Hiniling ko na sa Allah na iparinig sa inyo ang parusa sa libingan na siyang naririnig ko,Sapagkat kapag narinig ninyo iyon,iiwanan ninyo ang paglibing dahil sa takot na lumabas ang mga puso ninyo dahil sa sigaw ng mga patay,o takot sa kahihiyan sa mga kamag-anak upang hindi makita ang kalagayan nila.Pagkatapos ay iniharap niya sa mga kasamahan niya ang mukha niya,at ang sabi niya -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-,Hilingin ninyo sa Allah-pagkataas-taas Niya-na protektahan Niya kayo mula sa kaparusahan sa Impiyerno,Nagsabi sila:Nagpakupkop kami sa Allah mula sa kaparusahan sa Impiyerno,Nagsabi siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:Hilingin ninyo sa Allah-pagkataas-taas Niya-na protektahan Niya kayo mula sa kaparusahan sa libingan.Nagsabi sila:Nagpakupkop kami at humihingi sa Kanya [ng kaligtasan] kapag dumating sa atin ang kaparuhan sa libingan. Pagkatapos ay nagsabi siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Hilingin ninyo sa Allah-pagkataas-taas Niya-na protektahan Niya kayo mula sa mga tukso,sa mga hayag,nakikita,at malinaw nito at sa mga lingid nito,Nagsabi sila:Nagpapakupkop kami sa Allah mula sa mga tukso,sa mga hayag nito at sa mga lingid nito, Nagsabi siya: Hilingin ninyo sa Allah na protektahan Niya kayo laban sa tukso ng bulaang kristo;sapagkat siya ang pinakamalaking tukso,kung saan ay humahantong sa kawalan ng pananampalataya na nagiging dahilan sa walang-hanggang kaparusahan sa Impiyerno.Nagsabi sila: Nagpapakupkop kami sa Allah laban sa tukso ng bulaang kristo.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Tunay na ang isa sa inyo, kapag namatay siya, ay ilalahad sa kanya ang upuan niya sa umaga at gabi. Kung siya ay naging kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso, kabilang siya sa mga maninirahan sa Paraiso; at kung siya ay naging kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno, kabilang siya sa mga maninirahan sa Impiyerno; saka sasabihin: Ito ang upuan mo hanggang sa bumuhay sa iyo si Allāh sa Araw ng Pagbangon."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang tao, kapag namatay siya, ay ilalahad sa kanya ang tuluyan niya at ang lugar niya na natatangi sa Paraiso o Impiyerno sa simula ng maghapon at wakas nito: ang lugar niya sa Paraiso kung siya ay naging kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso at ang lugar niya sa Impiyerno siya ay naging kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno, at sasabihin sa kanya: "Ito ang upuan mo na bubuhayin ka rito sa Araw ng Pagbangon." Sa gayon ay may ginhawa sa mananampalataya at may pagpaparusa sa tagatangging sumampalataya.
Ayon kay 'Usāmah bin Zayd malugod si Allah sa kanilang dalawa-Nakita ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa isang kastilyo mula sa mga kastilyo sa Madinah, Nagsabi siya:( Nakikita ba ninyo ang nakikita ko?))Nagsabi sila: Hindi,Nagsabi siya:((Sapagkat tunay na nakikita ko ang Sedisyon,na mangyayari sa loob ng bahay ninyo tulad ng pagbuhus ng ulan))
Napagkaisahan ang katumpakanNakita ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-mula sa mataas na lugar sa taas ng kastilyo mula sa mga kastilyo sa Madinah,Sinabi niya sa mga kasamahan niya: Nakikita ba ninyo ang nakikita ko? Nakikita ko ang isang Sedisyon na darating sa loob ng mga bahay ninyo,tulad ng pagbuhos ng ulan dahil sa dami at lakas nito,at ito ay palatandaan ng digmaan at Sedisyon na mangyayari sa loob ng Madinah tulad ng pagkamatay ni `Uthman at pagbagsak ng maiitim na bato at ang iba pa dito.
Ayon kay Sahl bin Sa`d As-Sā`idīy, malugod si Allah sa kanya,-buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-siya ay nagsabi: ((Ipinadala ako at ang Huling Oras na ganito)) At itinuro niya ang dalawang daliri niya,at itinaas niya ang dalawang ito.
Napagkaisahan ang katumpakanIpinapahayag ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang malapit na pagdating ng Araw ng Pagkabuhay,Tunay na ang pagsugo sa kanya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang Araw ng Pagkabuhay,ay magkalapit,tulad ng pagkalapit ng pagitan ng dalawang daliri niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-,At itinaas niya --pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang dalawang daliri niya-upang makita ang pagkakaiba nila sa mga natitirang daliri.At naiulat sa iba pang mga Hadith na ang dalawang daliring ito ay hintuturo at hinlalato,Ang hintuturo ay matatagpuan sa pagitan ng hinlalato at hinlalaki,At ikaw;kapag ikinumpara ang pagitan nilang dalawa,makikita mo na sila ay magkatabi,at makikita mo,na walang namamagitan sa kanilang dalawa maliban sa maliit na pagitan lamang,tulad ng laki ng isang kuko o kalahati nito,At tinawag itong hintuturo,sapagkat;kapag ninais ng tao na mang-insulto sa ibang tao ,ginagamit niya ito sa panturo,at tinatawag din itong pagluluwalhati,Sapagkat ang tao,Kapag [ginagawa]niya ang pagdadakila sa Allah-Kamahal-mahalan Siya-at Kapita-pitagan,itinataas niya ito,at itinuturo niya sa langit;At ang kahulugan nito,Ang katapusan ng mundo ay nalalapit na at hindi na magtatagal.
Ayon kay Tamīm Ad-Dārīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Talagang aabot nga ang kautusang ito sa inabot ng gabi at maghapon. Hindi mag-iiwan si Allāh ng isang bahay sa bayan ni sa ilang malibang magpapasok si Allāh doon ng Relihiyong ito, kalakip ng karangalan sa isang marangal at kalakip ng kahamakan sa isang hamak, isang karangalan na nagpaparangal si Allāh sa pamamagitan nito sa Islām at isang kahamakan na humahamak si Allāh sa pamamagitan nito sa Kawalang-pananampalataya." Si Tamīm Ad-Dārīy ay nagsasabi: "Nakaalam nga ako niyon sa sambahayan ko. Talaga ngang dumapo sa sinumang umanib sa Islām kabilang sa kanila ang kabutihan, ang dignidad, at ang karangalan. Talaga ngang dumapo sa sinumang naging tagatangging sumampalataya kabilang sa kanila ang kahamakan, ang panliliit, at ang [pagpataw ng] jizyah."}
Nagsalaysay nito si Imām AḥmadNagpapabatid ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Relihiyong ito ay lalaganap sa lahat ng mga bahagi ng Daigdig sapagkat ang alinmang lugar na inabot ng gabi at maghapon ay aabutin ng Relihiyong ito. Hindi mag-iiwan si Allāh (napakataas Siya) ng isang bahay sa mga lungsod at mga nayon ni sa mga ilang at disyerto malibang magpapasok Siya roon ng Relihiyong ito. Ang sinumang tumanggap sa Relihiyong ito at sumampalataya rito, tunay na siya ay magiging isang marangal sa pamamagitan ng karangalan ng Islām. Ang sinumang tumanggi rito at tumangging sumampalataya rito, tunay na siya ay maging isang hamak na inaaba. Pagkatapos nagpabatid ang KasamahangTamīm Ad-Dārīy (malugod si Allāh sa kanya) na siya ay nakaalam ng bagay na iyon na ipinabatid ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sambahayan niya, sa partikular, na tunay na ang sinumang umanib sa Islām kabilang sa kanila ay pinagkamit ng kabutihan, dignidad, at karangalan; at ang sinumang tumangging sumampalataya kabilang sa kanila ay pinagkamit ng kahamakan at kaabahan sa kabila ng ibinabayad nito sa mga Muslim mula sa mga yaman.
Ayon kay `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, si Ibnu Jud`ān noon sa Panahon ng Kamangmangan ay nakikiugnay sa kaanak at nagpapakain ng dukha. Kaya iyan kaya ay magpapakinabang sa kanya?" Nagsabi siya: "Hindi ito magpapakinabang sa kanya. Tunay na siya ay hindi nagsabi isang araw man lang ng: Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin ng kasalanan ko sa Araw ng Pagtutumbas."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol kay `Abdullāh bin Jud`ān, na noon ay kabilang sa mga pinuno ng liping Quraysh bago ng Islām. Kabilang sa mga gawain niyang maganda ay na siya ay nakikiugnay sa mga kamag-anak niya, gumagawa ng maganda sa kanila, nagpapakain ng mga dukha, at gumagawa ng iba pa sa mga ito kabilang sa mga mainam na gawain na hinimok ng Islām na gawin, ngunit ang mga gawang ito ay hindi magpapakinabang sa kanya sa Kabilang-buhay niya. Iyon ay dahilan sa kawalang-pananampalataya niya kay Allāh at na siya ay hindi nagsabi isang araw man lamang ng: "Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin ng kasalanan ko sa Araw ng Pagtutumbas."
Ayon kay Zayd bin Khālid Al-Juhanīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagdasal sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng dasal sa madaling-araw sa Ḥudaybīyah sa pagkalipas ng isang ulan na nangyari sa gabi, saka noong nakatapos siya ay humarap siya sa mga tao saka nagsabi: "Nakaaalam ba kayo kung ano ang sinabi ng Panginoon ninyo?" Nagsabi sila: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam." Nagsabi [si Allāh]: "Kinaumagahan, mayroon sa mga lingkod Ko na mananampalataya sa Akin at tagatangging-sumampalataya. Hinggil sa sinumang nagsabi na inulan kami dahil sa kabutihang-loob ni Allāh at awa Niya, iyon ay mananampalataya sa Akin at tagatangging-sumampalataya sa tala; at hinggil naman sa sinumang nagsabi na [inulan kami] dahil sa bituing ganito at gayon, iyon ay tagatangging-sumampalataya sa Akin at mananampalataya sa tala."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagdasal ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng dasal sa madaling-araw sa Ḥudaybīyah, na isang nayong malapit sa Makkah, matapos ng isang ulan na bumuhos sa gabing iyon. Noong bumati siya at nagwakas sa pagdarasal niya, nagbaling siya sa mga tao ng mukha niya saka nagtanong sa kanila: "Nakaaalam ba kayo kung ano ang sinabi ng Panginoon ninyo?" Kaya sumagot naman sila sa kanya: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam." Kaya nagsabi siya: "Tunay na si Allāh (napakataas Siya) ay naglinaw na ang mga tao ay nababahagi, sa sandali ng pagbaba ng ulan, sa dalawang bahagi: isang bahagi na mananampalataya kay Allāh (napakataas Siya) at isang bahagi na tagatangging sumampalataya kay Allāh (napakataas Siya)." Hinggil sa sinumang nagsabi: "Inulan kami dahil sa kabutihang-loob ni Allāh at awa Niya" at nag-ugnay ng pagpapababa ng ulan kay Allāh (napakataas Siya), iyon ay mananampalataya kay Allāh, ang Tagalikha na Tagapatnugot sa Sansinukob, at tagatangging-sumampalataya sa tala. Hinggil naman sa sinumang nagsabi: "Inulan kami dahil sa bituing ganito at gayon," iyon ay tagatangging-sumampalataya kay Allāh at mananampalataya sa tala. Ito ay isang maliit na kawalang-pananampalataya yayamang nag-ugnay siya ng pagpapababa ng ulan sa tala samantalang si Allāh ay hindi gumawa rito bilang kadahilanang pambatas ng Islām at pampagtatakda. Hinggil naman sa sinumang nag-uugnay ng pagbaba ng ulan at iba pa rito, na mga pangyayaring panlupa, sa mga pagkilus-kilos ng mga tala: sa mga pagsikat ng mga ito at paglubog ng mga ito, habang naniniwala na ang mga ito ang tunay na tagagawa, siya ay isang tagatangging sumampalataya ayon sa isang malaking kawalang-pananampalataya.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May dumating na mga tao kabilang sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagtanong sila sa kanya: "Tunay na kami ay nakatatagpo sa mga sarili namin ng minamabigat ng isa sa amin na magsalita hinggil doon." Nagsabi siya: "Nakaranas nga kayo niyon?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Iyan ay ang kalantayan ng pananampalataya."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimMay dumating na isang pangkat ng mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagtanong sila sa kanya tungkol sa natatagpuan nila sa mga sarili nila na mga malaking bagay na bumibigat sa kanila ang pagbigkas ng mga ito dahil sa kapangitan ng mga ito at pagkailang nila sa mga ito. Kaya nagsabi ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Tunay na itong natagpuan ninyo ay kalantayan ng pananampalataya at katiyakan na nagtutulak sa inyo para sa pagpigil sa ipinupukol ng demonyo sa puso at sa pagmamasama ninyo sa pagbigkas at pagmamabigat niyon sa mga sarili ninyo. Tunay na ang demonyo ay hindi nakapanaig sa mga puso ninyo, na kasalungatan sa sinumang nakapanaig ang demonyo sa puso niya at hindi siya nakatagpo laban dito ng isang pagtatanggol."