





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya.Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nakakita ng sipon sa [may bandang] Qiblah,Kamunghi-munghi ito para sa kanya,hanggang sa makikita mo ito sa mukha niya,Tumayo siya at kinamot ito gamit ang kamay niya, Nagsabi siya: ((Tunay na ang isa sa inyo,kapag tumindig sa pagdarasal niya,tunay na nananalangin siya sa Panginoon niya,At tunay na ang Panginoon niya ay nasa pagitan niya at pagitan ng Qiblah,Kaya huwag magdura ang isa sa inyo sa harap ng Qiblah niya,ngunit sa kanyang bandang kaliwa o sa ilalim ng dalawang paa niya))Pagkatapos ay kinuha niya ang dulo ng damit niya,at nagdura rito,Pagkatapos ay kinamot niya ang bawat isa rito,Nagsabi siya: ( O di kaya ay gawin niya ang ganito))
Napagkaisahan ang katumpakanAng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nakakita ng sipon sa dingding ng Masjid sa may unahan ng Qiblah,Kaya kamunghi-munghi ito para sa kanya ang gawaing ito hanggang sa makikita ang palatandaan ng pagkamunghi sa mukha niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kaya ginawa niya ito sa sarili niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at tinanggal niya ang palatandaan ng sipon sa pamamagitan ng marangal niyang kamay,bilang aral sa Ummah niya,at pagpapakumbaba sa Panginoon niya-Kapita-pitagan ang Kapita-pitagan sa Kanya,at blang pagmamahal sa bahay niya,Pagkatapos ay binanggit niya na ang isang alipin ,kapag nagsagawa ito ng dasal,Tunay na siya ay nakikipag-usap sa Panginoon Niya sa Pag-aaalaala at pananalangin niya,At pagbabasa sa mga talata niya,Ang naaangkop sa kanya sa kalagayang ito ay ang pagkatakot sa pagdarasal niya at alalahanin niya ang kadakilaan ng sinumang kinakausap Niya at tanggapin niya ito sa puso niya,At iwasan niya ang mga masamang pag-uugali kay Allah-Pagkataas-taas Niya-Kaya huwag siya magdura sa bandang Qiblah niya,Pagkatapos ay nagpatnubay siya-Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kung ano ang nararapat gawin ng nagdadasal sa mga ganitong kalagayan,ito ay ang pagdura niya sa bandang kaliwa niya,o sa ilalim ng paa niyang kaliwa,o ang magdura siya sa damit niya o ang iba pa tulad nito,at kamutin niya ang bawat isa rito upang matanggal ito,At nararapat sa nagdadasal na pakiramdaman niya ang pakikipanayam niya kay Allah-Pagkataas-taas Niya,at pakikipagharap Niya sa kanya,At kapag Siya Napakamaluwalhati Niya at Pagkataas-taas Niya ay sa Langit sa taas ng Kanyang Trono,Tunay na Siya ay nasa harap ng Iyong pinagdadasalan,Sapagkat siya ay Nakapalibot [ sa pamamagitan ng kanyang kaalaman] sa lahat ng bagay at {Walang anupamang bagay na makakatulad sa Kanya,Siya ang ganap na Nakakarinig,Ang Lubos na Nakamamasid} (As-Shura:11) At Hindi ibig sabihin nito na Siya ay nakikihalubilo sa mga tao at Siya ay nasa lugar na pinagdadasalan,Pagkataas-taas ni Allah sa mga ito, Si Allah ay napakalapit sa taong nagdadasal,Napakalapit sa taong humihiling,Napakalapit na nararaapat sa kanyang Pagkadakila,Hindi tulad ng paglapit ng likha sa ibang likham Ngunit ito ay ang Paglapit ng Tagapaglikha-Kapita-pitagan Siya at Pagkataas-taas,mula sa mga likha.At ang Katulad nito sa paglikha Niya,At kay Allah ang Dakilang katangian,Ang araw ay nasa taas mo,at gayundin ito ay nasa harapan mo sa kalagayan ng pagsikat at paglubog.
Ayon kay Ibnu 'Abbās-malugod si Allah sa kanilang dalawa-at nagsabi,Nagsabi ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Hindi ko napag-utusan sa pagpapataas ng mga Masjid)),Nagsabi si Ibnu 'Abbās: ((Katotohanan linagyan ninyo ito ng palamuti tulad ng pagpapalamuti ng mga Hudyo at Kristiyano))
Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudAng nais ipahiwatig sa pagpapataas ng mga Masjid rito at pag-aangat sa estraktura nito at pagtata-as nito tulad ng nabanggit ni Al-Baghawie,At kung ang pagtata-as ng Masjid at paghahatol sa estraktura nito tulad ng pagbibigay hatol rito sa paggawa nito na walang halong paglalagay ng mga dekorasyon,pagpapaganda at palamuti,at hindi ikinamumunghi kapag ito ay walang halong pagpaparangya at Pakitang-tao at pagpapasikat;Ito at batay sa nakasaad sa Hadith ni 'Uthmān bin 'Affān:"Sinuman ang magpatayo ng Masjid at magpapatayo si Allah sa kanya ng tulad nito sa Paraiso".Ang Masjid ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay gawa sa ladrilyu,at ang bubong nito at gawa sa mga Dahon ng Palmera at ang mga haligi nito ay mula sa mga kahoy ng Palmera at hindi ito dinagdagan ni Abū Bakar malugod si Allah sa kanya-at nang masisira na ang kahoy nito at ang dahon nito sa panahon ni 'Umar bin Al-khattāb-malugod si Allah sa kanya-ibinalik ni 'Alī ang dating paggawa rito noon una,at nagdagdag siya rito,at nang dumating ang panahon ni 'Uthamān-malugod si Allah sa kanya-dinagdagan niya ito nang malaking dagdag(pagbabago),At ginawa niya na ang dingding nito ay yari sa bato at semento,at ginawa niya na ang mga haligi nito ay gawa sa bato at ang bubong nito at may kahoy na magpapalamas rito,At wala ng nailagay rito na palamuti,at ang lahat ng ginawa nila ay mapagbabatayan sa paghatol,At ang paglalagay ng semento na walang halong pagpapaganda at palamuti,at ang mga bato na may desenyo,at hindi iping-utos ang pagdidisenyo rito,datapuwat ito ay nangyari na malagyan ng disenyo,At walang nagbawal sa kanya mula sa mga kasamahan ng Propeta na magpapatunay na dapat itong ipagbawal,maliban sa pagsusumikap sa pagsunod sa mga gawain niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at 'Umar sa pagpapatayo ng Masjid at pag -iwan sa pagpaparangya,at ito at hindi nangangailangan sa pagbabawal ng pagpapataas at pagkamunghi rito.
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong mag-alipusta sa mga Kasamahan ko sapagkat kung sakali na ang isa sa inyo ay gumugol ng tulad sa [laki ng] Uḥud na ginto, hindi sana ito umabot sa mudd ng isa sa kanila ni kalahati nito."
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoSumuway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pag-alipusta sa mga Kasamahan niya, lalo na sa mga nangungunang kauna-unahan kabilang sa mga tagalikas at mga tagaadya. Nagpabatid siya na kung sakaling may gumugol na isa sa mga tao ng tulad [sa laki ng] Uḥud na ginto, hindi sana umabot ang gantimpala niya kaugnay roon sa gantimpala sa paggugol ng isa sa mga Kasamahan ng isang dakot ng pagkain o kalahati nito. Ang mudd ay ang pagkapuno ng dalawang kamay ng lalaking katamtaman ang laki. Iyon ay dahil sa karagdagan ng pagpapakawagas nila, katapatan ng mga layunin nila, at pangunguna ng paggugol nila at pakikipaglaban nila bago ng pagsakop ng Makkah kung saan ang katindihan ng pangangailangan doon.
Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi papasok sa Impiyerno ang isang lalaking nakasaksi sa labanan sa Badr at Al-Ḥudaybīyah."}
Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad. Ang pinagmulan nito ay nasa Ṣaḥīḥ MuslimNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na hindi papasok sa Impiyerno ang sinumang nakadalo sa paglusob sa Badr na naganap noong ikalawang taon ng Hijrah bilang nakikipaglaban kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ni ang sinumang nakadalo sa kasunduang pangkapayapaan sa Al-Ḥudaybīyah, na naganap dito ang pangako ng katapatan ng Ar-Riḍwān noong ikaanim na taon ng Hijrah.
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kina Abū Bakr at `Umar: "Ang dalawang ito ay dalawang pinapanginoon ng mga matanda sa mga maninirahan sa Paraiso mula sa mga una at mga huli, maliban sa mga propeta at mga isinugo."}
Nagsalaysay nito si Imām At-TirmidhīyNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sina Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq at `Umar Al-Fārūq (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) ay pinakamainam sa sangkatauhan matapos ng mga propeta at pinakamainam sa mga papasok sa Paraiso matapos ng mga propeta at mga isinugo.
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sina Al-Ḥasan at Al-Ḥusayn ay dalawang pinapanginoon ng mga kabataan ng mga maninirahan sa Paraiso."}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām AḥmadNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang dalawang apo niya na sina Al-Ḥasan at Al-Ḥusayn na dalawang anak nina `Alīy bin Abī Ṭālib at Fāṭimah na anak ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan at malugod Siya sa kanila) ay dalawang pinapanginoon ng bawat sinumang namatay habang siya ay kabataan at papasok sa Paraiso dahil sa kainaman, o na silang dalawa ay dalawang pinapanginoon ng mga kabataan ng mga maninirahan sa Paraiso, matangi ang mga Propeta at ang mga Matinong Khalīfah.
Ayon kay Abē Bakrah-malugod si Allah sa kanya-at Nagsabi:Pinalabas ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa isang araw si Al-Hasan,pina-akyat niya ito sa Minbar (tinatayuan ng Imam kapag nangangaral), at Nagsabi siya:((Ang anak kong ito ay magiging pinuno,At marahil ang Allah ay gagawin siyang Tagapagka-sundo sa pagitan ng dalawang grupo mula sa mga Muslim)
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyPinalabas ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan isang araw si Hasan kasama niya sa Masjid at siya bata pa at nasa maliit na gulang,pina-akyat niya ito sa Minbar (tinatayuan ng Imam kapag nangangaral) sa Marangal nitong Masjid,at ipinaalam niya sa mga tao na ang anak niyang si Hasan,ay magiging pinuno at Mabubuting-kalooban ang pinagmulan,(Nagmula sa) Marangyang Pamilya,Nabibilang sa pinaka-dakilang tahanan na matatagpuan sa ibabaw ng lupa,at tunay na si Allah Napakamaluwalhati Niya at gagawin siyang Tagapagka-sundo sa pagitan ng dalawang grupong mag-aaway at naglalabanan mula sa mga Muslim, Kaya't Pinag-sama ni Allah sa pamamagitan niya ang dalawang grupong ito,at Pinag-isa ang samahan ng mga pangkalahatang Muslim.At walang pag-aalinlangan na sa Marangal na Hadith na ito ay makikita ang palatndaan mula sa mga palatandaan ng pagiging Propeta niya pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sapagkat ipinaalam niya rito-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang magiging gagampanan ng pinunong ito na may mabuting kalooban na si Al-Hasan bin 'Alī malugod si Allah sa ka ilang dalawa mula sa pag-papaisa sa Salita ng mga Muslim,at pag papasundo sa pagitan nila,at pagtanggal sa Hindi pagkakasundo sa pagitan ng dalawang grupo,at nangyari ang mga ito,sa pagbaba niya sa pagiging Khalifah para kay Muāwiyah,na naging dahilan ng paglunas at muling pagsasama,at pagpigil sa pagdanak ng dugo,at ito sa taon ng Sunnah at Jamaah na apatnapo o apatnaput-isa
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:((Sinuman ang magmahal kay Hasan at Husayn tunay na minahal niya ako,at sinuman ang mamunghi sa kanilang dalawa tunay na namunghi siya sa akin))
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām AḥmadSinuman ang magmahal kay Hasan at Husayn na mga Apo ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,ay tunay na minahal niya ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,at sinuman ang mamunghi sa kanilang dalawa tunay na namunghi siya sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,at ito ay pagpapatunay sa dakilang katayuan nilang dalawa.
Ayon kay Umar Al-Jam-ie-malugod si Allah sa kanya-sa Hadith na Marfu;(( Kapag inibig ni Allah sa isang alipin ang kabutihan,gagamitin Niya ito bago ang kamatayan nito)) Tinanong siya ng isang lalaki mula sa mga Tao; Papaano niya ito gagamitin? Nagsabi siya;((Papatnubayan siya ni Allah sa paggawa ng kabutihan bago ang kamatayan nito,pagkatapos ay babawian siya ng buhay doon))
Isinaysay ito ni Imām AḥmadKatotohanang si Allah-Pagkataas-taas Niya,kapag inibig Niya sa kanyang alipin mula sa mga alipin Niya ang kabutihan sasang-ayunan Niya ito sa paggawa ng kabutihan bago ang pagpanaw nito hanggang sa pumanaw siya sa yaong gawain,at makakamtan niya Magandang katapusan,at mapapasok siya sa Paraiso.