





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abu Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hindi sumasama ang mga anghel sa isang pangkat ng manlalakbay na may kasamang aso ni kalembang."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga anghel ay hindi nakikipagsabayan sa isang pagsama sa isang paglalakbay habang sa pangkat nila ay may isang aso o kalembang na isinasabit sa mga hayop para gumawa ng isang tunog kapag kumilos ang mga ito.
Ayon kay `Abdurraḥmān bin Samurah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong sumumpa sa mga nagpapakadiyos ni sa mga magulang ninyo."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimSumasaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagsumpa sa mga nagpapakadiyos. Ang mga ito ay ang mga anito, na ang mga tagapagtambal noon ay sumasamba sa mga ito bukod pa kay Allāh. Ang mga ito ay kadahilanan ng pagmamalabis nila at kawalang-pananampalataya nila. Sumasaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagsumpa sa mga magulang yayamang naging bahagi ng gawi ng mga Arabe sa Panahon ng Kamangmangan na sumusumpa sa mga magulang nila bilang pagmamalaki at bilang pagdakila.
Ayon kay Buraydah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang sumumpa sa ipinagkatiwalang tungkulin, hindi siya kabilang sa atin."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām AḥmadSumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nagbigay-babala laban sa pagsumpa sa ipinagkatiwalang tungkulin at na ang sinumang gumawa niyon ay hindi kabilang sa atin.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Kami minsan ay mga nakaupo sa paligid ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Kasama namin sina Abū Bakr at `Umar sa isang pangkat. Tumayo ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa gitna namin saka umiwan siya sa amin. Natakot kami na maagaw siya palayo sa amin. Nanghilakbot kami kaya tumayo kami. Ako ang kauna-unahan sa mga nanghilakbot. Lumabas ako na naghahanap sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hanggang sa nakarating ako sa isang bakuran ng Anṣār, ng angkan ng An-Najjār. Umikot ako roon. Makatatagpo kaya ako ng isang pintuan? Biglang may batis pala na pumapasok sa kaloob-looban ng bakod mula sa isang balon sa labas. Ang batis ay ang sapa. Kaya nagsumiksik ako kaya nakapasok ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi siya: "Si Abū Hurayrah?" Kaya nagsabi ako: "Opo, O Sugo ni Allāh." Nagsabi siya: "Ano ang pumapatungkol sa iyo?" Nagsabi ako: "Ikaw kanina ay nasa gitna namin saka tumayo ka saka umiwan ka sa amin saka natakot kami na maagaw ka palayo sa amin saka nanghilakbot kami saka ako ang kauna-unahan sa sinumang nanghilakbot kaya pumunta ako sa bakod na ito saka nagsumiksik ako kung paanong nagsusumiksik ang soro habang ang mga taong ito ay nasa likuran ko." Nagsabi siya: "O Abū Hurayrah." Nagbigay siya sa akin ng sandalyas niya. Nagsabi siya: "Umalis ka kalakip ng mga sandalyas kong ito. Ang sinumang nakasalubong mo sa likuran ng bakod na ito na sumasaksi na walang Diyos kundi si Allāh habang nakatitiyak nito ang puso niya, magbalita ka sa kanya ng nakagagalak hinggil sa Paraiso." Ang kauna-unahan sa nakasalubong ko ay si `Umar saka nagsabi ito: "Ano itong mga sandalyas, O Abū Hurayrah?" Kaya nagsabi ako: "Ang mga ito ay mga sandalyas ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagpadala siya sa akin ng mga ito. Ang sinumang makakasalubong ko na sumasaksi na walang Diyos kundi si Allāh habang nakatitiyak nito ang puso niya, magbabalita ako sa kanya ng nakagagalak hinggil sa Paraiso." Kaya tumapik si `Umar ng kamay niya sa pagitan ng mga dibdib ko kaya bumagsak ako sa pigi ko saka nagsabi siya: "Bumalik ka, O Abū Hurayrah." Kaya bumalik naman ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka napinto akong maiyak. Bumuntot sa akin si `Umar saka biglang siya ay nasa hulihan ko. Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ano ang mayroon sa iyo, O Abū Hurayrah?" Nagsabi ako: "Nakatagpo ko si `Umar kaya nagpabatid ako sa kanya hinggil sa ipinagpadala mo sa akin ngunit tumapik siya sa pagitan ng mga dibdib ko sa isang pagtapik na bumagsak ako sa pigi ko. Nagsabi siya na bumalik ako." Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O `Umar, ano ang nag-udyok sa iyo sa ginawa mo?" Nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, kapalit ng ama ko ikaw at ina ko, nagpadala ka po ba kay Abū Hurayrah kalakip ng mga sandalyas mo, na sa sinumang nakatagpo niya na sumasaksi na walang Diyos kundi si Allāh habang nakatitiyak dito ang puso niyon magbabalita siya roon ng nakagagalak hinggil sa Paraiso?" Nagsabi siya: "Oo." Nagsabi ito: "Kaya huwag mong gawin sapagkat tunay na ako ay natatakot na umaasa ang mga tao roon, kaya hayaan mo sila na gumawa." Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kaya hayaan mo sila."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakaupo minsan sa isang pangkat ng mga Kasamahan, na kabilang sina Abū Bakr at `Umar. Tumayo siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), pagkatapos umiwan sa kanila kaya natakot sila na dapuan siya ng isang kinasusuklaman mula sa isang kaaway, na maaaring dahil sa isang pagbihag at maaaring dahil sa iba pa rito. Kaya tumayo ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) habang mga nanghihilakbot. Ang kauna-unahan sa sinumang nanghilakbot ay si Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) hanggang sa pumunta ito sa isang hardin ng angkan ng An-Najjār saka nagsimula itong pumapalibot doon nang harinawa ito ay makatagpo ng isang pintuang nakabukas ngunit hindi ito nakatagpo subalit ito ay nakatagpo ng isang maliit na pagkakabukas sa pader na pumapasok mula roon ang tubig kaya nagsuksok ito ng katawan nito hanggang sa nakapasok ito saka natagpuan nito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi naman siya rito: "Ikaw ay si Abū Hurayrah?" Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Ano ang pumapatungkol sa iyo?" Nagsabi si Abū Hurayrah: "Ikaw kanina ay nasa gitna namin saka tumayo ka saka umiwan ka sa amin saka natakot kami na maagaw ka palayo sa amin saka nanghilakbot kami saka ako ang kauna-unahan sa sinumang nanghilakbot kaya pumunta ako sa bakod na ito saka nagsumiksik ako kung paanong nagsusumiksik ang soro habang ang mga taong ito ay nasa hulihan ko." Nagbigay rito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga sandalyas niya bilang sagisag at palatandaan na ito ay tapat. Nagsabi siya rito: "Umalis ka kalakip ng mga sandalyas kong ito. Ang sinumang nakasalubong mo sa likuran ng bakod na ito na sumasaksi na walang Diyos kundi si Allāh at walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh, ang sinumang ito ay naging katangian niya, siya ay kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso." Ang kauna-unahan sa nakasalubong nito ay si `Umar saka nagsabi iyon dito: "Ano itong mga sandalyas, O Abū Hurayrah?" Kaya nagsabi ito: "Ang mga ito ay mga sandalyas ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagpadala siya sa akin ng mga ito. Ang sinumang makakasalubong ko na sumasaksi na walang Diyos kundi si Allāh habang nakatitiyak nito ang puso niya, magbabalita ako sa kanya ng nakagagalak hinggil sa Paraiso." Kaya tumapik si `Umar ng kamay nito sa pagitan ng dibdib ni Abū Hurayrah kaya bumagsak ito sa pigi nito saka nagsabi iyon: "Bumalik ka, O Abū Hurayrah." Kaya bumalik naman ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang nanghihilakbot na nag-iiba ang mukha, na nakahanda sa pag-iyak at sumunod si `Umar at naglakad sa likuran ko. Kaya nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ano ang mayroon sa iyo, O Abū Hurayrah?" Nagsabi ako: "Nakatagpo ko si `Umar kaya nagpabatid ako sa kanya hinggil sa ipinagpadala mo sa akin ngunit tumapik siya sa isang pagtapik na bumagsak ako sa pigi ko. Nagsabi siya na bumalik ako." Nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O `Umar, ano ang nag-udyok sa iyo sa ginawa mo?" Nagsabi si `Umar: "O Sugo ni Allāh, kapalit ng ama ko ikaw at ina ko, nagpadala ka po ba kay Abū Hurayrah kalakip ng mga sandalyas mo, na sa sinumang nakatagpo niya na sumasaksi na walang Diyos kundi si Allāh habang nakatitiyak dito ang puso niyon magbabalita siya roon ng nakagagalak hinggil sa Paraiso?" Nagsabi siya: "Oo." Nagsabi ito: "Kaya huwag mong gawin sapagkat tunay na ako ay natatakot na umaasa ang mga tao sa sabi niyon lamang nang walang paggawa kaya hayaan mo sila na gumawa." Nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kaya hayaan mo sila, samakatuwid.
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang Muslim ay ang sinumang naligtas ang mga Muslim mula sa dila niya at kamay niya. Ang tagalikas ay ang sinumang umiwan ng sinaway ni Allāh."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Muslim na kumpleto ang pagkaanib sa Islām ay ang sinumang naligtas ang mga Muslim mula sa dila niya sapagkat hindi siya nang-aalipusta sa kanila, hindi siya sumusumpa sa kanila, hindi siya nanlilibak sa kanila, at hindi siya nagpupunyagi sa gitna nila ng alinmang uri kabilang sa mga uri ng perhuwisyo sa pamamagitan ng dila niya; at naligtas sila mula sa kamay niya sapagkat hindi siya nangangaway sa kanila, hindi siya kumukuha ng mga ari-arian nila nang walang katwiran, at anumang nakawangis niyon. Ang tagalikas ay ang sinumang nagwaksi ng ipinagbawal ni Allāh (napakataas Siya).
Ayon kay Al-Mughirah bin Shu`bah-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi:Nagsabi ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:((Tinanong si Propeta Musa-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang Panginoon niya;Ano ang pinakamababang antas a mga manananahanan sa Paraiso?Nagsabi siya: Siya ang lalaking darating pagkatapos pumasok ng mga mananahanan sa Paraiso,at sasabihin sa kanya:Pumasok ka sa Paraiso,Sasabihin niya: O Panginoon,Papaano,?at tunay na nagsipagbabaan na ang mga taong sa [kani-kanilang] mga antas,at nakuha na nila ang [kani-kanilang] dapat kunin? Sasabihin sa kanya:"Malulugod kaba na magkaroon ka ng tulad ng paghahari ng isang Hari mula sa mga Hari ng Mundo? Sasabihin niya:Nalulugod ako O Panginoon,Sasabihin sa kanya: Ito ay sa iyo,at ang tulad nito,at ang tulad nito,at ang tulad nito,at ang tulad nito,at sasabihin niya sa ikalima:Nalugod na ako O Panginoon,Sasabihin sa kanya:Ito sa iyo,at Sampong tulad pa nito,At mapapasaiyo ang anumang ibigin ng sarili mo,at [anumang] makakapagpasaya sa nakikita mo,Sasabihin niya: Nalugod ko O Panginoon". Nagsabi siya: O Panginoon,ano naman ang pinakamataas na antas sa kanila? Nagsabi siya: Sila yaong inibig ko,Linagyan ko ng halaman ang mga biyaya nila sa pamamagitan ng Aking kamay,at itinago Ko ito,Walang nakakita dito na mga mata,at walang nakarinig dito na mga tainga,Ito kailanman ay hindi naganap sa puso ng tao))At ayon kay Ibn Mas-ud malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya: Nagsabi ang Sugo ni Allah-Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:((Tunay na nalalaman ko ang pinakahuli sa mga nananahanan sa Impiyerno na lalabas mula rito,at ang pinakahuling mananahanan sa Paraiso na papasok sa Paraiso.Isang lalaki na lalabas sa Impiyerno na gumagapang,At sasabihin ni Allah-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan-sa kanya:Humayo ka at pumasok ka sa Paraiso,Darating siya rito,Aakalain niya rito na ito ay napuno na,At babalik siya:Sasabihin niya: O Panginoon,natagpuan ko itong puno na! At sasabihin ni Allah-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan-sa kanya:Humayo ka at pumasok ka sa Paraiso,Darating siya rito,Aakalain niya rito na ito ay napuno na,At babalik siya:Sasabihin niya: O Panginoon,natagpuan ko itong puno na! At sasabihin ni Allah-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan-sa kanya:Humayo ka at pumasok ka sa Paraiso,At tunay na mapapasaiyo ang katulad ng Paraiso,at sampong tulad pa nito,O Tunay na sa iyo ang katulad ng Sampong kasingtulad ng Mundo,Sasabihin niya:Kinukutya niyo ba ako,o Pinagtatawanan niyo ba ako,At kayo ang Hari)) Nagsabi siya: Tunay na nakita ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na tumawa hanggang sa nakita ang bagang nito,At sinasabi niyang: (( Ito ang pinakamababang antas ng mananahanan sa Paraiso))
Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakanPagpapahayag sa Kabaitan ni Allah-Pagkataas-taas Niya,at sa Lawak ng Habag Niya,At pagpapahayag sa Antas ng mga nananahanan sa Paraiso,Kung saan ang Pinakamababa sa kanilang antas,ay namumuhay sa mga biyaya [ ni Allah] nang doble,doble,Walang makapag-aari nito ng sinumang Hari sa Mundo.
Ayon kay Abe Hurayrah,sa isang salaysay;Ay nagsabi; (( Katotohanan kay Allah,na sa Kanya ay may Siyamput-siyam na Pangalan,Walang makakasa-ulo nito sa isa (sa inyo) maliban sa makakapasok ng Paraiso,At Siya ay Gansal,niibig Niya ang Gansal))
Napagkaisahan ang katumpakanKatotohanan kay Allah,na sa Kanya ay may Siyamput-siyam na Pangalan,Walang makakasa-ulo nito sa isa (sa inyo) maliban sa makakapasok ng Paraiso,At ang ipinapahiwatig sa pagsasa-ulo,ay ang pagbabasa sa nakikita ng puso,at sinasabi ay: Ang kahulugan nito ay: Ang pananampalataya rito,at ang pagsasagawa rito,At ang pananampalataya sa kahulugan ng lahat ng Kanyang Pangalan,At sa Hadith na ito,Ay Pagpapatunay sa (lahat nitong) Pangalan,at wala ritong pagtatanggi,maliban sa kung ano ang Naidag-dag rito,At Katotohanan,kaya dumating ang pagpapa-iba sa mga Pangalang ito,dahil ito ang Pinaka-tanyag sa Kanyang mga Pangalan,at may pinaka-maliwanag na Kahulugan,at ito ay dahil sa antas ng pananalita mo: Tunay na si Zaid ay may isang-daan na dirham,itinatalaga niya para sa pagkawang-gawa,Hindi ito nagpapatunay na hindi siya nagmamay-ari ng mga Dirham na mas-marami pa,doon.Datapuwat ito ay nagpapatunay na ang itinalaga niyang ito ay para lang sa kawang-gawa,at pinapatunayan sa pagbibigay kahulugan na ito,Ang Hadith ni Ibn Masūd; (( Humuhiling ako sa lahat ng Pangalan na ito at Sa Iyo,Ipinangalan Mo ito sa Sarili Mo,O ibinaba Mo ito sa Aklat Mo,o itinuro Mo ito sa isa sa mga likha Mo,o itinago Mo ito sa karunungan ng Lingid sa Iyo)),At ito ay nagpapatunay na si Allah ay nagtataglay ng Pangalan na hindi niya ibinaba sa Aklat nito.Ginawa Niya itong lingid sa kanyang mga likha.(( At siya ay Gansal )) ibig sabihin ay : Si Allah ay Nag-iisa at wala siyang katambal (( Iniibig Niya ang Gansal)) ibig sabihin ay: Binibigyan Niya ng mas higit ng Pagpapahalaga-sa mga Gawaing(pagsamba) at sa karamihan ng pananampalataya,Kung-kaya't Ginawa ng Allah ang (nilang) ng pagdarasal na Lima,at ang Tawāf ay Pito,At ginawa Niyang (Sunnah)Ang Tatluhan sa karamihan ng Gawain,At nilikha Niya ang Kalangitan na Pito,at ang Kalupaan ay pito,at iba pa rito
Ayon kay Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nagsabi, kapag naririnig niya ang panawagan, ng: Allāhumma rabba hādhihi -dda`wati -ttāmmāti wa-ṣṣalāti -lqā’imah, āti muḥammadani -lwasīlata wa-lfaḍīlah, wa-b`athhu maqāmam maḥmūdani -lladhī wa`attahu (O Allāh, ang Panginoon nitong panawagang lubos at ṣalāh na isasagawa, ibigay Mo kay Muḥammad ang kaparaanan at ang kalamangan at buhayin Mo siya sa katayuang pinapupurihan, na ipinangako Mo), dadapo sa kanya ang Pamamagitan ko sa Araw ng Pagbangon."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyNaglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsabi, kapag nakaririnig sa mu'adhdhin matapos na magwakas ito mula roon, ng sumusunod: "Allāhumma rabba hādhihi -dda`wati (O Allāh, ang Panginoon nitong panawagang)" na mga pananalita ng adhān na ipinananawagan sa pagsamba kay Allāh at ṣalāh; "[a]ttāmmāti (ganap)" lubos, ang panawagan ng Tawḥīd at Pasugo. "wa-ṣṣalāti -lqā’imah (at ṣalāh na isasagawa)" palagian na isasagawa. "āti muḥammadani -lwasīlata (ibigay Mo kay Muḥammad ang kaparaanan)" at ang katayuang mataas sa Paraiso na hindi nararapat kundi sa kanya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). "wa-lfaḍīlah (at ang kalamangan)" ang antas na nakahihigit sa mga antas ng mga nilikha. "wa-b`athhu (buhayin Mo siya) at bigyan Mo siya. "maqāmam maḥmūdan (sa katayuang pinapupurihan)" na pupurihin ang tatayo roon, ang pinakadakilang Pamamagitan sa Araw ng Pagbangon. "[a]lladhī wa`attahu (na ipinangako Mo)" sa sabi Mo (Qur'ān 17:79): {marahil buhayin ka ng Panginoon mo sa isang katayuang pinapupurihan} dahil ito ay magiging ito ay ukol sa kanya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Kaya ang sinumang dumalangin ng panalanging ito, naging karapat-dapat siya at nangindapat sa kanya ang Pamamagitan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Araw ng Pagbangon.
Mula kay Abu Sa'eed Al-khudriy -Kalugdan nawa siya ng Allah- Marfuw'an: ((Ang lupa na lahat-lahat niya ay Masjid (Simbahan o lugar na pagpapatirapaan) maliban sa sementeryo (puntod) at palikuran)).
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-DārimīyAng lupa lahat-lahat niya ay lugar para sa Salah; maliban sa lugar na nililibing ang mga patay, sakop niya ang lahat ng napapaligiran ng pader ng sementaryo, at ang lugar ng panliguan ng pagpapausok o mainit na tubig para pampagaling o pampagamot. At sabi ni An-nawawi -Kaawaan siya ni Allah-: "Ang Salah sa pinagkanlungan ng Shaytan ay Makrooh (kinasusuklaman) sa pinagkaisahan ng mga dalubhasa, at iyon ay tulad ng pinaglalagyan ng alak, bar (inuman), o paglalaruan ng baraha, o ano pa katulad nito mula sa mga masasamang gawain, at mga simbahan, o Hushush at iba pa", ang Hushush ay mga lugar na ginagawa ang mga pangangailangan (pag-ihi o pagdudumi) ng mga tao sa kanya.