





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya: "Hindi titigil ang Impiyerno sa pagsasabi: May dagdag pa ba, hanggang sa ilagay ng Panginoon ng Kapangyarihan roon ang paa Niya at magsasabi iyon: Sapat na, sapat na, sumpa man sa kapangyarihan Mo; at masisiksik ang bahagi nito sa ibang bahagi."
Napagkaisahan ang katumpakanIpinababatid ni Allah, pagkataas-taas Niya, na Siya ay magsasabi sa Impiyerno: "Napuno ka?" Iyon ay dahil Siya ay nangako roon na pupunuin Niya iyon ng mga jinn at tao nang sama-sama. Siya, napakamaluwalhati Niya, ay mag-uutos ng ipag-uutos Niya para roon at itatapon roon habang iyon ay nagsasabi: "May dagdag ba?" Nangangahulugan ito: "May natira bang idadagdag Mo sa akin?" Ito ay hanggang sa ilagay ng Panginoon ng Kapangyarihan roon ang paa Niya at magsasabi iyon: "Ito ay nakasasapat na." Hahawakan ito at sisiksikin ito. Hindi ipinahihintulot ang pagbibigay-pakahulugan sa paa bilang sinumang inihain ni Allah sa Impiyerno, ni iba pa roon na mga pagbibigay-pakahulugang walang kabuluhan, bagkus kinakailangan ang pagkilala sa pagkakaroon ng paa bilang isang katangian kay Allah, pagkataas-taas Niya, nang walang paglilihis sa kahulugan ni pag-aalis sa kahulugan, at nang walang pagpapaliwanag sa kahulugan ni pagtutulad.
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): Tunay na si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) ay magsasabi sa mga maninirahan sa Paraiso: "O mga maninirahan sa Paraiso." Kaya magsasabi sila: "Bilang pagtugon sa Iyo, Panginoon namin, at bilang pagpapaligaya sa Iyo." Kaya magsasabi Siya: "Nalugod ba kayo?" Kaya magsasabi sila: "Ano ang mayroon sa amin na hindi kami nalulugod samantalang nagbigay Ka nga sa amin ng hindi Mo ibinigay sa isa mula sa nilikha Mo?" Kaya magsasabi Siya: "Ako ay magbibigay sa inyo ng higit na mainam kaysa roon." Magsasabi sila: "O Panginoon, at aling bagay ang higit na mainam kaysa roon?" Kaya magsasabi Siya: "Magpapadapo Ako sa inyo ng kaluguran Ko kaya hindi Ako maiinis sa inyo matapos nito magpakailanman."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakataas Siya) ay magsasabi sa mga maninirahan sa Paraiso kapag sila ay naroon: "O mga maninirahan sa Paraiso." Kaya tutugon sila sa Kanya, na mga nagsasabi: "Bilang pagtugon sa Iyo, Panginoon namin, at bilang pagpapaligaya sa Iyo." Kaya magsasabi Siya sa kanila: "Nalugod ba kayo?" Kaya magsasabi sila: "Opo, nalugod po kami. Ano ang mayroon sa amin na hindi kami nalulugod samantalang nagbigay Ka nga sa amin ng hindi Mo ibinigay sa isa mula sa nilikha Mo?" Kaya magsasabi Siya (kaluwalhatian sa Kanya): "Hindi ba Ako magbibigay sa inyo ng higit na mainam kaysa roon?" Magsasabi sila: "O Panginoon, at aling bagay ang higit na mainam kaysa roon?" Kaya magsasabi Siya: "Magpapababa Ako sa inyo ng pamamalagi ng kaluguran Ko at hindi Ako magagalit sa inyo matapos nito magpakailanman."
Ayon kay Ali-malugod si Allah sa kanya-Kami ay nasa libingan sa Baqie Al-Gharqad,Dumating sa amin ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-umupo siya at umupo kami na paikot sa kanya,at may dala siyang patpat,ibinaba niya ang ulo niya at gumawa siya ng hukay gamit ang patpat nito,Pagkatapos ay sinabi niya:(( Wala sa inyo na kahit isa maliban sa naisulat ang pag-uupuan niya sa Impyerno at pag-uupuan niya sa Paraiso))Kaya`t nagsabi sila:O Sugo ni Allah,Hindi ba kami magtitiwala sa aklat nami? Nagsabi siya:(( Magtrabaho kayo,sapagkat ang lahat ay magiging madali,ayon sa nilikha sa kanya)) At binanggit ang wastong Hadith
Napagkaisahan ang katumpakanAng mga kasamahan ng Propeta-malugod si Allah sa kanila-ay sa libingan ng isa sa kanila sa sementeryo ng mga tao sa Madinah,Umupo ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa gitna ng mga kasamahan niya,at sa kamay nito ay patpat,ibinaba niya ang ulo nito at iniyuko niya siya lupa na tulad ng tagapag-isip na nalulungkot,at gumawa siya ng hukay sa lupa gamit ang patpat nito,pagkatapos ay nagsabi siya:Katotohanan si Allah-pagkatas-taas Niya-ay isinulat Niya ang mga itinakda sa mga tao,at isinulat Niya ang pag-uupuan nila sa Paraiso at sa Impeyerno,at nang marinig nila ang tungkol doon mula sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi sila:Habang nanatili na nauna na ang Kahihinatnan at Nakatakdang-Tadhana,Na ang Sawi ay sawi at ang Pinagpala ay pinagpala,At ang nasa Paraiso ay sa Paraiso,at ang nasa Impiyerno ay sa Impiyerno,at hangga`t mananatili na ganun ang mangyayari,Hindi ba namin iiwan ang pagtrabaho sapagkat walang kabuluhan ang pagsusumikap kung ang lahat ng bagay ay nakasulat at nakatakda na.Sinagot niya sila sa sinabi niya: Magtrabaho kayo at huwag kayong magtiwala sa anumang naitakda ni Allah mula sa kabutihan at kasamaan,Ngunit magtrabaho kayo sa angkop na ipinag-utos sa inyo at ipagbawal ninyo ang anumang ipinagbawal sa inyo,sapagkat ang Paraiso ay hindi makakamit maliban sa pagtrabaho at ang Impiyerno ay hindi makakamit maliban sa pagtrabaho,Kaya`t walang makakapasok sa Impiyerno maliban sa sinumang gumawa ng mga gawain ng tao sa Impiyerno,walang makakapasok sa Paraiso maliban sa sinumang gumawa ng mga gawain ng tao sa Paraiso,sapagkat ang lahat ay magiging madali,ayon sa nilikha sa kanya,mula sa kabutihan o kasamaan,Kaya`t sinuman ang kabilang sa mga taong pinagpala,papadaliin ni Allah sa kanya ang paggawa (ng bagay upang mapabilang )sa mga tao na Pinagpala,at sinuman ang kabilang sa mga taong nasawi,papadaliin ni Allah sa kanya ang paggawa (ng bagay upang mapabilang) sa mga taong Nasawi.
Ayon kay Abū Dharr (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Walang nagpaparatang na isang lalaki sa isang lalaki ng kasuwailan at walang nagpaparatang dito ng kawalang-pananampalataya malibang manunumbalik ito sa kanya, kung ang pinaratangan niya ay hindi naging gayon."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsabi sa ibang tao: "Ikaw ay suwail" o "Ikaw ay tagatangging sumampalataya" saka kung ito ay hindi naging gaya ng sinabi siya, magiging siya ang karapat-dapat sa paglalarawang nabanggit at babalik sa kanya ang sabi niya. Hinggil naman sa kapag ito ay gaya ng sinabi niya, walang babalik sa kanya na anuman dahil sa pagiging siya ay nagsabi ng totoo sa sinabi niya.
Ayon kay Abe Hurayrah, malugod si Allah sa kanya-Hadith na marfu: (( Ang sinuman ang manira ng asawang babae sa asawa nito,o alipin ;ay hindi kabilang sa amin))
Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudSinuman ang maghangad na siraan ang isang babae sa asawa nito,maging lalaki o babae man ang maninira,at ito ay ang pagbanggit niya sa kanya sa mga kasamaan ng asawa niya at masasamang pag-uugali niya upang kasuklaman siya ng asawa niya at maging suwail sa kanya at hahangarin niya na mapahiwalay siya sa kanya sa pamamatian ng deborsiyo o pagkalas [sa kanya],O siraan niya ang isang alipin ng lalaki sa kanya,at gumawa siya ng mga gawaing magiging dahilan ng pagiging suwail niya at pakikisalamuhan ng masamang pakikisalamuha;Ito ay hindi kabilang sa aming patnubay at sa aming katurun;subalit ito ay mula sa gawain ni Satanas
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Tunay na ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano ay hindi nagtitina kaya sumalungat kayo sa kanila."
Napagkaisahan ang katumpakanIpinababatid ni Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, na ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagpabatid sa kanila na ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano ay hindi nagtitina ng buhok ng mga ulo nila at mga balbas nila, bagkus hinahayaan nila ang uban doon sa kalagayan nito. Kaya nag-utos ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na salungatin sila sa pamamagitan pagtitina ng buhok at pagkukulay ng balbas at buhok sa ulo.
Ayon kay Buraydah, malugod si Allāh sa kanya: "Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay hindi naniniwala sa masamang pangitain."
Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudAng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay hindi nagtuturing na masamang pangitain o kamalasan ang anuman nang walang pasubali. Al-Qawl al-Mufīd Sharḥ Kitāb at-Tawhīd 1/104.
Ayon kay Ibnu `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa, ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Tunay na ang mga gumagawa ng mga larawang ito ay pagdurusahin sa Araw ng Pagkabuhay. Sasabihin sa kanila: Buhayin ninyo ang nilikha ninyo."
Napagkaisahan ang katumpakanAng kahulugan ng hadith ay na ang mga gumagawa ng mga larawan, magkatulad lamang kung ang larawan ay inukit o iginuhit, na kabilang sa may kaluluwa gaya ng paglalarawan sa tao o hayop, at magkatulad lamang kung ang larawan ay ginawa sa hamak na layon o hindi hamak, sapagkat sila ay pagdurusahin sa Araw ng Pagkabuhay dahil sa ginawa nilang iyon dahil sa paggaya nila sa nilikha ni Allah, pagkataas-taas Niya. Sasabihin sa kanila: "Buhayin ninyo." Ibig sabihin: Gawan ninyo iyan ng kaluluwa gaya ng paggawa ninyo ng katawan. Ang "ang nilikha ninyo" ay nangangahulugang: ang isinaimahen ninyo na mga imaheng nakakawangis ng nilikha ni Allah, pagkataas-taas Niya. Kapag kayo ay nagwangis nga sa kanila sa nilikha ni Allah, pagkataas-taas Niya, sa anyo, padalhan ninyo ito ng kaluluwa. Ito ay bilang panunuya, pagsumbat, at paninisi dahil sa paggaya nila sa nilikha ni Allah, pagkataas-taas Niya. Titigil sila dahil sa hiling na ito kapag hindi nila nakayanang umihip ng kaluluwa sa imahen. Nasaad sa Ṣaḥīḥayn mula sa ḥadīth ayon kay Ibnu `Abbās, malugod si Allah sa kanya, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Ang sinumang gumawa ng isang imahen, tunay na si Allah ay magpaparusa sa kanya hanggang sa makaihip siya rito ng kaluluwa." Nagsabi si An-Nawawīy, kaawaan siya ni Allah: "Nagsabi ang mga pantas: ang pagsasaimahen ng imahen ng hayop ay ipinagbabawal nang matinding pagbabawal. Ito ay kabilang sa mga malaking kasalanan dahil ito ay binantaan nitong matinding bantang nabanggit sa mga hadith, magkatulad lamang kung ginawa ito sa layuning kahamak-hanak o hindi. Ang paggawa nito ay ipinagbabawal sa lahat ng kalagayan dahil ito ay nagtataglay ng paggaya sa nilikha ni Allah, pagkataas-taas Niya." Sharḥ Al-Bukhārīy ni Ibnu Baṭal 554/10, Shārḥ An-Nawawīy `alā Muslim 81/14, at Manār Al-Qāri’ 291/3.
Ayon kay Abu Ṭalḥah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Hindi pumapasok ang mga anghel sa isang bahay na sa loob nito ay may aso ni may larawan."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga anghel ng awa ay hindi pumapasok sa isang bahay na may aso ni larawan ng mga may kaluluwa. Iyon ay dahil sa ang larawan ng may kaluluwa ay isang nakayayamot na pagsuway. Dito ay may panggagaya sa paglikha ni Allāh at isang kaparaanan mula sa mga kaparaanan ng Shirk. Ang ilan sa mga ito ay larawan ng sinasamba bukod pa kay Allāh. Ang kadahilanan naman ng pag-ayaw ng mga anghel sa isang bahay na sa loob nito ay may aso ay dahil sa dami ng pagkain nito ng mga karumihan, dahil ang iba sa mga ito ay tinatawag bilang demonyo at ang mga anghel ay kontra sa mga demonyo, dahil sa baho ng amoy ng aso at ang mga anghel ay nasusuklam sa mabahong amoy, at dahil ang mga ito ay ipinagbabawal alagaan saka parurusahan ang tagapag-alaga ng mga ito ng pagkakait sa kanya ng pagpasok ng mga anghel ng awa sa bahay niya, pagdalangin ng mga ito ng basbas sa loob nito, paghingi ng mga ito ng tawad para sa kanya, pagdalangin ng mga ito ng pagpapala sa kanya at sa bahay niya, at pagtulak ng mga ito ng perhuwisyo ng demonyo palayo sa kanya.