





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay nagsabi: {Ang sinumang umaway sa isang katangkilik para sa Akin, nagpahayag nga Ako sa kanya ng digmaan. Hindi nagpakalapit-loob sa Akin ang lingkod Ko sa pamamagitan ng isang bagay na higit na kaibig-ibig sa Akin kaysa sa isinatungkulin Ko sa kanya. Hindi tumitigil ang lingkod Ko na nagpapakalapit-loob sa Akin sa pamamagitan ng mga kusang-loob na pagsamba hanggang sa umibig Ako sa kanya. Kaya kapag umibig Ako sa kanya, Ako ay naging ang pandinig niya na ipinandidinig niya, ang paningin niya na ipinantitingin niya, ang kamay niya na ipinanghahawak niya, at ang paa niya na ipinanlalakad niya. Kung humingi siya sa Akin, talagang magbibigay nga Ako sa kanya. Talagang kung humiling siya sa Akin ng pagkupkop, talagang magkukupkop nga Ako sa kanya. Hindi Ako nag-atubili sa isang bagay na Ako ay gagawa nito gaya ng pag-aatubili Ko sa [pagbawi sa] kaluluwa ng mananampalataya habang nasusuklam siya sa kamatayan samantalang Ako naman ay nasusuklam sa pagpapasakit sa kanya.}"}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa banal na ḥadīth na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nagsabi: Ang sinumang namerhuwisyo sa isang katangkilik kabilang sa mga katangkilik Ko, gumalit siya rito, at namuhi siya rito, magpapaalam nga Ako sa kanya at magpapahayag nga Ako sa kanya ng away. Ang katangkilik ay ang mananampalatayang mapangilag magkasala. Ayon sa sukat ng taglay ng tao na pananampalataya at pangingilag magkasala ang bahagi niya mula sa pagtangkilik ni Allāh. Hindi nagpakalapit-loob ang Muslim sa Panginoon nito sa pamamagitan ng isang bagay na higit na kaibig-ibig sa Kanya kaysa sa isinatungkulin Niya rito at inobliga Niya rito na paggawa ng mga pagtalima at pagwaksi sa mga ipinagbabawal. Hindi tumitigil ang Muslim na nagpapakalapit-loob sa Panginoon nito sa pamamagitan ng mga kusang-loob na pagsamba kasama ng mga tungkuling pagsamba hanggang sa magtamo ito ng pag-ibig ni Allāh. Kapag umibig dito si Allāh, si Allāh ay magiging tagapagtama rito sa apat na bahaging ito ng katawan: Magtatama si Allāh dito sa pandinig nito kaya hindi ito didinig kundi ng nagpapalugod sa Kanya. Magtatama si Allāh dito sa paningin nito kaya hindi ito titingin kundi sa iniibig Niya ang pagtingin doon at kinalulugdan Niya. Magtatama si Allāh dito sa kamay nito kaya hindi ito gagawa sa pamamagitan ng kamay nito kundi ng nagpapalugod sa Kanya. Magtatama si Allāh sa paa nito kaya hindi ito maglalakad kundi tungo sa nagpapalugod sa Kanya at hindi ito magpupunyagi kundi sa anumang naroon ang kabutihan. Sa kabila nito, kung humiling siya kay Allāh ng isang bagay, tunay na si Allāh ay magbibigay sa kanya ng hiniling niya kaya siya ay magiging tinutugon ang panalangin. Talagang kung humiling siya kay Allāh ng pagkupkop at dumulog siya kay Allāh dala ng paghahanap ng pagsasanggalang, tunay na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay magkukupkop sa kanya at magsasanggalang sa kanya laban sa pinangangambahan niya. Pagkatapos nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Hindi Ako nag-atubili sa isang bagay na Ako ay gagawa nito gaya ng pag-aatubili Ko sa pagbawi sa kaluluwa ng mananampalataya bilang awa sa kanya dahil siya ay nasusuklam sa kamatayan dahil sa taglay nito na hapdi.} Si Allāh ay nasusuklam sa nagpapasakit sa mananampalataya.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "May dalawang gawain sa mga tao na sa kanila ay may kawalang-pananampalataya: ang paninirang-puri sa kaangkanan at ang pananaghoy sa patay."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpapabatid ang Propeta (s) tungkol sa dalawang kakanyahan sa mga tao kabilang sa mga gawain ng mga tagatangging sumampalataya at mga kaasalan ng Panahon ng Kamangmangan. Ang dalawang ito ay: Una: Ang paninirang-puri sa mga kaangkanan ng mga tao, ang pagmamaliit sa kanila, at ang pagpapakamalaki laban sa kanila. Ikalawa: Ang pagtataas ng tinig sa sandali ng kasawiang-palad bilang pagkainis sa pagtatakda o ang pagpupunit ng mga damit dahil sa tindi ng pagdadalamhati.
Ayon kay `Imraan bin Husain-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu: "Katotohanang ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nakakita ng isang lalaki,sa kamay niya ay singsing na dilaw,Nagsabi siya: Ano ito? Nagsabi siya:Mula [pampatanggal ng] kahinaan,Nagsabi siya: Tanggalin mo ito,sapagkat walang maidadagdag sa iyo nito maliban sa kahinaan,Sapagkat kapag ikaw ay namatay at ito ay sa iyo [suot mo],Hinding-hindi ka magkakamit ng tagumpay magpakailanman."
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām AḥmadBinabanggit sa atin ni `Imran bin Husayn-malugod si Allah sa kanilang dalawa-ang isa sa mga katayuan na kinatatayuan ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- sa pakikipaglaban niya sa pagtatambal kay Allah at ang pagtigil ng mga tao rito;Ang katayuang ito ay: Tunay na nakita niya ang isang lalaki,suot-suot niya ang singsing niya na gawa sa tansong kulay dilaw,Tinanong niya ang nagdadala nito kung bakit niya suot ito?Sinagot siya ng lalaki,na kaya niya isinuot ito ay upang mapigilan siya sa pananakit,Ipinag-utos niya ang dali-daling pagtapon rito,At ipinahayag niya sa kanya na ito ay hindi makakapag-bigay pakinabang sa kanya,datapuwat ito ang makakapinsala sa kanya,at ito ay makakadag-dag na sakit niya dahil sa pagsuot niya nito, At ang panakahigit nito,kapag nagpatuloy siya [sa gawaing ito]hanggang sa madatnan siya ng kamatayan,ipagkakait din sa kanya ang Tagumpay sa Kabilang-buhay.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Nakaaalam ba kayo kung sino ang bangkarota?" Nagsabi sila: "Ang bangkarota sa amin ay ang sinumang walang dirham sa kanya at walang ari-arian." Kaya nagsabi siya: "Tunay na ang bangkarota kabilang sa Kalipunan ko ay darating sa Araw ng Pagbangon na may dasal, ayuno, at zakāh, at darating na nakapanlait nga kay ganito, nanirang-puri kay ganiyan, lumamon ng yaman ni ganoon, nagpadanak ng dugo ni ganito, at nanakit kay ganiyan. Kaya bibigyan si ganito mula sa mga magandang gawa niya at si ganiyan mula sa mga magandang gawa niya. Saka kung naubos ang mga magandang gawa niya bago mabayaran ang kailangan sa kanya, kukuha mula sa mga kamalian nila saka itatapon ang mga ito sa kanya, pagkatapos itatapon siya sa Impiyerno."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagtanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya: "Nakaaalam ba kayo kung sino ang bangkarota?" Nagsabi sila: "Ang bangkarota sa amin ay ang sinumang walang yaman sa kanya at walang ari-arian." Kaya nagsabi siya: "Tunay na ang bangkarota kabilang sa Kalipunan ko sa Araw ng Pagbangon ay ang sinumang darating na may mga gawang maayos gaya ng dasal, ayuno, at zakāh, at darating na nakapanlait nga kay ganito at nakaalipusta rito, nanirang-puri kay ganiyan sa dangal niyan, lumamon ng yaman ni ganoon at nagkaila nito, nagpadanak ng dugo ni ganito at lumabag sa katarungan dito, at nanakit kay ganiyan at nanghamak diyan. Kaya bibigyan ang nalabag sa katarungan mula sa mga magandang gawa niya; saka kapag naubos ang mga magandang gawa niya bago siya makabayad ng tungkulin sa kanya na mga karapatan ng iba at mga paglabag sa katarungan, kukuha mula sa mga pagkakasala ng nalabag sa katarungan saka ilalagay ang mga ito sa mga talaan ng tagalabag sa katarungan, pagkatapos ihahagis siya at itatapon siya sa Impiyerno yayamang walang natira sa kanya na mga magandang gawa.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang anumang tagapagmay-ari ng ginto ni pilak, na hindi gumaganap mula rito ng karapatan dito, malibang kapag Araw ng Pagbangon ay may pipirasuhin para sa kanya na mga piraso mula sa apoy, saka paiinitin ang mga ito sa apoy ng Impiyerno, saka papasuin sa pamamagitan ng mga ito ang gilid niya, ang noo niya, at ang likod niya. Sa tuwing lumamig ang mga ito, uulitin ang mga ito sa kanya, sa isang araw na ang sukat nito ay limampung libong taon, hanggang sa hukuman sa pagitan ng mga tao kaya makakikita siya sa landas niya na maaaring patungo at Paraiso at maaaring patungo sa Impiyerno." Sinabi: "O Sugo ni Allah, ang mga kamelyo naman po?" Nagsabi siya: "Ni ang tagapagmay-ari ng mga kamelyo, na hindi gumaganap mula sa mga ito ng karapatan sa mga ito, na bahagi ng karapatan sa mga ito ang paggatas sa mga ito sa araw ng pagpapainom sa mga ito, malibang kapag Araw ng Pagbangon ay may ilalatag para sa kanya na mga lugar na patag na pinakamalawak na naging. Hindi siya makawawala mula sa mga ito ng iisang inakay. Aapak sa kanya ang mga ito ng mga paa nila at mangangagat sa kanya ang mga ito ng mga bibig ng mga ito. Sa tuwing naparaan sa kanya ang una sa mga ito, ibabaik sa kanya ang huli sa mga ito, sa isang araw na ang sukat nito ay limampung libong taon, hanggang sa hukuman sa pagitan ng mga tao kaya makakikita siya sa landas niya na maaaring patungo sa Paraiso at maaaring patungo sa Impiyerno." Sinabi: "O Sugo ni Allah, ang mga baka at ang mga tupa naman po?" Nagsabi siya: "Ni ang tagapagmay-ari ng mga baka ni ng mga tupa, na hindi gumaganap mula sa mga ito ng karapatan sa mga ito, malibang kapag Araw ng Pagbangon ay may ilalatag para sa kanya na mga lugar na patag. Hindi siya makawawala mula sa mga ito ng anuman. Hindi nagkaroon sa mga ito ng pilipit ang sungay, wala ang sungay, at bali ang sungay, na susuwag sa kanya ng mga sungay ng mga ito at aapak kanya ang mga ito ng mga paa nila. Sa tuwing naparaan sa kanya ang una sa mga ito, ibabaik sa kanya ang huli sa mga ito, sa isang araw na ang sukat nito ay limampung libong taon, hanggang sa hukuman sa pagitan ng mga tao kaya makakikita siya sa landas niya na maaaring patungo at Paraiso at maaaring patungo sa Impiyerno." Sinabi: "O Sugo ni Allah, ang mga kabayo naman po?" Nagsabi siya: "Ang mga kabayo ay tatlo. Ang mga ito para sa isang lalaki ay pabigat. Ang mga ito para sa isang lalaki ay panakip. Ang mga ito para sa isang lalaki ay pabuya. Hinggil naman sa mga ito na para sa kanya ay pabigat, isang lalaki na nagtali ng mga ito bilang pagpapakitang-tao, bilang pagyayabang, at bilang pangangaway sa mga alagad ng Islam, kaya ang mga ito sa kanya ay pabigat. Hinggil naman sa mga ito na para sa kanya ay panakip, isang lalaki na nagtali ng mga ito alang-alang sa landas ni Allah, pagkatapos hindi siya nakalimot sa karapatan ni Allah kaugnay sa mga likod ng mga ito at mga leeg ng mga ito, kaya ang mga ito sa kanya ay panakip. Hinggil naman sa mga ito na para sa kanya ay pabuya, isang lalaki na nagtali ng mga ito alang-alang sa landas ni Allah para sa mga alagad ng Islam, sa isang pastulan at isang kaparangan kaya walang kinain ang mga ito mula sa yaong pastulan o kaparangan malibang may itatala para sa kanya na mga magandang gawa, na bilang ng kinain ng mga ito, at may itatala para sa kanya na mga magandang gawa, na bilang ng mga dumi ng mga ito at mga ihi ng mga ito. Hindi makapuputol ang mga ito ng panali ng mga ito saka kumakaladkad ang mga ito sa isang burol o dalawang burol, malibang magtatala si Allah para sa kanya ng bilang ng mga bakas ng mga ito bilang mga magandang gawa. Hindi nagparaan ang tagapagmay-ari ng mga ito sa isang ilog, saka uminom ang mga ito mula roon habang hindi naman siya nagnanais na magpainom sa mga ito, malibang magtatala si Allah para sa kanya ng bilang ng nainom ng mga ito bilang mga magandang gawa."
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglinaw ang Propeta (s) ng mga klase ng yaman at ng ganti sa sinumang hindi gumanap ng pagbibigay ng zakāh ng mga ito sa Araw ng Pagbangon. Kabilang sa mga ito: 1. Ang ginto at ang pilak at ang anumang nasa kahatulan ng dalawang ito na mga ari-arian at mga paninda ng kalakal. Ito ay ang anumang kinakailangan dito ang zakāh ngunit hindi ginampanan. Kapag naging Araw ng Pagbangon, lulusawin ang mga ito at ibubuhos sa anyo ng mga tipak at magpapaningas sa mga ito sa apoy ng Impiyerno. Pagdurusahin sa pamamagitan ng mga ito ang mga tagapagmay-ari ng mga iyon, saka papasuin sa pamamagitan ng mga ito ang gilid niya, ang noo niya, at ang likod niya. Sa tuwing lumamig ang mga ito, uulitin ang pagpapainit sa mga ito at magpapatuloy siya sa kalagayang ito ng pagdurusa sa kahabaan ng Araw ng Pagbangon, na ang sukat ng isang araw nito ay limampung libong taon, hanggang sa humatol si Allah sa pagitan ng mga nilikha, kaya siya ay magiging kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso o kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno. 2. Ang nagmamay-ari ng mga kamelyo na hindi gumaganap ng tungkulin ng zakāh sa mga ito at ng karapatan sa mga ito, na bahagi nito ang paggatas sa mga ito para sa sinumang pumunta sa mga ito kabilang sa mga duka. X sa araw ng pagpapainom sa mga ito, malibang kapag Araw ng Pagbangon ay may ilalatag para sa kanya na mga lugar na patag na pinakamalawak na naging. Hindi siya makawawala mula sa mga ito ng iisang inakay. Aapak sa kanya ang mga ito ng mga paa nila at mangangagat sa kanya ang mga ito ng mga bibig ng mga ito. Sa tuwing naparaan sa kanya ang huli sa mga ito, ibabaik sa kanya ang una sa mga ito. Magpapatuloy siya sa kalagayang ito ng pagdurusa sa hinaba-haba ng Araw ng Pagbangon na ang sukat ng araw nito ay limampung libong taon, hanggang sa humatol si Allah sa pagitan ng mga nilikha, kaya magiging kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso o kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno." 3. Ang nagmamay-ari ng mga baka at mga tupa – mga tupa at mga kambing – na hindi gumaganap ang tagapagmay-ari ng mga ito ng isinatungkuling zakāh sa mga ito. Dadalhin ang mga ito nang higit na marami sa bilang na walang mababawas mula sa mga ito na anuman. Saka ilalatag, itatapon, at babanatin para sa mga ito ang tagapagmay-ari ng mga ito sa Araw ng Pagbangon sa isang lupang malawak na patag. Hindi nagkaroon sa mga ito ng pinilipit ang mga sungay ni anumang walang sungay ni nabali ang sungay, bagkus ang mga ito ay nasa pinakalubos sa mga paglalarawan sa mga ito, na susuwag sa kanya ng mga sungay ng mga ito at aapak sa kanya ang mga ito ng mga paa nila. Sa tuwing naparaan sa kanya ang huli sa mga ito, ibabalik sa kanya ang una sa mga ito. Magpapatuloy siya sa kalagayang ito ng pagdurusa sa hinaba-haba ng Araw ng Pagbangon na ang sukat ng araw nito ay limampung libong taon, hanggang sa humatol si Allah sa pagitan ng mga nilikha, kaya magiging kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso o kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno. 4. Ang nagmamay-ari ng mga kabayo. Ito ay nasa tatlong klase: A. Ang mga ito para sa kanya ay pabigat. Siya ay sinumang gumawa sa mga ito bilang pagpapakitang-tao, bilang pagyayabang, bilang pakikidigma sa mga alagad ng Islam. B. Ang mga ito para sa isang lalaki ay panakip. Siya ay sinumang gumawa sa mga ito para sa pakikibaka alang-alang sa landas ni Allah, pagkatapos gumawa ng maganda sa mga ito sapagkat nagsagawa siya ng pagkukumpay sa mga ito at nalalabi sa pagtustos sa mga ito, na kabilang dito ang pagpapalahi ng mga lalaki mula rito. 3. Ang mga ito para sa isang lalaki ay pabuya. Siya ay sinumang gumawa sa mga ito para sa pakikibaka alang-alang sa landas ni Allah para sa mga alagad ng Islam. Ang mga ito ay nasa pastulan at kaparangan para manginain. Kaya hindi nanginain ang mga ito malibang itinala para sa kanya ang bilang ng kinain ng mga ito bilang mga magandang gawa at itinala para sa kanya ang bilang ng mga dumi ng mga ito at mga ihi ng mga ito bilang mga magandang gawa. Hindi makapuputol ang mga ito ng panali ng mga ito, ang lubid na itinatali sa mga ito roon, saka humila at tumakbo ang mga ito sa mataas na lupa malibang magtatala si Allah para sa kanya ng bilang ng mga bakas ng mga ito at mga dumi ng mga ito bilang mga magandang gawa. Hindi nagparaan ng mga ito ang tagapagmay-ari sa isang ilog, saka uminom ang mga ito mula roon habang hindi naman siya nagnanais na magpainom sa mga ito, malibang magtatala si Allah para sa kanya ng bilang ng nainom ng mga ito bilang mga magandang gawa. Pagkatapos tinanong ang Propeta (s) tungkol sa mga asno kung ang mga ito ba ay tulad ng mga kabayo. Kaya nagabi siya: na hindi nagbaba kaugnay sa mga ito ng pagbabatas na natatangi sa mga ito maliban sa talatang ito na kaunti ang katapat, na pangkalahatan para sa lahat ng mga uri ng pagtalima at pagsuway. Ito ay ang sabi ni Allah (Qur'an 99:8): {At ang sinumang gumawa ng kasimbigat ng isang katiting na kabutihan ay makikita niya iyon, at ang sinumang gumawa ng kasimbigat ng isang katiting na kasamaan ay makikita niya iyon.} Kaya ang sinumang gumawa sa pagmamay-ari ng mga asno ng isang pagtalima, makakikita siya ng gantimpala niyon; at kung gumawa siya ng isang pagsuway, makakikita siya ng parusa niyon. Ito ay sumasaklaw sa lahat ng mga gawain.
Ayon kay `Adīy bin Ḥātim (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Wala sa inyong isa man malibang kakausap sa kanya si Allāh nang walang tagapagsalin sa pagitan niya at Nito. Titingin siya sa kanan mula sa kanya ngunit wala siyang makikita kundi ang [gawang] ipinauna niya. Titingin siya sa kaliwa mula sa kanya ngunit wala siyang makikita kundi ang [gawang] ipinauna niya. Titingin siya sa nakaharap sa kanya ngunit wala siyang makikita kundi ang Impiyerno sa tapat ng mukha niya. Kaya mangilag kayo sa Impiyerno, kahit pa man sa pamamagitan ng [pagkakawanggawa ng] kalahati ng isang datiles."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang bawat mananampalataya ay titindig sa harapan ni Allāh sa Araw ng Pagbangon nang mag-isa at na si Allāh (napakataas Siya) ay kakausap sa kanya nang walang tagapagpagitna at sa pagitan nilang dalawa ay walang isang mananalin na magsasalin ng pag-uusap. Titingin siya sa dakong kanan at kaliwa dahil sa tindi ng pangingilabot at marahil siya ay makatatagpo ng isang daan na tatahakin niya upang matamo para sa kanya ang kaligtasan mula sa Impiyerno na nasa harapan niya. Kapag tumingin siya sa gilid na nasa kanan niya, wala siyang makikita kundi ang anumang ipinauna niya na maayos na gawa. Kapag tumingin siya sa gawing kaliwa niya, wala siyang makikita kundi ang anumang ipinauna niya na masagwang gawa. Kapag tumingin siya sa harapan niya, wala siyang makikita kundi ang Impiyerno. Hindi maaari sa kanya na makalihis palayo roon yayamang walang pag-iwas para sa kanya sa pagdaan sa Landasin. Pagkatapos nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Maglagay kayo sa pagitan ninyo at ng Impiyerno ng isang pananggalang mula sa kawanggawa at gawain ng pagsasamabuting-loob, kahit isang maliit na bagay gaya ng isang kalahati ng datiles.
Ayon kay `Uqbah bin `Āmir Al-Juhanīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay pinuntahan ng isang pangkat. Tumanggap siya ng pangako ng katapatan ng siyam at nagpigil siya sa isa. Kaya nagsabi sila: "Tumanggap ka ng pangako ng katapatan ng siyam at nag-iwan ka nito?" Nagsabi siya: "Tunay na sa kanya ay may anting-anting." Kaya nagpasok ito ng kamay nito saka pinutol iyon kaya tumanggap siya ng pangako ng katapatan nito at nagsabi siya: "Ang sinumang nagsuot ng anting-anting, nagtambal nga siya [kay Allāh]."}
Nagsalaysay nito si Imām AḥmadMay dumating na isang grupo sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang bilang nila ay sampu. Tumanggap siya ng pangako ng katapatan ng siyam sa kanila sa pag-anib sa Islām at pakikipagsunuran at hindi siya tumanggap sa pangako ng katapatan ng ikasampu. Noong tinanong siya tungkol sa kadahilanan niyon, nagsabi siya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Tunay na sa kanya ay may anting-anting." Ito ay ang itinatali o ang isinasabit na yari sa abaloryo (beads) at iba pa rito para sa pagtulak daw sa usog at pinsala. Kaya ipinasok ng lalaki ang kamay nito sa kinalalagyan ng anting-anting, pinutol nito iyon at iwinaksi nito iyon. Kaya naman tumanggap ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pangako ng katapatan nito sa sandaling iyon. Nagsabi siya habang nagbibigay-babala laban sa mga anting-anting at habang naglilinaw sa kahatulan sa mga ito: "Ang sinumang nagsuot ng anting-anting, nagtambal nga siya [kay Allāh]."
Ayon kay Ruwayfi`siya ay nagsabi:Sinabi sa akin ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: " O Ruwayfi`,marahil ay hahaba ang iyong buhay,Ipaalam mo sa mga tao na sinuman ang tumali ng kanyang balbas,o magsuot ng kwintas bilang panangga,o gumamit ng mga dumi ng hayop o buto-buto bilang panlinis sa [pagdudumi o pag-ihi] ,katotohanang si Propeta Muhammad ay walang pananagutan rito"
Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadIpinapaalam niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ang kasamahan niyang ito ay hahaba ang kanyang buhay at maabutan niya ang mga taong lumalabag sa patnubay niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa balbas, kung saan ay pinaparami ito at iginagalang papunta sa pagpapawalang bahala rito,sa paraang ginagaya nila rito ang mga hindi arabo o mga taong masasagana at marangya.o sumusuway sila sa paniniwala sa Kaisahan ng Diyos,sa pamamagitan ng paggamit ng mga pamamaraan ng pagtatambal,nagsusuot sila ng mga kwintas o isinasabit nila ito sa kanilang mga hayop.ginagamit nila ito para ipagtanggol sila sa mga nakakapinsala.At ginagawa nila ang mga bagay na ipinagbawal sa kanila ng kanilang mahal na Propeta,tulad ng paglilinis [mula sa pagdudumi at pag-ihi] gamit ang mga dumi ng hayop at buto-buto.Ipinagbilin ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa kasama nito na iparating sa Ummah,na ang Propeta niya ay walang pananagutan sa sinumang gumawa ng mga bagay na ito.
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya: "Nilikha ang mga anghel mula sa liwanag, nilikha ang mga jinn mula sa liyab ng apoy, at nilikha si Adan mula sa nilarawan sa inyo."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpabatid ang Propera, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng tungkol sa simula ng paglikha. Binanggit niya na ang mga anghel ay nilikha mula sa liwanag. Dahil doon silang lahat ay hindi sumusuway kay Allah at hindi nagmamalaki para tanggihan ang pagsamba sa Kanya. Tungkol naman sa mga jinn, sila ay nilikha mula sa isang apoy. Dahil dito, nagtataglay ang marami sa kanila ng katangian ng kapusukan, pagkamaloko, at mapangaway. Nilikha naman si Adan mula sa nabanggit sa inyo. Nangangahulugan itong nilika siya mula sa putik na mula sa alabok na mula sa luwad gaya ng palayok dahil ang alabok ay naging putik, pagkatapos ay naging malapalayok, at nilikha mula rito si Adan, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga ni Allah. Sharḥ Riyāḍ Aṣ-Ṣāliḥīn.