





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Pumasok sa kinaroroonan ko ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) noong nagtabing ako ng isang estante ko na may isang kurtinang may mga imahen. Kaya noong nakita niya ito, pinunit niya ito. Nag-ibang-kulay ang mukha niya at nagsabi siya: "O `Ā'ishah, ang pinakamatindi sa mga tao sa pagdurusa sa ganang kay Allāh sa Araw ng Pagbangon ay ang mga nagtutulad sa nilikha ni Allāh." Nagsabi si `Ā'ishah: "Kaya pinutol namin ito saka gumawa kami mula rito ng isang unan o dalawang unan."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoPumasok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa bahay niya sa kinaroroonan ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) saka natagpuan niya ito na nagtabing nga sa maliit na lagayan, na pinaglalagyan ng mga bagay-bagay, na may isang tela rito na may mga larawan ng mga may kaluluwa kaya nag-iba ang kulay ng mukha niya dala ng pagkagalit para kay Allāh. Inalis niya ito at sinabi: "Ang pinakamatindi sa mga tao sa pagdurusa sa Araw ng Pagbangon ay ang mga nakikiwangis sa pamamagitan ng mga paglalarawan nila sa nilikha ni Allāh." Nagsabi si `Ā'ishah: "Kaya gumawa kami rito ng isang unan o dalawang unan."
Ayon kay Buraydah bin Al-Husayb Al-Aslamie-malugod si Allah sa kanya ay nagsabi:Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag nagtalaga ng Pinuno sa mga hukbo o piraso sa mga hukbo,pinapayuan niya ito ng pagkatakot kay Allah,at ang sa mga kasamahan nito na mga Muslim,sa kabutihan.Nagsabi siya:(Makipag-darambong kayo sa Pangalan ni Allah, sa daan ni Allah,makipaglaban kayo sa sinumang walang-pananampalataya kay Allah,makipaglaban kayo at huwag kayong manguha ng darambong,at huwag kayong lumabag sa napagkasunduan,at huwag kayong pumatay sa karumal-dumal na pamamaraan,at huwag kayong pumatay ng bata,at kapag nakaharap mo ang kalaban mo mula sa mga pagano,anyayahan mo sila sa tatlong katangin-o sa pamamagitan -At kahit na ano ang isinagot nila sa iyo,tanggapin mo ito mula sa kanila,at pigilan ang iyong kamay sa kanila,pagkatapos ay anyayahan mo sila sa Islam,at kapag sinagot ka nila ay tanggapin mo ito mula sa kanila,pagkatapos ay anyayahan mo sila sa paglipat mula sa mga tahanan nila papunta sa mga tahanan ng mga Nagsilikas(Madinah),At ibalita mo sa kanila,na kapag ginawa nila ito,mapapa-sa kanila ang anumang para sa mga manlilikas(Muhajireen) at mapapa-sa kanila ang (mga karapatan at tungkulin) para sa mga manlilikas(Muhajireen),at kapag tinggihan nila na malipat sila doon,ibalita mo sa kanila na sila ay magiging katulad ng mga Arabong Muslim,maipapatupad sa kanila ang Panuntunan ni Allah-pagkataas-taas Niya,at walang maibibigay sa kanila sa nadambong at sa Al-Fay(kayamanan na nakuha sa mga Kuffar na hindi nakuha sa pakikipaglaban) kahit konti.maliban kung makikipaglaban sila(sa daan ni Allah)kasama ang mga Muslim.At kapag sila ay tumanggi,singilin mo sa kanila ang Buwis,at kapag ito ay tinanggap nila sa iyo,tanggapin mo ito sa kanila,at pigilan mo ang iyong kamay sa kanila,at kapag sila ay tumanggi,humingi ka nang tulong kay Allah at makipaglaban ka sa kanila.At kapag napaligiran mo ang mga tao sa kampo nila,at ninais nila na ilagay mo sila sa Kasunduan ni Allah at Kasunduan ng Propeta Niya,huwag mo silang ilagay sa Kasunduan ni Allah at Kasunduan ng kanyang Propeta,Datapuwat ilagay mo sila sa Kasunduan mo at sa Kasunduan ng mga kasamahan mo,sapagkat ang paglabag sa Kasunduan ninyo at sa Kasunduan ng mga kasamahan ninyo ay mas magaan mula sa paglabag ninyo sa Kasunduan ni Allah at Kasunduan ng kanyang Propeta ,At kapag napaligiran mo ang mga tao sa kampo nila,At ninais nila na ipataw mo sa kanila ang Panuntunan ni Allah,huwag mo itong ipataw sa kanila,ngunit ipataw mo sila sa panuntunan mo,sapagkat hindi mo napag-alaman,kung napag-wasto ba nila ang Panuntunan ni Allah o hindi.
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIpinapahiwatig ni Buraydah malugod si Allah sa kanya-Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag nagpapadala siya ng hukbo o piraso ng mga hukbo upang makipaglaban sa mga walang pananampalataya, magtatalaga siya sa kanila ng pinuno na pahahalagahan niya ang pagkakaisa nila,at aayusin ang kapakanan nila,pagkatapos ay papayuan niya ito ng pagkatakot kay Allah at ng mga kasama nito sa kabutihan,at gagabayan niya sila sa anong nararapat na maging ugali nila sa kanilang mga kalaban.At ang pag-iwas nila sa pagkuha ng nadarambong,at ang paglabag sa napagkasunduan,at ang pagpatay sa karumal-dumal na pamamaraan,at ang pagpatay ng wala sa hustong gulang,at nararapat sa kanila na magsimula sila sa mga pagano sa Pag-aanyaya ng Islam,At kapag tumugon sila nito,Hikayatin ninyo sa kanila ang paglikas sa Madinah at ipaalam ninyo sa kanila na mapapa sakanila ang anumang nasa mga naglikas(Muhajireen) na mga nauna at mapapa-sa kanila ang anumang sa mga naglikas(Muhajireen) mula sa kanilang mga karapatan at mga Tungkulin.At kapag tinanggihan nila ang paglikas tunay na maisasalamuha sila sa tulad na pakikisalamuha sa mga Arab na Muslim,At kapag tinanggihan nila ang Islam,ay singilin ninyo mula sa kanila ang Buwis,At kapag tinanggihan nila ang pagbayad nito,Humingi kayo ng tulong sa Allah at makipag-laban kayo sa kanila,At kapag napaligiran nila ang mga tao sa kampo nila,ay huwag ninyong ibigay ang Kasunduan ni Allah at Kasunduan ng kanyang Propeta,Datapuwat ay ibigay nila sa kanila ang Kasunduan nila,sapagkat ang pagkakalantad sa paglabag ng kasunduan nila ay mas magaan na kasalanan kaysa pagkalantad sa kasunduaan ni Allah at kasunduan ng Sugo Niya dahil doon,At kapag naki-usap sila sa kanila na ipataw ang Panuntunan sa kanila sa Panuntunan ni Allah,ay huwag silang pumataw ng panuntunan na ilalagay nila ito sa panuntunan ni Allah,Sapagkat sila ay maaring hindi nila mapag-wasto sa kanila ang Panutunan ni Allah,Datapuwat, sila ay nakikisalamuha sa kanila sa Panuntunan ng mga sarili nila at mga pagsisikap nila.
Ayon kay `Ubādah bin Aṣ-Ṣāmit, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: O anak ko, tunay ikaw ay hindi makadarama ng lasa ng pananampalataya hanggang sa malaman mo na ang anumang dumapo sa iyo ay hindi nangyaring magmimintis sa iyo at ang anumang nagmintis sa iyo ay hindi nangyaring dadapo sa iyo. Narinig ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagsasabi: "Tunay na ang una sa nilikha ni Allāh, pagkataas-taas Niya, ay ang panulat at nagsabi Siya rito: Sumulat ka! Nagsabi ito: Panginoon ko, at ano po ang isusulat ko? Nagsabi Siya: Isulat mo ang mga pagtatakda sa bawat bagay hanggang sa sumapit ang Huling Sandali." O anak ko, narinig ko ang Sugo ni Allāh, na nagsasabi: "Ang sinumang namatay nang ayon sa hindi ganito, siya ay hindi kabilang sa akin." Sa isang sanaysay batay kay Imām Aḥmad: "Tunay na ang una sa nilikha ni Allāh, pagkataas-taas Niya, ay ang panulat at nagsabi rito: Sumulat ka! Kaya naganap sa sandaling iyon ang anumang mangyayari hanggang sa Araw ng Pagkabuhay." Sa isang sanaysay batay kay Ibnu Wahb, nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Kaya ang sinumang hindi naniniwala sa Pagtatakda: sa mabuti nito at masama nito, susunugin siya ni Allāh sa Impiyerno."
Nagsalaysay nito si Imām Ibnu Wahb sa Qadr - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadSi `Ubādah bin Aṣ-Ṣāmit, malugod si Allāh sa kanya, ay nagtatagubilin sa anak niyang si Al-Walīd ng pananampalataya sa pagtatakda: sa mabuti nito at masama nito, at nililinaw niya rito ang inireresulta ng pananampalataya rito gaya ng mga mabuting bunga at mga magandang kahihinatnan sa Mundo at Kabilang-buhay at ang inireresulta ng pagkakaila sa pagtatakda gaya ng mga kasamaan at mga iniiwasan sa Mundo at Kabilang-buhay. Ipinatutunay niya sa sinasabi niya ang Sunnah ng Sugo, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagpapatibay na si Allāh ay nagtatakda ng mga itinakda at nag-utos sa panulat na isulat ang mga ito bago umiral ang mga nilikhang ito kaya naman walang nagaganap sa Sansinukob na anuman hanggang sa Pagsapit ng Huling Sandali malibang ayon sa tadhana at takda.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Nagsabi si Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan: Ang kapangyarihan ay tapis Ko at ang pagmamalaki ay balabal Ko, kaya ang sinumang makipagtunggali sa Akin sa anuman sa dalawang ito, pagdurusahin Ko siya."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng kapangyarihan at ang pagmamalaki ay dalawang katangiang laan kay Allah. Hindi nakikilahok sa Kanya sa dalawang ito ang iba pa sa Kanya gaya ng hindi pakikilahok sa tao ng ibang tao sa balabal nito at tapis nito na mga kasuutan nito. Ginawa ni Allah, pagkataas-taas Niya, ang dalawang katangiang ito na nakakapit sa Kanya at kabilang sa mga katangian Niya na hindi matatanggap na makilahok sa mga ito ang isa man. Ang sinumang mag-angking nagtataglay ng kapangyarihan at pagmamalaki, nakipagtunggali nga siya kay Allah sa kaharian Niya. Ang sinumang nakipagtunggali kay Allah, pagdurusahin Niya ito.
Ayon kay Abū Dharr, malugod si Allah sa kanya.-Hadith na Marfu- (( Wala sa sinumang lalaki na mag-angkin ng iba sa [tunay] niyang Ama-at siya [ay tiyak] na napag-alaman niya-maliban sa Hindi mananampalataya.At sinuman ang mag-angkin [sa mga bagay] na hindi niya pagmamay-ari;Siya ay hindi kabilang sa amin,at mamili siya ng tahanan na uupuan niya sa Impiyerno.At sinuman ang tumawag sa isang lalaki ng Walang pananampalataya,o nagsabing: Kalaban ni Allah,at hindi ito makatotohanan,maliban sa ito ay babalik sa kanya))
Napagkaisahan ang katumpakanSa Hadith na ito [ay nagpapahayag] ng matinding kaparusahan at tiyak na babala sa sinumang gumawa ng gawain mula sa tatlong ito:papaano pa kayo sa taong gumagawa ng lahat ng bagay na ito?Ang Una nito:Ang mapag-alaman niya ng tiyak ang ama niya;nagpatunay niya ang pamilya niya nguni itinatanggi niya ito at [nagkukunwaring] hindi niya alam,Nag-aangkin ng pamilyang iba [sa pamilya] ng Ama niya,o sa ibang tribo niya.At ang Ikalawa nito:Ang Magkunwari "Na siya ay may Kaalaman" Sa mga bagay na hindi niya pagmamay-ari mula sa Pamilya,o Kayamanan,o Karapatan mula sa mga karapatan,o Gawain mula sa mga gawain,o Kaalaman mula sa mga kaalaman,o mag-angkin ng isang katangian rito,pagsasamantalahan ito at gagamitin sa mukha ng mga tao,at siya ay nagsisinungaling,At ang Kaparusahan niya ay napakalaki,Kung kaya,[nagpahayag ng kawalan ng pananagutan rito ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At ipinag-utos sa kanya ng pumili siya ng paglalagyan niya sa Impiyerno,dahil siya ay mananahanan rito.At ang ikatlo nito:Ang maghagis [magbintang] sa walang muwang ng Kawalang ng Pananampalataya o Hudyo-o Kristiyano,o siya ay Kalaban ni Allah,at ang mga katulad nito ay bumabalik sa kanya ang sinabi niya,Sapagkat siya ang mas-karapat-dapat sa mga ganitong masamang katangian sa isang Muslim,na Nagpapawalang-bahala sa mga masasamang gawain niya at pananalita niya.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: {Nagsabi si Allāh: "Nagpasinungaling sa Akin ang anak ni Adan samantalang hindi naging ukol sa kanya iyon. Nanlait siya sa Akin samantalang hindi naging ukol sa kanya iyon. Hinggil sa pagpapasinungaling niya sa Akin, ang sabi niya: 'Hindi Siya magpapanumbalik sa akin kung paanong nagpasimula Siya sa akin.' Ang unang paglikha ay hindi higit na magaan sa Akin kaysa sa pagpapanumbalik sa kanya. Hinggil naman sa panlalait niya sa Akin, ang sabi niya: 'Gumawa si Allāh ng anak.' Ako ay ang Kaisa-isa, ang Dulugan. Hindi Ako nagkaanak at hindi Ako ipinanganak. Hindi nagkaroon sa Akin ng isang kapantay na isa man."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyNaglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa banal na ḥadīth na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nagpabatid tungkol sa mga tagapagtambal at mga tagatangging sumampalataya na sila ay nagpapasinungaling sa Kanya at naglalarawan sa Kanya sa mga kakulangan at mga kapintasan samantalang hindi naging nararapat sa kanila iyon. Hinggil sa pagpapasinungaling nila kay Allāh, ito ang pag-aangkin nila na si Allāh ay hindi magpapanumbalik sa kanila matapos ng kamatayan nila sa ikalawang pagkakataon gaya ng pagkalikha sa kanila sa unang pagkakataon mula sa wala. Tumugon Siya sa kanila na ang nagpasimula sa paglikha mula sa kawalan ay nakakakaya sa pagpapanumbalik sa kanila, bagkus higit na madali, kahit pa ang usapin hinggil sa pagkakaugnay kay Allāh ay magkapantay ang paglikha at ang pagpapanumbalik sapagkat si Allāh sa bawat bagay ay may-kakayahan. Hinggil naman sa panlalait nila, ang sabi nila na tunay na Siya ay may anak. Tumugon Siya sa kanila na Siya ay ang Kaisa-isang namumukod-tangi sa lahat ng mga kakumpletuhan sa mga pangalan Niya at mga katangian Niya at mga gawain Niya, ang pinawalang-kinalaman sa bawat kakulangan at kapintasan, ang Dulugan na hindi nangangailangan ng isa man samantalang nangangailangan sa Kanya ang bawat isa. Hindi Siya naging ama sa isa man at hindi Siya naging anak sa isa man. Hindi Siya nagkaroon ng kapantay na katulad o katapat (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya).
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya: Ipinagkatiwala ni Allāh ang matris sa isang anghel at nagsabi ito: "O Panginoon ko, punlay; o Panginoon ko, malalinta; o Panginoon ko, kimpal." Kaya kapag ninais ni Allāh na tapusin ang paglikha roon, magsasabi ito: "O Panginoon ko, lalaki po ba o babae? Hapis po ba o maligaya? Kaya ano po ang panustos? Kaya ano po ang taning?" Nagsusulat ng gayon habang nasa tiyan ng ina niya.
Napagkaisahan ang katumpakanNagsasabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Tunay na si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay nagtalaga ng isang anghel para sa sinapupunan. Nangangahulugan ito: Tunay na si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay naglagay ng isa sa mga anghel bilang tagapangalaga sa kapakanan ng sinapupunan, ang lugar na tinutubuan ng bata sa tiyan ng ina nito. Nagsasabi ang anghel na ito: "O Panginoon ko, punlay..." Nangangahulugan ito: O Panginoon ko, ito ay punlay." Ang punlay ay ang likido ng lalaki. Ang tulad nito ay ang pagkatapos sa sinabi nito: "O Panginoon ko, malalinta..." Nangangahulugan ito: "O Panginoon ko, ito ay malalinta." Ang malalinta ay ang dugong namuo. Pagkatapos ay nagsasabi ito: "O Panginoon ko, kimpal..." Nangangahulugan ito: "O Panginoon ko, ito ay kimpal." Ang kimpal ay isang piraso ng laman. Nilinaw sa ibang sanaysay na ang haba ng bawat isa sa mga yugtong ito ay apatnapung araw. Pagkatapos ay nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Kaya kapag ninais ni Allāh na tapusin ang paglikha roon" ay tumutukoy sa kimpal dahil ito ang pinakahuli sa mga yugto. Ang tinutukoy ng pagtapos ay ang pagwawakas sa paglikha nito. Iyon ay sa pamamagitan ng pag-ihip ng kaluluwa roon gaya ng paglilinaw roon ng ibang sanaysay. Iyon ay matapos ang 120 araw. Nagsasabi ang anghel: "O Panginoon ko, lalaki po ba o babae?" O Panginoon ko, siya ba ay lalaki at itatala ko o babae? "Hapis po ba o maligaya?" Nangangahulugan ito: "Siya ba ay hapis na mapabibilang sa mga maninirahan sa Impiyerno at itatala ko o maligayang mapabibilang sa mga maninirahan sa Paraiso at isusulat ko ang gayon? "Kaya ano po ang panustos?" Nangangahulugan ito: "Kaunti ba o marami at ano ang sukat niyon?" "Kaya ano po ang taning?" Nangangahulugan ito: "Kaya ano ang edad? Mahaba o maikli?" "Nagsusulat ng gayon habang nasa tiyan ng ina niya." Nangangahulugan ito: "Nagsusulat ng nabanggit gaya ng ipinag-utos sa kanya ni Allāh sa kalagayang ang bata ay nasa tiyan ng ina nito."
Ayon kay Ibnu `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: "Ang luklukan ay lagayan ng dalawang paa at ang trono ay hindi natataya ng isa man ang sukat niyon."
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Khuzaymah sa At-Tawhid - Isinaysay ito ni Abdullah na anak ni Imām Aḥmad sa Sunnah"Ang luklukan ay lagayan ng dalawang paa..." Nangangahulugan itong: Ang luklukang iniugnay ni Allāh sa sarili Niya ay ang "lagayan ng dalawang paa Niya," pagkataas-taas Niya. Ang kahulugang binanggit ni Ibnu `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, kaugnay sa "luklukan" ay ang tanyag sa mga Alagad ng Sunnah. Ito ay ang napangalagaang kaalaman. Ang naisaysay na ang "luklukan" ay ang kaalaman ay hindi napangalagaang kaalaman. Gayon din ang naisaysay buhat kay Al-Ḥasan na ang "luklukan" ay ang "trono" ay mahinang walang natumpak na sanaysay hinggil doon. "Ang trono ay walang isang nakatataya sa sukat nito." Nangangahulugan itong ang trono na niluklukan si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay dakilang nilikha. Tungkol naman sa sukat nito, laki nito, at luwang nito, walang nakaaalam sa mga ito maliban kay Allāh, pagkataas-taas Niya.
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allāh sa kanya: May isang Hudyong pumunta sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi: "O Muḥammad, tunay na si Allāh ay humahawak sa mga langit sa isang daliri, sa mga lupa sa isang daliri, sa mga bundok sa isang daliri, sa mga punong-kahoy sa isang daliri, sa mga nilikha sa isang daliri. Pagkatapos ay nagsasabi Siya: Ako ang Hari." Kaya tumawa ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, hanggang sa lumitaw ang mga bagang niya. Pagkatapos ay bumigkas siya (Qur'ān 39:67): Hindi sila nagsaalang-alang kay Allāh ng totoong pagsaalang-alang sa Kanya."
Napagkaisahan ang katumpakanAng ḥadīth na ito ay nagpapatunay sa kadakilaan ni Allāh, pagkataas-taas Niya, yayamang inilagay Niya ang mga langit, ang lahat ng mga ito, sa isa sa mga marangal na dakilang daliri Niya. Inisa-isa ng Hudyo ang mga nilikhang kilala sa pagkakalikha ayon sa kalakihan at kadakilaan. Binanggit nito na ang bawat uri sa mga ito ay inilalagay ni Allāh sa isang daliri. Kung ninais ni Allāh, talagang inilagay na sana Niya ang mga langit at ang mga lupa at ang sinumang nasa mga ito sa iisa sa mga daliri ng kamay Niya, kapita-pitagan Siya at kataas-taasan. Ito ay kabilang sa kaalamang minana buhat sa mga propeta, na natanggap mula sa pagsisiwalat mula kay Allāh, pagkataas-taas Niya. Dahil dito pinaniwalaan ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pananalita ng isang Hudyo, bagkus nagpahanga sa kanya iyon at ikinatuwa niya. Dahil dito, tumawa siya hanggang sa lumitaw ang mga bagang niya, bilang paniniwala rito gaya ng sinabi ni `Abdullāh bin Mas`ūd sa ibang sanaysay tungkol sa kanya. Binigkas ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang sabi ni Allāh (Qur'ān 39:67): "Hindi sila nagsaalang-alang kay Allāh ng totoong pagsaalang-alang sa Kanya. Ang buong Lupa ay isang dakot Niya sa Araw ng Pagkabuhay at ang mga Langit ay mga nakatupi sa kanang kamay Niya. Maluwalhati Siya at pagkataas-taas Niya kaysa sa anumang itinatambal nila sa Kanya." Naglalaman ito ng pagpapatunay sa mga kamay ni Allāh, pagkataas-taas Niya, bilang pagbibigay-diin at pagkilala sa sinabi ng Hudyo. Walang pagsasaalang-alang sa sabi ng sinumang umayon sa Ta`ṭīl (pag-aalis ng kahulugan sa katangian ni Allāh) at nagkakaila sa katangian ng pagkakaroon ng mga daliri ni Allāh sa pag-aakalang ang pagpapatibay rito para kay Allāh ay pagwawangis sa Kanya sa nilikha Niya. Hindi nalalaman ng naniniwala sa Ta`ṭīl na ang pagkilala sa katangiang ito kay Allāh, pagkataas-taas Niya, ay hindi humihiling ng pagwawangis. Tayo ay kumikilala para sa Kanya, pagkataas-taas Niya, ng pagkakaroon ng buhay, kakayahan, lakas, pandinig, at paningin ngunit hindi ito humihiling ng pagwawangis sa Kanya sa nilikha Niya yayamang tunay na Siya, napakamaluwalhati Niya, ay (Qur'ān 42:11): "Walang katulad sa Kanya na anumang bagay, at Siya ay ang Nakaririnig, ang Nakakikita."