





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Samurah bin Jundub, malugod si Allah sa kanya-hadith na marfu :((Kabilang sa kanila ang linalamon ng apoy hanggang sa kanyang bukong-bukong,at kabilang sa kanila ang linalamon nito hanggang sa kanyang dalawang tuhod,at kabilang sa kanila ang linalamon nito hanggang sa kanyang balakang,at kabilang sa kanila ang linalamon nito hanggang sa kanyang balagat))
Nagsalaysay nito si Imām MuslimSa Hadith ay nagpapahiwatig ng pagkatakot sa Araw ng pagkabuhay at sa kaparuhan ng apoy sa Impiyerno,sapagkat ipinahayag ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na kabilang sa mga tao,sa Araw ng pagkabuhay,ang umaabot ang apoy sa kanila hanggang sa dalawang bukong-bukong,at hanggang sa dalawang tuhod,at hanggang sa balakang,at mayroon sa kanila ang umaabot hanggang sa leeg" Ang mga tao ay magkakaiba sa parusa,batay sa kanilang mga gawain sa mundo,Hilingin natin kay Allah ang kaligtasan
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Nagsabi si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas): O Anak ni Adan, tunay na ikaw, hanggat dumalangin ka sa Akin at umasa ka sa Akin, magpapatawad Ako sa iyo sa anumang nasa iyo at hindi Ako papansin. O Anak ni Adan, kung sakaling umabot ang mga pagkakasala mo sa mga ulap ng langit, pagkatapos humingi ka ng tawad sa Akin, magpapatawad Ako sa iyo at hindi Ako papansin. O Anak ni Adan, kung sakaling nagdala ka sa Akin ng kasinglaki ng lupa na mga kamalian, pagkatapos nakipagkita ka sa Akin nang hindi nagtatambal sa Akin ng anuman, talagang maghahatid nga Ako sa iyo ng kasinglaki nito na kapatawaran."}
Nagsalaysay nito si Imām At-TirmidhīyNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) ay nagsabi sa banal na ḥadīth: O Anak ni Adan, hanggat namalagi kang dumadalangin sa Akin at umaasa sa awa Ko at hindi ka nalalagutan ng pag-asa, magtatakip Ako sa pagkakasala mo at magpapawi Ako nito habang hindi pumapansin nito, kahit pa man itong pagkakasalang ito at pagsuway ay kabilang sa malalaking kasalanan. O Anak ni Adan, kung sakaling dumami ang mga pagkakasala mo nang isang pagdaming pumupuno sa nasa pagitan ng langit at lupa kung saan umaabot ang mga ito sa mga rehiyon niyon at lumalaganap ang mga ito sa mga dako niyon, pagkatapos humingi ka ng tawad sa Akin, magpapawi Ako at magpapatawad Ako sa iyo ng lahat ng mga ito habang hindi pumapansin sa dami ng mga ito. O Anak ni Adan, tunay na ikaw – kung sakaling naghatid ka sa Akin matapos ng kamatayan ng kasimpuno ng lupa na mga pagkakasala at mga pagsuway at ikaw nga ay namatay na isang monoteista na hindi ka nagtatambal sa Akin ng anuman – ay talagang tatapatan Ko itong mga pagkakasala at mga pagsuway ng kasimpuno ng lupa na pagpapatawad dahil Ako ay Malawak ang pagpapatawad at nagpapatawad ng lahat ng mga pagkakasala maliban sa Shirk.
Mula kay Jabir Bin Abdillah -Malugod ang Allah sa kanilang dalawa- Marfuw'an: ((Bubuhayin ang bawat alipin ayon sa kalagayan ng kanyang pagkakamatay)).
Nagsalaysay nito si Imām MuslimBubuhayin ang bawat alipin sa Araw ng Pagkabuhay base sa sitwasyon ng kanyang pagkamatay.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mananampalatayang malakas ay higit na mabuti at higit na kaibig-ibig kay Allāh kaysa sa mananampalatayang mahina. Sa bawat kabutihan, magsigasig ka sa magpapakinabang sa iyo, magpatulong ka kay Allāh, at huwag kang panghinaan. Kung may tumama sa iyo na anuman ay huwag kang magsabi: 'Kung sakaling ako ay gumawa ng ganito, naging ganito at ganito sana,' subalit magsabi ka: 'Ang pagtatakda ni Allāh at ang anumang niloob Niya ay ginawa Niya,' sapagkat tunay na [ang katagang] 'kung sakali' ay nagbubukas sa gawain ng demonyo."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNaglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mananampalataya ay mabuti sa kabuuan nito subalit ang mananampalatayang malakas sa pananampalataya nito, pagtitika nito, yaman nito, at iba pa sa mga ito kabilang sa mga anyo ng lakas ay higit na mabuti at higit na kaibig-ibig kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) kaysa sa mananampalatayang mahina. Pagkatapos nagtagubilin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mananampalataya ng paggamit ng mga kadahilanan sa magpapakinabang sa kanya na mga nauukol sa Mundo at Kabilang-buhay, kasama ng pag-asa kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya), pagpapatulong sa Kanya, at pananalig sa Kanya. Pagkatapos sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa panghihina, katamaran, at pagbibigat-bigatan sa paggawa ng magpapakinabang sa kanya sa Mundo at Kabilang-buhay. Kaya kapag nagsumikap ang mananampalataya sa gawain, gumamit ng mga kadahilanan habang nagpapatulong kay Allāh, at humiling ng kabutihan mula kay Allāh, walang kailangan sa kanya matapos ng mga ito kundi na magpaubaya siya ng nauukol sa kanya sa kabuuan nito kay Allāh. Alamin niya na ang pagpili ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay ang kabutihan. Kaya kapag dinapuan siya matapos niyon ng isang kasawian, huwag siyang magsabi: "Kung sana ako ay gumawa ng ganito at ganito ..." sapagkat tunay na [ang katagang] "kung sana" ay nagbubukas sa gawain ng demonyo" sa pagtutol sa pagtatakda at panghihinayang sa nakaalpas, subalit magsabi siya habang sumusuko at nalulugod: "'Nagtakda si Allāh at ang anumang niloob Niya ay ginawa Niya." Kaya ang anumang naganap, ito lamang ay ayon sa hinihiling ng anuman ninais ni Allāh sapagkat tunay na Siya ay Palagawa ng ninanais Niya at walang tagapagtulak sa pagtatadhana Niya at walang tagapagpabago sa kahatulan Niya.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Tunay na si Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ay magsasabi sa Araw ng Pagkabuhay: 'O Anak ni Adan, nagkasakit Ako at hindi ka dumalaw sa Akin!' Magsasabi ito: 'O Panginoon ko, papaano akong dadalaw sa Iyo samantalang Ikaw ang Panginoon ng mga nilalang?' Magsasabi Siya: 'Hindi mo ba nalamang ang lingkod Kong si Polano ay nagkasakit, at hindi mo siya dinalaw? Hindi mo ba nalamang ikaw, kung sakaling dumalaw ka sa kanya, ay talagang nakasumpong sana sa Akin sa piling niya? O anak ni Adan, humingi Ako ng pagkain sa iyo at hindi mo Ako pinakain!' Magsasabi ito: 'Panginoon ko, papaano akong magpapakain sa Iyo samantalang Ikaw ang Panginoon ng mga nilalang?' Magsasabi Siya: 'Hindi mo ba nalamang humingi ng pagkain sa iyo ang lingkod Kong si Polano at hindi mo siya pinakain? Hindi mo ba nalamang ikaw, kung sakaling pinakain mo siya, ay talagang nakasumpong sana niyon sa piling Ko? O anak ni Adan, humingi Ako ng inumin sa iyo at hindi mo Ako pinainom!' Magsasabi ito: 'Panginoon ko, papaano akong magpapainom sa Iyo samantalang Ikaw ang Panginoon ng mga nilalang?' Magsasabi Siya: 'Hindi mo ba nalamang humingi ng inumin sa iyo ang lingkod Kong si Polano at hindi mo siya pinainom? Hindi mo ba nalamang ikaw, kung sakaling pinainom mo siya, ay talagang nakasumpong sana niyon sa piling Ko?'"
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAyon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Magsasabi si Allah, pagkataas-taas Niya, sa Araw ng Pagkabuhay: 'O anak ni Adan nagkasakit Ako at hindi mo Ako dinalaw.' Magsasabi ito: 'Papaano akong dadalaw sa Iyo samantalang Ikaw ang Panginoon ng mga nilalang?'" Nangangahulugan ito: "samantalang Ikaw ay walang pangangailangan sa akin upang dumalaw ako sa Iyo." Magsasabi Siya: "Hindi mo ba nalamang ang lingkod Kong si Polano ay nagkasakit at hindi mo siya dinalaw? Samantala, tunay na ikaw, kung sakaling dinalaw mo siya, ay talagang makatatagpo sana sa Akin sa piling niya." Ang ḥadīth na ito ay walang suliranin hinggil sa sabi Niya, pagkataas-taas Niya: "nagkasakit Ako at hindi mo Ako dinalaw." Ito ay dahil sa si Allah, pagkataas-taas Niya, ay imposible sa Kanya ang pagkakasakit dahil ang pagkakasakit ay katangian ng kakulangan samantalang si Allah ay malayo sa bawat kakulangan, bagkus ang ibig sabihin ng pagkakasakit ay pagkakasakit ng isa sa mga lingkod Niyang matutuwid. Ang mga tinangkilik ni Allah, napakamaluwalhati Niya, ay itinatangi Niya. Dahil dito sinabi Niya: "Hindi mo ba [nalamang] ikaw, kung sakaling dumalaw ka sa kanya, ay talagang nakasumpong sana sa Akin sa piling niya?" Hindi Niya sinabi: "talagang nakasumpong [ka] niyon sa piling ko" gaya ng sinabi Niya hinggil sa pagkain at inumin. Bagkus sinabi Niya: "talagang nakasumpong [ka] sana sa Akin sa piling niya." Ito ay nagpapatunay sa kalapitan ng maysakit kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan. Dahil dito, sinabi ng mga pantas: "Tunay na ang maysakit ay karapat-dapat sa pagtugon ng panalangin kapag dumalangin siya para sa isang tao o dumalangin siya laban sa isang tao." Ang sabi Niya: "O anak ni Adan, humingi Ako ng pagkain sa iyo at hindi mo Ako pinakain" ay nangangahulugan: "humiling Ako mula sa iyo ng pagkain at hindi mo Ako pinakain." Alam [natin] na si Allah, pagkataas-taas Niya, ay hindi humihiling ng pagkain para sa sarili Niya dahil ang sabi ni Allah, mapagpala Siya at pagkataas-taas: "samantalang Siya ay nagpapakain at hindi pinakakain" (Qur'an 6:14) Siya ay walang pangangailangan sa bawat bagay: hindi Siya nangangailangan ng pagkain ni inumin. Subalit nagutom ang isa sa mga lingkod ni Allah at nalaman iyon ng isang tao ngunit hindi niya pinakain iyon. Nagsabi si Allah, pagkataas-taas Niya: "Hindi mo ba [nalamang] ikaw, kung sakaling pinakain mo siya, ay talagang nakasumpong sana niyon sa piling Ko?" Nangangahulugan ito: talagang nasumpungan mo sana ang gantimpala niyon sa piling Ko na nakaimbak para sa iyo ang magandang ganti na sampung tulad ng gantimpala niyon hanggang sa pitong daang ulit [o] hanggang sa maraming ulit. Ang sabi Niya: “O Anak ni Adan, humingi Ako ng inumin sa iyo.” Ibig sabihin: Humiling Ako mula sa iyo na painumin mo Ako at hindi mo Ako pinainom.” Nagsabi ito: “Papaano akong magpapainom sa Iyo samantalang Ikaw ang Panginoon ng mga nilalang?” Nangangahulugan ito: Wala akong pangangailangan sa pagkain ni inumin. Nagsabi Siya: “Hindi mo ba nalaman na ang lingkod Kong si Polano ay nauhaw o humingi ng inumin sa iyo at hindi mo siya pinainom? Hindi mo ba nalamang ikaw, kung sakaling pinainom mo siya, ay talagang nakasumpong sana niyon sa piling Ko?” Ang pagpapainom sa sinumang humiling mula sa iyo ng inumin, at pinainom mo naman, ay magsasanhi sa iyo na makasumpong dahil doon sa piling ni Allah ng nakaimbak na magandang ganti na sampung tulad ng gantimpala niyon hanggang sa pitong daang ulit [o] hanggang sa maraming ulit.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya: "Walang isang propetang hindi nga nagbabala sa kalipunan niya laban sa kirat na palasinungaling. Pakatandaan, tunay na siya ay kirat at tunay na ang Panginoon ninyo, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ay hindi kirat. May nakasulat sa pagitan ng mga mata niya na KFR."
Napagkaisahan ang katumpakanAng bawat propetang isinugo ni Allah ay nagbabala sa mga kalipunan nito at pinag-ingat nito sila laban sa Bulaang Kristo dahil sila ay nakaalam hinggil sa paglabas niya at sa tindi ng tukso niya. Nagpaliwanag sila ng isang bagay sa mga katangian niya. Nabanggit sa ḥadīth na ito na siya ay kirat samantalang si Allah, napakamaluwalhati Niya, malayo sa katangiang ito. Kabilang din sa mga katangian niya ay may nakasulat sa pagitan ng mga mata niya na KFR.
Ayon kay Hudhaifah Bin Al-yaman at Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Hadith na marfu: ((Iipunin ni Allah-mapagpala Siya at pagkataas-taas-ang mga tao,tatayo ang mga tao hanggang sa lalapit sa kanila ang Paraiso,pupunta sila kay Propeta Adam-sumakanya ang pagpapala ni Allah,At sasabihin nila: O ama namin! Hilingin ninyo na mabuksan sa amin ang Paraiso,at sasabihin niya:At hindi ba`t walang nagpalabas sa inyo sa Paraiso maliban sa kamalian ng ama ninyo! Hindi ako ang nagmamay-ari [ng karapatan na] iyan,pumunta kayo sa anak kong si Propeta Ibrahim na kaibigan ni Allah,Nagsabi siya: At pupunta sila kay Propeta Ibrahim at sasabihin ni Propeta Ibrahim: Hindi ako ang nagmamay-ari [ng karapatan na] iyan ,ako ay isang kaibigan lamang sa likod at likod [pa],Sumadya kayo kay Propeta Musa,na siyang kinakausap ni Allah sa salita Niya,at pupunta sila kay Propeta Musa;at sasabihin niya: Hindi ako ang nagmamay-ari [ng karapatan na] iyan,Pumunta kayo kay Ppropeta `Isah,na siya salita ni Allah at kaluluwa niya [ay galing sa Knya],Sasabihin ni Isah: Hindi ako ang nagmamay-ari [ng karapatan na] iyan;At pupunta sila kay Propeta Muhammad-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-tatayo siya at pahihintulutan ito sa kanya,at ipapadala ang Tiwala at ang pag-uugnayan,tatayo silang dalawang magkabilaan sa gilid ng Assirat [tulay],sa kanan at kaliwa,at tatawid ang una sa inyo na parang kidlat)) Sinabi kong: Sumpa man sa aking ama at ina; Sa papaanong bagay na sila ay dadaan na parang kidlat? Nagsabi siya: (( Hindi ba ninyo nakikita kung paano dumaan at bumalik sa isang kisap mata lamang,Pagkatapos ay katulad ng hangin,pagkatapos ay katulad ng ibon,at ang pinakamalakas sa kalalakihan ay tumatakbo batay sa [bilis ng] kanilang [paggawa ng mabuting] gawain,At ang inyong Propeta ay nakatayo sa Assirat [tulay],at sinasabing: Panginoon! Ang Iyong pangangalaga,Ang Iyong pangangalaga! Hanggang sa mawalan ng kakayahan ang mga gawain ng lingkod,Hanggang sa dumating ang lalaking walang kakayahang lumakad maliban sa paggapang,at sa dalawang gilid ng Assirat [tulay] ay pantusok na nakasabit at napag-utusang kumuha sa sinumang tumawid rito,kaya`t [ang iba ay magiging ] gutay-gutay na ligtas at [ang iba ay] kakalagkarin sa Impiyerno)) Sumpa sa buhay ni Abe Hurayrah na nasa Kamay Niya,Tunay na ang ilalim ng Impiyerno ay [nasa tagal na] pitumpong taon
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIipunin ni Allah ang mga tao sa Araw ng Pagkabuhay para sa paghahatol at pagbabayad,Tatayo ang mga mananampalataya hanggang sa lalapit sa kanila ang Paraiso,at hindi ito mabubuksan sa kanila dahil sa tagal ng pagtayo sa Araw ng Pagkabuhay,Pupunta sila kay Propeta Adam-sumakanya ang pagpapala--makikiusap sila sa kanya na hilihingin niya sa Allah na buksan ang Paraiso para sa kanila,tatanggihan niya sila sapagkat hindi siya ang nararapat doon,ito ay dahil sa kasalanan niya na naging dahilan ng paglabas nilang lahat sa Paraiso,kaya ipapadala niya sila kay Propeta Ibrahim-sumakanya ang pagpapala- sapagkat siya ay kaibigan ni Allah,at ang kaibigan ay higit na mataas sa antas ng pagmamahal,kaya pupunta sila kay Propeta Ibrahim,at sasabihin niya sa kanila:wala sa akin aang ganoong kataas na antas,Pumunta kayo kay Propeta Musa-sapagkat tunay na si Allah-napakamaluwalhati Niya-ay kinausap siya ng walang pagitan,Pupunta sila kay Musa,at sasabihin niya sa kanila: Hindi ako karapat-dapat doon,pumunta kayo kay Propeta Isah,at sasabihin niya sa kanila:Hindi ako karapat-dapat doon,at pupunta sila sa Propeta nating si Muhammad-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at makikiusap sila sa kanya na hilingin niya sa Allah na ihiwalay ang pagitan nila,at buksan sa kanila ang Paraiso,tutugunan niya sila,at hihiling siya [sa Allah] at papayagan ito sa kanya,At darating ang tiwala at pakikipag-ugnayan,tatayo sila sa magkabilaang gilid ng Assirat [tulay],ito ay tulay na pahaba sa itaas ng Impiyerno,at tatawid ang mga rito batay sa gawain nila,Ang sinuman ang sa [panahaon niya] sa mundo na siya ay mabilis sa paggawa ng kabutihan,siya ay magiging mabilis [sa pagtawid] sa tulay na ito,at gayundin ang kabaliktaran ,kabilang sa kanilang ang maliligtas,at ang iba ay mahuhulog sa Impiyerno,at ang ilalim ng Impiyerno ay hindi maaabot maliban sa pitumpong taon,dahil sa layo nito,Ang pagpapakupkop ay sa Allah
Ayon kay Abū Wāqid Al-Laythīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), noong pumunta siya sa Ḥunayn, ay naparaan sa isang punong-kahoy ng mga tagapagtambal, na tinatawag na Dhāt Anwāṭ, na nagsasabit sila rito ng mga sandata nila. Kaya nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, gumawa ka para sa amin ng isang Dhāt Anwāṭ kung paanong mayroon silang Dhāt Anwāṭ." Kaya nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kaluwalhatian kay Allāh! Ito ay gaya ng sinabi ng mga tao ni Moises: {gumawa ka para sa amin ng isang diyos kung paanong mayroon silang mga diyos.”} (Qur'ān 7:138) Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, talagang sasakay nga kayo sa kalakaran ng mga bago ninyo!"}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām AḥmadPumunta ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Ḥunayn, na isang lambak sa pagitan ng Ṭā'if at Makkah. Kasama sa kanya ang ilan sa mga Kasamahan na pumasok sa Islām kamakailan. Naparaan sila sa isang punong-kahoy na tinatawag na Dhāt Anwāṭ, na ang ibig sabihin ay may mga isinabit. Ang mga tagapagtambal noon ay dumadakila rito at nagsasabit dito ng mga sandata nila at iba pa dala ng paghiling ng pagpapala. Kaya naman humiling sila sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na gumawa siya para sa kanila ng isang punong-kahoy tulad niyon, na sasabitan nila ng mga sandata nila para sa paghiling ng pagpapala dala ng isang pagpapalagay mula sa kanila na ito ay isang bagay na pinapayagan. Kaya nagluwalhati kay Allāh ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dala ng pagmamasama sa pagkakasabing ito at dala ng pagdakila kay Allāh. Nagpabatid siya na ang pagkakasabing ito ay nakawawangis sa pagkasabi ng mga tao ni Moises dito: {gumawa ka para sa amin ng isang diyos kung paanong mayroon silang mga diyos.”} (Qur'ān 7:138) Noong nakakita sila ng mga sumasamba sa mga anito, humiling sila na magkaroon sila ng mga anito kung paanong mayroong mga anito ang mga tagapagtambal. Ito ay isang pagsunod sa pamamaraan ng mga iyon. Pagkatapos nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Kalipunang ito ay susunod sa pamamaraan ng mga Hudyo at mga Kristiyano at gagawa ng gawain nila. Nagbigay-babala siya laban doon.
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {May isang lalaking pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsalita ito sa kanya kaugnay sa ilang bagay saka nagsabi ito: "Ang niloob ni Allāh at niloob mo!" Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Gumawa ka ba sa akin bilang katumbas kay Allāh? Sabihin mo: Ang niloob ni Allāh – tanging Siya."}
Nagsalaysay nito sina Imām An-Nasā’īy sa Al-Kubrā, Imām Ibnu Mājah, at Imām AḥmadMay dumating na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsalita ito sa kanya kaugnay sa isang nauukol dito. Pagkatapos nagsabi ito: "Ang niloob ni Allāh at niloob mo!" Kaya nagmasama rito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagkasabing ito at nagpabatid siya rito na ang pagdugtong ng kalooban ng nilikha sa kalooban ni Allāh sa pamamagitan ng AT ay isang Maliit na Shirk, na hindi pinapayagan sa Muslim na bumigkas nito. Pagkatapos gumabay siya rito sa tamang pagsabi: "Ang niloob ni Allāh – tanging Siya." Kaya naman ibinubukod-tangi si Allāh sa kalooban Niya at hindi idinudugtong sa Kanya ang kalooban ng isa man sa pamamagitan ng alinmang uri kabilang sa mga uri ng pagdurugtong.